CHAPTER 5
Maaga pa lang ay inihahanda na ni
Jon ang lahat ng kailangan nila ni Rodgie para sa araw na iyon. Aakyat kasi
sila ng bundok tulad ng napag-usapan nilang dalawa tatlong araw na ang
nakalilipas.
May ngiti sa kanyang mga labi habang
isa-isang isinisilid ang mga gamit niya sa bag. Sinisigurado niyang mayroon
silang sapat na kagamitang tatagal ng talong araw. Masaya siya habang
naghahanda. Bakit? Dahil sa kauna-unahang pagkakataon ay may taong kayang
sabayan ang kakaibang hilig niya.
Ang hilig niya sa sex.
Hindi niya kayang ipaliwanag ngunit
kahit sino ang mahawakan niya ng tatagal pa sa dalawampung segundo ay
awtomatikong yayayain siya ng sex ngunit hindi naman tumatagal ang mga ito
pagkatapos ng mainit na eksena at bigla na lang mawawalan ng malay.
Naaalala pa niya ang unang pagkikita
nilang dalawa. Limang araw na ang nakalilipas. Nabunggo siya nito sa daan at
nalaglag ang mga pinamili niyang mga de lata mula sa perang nadelihensiya niya
sa isang kawawang biktima.
“S-sorry!”
“Anak
ng…”
Naiinis
na pinulot niya ang mga pinamili. Nang kukunin niya ang isang lata ng sardinas
sa di kalayuan sa kanya ay nakasabay pa niya sa pagdampot ang isang lalaki.
Walang
iba kundi ang nakabunggo sa kanya.
Bibitiwan
sana niya ang kamay nito ngunit hindi ito bumitiw. Asar na tumingin siya dito
upang bulyawan nang salubungin siya ng isang pares ng magandang mata.
Lahat
ng sasabihin niya ay nanatili sa kanyang lalamunan. Tila nagkaroon ng sariling
isip ang mga iyon at piniling huwag lumabas.
“Sorry.”ulit
nito.
“Ah…
eh… O-okay lang.”
Napangiti
ang lalaki sa kanya saka nagpakilala.
“Ako
si Rodgie. Pasensiya ka na pare. Di kasi kita napansin.” Anito na nakatitig pa
rin sa kanya at hawak-hawak ang kaniyang kamay.
Napabitiw
siya ng maalala ang kanilang pagkakadikit.
“Ah…
eh… O-okay lang nga sabi ako, pare.” Aniyang nagtanggal pa ng bara sa
lalamunan. Lihim na napangiwi ng mapagtanto niyang nagmumukha na siyang tanga
sa harap nito.
“Tulungan
na kita.”
“Ha?”
“Sabi
ko, tulungan na kita.” Saka nito dinampot ang mga nahulog na pinamili niya.
“Ako
na, ‘pre. Wag ka ng mag-abala. Ako na. Kayang-kaya ko na ito.” Natataranta
niyang sambit sabay luhod upang imisin ang mga de lata.
Nang
makatayo ay napansin niya ang tindig ni Rodgie. Matikas at mukhang malakas.
Sanay sa pagbabanat ng katawan tulad niya ngunit mas malaki ito.
“Pasado
ba?”anang baritonong tinig nito.
“Ha?”
Natawa
ito. “Mukhang kabisado mo ang lugar na ito. Saan kaya ako pwedeng umupa dito?
Iyong mura lang sana para makatipid ako. Maghahanap pa ako ng trabaho eh.”
“Uupahan?”
biglang nakaisip siya ng paraan para kumita.
“Oo,
‘pre.”
“Kung
gusto mo, sa akin ka na tumuloy. Hati tayo sa upa. Tatlong-libo ang upa ko.
Hati na tayo. Para di ka na rin mahirapang maghanap. Mukhang mabait ka naman
eh.” Ani Jon sa kausap.
“Sige
ba. Pagod na rin ako ‘pre. Pero sasama ako sayo, kung sasabihin mo ang pangalan
mo.”
Alam
niyang namula siya sa sinabi nito pero hindi siya nagpahalata. Ewan ba niya
kung bakit ganito ang epekto sa kanya ng lalaking ito.
“J-jon.
Ako si Jon. Ikaw si Rodgie di ba?”
“Oo.
Halika. Ituro mo na sa akin yung inuupahan mo.” Anito na nagpatiuna na sa
kanya.
Pagdating
sa kwartong tinutuluyan ay agad na ipinakita niya kung saan ito mahihiga kung
sakali. Pati na kung nasaan ang kasilyas at ang paglalabahan ng maruruming
damit.
“Disente
naman pala itong tinutuluyan mo rito. Sino ba ang kasama mo ditto, matanong ko
lang?”si Rodgie.
“Ah…
Ako lang. Wala ng iba pa.” sabi niyang iniiwas ang mata rito.
“Salamat.
Magkano nga pala ang hati ko sa upa?”
“O-one
thousand five hundred.”
Dumukot
si Rodgie ng pitaka at naglabas ng apat na tig-lilibuhin at isang limang-daan.
“Advance ko na yung sobra, ‘pre.”
Agad
niya iyong kinuha. Ang totoo, kalahati ng kabuuang upa na sinabi niya rito ang
totoong presyo ng inuupahan niya. Pagkakataon na niyang kumita ng instant,
bakit pa niya palalampasin?
“Okay
na ‘to, pare. Sige, ilagay mo na yang gamit mo sa isang cabinet. Wala naming
gumagamit nun eh. Tanggalin mo na lang yung mga kalat dun.
“Sige.
Ah… pare, pwede palang magtanong?”
Natigilan
siya bahagya. Saka alanganing sumagot. “O-oo naman.”
“Bakla
ka ba?”
Nanlaki
ang mata niya sa narinig. “Gago ka pa-“
“Okay
lang naman kung ganoon ka. Callboy kasi ako dati, pare. Kaya ayos lang sa akin.
O silahis ka? Meron naming ganon di ba? Lalaking-lalaki tingnan pero lalaki rin
naman pala ang hanap.” Putol ni Rodgie sa kanya sa tonong di nang-aasar o kung
anupaman.
“Ulol!”
sigaw niya dito. “Ako? Bakla? Silahis? Gago! Pumapatol ako sa babae at lalaki
kasi paminsan-minsan, callboy din ako. Kaya tigilan mo ako sa kakatanong mo na
iyan o sasamain ka sa akin!” duro pa niya rito.
Napag-isip
din niya. Kung lalabanan nya ito, lugi siya. Limang-talampakan at pito lang
siya kumpara sa taas at tikas nito.
“Okay.”
Nakataas ang kamay na sabi ni Rodgie. “Pasensiya na, ‘pre. At least ngayon,
alam ko na pareho pala ang likaw ng bituka natin.”
Napakunot
siya sa sinabi nito.
“Pareho?”
“Pareho
tayong malibog.”
Nauwi
sa ngisi ang ngiti ni Jon.
“Paano
mo naman nasabi?”
Napakamot
sa harapan niya si Rodgie. Natuon doon ang pansin niya at napalunok. Sa
panggigilalas niya, kinuha nito ang kamay niya at inilagay sa umbok nito.
Matigas.
Mainit.
At
kahit sa kabila ng makapal na maong na suot nito ay hindi niya maipagkakaila
ang nakakakilabot na pintig na nasa ilalim nito.
“Huwag
mo akong hawakan.” Anas ni Jon.
Nagsisimula
na siyang mag-init at pangapusan ng hininga.
“Ayoko.”
“Please…
Baka di ka makatagal. Magagaya ka lang sa iba.”
“Bakit
di mo ako subukan?”
Iyon
lang ang kailangan niyang marinig at saka niya sinibasib ng halik si Rodgie.
Lumaban din ito. Marubdob ang nagging pagtugon sa kanyang labing mapaghanap.
Tila
sabik na sabik sila sa isa’t-isa at kailangan nilang matugunan ang
pangangailangan na nararamdaman ng bawat isa.
Nang
mawala na ang lahat ng suot nila ay dahan-dahan silang humiga sa kutson. At
doon… pinagbigyan nila ang init na kanina pa kumakawala sa kanila.
“O?
Iyan na ba lahat ng gagamitin natin?” tanong ni Rodgie mula sa likuran ni Jon.
Naramdaman niya ang pagyapos nito sa kaniya. Agad ang pag-iinit ng katawan
niya. Ngunit hindi katulad noon na nag-aalala siya sa mga nadidikit sa kanya,
isiniksik pa niya ng husto ang sarili sa matigas na pangangatawan nito.
“Hmm… Ang aga-aga, ang tigas-tigas
mo.” Tukso niya rito ng maramdaman ang matigas na bagay na dumudunggol sa
kanyang likuran.
“Ikaw kasi. Ang aga-aga ang sarap
mong papakin.”
“Ang landi mo, Rodgie.”
“Mana lang sa’yo.”
Nagkatawanan sila sa winika nito.
Nang matapos, saka niya ipinihit ang katawan upang magkaharap sila.
“Nagtataka pa rin ako kung bakit di
ka tinatablan ng kung anong meron ako, pero natutuwa ako, dahil sa
kauna-unahang pagkakataon, wala akong allalahanin kapag nadidikit ako sa isang
tao. At natutuwa ako, na ikaw ang taong iyon.”
Napangiting muli ito sa kanya. Saka
siya ginawaran ng matamis na halik sa labi. Ayaw na niyang matapos sana iyon
ngunit inistorbo sila ng mga katok ng kapit-bahay.
“Iyong sinaing niyo, sunog na!”
Natatarantang bumitiw sila sa
isa’t-isa at dinaluhan ang pobreng sinaing na nakasalang mula pa kanina.
Natatawang pinatay niya ang kalan.
“Mahal kita, Jon.” Ani Rodgie.
ITUTULOY...
No comments:
Post a Comment