Sunday, April 3, 2011

Daglat presents: SEE LAU 1

Daglat Series presents

See Lau


Unang Bahagi: /oo-nah-ng/ - /ba-ha-gee/

Fierro – Martin – Cris

“Sakit ng ulo ko!” reklamo ng pupungas-pungas pang si Martin.

“Kasi naman nagpaumaga ka pa ng tulog eh.” sagot naman ni Danielle sa kaibigan.

“Paanong hindi magpapaumaga eh ang kulit-kulit mo sa chat kabagi. Parang hindi tayo magkikita ngayon.” sagot naman ni Martin dito.

“May sinabi ba akong makipagkulitan ka sa akin?” agad na sagot ni Danielle.

“Wala.” mahinahong sagot ni Martin. “Daan muna tayo sa loob ng Robinson.” aya pa nito. “May bibilin lang ako.” saad pa ng binata.

“Sige ba!” masaya at napangiting tugon ni Danielle.

“Ano na naman at ngiting aso ka?” nahihiwagaang tanong ni Martin kay Danielle.

“Wala!” maang na sagot ni Danielle.

Sa loob ng Robinson –

“Good Morning Sir!” simulang bati ng baggage counter kila Martin at Danielle.

“Good Morning!” nakangiting sagot dito ni Martin.

“Good Morning din!” sagot naman ni Danielle na may malanding ngiti.

“Wah!” biglang kurot ni Danielle kay Martin sabay hampas sa binata.

“Aray naman!” reklamo ni Martin sa kaibigan. “Naglulumampong ka na naman.”

“Amfness!” sagot ni Danielle na kita pang kinikilig. “Ang cute niya!” saad pa nito.

“Gaga!” awat ni Martin. “Hindi iyon papatol sa tulad mo.” kontra naman nito.

“Ah basta! Cute niya, ang ganda ng eyes n’ya, ang ganda ng ngiti niya, ang dimples niya.” simula ni Danielle sa pagkukwento.

“Kilabutan ka nga!” tutol ulit ni Martin sa kaibigan.

“Tara na labas na tayo!” pagpupumilit na aya ni Danielle sa kaibigan.

“Hindi pa ako nakakabili ng bibilin ko nag-aaya ka na agad.” reklamo pa ni Martin.

“Haysus! Manong bilisan mo!” sabi naman ni Danielle sabay hatak kay Martin papunta sa shelves.

Pagkabayad sa counter –

“Hi!” bati ni Danielle sa taong nasa baggage counter kasunod ang malanding ngiti.

“Lumandi na naman.” mahinang bulong ni Martin.

“Arayy!” biglang napaaray si Martin dahil sa pagdiin ni Danielle sa heels ng sapatos niya sa paa ng binata.

“Hello!” nakangiting at pigil ang tawang turan ng nasa counter.

“Lagot ka sa akin maldita ka!” pagbabanta ni Martin kat Danielle.

“Emartinio Masungkal” sabi ng lalaki habang nakatingin kay Martin.

“Hala!” gulat na gulat si Martin saka napatingin sa suot niyang id.

“Emartinio Masungkal! Friend takpan mo nga iyang mabahong mong pangalan.” natatawang biro ni Danielle sa kaibigan.

“Very unique name!” nagpipigil na tawang sagot ng lalaki.

“Ang angas!” sa isip-isip ni Martin sabay titig ng masama sa lalaki. “Yeah! Very unique!” may pilit na ngiting tugon niya.

“Kilala mo pa ba ako?” agad na tanong ng lalaki kay Martin.

“How can I know you? Feeling ko first time nating nagkita.” nahihiwagaang sagot ni Martin.

“It has been fifteen years the last time I saw you.” tugon naman ng lalaki. “Hindi na nga kita nakilala pero sigurado ako, ikaw lang ang may ganyang pangalan.” saad pa ng lalaking may simpatikong pagkakangiti.

“Fifteen years?” lalong nahiwagaang sabi ni Martin. “Are you really sure?” paninigurado ni Martin habang inaalala kung sino ang kaharap niya at nagpapakilalang kakilala niya.

“Do you think anyone will have such a unique name like yours?” balik na tanong pa nito.

“Sorry but I can’t remember?” biglang bumakas ulit ang asar ng binata nang muling madali ang pangalan niya.

“Wala pa ding nagbabago Martin!” sambit pa ng lalaki. “Umaasim pa din ang mukha mo dahil sa pangalan mo.” natatawang sabi pa nito.

“Pwede namang magpakilala bakit pinapatagal pa.” may inis na sa tinig ni Martin.

“Sorry!” paumanhin ng lalaki. “Fierro!” pakilala ng lalaki.

“Fierro?!” lalong naguluhang tugon ni Martin.

“Goodness!” usal ng lalaki. “Si mommy hipon, si daddy hipon, si baby hipon!” tila pagpapaalala ni Piero kay Martin.

“Kuya Perry?!” biglang usal ni Martin na naalala na kung sino ang kaharap.

“Gotcha!” napangiting tugon ni Fierro. “Akala ko hindi mo pa ako maaalala! Magtatampo na sana ako.” sabi pa ng binata.

“Bakit naman Fierro na ang pangalan mo?” nagtatakang tanong ni Martin.

“Siyempre naman! Luma na ang Perry kaya dapat palitan na.” nakangiting sagot ng lalaki.

“Basta, Kuya Perry pa rin ang itatawag ko sa’yo.” pamimilit ni Martin.

“Hay, makulit ka pa din!” sagot naman ni Fierro.

“Talagang ganuon Percival Gutierrez!” sagot ni Martin. “Mas malapit sa pangalan mo ang Perry kaysa sa Fierro.” pamimilit ni Martin.

“Bahala ka nga!” nakangiting tugon ni Fierro.

“Aray naman Danielle!” reklamo ulit ni Martin sabay tingin kay Danielle at nakuha naman niya ang nais ipahiwatig ni Danielle na kanina pag nakikinig sa dalawa.

“Kuya Perry, this is Danielle!” pakilala ni Martin sa kaibigan.

“Danielle, this is Kuya Perry!” pakilala naman ni Martin kay Fierro.

“Nice meeting you Danielle!” nakangiting bati ni Fierro sabay abot ng kamay. “Call me Fierro.” sabi pa nito.

“Hi Fierro!” malanding tugon ni Danielle. “I’m Danielle but you can call me Dan!” sabi pa ng dalaga.

“Umayos ka nga Danielle! Mukha kang kaladkaring babae sa inaasal mo!” biro ni Martin kay Danielle.

“Loko mo!” sabi ni Danielle saka binatukan si Martin.

“Sige kuya!” paalam ni Martin kay Fierro. “Igagapos ko muna itong unggoy na’to! Baka mapagalitan ka na din ng supervisor ninyo.” saad pa ni Martin.

“Ingat kayo!” sagot naman ni Fierro. “Daan ka na lang ulit mamaya dito.” pahabol pa ng binata saka kinawayan ang paalis nang si Martin.

Ngiti lang ang itinugon ni Martin sa Kuya-kuyahan saka kumaway na din hudyat ng pamamaalam.

“Ang landi mo talaga!” bati ni Martin kay Danielle pagkasakay nila ng bus.

“Wafakelz! Nambabasag ka ng trip eh.” reklamo pa ng dalaga.

“Asa ka friend! Tao lang ang pinapatulan nun!” sabi pa ni Martin saka tumawa ng mahina.

“Kainis ka!” sabi ni Danielle saka kinurot sa tagiliran si Martin.

“Aray!” biglang reaksyon ni Martin.

“OA!” sabi naman ni Danielle. “Hindi pa nga nadidiin aray na agad.”

“Siyempre para hindi mo na ituloy.” nakangising wika ni Martin.

“Hay ang gwapo ni Fierro!” pag-iiba pa ni Danielle sa usapan.

“Fierro na naman!” asar na wika ni Martin saka tinalikuran si Danielle.

“Selos ka na naman!” saad ni Danielle saka hinatak ang isang braso ni Martin saka isinandig ang ulo dito.

“Asa ka naman!” kontra ni Martin.

“If I know crush na crush mo ako!” sabi pa ni Danielle.

“Asa ka naman tsong!” tutol ulit ni Martin.

“Wala ka bang ibang alam kung hindi tumutol?” sagot naman ni Danielle saka binatukan si Martin.

“Kung hindi ka lang babae!” pagbabanta ni Martin.

“Sorry ka! Babae ako!” tatawa-tawang sabi ni Danielle.

Naunang bumaba ng bus si Danielle kay Martin. Tulad ng nakagawian, ordinaryong buhay na naman ang kinaharap maghapon ni Martin. Laging nauunang umuwi si Martin kaysa kay Danielle dahil hanggang tanghali lang ang klase ng binata. Ngayon nga ay nakasakay na siya ng bus pauwi at kasalukuyang nakatingin sa bintana. Iilan lang ang laman ng bus bago umalis sa terminal, mabibilang lang ito sa daliri.

“Saan po kayo boss?” tanong ng kundoktor kay Martin.

“Pulilan, Estudyante.” sagot ni Martin saka abot sa id niya sa kundoktor.

Nangingisi naman ang kundoktor habang isinusulat nito ang pangalan ni Martin sa likod ng ticket.

“Is there any problem sir?” pikon na sabi ni Martin.

“Nothing Sir!” sagot naman ng kundoktor na hindi mapigilan ang sarili.

“Sosyaling kundoktor ‘yun! English speaking!” bulong ni Martin sa sarili.

Dahil nga sa mahaba pa ang byahe ay ipinasya ni Martin na sumaglit muna ng idlip pagkakuha sa kanya ng bayad.

“Bossing! Pulilan na po tayo!” sabi ng kundoktor sabay yugyog sa binata.

“Ha?” pupungas-pungas na tugon ni Martin sa kundoktor.

“Pulilan na po Sir Emartinio!” saad ng kundoktor na may simpatikong pagkakangiti.

“Salamat!” inis na tugon ni Martin sa kundoktor na katabi niya sa upuan saka asar na tumayo at lumapit sa pintuan ng bus at bumaba kaagad pagkahinto niyon.

“Bwisit na kundoktor iyon!” mahinang usal ni Martin habang naglalakad papunta sa terminal ng jeep.

Pagkakita niya sa malaking signboard ng Robinson ay naalala niyang pinapabalik siya ng Kuya Perry niya pakauwi niya. Walang pagdadalawang-isip na pinasok niya ang Robinson saka iginala ang mga mata at hinanap ang pamilyar na anyo.

“Saang lupalop ng mall ko naman kaya mahahagilap ang lalaking iyon?” mahinang usal ni Martin.

Pumunta sa baggage counter sa pag-asang anduon si Perry subalit laking kalungkutan niya ng walang anino ni Perry ang sumalubong sa kanya. Pumasok siya sa loob sa pag-asang makakasalubong niya duon si Perry subalit ilang oras na din siyang paikot-ikot ay walang Kuya Perry siya na nakikita. Ipinasya niyang lumabas na lang ng mall at umuwi na. Kumuha muna siya ng KitKAt dala na din ng hiya sa ilang oras niyang pag-iikot sa loob.

“Loko talaga iyon! Sabi niya bumalik ako pagka-uwi ko, siya naman pala ang wala.” may inis na saad ni Martin sa sarili.

“Okay na po Sir!” nakangiting bati ng cashier sa nag-aabot nang bayad na si Martin.

Ngiti lang ang sagot ni Martin habang inaabot pa din ang bayad.

“Okay na po Sir!” ulit uli ng cashier.

“Here! Eto po iyong bayad ko.” naguguluhan at nahihiwagaang pilit ni Martin.

“Bayad na po Sir!” sagot naman ng cashier.

“What do you mean?” nagtataka at paninigurado ni Martin.

“Bumalik na lang po kayo bukas para malaman ninyo iyong sagot.” tugon naman ng cashier.

“Hindi ba pwede ngayon?” pamimilit ni Martin. “Am I your lucky 100th customer this day or your 1000th this week or your millionth customer this year?” tanong pa ni Martin.

“Be back tomorrow Sir! Nakakahiya po sa nasa likod ninyo kasi.” katwiran ng cashier.

“Okay!” sagot ni Martin saka tingin sa likuran niya at nakitang mahaba ang pilang kasunod niya. Walang nagawa si Martin kung hindi ang umalis na lang at nagdadalawang-isip kung seseryosohin ba niya ang sinabi ng cashier na bumalik kinabukasan.

“Pinapasabi po ni Fierro na bumalik daw po kayo bukas ng umaga.” sabi ng guard na hinarang si Martin bago tuluyang makaalis.

“Salamat!” pasasalamat naman ni Martin sa sinabing iyon ng guard at napangiti dahil sa napaisip siyang si Kuya Perry niya ang may kagagawan niyon.

Kinagabihan –

“Nay, do your remember Kuya Perry?” tanong ni Martin sa nanay niya habang kumakain ito ng hapunan.

“Yes anak, siyempre naman.” sagot ng nanay ni Martin. “How can I forget brilliant kid like Percival.” dugtong pa nito. “Bakit mo naman naitanong?” balik na tanong ng ina ni Martin.

“I met him kanina sa Robinson. Sa baggage counter.” sagot ni Martin .”Di ba mayaman sila, why is he working as baggage man?” tanong pa ni Martin. “Di’ba isa sila sa may-ari ng Pulilan Colleges?” paninigurado pa ng binata.

“Malay ko.” pakling tugon ng ina ni Martin. “Alam ko pagkasara nung eskwelahan nila lumipad sila sa Texas, then that’s the last thing I’ve heard about them.” sagot pa nito.

“Kaya pala Fierro na ang nickname niya! Amboy na pala si Kuya Perry.” nakangising tugon ni Martin.

Pagkahiga ni Martin ay hindi niya mapigilan ang sarili na alalahanin ang nakaraan at buhayin ang alaala ng kahapon. Biglang nabuhay ang interes niya sa kaugnayan nila ng kuya Perry niya. Pilit at unti-unti niyang binubuo ang alaala ng kamusmusan niya, labing-limang taon na ang nakakalipas.

“Madam, this is my son Martin.” pakilala ng nanay ni Martin sa anak.

“Hello Martin!” nakangiting bati kay Martin ng ginang na kaharap na may bitbit ding bata na sa tantya niya ay mas matanda ito sa kanya.

Agad na nagtago si Martin sa likuran ng ina na tila ba nahihiya sa kaharap.

“Good Morning tita!” bati naman ng kasama ng ginang sa ina ni Martin. “Siya po ba ang anak ninyo?” bibong habol pa nito.

“Yes hijo! Siya nga iyong madalas kong ikwento na ipapakilala ko sa iyo.” sagot naman ng nanay ni Martin.

“Martin anak! He is your kuya Perry, play with him muna while I’m in the class.” bilin ng ina ni Martin sa bata.

“Hello Martn! Tara duon tayo sa oval!” aya ni Perry kay Martin sabay kuha sa kamay ng bata.

“Ilang taon ka na?” tanong ni Perry kay Martin habang nakaupo sila sa damuhan sa gitna ng sikat ng araw.

“Four” sagot ni Martin na nakamostra pa sa daliri nito ang bilang na apat.

“Sabi ko na nga ba, mas matanda ako sa’yo.” sagot ni Perry dito. “I’m eight.”

Nahihiya pa din si Martin at hindi alam kung papaano aalisin ang hiya na iyon sa katawan niya. Likas na ang pagkamahiyain kay Martin at isa ata ito sa katangian na pilit na binabago sa kanya ng kanyang nanay.

“Duon tayo sa likod ng stage!” aya ni Perry kay Martin saka muling hinila ang bata sa kamay.

“Ano naman ang gagawin natin duon?” tanong ni Martin sa bagong kilalang kaibigan.

“Basta madaming puno dun! Malilim saka malamig din. May kubo din akong pinagawa dun, tambayan ko.” pagkukwento ni Perry kayMartin.

“Talaga? May kubo dun?” paninigurado ni Martin na umaliwalas ang mukha.

Ilang sandali pa nga at narating na nila ang sinasabing likod ng stage na iyon.

“Wow!” reaksyon ni Martin. “Ang daming bunga ng puno.” paghanga pa nito saka tumakbo. “Wow!” muling naibulalas ng bata. “Kita din ang ilog!” sabi pa nito.

“Maganda talaga dito sa palasyo ko!” pagyayabang naman ni Perry saka inakbayan si Martin. “Pwede ka ding mamangka d’yan.” saad pa nito.

“Talaga kuya Perry?” buong paghangang tanong ni Martin.

“Oo naman! Kaso wala akong bangka ngayon eh.” pagdadahilan ni Perry.

“Sayang! Gusto ko pa namang mamangka.” malungkot na sabi ni Martin.

“Papagawa ako kay Tata Nato ng bangka para makapamangka na tayo.” pagpapangiti ni Perry kay Martin.

“Talaga?” umaliwalas ang mukha ni Martin sa sinabing iyon ni Perry.

“Kita mo ang ganda mong tingnan pag nakangiti ka!” sabi pa ni Perry saka hinawakan sa baba si Martin. “Mamitas na muna tayo ng makopa, daming bunga oh!” aya pa nito kay Martin.

Iyon ang naging simula ng pagkakaibigan nilang dalawa. Mula ng araw na iyon ay lagi nang sumasama si Martin sa nanay niya sa pagpasok sa Pulilan Colleges at laging nasa kubo nila ni Perry habang nagtuturo ang ina. Lagi din silang naglalaro ni Perry tuwing kagagaling nito sa eskwelahan. Palibhasa ay grade three na si Perry at si Martin naman ay papasok pa lang sa Nursery sa susunod na taong pampaaralan.

Kinabukasan, hindi kasabay ni Martin si Danielle dahil walang klase ang dalaga kung kayat siya lang mag-isa ang dumaan sa Robinson para makita ang kuya Perry niya. Pagkapasok sa loob ay iginala niya ang paningin habang naglalakad at hinanap ang pamilyar na anyo na dahilan ng pagpasok niya sa nasabing mall. Dumaan siya sa baggage counter at iniwan ang gamit duon ngunit hindi kagaya ng nangyari kahapon, iba ang sumalubong sa kanya sa baggage counter. Muli niyang inilibot ang mga mata at hinahanap ang isang mukhang dahilan ng pagsadya niya sa mall.

Kalahating oras na ding paikot-ikot si Martin subalit wala siyang makitang Percival. “Nanggagago ata iyong Percival na’yun!” inis na turan ni Martin saka nagmamadaling lumakad paalis ng supermarket.

“Sir may nagpapabigay po!” harang kay Martin ng guard.

“Ano yan?” tanong ni Martin saka tiningna ang inaabot sa kanya ng guard. “Hindi naman ako bumili ng chocolates ah.”

“Kaya nga po may nagpapabigay eh.” paglilinaw ng guard.

“Sorry! Sabi ko nga!” may itinatagong asar na turan ni Martin.

“Balik na lang daw po kayo mamaya pagkauwi ninyo.” sabi pa ng guard.

“Sinong nagpapabalik sa akin?” tanong ni Martin dito.

“Si Fierro po.” sagot ng guard. “Nagbilin po kahapon na hindi siya makakapasok ngayon umaga kaya mamayang hapon na lang daw po kayo pumunta.” balita pa ng guard.

“Ginagago ba ako ng Fierro na iyan?” tanong ni Martin.

“Hindi po! May emergency lang daw po talaga.” sabi pa ng guard.

“Sige salamat.” sabi ni Martin saka lumakad paalis.

“Boss iyong pinapabigay po ni Fierro.” Haboil pa ng guard.

“Sorry! Pasabi siya mismo ang gusto kong magbigay niyan sa akin.” may nakakalokong ngiting tugon ni Martin.

Naiwan naman ang guard na napapakamot ng ulo dahil sa inasal na iyon ni Martin.

Asar na sumakay ng bus si Martin. Sa kamalasan, puno ang bus na iyon kaya naman nakatayo siya.

“Boss, saan po?” tanong ng kundoktor kay Martin.

“Cubao, Estudyante!” sabi ni Martin saka abot sa id nito.

“Okay na po Sir Emartinio.” sabi ng kundoktor saka inabot ang ticket niya.

Biglang napatingin naman si Martin sa kundoktor. “Ikaw na naman!” gulat na usal ng binata.

“Ako nga! Nakikita mo naman di’ba.” nakangising tugon ng kundoktor kay Martin.

“Ewan!” sagot ni Martin saka kuha sa bulsa niya ng pasahe.

“Huwag na! Libre ko na!” sagot naman ng kundoktor saka hinarap ang isa pang pasahero.

“Hoy! Ito na oh!” pamimilit ni Martin.

“Kulit! Sabing sagot ko na!” katwiran ng kundoktor. “Basta huwag ka ng magsusungit sa akin!” sabi pa nito.

“Masungit ba ako?” paninigurado ni Martin.

“Ay hindi!” satirical na sabi ng kundoktor.

“Bahala ka nga!” sabi ni Martin.

Sa wakas ay nakaupo din si Martin pagdating ng SM North EDSA. Nagulat na lang ang binata ng tabihan siya ng kundoktor.

“Paupo ah!” sabi nito.

“Sure!” sagot ni Martin.

“I’m Cris!” pakilala ng kundoktor kay Martin saka inabot ang kamay.

“Martin.” maikling tugon ni Martin.

“Emartinio na lang!” pamimilit ni Cris kay Martin.

“Wag kang maingay! Baka may ibang makarinig.” pigil ni Martin kay Cris.

“Bakit ba ayaw mo sa Emartinio? Ang ganda nga, unique!” pamimilit ni Cris kay Martin.

“Basta tahimik ka na lang.” sagot ni Martin.

“Sabi mo eh!” sagot ni Cris.

Tahimik ang pagitan ng dalawa hanggang sa dumating sa terminal si Martin.

“Salamat nga pala!” pasasalamat ni Martin bago tuluyang bumaba ng bus.

“Walang anuman!” simpatikong wika ni Cris.

Sinuklian naman ng ngiti ni Martin ang sagot na iyon ni Cris.

Katanghaliang tapat ang uwian ni Martin, pagkababa ng lrt, tulad ng nakagawian ay dumadaan muna siya sa McDonalds para bumili ng baon niya sa byahe pauwi at tanghalian na din niya. Paglalakad siya habang papunta sa terminal habang nilalaro ng dila ay straw ng coke float na binili niya.

“Good Afternoon Sir Emartinio.” nakangiting bati ng isang pamilyar na tinig kay Martin.

“Ikaw na naman.” napahinto sa pasakay nang si Martin.

“Ano pong bago Sir Emartinio?” nakangiting tanong pa ni Cris.

“Don’t tell me ikaw ulit ang kundoktor nito?” tanong ni Martin saka tuluyang sumakay ng bus.

“Opo Sir Emartinio.” may simpatikong pagkakangiting turan ni Cris.

“Next bus na nga lang ako.” sabi ni Martin saka akmang bababa.

“Dito ka lang Sir Emartinio.” sabi ni Cris saka hinatak si Martin paupo sa isang upuan at tinabihan niya ito agad.

“Hanep na kundoktor ka!” bati ni Martin dito. “Bakit ikaw na naman ang kundoktor?” tanong pa ng binata.

“Sir! Trainee! Nababasa po ba ninyo?” tanong ni Cris kay saka pinakita ang id nito.

“Christopher pala pangalan mo.” sambit ni Martin.

“Opo Sir Emartinio.” sagot naman ni Cris.

“Please huwag mo na akong tawaging Emartinio. Martin na lang.” pakiusap ni Martin kay Cris.

“Ayoko! Ako na lang sasagot ng pasahe mo basta Emartinio ang itatawag ko sa’yo.” pamimilit ni Cris.

“Bahala ka nga.” sagot ni Martin na sa totoo lang ay nabaliwala na sa kanya kung Emartinio man ang itawag sa kanya nito o hindi.

Matapos makapagticket ni Cris ay tinabihan nito ulit si Martin. Buong byahe silang magkatabi at nagkukwentuhan. Masaya ang byaheng iyon para kay Martin, iba ang naging gaan ng loob niya para kay Cris at sa tingin niya ay may kung anong sumisingit na damdamin sa kanya.

“Salamat Cris sa kwento mo ah.” nakangiting pasasalamat ni Martin kay Cris.

“Kita mo, mas bagay sa’yo ang nakangiti kaysa sa nagsusungit ka.” pahabol naman ni Cris.

“Hindi kaya ako nagsusungit.” sagot naman ni Martin.

“Ingat ka Emartinio.” pag-aalala ni Cris kay Martin.

“Salamat! Sa’yo din! Ingat ka.” nakangiti nitong sinabi saka lumakad na papunta sa pintuan ng bus at kumaway kay Cris bago tuluyang bumaba.

“Mabait naman pala iyong Cris na’yun.” mahinang usal ni Martin.

Masayang naglalakad si Martin papunta sa sakayan nang muling maalalang pinapabalik siya ng Kuya Perry niya sa loob ng mall. Hindi na nag-akasaya ng panahon si Martin para luminga-linga pa. Agad niyang pinutahan ang guard na kausap niya kanina at duon na nagtanong.

“Good Afternoon Sir.” bati ng guard.

“Good Afternoon, nand’yan na ba si Fierro?” tanong ni Martin sa guard.

“Opo Sir! Sandali lang po ah, tawagin ko lang.” paalam naman ng guard.

“Samahan na kita.” sabi pa ni Martin.

Pumasok ang guard sa isang tila opisina samantalang siya ay naiwan lang sa may pinto. Hindi pa man nagtatagal ay lumabas na ang guard at agad nitong kinausap ang pinakamalapit na staff.

“Nasaan si Fierro?” tanong ng guard dito.

“Nasa loob ah.” nagtatakang sagot ng staff.

“Wala eh.” sagot naman ng guard dito.

“Naku baka umalis. Inutusan kasi ni Sir Pete kanina.” sagot naman ng babaeng staff.

“Ganun ba.” sagot ng guard. “Sir Martin.” sabi ulit ng guard saka hinarap si Martin.

“Got it!” nakangiting tugon ni Martin. “Salamat ah.” Pasasalamat nito saka humakbang palayo.

“Sir! May ipinapabigay po si Fierro sa inyo.” habol pa ng babaeng kausap nila kanina.

“Pasabi personal niya kamong ibigay sa akin.” pilit ang pagkakangiting turan ni Martin.

Kumuha muna si Martin ng KitKat sa isang shelves saka Pic-A at pumunta ng cashier.

“Thank you Sir.” sabi naman ng babae na hindi kinukuha ang bayad ni Martin.

“Don’t tell me sinabi na naman ni Fierro na siya ang sasagot?” tanong ni Martin.

“Opo, iniwan mo po Fierro iyong card niya just in case na may bibilin daw po kayo siya na ang sasagot.” tugon pa ng kahera. “Dahil po sa hindi pa abot sa minimum iyang purchased product ninyo may dagdag pa po iyan.” paliwanag pa din ng babae kay Martin.

“Thank you.” nakangiting sabi ni Martin saka kinuha ang pinamili niya at lumapit sa guard na kausap niya kanina.

“Sige po Sir Martin, sasabihin ko na lang po kay Fierro na dumaan kayo.” sabi pa ng guard.

“Salamat, saka pakibigay na ‘to sa kanya.” pasalamat ni Martin saka bigay sa guard ng nabiling si Fierro ang nagbayad.

“Pero Sir?” tutol sana ng guard.

“Pasabi na sa susunod huwag siyang indayenero.” pilit na pilit na wika ni Martin saka lumakad palabas sa mall.

“Fierro.” bati ng guard sa palabas na si Fierro.

“Nakaalis na ba?” tanong ni Fierro sa guard.

“Napikon ata sa’yo.” pagbabalita ng guard kay Fierro.

“Hayaan mo na ‘yun. Ako na ang bahala.” sagot naman ni Fierro.

“Bakit ba kasi ayaw mong magpakita kay Martin?” tanong ng guard dito.

“Ako na ang nakakaalam nun pare! Basta tulong na lang muna ikaw.” sabi naman ni Fierro dito.

“Sabi mo eh!” saad naman nito.

Samantalang –

“Lintek na Percival iyon! Lakas ng trip!” sa isip-isip ni Martin.

Yamot na sumakay si Martin ng jeep at bumiyahe pauwi sa kanila. Pinilit alisin ang inis niya para sa Kuya-kuyahan at pilit na pinakalma ang sarili.

Kinagabihan –

“Martin!” bati ng kauuwi lang na nanay ni Martin.

“Ginabi na po kayo masyado.” sabi naman ni Martin sa ina.

“Nakita ko kasi si Perry sa mall kaya ginabi ako. Nag-usap pa kami.” balita naman ng nanay ni Martin sa kanya.

“Okay.” tila niaba ang timpla ni Martin sa kwentong iyon ng nanay niya.

“Laki ng iginuwapo ni Fierro. Swerte ng mapapangasawa nun.” saad pa ng ina ni Martin.

“Gwapo? Saang banda?” kontra ni Martin sa ina. Sa totoo lang ay lalong humanga si Martin sa kagwapuhan ng kuya Perry niya. Masasabing gwapo din ang seven years old na Perry na nakilala niya pero mas kahanga-hanga ang twenty-three years old na Fierro ngayon, magandang tikas, magandang kutis, magandang mukha at matipunong katawan.

“Martin! Kung sana maalaga ka din sa katawan mo, malamang kasing-gwapo mo si Fierro.” may panghihinayang sa tinig nang matanda.

“Si nanay! Assuming masyado.” kontra naman ni Martin.

“Ito, pinapabigay niya sa’yo.” sabi ulit ng nanay ni Martin saka abot sa dalawang paperbags. “Sorry din daw kasi hindi ka niya nasisipot.” saad ulit ng matanda.

“Pati ba naman iyong sinabi niya.” naibulalas ni Martin saka inabot ang pinapabigay sa kanya ni Perry.

“Hala! Ang kulit talaga nung mokong na iyon!” reaksyon ni Martin pagkabukas niya sa isa sa paperbag. “Sabing siya ang magbigay sa akin ng personal.” saad pa ng binata.

“Sabi nga din pala ni Fierro, magkita daw kayo bukas bago ka pumasok. Sisipot na daw talaga siya.” sabi ng nanay ni Martin.

“Maghintay siya!” tanging sagot ni Martin sa ina.

At sumapit na nga ang kinabukasan, magkasabay na naman sila Martin at Danielle –

“Friend! Pasok ulit tayo sa Robinson.” aya ni Danielle sa kaibigan.

“Ayoko nga!” tutol ni Martin.

“Sige na naman!” pakiusap ni Danielle. “Gusto kong makita si Fierro.” pamimilit pa ng dalaga.

“Ikaw! Pumasok ka kung gusto mo!” sagot ni Martin sa kaibigan saka naglakad ng mabilis papunta sa bus stop.

“Eto naman oh! Kill joy!” reklamo ni Danielle sa kaibigan.

Sa totoo lang ay magdamag na pinag-isipan ni Martin kung dadaan ba siya ulit sa mall. Nais na muli niyang makita si Kuya Perry niya pero dala na din ng inis at asar sa ilang beses na hindi nito pagsipot ay ipinasya niyang siya na naman niyang pagganti ngayon.

2 comments:

Anonymous said...

mystery........interesting story, cant wait to read the next chapter hehe

DALISAY said...

Congrats sa bagong Obra mo Emray. May air of mystery nga ang isang ito. :) Keep it up.