Thursday, June 2, 2011

Terrified 9

Author:Rovi/Unbroken
BLOG:http://strangersandunbrokenangels.blogspot.com/
FB:iheytmahex632@gmail.com







Rinig ko na naman ang parang tigreng pagwawala ni Jared sa loob ng kanyang kwarto. Nagiiyak na naman si Jared sa kwarto. Patuloy ang pagsigaw nya at hinahanap si Raf. Sino ba si Raf?

“Jared!”

“Jared!”

Patuloy ako sa pagkatok sa pintuan. Biglang namayani ang katahimikan. Hindi ko alam kung ano na ang nangyayari kay Jared sa loob. Hindi ko alam. At hindi ko alam kung ano ang dapat kong gawin. Binabalot ako ng matinding kaba at ramdam ko ang panglalambot ng aking tuhod.

“Hubby! Buksan mo to! Buksan mo to! Ako to! Si Kath!”

“Kath?” sabi nito mula sa loob

“Oo. Ako to, buksan mo ang pinto.”

Nanatili akong nakatayo sa harap ng pintuan. Lumipas ang ilang segundo, nanahimik ang kwarto.

“Buksan mo naman oh, mag-usap na tayo. Ayusin natin to.” nagpapakahinahon kong sagot

“Ayoko na Kath. Please? Hayaan mo nalang ako!”

“Jared. Wag naman ganyan. Pagusapan natin. Bakit ayaw mo na? Ano bang ginawa ko?”

Pinipigil kong wag maging emosyonal sa pagkakataong ito pero hindi ko kinaya. The moment I heard him say “Hayaan mo nalang ako” made me cry. Bakit ganoon? Sa dinami-dami ba ng mga ala-alang pinagsamahan namin ganoon kadali nya nalang akong bibitawan? Bakit?

At nagsimula ng magcrack ang aking boses.

“Jared please!”

“Kath sorry. Leave me alone!”

“Paano naman ako Jared? After all? Leave me alone lang ang maririnig ko?”

“Jared paano naman ako?”

Tahimik lang si Jared. Hindi ko alam kung bakit nagagawa nya akong tiisin.

“Jared ano ba? Bakit nagagawa mo na akong tiisin ngayon? Ano ba? Bakit ayaw mo na sa akin?”

Hindi pa rin nya nakuhang sumagot. I don't know what to do next. Hindi ko na alam kung aalis na ba ako or aantayin ko pang buksan nya ako ng pinto. Parang gusto kong isipin na wala na talaga to, pero may nagsasabi sa akin hindi ako dapat bumitiw. Alam ng Diyos kung gaano ko kamahal si Jared at gaano ko pinagtyagaan lahat ng mga kalokohan nya, mula sa pagaadik nya hanggang sa tumino syang ulit. Alam ng Diyos kung gaano ko sya kailangan sa buhay ko.

“Jared paano naman ako? Paano ako? Akala ko ba magpapakasal na tayo?”

“Jared! Ibukas mo ang pinto! Kausapin mo ako!”

“Kath. Ayoko na. Intindihin mo nalang ako please. Ayoko na magpakasal.”

“Ganoon nalang yun Jared? Ganoon nalang yon? Wala man lang paliwanag?”

Patuloy ang pagbagsak ng aking mga luha. Walang katapusan. Parang ulang hindi na titigil.

Narinig ko ang tunog ng pagpihit ng doorknob mula sa kwarto ni Jared. Ilang segundo pa, tumambad sakin ang isang patang-pata na Jared. Tumingin ito sa akin at kita ko ang lungkot sa mga nito. Nakahubad si Jared, tanging ang kanyang boxers shorts lang ang tumatakip sa kanyang kabuuan.

“Jared. Anong nangyari?”

“Wa-wala.”

Sinuri ko ang kanyang katawan. Hindi ko mawari kung tila bakit parang tuyot ito. Kita ko rin ang mga marka sa kanyang katawan. Tila ba kalmot ang mga ito. May mga hickey din sya sa braso.

“A-ano y-yan Jared?” sabi ko sabay turo sa mga kalmot sa kanyamg katawan.

Tumingin lang si Jared sa akin. His eyes looked lifeless. I didn't know why pero alam kong parang patay ang kanyang mga mata. Kita ko din ang mga butil ng pawis na nakadikit sa kanyang katawan. Hindi ito tama.

“Wala yan.” he said, at last.

“Sinong kumalmot sayo?”

“Wala nga.”

Nakita ko ang pagiba ng ekspresyon ng mukha ni Jared.

Nagtama ang aming mga mata at nakita ko ang kanyang pagluha.

“Alam mo Kath, ayokong gawin to pero kailangan.”

“Ha? Ano Jared? Di kita maintindihan.”

“Basta.”

“Anong ibig mong sabihin? Bakit hindi na tuloy ang kasal natin?”

“Ayoko na.”

“Jared? Anong ayaw mo na? Bakit?”

“Kasi basta. Di ko pwedeng sabihin eh.”

“Ano nga?”

Completely, my world shattered. Patuloy sa pagbagsak ang aking mga luha. Hindi ko maipaliwanag ang sakit. Todo-asa ako sa kasalan. Pero wala rin naman pala. Tumahimik si Jared at tumitig lang ito sa akin gamit ang kanyang lifeless eyes. Hindi ko alam ang gagawin. Awkward. Sa tagal naming magkarelasyon ay ngayon lang nagkaroon ng ganitong ilangan sa amin. Patuloy ako sa pagiyak habang si Jared naman ay nanatiling nakatitig sa kawalan. Kahit ilang pulgada lang ang pagitan namin, ramdam na ramdam ko ang distance ng kanyang puso sa akin. Hindi ko alam.

Tumalikod akong humihikbi. Akmang lalabas. Honestly, hinihintay ko ang pagpigil sa akin ni Jared like he used to. Sinadya kong binagalan ang paglakad, dahan-dahan akong bumaba sa hagdan, pero hindi nya ako tinawag.

Narating ko ng matiwasay ang pinto ng bahay. Uuwi nalang ako.

Pinihit ko ang doorknob. Palabas na ako ng narinig ko ang malakas na galabog sa taas ng kanilang bahay. Agad-agad akong pumasok sa loob. Mabilis na tumakbo pabalik kay Jared. Andun nga sya, nakahandusay sa sahig at walang malay.

“Tulong!”

“Tulong!”

“Tulungan nyo ako!”

“Tulungan nyo kami!”


I T U T U L O Y . . . .

No comments: