A compilation of my thoughts, dreams and fantasies. Stories that describes best my simple wishes in life. In addition to that, I asked friends to contribute their talents in this site where reality and fantasy are as one. Welcome to my site. Welcome to my heart. I am Dalisay.
Tuesday, November 16, 2010
The Newbie, the Sophomore and the Veteran Part 8
Part 8: Practice: Apat na Sikat
5pm ng matapos ang practice nila Aki. Pagkatapos mag shower at mag bihis ay lumabas na mula sa gym si Aki. Dun nya nakita si Austin na nag aantay. Nakasandal sa isang blue Honda CRV. “Hoy, wag kang sumandal dyan. Baka mamaya pagalitan ka ng may ari nyan.” Saway ni Aki dito. “Paanong may magagalit sa akin eh akin ito”. Sagot ni Austin. “Yabang mo. Baka nga di ka pa marunong mag drive eh.” Sagot ni Aki. “Eh di bakit di mo subukan ng malaman mo.” Si Austin. Inirapan ni Aki si Austin. “Tara na. Sakay na. Ma traffic ngayon. Baka ma late tayo pauwi.” Si Austin. “Seryoso ka sa’yo yan?!” gulat na tanong ni Aki. “Oo nga. Kakulit na bata eh.” Si Austin. “Iba ka na Hernandez. Sosyal ka na… Ay teka. Saan mo naman nakuha yan ha? Baka mamaya sumabit pa ako dyan.” Tanong ulet ni Aki. “Anung akala mo sa akin, carnapper?! Sa gwapo kong ito?. Matagal ko ng kotse ito. High school pa lang nasa akin na ito. Di ko lang ginagamit kasi hassle mag park.” Sunod sunod na sabi ni Austin. “Oo na ikaw na anak ng diyos. Tara na nga.” Si Aki. Pasakay n asana sila ng may tumawag kay Aki. Biglang nag bago ng mukha si Austin. “Eto na naman ang kumag na ito. Panira ng moment.” Asar na sabi ni Austin sa sarili.
“Raf, bakit?” si Aki. Kitang kita sa mga mata nya na saya na maka usap si Raf. Kahit simpleng pag tawag sa pangalan nya niot ay talagang nag papakilig sa kanya. Di iyon naka lusot sa mga mata ni Austin. Naiinis sya kung bakit hindi nya makita ang saya sa mga mata ni Aki pag sila ang magka usap or magkasama. “Yeah. I forgot to gave you this.” Si Rafael sabay abot ng isang gym bag. May naka sulat nag DSU Pep Squad sa magkabilang gilid ng bag. “Andyan din ung jacket, 2 pairs of uniforms and ung shoes.” Dagdag ni Rafael. “Ah ganun ba. Salamat.” Si Aki. Napansin ni Rafael si Austin na naka tingin sa kanila. Nilingon naman ni Aki ang tinitignan ni Raf. “Ay.. sorry. Rafael si Austin, classmate ko. Austin si Rafael captain naming sa squad. Nagkamayan ang dalawa kahit mabigat sa loob ni Austin. “I know you. Di ba ikaw ung Mr. Engineering last year?” tanong ni Raf. “Yeah. Ako nga un.” Kaswal na sagot ni Austin. “Nice to meet you, pare.” Si Rafael ulit. Nasa kalagitnaan sila ng pagpapakilala ng dumating ang lalaking kasama ni Rafael kanina sa kotse. Napansin ni Aki ang presensya nito. Napa tingin naman si Rafael at Austin. “Oh, guys. I like to meet Darwin Gorospe. Darwin this is Aki and Austin.” Si Rafael. Kinamayan ni Darwin ang dalawa. “Nice to meet you both.” Si Darwin. Kung kanina ay si Austin ang maasim ang mukha ngayon naman si Aki. Iba talaga ang gestures ni Raf kay Darwin. Tinitigan nya si Darwin. Wala syang panama dito sa lalaking ito. Katawan pa lang, wala na sya. Binalot ng lungkot ang katawan nya. “ Ay, Raf. Darwin. Mauna na kami ah. Baka kasi ma traffic ka kami eh.” Pag putol ni Austin. “Sabay na kayo sa amin. Dala ko ung sasakyan ko.” Pag aalok ni Darwin. “Thanks, bro. I brought mine.” May konting angas na sagot ni Austin. “Ah okay, sige. Ingat kayo. See you around the campus.” Si Darwin. Tumango lang si Austin. “Paano, Aki. Ingat. Meeting tayo sa Monday. 6pm.” Si Rafael. “Ah sige. Ingat din kayo. Nice to meet you.. Darwin.” Si Aki. “Same here.” Si Darwin.
Naglakad palayo sila Darwin at Rafael habang silang dalawa ay sumakay na sa sasakyan ni Austin. Kitang kita ni Aki sa side mirror ng kotse na umakbay si Darwin kay Rafael. Halos magkayakap na sila. Parang unti unting napupunit ang puso nya. Tama nga ata sya. May relasyon ata sila. Tuluyang nilamon ng lungkot si Aki. Bigla syang nakaramdam ng pagod. Habang nasa byahe ay di nag iimikan ang dalawa. Tumama si Austin sa prediksyon nya. Sobrang traffic pauwi. Halos 10 minutes bago umusad ang mga sasakyan. Wala pa rin silang imikan. Pareho sila ng nararamdaman. Pareho silang nasasaktan. Mag iisang oras na pero malayo pa rin sila sa kani kanilang bahay. Nilingon ni Austin si Aki. Nakatulog nap ala ito. Marahil sa sobrang pagod. Pinag masdang mabuti ni Austin ang mukha ni Aki. Gaya ng dati, di pa rin sya nagsasawa sa pag tingin sa mukha nito. Hinaplos nya ang kaliwang pisngi ni Aki.
“Akin ka na lang. Please Mr. Uy… Di mo lang alam kung gaano kita ka mahal. Kahit sa sandaling panahon pa lang tayong magkasama, alam ko sa sarili ko at sigurado ako na mahal kita.” Pabulong na sabi ni Austin habang naka tingin sa tulog na tulog na si Aki. Maya maya pa ay nasumpungan na lang ni Austin na palapit na ang kanyang mukha sa mukha ni Aki. Ilang pulgada na lang ang agwat ng mga labi nila sa isat-isa. Buti na lang at traffic, kung hindi ay malamang naaksidente na sila. Tuluyang lumapat ang labi ni Austin sa labi ni Aki. Nagbigay iyon ng ibang sensasyon sa katawan ni Austin bumilis ang kabog ng dibdib nya. Pumikit sya at nilasap ang sarap ng labi ni Aki. Ilang saglit pa ay kumalas sya ditto at muling ibinalik ang atensyon sa kalsada. Di pa rin umuusad ang daloy ng trapiko. Nagpakawala sya ng isang malalim na buntong hininga. Makalipas ang ilang minutong usad pagong ay sa wakas at unti unting naging normal ang takbo ng mga sasakyan. Ilang minuto pa ay nakarating na sila sa bahay ni Austin. Di alam ni Austin ang bahay ni Aki. Pagka hinto ng sasakyan nya ay saka ginising ni Austin si Aki.
“Aki.. andito na tayo. Gisng ka na.” malabing na sabi ni Austin. Iminulat ni Aki ang mata. Nang mapansin nya na di nila bahay ang kanilang pinuntahan ay nagtatakang tinignan ni Aki si Austin. “Di ko kasi alam ang daan or street pa punta sa inyo. Kaya dumiretso na lang ako dito sa bahay.” Sagot ni Austin. “Okay lang. mag commute na lang ako pauwi sa amin.” Sagot ni Aki. Aktong pababa na si Aki ng biglang bumuhos ang malakas na ulan. Tinignan ni Aki ang bag nya pero wala syang nakitang payong. Napasandal na lang sya sa upuan ng sasakyan. Tinignan nya si Austin. Ngumiti ito sa kanya. “Tara na. magpalipas ka muna ng ulan then hatid na kita sa inyo.” Si Austin. Pumayag naman sya. Bumusina sya para pabuksan ang gate patungo sa garahe. Isang matandang lalaki ang nag bukas. Ipinasok ni Austin ang sasakyan. Bumababa sila at pumasok sa bahay mula sa back door ng bahay.
