Thursday, April 28, 2011

Tres Adonis 2

AKO: "Kuya ambastos neto, nagbabasa ng text na di naman para sa kanya" sabay talikod


KUYA GREG: "Epal to, Oa mo mag react tol, hehehe di ko nakita" sabay akbay sakin.


Palabas na kami ng supermarket ay ramdam ko ang isang pares ng mata na nakamasid sa akin, ngunit di ko na binigyang pansin iyon.


Pagdating sa bahay ay planado na ang lahat. wahehehe Lilibangin ni daddy si Kuya greg para magpatulong ito magluto, Si papa naman ang pasempleng magrerekado sa adobo. kami ni tristan ang mga dakilang eepal para madistract si kuya Greg.


Out of this world kasi ang lasa ng adobo ni kuya. Di ko maexplain.hehehe


KUYA GREG: "daddy, tutal andito kana naman, imbis na makipagkwentuhan lang po kayo sakin ay tulungan niyo na ko maghiwa"


TRISTAN at AKO: "WEEEPEEE!!!!!!!!! YEHEEY!!!!!!"


AKO: "epekteb ang plano..wahehehe" bulong ko kay tristan


KUYA GREG: "Oi kayong dalawa jan? anu na namam bang kalokohan yang nasa isip niyo ah?"


TRISTAN: "Wala kuya, may pinag usapan lang kaming nakakatawa" sabay ngisi


(Pagkaraan ng Ilang sandali)


KUYA GREG: "Papa ba't po kayo naka gwardya jan sa niluluto ko?"


PAPA: "Ah eh, mabango kasi anak..hmmmmmm di ko mapigilan amoyin"


KUYA GREG: "ako pa! (may himig pagyayabang) Papa, anu po yang tinatago niya sa likod?"


AKO: "Patay tayo tristan, si papa kasi sa likod pa tinago ang seasonings" bulong ko


TRISTAN: "Huli!!!! wahaahaha.. oh ikaw naman taya papa! ako naman magtatago ng seasonings!" epal na pagpapalusot ni tristan


PAPA: "ah eh..aysus! etong si greg kasi maingay, nakita tuloy ni Tristan" sinakyan naman ng epal kong papa ang palusot


KUYA GREG: "papa naman, nakikipaglaro kapa ng ganyan kay tristan, tanda niyo na wahehehe"


Sabay sabay kaming apat na nakahinga ng malalim. Hindi kami nabuko ni kuya.hehehe



AKO: "Kuya! tingnan mo nga tong pagkakahiwa ni daddy oh? dali lapit ka dito"



KUYA GREG: "San patingin nga" sabay lapit samin ni daddy


Pagkatalikod ni kuya Greg sa nillulot ay dali daling nilagyan ni papa ng prepared seasonings ang nakasalang.



KUYA GREG: "Ok naman yan ah?"


AKO: "ah ganun ba? kala ko hindi" hehehehe



In short, naging matagumpay ang salisi gang este ang plano namin na edistract si kuya.


Naging matiwasay ang haponan namin^^



Pagkatapos ng haponan ay dumerecho ako sa kwarto para maligo at makatulog ng mapayapa. Siyempre ginawa ko muna ang jakol stunts ko sa banyo bago maligo.wahehehe


Pagkatapos maligo ay nagbihis ay derecho kong binagsak sa malambot kong kama ang aking magandang katawan.(yabang)wahehe


Pagtingin ko sa gilid ay nakita ko ang drawing na pinaka iingatan ko. Sketch ng mukhang lagi kong napapanaginipan. Pinagmasadan ko ito ng mabuti.



AKO: "bakit kaba laging nagsusumiksik sa kokote ko..sino ka ba? nag eexist ka kaya?" sa isip ko.



Pinagmasdan ko ang mukha ng lalaki sa drawing ko.



AKO: "Sana mamaya pagnapanaginipan kita ulit at sana tinitira kita sa panaginip ko...ayeeee" kilig.wahehehe


Nakatulugan ko ang pagtingin sa sketch na iyon.



Kinabukasan ay isang normal sa umaga na naman ang aking kinamulatan..hehehe maaga akong gumising para maghanda sa pagpasok sa opisina.



AKO: "Oh yeah whatta nice dream yow..."



KUYA GREG: "Alam ko kung anu napanaginipan mo, halay nito"



AKO: "Kuya nagbbreakfast tayo, wag ka magsalita ng bad"



TRISTAN: "Oo nga naman kuya, eto pat nasa harap tayo ng banal na hotdog at itlog nating agahan"



KUYA GREG: "Isa ka pang sira ulo..hehehe banal? mukha mo"



PAPA: "O siya tama na ang bangayan at malalate na kayo sa mga trabaho ninyo"



Sabay sabay na kaming umalis ng bahay at kanya kanyang pasok sa opisina naman.


Sabay pa ng pagpasok ko sa opisina ang isang nakakatamad na utos mula sa supervisor namin.


SIR ROM: "Mr. Cardrick Yu..hehehe. isang karangalan ang iuutos ko sa iyo"



AKO: "Sir, baka naman po labas na sa job discription ko yan, alam niyo naman sir"



SIR ROM: "Ikaw ah, pinapairal mo na naman yang katamaran mo, naku cadrick, isusumbong na kita sa daddy mo ah"



AKO: "Sir di na kayo mabiro, akina na po at anu ang ituutos niyo..wahehehe"



SIR ROM: "haha takot sa daddy niya"



Nga pala, sir rom is may dad's bestfriend.hehehe


SIR ROM: "Siya nga pala, eto.. Oo eto presentation na hinanda mo ang nagustuhan ng Board of directors natin, May ilang mga bagay lang na gustong klaruhin ang Presidente ng companyang to, sa kasamaang palad ay mejo masama ang pakiramdam niya kaya dun ka sa bahay nila poponta now. Nasa labas na ang sundo mo. Now go!!!!!!"


AKO: "Ang arte naman, kaya nga may opisina eh haay naku"


SIR ROM: "Uy! anu kaba?! baka may makadinig sayo"


AKO: "Wapakels.. cge sir una na ko"


SIR ROM: "cge ingat, kaw talagang bata ka manang mana ka sa dad mo" sabay talikod


Pagdating ko sa parking lot ay naroon ang isang magarang kotse na naiiba sa mga nakapark doon. Kaya inassume ko na na yun ang sundo ko.


Lumapit ako sa sasakyan at kinatok ang bintana.



AKO: "Excuse me, I'm Cadrick Yu kayo po ba sundo ko?"


MANONG: "ah opo sir" sabay labas at binagbuksan ako ng pinto.


AKO: "Weee tay naman epal, dun na ko sa harap ayoko sa likod maupo..hehehe" sabay bukas ng pinto sa harap



MANONG: "cge po kayong bahala sir"



AKO: "Manong? bat kayo tarantang taranta? chill lang po, relax"



MANONG: "ah ok lang po ako sir"



AKO: "Ako naman ay concern lang pero kung talagang ok ka lang.. fine"



MANONG: : malalaman niyo din sir"



AKO: "wow manong astig, mesteryo..wahehehe"



Isang premera klaseng subdivision ang pinasukan namin at siyempre isang napakagandang house and lot (wahehehe). ang napuntahan ko.


Dalawang guard ang nagbukas ng gate para papasukin ang kotse kung saan ako naroroon. Laking gulat ko ng makita ko ang isang babaeng naka all white at may dala dalang bagahe ang palabas at umiiyak kaya mejo binaba ko ang salamin ng bintana.



BABAE: "Oh josko!! hindi ko na kaya..Magtatanim nalang ako ng palay sa bukid" umiiyak na lumayo



MANONG: " Now you know!"



Nagulat naman ulit ako sa reaction ni Manong. Nag english.wahehehe



AKO: "Yeah, now I know, pero ibahin mo ako manong, di ako pasisindak.wahehehe"



MANONG: "Pustahan tayo sir..hehehe"



AKO: "Game! 500 ang pusta ah?"



MANONG: "CGE!"



Ayun at kinagat ko ang pustahan namin ni manong driver. Sa totoo lang ay kinakabahan din ako.hehehe Isang may edad ng katulong ang sumalubong sa akin at inihatid ako patungo sa opisina ng presidente ng companya na ngayon ko lang makaka face to face.hehe



Pagpasok ko sa pinto ay isang matandang lalaki ang bumungad sa akin. napakasungit ang anyo ng mukha at nakakatakot kung maka tingin.



AKO: "ah Good morning sir I'm........"



PRES: "Cadrick Yu.. I know, so lets start our meeting"



AKO: "Wow sungit, sa tingin ko naman ay di lalaban sakin to ng sapakan" sa isip ko



PRES: "So ikaw ng maswerteng napili ng mga board directors, kindly present your proposal again"



AKO: "Sir?"



PRES: "Yes You heard it right.. present it again to me"


Kabado man ay naging matiwasay ang presentation ko at mukhang naimpress naman si tandang President.wahehehe



BOOOOOOOOOOOOOOGGGGGGG!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!



Isang malakas na kalabog ang nadinig namin mula sa pinto at iniluwa nito ang isang lalaking naka crutches. Mahaba ang bigote, mahaba ang buhok at napakasama ang pukol ng tingin.



LALAKI: "Dad!!!!!!!!!!! anu na naman bang ginagawa ninyo!!!!!!!! I said ayoko ng yaya o sino man na magsisilbi sa akin! leave me alone!!!! fuck this life!!!!!!!!"



PRES: "Iho, calm down, Gusto lang kitang tulungan. Look at yourself iho, anu ba ang rason at nagkakaganyan ka?"



LALAKI: "Walang rason kaya hindi niyo ako matutulungan!!!!!"



PRES: "iho"



LALAKI: "I said leave me alone..simula ngayon wala ng ibang papasok sa kwarto ko understand?"



AKO: "Abat ang bastos ng anak na to oh" sa isip ko



Napabaling sa akin ang tingin ng halimaw, este ng lalaki na anak pala ng presendente namin.



Sobrang talim at parang kakain ng buhay na tao kung makatingin. Hindi naman ako nagpatalo at sinalubong ko ang tingin na iyon pero tinging may ngiti sa labi ang ginawa ko.



LALAKI: "why are you looking at me that way? Are you gay?"



AKO: "Abat tarantadong bastos to ah? siya tong unang tumingin ako pa ang pagbibintangan" sa isip ko



PRES: "BRANDON iho isa siya sa mga empleyado natin sa companya"



AKO: "Excuse me sir? kung sakali man pong bakla ako. I'll asure you MAY TASTE PO AKO" sabay bitiw ng ngiting mapang insulto.



BRANDON: "Fuuuck you!"



AKO: "Aba aba aba ang bastos ng tabas ng dila nito ah" sa isip ko.. sabay pukol ng masamang tingin sa kanya



PRES: "Brandon stop it"



BRANDON: "Anu? Lalaban ka? Gusto mo matanggal sa trabaho?"



AKO: "Di po ako lalaban kasi alam ko ping di patas" sabay tingin sa paa niya



BRANDON: "Aba't!!! anu? gusto mo ng patas na laban? name it! kol ako, pag natalo ka wala ka ng trabaho!!!!"



PRES: "brandon anu kaba?"



Tamang tama at isang epal na babae ang sumingit.



MULAN: "tamang tama! buti at kanina pa ako dito. here you go, naipaxerox ko na ito, lalaruin ko sana itechiwa pero sa inyo nalang.



BRANDON: "Anu na naman bang kalokohan yan Mulan??"



MULAN: "Favorite game mo! crossword puzzle. Paunahan kayong sumagot. Ang unang makatapos with perfect score ay panalo.



BRANDON: "Deal!, patay ka ngayon.. gay boy!!!!"



AKO: "Game!"



After 10 minutes ay natapos ko ng ang puzzle with perfect score. In short, ako nanalo.



PRES: "Galing nanalo ka!" parang batang natuwa ang presedente.wahehe



AKO: "Thank you sir" pagmamayabang ko sabay tingin kay Brandon



BRANDON: "Hindi pa ko tapos sayo...tandaan mo yan Gayboy"



PRES: "Pasensya kana iho" bulong sakin



AKO: "Ok lang sir. cge po tuloy na po ako. Thank you sir"



Lumabas ako ng silid na iyon pero ramdam ko ang mga mata ni brandon na parang laser beam na tagos hanggang laman loob ko ang tingin.wahehehe



MULAN: "Yow! wait!"



AKO: "Yes?"



MULAN: " Ang galing mo! di ka natakot sa kuya ko. Apir tayo!" sabay apir



AKO: "teka maam, ganoon po ba talaga siya?"



MULAN: "well well well, di naman.. dati kasi napakamasayahing tayo niyan ni kuya pero simula ng maaksedente at mamatay ang girlfriend niya, ganyan na siya"



AKO: "Ah kaya naman pala siya ganun, siguro kailangan lang niya ng kunting panahon para makapag move on"


MULAN: "Duh!!!! 5 years ng chugi ang gf niyan ni kuya"



AKO: "Talaga? ang OA naman pala ng kuya mo"



MULAN: "naku sinabi mo pa, tsaka yung banta niyang di pa siya tapos sayo, totoo yun.. Pagnagbanta kasi yun tinototoo...cge bye ingat " tila walang pakialam nitong paalam



AKO: "kakaibang lahi, isang halimaw at isang epal" sa isip ko




Pagkasakay ko ng service ko pabalik ng opisina ay nakahinga ako ng maluwag.wahehehe



MANONG: "Wow sir! katext kosi Puring kanina, nakipagbangayan daw kayo kay sir Brandon? bilib na ko sa inyo"



AKO: "Ako pa" pagmamayabang ko



AKO: "Nga pala panalo ako sa pustahan pero wag niyo na ako bayaran manong, from the start kasi alam ko ng panalo ako..hahaha(yabang mode).. siya nga pala sino po si Puring?"



MANONG: "Ah siya mayordoma nila Sir Brandon, Gelprend ko siya" kilig nitong pahayag



AKO: "Naks naman nagmumurang kamatis ang mga eto" sa isip ko.



Pagkabalik ko sa opisina ay balik normal ang takbo ng buhay ko.hehehehe Busy na naman at walang humpay na paperworks.



Pagod na pagod akong nakarating sa bahay. Kaya naisipan kong dumerecho sa kwarto at pumikit sandali.


Di ko namalayang nakatulog na pala ako at sinundan ito ng isang panaginip.



(PANAGINIP KO)
Nanaginip akong nakatali daw ako sa isang bilog na roleta at walang saplot. Pagtingin ko sa gilid ay naroon si MULAN at pinapaikot-ikot niya ako. Sa harap naman ay naroon si Brandon at may hawak na Pana habang tumatawa ng mala demonyo.


BRANDON: "Sapul na sapul ka dito sa pana ko..buwahahahahahaha"


AKO: "Wag! pag naka wala ako dito papatayin kita tarantado ka!!!!!!"


MULAN: "Wala ka ng kawala, pagsinabi niyang di pa siya tapos sayo, tiyak na may gagawin siyang di mo magugustuhan..hihihihi"


AKO: "Isa ka pang epal.. ang pangit mo!!!, pwede niyo naman akong itali ng may damit bakit hubad?!!!!"


BRANDON: "Mulan, paikotin mo na ang roleta at aasintahin ko na ang titi niyan.wahahahahaha"


AKO: "huwaaaaaaaaaaaaaaaaggggggg!!!!!!"





PAAAAAAAAAAAKKKKKKKKK!!!


Isang malakas na sampal ang gumising sa akin.



DADDY: "kanina ka pa binabangongot! ok ka lang?"



AKO: "yes dad ok lang po ako.. dahil lang siguro sa pagod to.. Im sorry dad"



DADDY: "oh cge.. magbihis kana at maghahaponan na tayo.



Di maalis sa diwa ko ang panaginip na iyon at ang sinabi ni MULAN na tototohanin ni Brandon ang banta niya sa akin.




AKO: "pwes! kailangan kong paghandaan to. Huh!!! IF YOU WANT WAR, I'LL GIVE YOU WAR" sabay tawang pang kontrabida



KUYA GREG: "hoy! baliw kakain na daw tayo, nasisiraan na ata ng ulo to" sabay talikod.



Napabalikwas ako ng nagring ang phone ko at may tumatawag pala.




AKO: "hello? sino po sila?"




LALAKI: "HINDI PA AKO TAPOS SAYO TANDAAN MO YAN.... GAYBOY........."















jameski2hard@yahoo.com -FB

No comments: