Wednesday, June 15, 2011

DAGLAT presents: SEE LAU II

DAGLAT PRESENTS:

SEE LAU: Ang Ikalawang Libro


Unang Bahagi: /oo-nang/ - /ba-ha-gee/

A – B – C – D

“I love you Martin!” wika ni Perry saka hinalikan sa labi ang kasintahan.

“I love you more!” ganting wika ni Martin matapos ang isang maalab na halik.

“Gawa na tayo ng baby?” tanong ni Perry kay Martin.

“Loko mo!” tutol ni Martin. “Gumawa ka ng baby mag-isa.” wika pa ng binata saka tinalikuran si Perry.

“Sige na!” pamimilit ni Perry saka niyakap si Martin.

“Tumigil ka nga Percival!” kontra pa din ni Martin. “Wala pa tayong bente-kwatro oras gumaganyan ka na.” habol pa nito.

“Sige na please!” pakiusap ni Perry saka hinalikan sa batok si Martin.

“Eeee! Ano ba?” nakikiliting tugon ni Martin. “Tigilan mo nga yan.” utos pa nito saka nagpumiglas sa yakap ni Perry.

“If I know, gusto mo din.” tudyo ni Perry saka binitawan si Martin.

“Ayoko nga sabi eh.” sagot ni Martin.

“Bakit ayaw mo?” tanong ni Perry.

“There are reasons that only the heart can explain.” sagot ni Martin.

“Huwag mo akong utuin Emartinio! Nag-iinarte ka lang talaga.” sabi ni Perry.

“Hindi kaya!” biglang namulang sambit ni Martin. “Tulog na nga tayo.” aya pa nito sa katipan.

“Sige na! Higa ka na!” utos ni Perry na agad namang sinunod ni Martin.

Naging mapakahimbing ng tulog ng dalawa higit pa at nakayakap si Perry kay Martin at ganuon din si Martin na mahigpit ang pagkakayakap kay Perry.

Isang Linggo na ang nakakalipas –

“San ppnta ang MAHAL q naun?” text ni Perry kay Martin.

“Eh di hahnp ng trbaho.” reply ni Martin.

“Gs2 mo smhan kita?” tanong ni Perry kay Martin.

“Hwag na lng! Jan k nlng, bka mcsnte kpa dhl skn.” concern na reply ni Martin.

“Ganun! Sige na nga! Iingat k lagi.” wika ni Perry.

“Cgeh po. Luv u!” reply ni Martin.

“Love you too! Emartinio Robles Masungkal” reply ni Perry.

“Pare! Bakit ba ayaw mong sabihin kay Martin ang totoo?” tanong ni Jules kay Fierro.

“Hindi pa ngayon ang oras dude!” sagot ni Fierro sabay tapik kay Jules.

“Pare, ayoko ng magsuot ulit ng uniform ng guard.” sabi pa ni Jules.

“Don’t worry! Hindi ka na magsusuot ulit nun.” paninigurado ni Fierro.

“Good!” wika ni Jules. “Back to work na tayo! Masyado na tayong delayed sa deadline.” suhestiyon pa ng binata.

“Kasi si Martin! Ayaw akong tigilan eh!” sisi na sagot ni Fierro.

“Ano naman ang ginawa ng Martin mo sa iyo?” tanong ni Jules sa kaibigan.

“Siya lang kasi ang naglalaro sa isip ko at laging laman ng diwa ko.” nakangiting wika ni Fierro.

“Eh di kayo na!” sabi ni Jules. “Ikaw na may long lost lovelife.” kasunod nito ang isang matipid na tawa.

“Talagang ganun pare!” sagot ni Fierro.

“Sir Fierro!” tawag kay Fierro kasunod ang mahihinang mga katok at pagbukas ng pinto.

“Bakit Jayson?” tanong ni Fierro sa binatang pumasok.

“Si Sir Martin po nasa loob ng mall.” pagbabalita ni Jayson kay Fierro.

“Naku naman!” sagot ni Fierro. “Walang pasabi!” reklamo pa nito.

