Friday, November 26, 2010

THE MARTYR, THE STUPID AND THE FLIRT 10

Photobucket

CHAPTER 10 (Heartaches of Goddess)


Malungkot na tinatanaw ni Monty si Orly habang nagpapraktis ito sa field. Tatlong araw na ang lumipas ng magmakaawa siya rito para huwag siyang hiwalayan. After that fateful day, Orly was never the same. Although hindi siya nito tinataboy ay naroon ang manaka-nakang parunggit nito para sa kanya. Na kesyo ipinipilit bakit daw may ibang tao na ipinipilit ang sarili sa taong ayaw na sa kanila at iba pang masasakit na salita.

In short, napakalamig ng pakikitungo nito sa kanya. Hindi naman siya makaangal kasi mahal niya ito. Isa lang naman ang punto niya, gusto niyang ipadama rito ang pag-ibig na para dito. Na tanging siya lang ang kayang magmahal dito against all odds. Kahit ito pa mismo ang may ayaw sa kanya.

Kulang dalawang buwan na lang at matatapos na ang semester na iyon. Kaya naman todo-effort siya para iparamdam dito na mahal na mahal niya ito. Kahit minsan lang, gusto niyang ipadama kay Orly kung paano ang mahalin ng tulad niya. He was sure, it's just a matter of time. Magbabago rin ang isip at pakikitungo ni Orly sa kanya.

Sumenyas ito ng time-out at tinungo ang kinauupuan niya. Oh how his heart leaped to the very sight of him. Hinding-hindi niya ito ipagpapalit kahit sa isandaan Ronnie pa.

Weh? Banat ng atribidang bahagi ng isip niya.

"Why are you here?" bungad nito sa kanya.

Napalunok siya. Wala kasi siyang maisip na dahilan kung bakit siya naroroon gayong hindi naman siya dapat naroon. Alam kasi nitong may practice din sila sa teatro.

"I..." wala siyang maapuhap na sasabihin.

"You skipped your practice. Bakit?" putol nito sa kanya.

Napatango na lang siya. Hinubad ni Orly ang football uniform nito na agad niyang kinuha para isampay pansamantala sa bangko. Maagap niyang kinuha ang towel na pamunas nito.

"T-tumalikod ka." mahina niyang sabi.

Tumiim ang mata nito pero tumalima rin naman. He held his breath as he gently brushed the sweat off of Orly's' back. Napakaganda talaga ng katawan nito. Ang klase ng built na papangarapin ng kahit na sinong babae at bading na haplusin at pagpalain. Namuo ang luha niya sa mata ng maalala ang mga sandaling nakasandig ang kanyang pisngi sa likuran nito habang nagbabasa ito ng libro sa mismong bench na saksi ng pagiibigan nila.

"T-tapos na. Sa harap naman." aniya.

Bumugha ng hangin si Orly bago napipilitang humarap sa kanya. Napayuko siya para ikubli ang namuong luha. Marahan niyang pinunasan ang matipuno nitong dibdib. From his hard pecs down to his chiseled abdomen. Flashbacks of how he played with those perfect muscles gave him a stab on the chest. His heart constricted and his throat ached. Nanginginig na rin ang kamay niya na hindi rin naman nawala sa pansin ni Orly na mataman siyang tinititigan.

"What? Hindi mo na kaya?" tanong nito at hinawakan ang kamay niya.

He sobbed. Ang kanina pa pinipigilang luha ay naglandas na sa kanyang pisngi. itinaas niya ang mukha at buong sakit na tinitigan ito.

"Sinabi ko na iyo. W-wala akong hindi kakayanin Orly." he said almost whispering.

Marahang umiling si Orly. Hindi niya alam kung guni-guni niya lang pero may iglap na sakit din ang bahagya niyang nakitang dumaan sa mga mata nito. Napakurap siya para kumpirmahan iyon ngunit naging blangko na ang ekspresyon ng mukha nito.

"Monty..." wika ni Orly. Tunog frustrated pero walang maaninag na ganoong emosyon sa gwapong mukha.

"What? Itataboy mo na naman ba ako? Sinabi ko na sa'yo..."

"Kaya ko na. Bumalik ka na sa practice niyo nila Dalisay. Naghihintay na iyon sa iyo." masuyong sabi nito.

Biglang nanubig na naman ang mata niya at sumakit ang panga sa pagpigil ng iyak. Ilang gabi niyang pinangarap na maging masuyo man lang ito ulit sa kanya kahit sandali lang at mukhang nangyayari na nga. Parang lokang ngumiti siya sa kabila ng pag-iyak.

"I-i will." he choked on his words. Sa sobrang saya niya dahil sa biglang pagbabago ng mood ni Orly eh halos di na siya makahinga at nagkakandasamid-samid na siya.

Pinunasan ni Orly ang luhang naglandas sa pisngi niya and looked straight in his eyes. The stare held him captive and immobile for a while. Na-miss niya rin iyon. Iyong buong suyo siyang tinitingnan ni Orly.

Bumaba ang tingin nito sa labi niya. Now he's anticipating if Orly would kiss him. Bahagya niyang inangat ang mukha at sinalubong ang tingin nito at ginaya ang pagtaas baba ng tingin sa mata at labi nito.

Dahan-dahan ang naging pagbaba ng mukha ni Orly sa kanya. Anong galak niya at parang narinig niyang bumukas ang pintuan ng langit at bumaba ang mga anghel at nagsi-awitan.

He didn't want to close his eyes but the emotions he's feeling right now made sure that he would savor the moment as if it was his last kiss from Orly. Anong saya niya ng dumampi ang labi nito sa kanya na iglap ding napawi ng matantong it was just a quick kiss. A smack actually.

Naguguluhan siyang nagdilat ng mata at naiwang nakaawang pang bahagya ang labi. Nakita na lang niyang tumatakbo na si Orly palayo sa kanya at pabalik na sa field para magpractice. Hindi makapaniwalang ganoon lang ang mangyayari. Hinayang na hinayang ang pakiramdam niya pero may bahagya ring kaligayahan.

Maybe hindi pa ready si Orly ulit. Sabi niya sa isip.

Hoping? Asaness teh! Sabi naman ni Rubi, este ng isip niya.

Itinaboy niya ang masamang naisip. Tama na ang mga pangyayaring iyon. At least, kahit paano ay medyo nagkakasundo na sila ulit ni Orly. Iyon na lang ang itinanim niya sa isip niya.

Sinipat niya ang relos. May oras pa para makapunta sa practice ng play. Bagaman nag-away sila ni Jordan ay hindi naman nito pinersonal ang pagiging miyembro ng teatro niya. May pagkakataon na kakausapin siya nito ng pormal pero hanggang doon lang yun. Walang parinigan. Walang away.

Lumapit siya ng bahagya sa field at sinigawan si Orly. Tumigil naman ito saglit ng senyasan niyang lumapit.

"What?" humihingal pa nitong sabi.

"I'll be at the auditorium. Pwede mo ba akong sunduin mamaya?" sabi niyang sobra ang pag-asa.

Saglit itong nag-isip.

"I can't promise. But I'll try." sagot nito.

Nalaglag man ang balikat niya sa sagot nito ay kinalma niya ang sarili. Tama na ang sinabi nitong susubukan nito.

"O-okay?" pinilit niyang ngumiti.

"Sige na." sabi nito. Dismissing him gently.

Nagpasya siyang puntahan ang practice nila. Nang makarating doon ay agad siyang humilera sa mga nagpapahinga pang kasamahan nila.

"Uy! Bakit ngayon ka lang?" sabi ni Freia. Ang baklang nambara sa inggiterang babae sa canteen.

"Hey! Nawala sa isip ko." tipid siyang ngumiti.

Sasagot pa sana si Freia ng putulin iyon ng talak mula kay Jordan.

