CHAPTER 6
“Where are we going?”
Tanong ni Michael kay Paul na busy
sa pagmamaneho. Kanina pa niya ito tinatanong ngunit iisa lang ang isinasagot
nito sa kanya.
“Secret. Just sit there, and relax.”
Anito na kinorohan na niya.
Inaasahan na kasi niyang iyon ang
isasagot nitong muli, ngunit ang hindi niya inasahan ay ang pagnakaw nito ng
halik sa kanya na dahilan para bahagyang mag-swerve ang sasakyan at matakot
siya ng bahagya.
“Paul!” sigaw niya sabay suntok sa
balikat nito.
“Aray!”
“That’s what you get for kissing me
in broad daylight!”
Natatawang hinimas-himas nito ang
brasong nasaktan. “Wala naming makakakita sa atin. Tayo lang ang nasa daan.
Wala tayong kasalubong. Saka anong broad daylight ka diyan? Pasikat pa lang ang
umaga, O!”
Napalinga rin siya sa paligid. Wala
nga siyang nakikitang mga bahay o tao sa paligid. Wala ring mga sasakyan na
kasabay ang sinsasakyan nila. Kumbinyente para sa isang magnanakaw ng halik.
With that in mind, he retaliated by
kissing Paul on his cheeks.
“Whoa!” ani Paul na kunwa’y gulat na
gulat at pabirong nilaro ang manibela upang gumiwang-gewang sila ng bahagya.
Natatawang hinila niya ang manibela pakanan at inabot ang preno bago iyon
madiin na inapakan.
Nang makahinto ay hinaklit niya ito
sa batok saka hinalikan ng mariin. He clung to Paul’s nape leaving him with no
choice but to surrender to his advances… sweetly.
Halos pangapusan na sila ng hininga
ng tanungin niya ulit ito.
“Saan tayo pupunta?”
Ravished from his kisses and taking
the time to return to his normal breathing, Paul smiled and stared longingly at
him and said.
“It cannot be spoiled. I searched
for it in Google and it was a good place. I want it to be special for us. When
we get there, we’ll throw anything and everything behind us and think about
only me and you.”
Muntik-muntikan ng mapasinghap sa
napaka-sweet na deklarasyon na iyon si Michael. Hindi halata sa hitsura niya ngunit
napaka-mushy niyang tao. Ang maliliit na action ng sweetness at thoughtfulness
ay hindi maaaring hindi makapag-paiyak sa kanya.
At iyon siya. Hirap na hirap
magpigil kung ano ang magiging reaksiyon sa sinabing iyon ni Paul. Ayaw niyang
magmukhang engot sa harapan nito.
“Paul…”
“Yes, babe?”
“Is it raining? Nababasa kasi yung
mata ko. Di ko alam kung bakit. Umuulan yata,” ani Michael.
“Oh babe!” said Paul while embracing
him.
Nanamnamin sana niya ang pagkakataon
nang makarinig sila ng ugong ng paparating na sasakyan. Isa iyong bus. Agad
nilang inayos ang mga sarili at pinaandar ang sasakyan bago sila madaanan at
mapansin ng mga lulan niyon.
“DITO na ba yung sinasabi mo?”
Nababasa niya ang karatula ng
Buruwisan Falls sa itaas ng isang poste na tumutumbok sa isang daan pababa na
kaonektado sa mismong highway n dinaanan nila.
“Oo. Nandito tayo sa Sinuluan.”
Sagot ni Rodgie sa tanong niya.
Inilibot niya ang tingin. Halos
mag-uumaga na. Walang tao sa paligid maliban sa kanilang dalawa. Busy ang
kasama niya sa paghahanap ng flash-light na dala nila. Nang madako ang tingin
niya sa di kalayuan ay may dalawang lalaki na naglalakad palapit sa kanila.
“Rodgie, tingnan mo. Mukhang may
makakasabay tayo sa pag-akyat.”
Nilingon nito ang tinutukoy niya at
napangiti.
“Mukhang maganda ang magiging
pag-akyat natin dito, Jon.”
“Mukha nga.” Sang-ayon niya.
Nang makalapit sa kanila ang
dalawang lalaki ay binati niya ang mga ito. “Kumusta mga, Sir?” aniya sabay
mabilis na pinag-aralan ang mga ito. “Aakyat kayo?” tanong niya kapagkuwan.
“Oo, Sir. Kabababa niyo lang ba?”
tanong ng mas matangkad habang ang isa naman ay may katangkaran din at
naka-sumbrero. Parang tinadyakan si Jon sa sikmura sa nakitang hitsura ng bibig
nito. Pamilyar ang lalaking natatakpan bahagya ang mukha ng sombrero at
bahagyang madilim pa sa kapaligiran.
“Hindi. Paakyat pa lang din kami.”
Ani Rodgie.
“Tamang-tama. Pwede ba kaming
makisabay?”
“Sige ba. First time niyo ba rito?”
“Oo eh. Kayo ba madalas dito? Teka,
parang nakita na kita dati, Sir?” tanong sa kanya nito na ipinagtaka niya.
“Ngayon lang aakyat siya aakyat dito
kasama ako,” putol ni Rodgie sa sasabihin niya. “Ako, madalas ako dito noong
bata pa ako.”
Napakamot ng ulo ang matangkad na
lalaki. “Climber ka pala talaga, Sir. Anyway, ako nga pala si Paul. Siya naman
si Michael.”
Nag-alis ng cap ang tinawag na
Michael at nagulat siya sa pagkakahawig nila. Hindi sila
magkamukhang-magkamukha ngunit may anggulo na pagkakamalan niyang nakatingin
siya sa sarili. Hinamig niya ang sarili at pinilit na ngumiti.
Nagpalitan sila ng pleasantries sa
isa’t-isa. Hindi mawari ni Jon kung ano ang nararamdaman niyang kaba sa
pagkikita-kita nilang iyon. Kaba na hindi naghahatid ng kilabot kundi
pagkasabik. Hindi niya mahintay kung ano ang susunod na mangyayari at di na
siya makapaghintay na malaman kung ano iyon.
Lalo siyang nakaramdam ng kakaibang
excitement ng makipagkamay siya kay Michael. Ang lakas ng tibok ng puso niya at
ang mabilisang pakikipagkamay sana ay tumagal sa itinakda niyang limitasyon ng
hindi niya namamalayan. Magtatagal pa sana ang pagkakadaop nila ng palad kundi
sa boses ng dalawang lalaking kasama nila.
“Halika na. Simulan na natin ang
pag-akyat. Siguradong magiging masaya ito,” si Paul na nakangiti ngunit
bahagyang madilim ang mukha.
“Sige, mauuna na kami. Sumunod na
lang kayo,” may diing sabi naman ni Rodgie.
“Ha, eh… sige, mauna na kami.” Si
Jon.
TANGING ngiti lang ang isinagot ni Michael sa lahat ng iyon. Sinimulan nilang maglakad kaagad pagkatapos ng nakakailang na eksena. Hindi naman na nagtanong sa kanya si Paul kaya hindi na rin siya nagsalita.
Pagkalipas ng isang oras ng
tuloy-tuloy na paglalakad at pag-akyat ay narating nila ang summit. Halos hindi
niya namalayan ang oras sa ganda ng tanawin at dali ng daang tinahak nila
paakyat doon.
“Ang ganda,” ani Michael.
“Sinabi mo pa.” tinig ni Jon na nasa
likuran na pala niya.
Napangiti siya.
“Alam mo, pamilyar ka sa akin. Hindi
ko lang matukoy kung saan at kalian kita nakita,” pagpapatuloy ni Jon habang
nakatingin sa malawak na kabundukan sa harapan nila. “Feeling ko, matagal na
kitang kilala.”
“Ang weird ‘no?” sambit niya.
Napalingon sa kanya si Jon.
“Bakit?”
Tiningnan niya ito saka ngumiti.
“Ngayon lang kita nakita. Sigurado
ako doon. Pero lahat ng sianbi mo kanina, I believed it. As in. Para tayong
magkapatid na hindi naman.”
Nanlaki ang mata ni Jon sa sinabi
niya. Natigilan din siya. Saka niya naalala ang isang nilalang na nagsabing
mayroon siyang kapatid. Kakambal for that matter. Nagkatitigan pa silang dalawa
nito.
“Ah… eh, solong a-anak lang a-ako,”
natataranta niyang sabi.
Ganoon din si Jon.
“A-ako din…” nauutal na sagot pa
nito.
“T-tama!” diskumpiyadong sigaw ni
Michael na kumuha sa atensiyon ni Paul at Rodgie na nag-uusap sa kabilang dako
ng summit.
“BAKIT kailangang isabay mo sa amin ang pag-akyat ninyo?” pabulong na anas ni Rodgie. Patingin-tingin sila kina Michael at Jon habang nagkukunwaring nag-uusap at itinuturo ang mga tanawin kay Paul.
“Eh, bakit ako ang sisisihin mo?
Iyon ang usapan di ba? Itong araw na ito ang itinakda ni Karl na papuntahin sila
rito.” Ani Paul na ipinadaan sa ngipin ang lahat ng mga sinasabi.
Napalingon sila kay Michael na
sumigaw.
“Anong tama, Bab- Michael?” awat ni
Paul sa sarili. Muntikan na siyang madulas sa totoong estado nila nito.
“W-wala naman. Napalakas lang ang
boses ko. Sorry.”
ITUTULOY...
1 comment:
Exciting na ang mga nangyayari. ^_^
Next na po!
-hardhat
Post a Comment