Hi guys!!!
I know I have been so very busy for quite a while but you know what, I have this novel for you. Sa mga kakaunting bumibisita rito sa blog ko, sana makita niyo ito. What I'm going to share with you guys is my supposed entry sa isang book anthology. Yes, for the second time around, I will be joining a pool of great writers. MSOB Book Anthology 2 will be released this year so pakiabangan. Sa mga may kopya ng Book 1, thanks you! My deepest gratitude sa inyo. So heto na, hindi ko na patatagalin. Incorrigible Version 1 all for your entertainment.
Ciao!
Dalisay
PROLOGO
“Ibaba mo ang baril, Jonathan!”
Sigaw ni Michael na ikinagulat ng
nabanggit. Hindi niya inakalang masusundan siya nito sa lugar na iyon. Sa lugar
na inilihim niya sa kahit na sino. Kahit sa mga kapamilya at kaibigan niya.
“Ibaba mo iyan, Jon.” Pakiusap pa
nito sa kanya.
Unti-unti itong lumapit sa kinatatayuan
niya. Hindi matinag ang nag-aalalang tingin na ibinibigay nito sa kanya. Waring
nagsasabing magiging maayos din ang lahat.
Itinuon ni Jonathan ang tingin
saglit sa taong tinututukan niya ng baril. Nakangiti ito sa kanyang
pagngingitngit. Waring sinasabing suwayin niya ang sinasabi ni Michael at
paputukin ang baril na kanina pa nakatutok dito.
“What's the matter, sweetie? Aren't
you gonna fire that gun just now, are you?” nanguuyam na sambit nito sa kanya.
Naningkit ang mata niya sa sinabi
nito. Bahagya niyang itinaas ang armas at akmang kakalabitin na ang gatilyo.
“Huwag, Jon!” sigaw ulit ni Michael
na ikinalingon niya.
Malapit na malapit na ito sa kanya.
Hindi niya mapagdesisyunan kung itutuloy ang pagkalabit sa gatilyo upang
wakasan ang buhay ng taong nasa harapan niya o susundin ang pakiusap sa kanya
ni Michael.
“Bakit ka ba nagkakaganyan? Hindi mo
dapat ginagawa ito,” paki-usap pa rin sa kanya ng bagong dating.
“Tell him, Jon. Tell him!”
“Shut up, Karl!” sa wakas ay singhal
niya sa nasa harapan.
“K-Karl?” tanong ni Michael.
Napabuga siya.
“Oo. Siya si Karl.” Sagot niya.
Nangunot ang noo ni Michael.
“P-paano'ng nangyari iyon?”
“Mahabang kwento, Mike.”
Huminto ito sa dahan-dahang paglapit
sa kanya.
“I'm all ears, Jon.”
Napangiti siya.
“Are you sure?”
“Sure as hell, Jon.”
“Very well then...” sambit niya.
BANG!!!
“Jon!!!” ang umaalingawngaw na sigaw
ni Michael sa paligid.
Napaluhod ito sa nasaksihan.
“Don't worry, Mike. I'll tell you
the whole story...” ang nakakakilabot na sambit ni Karl.
ITUTULOY...
No comments:
Post a Comment