Wednesday, May 22, 2013

INCORRIGIBLE VERSION 1: CHAPTER 7

 photo lunapic_13676041329098_4_zpsfd0a81b8.jpg


CHAPTER 7

            “IT’S okay, Michael. Mag-ready ka na, lalakad na ulit tayo in two minutes,” ani Paul sa kanya na ikinaluwag niya ng paghinga. Hindi niya namalayang nagpipigil na pala siya ng paghinga mula pa kaninang napansin sila nito.
            “Natutuwa akong malaman yan, Michael. Alam mo ban a gusto ko talagang magkaroon ng kapatid. At sabi sa akin ng isang tao noong isang araw, may- ah, aalis na ba tayo?” putol ni Jon sa sasabihin sana.
            “I don’t know. Siguro?” kunot-noong sabi na lang niya.
            Alam niyang may sasabihin sana itong si Jon pero pinigilan nito ang sarili. Ano ang sinabi rito ng tao na tinutukoy nito? Na may kapatid din ito? Naalala niya si Karl. Ito ang nagsabi sa kanya na mayroon siyang kakambal. Si Jon na kaya ang tinutukoy nito?
            “Lakad na tayo. Isang lusong na lang pababa at nasa camp-site na tayo,” ani Rodgie na nagmamadaling hinawakan sa siko si Jon na mataktikang tumitingin-tingin sa kanya kapag may pagkakataon.
            Nang makababa sila sa campsite ay nagulat sila dahil ang sumalubong sa kanila ay katahimikan. Mistulang walang tao sa loob ng mga tent na nakatayo sa bawat sulok na maaaring pagtayuan nito. Gayundin ang mga cottages na marahil ay pinauupahan. Malakas ang ebidensiya na may mga tao na pumunta sa campsite ngunit ang pagpapatunay na mayroon ay wala. Patunay doon ang mga gamit na animo’y basta na lamang iniwan. Mga damit, gamit pang-luto, mga baraha, sigarilyo at marami pang iba.
            “Nasaan ang mga tao rito, Paul?” tanong ni Michael sa kasama.
            “H-hindi ko alam. Alam ko lang maganda ang falls nila rito.” Confused din nitong sagot. With that being said, narinig nila ang banayad na agos ng tubig. Kanina kasi, sobrang katahimikan ang naririnig nila na pinangibabawan nito ang tunog ng iba pang bagay.
            “You mean you didn’t know that it was like this, did you?”
            “Y-yes, I didn’t.”
            “Oh crap!” disappointed na sabi niya.
            “Huwag muna tayong mag-panic. Siguradong may dahilan kung bakit wala ang mga tao dito sa camp. Mukhang may mga naiwan silang palatandaan. Tingnan natin ang buong paligid,” ani Jon na mukhang nag-aalala rin ngunit pilit kinakalma ang sarili.
            “Siguro nga ganoon na lang muna ang gawin natin. Maghanap na rin tayo ng matutuluyan. Huwag na muna nating galawin ang mga nasa paligid. Baka nasa baba lang ang mga tao. Malawak ang camp na ito. Baka nasa Lansones o Batya-Batya lang sila,” si Rodgie.
            “Paano mo naman nasabi?” tanong ni Michael dito.
            “Simple lang,” anito saka tumakbo. “Sundan niyo ako.”
            Saglit lang at nakita nilang huminto ito sa pinakadulo ng talon na  nasa bahagyang ibaba lang ng campo. Halos malula si Michael ng pagsilip niya ay sobrang taas ng kinalalagyan nila mula sa ibaba.
            “Hindi ko sila naririnig sa ibaba nitong Buruwisan, kaya malamang, nasa Lansones sila o nasa Batya-Batya. Kung mamalasin, nasa Sampaloc pa siguro sila.” Ani Rodgie.
            “Maynila?” si Jon.
            “Falls din iyon dito. Lahat ng mga binaggit ko, falls iyon dito. Pero ang nakapagtataka, hindi pa nangyaring lahat ng campers ay magpupunta sa iisang lugar dito sa Romelo ng hindi nag-iiwan ng isang kasamahan para magbantay ng gamit.
            “Kung ganoon nga, saan sila nagpunta?” si Paul.
            “Wala akong maisip na pupuntahan nila. Maghintay siguro tayo ng mga isang oras pa. Kapag walang dumating, hanapin natin ang mga tao dito. Sa ngayon, ayusin muna natin ang mga tent na dala natin,” maawtoridad na sabi ni Rodgie sa kanilang lahat.
            Pumili sila ng patag na pwesto malapit sa isang cottage na may tindahan papunta sa mismong ilog. Malapit na rin iyon sa talon kaya anman maganda ang pwestong iyon. Samantala, sila Rodgie ay pumwesto sa may bandang daanan sa gilid nila.
            Pagkalipas ng isang oras, natapos na nilang ayusin ang tent at mga gamit ng magpasya si Rodgie na mauunang hanapin ang mga campers. Si Paul naman ay nagsabing gagamit ng palikuran na itinayo malapit sa campsite. Naiwan siyang nag-aayos ng mga pagkaing ihahanda niya ng may isang pigura ang umagaw ng atensyon niya.
            “What the—“
            “Hello, Mikey.”
            It was Karl. Suot ang isang pares ng Americana at trench-coat. Mukha itong businessman sa suot nito. Ngunit ang ipinagtataka niya ay paano itong nakarating doon ng hindi niya namamalayan.
