Tuesday, November 16, 2010

The Newbie, The Sophomore and the Veteran Part 2

the newbie


Part 2: John Austin


“Austin, what’s this?! Nag shift ka na naman nag course?!!” ang mommy ni Austin. “Ayoko na ng Engineering. Nakita nyo naman ung mga grades ko di ba?” si Austin habang nag lalaro ng PSP.

“My God, this is the 3rd time na nag shift ka ng course. Una Business Management then ECE tapos ngayon.. what, Education!! What’s going through your mind?” pasinghala na sabi sa kanya ng kanyang Mama.

“Ma, look. Kaya ko kinuha ang Business Management because of Dad. Then after what happened to him and Kuya you asked me to shift to ECE kasi sabi mo pangarap un ni Kuya. Pero hindi yun ang gusto ko.” Si Austin na ngayon ay naka tingin sa Mama nya.

“Pinag bigyan ko kayo sa lahat ng gusto nyo, maybe this time baka pwede ung gusto ko naman, ung magiging masaya ako.” Pag papatuloy ni Austin.

Isang buntong hininga ang pinakawalan ng kanyang Mama bago ito nag salita. “I just want the best for you, son. After what happened to your Dad and Kuya.. you’re the only one left to me. I just want you to have the best that this world could offer” ang Mama nya habang hawak ang kanyang balikad.

“Ma, what’s best for me is to do the things that make me happy. To see myself enjoying every single day of my life. To be understand and to be love by the people around me. Un ang best para sa akin.” Si Austin.

Naglakad palayo si Austin patungo sa kanyang kwarto at iniwan ang kanyang Mama sa kanilang salas. Pag dating sa kwarto, pabagsak nyang inihiga ang kanyang katawan. Ipinikit ang kanyang mga mata ngunit di pa man tumatagal na nakapikit ay muling bumalik ang masamang ala-ala. Isang masamang panaginip na lagi syang sinusundan kahit saan man sya mag punta.

Siya si John Austin Hernandez, bunso sa 2 mag kapatid. 20 years old, 5’11, maputi, gym buff. Heartthrob kung maituturing sa kanyang eskwelahan. Pero sa likod ng matikas na pangangatawan at gwapong mukha ay nag tatago ang isang sikreto ni Austin. Lumaki sya na masagana ang buhay. Businessman ang kanyang Ama at may ari ng isang Salon at Spa ang kanyang Ina. Masasabing sunod sa luho silang magkapatid mula pagkabata, ngunit hindi sila nakitaan ng pagpapabaya sa pag aaral. Pareho silang magkapatid na honor student mula pre-school hanggang high school.

Si Marco Kier ang pangalan ng kuya nya. Matanda ng 2 taon sa kanya. Tulad nya gwapo at may ipagmamalaki din si Kier. Ngunit hindi na pinahintulutan ng Diyos na tumagal pa si Kier. 10 years ago ng mangyari ang isang malagim na aksidente na bumago sa takbo ng buhay ng mga Hernandez.
Isang car accident ang nagyari habang papunta sa isang business trip ang kanyang Ama kasama ang kanyang kuya bilang graduation gift dito. Papunta sila ng Subic nang mabangga ng isang bus ang kotseng sinisakyan ng kanyang Ama at kuya. Dead on the spot pareho. Simula noon ay nagbago na ang buhay nila. It took him and his Mom 10 years bago matanggap ang nangyari.

Pero gaya nga ng sabi nila, life must go on. At yun ang ginagawa ni Austin ngayon. He live the normal life again. Para sa kanya, life is too short and too beautiful, crying over a spilled milk wont make any good. Aaminin nya na nahirapan syang tanggapin ang pagka wala ng nag iisa nyang kapatid, kaya lahat ng grades nya mula Business Management course at ECE ay puro pasang awa. Wala syang ganang mag aral. Walang ganang ipag patuloy ang kanyang pangarap. Ang kuya nya ang lagi nyang takbuhan pag may problema sya. Sa school, sa barkada lalo na sa lovelife nya. Oo, tanging kuya nya lang ang nakaka alam ng lihim nya. Isang lihim na hindi nya alam kung matatanggap ng kanyang Mama pag nalaman nya ito. Ngayong wala na ang kanyang kuya, pakiramdam nya, mag isa na sya. Walang kakampi.. walang nagmamahal at umiintindi sa lahat ng nararamdaman nya.

Wala ang atensyon nya sa mga nagpapa kilala, ang iba sa kanila kasi ay mga naging kaklase na nya sa ibang minor subjects. Nasa gitna sya ng pag mumuni muni nang isang boses ang pumukaw sa kanyang atensyon. Nang lingunin nya ito ay tila na hipnotismo sya sa kanyang nakita. Tila isang anghel na mula sa langit ang taong kanyang tinititigan. Ang mapupulang labi nito, makapal na kilay na bagay na bagay sa singkit nitong mga mata. Tila parang musikang paulit ulit na tumutugtog sa kanyang tenga ang pangalan ng taong tinitignan nya. Malakas ang tibok ng kanyang dibdib, tila silang dalawa ang tao sa mundo ng mga oras na yon. Hanggang sa matapos mag salita ang taong yun at muling umupo ay hindi pa rin nya pa rin inalis ang pagkaka tingin nya dito.

Aki Shino-bi.. ang tanging sinasambit ng kanyang isipan.. pati ng kanyang puso.

Ngayon na lang ulet sya nakaramdam nito. Love at first sight? Oo, kasi hindi pa sya nagka mali sa naramdaman nya para sa isang tao. Huling beses nyang naramdaman ang kanitong pakiramdam ay sa unang taong minahal nya. Si Gabriel.
Muli nakaramdam sya ng lungkot. Pangungulila. Pag iisa. Parang binalot ng malamig na pakiramdam ang buo nyang katawan. Lagi nya itong nararamdaman pag nalulungkot sya, nag simula ito ng pumanaw ang Ama at Kuya nya. Naramdaman nya ang pag init ng kanyang mga mata..nagbabadya ang mga luha na pumatak mula sa kanyang mga mata.

“Okay, class. I’ll dismiss you earlier since this our first meeting and I’ll see you all next meeting.” Pag a announce ng kanilang professor.

Nagsi tayuan ang mga estudyante. Tamang pagkakataon para pahirin ang mga naiipong luha sa kanyang mga mata.
Lumabas si Austin sa classroom. Patungo kung saan.. maging sya at di nya alam.

ITUTULOY….

No comments: