Tuesday, November 16, 2010

GWAPITO'S BY NIGHT 8

Photobucket

Matagal na kayong naghintay? Ahihihi... ako rin eh. This is for Gboi Arpon the author of The Newbie, The Sophomore and the Veteran. Ang pinakabago kong resident author sa aking blogspot na Fall in Love with Dalisay. Kasama niya si Mike Juha na nagpo-post doon. Ahihihi.

Bx's character is next. Sa ngayon ay si EA muna ito. At kung mapapansin ninyong halos familiar ang eksena, iyon ay dahil sa karugtong ito ng kay Matteo. Sa nakabasa ng Chapter 7, alam niyo ang sinasabi ko. Pero siempre, may exciting na kasunod.

Enjoy reading. :)


CHAPTER 8


"Damn!"

Banas na banas na lumabas ako ng REZ DENTE Grill. Kakakausap ko lang sa mommy ko at hindi maganda ang naging usapang iyon. Nakakawala ng gana para sa dati ng matabang na gabi ko. Gamit ang exclusive na pintuan para sa empleyado at mga kaibigan ko ay tinumbok ko ang harapan ng bar. Gawain ko na iyon since maitayo ang REZ DENTE para na rin sa marketing purposes. Sino nga ba naman ang nakaka-resist ng kagwapuhan naming tinaguriang GWAPITO'S ng barangay na iyon?

Naalala ko pa ang sinabi ni Mommy sa akin bago ako lumabas ng bar.

"You're making a fool out of yourself Achilles! Sell that damned bar of yours and help with the family business! Pinagbigyan na kita sa pagkanta-kanta mo sa ibang bansa at sa kung anu-ano pang kalokohan na kakabit ng pagsikat mo. Its high time you help us. Your father's not getting any younger!" masakit sa taingang sabi ni Mayumi Diaz, ang former beauty-queen na nanay ko.

Bumugha ako ng hangin sa frustration.

"Mom, are we on this again? I thought I told you..."

"That you don't want to run our business. That you'd rather let Chadrick to handle it since he's the first born. And that you can live like a king since you have money that will last you a lifetime. That's bullshit Eljo Achilles Gruttenberhg. That's totally bullshit!" mahabang putol ni Mommy sa sasabihin ko.

"You know what? Call it whatever you want Mom, I don't care! To hell with that damned business. You can sell it to Satan but don't call my own business bullshit!" galit na galit kong sabi. Sa lahat ng pagtatalo namin ni Mommy ay iyon ang pinakanagpagalit sa akin. Ayoko kasing nilalait ng sinuman ang pinaghirapan ko. Kahit sino ka pa.

Magbubukas sana ako ng Dunhill Lights ng makatawag ng pansin ko ang isang kapaparada lang na CRV. Hindi tinted ang salamin kaya nakita kong medyo cute ang sakay nun. Sinasabayan pa ang awitin ng Ramones na pinapatugtog ng malakas mula sa loob ng bar. Sumandal ako sa isang poste ng building para mabistahan na rin ito ng husto at para na rin hintayin ang mga kumag kong kaibigan.

Nagbukas ito ng sigarilyo habang naghe-headbang ng marahan ng maya-maya ay mataranta ito ng ma-realize na hindi pala nito nabuksan ang bintana ng lubusan. Dali-dali itong lumabas at kumaway-kaway pa para itaboy ang usok. He looked so silly and cute at the same time. Hindi ko mapigilang mapahagikgik.

Nakita kong tumingin ang lalaki sa akin saglit at parang bahagyang namula. Pumasok ito ulit sa kotse ulit at may kinuha sa likod. Sinindihan ko ang kanina pang nakatengga ng sigarilyo at tinawagan si Jethro.

"Pare, are you coming?" tanong ko ng mag-hello ito.

"Double-meaning ba iyan 'tol?" natatawang sabi ni Jethro sa kabilang linya.

"Ungas! Ang dumi talaga ng isip mo."

"Same to you 'tol. Malapit na kami. Para ka namang bago ng bago eh."

"Sige. Hintayin ko kayo sa loob. Malapit na set ko."

"Sure."

Pinatay ko ang cellphone at itinapon ang yosing hindi naman nakatikim ng hihigit pa sa tatlong hithit. Nakita ko ulit ang cute na lalaki na ngayon ay nakasuot na jacket na itim. Nakatanggap ako ng mga bati mula sa mga adoring fans na tinatapunan ko lang ng matipid na ngiti. Customer pa rin sila. Hindi pwedeng isnabin basta-basta.

Kilala ang REZ DENTE bilang "Bar of the natural hottie". Hindi basta nagpapapasok kahit pa may pambayad ka. Kung pangit ka, baduy, trying hard at jologs. Hindi ka pwedeng pumasok. Pero mayroong lugar sa labas ng bar na pwede mong tambayan. Kung magpipilit kang pumasok, ihanda mo na ang malaki-laking halaga para magawa mong maki-mingle sa mga magagandang nilalang.

Maraming nagrereklamo, but I have connections so that those pathetic faggots, bitches and manwhore stayed out of my sacred business. Hindi ako natatakot mawalan ng parokyano, in fact, dahil doon, lalong nakilala ang REZ DENTE Grill. Ganyan kalakas ang dating nito sa mga mahilig maging fabulous. Lalo na sa mga gustong patunayan na sila ay Natural Hottie. Kung sino ang makakapasok at kung sino ang hindi.

Binulungan ko ang bouncer na nadaanan ko para papasukin ang lalaking naka-jacket na nakakatanggap din ng humahangang tingin mula sa ibang customers.

Naupo ako sa isang couch malapit sa stage ng makita kong pumasok ang lalaking kanina ko pa binibistahan na parang may hinahanap. Pumasok ito sa CR. Marahil ay para mag-ayos. Paglabas nito ay lalo kong natitigan ang mukha nito. Small face. Hard jaw. Pointed nose. Full lips. Hmmm, me likey.

Nakuha na nito ang interes ko ng mapansin ko ang isang bagay. Para itong bata. Amazed na amazed sa paligid pero parang walang pakialam. Sa sobrang walang pakialam nito sa paligid ay hindi nito napansin na may isa pa pala itong baitang na aapakan kaya naman sumala ang pag-apak nito at diretsong pumlakda sa sahig.

That had me laughing out loud. Sobrang nakaka-amuse ang isang ito. "Interesting. Mukhang magiging maganda ang gabing ito para sa akin." sabi ko sa sarili.

Inalalayan ang may pagkalampang-cute na parang hilo pa sa nangyari. Nang makita nito na tumatawa ako ay taas-noong naglakad ito sa bar para umorder. Nakita kong nilapitan ito ng ilan para marahil yayaing magsayaw na tinanggihan naman nito.

Nagdatingan na sila Jethro, Aerel, Franco, Dyne at Goji. Kulitan at kamustahan ng parang hindi nagkita-kita ng matagal. Sa kabila noon ay naging abala pa rin ang mata ko sa prospect ko na nasa malapit lang.

Sinenyasan ko ang bartender na bigyan ito ng drinks. Kaya naman sa pag-ulit nito ng order ay nagulat ito ng akmang magbabayad. Itinuro ako ng empleyado kaya itinaas ko ang sariling inumin na kanina ko pa dinededma dahil malamig.

Maliwanag sa kinalalagyan nito kaya kitang-kita ko ng matuluan ito ng iniinom na tequila. Naaaliw na naman akong tumawa. Napansin ko ang seryosong si Jethro na nagpalipat-lipat ang tingin sa akin at sa lalaking nasa counter.

"What?" natatawang sabi ko.

"Nothing pare." iiling-iling na sambit nito.

"Sir EA, set na raw po kayo." kiming sabi ng isa kong waitress. Halatang nagpapa-cute sa aming anim.

"Guys, set muna ako. Drinks is on the house... for tonight." nambibitin ko pang sabi kasabay ng pagpapaalam para tumugtog.

Umani ng hiyawan sa mga sira-ulong Dyne at Goji ang sinabi ko habang si Jethro ay nakamasid lang sa akin na para bang may iniisip. Tinapunan ko siya ng questioning look na sinagot lang niya ng iling at tipid na ngiti. Ang madramang Franco at Aerel naman ay parang nagpapakiramdaman.

"Diyan muna kayo."

I checked the playlist. Second set na kaya ang gusto ng mga tao ay yung may magsasayaw sila. Sinenyasan ko ang keyboardist kung ano ang kanta. It was my version of "Can't Take My Eyes Off You." Rock ang genre ko kaya in-incorporate ko lang ang swing rhythm na nagustuhan ng mga tao sa awitin ni Gloria Gaynor.

Nagsimula ng umindak ang mga nasa dance floor. May nagpapakitang gilas sa pagsayaw mayroon naman na tamang sabay lang sa tugtog at indak sa lugar na kinatatayuan. Maya-maya ay nakita kong may kasama ng babae ang lalaking tinitingnan ko. Maganda ang babae, in fairness. Pero ang nakakatawa ay ang sumunod na nangyari. Inikot nito ang kasayaw na babae pero mukhang napasobra kaya natumba ito. Groggy na rin marahil.