            “How in the world did you get in here?” he replied cautiously.
            “I followed you.”
            Michael frowned.
            “I didn’t get you.” He said. Trying so hard not to sound confused.
            “I followed your trails. Hindi mahirap para sa akin ang gawin iyon.”
            “And that is why?”
            “I’m your guardian angel.”
            Natahimik siya sa isinagot ni Karl at tumitig dito. Maya-maya pa ay hindi niya mapigilang matawa sa tinuran nito.
            “What’s funny?” si Karl.
            Tumingin siya dito. “You dare asked?” saka siya lubusang tumawa ng malakas. “Ikaw! Ikaw ang nakakatawa kasi, ang sabi mo Guradian Angel kita. Ano bang kinain mo ha? Magpatingin ka nga.”
            Tinaasan lang siya ng kilay ni Karl at lumapit sa kanya. Tinitigan siya at nginitian. Saka muling lumayo ng bahagya at saka nagsalita.
            “I thought I told you I’d be visiting you again, right?”
            “And so? It must have slipped my mind.”
            “Have it?”
            “What do you want?”
            Karl chuckled.
            “No. What do you want?”
            Napatanga siya sa sinabi nito.
            “What do… I want?”
            “Yes. What do you want the most, Michael? Is it fortune?”
            Kumunot ang noo niya. Ano ang itinutumbok ng tanong ni Karl?
“Fame?”
“Love?”
“Affection?”
“Appreciation?”
“Acceptance?”
“Boys?”
“Paul?..”
Doon na siya napika. “What are you talking about?!” sigaw niya.
“Or do you want to hear the truth?” Karl said mockingly.
“What truth?!”
“The truth about your real identity, Michael.”
He was stunned for a moment. He actually knew that something was off when he was growing with his Papa Arnulfo.
Sa tuwina ay galit sa kanya ang kinilalang ina pero si Arnulfo, madalas ay ipagtanggol siya mula rito o kaninoman.
Hanggang sa sabihin nito sa kanya na may mga bagay na kailangan niyang malaman pagdating ng panahon. Ito na ba ang panahong iyon? Totoo ba ang mga sinasabi ni Karl?
“What’s in it for you?”
It was Karl’s turn to be stunned. He was caught off guard by the question.
“What’s in it for you, you bastard?!” ulit ni Michael sa tanong.
Bahagyang nangunot ang noon i Karl. Waring inaalala kung ano nga ba ang dahilan at naroroon ito ngayon at anong mapapala nito sa lahat ng ito.
“Tell me, you son a bitch!” halos hysterical na niyang sabi.
Nag-alis ito ng bara sa lalamunan.
“Well… I… I…”
“Sagutin mo ang tanong niya, Karl? Anong mapapala mo sa lahat ng ito?”
Nabaling ang atensyon nila kay Paul na nasa di kalayuan sa tent niya. Kasama rin nito sina Rodgie at Jon.
“Sagutin mo ang tanong, Karl,” ulit nito.
Nagpalipat-lipat ang tingin nito sa kanilang apat. And then, he started pacing back and forth. Nagsimula sa mabagal hanggang sa bumilis hanggang sa kusa na itong tumigil at humiyaw ng humiyaw at sa huli ay humalakhak.
“Wala na ‘to. Mukhang may sayad na talaga ang isang ito.” Si Jon.
Laking gulat nila ng biglang umangat sa lupa si Jon at tumalsik sa isang puno. Mabilis itong dinaluhan ni Rodgie habang si Paul ay lumapit sa kanya upang hilahin siya palabas ng tent.
“Jon! Ayos ka lang ba?” ani Rodgie dito.
“Tang-ina, ikaw ba ang tumalsik ng ganoon, ayos ka pa rin ba?” asik dito ni Jon.
“Whoops! Hindi ko ba nasabi sa inyo na umpisa na ng laro natin mga, anak ni Arnulfo?” ani Karl na biglang naglaho at lumitaw sa harapan nila.
“Anong klaseng nilalang ka? At anong, mga anak ni Arnulfo ang sinasabi mo?” si Michael na di makapaniwala sa naririnig.
“Ah… mukhang hindi mo talaga alam, ano? Well, sige, ako ang magpapaliwanag sa inyo. Pero bago ang lahat, maglalaro muna tayo!” tila nababaliw na sabi ni Karl at saka ipinitk ang daliri ng tatlong beses.
            Biglang nagbago ang hitsura ng lugar. Ang mga puno at ang campsite ay nawala. Ang tunog ng mabilis na agos ng tubig ay naglaho rin. Napalitan ang lahat ng iyon ng matingkad na liwanag at tumambad sa kanila pagkatapos ang isang pamilyar na tanawin para kay Michael.
            “No way!” mahinang anas niya.
            “Yes way, Michael!”pang-aasar ni Karl. “Ito ang kinalakihan mong lugar. Ang bahay ni Arnulfo. Ano pa ba ang magandang laruin kundi ang dahilan kung bakit kayo nandirito ngayon. Hindi ba?”
            “Bakit mo ba ginagawa ito?” si Jon na namimilipit pa rin.
            “Malalaman mo, in three, two, one, Showtime!

ITUTULOY...

No comments: