CHAPTER 8
Tatlong bata ang magkakahawak-kamay
habang nakapalibot sa isang maliit na apoy. Isang lalaki at dalawang babae. Mga
edad siyam ang bawat isa at nakasuot ng magagarang kadamitan.
“Maida, sigurado ka ba na tatalab
ang gagawin nating ito?” sabi ng batang lalaki.
“Arnulfo, sigurado ako dito. Sinabi
sa akin ni Ina na kapag lumibot tayo sa apoy at pinag-isa ang kagustuhan
nating tatlo, magkakaroon tayo ng bagong kalaro na ibibigay ang gusto natin,”
sabi ng batang si Maida.
“Ako, gusto ko rin yun, Arnulfo.
Sana batang lalaki ang maging kalaro natin.” Anang isa pang bata.
“Kahit ano, Isis. Sigurado akong
hindi tayo pababayaan ng ritwal na ito. Subok na raw ito sabi ni Ina,”
pangungumbinsi pa ni Maida sa kabigang babae.
“Sige na nga. Simulan na natin,”
napipilitang sambit ni Arnulfo. Nahahati sa pag-aalinlangan sa kasiguraduhan ng
kanilang gagawing magkakaibigan at ang pag-iwas na ma-disappoint ang mga ito.
Samantala, sa hindi kalayuan ay
nakatayo silang apat. Kapwa nanlalaki ang mga mata nila sa hindi maipaliwanag na
karanasang nararanasan nila sa kasalukuyan.
“W-we actually turned back to time!”
said Michael.
Napalingon sa kanya ang tatlo.
“Anong sinasabi mo, Michael?” si
Jon.
Narinig niya ang tanong na iyon ni
Jon, ngunit hindi na siya makapagsalita. It felt like he froze. Kahit pa
sumisigaw siya sa isip niya.
“A-ang sabi niya ay bumalik tayo sa
nakaraan. Pero anong nakaraan? Kanino at saan?” pag-e-esplika ni Paul sa mga
kasama.
“T-Time travel?” si Jon. “Yun ba
yung tawag doon?” tanong pa nito.
“Oo.” Si Paul ulit.
“Anong nangyari kay Michael?” tanong
ni Rodgie. “Mukhang na-shock na yata ito, eh.” Pagpapatuloy pa nito.
“Michael!” sigaw na nagpabalik sa
katinuan niya.
“Y-yes?! Anong problema?” taranta
niyang sagot.
Lumapit sa kanya si Paul at
tiningnan kung okay lang siya tulad nang sa nagtse-check ng may lagnat.
“I-I’m fine, Paul. I’m fine,” iwas
niya rito.
“Ano yung sinasabi mo bumalik tayo
sa nakaraan?” si Rodgie.
“Ha?”
“Nasa kaninong nakaraan tayo? Kailan
at saan ito?” pagpapatuloy na tanong ni Rodgie.
Napapikit siya.
Tinitimbang kung mayroon siyang
lakas ng loob para isiwalat ang nalalaman niya sa mga oras na iyon.
“We’re in my father’s past.” He
said, finally.
Napatingin sa kanya si Paul. Si Jon
at Rodgie ay napakunot-noo.
“I saw his picture when he was a
boy, marami niyon sa photo-album sa bahay. Iyan ang mismong bahay na tinutukoy
ko. At ang batang nakikita natin ngayon, He was my father Arnulfo when he was a
little child. About nine years old, I think. At hindi ako maaaring magkamali,”
mahabang paliwanag niya.
Nanlaki ang mata ni Jon sa narinig
habang si Rodgie ay tila naguguluhan pa rin. “A-ang ibig mong sabihin ay… Tatay
mo yang batang iyan? At nandito tayo sa panahong siyam na taong-gulang siya?
Bakit?” tanong pa ng huli.
“I-I don’t k-know…” he said
confused.
“Ako alam ko… Panoorin niyo sila,”
si Paul.
Nagtataka man tumingin muli sila sa
mga bata na ngayon ay nakapikit na at bumibigkas ng mga kakatwang salita.
“We call the one in green, to come
forth and heed what we need. Be far or be he near, Bring us one of your
Apostle, the Trickster or the God itself, be seen…”
Paulit-ulit na binibigkas ng mga
bata ang mga katagang iyon na sa una ay hindi nila maintindihan. Nang maglaon
ay naging malinaw na sa kanila ang sinasabi ng mga ito. Mukhang isa iyong chant
or spell na ginagawa para tumawag ng kung ano. Isang childs play na
napagkakatuwaan ng gawin noon magpasahanggang-ngayon.