“Hayaan mo na pare! Baka gusto ka lang i-surpresa.” sabi naman ni Jules.

“Ikukuha ko nap o ba kayo ng uniform Sir?” tanong ni Jayson dito.

“Please and thank you.” pasasalamat at pakiusap ni Fierro kay Jayson. “Paki-remind ang lahat na bawal muna akong tawaging Sir Fierro.”

“Opo Sir!” wika ng gwapong si Jayson saka sumunod s autos ni Fierro.

Sa kabilang banda –

“Si Fierro po?” tanong ni Martin sa taong nasa baggage counter.

“Fierro?” tila nag-iisip na sagot ng lalaki sa counter.

“Si Percival Gutierrez.” sagot naman ni Martin.

“Ahh!” reaksyon nang lalaking kausap ni Martin. “Si Si…”

“Nasa storage room!” biglang singit ng isa pang lalaki sa dalawa. “Kalilipat lang kay Fierro sa storage.” sabi pa nito.

“Ganun ba?” tila nalungkot na sabi ni Martin. “Pasabi na lang dumaan ako.” malungkot pa nitong pahayag.

“Hindi!” pigil ng lalaki. “Jayson nga pala!” sabi pa nito saka abot sa kamay.

“Martin.” pakilala ni Martin saka abot din ng kamay.

“Pagpasensyahan mo na si Mark, bago pa kasi kaya hindi kilala si Fierro. Palabas na din naman iyon.” sabi ulit ni Jayson.

“Martin!” bati ng pamilyar na tinig kay Martin.

“Kuya Perry!” sumayang sabi ni Martin.

Nakita ang gulat sa mukha ni Mark na agad naman hinatak ni Jayson palayo sa dalawa.

“Napadaan ka?” tanong ni Fierro kay Martin.

“Gusto ko lang na makita ang mahal ko bago ako umalis.” sabi ni Martin.

“Bakit naman wala kang pasabi?” tanong ulit ni Fierro.

“Kailangan pa ba iyon? Eh, dadaan din naman ako dito kaya dinaanan na kita.” nakangiting sabi ni Martin.

“Namiss mo lang ako.” tukso ni Fierro kay Martin.

“Kapal ng mukha mo! Baka ako ang namiss mo.” ganti ni Martin.

“Hindi nga kita na-miss eh.” tutol ni Fierro. “Miss na miss lang!” sagot nito saka bigay ng isang matamis na ngiti kay Martin.

Namula ang pisngi ni Martin sa sinabing iyon ni Fierro. Nakaramdam ng kilig ang binata sa mga katagang binitiwan ng katipan.

“Sige na nga! Alis na ako.” sabi ni Martin.

“Bilis naman!” reklamo ni Fierro.

“Basta, alis na ako.” sabi ni Martin.

“Ingat ka mahal ko.” sabi ni Fierro.

“Ikaw din! Pag-igihan mo.” paalala ni Martin saka umalis.

“Sir Fierro, muntik na kayo dun!” sabi ni Jayson pagkaalis ni Martin.

“Salamat tol! Buti at dumating ka kaagad.” pasasalamat ni Fierro.

“Sorry po Sir! Hindi ko po alam!” paumanhin naman ni Mark.

“Ayos lang yun! Basta sa susunod.” paalala ni Fierro.

Samantala, dalawang interview ang pupuntahan ni Martin ng araw na iyon. Isang beverage company sa umaga at electric company sa hapon.

“Sorry to say but you’re not meant for this position. Over-qualified ka and you deserve better position.” sabi ng interviewer kay Martin.

“Ma’am! Matatanggap ko pa po na under-qualified ako than over-qualified.” pagrarason ni Martin. “I’m sure this is the best position to start my way up.” pakiusap pa ng binata.

“Sorry but I will not let you degrade yourself and your talents be wasted.” giit ng interviewer kay Martin. “Anyways, I’ll refer you to this company and I am sure, mas masusulit ang talent at skill mo dito.” sabi pa ng babae na isa sa may mataas na posisyon sa kumpanya.

“Thank you Ma’am!” pasasalamat ni Martin na bagamat bigo ay may pag-asa pa din dahil sa binigay na recommendation sa kanya.

Pinuntahan nga ni Martin ang sinabing kumpanya sa kanya at agad namang ibinigay ang recommendation letter para siya ay bigyan ng priority. Isang bangko iyon na kilalang-kilala at madaming branches.

“I think you’re the one we’re looking for.” nakangiting sabi ng gwapong interviewer kay Martin.

“Thank you sir!” sagot ni Martin. “Kuya Perry! Ang yummy nito! Hahahaha!” sabi pa ni Martin sa sarili na titig na titig sa mukha ng nag-iinterview sa kanya.

“May dumi ba ako sa mukha?” tanong ng lalaki kay Martin.

“Sorry Sir!” biglang bawi ng tingin ni Martin ng mapagtanto niyang natutunaw na ang kaharap niya.

“Natutunaw na kasi ako sa titig mo.” pabirong sabi ng lalaki kay Martin.

“Nice one Sir!” may ngiti na sagot ni Martin.

“Honestly Martin! Nakakatunaw naman talaga kasi lalo na kung ganyan kaganda ang mata ng tumitingin sa’yo.” banat ulit nito.

“Mata lang Sir?” ganting biro ni Martin. “Hay Kuya Perry! Iingitin kita mamaya!” sabi ulit ni Martin sa sarili.

Ngiti lang ang sinagot ng lalaki kay Martin. “Back to business!” sabi ulit ng lalaki. “Since you’re a fresh graduate, can I have your transcript next week?” tanong pa nito kay Martin.

“Sadly, it’s a year long process in my school.” sagot ni Martin. “But I can provide you Certification and Temporary Transcript of Record.” pambawi ni Martin saka inilabas ang temporary TOR niya at Certification.

“Great! Cum laude grade ka pala!” sabi ng lalaki kay Martin.

“Yeah! But I have 5 subjects with a grade of 3 and 2 subjects of 2.75, that makes me not qualified for the title.” pagbabalita pa ni Martin sa kausap.

“I’m kinda loving you!” biglang nasabi ng lalaki kay Martin.

“What is it Sir?” tanong ni Martin sa lalaki. “Hahaha! Gusto ko ditong magtrabaho! C’mon! Gusto kitang malandi! Hahahaha! Sorry Kuya Perry! Hahaha!” sabi ulit ni Martin sa sarili na sanhi para mapangiti ito.

“We’re strict with our policies and we prioritize those applicants with transcript.” sabi ng lalaki kay Martin. “I really love working with you but our policy shall prevail.” malungkot na sabi nito kay Martin.

Malungkot man si Martin ay pinilit na lang niyang iayos ang sarili at ngumiti.

“That’s okay Sir!” sabi ni Martin saka tumayo.

“Be back!” sabi ng lalaki saka inilahad ang kamay kay Martin.

“Thank you Sir!” sabi ni Martin saka inabot ang kamay ng lalaki.

Kinahapunan naman ay pinuntahan ni Martin ang electric company.

“If I were to ask, you deserve to be hired but I must first ask my senior if I will let you pass.” sabi ng babae kay Martin.

Pagkasabi nito ay denial ang phone at animo’y kausap na niya ang senior HR nila sa kabilang linya.

Matapos kausapin –

“Sorry Martin but we are looking for Psychology Graduates and at least 2years of experience.” sabi ng babae.

“I understand Ma’am.” sagot ni Martin saka tumayo at umalis.

Pagkagaling sa hling interview niya ay dumaan na muna siya sa dati niyang eskwelahan, ginabi na din siya ng uwi.

“Kamusta ka na?” tanong ni Cris kay Martin.

“Ikaw pala yan.” gulat na sabi ni Martin.

“Saan ka galing?” tanong ni Cris kay Martin.

“Naghahanap ng trabaho.” sagot ni Martin. “Hirap palang humanap.” nakangiting sabi ni Martin.

