Ikalawang Bahagi: /ee-ka-la-wang/ - /ba-ha-gee/
1 – 2 – 3 – 4
“Sir Martin, pinapatawag ka ni Sir Cris sa office.” sabi ng Junior HR Assistant kay Martin.
“Sige, susunod na ako.” tugon ni Martin.
“Bilisan mo, urgent ata.” paalala pa ng dalaga.
Ngiti lang ang naging tugon dito ni Martin.
“What’s with him at pinasabi pa kay Glaiza.” tanong ni Martin sa sarili.
“Sir Cris!” simulang bati ni Martin kay Cris.
“Cris na lang Martin.” giit pa ng binata.
“Office hours tayo Sir!” tanggi ni Martin dito.
“Sabi mo eh.” kibit-balikat na wika ni Cris.
“Bakit po ninyo ako pinatawag?” sobrang galang na saad ni Martin.
Unang araw niya sa trabaho at tatlong araw na ang nakakalipas mula ng makuha niya ang posisyong binigay sa kanya ni Cris.
“Kakamustahin ko lang sana ang first day mo.” nakangiting sabi ni Cris.
“Ayos lang naman Sir! Medyo naninibago pa, kasi malaki iyong company, madaming employees at nakakalito pa iyong staffing.” pagkukwento ni Martin.
“Cheer up Martin!” bati ni Cris kay Martin na pansin ang tamlay at lamig ng pakikitungo nito sa kanya. “Basta, sana walang magbabago sa pagitan natin.” pakiusap pa ng binata dito.
“Pipilitin ko po Sir!” sagot ni Martin dito.
“Martin! Please naman! Unawain mo na lang sana iyong rason ko kung bakit ko nagawa sa iyo iyon.” sabi ni Cris.
“Mahirap Sir Cris!” matipid na sagot ni Martin.
“Please Martin!” buong pagsusumamo ni Cris saka hinawakan sa dalawang kamay si Martin.
Matipid na ngiti lang ang itinugon ni Martin sa sinabing ito ni Cris.
“Mamaya ipapakilala na kita sa lahat as HR Manager. Makikilala mo na iyong nasa ibang department pati na iyong ibang empleyado. This evening I will introduce you to the rest of the board members with an early dinner.” sabi ulit ni Cris.
“Got it Sir Cris.” tugon ni Martin.
Kinahapunan nga ay ipinakilala ni Cris si Martin sa mga tauhan ng kumpanya at malugod naman siyang tinanggap ng mga ito. Nagkaroon na din siya ng mga kaibigan at kakilala.
“Mahal! Wat tym ka uwi?” text ni Fierro sa kasintahan.
“Gagbhn ata aq mahal. Ipppklala pdw kxe q s board members eh.” reply ni Martin.
“Pagbthn mo mahl!” reply ni Fierro.
“Opo Mahal! Pra sau gglngan q tlga.” reply ni Martin.
“Luv u!” si Fierro.
“Luv u mor! Wg n reply.” sagot ni Martin.
“Opo, sb mo eh. hahaha” reply ni Fierro.
“Qlt ng mahal ko.” sabi ni Martin.
“Pra mamiss aq ng mahal ko. J” reply ni Fierro.
“Totoong buhay, mamya k nlng reply.” sabi ni Martin.
“Ay! Ayaw n aqng katxt ng mahal q. L” text ni Fierro.
“Tampururot nmn ang mhl q. Bka macsnte ka kxe.” reply ni Martin.
“Bsta ilabyu!” sabi ni Fierro.
“Basta iyabyumor!” reply ni Martin.
“Muahhhhhhhhhhhhhhhhh!” sabi ulit ni Fierro sa text.
“Muaaaaahhhhhhhhhhhhhhhhhhhugzz. Ayn may hug na.” reply pa ni Martin.
“Cgeh na, bka masbhan kpang tmad jan.” sabi ni Fierro.
“Yabyu uyet!” saad ni Martin at pagkatapos nun ay hindi na siya nireplayan pa ni Fierro.
Kinagabihan nga ay ipinakilala ni Cris si Martin sa iba pang board of members ng AGC Ice Cream and Dairy Factory. Malapit ng mag-ala-nwebe ng gabi ng makauwi siya sa kanila.
“Goedenavond!” nakangiting bati ni Fierro na nakaupo sa labs ng bahay nila.
“Goedenavond zu Percival.” gulat na bati ni Martin sa kasintahan. “I thought you’re home?” sabi pa ng binata.
“Yeah! Di ba bahay ko na din to?” sabi pa ni Fierro.
“Aysus! May ganun.” nakangiting sabi ni Martin. “Bakit ka nasa labas? Si nanay?” tanong pa ni Martin.
“Hinihintay ka!” sagot ni Fierro. “Pinatulog ko na din si nanay, sabi ko ako na ang bahala sa mahal kong asawa.”
“Ows! Talaga sinabi mo iyon?” tanong ni Martin.
“Oo naman! Sabi pa nga niya, pakainin daw kita pag-uwi mo tapos alagaan na daw kita habang-buhay eh.” tugon ni Fierro.
“Loko mo!” sagot ni Martin.
“Kiss nga ako.” biglang saad ni Fierro.
“Kiss ka d’yan. Sa loob na!” sabi ni Martin.
“Ay! Namiss ko gwapo kong asawa eh!” reklamo ni Fierro saka hinawakan sa pisngi si Martin at inangkin ang mga labi nito.
“I love you!” sabi ni Fierro matapos ang isang mapagmahal na halik na iyon.
“I love you more!” nakangiting tugon ni Martin na kita ang ngiti sa mukha sa tulong ng sinag ng buwan na tumatama sa kanilang dalawa.
Sa bahay na nga nila Martin natulog si Fierro at maaga din itong pumasok kinabukasan. Maaga din itong nakauwi nang araw na iyon at balak niyang daanan ni Fierro sa Robinson para kausapin at piliting sa kanila ulit ito matulog.
“Martin!” masayang bati ni Danielle sa kaibigan na sa wakas ay nakita niya ulit.
“Danielle!” sabi ni Martin. “Anung ginagawa mo dito?” tanong pa nito sa kaibigan.
“Pinipilit ko kasi si Papa F na sumali sa Lakan ng Lahi.” sabi pa ni Danielle.
“O, napapayag mo na ba?” tanong ni Martin sa kaibigan.
“Hindi pa nga eh! Ayaw nga niya.” malungkot na balita ni Danielle kay Martin.
“Akong bahala Danielle!” paninigurado ni Martin kay Danielle.
Napapayag nga ni Martin si Fierro na sa kanila matulog. Wala ng pakiusapan o pilitan pa, dahil nga sa nag-iisa lang si Fierro sa bahay nila ay madaling matulog na kasama niya si Martin. Ang balak nga talaga ni Fierro sa ibahay na si Martin sa bahay niya subalit iniisip din nito ang nanay ng kasintahan na maiiwan mag-isa pag-ibinahay na niya ang mahal na asawa.
“Mahal.” sabi ni Martin kay Fierro na nakaunan sa bisig ng kasintahan.
“Ano iyon mahal?” tanong ni Fierro habang nakayakap kay Martin na nakahiga sa bisig niya.
“Sabi sa akin ni Danielle na pinipilit ka daw niyang sumali sa Lakan ng Lahi.” simula ni Martin.
“O, tapos?” tanong ni Fierro.
“Gusto mo bang sumali?” tanong ni Martin. “Kasi ako gusto kitang sumali dun eh.”
“Huh?” nagtatakang sagot ni Fierro. “Bakit naman?” tanong pa nito.
“Wala lang. Basta alam mo iyon, tipong pag nanalo ka, sobrang saya ko na. Tapos pwede kong inggitin iyong iba na asawa kita.” dahilan ni Martin.
“Asus!” turan ni Fierro saka kiniliti si Martin sa tagiliran. “Hindi ka ba natatakot na baka pagpantasyahan ako dun?” tanong ni Fierro.
“Hindi! Hanggang pantasya lang naman sila eh.” sagot ni Martin. “Saka confident ako na sa akin ka lang.” sabi pa ni Martin.
“Asus! Ang asawa ko.” wika ni Fierro.
“Ano go ka na?” tanong ni Martin.
“Ikaw, bahala ka, basta ikaw lang ang manager at handler ko.” pangungundisyon ni Fierro.
“Sure!” masayang tugon ni Martin.
Nagsimula na ang mga activities tulad ng pictorials, trainings and workshops ng Lakan ng Lahi at todo suporta ang binigay ni Martin para sa kanyang katipan na si Fierro.
Sa studio kung saan magaganap ang orientation –
“Mr. Emartinio Masungkal!” bati ng isang pamilyar na mukha at tinig kay Martin.
“You looks so familiar.” tanging sagot ni Martin sa kusap habang si Fierro naman ay todo pagtataka sa nagaganap.
“I interviewed you at Banco de Oriental.” sabi ng lalaki.
“I remembered!” sabi ni Martin. “Mr. Zach Arceo.” napangiting turan ni Martin.
“Who is he?” tanong ni Fierro sabay akbay kay Martin. Napansin agad ng binata ang kakaibang titig na ipinupukol ng lalaki kay Martin kaya naman agad siyang sumingit sa usapan ng dalawa.
“Si Sir Zach, siya iyong Junior HR Assistant sa BDO.” sagot ni Martin.
“Nice meeting you pare!” sabi ni Fierro sabay abot sa kamay niya. “Fierro nga pala.” pakilala pa nito.
“Zach!” pakilala naman ni Zach.
“Anung ginagawa mo dito?” tanong ni Martin kay Zach.
“Pinilit kasi ako na sumali sa Lakan ng Lahi para i-represent ang Marilao.” sagot ni Zach. “Ikaw? Don’t tell me kasali ka?” tanong pa nito.
“Hindi ako, pero si Kuya Perry.” sagot ni Martin sabay tingin kay Fierro.
“Perry? Fierro?” nagtatakang tanong ni Zach.
“Just call me Fierro. Only Martin can call me Perry.” sagot ni Fierro saka bitaw ng mapanghamong titig kay Zach.
“Well, may the best man win!” sabi ni Zach. “Please excuse me for a while.” pasintabi pa nito.
“Kung makatingin akala mo kakainin ka.” bulong ni Fierro kay Martin.
“Selos!” tukso ni Martin kay Fierro.
“Hindi din! Di hamak namang mas gwapo ako dun.” turan pa ng binata.
“Sabi mo eh!” may pigil na tawang tugon ni Martin.
Lumakad na nga ang araw at tuloy pa din ang suporta ni Martin kay Fierro. May mga activities kapag sabado at lingo at laging nanduon si Martin para kay Fierro.
Isang sabado, nahuli nang dating si Martin sa location nila Fierro ay hindi niya inaasahan ang makikita.
“Ang gwapo mo talaga.” sabi ng isang baklang kausap ni Fierro.
“Salamat sagot naman nito saka inakbayan dahil nagpapakuha din ito ng picture kasama siya.
“May girlfriend ka na ba?” tanong naman ng isang babae na nakakapit kay Fierro at humihingi din ng picture.
“Pawis na pawis ka na.” sabi pa ng isa sabay punas sa pawis ni Fierro.
Hindi maintindihan kung bakit may kurot sa kanya ang nakikita. Gusto na niyang takbuhin ang mahal na si Fierro at itago palayo sa mga nakapalibot dito o kaya naman ay pagbabarilin ang mga nakapalibot sa mahal niyang asawa.
“Martiiiinnn” sigaw ng tumatakbong si Danielle papunta sa kanya.
“Eskandalosa!” komento naman ni Martin kay Danielle na isa sa mga organizers ng Lakan ng Lahi.
“Anung drama at may salamin ka pa?” tanong pa ni Danielle.
“Mahirap mag-review ng files. At mahirap mag-O.T. na doble sa regular work hours mo.” sabi ni Martin. “Kakauwi ko lang kaninang madaling araw dahil nireview ko pa lahat ng records ng HR.”
“May good news ako sa’yo. Isa si Papa F sa early favorites.” wika ng dalawa.
“Talaga?” matabang na wika ni Martin. “Maganda.” sabi pa nito.
“Late ka na!” panimulang bati ni Fierro saka lapit at akbay kay Martin.
“So what?” sarksatiko at mahinang tugon ni Martin.
“L.Q.” natatawang tanong ni Danielle sa dalawa.
“May topak ka na naman!” bati ni Fierro saka pisil sa dalawang pisngi ni Martin.
“Sige Mart! Ayusin ko lang iyong nasa likod.” paalam naman ng dalaga.
“Sige Danielle.” sagot ni Martin.
“Ano ba ang problema nang mahal kong asawa?” tanong ni Fierro kay Martin.
“Tatanong pa!” sarkastiko pa ding tugon ni Martin.
“Nagseselos siya!” tila nahulaan ni Fierro ang punu’t-dulo ng sumpong ni Martin.
“Hindi kaya.” tanggi pa din ni Martin.
“Ikaw ang nagsali sa akin dito kaya hindi ka dapat magalit kung gwapo ang asawa mo.” nakangiting wika ni Fierro.
“Pero unreasonable pa din iyong makipag-lampungan ka sa iba.” sabi ni Martin.
“Eh di lumabas na din iyong dahilan ng sumpong mo.” sabi ni Fierro na may simpatikong ngiti. “Nakikisama lang ako kasi gusto kong manalo para sa’yo.” paliwanag pa ng binata sa mahal niyang si Martin.
“Pero dapat alam mo kung hanggang saan ang limitasyon.” sagot ni Martin.
“I love you! Hayaan mo na iyon, mahal naman kita.” sabi ni Fierro.
“Ay hindi! Tandaan mo ang araw na’to.” sabi ni Martin.
Walang anu-ano ay ninakawan ni Fierro ng halik si Martin ngunit sinigurado na muna niyang walang nakatingin sa kanila at walang nakakakita.
Natahimik si Martin sa dapat pa niyang sasabihin.
“Eh di tumahimik ka.” nakangising wika ni Fierro saka inakbayan si Martin at pumunta na sila sa umpukan.
Sa wakas ay dumating na din ang sandaling hinihintay ng lahat. Coronation Night na ng Lakan ng Lahi. Unang lumabas ang mga kalahok suot ang kanilang National Costume, nagsuot ni Fierro ng Chinese collared Barong-Tagalog na yari sa pinya na may customize design na si Martin mismo ang gumawa at tinernuhan ng kulay gatas na pantalon. Sumunod naman lumabas ang mga kalahok suot ang kanilang Fantasy Costume at ginaya ni Fierro ang suot ng favorite superhero niyang si Batman. Sunod ay rumampa ang mga kalahok suot ang kanilang trunks. Tilian ang mga tao habang rumarampa ang mga kalahok pero mas dumagundong nang lumabas na sina Zach at Fierro. Kita ang pagka-angat sa ganda ng katawan ng dalawa at iwan na iwan ang iba pang kalahok. Pagkatapos ng swimwear ay nag-announce na ng Top five at kasama sila Zach at Fierro. Kasunod nito ay ang sports wear at panghuli ay Casual wear at saka nagkaroon ng question and answer.
“What makes a man a man?” tanong ng host kay Fierro.
“What makes a man as a man is his courage to continue even if there are no more reasons, his strength to stand over trials and fall, his wisdom to do critical and wise decision, his temperance to be on control to his self and most of all, his courage, strength, temperance and wisdom to be against the world to protect what is right and to protect his love for safety. It is his willingness to be the change.” sagot ni Fierro.
“Very well said Fierro.” sabi ng host. “Now you have your top 5 and after a short while, we will announce this years’ Lakan ng Lahi.” pahabol pa ng host.
“Congrats bro!” maagang bati ni Zach kay Fierro.
“Walang pang announcement bakit bumabati ka na?” tanong ni Fierro dito.
“Sure ko nang ikaw ang mananalo.” sagot ni Zach.
“Hindi din! Magaling ka ding contender para sa title.” nakangitng sagot ni Fierro.
“Yeah! Pero pang-runner up lang ako.” sambit naman ni Zach.
“Hindi din.” tanggi ni Fierro.
“But I want to make things clear, kayo na ba ni Martin?” tanong ni Zach sa binta.
“Paano mo naman nasabi iyon?” tila nabibilaukang tugon ni Fierro.
“I can sense it!” sagot ni Zach. “Alam mo naman di ba pag gusto mo iyong isang tao masesense mo kung may umaaligid sa kanya or kung taken na siya? I am sure na-experience mo na iyong sinasabi ko.” sabi pa ulit nito.
“What do you mean? May gusto ka nga kay Martin?” tila naiba ang timpla na sagot ni Fierro.
“Likely! Iba kasi ang personality ni Martin.” diretsong sabi ni Zach.
Nagdadalawang isip si Fierro kung aaminin ba niya kay Zach ang tunay na ugnayan nila ni Martin. Kung siya ang tatanungin ay gusting-gusto na niyang ipagsigawan sa buong mundo na sila na ni Martin subalit may takot pa din siyang nadarama at isinasaalang-alang din niya ang desisyon ng katipan.
“Answer me! Kasi kung hindi pa, bilisan mo ako kikilos na ako para kay Martin.” paalala pa ni Zach.
“Eh kung sabihin kong oo?” tanong ni Fierro.
“Madali naman akong kausap, ayokong sumira ng relasyon ng iba kaya hahayaan ko na lang si Martin sa’yo.” nakangiti nitong tugon.
“Kung sana lahat ng tao kagaya mo Zach!” mahinang usal ni Fierro.
“Congrats ulit pare!” sabi pa ni Zach saka iniwan si Fierro.
“Galing mo Zach!” bati ni Martin kay Zach nang makasalubong niya ito.
“Thanks Martin!” tugon ni Zach.
“Martin, buti at pinapasok ka.” sabi ni Fierro kay Martin.
“Ano pang silbi ng pagiging bibo kid ko kung hindi ko magagamit?” balik na tanong ni Martin kay Fierro.
“Ikaw talaga!” sabay yakap kay Martin at gulo sa buhok nito.
“O.A. ka na!” reklamo ni Martin sa ginagawa sa kanya ni Fierro.
“Fierro tama na yan! Pinapatawag na kayo ulit sa stage.” bati ni Danielle kay Fierro.
“Salamat Dan!” wika ni Fierro saka bitiw ng matamis na ngiti sa dalaga.
“Ang gwapo nya talaga!” wika ni Danielle saka hinampas si Fierro sa balikat.
“Tinamaan ng magalnng!” reklamo ni Martin sa kaibigan. “Kung makahampas ka! Close ba tayo?” biro pa nito sa kaibigan.
“Nginitian niya ako Martin!” sabi pa ni Danielle saka maligayang sinabunutan si Martin.
“Masakit!” reklamo ulit ni Martin. “Bakit ba kayong mga babae pag kinikilig sobrang rahas?” tanong pa ni Martin.
“Malay ko sa’yo friend!” tugon ni Danielle saka parang lutang na bumalik sa trabaho niya.
Maya-maya pa at –
“And the winner is, candidate number…” at kasunod nito ay isang mahabang drumroll.
“Number 21, Percival Gutierrez.” sabi pa ng isang host.
Labis ang kasiyahan ni Martin nang marinig niyang tinawag ang pangalan ni Fierro bilang Lakan ng Lahi. Madami ang bumati kay Fierro, nagpapicture at kumausap, ngunit kahit sino man ang kaharap niya ay lagi niyang kasama si Martin at hindi naalis ang pagkakaakbay niya dito.
“Galing naman ng mahal ko.” bati ni Martin kay Fierro habang pauwi.
“Siyempre, tumupad ako sa pangako ko sa mahal ko.” sagot naman ni Fierro.
“Loko mo!” sagot ni Martin sabay pisil sa pisngi ng katipan.
Kinabukasan, araw ng lingo –
“It’s payback time!” nakangising simula ni Fierro kay Martin habang kumakain sila sa fastfood na nasa loob ng mall.
“Huh?” pagtatanong ni Martin kay Fierro.
“Danielle told me that they are organizing another male pageant and they are looking for contestants.” sagot ni Fierro.
“Kinakabahan ako sa sinasabi mo Fierro.” sabi ni Martin. “Di ba katatapos lang ng Lakan ng Lahi?” sabi pa ni Martin.
“It’s different from Lakan ng Lahi.” sagot naman ni Fierro. “It’s payback time Martin kasi ipinasama ko na ang pangalan mo sa tentative list.” pagbabalita pa ni Fierro.
“Sabi ko na nga ba!” tila asar sa tugon ni Martin.
“Oh! Bakit ka nagkaganyan?” tanong ni Fierro.
“Kasi naman hindi mo man lang ako kinunsulta!” asar pa nitong paliwanag.
“Naisip ko lang naman di ba mas maganda kung ako title holder tapos ikaw magiging title holder din.” pangungumbinsi pa din ni Fierro.
“Pero hindi tama na ipalista mo ako dun nang hindi ko alam.” sagot naman ni Martin.
“Akala ko kasi ayos lang sa’yo.” nalungkot na sabi ni Fierro.
“Next time hindi na sana ganito. You’re deciding for me kahit wala akong kaalam-alam.” sabi pa din ni Martin.
“Sige, ipapa-alis ko na lang iyong name mo din, huwag ka lang magalit sa akin.” sabi pa ni Fierro.
“Sige! May point ka naman din kasi, sumali ka sa Lakan ng Lahi dahil sa akin, sasali na din ako d’yan para sa’yo. Pero make sure hindi mo ako papabayaan.” pangungundisyon pa ni Martin.
“Sure! Akong bahala sa’yo.” nakangiting sagot ni Fierro.
“Anung klase ba yang male pageant na ‘yan?” tanong ni Martin.
“You’ll know it later.” nakangising sagot ni Fierro.
“Kinakabahan ako Kuya Perry.” tugon ni Martin.
“Trust me!” sabi ulit ni Fierro.
No comments:
Post a Comment