A compilation of my thoughts, dreams and fantasies. Stories that describes best my simple wishes in life. In addition to that, I asked friends to contribute their talents in this site where reality and fantasy are as one. Welcome to my site. Welcome to my heart. I am Dalisay.
Tuesday, November 16, 2010
The Newbie, the Sophomore and the Veteran Part 7
CHAPTER 7: PRACTICE
“Ang bilis naman ng araw. Nakaka tatlong linggo na agad tayo” si Austin habang punong puno ang bibig ng fish balls. “Anu ka ba. Don’t talk when your mouth is full.” Saway ni Aki. “At saka ayaw mo nun? Madali tayong makaka tapos.” Si Aki ulet. “Eh di ikaw na excited maka graduate.” Si Austin na tumutusok ulit ng fish balls. Nasa labas sila ng campus. Walang klase ang buong College of Education dahil sa College week nila. Pumasok lang sila para ayusin ang booth na ginawa ng year nila. “Ayoko na. Busog na ako.” Si Austin. “Buti naman. Naka 50 pesos ka ata eh. Takaw takaw mo di ka naman nataba.” Si Aki. “Oy! 30 pesos lang ah. At saka di talaga ako tabain kasi I exercise regularly.” Sabay flex ng mucles sa mga braso nya. “At kung mag salita ka, akala mo naman ang taba mo.” Pang aasar ni Austin. “Wala kasing mataba sa lahi naming.” Si Aki.
“Maiba ako, kalian ang practice mo with the squad?” si Austin sabay tungga ng juice. “Bukas. Sabado. Whole day from 8am onwards” si Aki. “Grabe naman un. 8am onwards.” Si Austin. “Ganun talaga. May competition na sasalihan ang squad. Natural lang na mag practice ng matagal.” Si Aki. Tumango lang si Austin. “Oo nga pala. Ung report natin ah. Wag mong kalimutan. Ako na sa visual aids, ikaw sa written report.” Si Aki. “Bakit ako sa written report? Ang daya mo naman.” Si Austin na nanlalaki ang mata. “Oh sige palit na lang tayo. Pero gusto power point presentataion ah.” Si Aki ulet. “Ang choosy mo naman. Manila paper at cartolina na lang. Isulat ko na lang doon.” Protestang sagot ni Austin. “AYOKO! Napaka old school nun. Hi-tech na tayo ngayon.” Angal ni Aki. “Oo na! Sige na! ang arte naman nito.” Si Austin.
Inaya ni Austin si Aki na mag punta sa bahay nila. Pumayag naman si Aki. Nang makarating sila ay diretso sila sa kwarto ni Austin. Iniwan siya ni Austin para magpahanda ng meryenda nila. Nung mag isa na lang sya ay doon nya napansin na magulo ang kwarto ni Austin. Nag kalat ang mga gamit nito. “Anu ba naman itong si Hernandez. Ang dugyot sa kwarto” sabi nya sa sarili. Isa isa nyang inayos ang mga libro at magazine sa study table malapit sa kama. Inayos nya rin ang bedsheet at itinupi ang kumot nito at inilagay ang mga laruan sa isang build-in shelf malapit sa study table. Makalipas ang ilang minuto ay nakabalik na si Austin.
“Wow, ang linis ng room ko ah. Dapat pala araw-araw kang pumunta dito” birong sabi ni Austin. “Mangarap ka. Di ako katulong noh! Ayoko lang ng nagulo ang paligid ko.” Si Aki. “Sabi mo eh. Anyways, salamat! Swerte ng magiging boyfriend mo. Kasi marunong ka sa bahay. Ako? Naku. I’d rather sleep than to clean my stuffs.” Si Austin. “Swerte talaga si Raf pag naging jowa nya ako. Kasi aalagaan ko sya ng husto.” Si Aki habang naka tingin sa labas ng bintana ng kwarto. “Si… sino? Sino si Raf?” tanong ni Austin. Kinuwento ni Aki ang tungkol kay Raf at kung bakit nagustuhan nya ito. Di naman alintana ni Aki na nasasaktan na nya ang kaibigan sa lahat ng sinasabi nya. “Ahhmm.. kaya ba sumali ka sa pep squad dahil sa kanya.” Malungkot na tanong ni Austin. “Hindi naman. Di ko nga alam na member din pala sya ng squad at sya pa ang team captain.” Si Aki. Alam ni Austin na mula ng unang pagkikita pa lang ni Aki at Raf ay meron ng ibang nararamdaman si Aki para kay Raf. Kitang kita nya kung paano titigan ni Aki si Raf. Unti unting naramdaman ni Austin na may kung anung masakit sa dibdib nya. Paano na sya? Ngayon pa na lagi ng magkakasama ang dalawa sahil sa pep squad. Di nya pinahalata kay Aki na nasasaktan sya. Pilit syang ngumiti para itago ang nararamdaman. Ipinagpa tuloy nila kwentuhan at tawanan. Buti na lang at di na nabanggit si Aki si Raf sa usapan nila, kahit papaano ay nawala sandali ang sakit na nararamdaman ng puso nya.
Past 7pm na ng umuwi si Aki. Hinatid sya ni Austin hanggang sakayan ng tricycle papasok ng subdivision nila. Nang maka alis si Aki ay umuwi na rin si Austin. Pero di gaya ng dati. Ang saya ay unti unting napalitan ng kirot at takot sa dibdib nya. Paano kung mawala sa kanya si Aki? Paano kung mahulog din ang loob ni Raf dito? Hindi sya papayag. Kailangan nyang bakuran si Aki.
KKKKKKKKKKKKKRRRRRRRRRIIINNNNNNNNNNNNNGGGGGG!!
Pinatay nya ang alarm clock, nag inat inat bago tuluyang bumangon. Dumiretso sa banyo at naligo. Makalipas ang ilang minuto ay nakapag ayos na sya. Bitbit ang bag na bumaba mula sa kanyang silid. Diretso sa kusina at kinuha ang nakabalot na sandwich sa ibabaw ng lamesa. Pagka labas ng main door ay nagulat sya kung sino ang nag aantay sa kanya.
“Good morning! Alam ko na maaga kang pupunta sa school for practice kaya inagahan ko na din para ihatid ka.” Si Darwin.
“You don’t have to do this. Kaya kong mag byahe. Pero, thanks sa effort.” Si Rafael. Wala pang 10 minutes ay nasa school na sila. Nag park ng kotse si Darwin at sabay silang bumaba mula dito. Matapos magpasalamat ay dumiretso si Raf sa gym samantalang si Darwin ay nag tungo sa library for his thesis.
6:30am nasa school na si Aki. Ayaw nyang ma late sa unang practice nya. Naka upo sya sa may bench sa study hall. Napansin nya ang kotseng padating. Di nya na inalam kung sino ang sakay nito. Kinuha nya ang I-pod mula sa bag. Habang nakikinig ay isang pamilyar na mukha ang nakita nya na bumababa mula sa kotse. Naka pulang tshirt at white short pants. May dalang gym bag. Di sya pedeng magka mali. Si Rafael yun. Pero sino ung kasama nya. Matangkad na lalaki. Maputi at matangos ang ilong. Naka dental braces ito na nakita nya nang ngumiti ito. Mukhang close sila ni Raf. Kitang kita sa mga gestures nila sa isat-isa. Tila may tumusok ng kung ano sa dibdib nya.
“Nagseselos ba ako? Bakit?” tanong nya sa sarili. Pilit nyang inilayo ang tingin mula sa mga ito. Di nya napansin na naghiwalay na pala ang dalawa. Huminga sya ng malalim bago tumayo at naglakad papuntang gym. Sana mali sya sa hinala nya. Sana hindi ganun ang iniisip nya. Pag dating nya sa gym ay may ilang mukhang member ng pep squad dahil sa mga jacket at bag na gamit nila. Lumakad syang papasok ng gym. Pinatitinginan sya ng ibang members na nag wa warm up. Napa yuko sya dahil hindi sya sanay na titinignan ng ibang tao.
Naupo sya sa isang sulok ng gym at nag text. Wala pa namang 8am at saka naka pang practice na rin sya. Matapos makapag text ay nag simula na rin syang mag warm up. Habang nag he heel stretch sya ay di nya napansin na nakalapit na pala sa kanya si Raf.
“Bakit di ka dun mag warm up kasama ng team? Nag iisa ka dito sa sulok.” Si Raf. Nagulat sya ng mag salita si Raf. Napatitig sya dito pero nung bumalik sa ala-ala nya ang nakita kanina sa parking lot ay biglang binawi nya ang tingin dito.
“Akala ko eh matutulala ka na naman eh.” Sabay tawang sabi ni Raf. “Tara dun sa team para makilala mo na rin sila.” Si Raf ulet. Kinuha nya ang bag nya at sabay silang nag lakad papunta sa lugar kung saan andun ang team. Halos kumpleto na ang lahat maliban sa ilang drummers. Isa isang pinakilala ni Raf ang members ng team.
“This is Aki from the colloge of education. He will be our new member. Be nice to him, okay.?” Si Raf. Isa isa syang binati ng mga bago nyang team mates. Ang iba naman ay nag tataas ng kilay sa kanya. Marahil ay na under estimate sya ng mga ito dahil sa built ng katawan nya. Nag simula ang team warm up. Matapos ay isa isa ng itinuro sa kanya at sa isa pang baguhan ang mga steps at mga stunts na gagawin. Medyo nangapa sya sa mga stunts pero ang mga dance steps at formation ay madali nyang nakuha. Pagkatapos ng ilang pasada ng routine ay na memorize na nya ang lahat. Pati na rin ang mga stunts. Masaya naman sya dahil madali nyang nakuha ang routine.
“Okay guys, ready!!” sigaw ni Rafael. Isa isa silang pumuwesto. “Ahm.. Aki, please stay here. You will be doing double aerial and a full twist after the 16 counts. Kaya ba?” si Raf ulet. “Sige po!” si Aki sabay pwesto sa itinurong pwesto ni Raf. Muli ang iba ay nag taas ng kilay. Ang iba naman ay halatang nag aabang kung anu ang kaya nyang gawin. Nag simula ang tugtog. “8..7..6...5…4…3…2 …and 1! Go Aki!” sigaw ni Raf. Ginawa ni Aki ang pinagagawa ni Raf. Perfect ang ginawa nya. Lihim syang napangiti. “Siguro naman eh nakapag pakilala na ako sa inyo” sabi nya sa sarili. After the routine ang 15 minutes break. Naupo sya malapit sa ibang team members. “Hi Aki. Ang galing mo naman kanina. Napa nga-nga mo kami dun ah.” Bati sa kanya ng isang members. “Nakakahiya naman. May background lang kasi ako sa cheerleading nung High School kaya ko nagagawa yung mga yun.” Sagot ni Aki. “San ka bang galing high school? For sure sa school na merong gymnastic team yan. Hindi naman lahat kayang gawin ang ginawa mo noh.” Pataray na tanong ng isang babae. “Akala mo naman kung sino ‘to. Eh kung di ka pa isa sa mga flyers for sure di ka member dito” asar na sabi nya bulong nya. “Graduate ako sa Jimenez National High School.” Si Aki. “OMG!!! Jimenez?!! Eh di ba sila ung champion for 3 years sa Cheerdance Grand Prix?!” eksahiradang react ng isang member. “Yup. yun nga un. I was part of the team when they won the 2nd and 3rd championship.” Si Aki ulet. Napatayo ung girl na nagtaray sa kanya kanina at nag punta sa ibang members. Natawa lang sya sa ginawa nito. Kahit mabait kasi si Aki sa lahat eh may naitatago din syang kamalditahan sa katawan. “Wag mong pansinin yang si Ada. Feeling nya kasi sya na pinakamagaling dito sa squad. At nag aambisyon na maging team captain next year.” Sabi ng isang member na bading sabay irap sa tinutukoy na babae. Natawa si Aki. Well, hindi sya sumali sa squad para magpa impress. Andito sya para mag sayaw at makasama si Raf. “Did I hear team captain? Have met your future team captain?” si Raf na nasa likod na pala nila. Bakit ba kasi kung saan saan sumusulpot itong lalaking ito. “May kapalit kana agad Kuya?! And bilis naman.” Sabi ng isa sa mga kasama nya. “Oo naman. Ayan oh. Kaharap nyo na.” sabay turong sabi ni Raf kay Aki. “Hala ka! Raf, wag mo nga silang biruin ng ganyan. Meron pang mas senior sa akin dito” si Aki. Ngumiti lang si Raf at tumalikod na. Ngitian naman nya ang mga kasama sa squad.
Inaral ulet nila ang mga stunts. Pagkatapos ay ilang pasada pa ng buong routine. Past 12nn na ng mag lunch break sila. Bago kumain ay nag hugas muna ng kamay at braso si Aki, nag palit ng tshirt at lumabas ng gym para kumain. Dala ang wallet at mga gadgets nya sa isang maliit na bag. Naglalakad sya kasama ang ibang mga ka team mates ng may natanaw syang pamilyar na tao malapit sa parking lot. Di nga sya nagka mali. Si Austin. Naka blue na tshirt at naka jeans at flip flops. Nailing at nangiti na lang sya.
Ipinakilala ni Aki si Austin sa mga team mates nya. Sinabihan ni Aki na mauna na sila sa canteen at susunod na lang sila. “Anung ginagawa mo dito? At anu yang mga dala mo?” sunod sunod na tanong ni Aki. “Ang dami mong tanong ah. Ikaw na nga itong dinalhan ng food, ikaw pa itong matanong.” Tampong sagot ni Austin. “Adik ka naman. Masyado kang matampuhin. Pero, salamat. Sana di ka na nag abala.” Si Aki. “Tara na. kain na tayo. Di pa ako nag bi breakfast eh. Nagising kasi ako past 11am na.” nakangiting sabi ni Austin. Sabay silang nag lakad papuntang canteen. Pag dating sa canteen ay agad na naghanap ng mauupuan si Austin para sa kanila ni Aki. Pagka upo nila ay isa isang inilabas ni Austin ang mga food na dala nya. May carbonara, grilled chicken at salad. Pagkahain nya ay tumayo ito para bumili ng inumin. Pag balik ni Austin ay nag simula na silang kumain. Kulitan at tawanan pa rin ang dalawa habang kumakain. Naubos nila ang dalang pagkain ni Austin. Nagpahinga sila bago nagpasya na bumalik sa gym. Nakasabay ulit nila ang ibang team mates ni Aki.
“Ang sweet naman ng boy friend mo, Aki. Dinalhan ka pa ng food.” Sabi ng isang member habang naglalakad sila. “Ahahahaah! Hindi ko boyfriend itong mokong na ito.” Tawang sabi ni Aki. “Oo nga, hindi nya ako boyfriend. Hindi pa.” si Austin nag pinagdiinan ang salitang HINDI PA. “Naku, Aki kung di mo pa sya sasagutin. Akin na lang sya. Good catch kaya itong si Papa Austin.” Ang member nilang bading. Nagtawanan sila hanggang marating nila ang gym. Nag stay si Austin sa bleacher habang si Aki ay dumiretso kung saan sila nag pa practice.
Nag enjoy si Austin na pinapanuod si Aki na nagsasayaw. Ang galing palang mag sayaw ni Aki. Pero napansin nya na kada break ay panay ang lapit ni Raf kay Aki. Kitang kita naman nya na tila kinikilig si Aki. Biglang nag bago ang mood ni Austin. The more na nakikita nya na parang masaya si Aki pag nasa tabi o malapit sa kanya si Raf ay lalong sumasakit ang dibdib nya. “Anu bang meron itong lalaking ito na wala ako?” asar nyang tanong sa sarili. “Pareho naman kaming meron nun. Baka nga malaki pa ang sa akin eh.” Bulong nya sa sarili. Kagaya ng sinabi nya kagabi sa sarili. Di sya papayag na mapunta si Aki kay Raf. Gagawain nya ang lahat to win Aki’s heart. Di sya magpapatalo basta basta sa lalaking un… Mula doon ay may nabuong balak si Austin… ngayon nya lang gagawin ito… at sigurado syang mapapa sagot nya si Aki….
ITUTULOY….
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
No comments:
Post a Comment