“Konting tiis lang at makakakita ka na din.” pagpapagaan ng loob ni Cris kay Martin.

“Sana nga!” sagot ni Martin. “Hindi pala totoo iyong napapanuod ko sa TV!” sabi ni Martin.

“Anung napapanuod sa TV?” nagtatakang tanong ni Cris.

“Di ba sa mga drama, isang interview lang, tapos iyong may-ari ng kumpanya na ang mag-iinterview sa’yo tapos tanggap ka kaagad.” reklamo ni Martin. “Ang dami-dami pa kayang dinadaanan bago matanggap.” sabi pa ng binata.

Napatawa na lanlg si Cris sa sinabing iyon ni Martin saka ginulo ang buhok ng binata.

“Dami mong nalalaman ikaw na bata ka.” komento naman ni Cris.

Tulad ng nakagawian ay libre ng pamasahe si Martin at dahil siksikan ay tumayo siya dahil nga sa libre naman ang pamasahe niya. Bago bumaba ng bus si Martin ay may inabot si Cris sa kanya.

“Ano to?” tanong ni Martin kay Cris.

“Puntahan mo na lang iyan bukas.” nakangiting sabi ni Cris.

“Sabi mo.” tugon ni Martin saka nginitian si Cris.

“Kamusta na ang Martin ko?” bati ni Fierro kay Martin na hinintay sa sakayan.

“Kuya Perry!” biglang sumiglang sabi ni Martin. “Unemployed pa din at jobless!” biglang lumungkot na saad ni Martin.

“Ayos lang yan! Mahal naman kita!” sabi ni Fierro sa katipan.

“Utuin daw ba ako.” kontra ni Martin.

“Ang uto hindi totoo, pero iyong sinabi ko totoong-totoo.” sagot ni Fierro. “Patulog sa inyo ah.” sabi pa ng binata pagkasakay nila ng jeep.

“May damit kang dala?” tanong ni Martin dito.

“Secret! Bakit kailangan ko pang magdamit eh ikaw lang naman ang kasama ko.” biro ni Fierro dito.

“Loko!” sabi ni Martin saka binatukan si Fierro. “Para bukas mo.”

“Ah, meron siyempre.” sagot ni Fierro. “Binilin ka kasi sa akin ni nanay! Sabi niya pupunta siya ng Baguio para sa seminar nila eh wala daw magbabantay sa’yo.”

“Oportunista ka din naman pala!” pagbibiro ni Martin sa kasintahan.

“Siyempre naman! May time na ulit para yakapin kita buong gabi.” sabi pa ni Fierro.

“Ang sweet!” sabi ni Martin saka idinantay ang katawan kay Fierro.

Natigil lang sa usapan ang dalawa ng dumami na ang tao sa loob ng jeep at umupo na ang driver sa upuan nito na katabi nila Martin.

Kinabukasan ay pinuntahan nga ni Martin ang sinabi sa kanya ni Cris para applyan at si Fierro naman ay kasabay na umalis ni Martin ng bahay.

“You’re hired!” wala pa mang sinasabi si Martin ay ito na agad ang bungad sa kanya ng nakatalikod na boss.

“Sir?!” nagtatakang ulit ni Martin na sa wari niya ay pamilyar ang tinig na iyon.

“Pwede ka ng magsimula ngayon.” sabi pa nito saka inikot ang swivel chair paharap kay Martin.

“Cris.” gulat na gulat na nasabi ni Martin.

“Yes Martin!” sabi nito.

“Sorry pero hindi kaya ng pride ko na tanggapin ang trabahong ‘to.” tutol ni Martin.

“Ang pride, minsan kailangang isantabi muna.” sagot ni Cris.

“I want to be hired because I’m qualified and not because I’m a boss’ friend.” sabi ni Martin.

“Without doubt, you’re qualified for the position.” sagot ni Cris.

“Ni hindi mo pa nga ako na-iinterview professionally tapos qualified na ako?” sarkastikong tugon ni Martin. “Sorry Cris, pero hindi ko alam kung papaano ako maniniwalang qualified ako kung nagdududa na ako sa’yo.” sabi pa ni Martin.

“There are things in you na hindi kayang makita sa isang professional interviews. You have characteristics, attitudes and guts na sa isang ordinaryong chitchat makikita. I strongly believe na kahit inexperienced ka pa, o walang transcript o kahit hindi kilala ang course mo, I wont let my company not to accept a great potential like you.” paliwanag ni Cris.

Nanatiling tahimik si Martin sa sinasabing iyon ni Cris.

“Martin! I know you will not fail me.” sabi ulit ni Cris.

“Kaya pala kakaiba ka sa lahat ng kundoktor kasi hindi ka naman pala talaga kundoktor.” sabi ni Martin. “Nagago mo ako Cris!” malungkot na sabi ni Martin.

“Kaya ko lang ginawa iyon kasi gusto kong maging kaibigan ka at ayokong maging kaibigan ka na kilala mo akong isang professional, isang bossing o kaya naman isang mayaman.” paliwanag ni Cris. “Honestly, sinadya ko lahat ng pagkikita natin sa bus. Planado ko lahat iyon at inalam ko ang lahat tungkol sa’yo.”

“Pero bakit?” tanong ni Martin.

“Basta, kakaiba ka kasi!” sagot ni Cris. “Ikaw lang ang nag-iisa sa buhay ko Martin! Mula pa nuong una hanggang ngayon.” Bulong ng isip ni Cris.

“Hindi ko alam kung papaano kita papakiharapan ngayon, pero hindi ko tinatanggap itong trabaho na’to.” sabi ni Martin.

“Forget about your pride! Face the reality that you really need this job!” wika ni Cris. “Patunayan mo sa akin na hindi ako nagkamaling kuhanin ka bilang HR Manager ng buong AGC Ice Cream and Dairy Factory and in the future ng Aguirre Group of Companies.” dugtong pa ng binata.

Walang imik mula kay Martin na tila lutang sa kawalan. Tumayo naman si Cris sa kinauupuan at nilapitan si Martin, hinawakan ang isang kamay at inilagay sa balikat ng binata ang isa niyang kamay.

“Accept the position Martin! I know you can do it.” pilit ni Cris na may simpatikong ngiti saka iniangat niya ang ulo ni Martin.

Tango lang ang naging tugon ni Martn na naguguluhan pa din sa sitwasyon.

“By the way, I’m still single.” habol ng binata.

“Thank you Sir Cris.” wika ni Martin saka humakbang palayo.

Kinagabihan –

“Kamusta na ang mahal ko?” tanong ni Fierro kay Martin.

“May trabaho na.” tila lutang pa rin si Martin.

“Mainam!” saad ni Fierro. “Eh bakit malungkot ka?” tanong ni Fierro.

“Wala lang.” sagot naman ni Martin.

“Saan company?” tanong ni Fierro.

“AGC Ice Cream and Dairy Factory.” sagot ni Martin.

Biglang umasim ang mukha ni Fierro ng marinig niya ang sinabing iyon ni Martin.

“Bakit ka nagkaganyan?” tanong ni Martin kay Fierro.

“Sino ang nagpasok sa iyo dun?” imbes na sagutin ay tanong agad ni Fierro kay Martin.

“Remember Cris?” simula ni Martin. “Iyong kundoktor na pumunta nung grad celeb ko? Boss pala siya dun.” pagbabalita ni Martin.

“Ganu ba?” matamlay na wika ni fierro. “Tara kain na tayo.” suhestiyon pa ng binata. “Cris, ano ba ang binabalak mo ngayon? Hindi pa ba sapat sa iyo ang lahat?” tanong ni Fierro sa sarili.

Pansin ni Martin ang pagbabago ni Fierro ngunit hindi na niya inusisa pa ito. Sa pakiwari niya ay hindi na niya makakaya pa ang kung anuman ang sasabihin ni Fierro pag nagtanong pa siya.

No comments: