Di ko po malaman kung anun na naman tong pinagsususulat ko pero sana ay magustuhan niyo po. naging busy lang po talaga ako sa buhay. salamat kay ate Dalisay pinayagan niya ko magpost sa page niya..
________________________________________________________________________________________________
BATA: "kuya?... anu yang kinakain mo?" sibayan pa ng nakaka awang titig.
AKO: "ah..burger toy, favorite ko to. gusto mo ba?"
Tango lamang ang naging tugon ng bata sa akin.
AKO: "sandali lang ah, nasa bag ko kasi isa pa nito" sabay hubad sa backpack ko at kinuha ang burger na tinago ko para sana kainin mamaya habang bumibiyahe ako sa bus pauwi.
AKO: "ayan na toy ah.. cge ingat bye bye" sabay lakad palayo at baka maisipan pang manghingi ng pantulak.
Enenjoy ko muna ang burger at tanawin ng isang park sa likod ng isang mall. Di naman talaga tanawin ang eneenjoy ko, kundi ang mga tao sa lugar na yun. Halos lahat magsyota, hawak kamay pa kung maglakad, akala mo nang iinggit.
AKO: "san kaya CR dito?, nwiwiwi ako." (sa isip ko)
Naisipan kong magtanong sa isang food vendor doon.
VENDOR: "ay doon po sir sa ilalim nung oberpas pabalik sa loob ng mol"
AKO: "ah ok po salamat kuya" at patakbo kong tinungo ang CR.
Kent: "Cloud!!! uy!!! nandito ako.. pssssssstttttttt!!!!"
Ngunit patuloy lang ako sa pagtakbo dahil nga sa naiihi na ko, di ko namalayang hinabol pala ako ne kent sabay hawak sa braso ko.
KENT: "gago! nakita ko sila papunta na dito tara bilis"
Sa pamamagitan lamang ng paalala at titig na iyon nakuha ko na kong sino sino ang tinutukoy ni Kent. Kaya naiihi man ay sumama na ko sa kanya at patakbong umalis sa lugar na iyon.
(SA BUS PAUWI)
AKO: "Panu naman kaya nila nalaman na nandun ako kanina?"
KENT: "Cloud? magpaka mature ka nga kahit minsan sa buhay mo, panung di nila malalaman eh nakastatus sa facebook mo na pupunta ka doon ngayon"
AKO: "Oo nga no" sabay ngiti
KENT: "Pre, sa susunod mag iingat kana. Di ko alam ang balak mo sa buhay mo pero susuporatan parin kita."
AKO: "salamat tol.. nga pala bababa na ko sa susunod na bayan, dumerecho kana lang.. ok na ko mula dun"
KENT: "cge pre ingat"
AKO: "wag ka mag alala paninindigan ko tong desisyon ko tol, mas pipiliin ko pang mamatay kesa suwayin ko ang sarili kong pinagpasyahan"
Ilang sandali pa ay nakababa na ko at nagsimulang maglakad papunta sa tinutuluyan ko. Sa labas ng gate ay nakita kong nagwawalis si Donita, ang anak na baklita ng land lady kong si mama D.
AKO: "(pakanta) ANG PUSO KO AY NANLILIGAW AT DI NA KO NALILIGAW"
Donita: "(pakanta din) BAKIT KAY TAGAL NANG HINIHINTAY AT NGAYON KA LANG NAKITA" sabay ginawang mic ang walis tingting.
AKO: "hehe adik.. pakisabi kay mama D. idadaan ko nalang mamaya sa inyo yung bayad ko sa upa, salamat pala sa pagwawalis" sabay ngiti
DONITA: "Ngiti mo lang Cloud, bayad kana sa renta ng bahay at sa pagwawalis ko"
AKO: "Sus anu ba naman panama ko sa boyprend mong si Andress" sabay tawa ta pasok narin sa gate.
Donita: "Di ko boyprend yun.. ewwwwwww"
AKO: "Eww daw oh.. cge na pasok na ko.. daan ako sa inyo mamaya"
Donita: "Ok sabay kinikilig na umuwi sa kanila"
Pagpasok ko ng bahay ay derecho kong binuksan ang TV at ibinagsak ko ang katawan ko sa sofa, nataong natapat sa pelikulang may eksenang kasalan. Umiiyak ang babae habang naglalakad papalapit sa groom niya sa altar.
AKO: "Bakit ka pa magpapakasal kong di ka rin naman masaya" sambit ko habang nakatitig ako sa mukha nung babae sa tv.
Napatayo ako, hinubad ang t-shirt at kumuha ng isang can ng beer sa ref. Bumalik ako sa pagkaka upo sa sala at naisipang ibaling ang atensyon ko sa isang magazine doon. Pagbuklat ko nito ay natuon naman ang pansin ko sa isang ad doon.
"WANT YOUR DREAM WEDDING???? PIECE OF CAKE.. JUST CONTACT THIS NUMBERS 525-****"
AKO: "kaya niyo kayang ibigay ang dream wedding ko.. i doubt it" sabay lagok ng beer na hawak ko
Pgkatapos nun ay nagpasya akong maligo at Ilang sandali pa after nun ay nag ring ang cellphone ko.
AKO: "hello?"
Ngunit walang nasagot. Ilang beses akong nagtanong kung sino ang nasa kabilang linya pero wala akong madinig na sagot
AKO: "wrong number po ata kayo" patay sa telepono
Pero mukhang may idea ako kung sino ang tumawag. Alam ko yun dahil sa pagbilis ng tibok ng puso ko. Muli ay napatitig ako sa binuklat ko na magazine.
Naalala ko ang isang tagpo mula sa nakaraan.............................
______________________________________________________________________________________________
"Cloud pangako mo sakin di moko iiwanan. kasi pilit ko man pigilin ang puso ko, ganun pa din talaga. Tuwid man ang tingin ko sa buhay pero pilit kang nililingon ng puso at isip ko"
AKO: "kahit di mo sabihin yan. kakabigin at kakabigin ko ang puso mo, ng sa gayun ay sa akin ka lang parati naka lingon."
_______________________________________________________________________________________________
Habang nasa malalim parin ako na pag iisip ay isang malakas na katok sa pinto ang gumsing sa diwa ko. Napatayo ako at agad na binuksan ang pinto.
AKO: "sino po sila?"
DONITA: "Ako! tara na sa bahay dun kana lang din daw maghapunan sabi ni mama.... O..M..G.. wag ka naman mag topless sa harap ko..woooohh lord help me"
AKO: "baliw..hehe cge wait magbibihis lang ako, pasok ka muna.. sana nagtext ka nalang"
DONITA: "mas ok kung sabay tayo maglakad.. romantic." sambit nito habang nililibot ng paningin niya ang buong bahaging iyon ng bahay ko."ansarap magstay dito sa place mo..amoy lalaki" sabay ngisi
Pagkatapos magbihis ay kinuha ko na rin ang pambayad sa upa ng bahay at sabay kaming tumungo sa bahay nila.
Pagdating namin sa bahay nila mama D. say buong giliw nila akong sinalubong.
MAMA D.: "oh cloud iho, mabuti at nandito kana.. ayaw talaga paawat niyang si Don-don at sinundo kapa"
DONITA: "Donita po mama.. D-O-N-I-T-A. paulit ulit ba ako mag cocorrect sa inyo"
MAMA D.: "Magtigil ka nga jan DOn-don ha, tawagin mo si kuya mo ng maipakilala ko siya kay Cloud"
AKO: "May kuya po pala si Don-don?"
DONITA: "DONITA nga!! hay naku.. wait lang ah tawagin ko si kuya"
Ilang sandali pa ay magkakaharap na kami sa mesa.
MAMA D.: "Cloud iho, ito nga pala ang panganay kong si Norman, eskolar siya sa US, kakagraduate lang niya at balak na dito magtrabaho at Norman this is Cloud siya umuupa sa dati nating bahay, sabi na ngat mag kasing gwapo kayo"
AKO: "Hi! nice meeting you Norman.." sabay abot ng kamay ko para makipag shakehands
Norman: "Ganun din ako, lagi ka nakukwento ni Doni sa skype" sabay ngisi
AKO; "ah talaga?" ngiti
DONITA: "madaldal talaga to., tama na ang shakehands kuya, ayun ang ulam sa mesa oh.. Kain na tayo" sambit ni donita
Norman: "Kulit mo parin bunsoy Doni"
Tawanan kami lahat.
Masayang kasama ang pamilya nila mama D. lahat mahilig magkwento kaya naman nakaka aliw. Pagkatapos ng dinner at kwentuhan ay nagpasalamat ako sa kanila at nagpasya nang magpaalam at magpahinga.
Ilang sandali palang ako sa bahay ay may nadinig ulit akong pagkatok. Pagbukas ko ng pinto ay mejo nagulat ako.
Norman: "Bro, may dala akong alak, inom tayo linggo naman bukas eh"
Donita: "Hoy! dito muna ako habang nag iinuman kayo"
Norman: "gabi na baka mag alala sayo si mama"
Donita: "Basta dito lang ako" masama ang tapon ng titig nito sa kuya niya
Itutuloy.....................................................................
A compilation of my thoughts, dreams and fantasies. Stories that describes best my simple wishes in life. In addition to that, I asked friends to contribute their talents in this site where reality and fantasy are as one. Welcome to my site. Welcome to my heart. I am Dalisay.
4 comments:
Congratulations dito Jaime! Natuwa naman ako at kasali ako sa kwentong ito na siyang comeback mo. The same writing-style but unpredictable for sure.Next chapter na Jaime. :-)
salamat ate dal..hehehe maya post ko na po next chapter^^
story seems nice.. pero wala pa ang next chapter as promised above :) hehehe.
Post a Comment