“We call the one in green, to come
forth and heed what we need. Be far or be he near, Bring us one of your
Apostle, the Trickster or the God itself, be seen…”
“Who are they calling out?” tanong
ni Michael.
“Paul?” lingon niya sa katipan.
Laking-gulat niya ng makitang
unti-unting nagiging usok si Paul at naglalaho sa harapan nila. Hindi siya
makapaniwala sa nasaksihan na napasadlak siya sa lupa.
“Paul!!!” sigaw niya na ikinabigla
din ng dalawa pa nilang kasama.
“Anak ng—ano ang nangyayari?” tanong
ni Jon.
“Sorry, babe… I’m being called and I
am not Paul. My name is Pan…” iyon lang at napunta ang katawan nitong usok sa
gitna ng mga bata patungo sa mismong apoy.
“Paul!!!” hysterical niyang sabi.
“Michael! Huminahon ka. Kung ano man
ang nangyayari, hindi na si Paul ang inaakala mong si Paul. Mukhang
napaglalaruan tayo dito ng mga maligno. Baligtarin n’yo ang mga damit ninyo!”
sigaw ni Jon sa kanila.
Napalingon siya dito.
Hindi
man niya makuha ang tamang rason sa mga nangyayari ay tumalima siya. Hinubad
niya ang T-shirt na suot at isinuot iyon pabaligtad ay sinalubong ulit sila ng
maputing usok at nang mawala ang iyon ay nasa loob na sila ng bahay.
“Ano na naman ang nangyayari?” tanong ni Jon.
“Mukhang
hindi tayo tatantanan nang malignong ito.” Si Rodgie.
Napailing
siya. Hindi siya naniniwala sa mga maligno o kahit na ano. Pero sa nangyayaring
kababalaghan sa paligid nila ay mukhang malapit na siyang maniwala.
“Maida,
we don’t have much of a time. We have to call Pan or else Isis won’t make it! We
have to call him!” sabi ng isang lalaking halos kaedad nila at paroo’t parito
ito sa loob ng bahay.
“We
can’t call him, Arnulfo. Delikado. Kapag nakita ni Pan na may mga anak ka na,
ililipat niya ang mga larong ibinibigay niya sa atin sa mga bata,” tila
nahahapong sabi pa ni Maida.
“Please.
He’s the only one that can give Isis the power to make it through while giving
birth. Kahit sandali lang. We need Pan so that she can give birth!” desperado
naming wika ni Arnulfo.
“But
why is that?” asked Maida.
“Hiniling
ko kay Pan na ibigin ako ni Isis. I know he’s no cupid but he can actually do
it provided I let him play with my child and my child’s children,” mahinang
sabi ni Arnulfo.
Napasinghap
si Maida.
Ganoon
din sila.
“How
could you do such thing?” sigaw ng babae. “Alam mo ba ang nangyayari kapag
nakipagkasundo ka sa isang Diyos?”
“Alam
ko, Maida! Kaya nga sa pagkakataong ito, hihilingin ko sa kanya na palakasin
niya sandali si Isis hanggang sa makapanganak ito dahil mahina ang puso niya!
Naintindihan mo ba iyon?”
Nasindak
silang lahat sa narinig.
Nakita
nilang tumaas-baba ang dibdib ni Maida saka ito huminga ng malalim bago
nagsalitang muli.
“Very
well, then… We need Isis in the process. Let’s go to her,” talunang sabi ng
babae. Muling lumiwanag at napunta sila sa isang kwarto na may isang babaeng
nakahiga sa kama. Maputla ito at mukhang hinang-hina ngunit napakalaki ng tiyan
tanda ng kabuwanan na nito.
“We
need your help, Isis. We will call Pan so he can help you. Is that alright?”
tanong ni Arnulfo sa asawa.
Naantig
ang puso ni Michael sa nasaksihan. Hindi siya makapaniwalang masasaksihan niya
ang mga oras kung kailan siya ipinanganak.
“I’m
in, Arnulfo. Just make it quick,” nanghihinang sabi nito.
“That’s
my girl…”
Muli
nilang narinig ang mga katagang sinasabi ng mga bata kanina. Akala nila ay
magbabago ulit ang panahon dahil sa makapal na usok na bumalot sa silid ng
biglang lumabas sa kung saan si Paul.
“Pan!”
si Arnulfo.
“Paul?!”
sabi ni Michael.
“Hello,
Mikey!”
ITUTULOY...
No comments:
Post a Comment