Monday, April 18, 2011

Task Force Enigma : Cody Unabia FINALE

Task Force Enigma Cody Unabia
Ganito siguro talaga kapag nagtatapos ang mga nobela ko. Nagiging emotional ako. Again, for the nth time ay gusto kong pasalamatan sila Kearse Allen Concepcion, Cody Unabia, Jhay-L Lagman, Jaime, Migs at Earl for letting me abuse, este, use your names for this particular series. I love you guys! And of course, if there's goodbye, there's hello. Say hello kay Perse and Alex. Sila ang latest conquest ko sa Task Force Enigma. Paki-abangan po ang love story nila.

Sa akin namang nobela na Earl and the Grumpy Flirt named Ronnie, please bear with me. Wala kasi ako sa Manila. Itong TFE lang pala ang nasa e-mail ko ang file kaya nagawa kong i-post. Pasensiya na mga anak. Pagbalik ko na lang. After Holy Week siguro. Ahihihi... Enjoy this finale. :-)


Chapter 14


Masakit ang ulong nagmulat ng mata si Kearse. Nahihilo siya. Wari ba’y sumakay siya sa isang napakabilis na tsubibo. Pulos puti ang paligid. Ang dingding. Ang kisame. Ang pinto. Ang ilaw. Puti lahat. Napasisip siya sa kabila ng pumipitik na sakit ng ulo.


Ang villa ni Jhay-L! Sumabog!


“Syet! Tegi na yata ako”. Nasabi niya sa isip.


Iginala pa niya ang paningin pero parang pinipigilan ang leeg niya. Nakaramdam siya ng kirot sa bahaging iyon. Sinubukan niyang tumayo pero parang napakabigat ng pakiramdam niya.


“Ganito ba talaga lahat ng namamatay? Mabigat sa pakiramdam?”


Nanakit ang lalamunan niyang bigla. Gusto niyang umatungal ng iyak pero tanging ungol lang ang lumalabas sa kanyang makipot at magandang labi.


“Weh?”


“Sino yun? Eh sa iyon ang naisip kong description ng maganda kong bibig. Eksenadora ka. Mama Dalisay ikaw ba iyan?”


“Wala ng iba.”


“Thank goodness. Pero bakit mo naman ako pinatay dito? Akala ko ba ako ang bida? Bakit ganoon?”


“Hindi ka pa patay. Nasa ospital ka. Kung hahayaan mo akong ipagpatuloy ang pagsusulat at hindi muna ako kakausapin ay malamang na todasin nga kita sa istoryang ito.”


“Ay ganoon ba? Hoxia Zsa Padilla. Magsulat ka na ng bonggang-bongga.”


Busy tone...


“Ay? Telephone ulit?”


Naramdaman niya rin ang pananakit ng mga mata hanggang sa ang mainit na dampi ng pagtulo ng kanyang luha ay maramdaman din niya.


Buhay siya!


Wala naman sigurong patay na umiiyak at mararamdaman pa iyon di ba? Kaya ganoon nga ang ginawa niya. Umiyak siya ng umiyak kahit pa ungol lang ang sinasambit ng kanyang bibig.


“Kearse? Kearse! Thank God at gising ka na!” si Cody!


Bigla itong lumitaw mula sa kanyang tagiliran. Lalo siyang naiyak ng makita ang hitsura nito. Napaka-haggard ng fez. Mukhang limang araw ng hindi naliligo at natutulog. Pero in fairness, kahit tinadtad na ng stubbles at eyebags ang mukha nito ay yummyness pa rin.


Nangangalumata man ay parang hindi nagbago ang hitsura ni Cody para sa kanya. And he felt a strong pang on his chest. He felt lucky to be alive. That relieved emotion on Cody’s face will forever be etched in his memory. Napakasaya niya na sobrang pag-aalala ang nakaukit sa mga mata nito at para lamang iyon sa kanya.


Sure, his family would care for him. But no one --aside from them will show their affection for him—did bother to care, except for Cody.


Niyakap siya nito mula sa kanyang pagkakahiga.


“I thought I’m going to lose you, Kearse.”


Lalo siyang napaluha. Naiinis siya sa sitwasyon dahil gusto niyang magsalita pero hindi siya makapagsalita. Umungol na lang siya ng malakas.


“Yes Cody. I’m still alive. And thank God too. I’m so happy to see you. At bakit hindi ako makapagsalita?” sigaw na lang niya sa isip.


Napatitig naman ito sa kanya. Nagtataka. Pero dahil nga isang doktor, agad itong naka-unawa.


“I know Kearse. Gusto mong magsalita but hindi pa pwede. Naapektuhan ng mga debris na tumama sa ulo mo ang isang bahagi ng utak mo nagko-control ng kakayahan mong magsalita. Don’t worry. May therapist naman na naka-stand by para sa mabilis na recovery mo.”


Napa-iyak na naman siya. Damang-dama niya ang pagmamahal sa bawat salita nito. Hindi niya mapigilang ma-frustrate sa kaalamang hindi niya pa pwedeng sabihin dito kung gaano siya kasaya na buhay siya. Na kasama niya ito. Na ito ang unang namulatan niya ng mata. That he would move heaven and earth para lang mapabilis ang paggaling niya.


“As much as I wanted to kiss you baby, hindi ko magawa. May tubo pa kasi sa bibig mo. May pilay din ang isang braso mo. Swerte na nga at nagising ka pa. Bakit pa naman kasi sinalo mo lahat ng sumabog na pader? Kung hindi ka pa nagising, bubugbugin ko na talaga ang hayop na Marisay na iyon eh.”


Napatitig siya rito. Namamangha siya dahil sa kabila ng pagbabanta sa boses nito ay hindi napalitan ng mas matitindi pang emosyon tulad ng galit ang pinakamasarap at pinakamasuyong pagtitig na inilaan lamang para sa kanya. Punong-puno ng kagalakan ang kanyang puso ng mga sandaling iyon.


“Don’t give me that look Kearse. Baka di ko mapigilan ang sarili ko. I want you and I know you know that. So stop giving me that wanting look.” Namamasa ang matang sabi nito sa kanya. Alam niyang sa kabila ng pagbabanta nito kunwari ay ang pinipigil nitong emosyon. Ayaw nitong makitang nahihirapan itong makita siya sa ganoong kalagayan.


Kaya naman, pinilit niyang pasiglahin ang ekspresyon ng kanyang mata. As much as possible, he doesn’t want to give him pain. Ganoon niya ito kamahal. So, kung hindi magagawan ng paraan na makita nitoa ng kanyang ngiti sa mga labi, ipapakita niya iyon sa kanyang mga mata. Alam niya, makikita nito ang nakangiti niyang mga mata.


And Cody did. The man he dearly love smiled back at him. Masuyo nitong hinaplos ang pisngi niya and Kearse felt a warm hand touching his heart.


“Get well baby. Nang maipakita ko sa’yo kung gaano kita kamahal. For the meantime, hayaan mo munang ikwento ko sa’yo kung ano ang mga naganap.”


He gave him an interested look.


Napangiti itong muli.


“I knew you’d be interested.” Sabi pa nito.


Kumislap ang excitement sa mga mata niya kaya nagpatuloy ito sa pagku-kwento...




“Pare. Sure ka ba sa set-up na ito?” tanong ni Cody kay Jerick habang tsine-tsek ang static ng frequency para masagap ang signal ni Kearse.


“90 percent lang ‘tol.”


“Huh? Hindi 100 percent? Bakit?”


“May kutob akong isa lang pain si Jhay-L Lagman sa lahat ng ito.”


Napakunot ang noo niya. “Kung ganoon ay bakit mo pa isinuong ang buhay ni Kearse dito? Anong kinalaman ni Jhay-L sa lahat ng ito kung hindi naman siya ang dapat nasinu-surveillance natin?”


“Dahil siya ang ugat ng lahat ng ito.”


“What do you mean pare? Pwede ba? Stop talking in riddles.” Nabubwisit ng sabi ni Cody sa kaibigan.


“Relax.” Natatawang sambit ni Jerick.


“Don’t tell me to relax pare. Baka masapak kita diyan. Bakit ilalagay mo sa panganib si Kearse? Hindi naman pala si Lagman ang target ng operasyon na ito.”


“You really care for him that much?” tanong nito sa halip na sagutin siya.


Napipilan siya. Of course. Hindi naman siguro siya mag-aalala ng ganoon kung joke lang ang lahat ng iyon sa kanya. Mahalaga sa kanya si Kearse pati na ang kaligtasan nito.


“Obvious naman ang sagot sa tanong mo pare.” Naiirita niyang sabi.


“Huwag kang magalit sa akin ‘tol. Hindi lang ako makapaniwalang isang katulad lang pala ni Kearse ang katapat mo.”
Nagpanting ang tainga niya sa sinabi nito. Isang mabilis na kilos ang ginawa niya at nagawa niya itong pitserahan. Ila-lock niya sana ang braso sa leeg nito pero mabilis nitong na-block iyon ng isang braso nito habang ang isang kamay ay naka-abot na sa kanyang leeg. Napalunok siya, kung ang intensiyon ni Jerick ay patayin siya, malamang, nung mga oras na iyon ay bumagsak na siya. Pero ng maalala niya ang ibig sabihin ng sinabi nito ay bumalik ang galit niya.


“You better explain what you really mean pare. Baka magkabalian tayo ng buto rito.” Galit na galit na sabi niya.


“Don’t underestimate me pare. Maaaring hindi ako kasing-husay nila Rick at Perse, pero magkakasabay pa rin tayong nag-training. Hindi lang ako simpleng data specialist.” Said Jerick while giving him a mocking grin.


“Alam ko iyon pare. Pero ang tanong ko ang sagutin mo.”


“Chill Cody. Wala akong masamang ibig sabihin sa sinabi ko. Bakit ba pagdating kay Kearse ganyan ka ka-sensitive? In-love ka nga talaga. Ganyan din nun si Rovi kay Bobby. Madaling mag-init ang ulo.”


Bigla siyang natauhan. Lumuwag ang mahigpit na pagkakasakal niya sa kaibigan.


“S-sorry pare. Nabigla lang ako.” Aniya.


Jerick just chuckled. “Okay lang ‘tol. In-love ka eh. Karapatan mong masiraan ng ulo.”


“Gago.”


“Seriously ‘tol. Ang ibig kong sabihin kanina, Kearse wasn’t your type. Alam ko iyon. Hindi lang data ng kalaban o ng mga iniimbestigahan natin ang kinukuha ko. Obsessed ako sa pagkalap ng mga data ninyo. Kung anu-ano ang mga developments sa buhay nating mga taga-TFE. Ako man ay mayroon ding data sa laptop ko. Kaya naman nasabi kong isang katulad lang pala ni Kearse ang makakapagpabago sa iyo ng ganyan.”


Napatitig siya rito ng husto. Hindi niya alam iyon ah? But knowing Jerick, sigurado siyang 100% ang katotohanan sa mga sasabihin nito.


“Mahal mo na siya ‘tol. Hindi na simpleng atraksiyon lang ang nararamdaman mo para sa kanya.”


And Cody was strucked with the truth.


Kaya nga siguro ganoon na lang ang pag-aalala niya para kay Kearse. Kasi mahal na niya ito. Kaya ganoon na lang din ang pagkulo ng dugo niya kapag nalalait at napipingasan ang marangal na pangalan ni Kearse. Kasi mahal na niya ito.


And it actually felt good.


“Silence means yes.”


Hindi pa rin makasagot si Cody. Hindi iyon ang unang pagkakataon na nain-love siya. In fact, he was always in love. Mabilis kasi siyang mahulog sa mga taong nagpapakita ng concern sa kanya. But that was then. Until Kearse came. Dito, siya ang nagpapakita ng affection. Mas nauuna siya. Siguro kasi ay lahat ng mga naging karelasyon niya ay mga discreet. Samantalang siya, he was out and proud. Kaya naman kapag naghahanap siya ng pagmamahal sa ka-partner niya laging kulang ang mga iyon sa pakiramdam niya. Palagi kasing hindi sila pwedeng maglambingan sa harap ng iba.


But with Kearse, it was different.


Kapag magkasama sila, hindi ito natatakot ipalupot ang mga kamay nito sa katawan niya. Hindi ito natatakot lingkisin siya. Hindi ito natatakot titigan siya ng puno ng pagmamahal. Hindi ito natatakot ipakita ang nararamdaman para sa kanya.


Hindi ito takot.


Pero siya? Bakit siya natatakot aminin sa sarili na mahal na nga niya ito. Dahil ba ayaw niyang ang susunod na pangyayari ay lalayo sa kanya si Kearse kasi nakukulangan ito sa ibinibigay niyang pagmamahal?


Sawa na kasi siyang ibinibigay ang lahat. Ending kasi, siya rin ang nakukulangan sa isinusukling pagmamahal sa kanya. Bakit hindi na lang ba niya tanggapin na maaaring may magmahal sa kanya na kayang tumbasan ang kaya niyang ibigay.


Kailan ba siya makukuntento?


“Earth calling Cody.”


Napabaling siya ng tingin kay Jerick. Isang nakaka-unawang tingin ang ipinupukol nito sa kanya ngayon. Napangiti siya.


“Salamat sa realization pare.”


Tinapik siya nito sa balikat. “You’re welcome ‘tol.”


Pinaki-alaman na ulit nito ang gadgets na nasa harapan nito. Sakay sila ng isang van hindi kalayuan sa villa ni Jhay-L Lagman. Napakalaki at grandiyoso noon. May nararamdaman siyang inggit pero kaunti lang. Duda kasi niya kung totoong pinaghirapan nito ang karangyaang iyon.


Maya-maya ay may narinig na silang boses.


“Twenty.” Bungad ng tinig sa aparato.


“Ah... mura lang. Twenty-million. Kayang pag-ipunan. Siguro, pitong manuscripts lang isang linggo keri na yan.” Sabi ng isa pa na nakilala niyang si Kearse. Mukhang si Jhay-L iyong isa.


“Billion.”


“Dedma.”


“Twenty billion.”


Nakarinig sila ng impit na tili ng kung sino.


“Seryoso?” si Kearse ulit.


“Yes.”


Nagtaka siya kung ano ang pinag-uusapan ng mga ito.


“Oh bakit?” si Jhay-L.


“Eh baka marumihan.”


“Exaggerated ka naman. Okay lang iyan.”


Clueless ulit na nagkatinginan na sila ni Jerick.


“Kailangan ko sigurong maging kriminal para magkaroon ng ganito.” Anang tinig ni Kearse.


Bigla ang katahimikan na pumailanlang sa linya.


“B-bakit? May nasabi ba akong mali?”


Nagka-idea na siyang bigla sa tinutumbok ng mga salita ni Kearse. Mukhang ginagawa na nito ang trabaho nito kaya naman tinutukan na nila ng husto ang pakikinig sa mga pinag-uusapan. Kinuha pa niya ang headset para mas marinig ng husto ang mga salitang binibitiwan ng dalawa.


“Wala. I just don’t think na dapat kang gumawa ng masama para lang maabot ang gusto mong maging sa buhay.” Salat sa emosyon ang tinig na iyon ni Jhay-L. Parang nakikinita na rin niyang nakataas ang kilay ni Kearse sa naririnig.


“Nakamit ko ang lahat ng ito Kearse ng walang panggagamit sa parte ko at pagsanib sa kung anu-anong kalokohan. Sure, there was a time that I was offered to be a part of an illegal mob but I refused politely. Nang magpilit sila, humingi ako ng tulong sa authorities. So you see, hindi dapat dungisan ang pagkatao mo para lang makamit ang gusto mo.”


Nagpapa-impress ang loko. Tiningnan ni Cody ang katabing si Jerick at katulad niya ay hindi rin gaanong kumbinsido ang ekspresyon ng mukha nito.


Nagpatuloy sila ng pakikinig. May sumingit na boses na nagsasabing nakahanda na ang pagkain. Narinig pa nila ang pagsang-ayon ni Kearse sa nagsalita ng mabaling ang atensiyon nila sa paparating na sasakyan sa di kalayuan.


Tumigil iyon ilang metro ang layo sa gate ng villa. Pagkatapos nun ay lumabas ang isang babae at may dinukot sa bulsa.


“Sino iyon ‘tol?” tanong niya kay Jerick.


Nagkibit-balikat ito saka lumapit sa monitor ng nakaset-up na computer. May pinagpipindot itong file saka may lumabas na picture at profile ng isang babae.


“Siya iyan.” Sabay turo nito sa babae na nasa labas ng sasakyan.


“Maria Dalisay Dealagdon Penta, a.k.a. Marisay Penta. Isang starlet. May previous case na siya bilang con-artist noon. Nasabit na rin sa ilang drug lords ang pangalan niya. Mukhang masama talaga ang kalibre ng babaeng ito.”


Napatangu-tango lang si Jerick mula sa kinauupuan saka nagpipi-pindot na naman ng kung anu-ano. Lumabas ang hacking software sa monitor at nagsimulang i-track ang lahat ng active device sa paligid. Maya-maya ay pumailanlang ang boses ng isang babae.


“I can’t let this happen Mr. Fouchion. Wala sa usapan natin na papatayin si Jhay-L. You only told me to deliver something for him.”


“Yes I did. You actually delivered him his death.” Anang tinig sa kabilang linya.


Nagkatinginan sila ni Jerick. “Mukhang tama ka pare. Namputsa.” Aniya rito.


“Let’s listen pare.”


“No way! Don’t tell me... Don’t tell me... My god!” naghihisteryang sabi ni Marisay saka nagtatakbo papunta sa gate ng villa ni Jhay-L.


“Yes my dear. That package is a bomb.” Saka ang nakakalokong tawa ng lalaking tinawag ni Marisay na Mr. Fouchion.


“Putek! Pare! Si Kearse!” nahihintakutang sabi niya.


Tatakbo na sana siya palabas ng van ng marinig niya ang sinabi ni Kearse mula sa sariling linya na nakakabit dito.


“Jhay-L, tingnan natin ang laman ng package.”


“No.”


“Bakit naman?”


“Hindi ko ugaling maki-alam ng pag-aari ng iba.”


“Kahit pa kahina-hinala ang mga iyon?”


“I don’t think na kahina-hinala ang mga iyon.”


“Sige na, titingnan lang naman natin eh.”


“No Kearse. Huwag mo ng pag-initan ang mga iyon.”


“Nasaan ba ang mga iyon?”


“Nasa backseat ng kotse ko.”


“Ah okay.”


“Anong okay?”


Nagkibit balikat siya.


“I just thought na dinala natin iyon papasok. Buti nasa labas. Kasi kung bomba iyon, eh sasabog na iyon ngayon.”


“Hindi—“


BOOM!!!


At nanlalaki ang matang napatingin na lang si Cody sa villa ni Jhay-L mula sa kinaroroonan. Mabilis siyang tumalon palabas ng sasakyan at tinakbo ang sumabog na bahay. Hindi matumbasan ang kaba niya ng mga oras na iyon.


