Wednesday, November 17, 2010

"Tol... I Love You!" [5-6]

“Tol… I Love You!” [5]:
Email: getmybox@hotmail.com
Fb: getmybox@yahoo.com
Blogspot: http://www.michaelsshadesofblue.blogspot.com

“ARRRGGH!” sigaw kong bigla upang maputol ang pagsasalita ni Lito at mabaling ang atensiyon ng grupo sa akin. Hinawakan ko naman ang isa kong paa, nagkunyaring may masakit sa parte na iyon at pasikretong kinurot ito ng malakas. “Kinagat ako! Shiit! Ahhhhh!”

Nagulat at nagkagulo ang mga kasama namin. Ngunit nanatili si Lito na nakaupo sa hotseat, nahalata ang pag-arte kong iyon. Pasikreto ko naman siyang dinilatan, pahiwatig na ayaw kong ituloy pa niya ang sasabihin.

“Ano ba’ng kumagat sa iyo? Tanong ng moderator sa akin, halatang kinabahan sa nangyari.

“Ewan ko ba, buds…”

“Tingnan ko nga…” Sinuri niyang maigi ang paa kong inireklamo. “Parang wala namang kagat, namumula nga lang na parang nakurot.”

Ramdam ko naman ang pagkahiya sa sinabing iyon ng moderator. “K-kaya nga eh...”

“Sobrang sakit ba buds?” tanong ulit niya, tiningnan ang mukha ko.

“Hindi na… hindi na buds. Medyo OK na sya.” Ang pagdadahilan ko na lang upang hindi na sila magwo-worry at baka mahalata na ang pag-arte ko.

“Ah, sige. Obserbahan na lang muna natin at kapag in a few minutes ay masakit pa rin siya o lalong titindi ang sakit o kaya may iba kang naramdaman sa katawan, tatawag na tayo ng first aid.”

“S-sige buds. Iyan na lang ang gagawin natin.” Sagot ko. Napalagay naman ang sarili ko sa narinig.

Binitawan ng moderator ang tatlong mabilis na sunod-sunod na palakpak, pahiwatig ng attention. “OK mga buddies, tuloy natin ang activity!” sigaw niya sa grupo na sumunod din kaagad sa utos niya at kanya-kanyang nagsibalikan sa kinauupuan. Ibinaling niya ang tingin kay Lito na nanatili pa ring nakaupo sa hotseat. “Ituloy mo na buds!”

“S-saan na pala akong parte?” Tanong ni Lito sa kanila.

“Doon buds sa may parang nadiskubre ka sa sarili ba iyon…?” sigaw ng isang buddy.

“Ah…” Napahinto si Lito ng sandali. Palihim na tumingin sa akin. “M-may nagawa akong kasalanan sa isang tao...”

Bumalik na naman ang lakas ng kabog ng dibdib ko sa narinig at ramdam kong may nagbabadyang matinding galit na namang dadaloy sa aking kalamnan. “Tangina! Ayaw talaga paawat! Lagot ka sa akin kapag itinuloy mo pa iyan!” sigaw ng utak ko.

Nagpatuloy si Lito. “Noong magkita kami ng taong ito, inimbita ko siya sa bahay at doon, nag-inuman kami. Noong malasing siya, may nagawa akong pang-aabuso sa kanya… Hanggang ngayon, hindi ko maiwaglit ang pagkakasalang iyon, lalo na kapag nakikita ko ang taong ito at ipinapakita niya sa akin ang galit niya sa ginawa ko.”

Natahimik ang lahat. Ramdam kong maraming naglalarong katanungan sa kanilang mga isipan ngunit hindi lang nila kayang diretsahang maitanong ang mga ito, marahil ay sa hiya o takot na baka mapahiya si Lito.

Ngunit may isang buddy ring hindi nakatiis, “E… B-babae ba tong tao na to, buds?”

“Lalaki, buds…” and deretsahang sagot ni Lito.

Tumango-tango naman ang buddy na nagtanong, tila kinumpirma ang naglalarong hinala sa kanyang utak.

“Underage?” Tanong naman ng isang buddy.

“Hindi.”

“Ah… hindi naman pala eh. OK lang iyan buds. Walang mawawala sa lalaking nasa edad na.” patawa naman ng isa.

Tawanan ang lahat. Yumuko na lang ako, ang isip ay sumisigaw ng, “Anong walang mawawala? Labag sa kagustuhan, binaboy, tas walang mawawala?” Ngunit sinasarili ko na lang ito sa takot na baka mag-isip silang ako ang lalaking tinutukoy.

Maya-maya, may nagtanong pa uli, tila nahihiya ang tono. “B-bakla ka buds?”

Hindi kaagad nakasagot ni Lito. Mistulang may bumara sa kanyang lalamunan at pansin ko ring umiyak na naman siya. “Hindi ko alam buds… eh. Kaya nga akoy nalilito at nagagalit sa sarili, mahirap tanggapin, at lalo na, may nasaktan akong tao…” ang sagot niya habang pinapahid ng isang kamay ang mga luhang dumaloy sa pisngi niya.

Patuloy mang kinabahan, wala na akong nagawa pa kungdi ang ipaubaya ang lahat kay Lito. “Bahala na… pero lalo kang makatikim sa akin, tangina mo!” sigaw ng utak ko.

“Kilala ba namin ang taong sinasabi mo?”

Hindi nakasagot agad si Lito. Halatang nag-isip. Maya-maya, ibinaling niya ang paningin sa akin.

Yumuko ako. “Tangina mooooo! Wag mo akong iturooo!” Sigaw ko sa sarili.

“Hindi na importante iyon mga buds, kung kilala ninyo siya o hindi.” Ang sagot niya.

“OK… nirerespeto namin ang sagot mo. Pero heto, sensya ka na sa tanong na to pero alam mo buds… napansin namin kanina sa search for prince charming habang naka swimming trunks lang kayo na may bakas ng mga kagat ka sa likod. Paano ka ba nakagat? At bakit?”

Mistulang naputukan naman ako ng bomba. “Tarantado kasi… tangina. Naghuhubad-hubad pa, di man lang naisip na hindi pa nawala ang bakat ng kagat! Sige, sabihin mo at makakatikim ka na naman sa akin…” bulong ko.

“Ah… e… pwede ba buds sa akin na lang iyon?” ang sagot niya.

Natahimik na lang ang lahat. Batid nila na tila hindi pa handa si Lito na ilahad ang lahat ng kuwento niya. Alam ko, lalong dumarami ang mga katanungan sa kanilang isipan tungkol kay Lito.

Nagsalita ang moderator. “Alam mo, buds, hindi porke’t nangyari sa iyo ang bagay na iyan ngayon ay masasabi mo na isa kang bakla. Marahil ay kung lilipas ang ilang taon at ganoon pa rin ang naramdaman mo sa kapwa lalaki, marahil iyan na nga. Ngunit ang pinaka-importanteng masasabi ko sa iyo, ay kahit ano ka pa man, tanggap kita at palagi kitang susuportahan.” Nilingon niya ang kapwa participants, “Kayo ba mga buddies, tatanggapin at susupurtahan pa rin ba ninyo si Lito kung sakaling bakla nga siya?”

“Syempre, buddy natin iyan?” sigaw naman ng mga buddies.

“So why don’t we show him our support!”

At sabay-sabay naman silang tumayo at nag-group hug. Naki-group hug na rin ako kahit na ang laman ng isip ko ay galit at pagbabanta, “Sige… ngayon may group hug ka sa grupo. Pero humanda ka at may mas malaking paddle at kagat ka uli sa akin! Tangina, ginagalit mo talaga ako!”

Noong ako naman ang nasa hotseat, ang binuksang issue ko lang ay ang problema sa pamilya, sa konting hindi namin pagkakaunawaan ng tatay ko na normal lang naman sa mag-ama, at mga malilit na issues lang kumpara sa karamihan sa kanila. Kaso, may nagtanong. “Buds, bakit pala parang hindi kayo nagkikibuan ni Buddy Lito? Mag-best friend kayo, diba?”

Napangiti naman ako ng pilit. Ini-expect ko na kasi na baka may magtanong. Alam ko kasing may mga nakapansin na hindi kami pagkikibuan ni Lito, na siguirado ako, nakadagdag-intriga sa kanila lalo na sa ginawang pagbunyag ng aking kaibigan. “Ah… normal lang yan sa magkakaibigan buds…” Sagot ko na lang.

“Hindi nyo ba pwedeng i-share kung ano man ang di ninyo pagkakaunawaan at upang ma-reconcile kayo dito mismo?”

Biglang kumabog na naman ng malakas ang dibdib ko. “Ah…” Tiningnan ko si Lito na nakaupo na kasama sa ibang mga participants.

Noong makita niyang tiningnan ko siya, yumuko ito, tila ang mensahe ay, “Bahala ka kung sasabihin mo o hindi”.

“Pwede bang sa amin na lang iyon?” ang sagot ko na lang.

“Ah, ok. Nirerespeto namin ang desisyon ninyo. Pero Kasi sayang iyong ipinakitang closeness ninyo eh. Inggit nga kami sa samahan ninyo. Para kayong kambal na hindi naghihiwalay sa sobrang pagka-malapit sa isa’t-isa, tapus bigla na lang ganyan. Pero pwede bang kung ano man iyang mga disagreements ninyo ay magpatawaran at mag-reconcile kayo dito mismo? Kasi di ba ang objective natin sa deepening na ito ay ang mag-improve tayo, matutu ng mga leksyon sa buhay...”

Sumang-ayon naman ang marami. At may sumigaw na. “Hug! Hug! Hug!” hanggang sa lahat na ng buddies ay sumigaw ng “Hug! Hug! Hug!”

Hindi tumayo si Lito, marahil ay sa takot pa rin na hindi ko tatanggapin kung siya ang unang lalapit sa akin. Kaya upang matapos na ang lahat at dahil ako naman ang nasa hotseat, ako na ang tumayo at lumapit sa kanya. Tumayo siya at nag-hug kami. “Tol, patawad…” ang bulong niya.

Ngunit binulungan ko sya ng, “Tangina mo. Lalo mo akong ginagalit! Plastikan lang ito ha? Hindi pa ako tapus sa iyo!” habang kunyari nakangiti ang mukha ko upang hindi mahalata ng mga kasamahan.

Habang nagpalakpan ang mga buddies, ramdam ko naman ang pagkadismaya niya. Bumalik ako sa hotseat at binigyan na ako ng group hug ng grupo.

Mag-aalas singko na noong matapus ang deepening. Bumalik na ako sa cottage kung saan ako naka-assign upang magpahinga. Nakahiga na ako noong tinapik ako ng isang buddy at gusto daw akong kausapin ni Lito. Ayaw ko sana ngunit dahil kailangang ipakita kong close na kunyari ulit kami kaya, “O Tol! Anong atin?” bati ko kunyari sa kanya at nakangiti pa habang tumayo ako palapit sa kanya.

“Heto gusto kitang makausap” sagot niya.

“O, e di sige… doon tayo sa may likod nitong cottage” Turo ko sa parteng may malalaking kahoy at medyo malayo-layo na sa mga kasama namin.

Pagkadating namin sa lugar at noong mapansing hindi na kami maririnig at makikita ng mga kasama, agad kong binanatan ng mura si Lito. “Tangina mo! Bat ka ba nagdrama! At muntik mo pa akong ibuking? Wala ka nang ginawa kundi sirain ang buhay ko, tarantado ka!” sabay din bitiw ng malakas na batok sa kanya.

Napahaplos siya sa parting binatukan ko ngunit hindi ito gumanti. Bagkus, buong pagkumbaba pa itong nagsalita. “Tol, manghingi lang naman ako ng tawad eh.” Ang sagot niya.

“Gago! Paano kita mapapatawad niyan, e hindi pa nga ako naka-recover sa mga pinaggagawa mo sa akin, heto na naman, gusto mo na naman akong pahamak!”

“G-guilty ako, tol. Di ako makatulog, di ako mapakali. Binubulabog ako palagi ng kusyensya ko. Heto nga, di ko maintindihan ang sarili sa nadiskubre ko sa sarili at sa naramdaman ko para sa iyo, tapus ngayon heto, nasaktan kita at sinira ko ang pagkakaibigan natin. Ang hirap tol. Di ko alam kung ano ang gagawin, kung kanino manghingi ng payo. Pakiramdam ko nag-iisa lang ako sa mundo, walang kakampi, walang nakakaintindi, walang mapagsabihan ng nararamdaman ko. Para akong mababaliw...”

“Bullshit! Sarili mo lang ang inintindi mo! Bakit ako, hindi mo ba sinira ang buhay ko? Hindi mo ba sinira ang sarili kong pagtingin sa sarili? F*** You!” sigaw ko.

“Kaya nga nanghingi ako ng tawad tol eh…” at lumuhod siya sa harap ko.

“Pwes, di kita mapapatawad! Kapag may nakakakita sa iyo d’yn, ano na naman ang isipin nila? Hindi mo ba naiisip yan? Ha? Ha? Matalino kang tao pero heto, hindi ka nag-iisip! Tumayo ka d’yan, tangina! At hindi pa ako tapos sa iyo, tandaan mo. Mas matindi pa ang sunod na gagawin ko sa iyo!”

“T-tatanggapin ko, tol kung ito ang paraan para mapatawad mo ako. Kahit ano… Kahit magpapaalipin pa ako sa iyo…”

“Gusto mong madali ang pagpatawad ko sa iyo? Ganito ang gawin mo: magpakamatay ka, mapatawad kita kaagad!” sabay walkout.

Magtatanghali na iyon noong lumisan na kami sa isla. Dalawang pumpboat ang inarkila namin at ewan ko kung sinadya ni Lito na doon din sumakay sa pumpboat ko. Noong nasa kalagitnaan na kami ng dagat, nagbiruan kami tungkol sa mga girlfriends at boyfriend namin.

“Kapag sabihin ng mahal mong tatalon ka d’yan para patunayan ang pagmamahal mo sa kanya” sabay turo sa dagat “…tatalon ka?” tanong ng isang buddy naming lalaki.

“Oo naman…” sagot ng isang buddy naming lalaki, “…walang pagdadalawang-isip.”

“E, kung gusto mo namang may taong tumalon d’yan, sino naman iyon?” ang biro naman ng isang buddy.

Ako ang sumagot sa biro niyang iyon. “A, iyong may utang sa akin, na hanggang ngayon ay sinisingil ko pa rin!” sabay tawa.

Tawanan din ang grupo. Wala naman para sa akin ang biro na iyon. Ngunit maya-maya, may narinig na lang kaming sigaw, “Mga Buds! Nalaglag si Buddy Lito sa dagat!” habng turo-turo niya ang parte kung saannaiwanan na si Lito.

“Ipahinto ang pumpboat! Ipahinto ang pumpboat!” Sigaw ko, bigla akong nataranta. “Hindi marunong lumangoy iyon!!!”

(Itutuloy)


----------------------------------------------------

“Tol… I Love You!” [6]
Email: getmybox@hotmail.com
Fb: getmybox@yahoo.com
Blogspot: http://www.michaelsshadesofblue.blogspot.com

Agad na bumalik ang sinakyan naming pumpboat sa parte na kung saan nhulog si Lito habang taranta naman kaming mga lalaking nagsitalunan sa dagat at ang mga babae ay nanghahagilap ng mga inflatables at inihagis sa amin.

Mabuti nalang at may dalawang lifeguards na nakasama naming sumakay sa pumpboat at bihasang-bihasa pagharap sa mga ganoong klaseng situwasyon.

Nakailang sisid din kami hanggang ang isa sa mga lifeguards ay sumigaw, “Dito na!” habang hila-hila niya ang walang malay na si Lito.

Kaagad naming pinagtulungang hilahin ang katawan niya upang maiakyat at mailatag sa pumpboat. Habang nakalatag ang katawan niya sa mahabang upuan ng pumpboat, tiningnan ko ang mukha niya. Namumutla na ito. Pinulsuhan ko kaagad siya. Noong wala akong mahagilap na pintig, at idinampi ko ang tenga sa bibig at pagkatapus, sa dibdib niya, inalam naman kung humuhinga siya o pumipintig pa ang puso. Ngunit wala akong makuhang bakas na humihinga pa siya o pumipintig ang puso.

Dahil sa ako ang nakasakay na at siyang nagbuhat sa katawan at naglatag nito habang ang mga lifeguards ay naiwan pa sa tubig, ako na ang binigyang-instruction nila. “I-CPR mo!”

“Ano iyon?” sigaw ko, ramdam ang tensyon sa boses.

“I-pump ang dibdib at i-mouth to mouth!”

At iyon ang ginawa ko kaagad. Pump, buga ng hangin sa bibig niya, pump, buga ng hangin…

Naka-ilang pump din ako at buga ng hangin noong bigla siyang umubo at sumuka ng tubig. Sa pagkakita ng lahat, nagpalakpakan sila sa sobrang tuwa, ang iba ay nag-hug sa iba pang mga buddies.

Ngunit imbis na matuwa, kumawala sa akin ang galit na matagal ko nang tinimpi. Tila isang bulkang pumutok ito at naalimpungatan ko na lana ang sariling inupakan ng suntok sa mukha si Lito at pagkatapus ay hinablot ang niya buhok upang i-untog ang ulo sa sahig na nilatagan.. “Tangina ka! Pauwi na lang tayo, nagdadrama ka pa! Ano ba ang gusto mong mangyari?!!” Sigaw ko sa kanya.

Alam ko, nabigla din si Lito sa bilis ng mga pangyayari. Disoriented pa iyong tao at kababalik lang ng malay tapus, suntok ang sumalubong sa pagmulat niya ng mata.

Hindi makapaniwala ang lahat sa nasaksihan nila. At sa pagkabigla at nakitang hawak-hawak ko pa ang buhok niya sa ulo akmang i-untog ito sa sahig, hindi naman sila magkandaugaga sa pagsisigaw, “Warren! Warren! Manghunos-dili ka!” habang ang mga lalaki ay dali-daling hinawakan ang mga kamay ko.

“Warren!!! Sumusobra ka na ah! Ano bang akala mo sa sarili mo? Nasalba na nga iyang tao sa pagkalunod at ngayon ay gusto mo namang patayin?!!!” ang sigaw ng moderator namin, galit na galit at mistulang handang paulanan na rin ng suntok ang mukha ko.

“Arrrggggg!!!” Sigaw ko habang pumiglas ako sa pagkahawak nila at tumakbo sa may likuran ng pumpboat na pinaandar na patungo sa lugar namin. “Hindi nyo lang alam kung gaano katindi ang sakit na dulot ng kahayukang ginawa niyan sa akin! P**** ina niya! Binaboy niya ako! Sinira niya ang pagkatao ko!” At doon, napahagulgol na rin ako. Pakiramdam ko na sa kabila ng naramdaman kong sakit ng kalooban at agrabyo, wala akong kakampi, at bagkus, ako pa ang kontrabida.

Mistula namang nagulat ang lahat. Alam ko na sa pagtagpi-tagpi ng kuwento simula pa sa deepening kung saan ni Lito ibinunyag ang lahat, sa pagkakatong iyon, nakuha na nila kung sino ang taong tinukoy ni Lito sa kanyang pag-unveil ng kwento niya.

Habang patuloy ang pag-iyak ko, hindi naman malaman ng mga kasama namin kung ano ang gagawin nila at kung kaninong side sila papanig. Alam ko, naguguluhan din sila. Habang ang karamihan ay tinulungan si Lito sa nangyari sa kanya, may ilang kababaihang myembro naman ang lumapit at nagpakalma sa akin. “Buds… pwedeng i-hug ka namin?”

Tila may sumundot naman na nagpalambot sa puso ko sa sinabi ng mga babaeng buddies namin na iyon. At noong nag-group hug kami, lalong tumindi ang pagnanais kong i-unload ang sakit at bigat ng kaloobang dinadala. Napahagulgol uli ako sa harap nila, hindi makatingin sa kanila at patuloy na nagpapahid ng luha.

“Ok lang iyan buds. Sige, ipalabas mo ang lahat ng bigat ng saloobin.” ang sabi ng isang buddy sa akin.

“Hindi ko alam kung bakit niya ginawa sa akin iyon buds, eh. Akala niya siguro, bakla ako. Hindi ako bakla, tangina niya…” ang mahinahon kong pagpalabas ng hinanakit.

“Naintindihan namin buds… masakit talaga ang naranasan mo.”

Sa pagkuwento at pag-unlaod ko na iyon, naramdaman kong unti-unting humupa ang tension sa sarili. Tiningnan ko si Lito sa kinauupuan niya, nakayuko lang, tila tulala pa rin bagamat safe na. At bakat pa rin sa mukha niya ang matinding kalungkutan. Ngunit sa sarili ko, nandoon pa rin ang galit...

Lunes, balik-eskwela na naman. Gustuhin ko mang maging normal ang lahat ngunit pakiwari ko ay pabigat ng pabigat ang naramdam. Sa nangyari sa pumpboat ay parang nag-iba ang tingin ng mga tao sa akin. Parang pinag-uusapan nila ako. Alam ko kasi na kahit amin-amin lang iyong mga sikretong nabunyag sa deepening activity namin, hindi rin maiwasang may hindi makapagpigil na sikretong magsalita, intentional man o pahapyaw. Sa araw ding iyon nalaman kong hiniwalayan na daw si Lito ng girlfriend niya.

Ngunit parang wala lang din epekto sa akin iyon. Minsan na rin kasing inamin sa akin ni Lito na di niya mahal ang girlfriend niyang iyon. Ang masaklap lang dahil naramdaman kong ang girlfriend ko ay dry na ang pakikitungo sa akin. Nand’yan iyong kapag inofferan ko siyang ihatid, marami na siyang alibi, kesyo dadaan pa sa kung saan-saan, kesyo kasama niya ang mga barkada, etc. etc. Kapag sabihin kong bisitahin ko sa kanila ay sasabihing may lakad, may ipapagawa ang mama, mag-aaral, etc. At kapag sa school naman, kapag nakita niyang nasa isang lugar ako, kusa itong iiwas sa lugar kung saan ako naroon. Hindi ko maintindihan kung ang inasta niya ay dahil ba sa mga naririnig niya o may ibang dahilan. Pero malakas ang kutob ko na dahil iyon sa mga naririnig niya tugkol sa nangyari sa amin nio Lito. Andaming bumabagabag sa isip ko. Tuliro, hindi makapagconcentrate ng maigi, at bwesit na bwesit na sa buhay. At ang dahilan ng lahat? Si Lito.

Sa nagdaang mga araw, hindi ko na pinapansin si Lito. Bagamat alam kong gusto niyang makipagbati, ngunit matigas ang paninidigan ko. Napansin ko rin ang pananamlay niya, at ang pagpayat. At hindi na siya palaimik, naka-upo na lang sa isang sulok. Pati grades niya ay naapektuhan din. May mga tests na wala siyang sagot at palaging nag-aabsent. Dahil dito ay nagworry ang mga professor, mga kaklase at mga kaibigan na rin namin.

Isang araw, bigla na lang akong ipinatawag ng Guidance counselor. Pagpasok ko sa room, nakita ko ang mga magulang ni Lito, kausap ang madreng Guidance counselor ng school. “Please take your seat, Warren” ang sabi kaagad ng counselor.

Kumuha ako ng isang silya at naupo sa tabi ng mga magulang ni Lito. Ang inaasahan ko ay pagagalitan nila ako. Ngunit noong tingnan ko ang mga mukha nila, wala akong nakikitang galit bagamat pansin ko ang lungkot sa kanilang mga mata. Kinumusta ako at niyakap pa nila.

“Warren, we need your help.” Ang seryosong sabi sa akin ni Sister. “Sana, you are willing to do it...”

“A-ano po iyon, Sister?” ang tanong ko, nag-aalangan kung anong tulong ang gusto nilang gagawin ko.

“Warren, alam kong may problema kayo ni Lito. May alam kaming kaunti. Ano man iyon, sa inyo na lang iyan. I am not blaming you. Pero alam mo, I am very much worried para kay Lito. I feel na hindi na siya ang dati kong anak. Iba na siya, Warren. Palaging wala sa sarili, tulala, hindi kumakain, hindi makatulog. At minsan hindi na nag-aayos sa sarili. Ang kinatatakutan ko ay kung hindi siya maagapan, ay baka masiraan siya ng bait o kaya…” napahinto siya ng sandal gawa ng pag-crack ng boses. “…magpakamatay” at tuluyan na siyang umiyak. “Bilang isang ina, napakasakit pagmasdan na ang anak mo na dating puno ng sigla, puno ng pangarap, puno ng pagmamahal, ng mga pangarap ay biglang magbago at mawalan ng sigla. Napakabata pa ng anak ko, Warren para masira ang buhay niya. Ikaw lang ang makatulong sa kanya Warren, nagmamakaawa ako…” dugtong ng mama niya.

Tila tinusok naman ang puso ko sa awa. Simula kasi noong magkaibigan pa kami ni Warren, napakabait ng mama at papa niya sa akin. Kapag doon ako natutulog sa kanila, nakakasama naming sila ni Lito sala, nagkukwentuhan, tawanan, sabay nanonood ng palabas sa TV. At kapag may importanteng okasyon sa kanila, hindi pwedeng wala ako dahil pinapatawag nila ako at pinapadlo. Alam ko, napamahal na rin ako sa kanila, lalo na’t nag-iisang anak lang si Lito at ako ay itinuturing niyang kapatid. Turing nila sa akin ay talagang bahagi na ng pamilya nila. Mayaman ang pamilya nila. At kahit ako ay anak-mahirap lang, napakabait nila sa akin at marami nang naitulong lalo na kapag kapus ang mga magulang ko sa pang-tuition. Ang totoo nga niyan, sila mismo ang nagpumilit na mama at papa na rin ang itawag ko sa kanila.

“A-ano po ba ang maitutulong ko, Ma?” tanong ko.

“Puntahan mo si Lito Warren. Kausapin mo siya. Patawarin mo siya kung ano man ang nagawa niya sa iyo. Ibalik mo ang dating pagkakaibigan ninyo… Tatanawin kong malaking utang na loob sa iyo kapag napagbigyan mo kami, Warren, sana maawa ka kay Lito.”

Mahirap para sa akin ang hiniling nilang iyon. Para bang heto, ako ang agrabyado, pero ako pa ngayon ang lumalabas na may kasalanan. Pero dahil sa awa ko sa mga magulang ni Lito, ang nasabi ko na lang ay, “S-sige po, Ma… pupuntahan ko siya, ngayon din.

At sa gabi ng araw na iyon, doon pinuntahan ko si Lito sa bahay nila. At dahil napagkasunduan naming ng mga magulang niyang doon muna ako titira sa kanila ng at least isang linggo, nagdala na rin ako ng kaunting mga personal na gamit.

Noong makarating na ako sa bahay nina Lito, pinaderetso na ako ng mga magulang niya sa kwarto ni niya at hindi pa raw ito kumain at hindi lumalabas ng kwarto. Umakyat ako ng second floor kung saanang kwarto niya. Noong nasa harap na ako ng pintuan, hinwakan ko ang door knob at tinangkang buksan ito. Ngunit naka-lock ito.

Kumatok ako. Walang sumagot.

Kumatok uli ako, mas malakas-lakas. Wala pa ring sumagot.

“Tol!” sigaw ko, habang kumakatok anko ng mas malakas pa. Wala pa ring sagot.

Sumigaw na ako, “Tol!!! Si Warren to, buksan mo ang pinto!!!” Wala pa ring sumagot.

Dahil sa hindi pagsagot na iyon ni Lito, bigla akong kinabaha. Tumakbo na ako pababa, sa sala kung saan nandoon ang mama at papa ni Lito. “Ma, pa! Walang sumagot sa kwarto ni Lito! Buksan natin!”

Nataranta naman ang papa ni Lito. Dali-dali niyang kinuha ang master key at tinumbok ang kwarto ng anak. Agad din kaming sumunod.

Noong nabuksan na ang kwarto, malakas na tili ang kumawala. “LITOOOOOOOOO!!!”

(Itutuloy)

No comments: