Thursday, April 28, 2011

Tres Adonis 3

Seryosong kaba na ang bumalot sa puso ko.


AKO: "Grabeh, seryoso ka ba talaga sa banta mo sakin?"


BRANDON: "Sa tingin mo ba nagbibiro ako? we'll see" sabay patay ng cp


AKO: "jeez! seryoso nga, anu ba nagawa ko sa unggoy na yun"



Imbis na isipin pa lalo ay iwinaglit ko muna sa isipan ko ang problema ko sa anak ng boss ko na isip wala atang magawa sa buhay.


Pagdating ko sa dining area ay napansin kong kulang kami.


AKO: "Dad? si Tristan po asan?"


DADDY: "Nasa terrace, susunod nalang daw siya"


AKO: "Aysus nag eemote ata yun. Puntahan ko muna"


Nadatnan kong humihikbi si Tristan sa madilim na bahagi ng terrace namin.


AKO: "Tol? may problema ba?"


TRISTAN: "Ah eh kuya wala, wala .. andito ka pala, tapos kana kumain?"


AKO: "Wag mo nga ibahin ang usapan, anu? may problema?, may umagrabyado na naman ba sayo? resbakan natin"


Ikinagulat ko ang pagbuhos ng emosyon ni tristan, bigla siyang lumapit at niyakap ako ng mahigpit at nag iiiyak.


AKO: "Sabi na ngat may problema ka.. anu? nag away na naman ba kayo?"


TRISTAN: "Sana nga kuya..(umiiyak) sana nag away lang kami"


Mukhang seryoso ang problema ni tristan kaya pinili kong makinig nalang imbi na magtanong ng magtanong.


TRISTAN: "Kuya, hindi ko kaya at hindi ko kakayanin kahit kelan na mawala si Allen sakin"


AKO: "Lahat ng problema may sulosyOn, basta't pagtutulungan niyong dalawa, would you mind telling me kung anu ang problema?"


TRISTAN: "kuya, nabuntis niya si cherry"


Parang bombang sumabog sa tenga ko ang nadinig kong iyon.


AKO: "Pero.. panu nangyari yun?, cherry is your bestfriend, at hindi lingid sa kanya na may relayon kayo ni Allen"


TRISTAN: "Matagal na nila akong iniipotan sa ulo kuya, matagal na silang may relasyon" sabay ang paghagulgol ng bunso namin.


Awa. Opo awa ang tanging namayani sa puso ko. Since highschool ay kaibigan na ni Tristan si cherry. wala akong nagawa kundi yakapin ang kapatid ko ng mga sandaling iyon.


Habang nasa ganoon kaming kalagayan ay....



PAPA: "Tristan? baby, nasa labas si Allen hinahanap ka"


TRISTAN: "Pa please...(umiyak)"


Nalaman kong nasabi na pala ni Tristan kay papa ang problema niya.


Pinili ni papa na akausapin si Allen at sabihin ditong hindi pa siya kayang harapin ni Tritan.


ALLEN: "Tristan!!!!!!!!!!!!!!!!!!! please naman kausapin moko!!!!!!!!! alam kong naririnig moko!!!!" garalgal ang boses nito


Pinagmasdan ko naman si tristan na umiiyak at pilit na tinatakpan ang tenga para hindi madinig ang sigaw ni Allen.


ALLEN: "Tristan!!!!!! kausapin moko please!!!! maawa ka sakin ohhh" tuluyan ng pumatak ang mga luha nito


Si Tristan, ay lakas loob nang tumayo pero galit ang nakikita ko sa mga mata niya habang patungo siya sa kinaroroonan ni Allen.


Lumabas siya ng gate at hinarap ng buong lakas si Allen.


TRISTAN: "nakakabulahaw ka samga kapitbahay, please Allen wala na tayong dapat pag usapan pa, malinaw na sa akin ang lahat"


ALLEN: "Tristan, listen to me, wag ka namang ganyan please, hindi ko kayang mawala ka sa akin. mahal na mahal kita Tristan alam mo yan"


That's it, sumbog na nga si tristan sa tindi ng emosyon.


TRISTAN: "Ang kapal ng mukha mong sabihin sa akin yan, kung mahal mo ko, hindi mo ako lolokohin. Ikaw? anung mararamdaman mo pag nalaman mong ang taong minahal mo ng lubos ay niloko ka?"



Hindi makasagot si Allen.


TRISTAN: "(UMIIYAK) Grabeh ang respetong ibinigay ko sayo Allen, Tiniis kong mabuhay ng wala man lang ni halik sa labi mula sayo dahil nrerespeto ko ang sabi mong hindi ka pa handa. Alam mo ba kung gaano ako kasabik na mayakap mo man lang?, Sa tuwing aakbayan moko, pinagdarasal ko na sana wag na matapos ang sandaling iyon dahil iyon lang ang kaya mong ibigay sa akin"


Labis na pagkahabag ang naramdaman ko para kay tristan ng madinig ko ang mga rebelasyong iyon. Hindi ko maimagine kung panu namanage ni tristan ang ganoong klaseng buhay pag-ibig.


TRISTAN: "Umalis kana Allen, Harapin mo nalang ang magiging buhay mo bilang ama ng magiging anak niyo ni Cherry"


Tuluyan ng tumalikod si Tristan at patakbong tinungo ang kwarto niya.


ALLEN: "Trsitan?!!! wag please.." napaluhod at umiyak


Hindi ko alam pero, naisip kong lapitan si Allen.


AKO: "Tol?, totoong minahal ka ng kapatid ko, di mo na nga nasuklian iyon ay sinaktan mo pa siya ng labis"



Ang karaniwang masayang usapan tuwing gabi ay napalitan ng katahimikan at lungkot ang bumalot sa buong bahay namin.


Napagpasyahan ni papa at daddy na kausapin si tristan at kami ni Kuya greg ay naiwan sa sala.


KUYA GREG: "Parang ganun din ang ginawa ko kay Elwood dati.."


AKO: "Kuya matagal na iyon, i think you should move on..tska moment ni tristan to, nang aagaw ka eh.."


KUYA GREG: "Epal rin to eh, panira ng momentum"


AKO: "Pinapagaan ko lang ang pakiramdam mo kuya. Di rin kasi siguro healthy kung sasabayan pa natin ang pagkadepress ni bunso ngayon"


KUYA GREG: "tama ka nga. paminsan minsan may gamit din yang pagiging epal mo"



Nung gabing iyon ay nakatulugan ko nalang ang pag iisip kay Tristan at sa mga tiniis niya sa relasyon nila ni Allen.


Kinabukasan ng umaga ay tahimik padin ang buong bahay. Pilit kong pinapagaan ang sitwasyon pero ayaw talaga gumana ng powers ko.


Sa office ay mejo bumawi ako at mejo gumaan ng kunti ang momentum. Alas dyes ng umaga ng makatanggap ako ng tawag mula sa head office.


SIR: "Cadrick, proceed sa daw sa bahay ni Mr.President at may ipagagawa sayo"


AKO: "Patay!"


Biglangsumagi sa isip ko ang mala demonyong mukha ni Brandon.


AKO: "aH SIR? wala na po bang inbang pwede ipadala dun?"


SIR: "Ikaw ang gusto kaya ikaw ang pumunta, pasalamat ka ngat pinatawag ka"


AKO: "Sumpa kamo iyon hindi dapat ipagpasalamat" sa isip ko.



Wala akong nagawa kundi ang pumunta sa empyerno, este bahay pala ng Presedente.


Nangangatog ang tuhod ko habang papasok ako sa bahay na iyon. Muli ay dumerecho na kami sa office ng boss ko. Pero imbis na si Mr. president ang maabutan ko doon ay empakto ang naroon at naghihintay.


BRANDON: "well well well, we met again.."


Pinilit kong magpakapormal.


AKO: " uhm sir, may pag uusapan daw kami ng daddy niyo"


BRANDON: "Ako nagpatawag sayo hindi si daddy"


AKO: "(MALAS!) ah sir may ipagagawa po kayo?"


BRANDON: "C'mon bat ata masyado kang pormal ngayon ha?, naduduwag kanaba?"


HIndi ako sumagot.


BRANDON: "Since ayaw mo sumagot, ito na ang ipagagawa ko sayo, makinig ka dahil pag di mo ginawa to, tanggal kana sa trabaho, wag mong isipin na madami pang kompanya
jan dahil madami akong koneksyon"


AKO: "Tang ina mo!!!!!!!!! ampangit mo!!!!!!" sigaw ng utak ko. nanginginig kamay ko sa gigil



BRANDON: "sasamahan moko sa 1st session ng theraphy ko, tapos sa salon dahil magpapagupit at magpapa ahit na ako. Sasamahan mo rin ako mamili ng bago kong mga damit, after nun ay sasamahan mo ako sa dentist ko, tapos poponta tayo sa office at may kukunin ako tapos then dederecho tayo sa bahay ng kaibigan ko at mangungumusta lng ako."


AKO: "Sir trabaho po ata ng body guard yun eh"


BRANDON: "Reklamo?"


AKO: "Abay wala po! kayang kaya! (mamatay kana sana!!! sa isip ko)"


Ayun ngat sinimulan na namin ang lakad.wahehehe. Natural na siguro ang pagiging bugnutin at kagaspangan ng ugali nito. Pati doctor na nag aassist sa anya ay sinisigawan.


Pagkatapos sa ospital ay sa salon kami tumungo. Gupit at ahit ang ginawa sa kanya.


nasa kotse na kami paponta sa dentist niya.


AKO: "josko!!!!!!!!! isang bathala ng kagwapohan naman pala ang halimaw na ito" sa isip ko habang nakatingin sa kanya


BRANDON: "hey! gay boy! wag mo masyadong ipahalata ang crush mo sakin"


AKO: "Sabi ko nga po dati, may taste po ako sir" wala sa isip kong naisagot


Huli na ng mapigilan ko ang sarili ko.


BRANDON: "Aba't an yabang mo ah!!!!!!!! Sa tingin mo ba ay papatol ako sayo ah?"


AKO: "HIndi din naman po ako papatol sa inyo" ayun na naman at nakasgot uli ako


BRANDON: "Walang tatalo sa sarap ng babae, kaya hanggang pangarap ka nalang gay boy"


AKO: "nakatikim na rin po ako ng babae madaming beses na at kaya ko pong tumikim ulit. kayo po di niyo kayang tumikim ng lalaki. lamang ako."


BRANDON: "nananadya ka ba ah?"


AKO: "hindi po"


BRANDON: "HIndi ako bakla tulad mo kaya hindi ako titikim ng lalaki. Yuck!!!!!!! baboy mo!!!"


Pagkatapos sa dentist ay dumerecho kami sa mall, para mamili ng damit niya. Lahat ng binili niya ay ako ang bumitbit, dahil siya ay nakatungkod pa at di pa makalakad ng maayos.



AKO: "Sir nananadya rin po ba kayo?"


BRANDON: "bakit?"


AKO: "Mukhang di niyo naman po kailangan ang iba dito sa pinamili niyo, pampabigat lng sa bitbitin ko"


BRANDON: "Mas marunong kapa sa akin, bilisan mo jan gay boy"


Pinagtitinginan na ako ng mga tao sa dami ng bitbit ko, nakakahiya na.


BRANDON: "kakain ako, jan oh" sabay turo sa isang resto sa loob ng mall


AKO: "Ok sir"


BRANDON: "baka akala mo isasama at ililibre kita. HIntayin moko dito sa labas" sabay tungo sa loob ng resto.


AKO: "madapa ka sana!!! mabilaukan at mamatay na!!! kahit gwapo ka hindi kita type" sa isip ko.


ELWOOD: "Cadrick? hey?"


AKO: "Elwood? akala ko matagal pa uwi mo?"


ELWOOD: "isusurprise sana kita, mukhang ako ang nasurprise, oras ng trabaho ay nasa
mall ka..hehehe"


AKO: "mahabang kwento at nakakaasar na ikwento, kumusta kana pala?"


ELWOOD: "E2 ok lng, ikaw? si kuya mo kumusta?"


AKO: "Bingo! sabi na nga't mahal mo pa si kuya" sa isip ko

Nasa kalagitnaan kami ng kwentuhan ng biglang sa hindi inaasahang pagkakataon at sa pagiging mapaglaro ng tadhana ay nandoon din pala ang isang taong hindi ko inaasahang makita doon ng mga oras na iyon.


KUYA GREG: "Cadrick?" sabay tingin sa mga dala dala kong shopping bags at kay Elwood, halata ng pagkagulat samga mata nito


AKO: "Kuya?..ah eh"


Gusto kong magpaliwanag at baka isipin ni kuya na ipinagshopping ako ni Elwood pero.....


KUYA GREG: "Tol ang labo mo" sabay talikod palayo







ITUTULOY....................................................

2 comments:

Anonymous said...

i have read this story before, pero parang walang karugtong... sa pag post ba ng istoryang ito dito ay may karugtong na?

just curious coz i have seen a lot of unfinished stories in blogosphere...

just hoping ...v:)

R3b3L^+ion

Anonymous said...

R3b3L^+ion.... itutuloy na ito ni Jaime. Ang author ay nakipag-usap na sa akin about this. Paki-hintay lang po.


---DALISAY