Monday, May 6, 2013

INCORRIGIBLE VERSION 1: CHAPTER 1

 photo lunapic_13676041329098_4_zpsfd0a81b8.jpg


CHAPTER 1

            “Kumusta?”

            Napalingon siya sa pinanggalingan ng tinig na bumati sa kanya. He was welcomed by a pair of brown eyes. It was warm. The way the stranger was eyeing him sent shivers down his spine.

            Napalinga siya sa paligid. Hindi kasi niya naramdaman na lumapit ito sa kanya.

            Kanina pa siya naka-upo sa bahaging iyon ng coffee shop sa loob ng mall. Maraming tao sa paligid at nakaharap siya sa mga iyon. Kahit paano sana ay nakita o naramdaman niya ang paglapit nito sa kanya. Ngunit hindi.

            Muli niyang ibinalik ang tingin dito. Nakangiti ang mga mata ng estranghero. Pero hindi ito ngumingiti katulad ng mga mata nito. May kung ano sa taong ito nagsasabi sa kanya na pagkatiwalaan ang simpleng pangungumusta nito sa kanya.

            Nag-alis ito ng bara sa lalamunan na nagpatigil sa imahinasyon na biglang bahagyang bumalot sa kanyang isipan.

            “Ah... eh... O-okay naman. T-teka, s-sino po sila?”

            Natawa ito ng bahagya. Revealing a lop-sided smile that almost cost him his heart leaping out of its cage.

            “I'm Karl.”

            Nangunot ang noo niya. Hindi niya ito kilala.

            “K-Karl? I d-don't know you.” He said matter-of-factly.

            The stranger named Karl rewarded his reply with a knowing smile.

            “I know, Michael. I know.”

            Bahagya siyang nagulat ng banggitin nito ang kanyang pangalan. Kilala siya nito ngunit hindi niya ito kilala. Kamag-anak siguro nila ito o isang malayong kaibigan ng pamilya nila.

            Pamilya?

            You don't have one Michael.

            Napalunok siya.

            Mukhang isang malaking misteryo ang hatid ng lalaking ito sa kanya. Wala na siyang masasabi niyang pamilya sapagkat namatay limang buwan na ang nakalilipas ang kanyang amang si Arnulfo. Siguro ay mapanganib itong tao na naghihintay ng pagkakataon na lokohin siya kapag nakakuha ng tiempo. Ngunit ang ipinagtataka niya ay hindi siya nakadarama ng kakaiba o anumang panganib mula rito.

            “Hmm...” ani pa nito.

            “I-I'm sorry. But I really don't know you,” magalang niyang sambit.

            He heard him chuckled for the second time.

            “Of course you don't. Pero sigurado akong alam mo na kilala kita.” Nakangiting sabi ni Karl sa kanya.

            “Halata ko nga.”

            Tumango ito.

            “As I've said, my name is Karl. Karl Torres. Kaibigan ako ng iyong ama.”

            He frowned from the declaration. Again.

            “Kilala mo si Papa?”

            “Kung ang tinutukoy mong “Papa” ay si Senyor Arnulfo, hindi siya ang tinutukoy ko.”

            “Ha! Nagpapatawa ka, Ginoo kung ang ibig mong sabihin ay may iba pa akong “ama” maliban kay Papa Arnulfo.”

            It was Karl's turn to frown.

            “You mean, you didn't know?”

            “What are you talking about, Mr. Torres? Ginugulo mo ang pananahimik ko rito and you are confusing me with your words. Please, I don't have time for this.” aniya sa iritableng tono.

            Akmang tatayo na siya ng pigilan siya ng mga sumunod na sinabi nito.

            “You're adopted, Michael. Or should I say, Mike?”

            “What?!”

            “You're adopted. And I know who your real father is.”

            Nanlaki ang mata niya sa mga sinasabi ni Karl. Hindi siya makapaniwala na ang nananahimik niyang mundo kanina ay guguluhin ng lalaking ito na ni sa hinagap ay hindi niya nakilala.

            Inis na inis na sinagot niya ito. “Kung inaakala mong maniniwala ako sa'yo, Ginoo ay nagkakamali ka. Hindi ako ampon kagaya ng ipinapaunawa mo sa akin. Ako ang nag-iisang anak ng aking Papa Arnulfo mula sa aking Mama. Huwag mo sanang ikasama ng loob, ngunit hindi ko pinapatulan ang mga kabobohang pinagsasasabi mo rito sa harapan ko. Maiwan na kita.”

            “Hindi ako nagsisinungaling. Kung gusto mo, sumama ka sa akin. I will show you where your real father is. Para magkita na rin kayong dalawa ng kakambal mo,” dagdag pa ni Karl sa mga kabalintunaang sinasabi nito sa kanya.

            “This is preposterous! Kanina ay sinasabi mong ampon ako. Ngayon naman, sasabihin mong may kakambal ako?”

            “Yes.”

            “That is bullshit! Katulad ng sabi ko kanina, nag-iisa akong anak ni-”

            “Ang kinasanayan mong katotohanan ay taliwas sa tunay mong pagkatao. Tutal naman, nakuha mong kausapin ang isang estrangherong katulad ko mula pa kanina, why don't you try to be more generous of your time and join me. That way, malalaman mo kung totoong nagsisinungaling ako o hindi.”

            “Wala akong-”

            “Three hours, Michael. Iyon lang ang kailangan ko para kumpirmahin sa iyo na totoo ang mga sinasabi ko,” putol ni Karl sa mga sasabihin pa niya sana.

            Tinititigan siya nito sa napakakalmadong paraan. Para siyang walang magawa kundi sumunod sa sinasabi nito at paniwalaan ang mga kasinungalingang kanina pa niya pilit itinataboy sa kanyang isipan.

            He sighed in resignation.

            “Kailan mo ako kailangan?” tanong ni Michael.

            “Sa mga susunod na araw. Kukumustahin kitang muli. Pagkatapos nun, pupuntahan na natin ang iyong ama at kakambal.”

            Iyon lang at muling napatunganga si Michael kay Karl. Ang kaninang nararamdaman niyang inis ay wala na. Tinitigan din siya nito ng maigi. Hindi na lang niya namalayan na nawala na ito sa kanyang harapan.

            Muli. Hinanap niya ito sa paligid ngunit hindi niya ito nakita pa.


ITUTULOY...

1 comment:

Anonymous said...

Wow. Smooth as ever Ms. D. :)