“Ugghhh!”
Napadilat ako dahil sa narinig. May umuungol. Pinakiramdaman ko ang paligid kung may kakaiba pero wala naman. Patuloy lang ang mga ungol na ngayon ay lumalakas na. Nanggagaling yun sa pwesto ni Francis.
Napabangon ako at sinigurong dun nga banda galing. Di nga ako nagkamali kaya naman agad ko siyang pinuntahan. Inabot ko yung switch ng ilaw. Kasabay ng pagliwanag ng paligid ay ang pagkakita ko sa ayos ni Francis na unat na unat.
Patuloy lang siyang umuungol. Ginigising ko siya pero hindi magising. Kinakabahan na ako. Sinubukan ko siyang gisingin muli pero hindi pa rin effective. May nabasa ako sa isang libro noon na pag hindi raw magising ang isang taong binabangungot ay umusal lamang ng prayer. Yun nga ang ginawa ko.
Nagdasal ako sa tabi niya ngunit hindi pa rin. Napahawak ako sa kamay niya habang patuloy sa pagdarasal. Hindi nagtagal ay naramdaman kong humigpit pagkakahawak niya sa kamay ko. Napadilat ako at tiningnan siya.
Wari mo’y naligo ito sa sobrang pawis habang nakaupo sapo ang ulo.
“Saglit kuha ako nang tubig tsaka pamalit mo.”
Tatayo na sana ako nang pigilan niya ako.
“Kuya huwag mo ako iiwan.” Usal niya habang di mapigilan ang pagtulo nang mga luha niya.
Napayakap naman ako sa kanya.
“Hindi kita iiwan Francis. Tahan na.”
Patuloy lang ako sa pagyakap at paghaplos sa likod niya nang maalala ko na dapat pala ako kumuha nang tubig.
“Saglit lang huh, kuha lang ako nang maiinom tsaka pagbibihisan mo.”
“Kuya dalian mo huh. Ayoko mag-isa.”
Tumalima naman ako agad at kumilos na. Wala pang isang minuto ay nakabalik na ako sa kuwarto dala ang isang baso nang tubig at bihisan. Inabot ko na iyon agad sa kanya.
“Bakit mo kinukuha unan kuya?”
“Tabi na kasi tayo matutulog. Okay?”
“Opo.”
“Yan good boy. Lika na kay daddy dali.” Sabay pagpag sa katabing space.
Tuwang-tuwa naman ang loko at tumalon pa sa kama.
“Ay excited?”
“Opo daddy.” At nagboses bata pa.
“Yuck!” Natawa na lang kami pareho. Naka-move on na siya.
Inakala kong nakatulog na siya nung tumahimik na siya. Sinulyapan ko. Nakapikit na siya kaya naman napagpasiyahan ko na ring matulog.
“Sorry kuya huh, naistorbo pa tuloy tulog mo.” Rinig kong sabi niya.
“Wala yun. Kinabahan nga ako kasi baka napano ka na eh.”
Tahimik ulit.
“Lika nga dito, lapit ka.” Lumapit naman siya.
Inangat ko ulo niya para sa braso ko siya uunan. Yung isang kamay ko naman ay iniyakap ko sa kanya. Instinct na sigurong maituturing yun para maramdaman niyang secured siya. Napayakap na rin siya sa akin. Ganun ang ayos naming natulog.
“Good morning daddy!” Bungad niya sa akin pagmulat ko.
“Good morning din Francis.” Nagulat pa ako nang halikan niya ako. Nakabawi rin ako agad. “How was your sleep?”
“Never been better.”
“Hus, bolero.”
“True yun kuya ah!”
“Sabi mo eh.”
“Ay di naniwala oh.” Patampo niyang tugon.
“Nagtatampo ka na nyan?”
“Nope.”
“Weh di nga?”
“Nope.”
“Sige bahala kang magtampo dyan.”
Bumangon siya agad at talagang nagtampo nga. Babangon na rin sana ako pero nahihirapan akong tumayo.
“Francis.”
Hindi siya sumagot.
“Francis tulong.”
“Bahala ka riyan tumayo mag-isa.”
“Hindi ko nga maigalaw braso ko paano ako tatayo?” Sa totoo lang kaya ko naman tumayo gamit ang isa ko pang kamay pero inaamo ko lang siya.