Dumiretso sila sa kwarto ni Austin. Kumpara sa unang punta nya, malinis na ito. Naka ayos lahat ng gamit. Maaliwalas tignan ang buong kwarto. Inilapag ni Aki ang bag nya sabay humiga sa kama ni Austin. Ipinikit nya ang mga mata, naramdaman nya na may tumabi sa kanya. Alam nya si Austin ito, nanatili syang nakapikit. Maya maya lang ay naramdaman nya na may yumakap ito sa kanya. Ramdam nya ang init nag katawan ni Austin, maging ang mainit at mabangong hininga nito ay parang kumot na nagbibigay ng init sa kanyang katawan. Di sya makagalaw. Di nya magawang kumalas mula sa pagkakayakap ni Austin. Alam nyang mali ito, dahil kaibigan nya si Austin. Pero kung hanggang yakap lang ito ay maari na nya itong palagpasin. Ipinikit nya ulet ang mag mata, nag aantay sya ng susunod na gagawin ni Austin, pero tila nakatulog na ito habang yakap ang katawan nya. Mas okay na sa kanya ang ganito. Dahil hindi nya alam kung paano nya i-ha handle ang mas malala pa sa yakap na maaring mangyayari.
Di nya namalayan na naka tulog na ulet sya. Nanatiling nakayakap si Austin sa kanya. Madaling araw na nang magising siya. Wala sa tabi nya si Austin. May narinig syang agos ng tubig mula sa banyo na nasa loob ng kwarto. Mukhang naliligo si Austin. Tinignan nya ang kanyang cellphone. Nag text ang kanyang daddy, informing him that hindi sila makaka uwi. Ni replayan nya ito. Pagka tapos ay umupo sa gilid ng kama. Bumukas ang pinto at lumabas si Austin na naka tapis lamang ng tuwalya. Napansin ni Aki na magandan nga ang katawan ni Austin, hindi lang pala ito nag yayabang. Meron talaga syang may ipag mamalaki.
“Hey, okay ka lang ba? Gusto mong mag shower? Papahiramin kita ng damit.” Sunod sunod na tanong ni Austin sa kanya. Napatingin sya sa may bintana. Lalo atang lumakas ang ulan. Napa buntong hininga sya. Mukhang bukas pa na sya makaka uwi. Nag shower sya. Pagkatapos ay sabay silang bumaba para kumain. Nag luto sya ng noodles para sa kanila ni Austin. Nang maluto ay sabay silang kumain gamit isang malaking bowl habang nanunuod ng tv. Alas 3 ng madaling araw ng nag aya na syang matulog ulet.
Nahiga sila sa kama. Naglagay ng unan sa gitna nila si Austin. Nagtaka man sya ay di na nya ito inusisa pa. Tumalikod sya kay Austin para na rin makatulog na sya. Ito kasi ang pwesto kung saan mahimbing syang nakaka tulog. Papikit na sya ng mag salita si Austin.
“Gising ka pa ba?” tanong nito. Di sya umimik. Hindi sa ayaw nya itong kausapin, pakiramdam nya eh wala syang lakas para makipag kwentuhan at makipag kulitan. Pumikit sya para makatulog na sya ng may bigla syang narinig. Hindi sya pwedeng magka mali. Ang tunog na naririnig nya… ay tunog ng isang hikbi. Hikbi mula sa taong umiiyak. Haharap sana sya ng biglang mag salita si Austin.
“Kuya.. I really wish you’re here. Wala akong mapag sabihan ng mga nararamdaman ko. Kuya, may gusto akong isang tao. Pero mukhang may iba syang gusto. Masakit, pero ako rin naman ang may mali.. di ko kasi masabi sa kanya ang nararamdaman ko eh.. natatakot sa pwede nyang maging reaksyon. Sana lang pag may sapat na akong lakas ng loob, masabi ko sa kanya kung gaano ko sya kamahal.. kung gaano ko kamahal si Aki.” Pahikbi hikbing sabi ni Austin.
ITUTULOY….
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
No comments:
Post a Comment