"Bakla, kamusta ka na?!"
Iyan ang maingay na bati sa kanya ng mga barkada niya na medyo matagal-tagal na rin niyang hindi nakakasalamuha. Hindi naman sa galing siya sa abroad or sa malayong probinsya. Actually, nasa bahay lang siya. Busy sa pagtitipa ng kanyang mga manuscripts. Isa siyang romance-writer. At siya si Melvin.
"Okay lang naman. Medyo busy lang sa pagkuracha ng mga nobela ko. Alam mo naman si Madir, kailangan laging napapa-inom ng gamot. Hay!" maarte niyang sagot with matching exaggeration pa.
"Hoy Bakla! Huwag mo akong artehan ngayon. Hindi mo moment to. Akin ang gabing ito." mataray na sambit ng bumati sa kanya kanina. Ang birthday celebrant para sa gabing iyon. Si Roviva.
"Oo naman teh. Sayong-sayo ang gabing ito. Pati na ang mga menchu." nakatawang sabi niya sabay nguso sa mga lalaking bisita rin sa gabing iyon.
In fairness sa hitad. Puro gwapo ang nagkalat na kalalakihan sa loob ng malawak na bakuran nito. Kung susumahin ang bilang ng mga bakla at lalaki sa gabing iyon ay hindi nagkakalayo ang bilang. Maaari pang pumantay sa 1:1 ang ratio kung magpipilian ng kapareha ang mga imbitadong tukling.
"Kumain ka na ba?" tanong ni Roviva.
"Ay malamang. Birthday to di ba? So dito ako dapat lumafang kung birthday ito."
"Ang dami mong sinasabi bakla. O Zsa-Zsa Padilla, punta ka na doon sa kusina. Help yourself. Ang dami kong bisita. Nangangarag na ako." maarteng taboy nito sa kanya.
"Oo na loka. Happy Birthday nga pala." Nakipag-beso siya rito sabay suksok ng ilang daanin sa pantalon nito.
"Anong emote yun loka?" painosenteng tanong nito.
"Konting ambag. Baka ma-short ka loka. At least may pang-reserba ka."
"Hay naku Melvin. Hindi sa nagmamalaki ako." lumapit ito para bumulong. "Pero mas importante ang gamot ng nanay mo. Itabi mo na lang. Keri ko pa naman teh. Baklang ito."
Na-touch siya sa sinabi nito. Nakahiyaan niya lang na pumunta talaga doon ng walang dalang kahit ano kaya yun ang naisip niya. Masasabing si Roviva ang pinaka-malapit sa kanya dahil ito lang ang baklang barkada niya sa lugar nila.
"Salamat friend." nahihiya niyang sabi.
"Wala yun loka. Kumain ka na." taboy nito sa kanya ulit patungo sa kusina.
Dahil alam na niya ang pasikot-sikot sa bahay nito ay madali niyang natunton ang kusina. Alam niyang ang mga handa nito ay naka-segregate na. May para sa pulutan lang at merong para sa mga bisitang katulad niya.
Hindi siya kumuha sa nakahain. Doon siya sa may refrigerator sumandok ng paborito niyang salad. Ang totoo ay kumain na siya sa bahay. Kaya ang kukunin niyang mga ulam ay ibabalot na lang niya sa plastik. Sure naman na okay lang iyon sa celebrant.
Pinapapak na niya ang salad sa lamesa ng may pumasok na lalaking awtomatikong nakapagpanganga sa kanya. Literal na natigil siya sa pagsubo ng salad. Paano ay napaka-gwapo ng lalaki. Naka-itim itong t-shirt at hapit na pantalong maong na may sa katagalan siguro ng paggamit ay pudpod na ang sa bandang tuhod.
Ang complexion nito ay moreno, pero hindi masyadong sunog ang balat. Pantay ang kutis dahil hindi maitim ang mga siko nito at batok. May maliit na tattoo pa nga ito sa braso na isang anghel.
Mukha itong rock-star. Ano nga ulit ang madalas niyang gamiting description sa mga ganitong porma? Ah, rugged. Hinanap pa niya ang mga salitang aangkop para dito sa talaan ng kanyang mga salita sa isip at natagpuan niyang tinutukoy ito sa mga katagang "devastatingly handsome."
"Baka gusto mong huminga muna?"
Napakurap-kurap siya ng marinig ang boses nito. Pati ang boses nito, napaka-masculine. Buong-buo at mukhang kinakausap siya. Ha? Oo ikaw! (Kailangan pa bang pati author ng istoryang ito eh sabihan ka? Tse!")
"Ha?"
"Sabi ko, huminga ka naman." nakangiti nitong sabi sa kanya.
"Ahm... excuse me." aniya sa kawalan ng masabi.
Bigla niyang dinampot ang baso ng juice na tinimpla pa niya para sa sarili kanina kasama ang pobreng salad niya at nagmamadaling lumabas ng kusina. Hindi na niya pinansin ang pagtawag nito sa kanya. Dire-diretso siya sa lamesa nila Roviva na kinatutumpukan din ng ilan sa mga barkada nila.
"Sandali! Hintay!"
Natigil sa ere ang kamay ni Mark sa ginawang pandededma sa kanya ng bading na inabutan niyang kumakain mag-isa sa kusina ng pinsan niyang si Roberto or Roviva sa mga malalapit na kaibigan nito.
Alam niyang bading iyong lalaki dahil halos literal na maglaway ito sa kakisigan niya. Naaliw siya sa paraan ng pagtitig nito sa kanya. Oo at may kahalong konting malisya pero mas parang nakakita ito ng aparisyon sa pagkakatitig sa kanya.
Sa trabaho niya bilang callboy. Alam na niya ang mga ganung tingin. Mga tingin na interesado sa kanyang angking kagwapuhan. Mukha nga raw siyang artista at papasa na siya bilang matinee idol pero tinatawanan lang niya iyon.
Ayaw niya ng gulo ng showbiz. Saka hindi siya marunong umarte o kumanta. Ang alam lang niya ay ang gumiling sa saliw ng malalanding musika para pag-initin ang katawan ng mga matatakaw sa sex na bading at matrona.
Kung tutuusin, halos sa mga matrona lang siya sumasama. Sa mga bading kasi medyo ilag siya. At least yung mga matrona, kahit anong mangyari, babae pa rin iyon. Pero pumapatol rin naman siya sa mga bading. Basta lang huwag yung sobrang tanda na. Ganun din kasi ang patakaran niya sa mga matrona. Bilang pinakasikat ng Adonis ngayon, isang gaybar, ay sinisiguro niya sa management na hindi siya malalaspag. Kumbaga, dapat, tinatakaw ng tinatakaw ng alindog niya ang mga customer. Parte na rin ng marketing strategy na siya mismo ang naglakad sa malibog na mamasan nila. Konting himas at pasalat lang dito ay ayos na ang buto-buto.
Hindi siya kailanman natikman nito bagaman ilang ulit na nitong nahawakan ang sa kanya. Tinatakot niya kasing aalis na siya oras na pagbigyan niya ito. Tapos ang maliligayang araw nito sa pagkita sa kanya.
Naiiling na lang siyang kumuha ng salad at tinungo ang iniwang tumpukan ng mga kasamahan niyang callboy din. Inikot niya ang paningin at natagpuang saktong umiwas ng tingin sa kanya ang hinahanap. Napangiti siya.
Pa-demure pa ang hitad. Sa loob-loob niya.
Gusto rin naman. Dagdag pa niya.
Naputol ang pag-iisip niya ng marinig niya ang malakas na hiyawan sa lamesa ng bading na umiwas sa kanya.
Come to think of it Mark. First time yun ah. Naaaliw na sabi niya sa isip. First-time nga na may baklang nangdedma sa kapogihan niya.
Ma-testing nga kung tunay.
Lumipat siya ng pwesto. At para hindi halata na nakikinig siya ay dinadaldal niya ng kaunti ang kasamahan na medyo may tama na at bebot na ang tingin sa baklang naka-angkla dito. Halos mag-necking na ang mga ito sa harap niya. Napansin iyon ng pinsan niya.
"Hoy! Bakla ka! I-pwesto mo na yan sa inyo. Huwag dito at naka-reserba sa pinsan ko ang kwarto sabay tingin sa panig niya. Nakakuha siya ng pagkakataon.
"Insan."
"O bakit Mark?" baling nito sa kanya.
"May favor sana ako eh."
"Hay naku Mark. Huwag ako, mag-pinsan tayo. Pero kung mapilit ka, mamaya, hintayin mo ako." malanding birong-totoo nito.
Actually, napagbigyan na niya ito dati. Yun nga lang mga bata pa sila nun. Kinse lang siya at ito ay disi-siete. Bente-dos na siya ngayon.
"O sige. Pero pakilala mo muna ako sa mga kaibigan mo." pakikisakay niya sa panglalandi nito.
"Hmp! If I know, my kursunada kang jowain dito no? Sabagay, mga madatung ang nasa lamesang ito. Ay pwera lang kay Melvin. Choz!" sabay turo nito sa bading na target niyang kilalanin na Melvin pala ang pangalan. Napayuko ito sa kataklesahan ni Roviva.
"Hoy friend. Joke lang yun." sabay lapit nito sa kaibigang ininsulto ng bahagya.
"O-okay lang. Wala naman talaga akong panama sa kadatungan ninyo." nakangiwing sabi nito. Pilit na ngiti yata at hindi ngiti.
"Ah ganun ba?" sabi ni Mark sa pinsan.
"Huwag mong pansinin ang emote namin. Ganun talaga ang mga bakla kapag nag-okrayan." defensive ang tono ng pinsan niya. Alam kasi nito na kung may pinaka-aayawan siya sa mundo ay yung mga nang-aapi. Sa kahit na anong paraan. Kahit pa biro yun.
"Oo nga. Okay lang kami." kiming sagot ni Melvin.
Pinakilala na siya sa mga nasa lamesa at ang lahat ay halos gustong kainin siya ng buo pero habang nakikipag-kamay sa mga iyon ay nakatutok siya kay Melvin na nakayuko naman.
"Anong problema ng isang ito? Bakit ako tinititigan? Nagalit ba siya sa pangde-dedma ko?" lito at sunod-sunod na tanong ni Melvin sa sarili.
Nawala na ang bahagyang panliliit niya sa sarili sa di sinasadyang kataklesahan ni Roviva. He was sure that his friend meant otherwise. Tactless lang talaga ito minsan.
"Pinsan ko mga bakla. Si Mark. Dakota yan!" sabi nito sabay hagikgik.
Nanlaki ang mata niya sa narinig. Mukhang may ibig ipahiwatig ang kaibigan sa pahayag. Disimulado siyang nag-angat ng tingin para malaman kung ano ang reaksiyon ni Mark. Blangko ang mukha nito. Mukhang dedma lang sa pag-aanunsiyo ng "kadakilaan" nito sa harap ng maraming tao.
Napalunok siya ng matagpuan na nakatingin rin pala ito sa kanya. Masyado siyang pre-occupied ng mga eksena sa utak niya at hindi niya napansin na tinititigan pala siya nito.
"Teka lang! Bakit ganyan ka makatingin kay Melvin? Magkakilala ba kayo?" eskandalosong tanong ni Roviva.
Napatingin siya dito sa nagtatakang ekspresyon. Anong pinagsasasabi nitong baklang ito?
Sasagot sana siya ng magsalita si Mark. "Oo. Magkakilala kami."
Napainom siya ng red horse na nasa katabi niya. Hindi siya iinom sana pero parang biglang nanuyo ang lalamunan niya sa kalokohan nito. Magkakilala daw sila? Kailan pa? Haller!
"Aber at saan kayo nagkakilala ni Melvin?" diskumpiyadong tanong pa ni Roviva sa pinsan.
Tama yan friend! Ibuking mo ang talipandas na sinungaling na yan.
"Sa kainan." sagot ni Mark.
Napadampot na naman siya ng baso ng red horse sa tabi. This time inisang lagok niya kahit kalahati pa iyon. Bigla siyang nauhaw at ng tingnan niya ito ay nakangiti itong tila naghahamon. Parang gustong pasubalian niya ang sinasabi nitong kalokohan.
Never! Baliw kang lalaki ka. Mag-isa ka diyan!
Sa inis at pagkailang ay tumayo siya at nagpaalam na.
"Hep! Hep! Bakit ka aalis? Ini-interrogate pa namina ng pinsan ni Roviva. Diyan ka lang. Bagong balita ito. Hindi ka nga naglalalabas yun pala may nakikilala kang macho at gwapong hombre. Di yata patas yan!" si Charity na siang barkada nila.
"Oo nga naman." segunda pa ni Chuchi. Barkada rin nila.
"Koyek!" si Yarell. Common friend nila ni Roviva. Hindi ka-close. Hindi rin kaaway. Neutral lang kumbaga.
"Ang kagandahan ko na naman ang napag-tripan niyo." sumusukong sabi niya at naupong muli.
"So saan kainan ito?" si Roviva ulit.
"Diyan lang." nakangising sagot ni Mark. Pa-misteryo effect pa. Kaya tuloy curious na curious ang ma hitad.
"Saan nga insan?" pangungulit ng celebrant.
"Hay naku Roviva. Diyan lang sa kusina mo. Mukhang nakakita ng pagti-tripan ang pinsan mo!" naiinis na sabi niya saka tinapunan ng matalim na tingin ang lalaki.
Ginantihan lang siya nito ng pamatay nitong ngiti at parang napansin pa nga niya ang pagdaan ng kinang sa mata nito na para bang sa sinabi niya ay may nagawa siyang mabuti at makakatulong iyon sa bansang Pilipinas o di kaya ay sa buong mundo.
Weird! sabi niya sa isip.
"Aalis na ako friend." paalam niya kay Roviva at sa iba pa. Mabilis siyang tumungo sa gate at hindi na hinintay ang sagot ng mga ito. Naiinis na kasi siya talaga at baka mapalo lang niya ng bote ang sira-ulong pinsan ni Roviva.
"Anong nangyari doon? Bakit napikon?" takang tanong ni Mark sa pinsan.
Nagsisimula na siyang maaliw dito ng husto at hinangaan na nga ito ng direkta siyang ibuko sa mga kausap ay bigla naman itong sumibat ng alis.
"Paano ay baliw ka. I-playtime ba ang friend ko?" inis na sabi ni Roviva.
"Sandali at susundan ko." paalam niya sa pinsan at hinabol si Melvin.
"Hoy teka! Huwag mo ng guluhin iyon." tangkang pagpigil nito sa kanya na medyo narinig na lang niya.
Medyo malayo na sa kanya si Melvin ng maabutan niya ito. Tiningnan lang siya ng masama nito saka ipiniksi ang braso.
"Sandali Melvin."
"Hindi tayo close kaya huwag mo akong tawagin sa pangalan ko." galit na sabi nito. Binilisan ang lakad.
"O sige, sweetheart na lang." pang-aasar niya. Namula ito.
"Sweetheart mong mukha mo."
"Eh ayaw mong tawagin kita sa pangalan mo eh. Which is which ba?"
Tumigil ito. Tiningnan siya mula ulo hanggang paa. Nag-pose pa siya ala-Mr. Pogi ng huminto ang mata nito sa mukha niya. Nalukot naman ang mukha nito sa ginawa niya.
"Tantanan mo ako Mark."
"Mike Enriquez ikaw ba yan?"
Lumiko sila sa isang kalye. "Sweetheart naman eh." pangungulit pa niya. Kitang-kita pa niya ang pamumula ulit nito.
"Uy! Nag-blush. Feel niyang tawagin ko siyang sweetheart." tinusok niya pa ito ng marahan sa tagiliran.
"Heh! Tumigil ka!" napapa-igtad na sabi nito.
"Uy! Crush mo ako no? Kaya di ka makatingin sa akin kanina."
"Kapal mo Mark."
"Tingnan mo ito. Ako di kita tinatawag sa pangalan mo kasi sabi mo di tayo close. Tapos ikaw kung makatawag ka, wagas! Ibang klase ka rin, man!" sabi niya sabay tapik sa braso nito.
"Heh! Tigilan..."
"Uy ang sweet naman!" naputol ang sasabihin sana nito.
"Pasali naman sa lambingan niyo." sabi ng isa sa tatlong humarang sa kanila.
Pinagmasdan niya ang mukha ng mga ito. Mga amoy naka-rugby. Mukhang mapagti-tripan din sila ngayon ah. Naisip niyang laruin ang mga ito habang itinatago sa likod niya sa Melvin na biglang namutla sa takot.
"Mga pare! Mukhang high na high tayo ah. May masisinghot pa ba?" pambobola niya sa mga ito.
"Wala na pare. Kaya nga kukunin sana namin ang pera niyo eh." sabay labas ng isa ng balisong. Inumang nito iyon sa kanila habang ang dalawa ay tubo ang hawak.
"Mark..."
"Huwag kang mag-alala. Kaya natin sila. Marunong ka bang lumaban?" pabulong niyang sabi habang umaatras silang bahagya.
"Oo naman. Kaya lang may gamit." sagot ni Melvin sa nangingig pang tono.
"Walang problema doon. Sabog ang mga iyan. Mas matino utak natin. Biglain natin ng laban." bulong ulit niya.
"Sure ka?"
"Oo."
Iyon lang at biglang sinipa ni Mark ang may hawak ng balisong habang siya naman ay iniwasan ang paghampas ng isang rugby-boy at hinawakan ang braso nito sabay tuhod dito. Umaringking ito sa sakit. Nakita niya ang dalawang rugby-boy ay pinagtutulungan si Mark kaya lumapit siya at winasiwas ang tubo dahilan para matakot ang dalawa at magtakbuhan palayo.
Nakita niyang may daplis sa braso si Mark mula sa patalim. Natatarantang nilapitan niya ito.
"Oh my God. May sugat ka. Linisin natin yan sa bahay." hindi na nag-iisip na sabi niya.
"Saan ba ang bahay mo?"
"Diyan lang sa kabilang kanto." tarantang sagot niya.
Habang daan ay iniinspeksiyon niya ang sugat. Mukhang mababaw naman kaya tinakpan niya iyon ng malinis na panyong nasa bulsa.
"Sayang naman." nahihiyang sabi nito.
"Huwag mo ng initindihan iyan. Panyo lang iyan."
Nang makarating sa bahay ay pinaupo muna niya ito sa sofa. Nadaanan niya ang kwarto ng ina at sandali itong tsinek kung tulog na ito. Nang masigurong tulog pa ay saka siya dumiretso sa banyo kung saan naroon ang medicine cabinet nila.
Naglabas siya ng gasa at betadine. Pagbalik niya sa binata ay nakita niya itong nakatingin sa mga litratong nasa estante. Medyo nahiya siya kasi mga lumang larawan iyon na kuha pa noong kabataan niya.
"Ang seksi mo pala nung nagdadalaga ka na." halata ang panunukso sa boses nitong sabi.
Isang irap ang isinukli niya saka walang pakundangang hinila ang braso nitong may sugat. Napasigaw ito sa sakit.
"Shhh... Huwag kang maingay. Natutulog ang inay." saway niya rito.
"Eh ikaw eh. Hilahin mo ba naman ako eh, alam mong may sugat." pagrereklamo naman nito.
"Para kang bata. Ang dami mong satsat."
"AH, ako pa ngayon ang asal-bata. Ibang klase ka rin eh no?"
"Salamat."
Hindi na ito umimik ng sinimulan niyang linisin ang sugat nito. Sa halip, nakatitig lang ito sa mukha niya. Nailang tuloy siya.
"Huwag ka ngang tumitig."
"Bakit? Naiilang ka?" nanunuksong sabi ni Mark.
"Oo. Masaya ka na?" mataray niyang balik rito.
"Siguro crush mo ako no?"
"Ang kapal ng manong."
"Totoo naman."
"Oo na. Gwapo ka na. Dagdag mo ng mayabang ka."
"May ipangyayabang naman."
"Susme. Para kang bagyo. Ang lakas ng hangin mo."
"Ikaw naman parang kriminal. Iwas ka ng iwas sa akin."
"Hanep sa banat Mark."
"Trabaho ko iyan, Sweetheart."
"Tse! Ayan maayos na!" sabay bitaw niya sa braso nitong nakabalot na ng gasa.
"Salamat Melvin."
"Walang anuman."
"Balik tayo doon kina pinsan." sabi nito kapagkuwan.
"Ayoko na. Baka nag-aabang yung mga lokong rugby-boy."
"E di dito na lang tayo."
"Ha?"
"Oo. Dito na lang tayo uminom. Bibili ako diyan ka lang."
Bago pa siya magreklamo ay nakalabas na ito. Walang nagawang inilabas na lang niya ang cold-cuts sa ref nila. Minsan kasi, habang nagsusulat siya ay umiinom din siya. Nai-stimulate nun ang utak niya ng husto. Lalo pa kung kumplikado ang plot.
Naihanda na niya ang lamesa ng makabalik ito. Anim na beer lang ang dala nito. Tamang pampatulog lang daw. Para silang timang na nag-inuman na walang kibuan. Mabuti na lang at nagsalang siya ng cd sa player nila. Kanta iyon ni Sitti.
"Ganyan ka ba talaga? Tahimik lang?" basag ni Mark sa pananahimik nila.
"Minasan. Kung wala kasing maayos na paguusapan o mahalagang bagay na dapat talakayin eh hindi ako nagsasalita." sagot niya.
"Ang haba naman. Konti lang sinabi ko eh."
"Tse! Nang-aasar ka na naman."
"O sige ito na lang. Type mo ba ako?"
Napa-inom siya ng alak ng wala sa oras. "Ano bang tanong yan?" ilang na ilang na sabi niya.
Tumayo ito. "Gusto mo ba?"
Napalunok siya ng bahagya nitong itaas ang t-shirt dahilan para makita niya ang tiyan nitong may pinog balahibong tumutumbok paibaba na waring nag-aanyaya ng isang-libo't isang-laksang ligaya.
"Kung aamin ka na gusto mo ako ay pagbibigyan kita. Tutal, mukha namang tigang na tigang ka na."
Para siyang binuhusan ng malamig na tubig. Niloloko lang pala siya nito at lihim na pinagtatawanan kung sakaling papatol siya. Para ma-save ang pride ay tinarayan niya ito.
"Huwag mo akong itulad sa ibang bakla na hayok makakuha ng lalaki. Maaaring gwapo ka, pero kung anong iginanda ng katawan at hitsura mo, siya namang ibinulok ng ugali mo. Makaka-alis ka na." banayad ang pagkakasalita niya pero mararamdaman ang asin sa bawat salita niya.
Napataas ang kilay nito. "Ang dami mo talagang satsat." kinuha nito ang kamay niya at ipinako sa umbok nito. Unti-unti niyang nararamdaman ang pagkabuhay ng nasa loob nun.
"Ah-anong ginagawa mo?"
"Eh di iyong makakapagpasaya sa'yo at sa akin." sabi ni Mark sabay baba ng mukha nito sa kanya. Mainit ang pagkakasakop nito ng kanyang labi. Para siyang kinukumbulsiyon. Nanginginig siya sa antisipasyon ng maaaring mangyari. Parang hinti totoo. Nakarinig siya ng pagtikhim pero hindi niya pinansin.
Kumakalabog na ang lamesa pero hindi pa rin siya tumitinag. Nagising lang siya sa tila pagkakatulog na iyon ng yugyugin siya sa balikat ng lalaking kanina lang ay kahalikan niya. Wala na sila sa bahay. Wala na itong sugat sa braso. Kumakain na ulit siya ng salad. Nasa kusina sila ng kanyang kaibigan. At hindi sila naghahalikan!
"Ayos ka lang." tanong sa kanya ni Mark.
"M-Mark?"
"Kilala mo ako." takang tanong nito.
"Ha? Ah.. Narinig ko lang ang pangalan mo." saka niya nagmamadaling lumabas ng lugar na iyon at dumiretso ng uwi.
Naiwan ang nagtatakang si Mark at naguguluhan sa inakto ng estranghero.
FIN
10 comments:
hahaha! true to life!!! sabi na kasi damang dama ko. sino naman itong pinagpantasyahan mo habang nakain ng salad? haha! anyways magaling parin ang pagkakasulat, nakakainit padin ng dugo. CHHERS! :-)
Salamat Mother Migs. :-)
Naloka naman ako sa name nung celebrant. Ahahah. Uo nga mom, may point si daddy Migs. True to life ito nuh? Ahahah. Love yah! Aheheh :DD
Ahahaha... sort of lang Dhen. :-)
GoSH.....Imagination lng pala....pwdng my kadogtong...ganda ganda cguro ito kung naging series.....
Archimedes
Wala kaparing kakupaskupas Dalisay.
As usual pinabilib mo na naman ako sa "swag" mo. Galing! Thumbs up pa rin ako!
Thanks Christian. Short story lang talaga ito. ahaha
@ARCHIMEDES : Salamat hijo. Anoman iyan "swag" ko, salamat pa rin. ahahaha
lolz. i love this story.. wala bang karugtong to.. weeeeehhh
-jj-
salamat JJ, short story lang po ito. pero try ko lagyan ng sequel
hahaha natawa naman ako dito Isay, panaginip lng pala. hehehe
Post a Comment