“Kearse!!! Kearse!!!”


Habang papalapit siya ng papalapit sa natutupok na villa ay lalong tumitindi ang pag-aalala niya. Halos lundagin niya ang bawat nakaharang na halaman, bato at kung anu-ano pa sa dinaraanan niya.


“Kearse!!! Kearse!!!”


Nang sa wakas ay makalapit siya sa gate ay saka niya natuklasang auto-locked iyon. Mabilis niyang pinag-aralan ang mataas na bakod. Ang bakal na gate ay computer ang nagpapa-andar pero mukhang dahil sa pagsabog ng bahay ay automatic na nagshut-down ang power nun kaya hindi iyon basta-basta mabubuksan.


Tiningala niya ang pader na mayroong mga basag na boteng nakatanim sa tuktok. Mukhang wala siyang choice. Kailangan niyang akyatin ang pader at tiisin ang sugat na pwedeng likhain ng mga bubog na iyon. Nagsimula siyang sumampa sa pader. Nakakapangalahati na siya ng muli siyang bumagsak ng dahil sa malakas na pagsabog.


Pagbangon niya ay nakita niyang wasak na ang pader na pinaghihirapan niyang akyatin. Hindi siya makapaniwala sa nakikita pero may idea na siya kung sino ang may gawa nun. Nilingon niya ang posibleng pinanggalingan ng nagpasabog sa makapal na harang na iyon at nakita niya si Jerick na hawak-hawak ang bazooka habang sa isang kamay ay ang walang malay na si Marisay.


Napa-iling na lang siya pero umusal ng pasasalamat saka nagtaas ng kamay na nakathumbs-up. Nagmamadaling pinasok niya ang villa at isinigaw ang pangalan ni Kearse. Nakarating siya sa malaking dining room na ngayon ay punong-puno ng usok at nagkalat na debris.


“Kearse!!!”


Nakarinig si Cody ng mga ungol. Nakita niya ang nagkalat na mga katawan ng mga unipormadong katulong. Napapalatak siya ng makita na duguan ang ilan sa mga iyon.


“Kearse!!!”


Sobrang kaba na niya ng mga sandaling iyon. The house was a total wreck. Imposibleng simpleng pampasabog talaga ang inihanda ng nag-utos kay Marisay. It was meant to kill. Swerte at nasa garahe lang ito, but still, napakalakas ng impact na ginawa ng pagsabog.


“Kearse!!! Kearse!!!”


Inikot niya ang mahabang dining table na bahagya lang natinag ng pagsabog.


“C-cody...”


It was almost a whisper but Cody swore under his faith that he heard his name being called underneath the pile of debris. Halos hindi humihinga na tinungo niya ang malalaking tipak ng semento na iyon. He was praying to high heavens that he heard it wrong. Hindi niya kakayanin kung nasa ilalim nga ng mga batong iyon si Kearse.


“K-kearse... baby! Don’t give up on me babe... I love you! Nandito na si Daddy!” parang tanga niyang sabi habang parang papel lang ang bigat ng mga naglalakihang bato.


Halos panawan siya ng ulirat ng makita ang duguan na mukha ni Kearse. Maingat niya itong dinaluhan. Making sure that no fractured or broken bones will be damaged. As a doctor, mabilis pero sigurado ang bawat galaw niya.


“Kearse... fight for me babe. Huwag mo munang iwan si Daddy!” pagkausap niya rito to which Kearse replied with a soft moan.


“Very good babe...” naiiyak na niyang sambit. “ I love you. Daddy loves you...” then he gently kissed his bloody lips.




“At ganoon nga ang nangyari. Dinala ka namin dito kasama nila Jhay-L at ng iba pang nasugatan. Naririto na rin ang iba pa naming kasamahan sa TFE para sa follow-up investigation. Mukhang isa itong kaso ng paghihiganti. Ayon kasi sa report, isang underground syndicate ang nasa likod ng pagpapasabog sa villa ni Jhay-L.”


“Sinundan pa talaga siya ng isang grupo ng nalansag nilang mafia sa Paris. Buti na lang ay naka-alerto ang interpol at ang mga pulis dito sa atin kasama na ang secret service para sa bagay na ito. Hindi lang nila nahulaan na malulusutan sila ng con-artsit na si Marisay Penta. Siya ang gumawa ng mga hindi kayang gawin ng mafia na iyon.”


Naiiyak pa rin na umungol si Kearse dahil sa kwento ni Cody sa kanya. Hindi niya mapaniwalaan na pati ang pag-uusap nito at ni Jerick ay isasama rin nito sa kwento. He tried to move his unbroken arm but to no avail, hindi siya talaga makakilos.


Mukhang nahulaan naman nito ang gusto niyang gawin.


“Don’t stress yourself baby. Alam kong gusto mo akong hawakan. I also want to touch you. Feel you. Ganoon ko kagusto. Kaya naman bilisan mo ang recovery ha? I can’t wait na mapagsolo tayong dalawa.”


Walang magawa si Kearse kundi ang ikurap ang mga basang mata dahil sa kaligayahan. Nakaramdam siya ng masidhing kagustuhan na gumaling kaagad.


Hinawakan ni Cody ang kamay niya upang marahang pisilin iyon. And he can swear that he felt it. May pumasok na nurse kapagdaka at sinabihan si Cody na tapos na ang oras ng dalaw. Lumapit ito sa kanya at maya-maya lang ay naramdaman niya ang pamimigat ng talukap.


Pero bago siya tuluyang mawalan ng malay ay narinig pa niya ang pangako ni Cody sa kanya.


“Get well baby... Daddy’s waiting for you...”


At tuluyan ng pumikit ang kanyang mata...




“FRIEND! Bakit naman naglalakad ka ng wala ang crutch mo? Pasaway ka talaga.” Naiinis na sabi sa kanya ni Earl.


Sasagot sana siya rito sa mas naiinis na tono ng masilaw sa nakakalokang kaputian nito. Ang hitad, naka-red-shirt at red pek-pek shorts. Nakakaloka! Buti hindi ito nag-red shoes.


“Gusto mo talagang mapilay forever ‘no? Di ba ang bilin ng doktor mo eh kailangang may kasama ka kung mapagti-trip-an mo ang maglakad ng walang crutch. Kainis ka ah.” Eksaherado pa itong nagpaypay ng kamay gayong di naman ito pinagpapawisan.


Nasa loob sila ng bakuran ng safe house na pinagdalhan sa kanila ng pamilya niya hangga’t hindi pa nahuhuli ang grupong nagpasabog sa villa ni Jhay-L.


Hindi birong therapy ang kinailangan niyang pagdaanan para lang gumaling ang lahat ng napinsala sa kanya. Mula sa boses niyang kailangang ibalik. Nabali niyang kamay. Pati na ang paglalakad niya, lahat ng iyon, kailangan niyang pagdaanang mag-isa.


Yes. Mag-isa.


For Cody wasn’t there to support him every step of the way. It has been two months since he last saw him. Iyong mismong araw na nagising siya, three days after niyang ma-comatose, iyon na rin pala ang huling araw na makikita niya itong muli.


Akala pa naman niya ay napaka-swerte na niya na nabuhay siya at malamang minamahal rin siya nito. Iyon pala, mukhang pinaasa lang siya nito.


Maski kasi mga kaibigan nito na kasamahan din sa TFE eh hindi na nagpakita sa kanya. Si Jerick na huling dumalaw sa kanya sa ospital ay sinabi lang na busy si Cody sa operation na ipinahawak dito ni Rick at babalik din ito kapag natapos na iyon.


Gusto niya tuloy murahin si Rick kapag nakita niya ito. Alam niya ay ito ang lider ng mga ito sa TFE. Nakaka-irita ang kaalamang nagbibigay ito ng assignment na pwedeng ikamatay ng mga miyembro nito pero sige lang ito at tila wapakels sa maaaring mangyari.


With that in mind ay wala sa loob na naitulak niya si Earl na pa-cute sa tabi niya.


“Ay kabayong walang balakang!” sigaw nito.


“S-sorry friend.” Saka niya ito paika-ikang dinaluhan.


“Heh! Ewan ko sa’yo! Makapanulak ka ng kagandahan ko ganun-ganun na lang.” Reklamo nito.


Natawa tuloy siya habang pinagmamasdan itong tumayong mag-isa. Bubusa-busa pa ito habang pinapagpagan ang sarili.


“Hoy! Ang ingay mo bakla.” Sigaw ng isa sa mga kapatid niya. Si Jaime. Nasa may bintana ito at nakadungaw.


Inirapan ito ni Earl saka pasigaw na nagsalita. “Nahiya naman ako sa pagiging straight mo My Bebeh! Pasalamat ka at mahal kita.”


Nakita niyang namula si Jaime mula sa kinaroroonan nito. Mabilis itong nawala sa paningin nila.


“Ikaw talaga. Kaya mo ng hiyain ng ganun-ganun ang kapatid ko ah.” Puna niya rito.


“Asus. Dapat lang sa kanya yan. Masyadong maarte yang kapatid mo di naman ganun ka-gwapo.” Nakabungisngis na sabi nito.


“Kwidaw ka! Mamaya niyan, reyp-in ka ng isang iyan. Wala kang magawa.”


“Ay game! Tingnan natin kung makalusot pa siya sa kagandahan ko.” Saka humalakhak na sabi ng kaibigan.


“Tse! Goodluck sa’yo.” Nakangusong sabi niya saka pilit na humakbang palayo rito.


“Hoy saan ka pupunta?” sigaw ni Earl. Mukhang hindi namalayan na nakalayo na siya rito.


“Sa bahay mong bulok.”


“Anong kukunin mo?”


“Gitara mong bulok.”


“Ewan ko sa’yo. Baliw ka na naman. Bahala ka na nga sa buhay mo!” sigaw na lang ng kaibigan niya.


Hindi naman siya masyadong lumayo. Sa ngayon ay sa diretsong daan lang siya makakapaglakad ng maayos. Medyo pababa na kasi ang susunod na hahakbangan niya kung magpapatuloy pa siya ng paglalakad.


Masakit ang pagpipilit niyang maglakad pero mas masakit ang kaalamang wala si Cody habang nagpapagaling siya.


He promised him that he’d wait.


He promised him that he’d be there for him when he’s well.


He promised him.


Hindi niya namamalayang basa na pala ang pisngi niya kung hindi pa umihip ang malamig na samyo ng pang-hapong hangin. Pinabayaan niya lang iyon. Kagaya ng pagpapabaya sa kanya ni Cody. Nakapag-desisyon na siya. Magpapagaling na siya ng tuluyan kasabay rin ng paglimot niya rito...


...ng tuluyan.


“I hate you Cody!” sigaw niya.


“I hate you!”


“Kinalimutan mo ako. Pinabayaang mag-isa. Kaya naman kakalimutan na rin kita. You won’t feel my love again. I’ll erase you from my memory. Kahit magpa-untog ako ng ilang beses para lang makalimutan ka, gagawin ko! Magagawa ko iyon. Gagawin ko iyon. Basta makalimutan lang kita!”


Saka siya humahagulgol na napaluhod.


At katulad ng mga nakaraang pagdurusa niya, wala na namang bisig na umalo sa kanya. That is why he decided na iyon na ang huling beses na magsisisigaw siya ng frustration. Iyon na ang huling beses na magpapaka-lukaret siya ng dahil sa nasawi siya sa pag-ibig.


“I hate you...” he whispered softly. “...and I love you.”


Haharapin na niya ang buhay niya. Kesohodang maraming banta doon. Life has to move on at hindi isang Cody lang ang makakapagpahinto nuon.


Tatayo na sana siya ng tumama ang bumbunan niya sa isang matigas na bagay. Napahiyaw siya sa sakit pati na rin ang natamaan ng bumbunan niya.


“Aray! Ano ba iyan?”


Papaulanan na sana niya ng mura ang sinomang herodes na iyon ng makilala ng mata niya ang bulto ng katawan na nasa harapan niya at nagkakamot ng nasaktang mukha.


“C-cody?”


Hindi siya makapaniwala! Para lang siyang nakakakita ng aparisyon. Si Cody. Nasa harap niya! At... dumudugo ang ilong?


“A-anong nangyari sa’yo Cody?” nag-aalalang lumapit siya dito. Hindi alintana ang sakit na dulot ng pwersahang paglalakad.


“C-careful.” Sambit nito.


Hinaplos niya ang duguan nitong ilong. “Masakit ba?”


“Wala yan, kumpara sa mga sinabi mo kanina. Mas masakit iyon.” Nakabadya ang pait sa mga mata nito.


“Huh?” naguguluhang sabi niya.


“Don’t hate me baby. Hindi ko kasi kaya.”


“C-cody...” naiiyak na niyang sabi. Naalala na kasi niya kung ano ang tinutukoy nito. Narnig pala nito ang mga isinisigaw niya.


“I love you baby. And if you’ll take me, willing akong bumawi sa’yo. Huwag mo lang sasabihing galit ka sa akin. Babawi ako. Even if it takes me forever.”


Pinahid niya ng kamay ang dugo sa ilalim ng ilong nito.


“I can’t hate you forever Cody. Because I will be hating myself more in the process. Pero bakit ka nawala ng two months?” aniyang di napigilan ang panunumbat.


Hinapit siya nito ng mahigpit.


“Remember Marisay?” tanong nito.


“Ah... iyong starlet na trying hard?”


“Yes. Pinaamin namin siya kung saan ang hideout ng Paris based na Mafia. Hinuli namin nila Rick ng tuluyan ang mga iyon na pinamumunuan ng dating underling ng isang lider nila. Malaki ang paniniwala kasi nitong Mr. Fouchion na kapag napabagsak si Jhay-L na i-n-offeran nila na maging parte ng kanilang grupo noon ay magbabalik ang kaayusan sa organisasyon nilang nabuwag na.”


“Little did they know that they were building castle in the sand.” Matalinghaga niyang sabi.


“I’m sorry if I kept you waiting, baby. Inabot kami ng two months sa pagbuwag sa grupo nila.”


Kearse looked into those begging eyes. Napatunayan niyang napakahirap magalit ng husto sa taong mahal mo. Na napakahirap manatiling galit sa taong mahal mo dahil sarili mo lang rin ang pahihirapan mo.


Hinaplos niya ang namamagang ilong nito. Hindi siya makapaniwalang naririto na ngayon si Cody at yakap-yakap niya. Na nasa mga bisig siya nito. It was surreal. Yet it was really happening. Hindi siya ginu-goodtime lang.


Maging ang napakagaling na author (ehem!) ng seryeng ito ay pinagbibigyan rin siya. Hindi ito umeentra sa mga pagpapa-cute niya. Hindi rin umeepal sa kanya si Rubi –ang kontrabidang bahagi ng isip niya—sa pagkakataong iyon.


“I’m sorry too Daddy if ever I hurt you. I didn’t mean those words.”


“I know baby. Narinig ko naman ang pambawi mo eh.” Nakangiti na nitong sabi.


Syet!


Napakagwapo talaga nitong mokong na ito kahit pa namumula ang ilong ng dahil sa pagkakabunggo nito sa bumbunan niya. Masuyo niyang hinaplos ang parteng iyon ng mukha nito.


“Sorry din dito Daddy.”


“Okay lang iyan. Pwede na ring ipang-tapat sa head-butt ni Rovi ito.”


Namilog ang mata niya. “Ikaw talaga. Nakukuha mo pang magbiro.”


“Eh wala naman talaga eh. Mas malala pa kaya diyan yung mga tama ng baril na nakukuha ko dati.” Mayabang na sabi nito.


“Ah ganoon? O sige, dagdagan natin.” Saka niya marahang pinisil ang ilong nito.


“Aww...”


“Oh my God. Sorry Daddy.”


Maagap nitong kinuha ang kamay niyang ipinangpisil sa ilong nito. Hinalik-halikan nito iyon that he melted with the sweet gesture.


“Kahit ilang pasakit pa ang gawin mo sa akin Kearse. Kahit ilang torture pa ang gawin mo, mahal na mahal kita kaya kakayanin ko iyon.”


“I can’t bear it Cody. Hindi kaya ng konsensiya ko na saktan ka para lang patunayan na mahal mo ako.”


“Oh yes you can. Sinasaktan mo na ako gnayon pa lang.” Nakangising sabi nito sa kanya.


Napa-isip siya at tinapunan ito ng nagtatakang tingin.


“Wala kang idea?” ang ngiti ay napalitan na ng pilyong ngisi.


“Wala eh.” Clueless na sabi niya.


Hinapit siyang lalo nito at saka lang niya naintindihan ang ibig nitong sabihin. He can feel his growing maleness under the confinement of his jeans. Eskandalosong tumutusok iyon sa may tiyan niya.


Tiningala niya ito.


“Pilyo ka Daddy.”


Humalakhak lang ito. It was music to his ears.


“Sa’yo lang ganyan ang reaksiyon niyan. Promise. Kapag malapit ka, instant ang pag-attention niyan.”


Wala siyang masabi sa sobrang kasiyahan. So after-all, happy ending pa rin pala ang nakatadhana sa kanyang first love. And he have Cody for that. Marahan siyang umusal ng panalangin ng pasasalamat para sa Diyos bago tumugon sa mainit na halik na iginawad sa kanya ni Cody.


Indeed, fairy tales do come true.


F-I-N

5 comments:

Nat Breean said...

Good job mama D.

baklang bakla si Kearse! HAHAHAHA...

Anong genre ang susunod?! si Perse na dba?

DALISAY said...

Yep Nat... thanks sa pagababasa. :-)

Anonymous said...

miss d hindi mo man aq kilala...eh....nagpapasalamat aq ng napakarami...kc tugmang tugma c cody sa pinapangarap kong lalaki.....at c kearse nman eh....para tlga aq...kinakausap ang sarili...inaagdiw...pati nga pagiging writer nito...iba nga lng skin....lam mo miss d..para mong binuhay ang fantasy ko na lam kong hinding hindi magyayari....maraming maraming salamat na khit sa estor na lng eh....mabuhay nman ang taong pinapangarap ko.....pati nga tawagan nila yun rin ang pinapangarap kong tawagin sa first bf ko...kc NBSB aq.....haixst wala na qng masabi KUNDI NAPAGALING MONG WRITER MISS DALISAY....

-CHRISTIAN ERANDIO-
http://www.facebook.com/christian.erandio

Anonymous said...

maraming salamat Christian. pinataba mo ang puso ko ng sobra-sobra. nakakaiyak ang mensahe mo. Thank you as well. Guess what, you guys are my inspiration. promise.


-DALISAY

JR said...

Maganda talaga ang pagkakahabi ng kwentong ito... Nakakaaliw at nakakakilig tulad ng love story ni Rovi. Para lang ako nagbabasa ng serye sa pocketbook. Napapadaydream paminsan minsan tulad ni Kearse.. Hohohoh.. I love it. Two thumbs up. Looking forward to Pacenxa's love story... hohoho