"Lagi ka namang wala sa sarili. Kaya tuloy yung ibang bagay nababalewala mo."

Masama ang tingin na ipinupukol nito sa kanya. Napayuko na lang siya at nagsalita.

"Sorry."

"You should be. Dahil wala ka, napilitan kaming gumawa ng ilang eksena. Tapos na lahat ng mga kasama mo, ikaw na lang ang kulang. Kung anu-ano kasi ang naiisip mong unahin. Hindi naman importante." dire-diretsong talak nito.

Pinili niyang pigilan ang sariling sumagot at nginitian ito. "Kung pwede pa, gawin na natin ang mga eksena ko. Para naman makahabol ako."

Naningkit ang mata nito pero di na nagsalita. Naramdaman siguro na ayaw niyang makipagtalo. Nahihirapan din siya sa sitwasyon at tama naman ito para tumalak. Late siya. Kahit pa anong anggulo tingnan, mali siya.

"Okay! Guys! Yung eksena sa gubat ang gagawin natin. Kabisado mo pa ba yung linya mo? Baka di ka na nakakapag-kabisado kakaisip mo ibang "bagay"?" maanghang na tanong nito sa kanya.

Napalinga siya sa paligid. Nakita niya ang nakikisimpatyang tingin ng mga kasama. Muli, pinilit niyang ngumiti at huwag sumagot sa patutsada nito. Alam naman niyang ang ibang "bagay" na tinutukoy nito ay si Orly.

"Let's do this D. Kapag di ko nagawa ng maayos, saka mo ako pagalitan." kimi niyang sagot.

Umingos na lang ito at di na nagsalita pa. Sumenyas ito sa control room at inihanda na ang set para sa eksena niya sa gubat.

Sa eksena, siya si Althea, ang trans-gender na Dyosa na kapatid ng trans-gender ding Dyosa na si Yasilad. Spoof nila iyon ng Encantadia. Dangan nga lamang ay pang-beki talaga ang mga characters.

Ang kapangyarihan niya ay ang control niya sa mga halaman. Parang kay Kurama ng YuYu Hakusho. Ang kapatid niyang si Yasilad ay si Jordan ang gumaganap. Yelo at Niyebe ang kapangyarihan nito.

Kunwari ay mag-eemote siya sa batis na tahanan ng katotohanan. Walang kinikilingan. Walang pinoprotektahan. Serbisyong totoo lamang ang tema.

Iniwan kasi siya ng mortal niyang dyowa na si Coco Marvin at ipinagpalit sa isang mukhang kabayong bading. Ipinagluluksa niya ang pag-ibig niya para dito. Tamang-tama naman na nasa kondisyon siya para mag-emote. Inilagay niya si Orly at ang sitwasyon nila sa isip para mag-internalize.

Nang sumigaw si Jordan para sa take ay nagsimulang tumugtog ang background music na Saan Ka Na Kaya Ngayon at naging si Althea na siya.

Limang taong na simula ng hiwalayan siya ni Coco Marvin pero ang pakiramdam niya ay parang noong isang buwan lang iyon.

Nagsimulang umawit si Ana Fegi na feeling straight ang buhok.

Hanngang ngayon sariwa pa
Sugat na sa'kiy dinala
Sa puso kong limot mo na
Hindi matanggap mahal mo'y iba.

Masaya ka na ba sa piling niya?
Sa bawat halik ba'y mas kinikilig ka?
Isa 'tong na medyo presko,
Kahit minsan ba'y hinahanap mo ako?


Bago mag-chorus ay nagsimula na siyang mag-monologue.

"Mahal kong Coco Marvin. Nasaan ka na kaya ngayon? Hinahanap mo kaya ako? Naaalala mo pa ba kaya ang pagmamahalan nating dalawa? Miss na miss na kita. Sana naririto ka..."

Malungkot na hinaplos ni Althea ang gawa-gawang batis habang nakaupo sa gawa-gawa ring bato. Unti-unting pumatak na ang luha niya.

Nasa isip ang sakit na pinagdadaanan. Kahit kasi nandiyan si Orly, parang ang layo pa rin nito sa kanya. Hindi na niya ito maabot ngayon. Kaya naman sisiw lang ang pag-iyak sa kanya ngayon.

"Masaya ka ba sa tinamaan ng magaling na adik na baklang yan? Ako, babae na ako. Tinanggihan mo pa. Mas gusto mo yung may libre kang singhot sa nakakasulasok na usok ng shabu kaysa ang makipaghabulan sa akin sa paraisong ito." nananangis niyang sambit.

"Paano na ako ngayong wala ka na? Hindi ko kayang mabuhay ng wala ka mahal kong Coco Marvin." saka siya nagtakip ng palad at humagulgol.

Nagtuloy ang chorus ni Ana Fegi na kanina pa nilalamok kakahintay na ituloy ang kanta.

Sino na kayang kasama mo?
Mas magaling ba siyang maglambing sa'yo?
Nais kong malaman kahit napakasakit para sa puso ko.

Hindi na ba magbabago ito?
Nagtatanong lang naman ako.

Saan ka na kaya ngayon?
Mahal pa rin kita.
Saan ka na kaya ngayon?


At muling binusalan si Ana Fegi ng mga kawal.

Nakaloop ang instrumental ng edited na kanta. Sakto sa oras para sa panibagong pag-e-emote niya. Muli siyang humikbi.

"Mahal kong Coco..."

"Ang OA ha." anang isang tinig.

"Huh? Sino ang nariyan?"

"Wala! Wala! Wala kang narinig." ang tinig ulit.

"Weh?" sabi niya.

"Kung maka-emote ka, akala mo bagong break lang kayo ng Coco Marvin na yan! Shutah ka! Limang taon na yon!"

"Sino ka ba? At nasaan ka? Magpakita ka kung hindi ay ipapakain kita sa mababangis na halamang alaga ko." galit niyang sabi.

"Echozera! I-try mo. Atashi pa ang piangbantaan nitong beking ito." anang tinig kasabay ng isang liwanag mula sa gitna ng batis.

Ang liwanag ay naging pigura ng isang tao hanggang sa maging ganap ang hitsura noon at lumitaw sa paningin niya ang Diwata ng Batis na tahanan ng katotohanan. Walang kinikilingan. Walang pinoprotektahan. Serbisyong too lamang. (Kapagod i-type ha!)Siyempre pa, effects lang iyon. Wala talagang ganoon.

"Diwatang Ivor!" gulantang niyang sabi. Ginanapan ni Freia.

"Walang iba!" nakangiti nitong sabi. Ang umiikot na tubig sa katawan nito ay talaga namang nakakamangha. At ang mga brilyante sa noo na kumikinang ng parang estrella ay tunay na kagila-gilalas.

"Ikaw ba ang nagsasalita kanina?" tanong niya.

"Oo Dyosang Althea. Paulit-ulit?" mataray na wika nito.

"Malay ko bang nandiyan ka?" umiismid niyang wika.

"Ah ganoon. Bet mong lunurin kita dito?"

"Huwag naman."

"Ano na namang drama ito Althea? Ang tagal mo ng wala sa piling ng hinayupak na Coco Marvin na iyon eh kung makapag-emote ka eh parang kahapon lang kayo naghiwalay. Di bale sana kung ang tagal niyo ring nagsama. Hello two-weeks lang ang relationship niyo no? On and off pa! Kaloka!" mahaba at detalyadong patutsada nito sa kanya.

Nagitla siya at napahawak sa pekeng dibdib. "Paano mong nalaman ang lahat ng iyan?"

"Hello again! For five years, iyon lang ang iniyak mo dito sa batis ko. Hindi na nagsilakihan ang mga karpa dito ng dahil sa patak ng luha mong may halong MSG."

"Paki-alamera ka Diwatang Ivor." nakalabi niyang sabi.

"Text MOVE (space) ON sa 2366. Umayos ka nga. Shutah ka!" iyon lang at nawala na ito.

Iniwan siyang hindi man lang nakaganti ng salita. Pero nagsalita pa rin siya dahil alam niyang nakikinig lang ito.

"Text INGGITERA (space) ON sa 8888. Para unlimited! Baliw!" galit niyang sabi.

Pagkatapos niyang sumigaw ay umihip ang hangin at nagsimula na uling kumanta si Ana Fegi na pumuti na dahil sa kakahintay ng turn niya.

Ooohh Oooohhh... Sino na nga ba?

Nais kong malaman, wala na bang pag-asa! Ooohh...

Saan ka na kaya ngayon? Mahal pa rin kita ah... Saan ka na kaya ngayon?...



Nang matapos ang take ay umani iyon ng palakpakan sa nanonood na estudyante at kasamahan. Kahit si Jordan ay may satisfied na ngiti sa labi. Pero ang mas ikinaloka niya ay ang malakas na tinig at palakpak na nanggaling sa isang tao.

Walang iba kung hindi si Ronnie na sumisipol pa at talagang tuwang-tuwa sa rehearsal nila. Pumapalakpak pa itong lumapit sa kaniya.

"Ang galing mo Monty. Ang galing!" niyakap pa siya nito sa gulat niya.

"Ah eh..." sabi niya habang nakaipit sa braso nito.

"Ronnie... di ako makahinga." ang totoo ay naguguluhan at kinikilig siya. Ewan ba niya. Hindi dapat ganoon ang nararamdaman niya di ba?

"Sorry." hinging paumanhin nito pero nakangiti pa rin.

"Bakit ka nandito?" tanong niya.

"Nanonood sa rehearsal niyo."

"Bawal kaya iyon."

"Well, may backer ako."

"Sino?"

"Si Dalisay."

Hindi siya nakaimik. Nakita niya ang nakataas-kilay na kaibigan na nakatingin sa kanila ni Ronnie.

"Ganoon ba?" sambit niya.

"Oo. Listen Monty. Date tayo mamaya. Third date na natin." sabi pa nito at sabay kindat.

Napasinghap siya ng gagapin nito ang kamay niyang biglang nilamig. May sasabihin sana siya ng marinig niya ang isang tinig.

"Sinong nagbigay sa'yo ng karapatan na hawakan ang kamay ni Monty?"

Si Orly! Mapanganib ang hitsura at talaga namang galit.

Si Ronnie naman ay tila nakakalokong ngumiti pa at itinaas ang kamay nilang magkahugpong pa. Natatarantang binawi niya iyon pero hindi ito binibitawan ng una.

"Ronnie..." nanghihinang sabi niya.

"Relax Monty. Wala namang masama sa paghahawak natin ng kamay di ba?" balewalang sabi nito.

Napapailing siyang tumingin kay Orly na palapit na.

"Nananadya ka talaga no? Bitiwan mo si Monty." mahina pero mapanganib na sabi nito.

"Kung ayoko?" si Ronnie na nagiinis pang ngumisi.

"Oh you're so getting this!" sambit ni Orly sabay bigwas kay Ronnie.

Dahil sa nakahawak sa kanya si Ronnie ay nahila siya ng wala sa oras at talagang nawalan siya ng panimbang dahil hindi nakaiwas agad si Ronnie. Parehas silang natumba at napadagan siya sa ibabaw nito.

Dagli siyang tumayo at hinarang ang sarili kay Orly.

"Tama na!"

Pero hindi ito nagpapigil. Nakatayo na rin si Ronnie at dahil sa siya ang nasa gitna, nang isalya siya ni Orly ay tumama siya sa kamao ni Ronnie na pabigwas kay Orly.

Next thing he knew, there were stars circling his head and then he passed out.


Itutuloy...

1 comment:

Arvz said...

wahaha! kakaloka ang esenang e2.. bet ko ang mga lines d2.. kakatawa.. nawewendang ako.. good job dalisay.. love it.. two thumbs up to that..