Bahagya akong natigil sa pagkanta pero hindi ang rhythm section ko. Natatawang nagpatuloy ako sa pag-awit habang unti-unting napuno ang dancefloor na ginulantang ng agaw-eksenang pares na marahil ay nagsi-upo na rin.

Tumagal ng isang oras ang non-stop na sayawan at kantahan. halos ayaw pa nila kaming pababain ng matapos kami. Sinalubong ulit ako ng mga makukulit kong kaibigan pagkababa ko ng stage papunta sa VIP Lounge na naka-reserve sa amin.

"Grabe, EA. Ang galing mo talaga kumanta. Isali mo naman ako minsan." makulit na sabi ni Dyne.

"Sure." natatawang sabi ko.

"Hay naku tol, sigurado kang payag kang kumanta yang si Dyne sa stage?" nanlalaking mata na tanong ni Goji.

"Why not?" kibit-balikat kong tugon kahit alam ko na kung ano ang tinutumbok nito.

"Oo nga? Ano bang problema kung kumanta ako tol?" kunot-noo pa si Dyne.

"What Goji wants to say is you need more practice Dyne." mahinang sabi ni Franco.

"Anong practice? Okay na kahit biglaan pa iyan." mayabang na tugon ng pinagpapraktis.

"Hay naku. Ang slow." bulong ni Aerel. "Magbest-friend nga kayo nitong si Goji."

"Guys, give Dyne a break. Kung gustong kumanta, pabayaan niyo. Pwede namang naka-mute ang mic eh." sabi ko.

"Utot! Bakit ako kakanta ng naka-mute ang mic. Ang sama mo tol!" nagtatampo kunwaring sabi ni Dyne.

"Nagtampo ka pa. Pwede bang i-text mo na lang kami kaysa kumanta ka sa stage. Mas maiintindihan pa namin." pang-aasar pa ni Franco.

"Sige laitin niyo ako." natatawang wika ni Dyne. Halatang tinatamaan na ng kaunti sa nainom.

Tumagal ang usapan ng mga isang oras at tinawag ulit ako para sa aming set. Tumayo ako ng magsalita si Jethro.

"CR lang ako." basag ni Jethro sa usapan.

"Uy nandiyan ka pala 'tol." buska ni Goji.

"Yeah right." matabang na sabi nito saka mabilis na tinungo ang pakay.

"What's with him?" si Franco na namumula na ng bahagya.

Nagkibit ako ng balikat. "IDK. Teka, susundan ko. Kanina pa siya ganyan eh." paalam ko sa mga kumag.

"Sige tol. Huwag kayong mag-quickie ha." pahabol na sabi ni Goji na nakita ko pang umani ng kutos mula sa tatlo.

Nagtataka man ay sinundan ko na talaga si Jethro na kakaiba ang ikinikilos. Hinanap rin ng mata ko ang lalaking naka-jacket na ngayon ay mukhang missing in action na.

Pagdating sa CR ay nagitla ako sa bumungad sa akin. Jethro was standing with his fly semi-opened while the man in leather jacket is kneeling down in front of him. Mabilis na nagdilim ang paningin ko at walang kibong umalis sa CR.

Kaya pala ganoon makatingin si Jethro. Type niya rin pala ang prospect ko. Sabi ko sa sarili habang kinakalma ang aking kalooban. There's no need to be furious. I don't own the man. Akin mana ang bar na ito ay hindi ibig sabihin na akin ang lahat ng prospect ko dito.

Umakyat ulit ako sa stage at mabilis na kumanta ng apat na kanta lang. Tinamad na ako. Nakita kong lumabas na sina Jethro at ang lalaking naka-jacket na dumiretso sa counter.

Mabilis kong tinapos ang performance at nilapitan ang ka-quickie ng kaibigan ko.

“Kamusta naman ang performance ng kaibigan ko?” I said with malice.

“Mali ang iniisip mo, naihian ko kasi yung sapatos niya, kaya pinunasan ko ng tissue.” May pagka-defensive na sagot nito sa akin.

“Ah ganun ba?” kunwaring ayon ko.

“If you don't believe me, ok lang.” sabi nito sa akin sabay talikod.

That caught me off guard. Wala pang tumatalikod sa akin kapag kausap ko. So this man is no special snowflake! Pero na-amuse ako sa ginawa niya kaysa ang magalit.

Sinundan ko ito ng maglakad ito papunta sa bar para umorder. Inunahan ko na ito at dinoble ang order na drinks nito.

"Sorry kung na-ofend ka sa sinabi ko." apologetic kong sabi.

"Ok lang."

"Ngayon lang kita nakita dito."

"That is because lang ako nagpunta dito."

Natawa ako. The man is a walking dumb-ass. But a cute one for that matter.

Nagpakilala ito. Matteo. A saint's name for a dumb-ass. Great! Pero sa halip na mainis ay mas lalo akong ginanahan sa pakikipag-usap sa kanya. I didn't know that kaaaliwan ko pala at kakainin ang sinabi kong I can't stand dumb people. Iba pala ang experience. Maybe, dahil na rin sa ngiti nito. There's something about his smile that makes me want to know him more.

Ipinakilala ko si Matteo sa mga kaibigan pero iniiwas ko na siya kay Jethro. Naroong nakatikim ito ng katarayan ni Franco at ng panglalandi ni Dyne at Goji. Pinagtawanan na rin ito ni Aerel pero hindi ko talaga siya inilapit kay Jethro.

Niyaya ko siyang sumayaw. Medyo tipsy na ako kaya naman maharot na ang mga kilos ko kay Matteo. Nawala lang iyon ng bahagya ng makita kong tinitingnan ni Matteo si Jethro sa di kalayuan na may kasayaw din. Sa inis ko, hinalikan ko siya. Gumanti naman ang mokong pero di ko na talaga kaya kaya binigyan ko siya ng calling card sa halip na dalhin sa dark room ng REZ DENTE.

Hindi rin naman ako makakapag-perform ng maayos. But there will be next time. That's for sure.

"Call me." iyon lang ang huling sinabi ko.

Tinawag ko na si Goji na siyang kasabay ko pag-uwi dahil sa likod lang sila ng apartment ko. Nagsisabay na sila Aerel, Dyne at Franco. Si Jethro naman ay nagpaiwan.

"Tol, kape muna tayo." yaya ko kay Goji.

"Sige." hilong sagot nito.

"Eto candy."

"Salamat." paborito nito ang matamis kapag lasing.

Pinaandar ko ang Dodge Viper ko papunta sa kalapit na coffe shop. Nilagpasan namin ang mga naglalakad na sina Franco. Malapit lang kasi ang bahay ng mga ito at hindi nadala ni Aerel ang sasakyan niya.

Nang makarating sa coffee shop ay nagpaiwan ang nahihilo pa ring si Goji sa labas kaya naman ako ang napilitang umorder ng espresso para sa aming dalawa. Naghihintay na akong tawagin ang pangalan ko sa counter ng makita kong nagkakagulo sa labas at may tatlong lalaking pilit na kumukuha kay Goji mula sa sasakyan ko. Dali-dali akong lumabas pero nagpaputok ang mga ito para hindi kami makalapit.

Nagsisisigaw si Goji ng tulong pero pinatahimik ito ng paluin sa ulo ng baril.

Nagkubli ang lahat sa mga pwedeng pagtaguan. Hindi ako makalapit kaya naman hinayaan ko muna silang madala si Goji habang duma-dial ako sa police station. Walang sumasagot! Putek!

Gumapang ako papunta sa malalagong santan ng marinig kong umarangkada ang sasakyan ng tumatangay kay Goji.

Mabilis kong tinungo ang Dodge Viper. Sports car iyon. Kaya nitong abutan ang kahit na anong sasakyan na gusto nitong abutan. Tiningnan ko ang plate number. Agad kong tinandaan iyon. Idinial ko ang number ulit ng police station. Sa wakas may sumagot.

"Hello. Si Eljo Achilles ito ng REZ DENTE. May hinahabol akong kidnap victim. White van, Plate number XDN-897. Narito kami sa kahabaan ng Gwapito papuntang Junction. Bilisan niyo." Mabilis kong sabi habang iniiwasan ang mga sasakyan na nagbibigay daan sa aming habulan.

"Tang-ina!"

Naalala ko si Kuya Chadrick. Pulis nga pala iyon. Agad kong hinagilap ang phone sa pamamagitan ng pagkapa sa pinagtapunan ko nun. Nasa tabi ko lang iyon eh. Sabi ko sa isip. Nakita kong bumukas ang bintana ng van at sumungaw ang isang lalaking may baril. Pinaputukan ako nito.

"Shit!"

Nataranta ako ng tamaan ang gulong ko at gumiwang ito. Nawalan ako ng kontrol at ang sumunod na namalayan ko ay ang pag-angat ng sasakyan sa lupa at ang matinis na pingkian ng semento at bakal. Total darkness and kasunod na natandaan ko bago ako nawalan ng malay.


Itutuloy...

1 comment:

Anonymous said...

maaksyon ang isang ito aha... maganda...


by: saimy