“Style mo bulok.”
“Francis!!” Napasigaw na ako bigla. Napahangos naman siya agad sa akin.
“Huwag mong gagalawin! Huwag mong gagalawin!” Hiyaw ko dahil sa biglang sumakit yung braso ko.
“A-anong nangyayari kuya?” Taranta niyang tanong at biglang hinawakan ako sa braso.
“Namamanhid yung braso ko. Ang sakit sobra! Please huwag mo munang gagalawin.” Halos maiyak-iyak ko nang sabi.
“Kuya sorry! Sorry!” Binatukan ko uli siya. “Aray! Pangalawa na yan huh.”
“Bakit ka ba kasi nagsosorry?”
“Eh kaya nagkaganyan yan kasi ginawa kong unan kagabi.”
“Hay naku, mawawala rin ito maya-maya basta di lang magalaw. Parang di ka nursing ah.” Tumawa pa ako para naman gumaan pakiramdam niya kahit paminsan-minsan ay napapangiwi ako pag nasasagi.
Mukhang nagkamali ako dahil napayuko siya. Inangat ko mukha niya gamit yung nangalay na kamay ko na ngayon ay hindi na gaanong masakit.
“Huwag na malungkot huh. Ayaw ko makita kang nakasimangot o kaya naman malungkot kaya naman smile na, please?”
Alangan pa rin ito. Kaya naman nilapastangan kong muli ang mga labi niya bilang pang-aamo ko sa kanya. Saglit lang iyon pero kapalit naman nun ang isang ngiti sa kanya. Sapat na iyon sa akin. Nakabawi na siya maging ako rin.
“Ang aga namang drama nito. Halika na nga at kumain na tayo.”
Lumabas na kami at kumain. Matapos iyon ay agad na itong nag-ayos para umuwi. Bitbit ang backpack niyang iyon ay nagpaalam na siya kila mama.
“Hatid na kita.”
“Di na kuya. Kaya ko na ito tsaka baka masanay ako na may naghahatid sakin eh mahirapan ka pa.”
Oo nga naman. Tama siya dun ah.
“Ganun ba? O sige tawag na lang ako nang tricycle.”
Tinawag ko yung nakapila at lumapit naman ito agad.
“O text mo ako pag nasa bahay ka na huh?”
“Yup. So paano kuya, see you sa school.”
Tumango lang ako. Hahalik sana siya pero pinandilatan ko para sabihing di pwede. Nakuha naman niya agad kaya yumakap na lang.
“I love you kuya.” Bulong niya sabay kalas sa yakap. Ngumiti na lang ako.
“Hays, napagod akong bigla dun ah.” Sabi ko sa sarili nang tuluyan ng mawala sa paningin ko yung sinasakyan ni Francis.
Papasok na ako sa loob nun ng tumunog yung phone ko.
Bez Arnel
Ano na naman kaya nakain ng taong ito at nagtext. Binuksan ko yung message. Parang mas lalo akong napagod sa nabasa ko. Kakatapos ko lang makipagharutan kay Francis tapos heto na naman ang isa. Salawahan lang eh.
“Ma, pupunta raw si Arnel ngayon.” Walang gana kong sabi kay mama.
“Ganun? O siya pupunta muna ako sa palengke. Ikaw na muna bahala rito sa bahay tsaka dyan sa bisita mo.”
“Okay.”
Matapos iyon ay tumungo na ako sa sala at nanuod muna nang TV. Hindi pa nag-iinit yung puwet ko sa upuan ng muli ito magtext. Nasa labas na raw siya. Tumayo na ako para puntahan siya.
“Oh bakit parang pagod ka?”
“Huwag mo na lang pansinin yan. Anong meron?”
“Wow sungit ah. Meron ka ba ngayon?”
“Don’t start with me.” Sabay irap.
“Okay. Anyway, sila tita?”
“Obvious ba?”
Napakamot siya nang ulo. “Oo nga naman.”
“Do you want anything? Merienda?” Habang nakatutok ang mga mata sa paborito kong palabas.
“Ahm, hindi na.” Tumahimik siya.
Hindi ako sanay na ganito siya katahimik. Kakausapin ko na sana nang makita kong nakatulog pala ang loko. Napailing na lang ako. Maya’t maya ko siyang tinitingnan. Ang amo kasing tingnan ng hitsura niya ngayon.
“Baka matunaw ako.”
“Ulol!” Sabay hampas ng throw pillow.
“Aray! Nananakit?”
“Dapat lang sa’yo yan.”
“Pa-kiss nga!”
“Tukmol, di pwede.”
“Bakit naman?”
“Wala tayo sa bahay niyo o kaya sa isang private na lugar. Baka mahuli tayo.”
“Eh wala naman sila di ba?”
“Basta hindi pwede.”
“Ay ang damot naman. Para halik lang eh.”
“Anong para halik lang ka dyan! Len umayos ka nga.”
“Sabi mo eh.” Sabay iling.
“Anong meron?”
“Saan?”
“Wala.”
“Hay naku.”
“Ewan.”
Nakatutok ako sa panunuod samantalang siya ay walang puknat kung makapagtext. Iyon marahil ang paraan naming dalawa para punuan yung gap na naghahari sa pagitan namin. Maya-maya pa ay may tumatawag sa labas.
“Saglit lang po.” Sabi ko sabay tayo.
Mga ilang minuto na rin siguro akong nakatayo sa pintuan habang pinagmamasdan yung babaeng kanina pa nagtatao po sa labas. Nagngingitngit ang kalooban ko.
“Hi.” Labas sa ilong na bati ko.
“Hi Dhen! Andyan ba si Arnel?”
“Ah oo. Saglit tawagin ko.” Sabay talikod.
Nasa pintuan na ako nun ng maalala kong hindi ko pa pala siya pinapasok or inalok man lang na uminom. Ewan. Nagdadalawang isip ako kung papatuluyin ko pa ba siya. Nagtatalo ang pagkainis ko kay Len at sa babaeng ito at yung better side of me. Siyempre nanaig ang hiya ko. Binalikan ko siya para papasukin.
“Hayan siya oh.” Sabay turo kay Len na nakaupo.
“Hi hon! I miss you!” Sabay halik sa pisngi nito.
Lalo akong nag-alburoto. Padabog akong umupo sa sofa. Napatingin pa silang dalawa sa akin. Nakaramdam ako kaya tumingin din ako sa kanila sabay sabi nang sorry at ngiting pilit.
Nakatutok ang mga mata ko sa screen pero tutok na tutok ang tenga ko sa pinag-uusapan nila.
“Ahm hon, bakit mo nga pala ako pinapunta rito kila Dhen? Nakakahiya naman.”
“Na-miss lang kasi kita eh. Kelan na ba kasi ulit tayo huling lumabas?” What the!? Hindi dating place itong bahay!!! Kapal at pinapunta pa rito!!! Buwisit talaga!!!
“Hindi ko na rin maalala eh. Hmmm, two weeks ago?”
“Tama, sa may park tayo nun with matching sorbetes tsaka cotton candy.” Sabay tawa. Malas nga naman oo.
“Oo nga hon. Tapos napag-usapan din natin yung future natin 3 years from now. Remember, nagplan tayo about our wedding?”
Bigla akong napaubo parang nasamid.
“Dhen okay ka lang ba?” Si Jessa.
“Ah, oo. Huwag niyo akong intindihin.”
At nagpatuloy pa sila sa pagkukwentuhan. Medyo tumatahimik si Arnel. Buwisit na buwisit naman ako. Hindi na ako makatiis. Gusto ko nang umalis pero saan naman ako pupunta? Malamang makakaramadam si Francis pag siya ang tinawag ko.
“Ah Dhen, phone mo nagri-ring.” Si Jessa ulit.
“Huh?”
“Phone mo.” Si Len.
“Ah sorry.” Sabay dukot ng phone at sagot dito.
Tumayo ako at bahagyang lumayo.
“Buti tumawag ka!” Halos pabulong kong sabi sa kausap ko.
“Ay anong meron?” Si Xyza.
“Mahabang kuwento Xy. Kuwento ko sa’yo lahat pero may kapalit.”
“Ano?”
“Magdala ka nang float and fries for two rito sa bahay tapos kunwari hindi mo alam na may bisita ako rito sa bahay. Gets?”
“Copy.”
“Okay. Now na.”
At naputol na ang linya kasabay nun ang pagkakita kong nag-smack silang dalawa. Gusto ko nang ibalibag tong dalawa palabas. Feeling ko nananadya itong si Len eh. Lintik lang ang walang ganti!
Nag-ring ulit phone ko.
“Nasaan ka na? Bakit ang tagal mo?” Singhal ko sa tumawag.
“Huh? Kuya?”
“Ay FRANCIS! Sorry. Ikaw pala yan.” Diniinan ko talaga ang pangalan niya para marinig ni Len.
Napalingon naman ito. Palihim na nagbubunyi ang kalooban ko dahil sa nakita kong medyo naningkit ang mga mata nito.
“Anong meron at napatawag ka?”
“Nakalimutan ko kasi kuya yung ano ko.”
“Anong ‘ano’ mo?”
“Yung ano ko sa banyo.”
“Ano nga yun?”
“Yung brief ko.” Natawa ako dahil sa sobrang hina nang pagkakabanggit niya sa brief. “Kuya naman eh. Nahihiya na nga akong sabihin tinawanan pa.”
“Sorry, natawa talaga ako sa pagkakasabi mo nang brief eh.” At ginaya ko ang hina nang pagkakasabi niya.
“Lagot ka sakin. Humanda ka, malapit na ako.”
“Can’t wait!” Sabay tawa ulit.
Pansamantala kong nakalimutan ang dalawang nilalang sa loob ng bahay na kanina pa pinapapak ng langgam. Tingnan ko lang kung anong mukha ang ihaharap mo sakin after this.
Maya-maya pa ay may bumusina na sa labas. Dali-dali ko itong pinuntahan. Bumukas na ang pintuan at iniluwa noon si Francis na kuntodo porma.
“Oh saan ang date huh Francis?”
“Saan pa nga ba kuya? Eh di rito sa bahay mo.”
“Loko. As if pwede.”
“Malay mo kuya makalusot.”
“Ewan.”
“Ay kuya teka, may nakalimutan ako.”
“Don’t tell me brief din yan.” Natawa lang ito.
“Wait lang huh, kunin ko.” Pandededma niya sa pang-aasar ko.
“Okay.”
Di rin nagtagal ay bumalik na rin siya.
“O nasan yung kinuha mo.”
“Secret. Sa loob ko na lang ibibigay.”
“No! Pakita muna bago pumasok.”
“Guard? Ikaw ba yan?”
“Oo at oo pa kaya dali na. ilabas na iyan.”
“Si kuya naman excited masyado. Hala sige na nga.”
May dinudukot siya sa bulsa niya. Nag-eexpect naman ako na singsing iyon o kaya naman ay necklace or wrist band pero nagkamali ako.
“Ano yan?” Sabay turo sa hawak niya.
“DVD.”
“Harry Potter?”
Tumango lang siya. Sa sobrang kasayahan ay nayakap ko siya nang mahigpit. Natigil lang kami nang may tumikhim sa likuran ko. Napalingon ako. Kita ko naman ang reaction ni Len. Naiinis rin ito lalo pa at naabutan niya kami sa ganung sitwasyon.
“Ah, Francis. Pasok ka muna sa loob.” Anyaya ko. Sumunod naman ito.
“Ah Dhen, alis na muna kami ni Arnel huh. May pupuntahan lang kami.” Maharot nitong sabi.
“Ingat.” Sabay talikod. “Nga pala BEZ, pasara na lang yung pinto pagkalabas niyo huh.” At tumalikod ulit.
Narinig ko na lang ang may kalakasang paglapat ng pintuan. Waring padabog kaya naman sobrang nagbubunyi ako. Kasunod nun ang message ni Xyza na hindi na raw siya makakapunta dahil dumating sa bahay nila yung bf niya.
(itutuloy...)
A compilation of my thoughts, dreams and fantasies. Stories that describes best my simple wishes in life. In addition to that, I asked friends to contribute their talents in this site where reality and fantasy are as one. Welcome to my site. Welcome to my heart. I am Dalisay.
1 comment:
NICE STORY!
waiting for the next part po
Ü
Post a Comment