Thursday, April 28, 2011

Tres Adonis 1

Drama. Ang unang salitang pumasok sa isip ko when i saw my kuya Greg na nagmumokmok sa terrace namin. Hawak hawak nito ang puting vase na pinakaiingat ingatan niya habang nakatingin sa malayo.


TRISTAN: "Kuya, kanina ko pa napapansin si Kuya Greg, anlalim ng iniisip. Bakit kaya?, sa tingin mo si Elwood padin ang ipinagmomokmok niyan?"


AKO: "Mahigit isang taon na iyon pero malamang si Elwood padin dahilan niyan"


TRISTAN: "Kuya ikwento mo na kasi sa akin kung bakit sila nagkahiwalay please?, Bunso nga ako pero technically magkaka edad lang kaya tayo" sabay nguso kunwari nagtatampo



(Inroduction)

Siya nga pala, Ako si Cadrick 24 na taong gulang, pangalawa sa tatlong magkakapatid.hehe Si Kuya Greg ang panganay namin na 24 years old, ako ang next at si Tristan ang bunso na 24 years old na din..hehehe. Bakit? Well malalaman niyo as we go along. Take note, magkakapatid talaga kami as in magkakadugo.


(Balik sa kwento)

AKO: "Tristan tol, sabi kasi ni kuya Greg na amin nalang daw muna iyon pero I think it's about time na ishare ko naman sayo.hehehe 1 year na anaman yun eh..hehehe


TRISTAN: "Talaga ikekwento mo na sakin? tara dun tayo sa kwarto ko bilis" sabay takbuhan patungo sa kwarto ni Tristan na parang mga batang paslit

Pagdating sa kwarto ay pinili naming sa kama dumerecho mahiga.


TRISTAN: "Cge na kwento mo na kuya! Game!"


AKO: "Sandali lang magplay ka muna ng kantang malungkot jan para ramdam mo, anu ba mga CDs mo jan?"


TRISTAN: "Kuya puro techno at RnB mga CDs ko.. ay wait may CD ako ni Ate REgs."


AKO: "Wow! Idol mo rin pala siya, play mo yung KUNG MAIBABALIK KO LANG peyborit ko yun dali"


TRISTAN: "Ito na kuya wait"


AKO: "Set mo sa reply ah para pabalik balik, kung di mo gawin yun di ako magkkwento"


TRISTAN: "Oo na, sabagay maganda din naman kantang yan, peyborit ni Daddy yan eh..hehehe"


AKO: "Yan!, mejo lakasan mo kunti music.. Lika ka na dito ikkwento ko na dali"


TRISTAN: "Wait kuya," sabay lundag sa kabilang side ng kama at binuksan ang mini ref sa tabi nito


AKO: "Bakit anu ba yan?"


TRISTAN: "Chichurya! para ramdam ko kwento mo"


AKO: "Cge cge maguumpisa na ko ah?"


TRISTAN: "Game!" sabay bukas ng chichurya niya


AKO: "Ganito kasi yun"


(ANG KWENTO NI KUYA GREG):
Isang nurse si Elwood, nasa 30 na ang edad nito, alam naman nating si Elwood ang syota ni kuya Greg mula nung 19 pa lang si kuya.

Last year. Sometime in January pauwi galing duty sa kuya Elwood. Pagod na pagod ito dahil nga 16 hours itong nagduty,...... kadalasan pag nag 16 hours siya sa duty ay sa hotel nlang siya tumutuloy para makatulog agad pero iba ang pinlano niya this time.
Umuwi siya ng unit niya.


Isang kahindik-hindik na eksena ang inabutan niya sa unit niya. Si Kuya Greg at Ang bestfriend ni Elwood na si Manny, nag eentotan. Inabutan niya sa eksenang tinitira ni kuya Greg si Manny.

Walang naging reaction si Elwood dahil sa labis na pagkabigla, sa halip ay dali siyang tumalikod at napaluha na lamang.


TRISTAN: "Kuya? hindi ba siya napansin nila kuya greg?"


AKO: "Uu hindi siya napansin ng mga ito, naiwan lang kasing nakabukas ang pinto sa kwarto, bumalik nalang si Elwood sa sala at nag iiyak, nga pala wag ka magtanong at ikekwento ko nalang, panira ka ng moment eh"


TRISTAN: "Cge kuya tuloy mo na"



(BALIK SA KWENTO NI KUYA GREG)
Ayun nga at lumuluhang napaupo na lamang si Elwood sa sala, tapos maya maya ay nakarinig siya ng tawanan at papalabas ito ng kwarto.

Laking gulat ni kuya Greg ng makita niya si Elwood na luhaang nakaupo sa sofa.


KUYA GREG: "Elwood?, ka..kanina ka pa ba jan?" namumutla nitong pahayag


Tumango lamang si Elwood, hindi siya makapagsalita sa sobrang sakit ng nakita niya. Patuloy padin ang agos ng luha sa mga mata niya.


KUYA GREG: "Elwood let me.........."


ELWOOD: "Sapat na ang nakita ko Greg... sapat na iyon" sabi nito habang umiiyak padin.


KUYA GREG: "Elwood pls?"


ELWOOD: "Alam mo Greg?, Ngayon lang ako nagmahal ng ganito. Sa tuwing nag aaway tayo, ipinapanakot mo sa akin na iiwan mo ako. Luluho naman ako sayo at magmamakaawang wag mo akong iwan dahil nga sa mahal kita. Andaya naman ng Diyos sa akin noh?." sabay bitiw ng pilit na ngiti


KUYA GREG: "Yung naki..............."


ELWOOD: "Tama na, tanggapin na natin, sa edad kong to wala na talagang seseryoso sa akin. (Umiiyak) Ngayon mo sabihin sa akin na iiwan moko Greg, please sabihin mo sa akin iyon ngayon" at napahagulgol na


KUYA GREG: "Elwood mahal kita!"


ELWOOD: "HIndi ko maramdaman at kailanman ay hindi ko naramdaman, ngayon ko lang narealize na ako lang pala ang nagpapakahirap na alagaan ang relasyon natin, Halos magkanda kuba ako sa kakatrabaho, madalas nag si 16 hours pa ako para lang may maipon ako sa buwanang anibersaryo natin at para lang mapasaya kita at maipagluto palagi ng masarap sa tuwing uuwi ka sa akin.. wala palang kwenta lahat ng iyon... Kaya ko na ngayon Greg, I mean kakayanin ko na.It's about time na mahalin ko naman ang sarili ko" sabay labas ng unit at pumunta kung saan para ilabas ang labis na sakit ng puso niya.


Simula noon ay naging malungkutin na si kuya Greg. Sabagay kasalanan din niya, sana nagmotel nalang sila ni manny. Bobo talaga minsan si kuya.


(Balik naman samin ni Tristan.wahehe)
AKO: "Tristan tol?.. bat ka nakatalikod, harap ka sakin", bastos nito oh"


TRISTAN: "Wala! trip ko lang" sabay hikbi


AKO: "waaah! umiiyak kaba? wahehehe natouch ka ba?"


TRISTAN: "Oo na! yan kasing background music nakakadagdag ng emosyon sa kwento mo, ang gago pala ni kuya greg.huhu buti nga sa kanya na malungkutin siya ngayon"

Batok ang isinagot ko kay tristan.

AKO: "gago! kuya padin natin yun kaya dapat pasayahin natin siya."


TRISTAN: "kawawa parin si Elwood, asan pala siya ngayon?"


AKO: "balita ko nasa saudi, nurse siya doon, napili niyang mangibang bansa para takasan ang mapait niyang nakaraan dito"


TRISTAN: "Tandang tanda ko noon, lagi may regalo si Elwood sa ating lahat tuwing may okasyon, mabait talaga yun, tapos nakakaawa tingnan ang mukha niya parang pasan ang buong mundo, kahit nakangiti siya halata padin"


AKO: "Pansin ko nga din yun eh, cguro dahil na din sa pagiging pasaway ni kuya Greg sa kanya dati"


TRISTAN: "Now I know.. pero OA mag emote si kuya Greg, mahigit isang taon na pero lagi talaga siyang natutulala pag nauupo siya sa terrace"


AKO: "yaan na natin siya, tara pontahan natin sa terrace kausapin natin at libangin"


TRISTAN: Tara!


Sabay namin tinungo sa terrace si Kuya Greg. Ewan ko ba at natural na ang pagiging Epal ni Tristan.


TRISTAN: "(KANTA ng malakas) kung maibabalik ko lang ang dati ikot ng mundo!! ang gusto ko akoy lagi nalang sa piling mo"


AKO: "Oh yeah!!" sabay pingot sa tenga ni tristan


TRISTAN: "Araaay bakit ba?"


AKO: "Epal ka eh, anu yang kinakanta mo sa harap pa ni kuya" bulong ko


TRISTAN: "Ooppss! sorry naman po.. sarap kasi kantahin lalo na't yun ang huling kantang nadinig ng tenga ko kaya inuulit ulit ng utak ko"


AKO: "Oh umeepal ka pa ng rason eh, tigil na" kung ayaw mong kainin ko ang choco-mocho sa ref mo.


Linggo ngayon kaya kumpleto kaming lahat sa bahay. Si Kuya greg, ako, si tristan, si Papa at Si daddy.

Yes you heard it right! Si papa at si daddy.wahehehe.

Long long time ago nung bago palang na nagsasama si papa at daddy ay napagpasyahan nilang kumuha ng baby maker dahil nga gusto nilang magkaroon ng anak.

First try, negative ang pregnancy test after few weeks of pakikigsiping kay daddy, 2nd try sa ibang babae naman, negative padin. On the third try at sa ibang babae pa din, BINGO!! nabuntis, tuwang tuwa si daddy at papa.

Few weeks later, halos magkasunod ba bumalik ng bahay ang dalawang naunang babae, nabuntis din pala ni daddy ang dalawa, napaaga lang ang pagkuha ng pregnancy test nila noon kaya negative ang lumabas..wahehehe

Ayun ang dahilan kung bakit magkakaedad kaming tatlo, buwan lang ang pinagkaiba.wahehehe



(Balik sa kwento)
AKO: "Kuya greg? labas tayo? inom tayo cge na?"


KUYA GREG: "Dito nalang ako tol, mejo masama pakiramdam ko"


TRISTAN: "Cge na kuya! tatlo naman tayo, sama din natin sila papa at daddy para masaya"


AKO: "Oo nga magandang ideya yan!, haay sa wakas may nasabi kading tama tol"


TRISTAN: "naman" sabay pose ng pang macho dancer habang nagyayabang


Di naman sa pagmamayabang, kaming tatlo ang tinaguriang ADONIS ng village namin.hehehe Normal na sa amin ang may magpapansin sa harap namin, babae man o bakla, o bi pa yan..hehe


KUYA GREG: "Mga baby tol, sorry talaga di talaga ok pakiramdam ko, kung gusto niyo kayo nalang muna, maiwan ako dito sa bahay"


TRISTAN: "kuya naman, remember ohana means family, and family means that nobody gets left behind" sabay akbay kay kuya Greg


AKO: "oo nga naman kuya...teka teka (napaisip ako), epal tong si Tristan oh, pati linya sa LILO ant STICH na cartoon movie kinuha mo na..wahehehe adik!"


TRISTAN: "Siyempre! peyborit natin yun dati..hehehe nood tayo mamaya?hehehe"


Sa wakas ay natawa din si kuya Greg.


KUYA GREG: "Mga epal kayong dalawa..hehehe, wag tayo lalabas ngayon, pagluluto ko nalang kayo ng special adobo ko.. ok ba yun?"


Tinginan kami ni Tristan at sabay sinabing "OK!!!"


Kunwari excited kami pero, pakiramdam namin ay bibitayin kami, Oh yeah sobrang pangit ng lasa luto ni kuya Greg, di lang namin maderecho at baka magtampo, matampohin kasi.


AKO: "Tulungan natin siya magluto, josko tol, ayoko maulit yung dati na 3 days akong di nakakain dahil sa adobo niyang yun" bulong ko


TRISTAN: "Ako nga nag LBM nun eh" bulong din niya


KUYA GREG: "Oh anu pinagbubulungan niyo ah?"


AKO: "Ayyyyyyyeeeeaah wala kuya, may naalala lang kaming frend na adobo ang tawag namin sa kanya" sabay tawa ng pagkaplastik plastik


At sinabayan pa ng plastik ding tawa ni tristan. Buti nalang di pinansin ni kuya iyon.


KUYA GREG: "Cgeh, cadrick samahan moko sa supermarket, bibili ako engredients, kaw na din magdrive at tinatamad ako..hehehe"


AKO: "Sir yes sir!!"


Bagamat bakas padin sa mukha ni kuya ang lungkot, masaya nadin kami na kahit papaano ay nakakangiti na siya at nakikipagbiruan sa amin.


Pagdating namin sa supermarket ay derecho na si kuya sa pamimili ng mga kakailanganin niya sa recipe niyang may sumpa.wahehehe


Ako naman ay derecho sa mga chichurya section.hehehe.


"Cadrick? ikaw ba yan?"


Nilingon ko ang pinanggalingan ng boses.


AKO: "huh? ng makilala ko ang lalaki ay nginitian ko ito at binati, oh hi Wenard right?"


WENARD: "yeah, its me, mukhang naka move on kana sakin ah" malungkot nitong pahayag


AKO: "Why react that way?, you should be happy, tinupad ko lang hiling mo dati, na kalimutan na kita at hayaan ko na kayo ni Manny diba?"


WENARD: "Yeah, sinabi ko pala iyon, pity me, that was the biggest mistake na nagawa ko sa buhay ko."


AKO: "oppsss, alam ko kung saan paponta ang usapang to, I better go.. bye" nagmamadali akong pomonta kay kuya Greg.



Hindi na ko ang dating Cadrick, at hindi na ko magpapaka gago ulit sayo.


AKO: "Hindi ako iiyak, tapos na kami....."


Isang text msg din ang dumating sa akin.


TEXT:


"Hi, uuwi ako jan sa pilipinas for a vacation, sunduin moko ah, thanks, Miss you"


AKO: "MISS YOU?? adik talaga tong si Elwood" sa isip ko


Hindi ko maipaliwanag pero parang may kung anung kiliti ang bumalot sa puso ko.


AKO: "Patay! hindi to pwede.. mortal sin" pagsasaway ko sa sarili

Nasundan pa ito ng isa pang text.

TEXT:

"MAhal na yata kita :) Lagi mo kasi sinasagot emails at chat ko sayo"



KUYA GREG: "Sino nagtext?" sabay silip sa cp ko..............

No comments: