This is ONE of my entries for BOL Book Anthology Project. I would like to know what you think upon reading Glenn and Misef's story. :)
ISANG LALAKI, ISANG BABAE, AT ISANG BATANG NASA TATLONG-TAONG GULANG ANG NAKAPOSE SA LITRATONG HINAHAWAKAN NIYA. Ang kuha ay sa isang parke sa Baguio. Nasa likod ng babae ang lalaki habang karga-karga naman ng magandang babae ang mukhang anghel na bata. They smiled at the camera. The image of a happy family caught forever by a four-by-three glossy.
"Kailan siya nawala?" tanong ni Glenn sa kausap. Isa siyang detective.
"Lunes ng umaga." sagot ng lalaking nasa larawan sa nanginginig na boses. Siya si Mr. Louie Lester Delos Reyes. Nagtanggal ito ng bara sa lalamunan bago nagpatuloy.
"Iniwan niya ang bata sa yaya nito ng pumunta siya bahay ng nanay ko. She never came back."
Gwapo ang lalaking kausap niya kahit may kapayatan. Mamula-mula ang kutis tanda ng hindi ito madalas nagpapaaraw. Mga nasa edad bente-singko pataas ito sa tantiya niya. Mahusay magdala ng damit and with fine features. Nakapatong ang siko nito sa arm rest ng silyang katapat ng lamesa niya. His palm on his pale face as if to erase the lines etched by worry. Bumugha ito ng hangin habang hinihintay niyang magpatuloy ito sa pagsasalita.
"Nang umuwi ako kinagabihan ay nagtaka ako kung bakit wala siya. Tinawagan ko si Mama kung naroroon si Cythia at ang anak ko pero ang sabi nito ay ang bata lang daw ang naroon. Siyempre nag-alala ako."
Naghintay raw ito ng ilang oras. Nang mapagod sa paghihintay at pag-aalala sa kung anong posibleng kinahinatnan ng asawang parang bulang biglang naglaho ay tinawagan na raw nito ang mga pulis. Naitanong daw ng mga alagad ng batas kung naglayas ba si Mrs. Delos Reyes pero sinagot nito ng hindi. Natural, bakit naman maglalayas ang asawa ko, ayon dito. Wala raw namang pinag-awayang malaki ang mga ito na maaaring magresulta sa hiwalayan.
Pero ng i-check daw nito ang damitan nilang mag-asawa, he found out that her suitcase was missing. Kasama na rin ang mga bagay na maaaring dalahin ng isang babae kung magbabalik man ito na lumayo pansamantala. Nang sumunod na araw ay may tumawag na kliyente ng mga ito tungkol sa isang tumalbog na tseke. Nang berepikahin ni Louie sa bangko ay wala ng laman ang joint account nilang magpopondo sana sa tseke.
"Mahahanap mo ba siya Mr. Martin?"
"Sigurado ka bang gusto mo siyang mahanap ko?"
Napakurap ito at may anyong hindi makapaniwala sa narinig. Nalilitong nagsalita ito. "Oo naman. What made you think I don't want her to be found?"
"Mukhang umalis ang asawa mo ng kusa. Kung ganoon ang sitwasyon. Maaaring ayaw na niyang makita ka pa o kayo ng pamilya mo." dire-diretso niyang sabi. Napakurap ulit ito. This time, hindi itinago ang sakit na nararamdaman. Medyo na-guilty siya pero kailangan nitong malaman ang naiisip niya.
"Kung makikita ko siya, I can't make her do anything she doesn't want to do."
"Naiintindihan ko..." sambit ni Louie. "Pero kung makakausap ko man lang sana siya... Nag-aalala ako sa kanya. I have to know if she's all right." garalgal ang tinig na sabi pa nito.
Tiningnan niya ito ng diretso sa mata. Bakit umalis si Mrs. Delos Reyes? Alcoholic ba ang kliyente niya? Nagda-drugs? Nambubugbog? Pero bakit hindi nito dinala ang bata? At bakit feeling niya ay may hindi pa sinasabi sa kanya si Louie.
"Taga-rito kayo sa Manila hindi ba? Paano mong naisip na ang asawa mo ay nasa Bulacan?"
"Ipinanganak siya sa doon. Sa bayan ng San Jose Del Monte. Besides, iyon ang lumalabas sa phone bill."
"Anong phone bill?"
"Yung line niya sa Globe." may kinuha ito sa loob ng folder na dala at iniabot sa kanya ang isang billing statement.
"Tingnan mo." Itinuro nito ang isang numero na may area code ng isang land line na nakabilog ng ballpen. "Akala ko noong una ay pagkakamali lang sa panig ng network provider, pero ng tawagan ko ito ay nakumpirma ko na sa Bulacan nga iyan at malapit lang ang address niyan sa lugar kung saan ipinanganak ang asawa ko."
Kinuha ni Glenn ang cellphone at idinial ang numero. Ini-on niya ang speaker phone para marinig ni Louie iyon. Hanggang sa maputol ang linya ay walang sumasagot.
"Nakalimutan kong sabihin na nagbakasyon pala ang may-ari ng pet-shop na iyan at sarado ito ngayon. Kaya siguro walang sumasagot. Napa-iling siya sa narinig. Mukhang absent-minded na talaga itong si Louie dala ng pag-aalala sa misis.
"Anong pangalan ng pet-shop na ito?"
"Paws and Tails."
"Sige Mr. Delos Reyes, tatanggapin ko ang kaso mo."
Kumuha siya ng form at pina-fill up ito kay Louie. Pagkatapos ay kinuha niya ang impormasyon ni Cathy Delos Reyes. 5' 4" ang taas. Maputi. Kulay tsokolate ang buhok at mata. May peklat sa kaliwang braso na kasing-laki ng piso. Edad bente-sais."
Ang tanging alam lang ni Louie sa asawa ay ulila na ito. Nagkatagpo sila sa isang bangko sa Espana kung saan depositor ang una. Nagkahulihan ng loob at nagpakasal. Nag-aral daw si Cathy sa Bulacan State University pero hindi sinabi kung nakapagtapos ito. Nang magpakasal ay nanirahan sa sila sa isang marangyang lugar sa Dapitan, Manila.
Walang ibang pinagkakaabalahan ang babae kung hindi ang ballroom dancing. Nasa bahay lamang ito at hindi na nagpatuloy pang magtrabaho pagkatapos manganak. Isinulat niya ang mga credit card numbers ng mga Delos Reyes, partikular na ang extension cards ni Cathy. Although duda siya na gagamitin nito iyon ay nagbakasakali pa rin siya. Ibibigay niya iyon sa kakilalang kayang mag-trace ng mga ginagamit na credit cards.
"May sasakyan ba siyang dala?" tanong niya kapagkuwan kay Louie.
"Ginamit niya iyon hanggang doon sa bangko namin pero iniwan na rin niya sa parking lot. Nagpahatid daw ito sa terminal sa may Doroteo Jose ayon sa inupahan kong detective." nadulas na sabi nito.
"Sandali? May nakuha na kayong investigator?" maang na tanong niya.
Isang lalaking nagngangalang Michael Nagpala ang unang kinuha ng mga ito. Pero hindi raw magaling ito ayon kay Louie habang inaabot sa kanya ang report ni Nagpala mula sa folder nito. Iniscan niya agad iyon.
Ayon sa report. Pagkatapos na limasin ang bank account ay tumawag ito sa D & E taxi company saka nagpahatid sa D. Jose terminal. Nag-match ang description ng driver sa isang maputing babae na kulay brown ang buhok at may dalang malalaking bag at suitcase.
Mukhang ang sinasabing unsatisfactory na report ni Nagpala ay isang napakagandang simula na para sa isang araw ng paghahanap. Magaling ang detective na ito kaya bakit ito tinanggal ni Louie? Siguro ang ilang bagay na hindi pa rin tumutugma sa biglaang pagkawala ng asawa nito ang nagtulak para tanggalin ang serbisyo nito.
Malapit lang ang tinutuluyan niotng bahay sa kanya kaya sinabi niyang pupuntahan na lamang niya ulit ito. Nag-iwan ito ng limang-libo sa lamesa niya para sa paunang bayad. Binigyan niya ito ng resibo at sinabing kung sakaling magkukulang ay aabonohan na muna niya. Pagka-alis nito ay nilagay na niya ang file ni Cathy Delos Reyes sa kanyang drawer at tinungo ang address ni Nagpala.
Habang daan ay iniisip niya kung paano napunta sa kanya si Louie Delos Reyes. Nakalimutan niyang itanong iyon sa lalaki. Sa naisip ay tinawagan niya ang MPD Station Five para kumpirmahin ang hinala. He asked for the Homicide Section asking for Sgt. Emil Caleon.
"Salamat sa kliyente Emil, sana ay hindi ka na nag-abala pa." matabang niyang sabi ng marinig ito sa linya.
"Walang anuman. So, nagpunta na pala sa iyo si Louie. Kailangan mo siya para patuloy kang may kainin." maanghang na sagot nito.
"Hindi ko kailangan ng awa mo!" naiinis na sabi niya. Emil was his boyfriend for three years. It was a secret relationship for they were both in service by that time. Until one day, he caught him screwing another man inside his apartments' room. Hindi niya iyon ipinaalam dito. He just broke up with him that same unfortunate day.
"Hindi ba? Aminin mo, bagay sayo ang kaso. Isang babaeng nang-iiwan ng asawa ng walang dahilan." halata ang galit sa boses nito.
"Its for the best Emil. Don't dwell on the past okay?"
"So you tell me. Although iyang kaso na iyan ay para patuloy mong suportahan ang sarili pagkatapos mong umalis sa serbisyo."
"Tatanawin kong malaking utang na loob ito Emil." he said sarcastically.
"So, anong alam mo sa kaso?" pagpapatuloy niya.
"Nothing much to tell. He checked the Missing Persons of our department to see if there are any Jane Does that matches the description of his wife." Ang ilan sa mga sinabi ni Emil sa kanya ngayon ay tugma sa mga impormasyong sinabi ni Louie sa kanya kanina.
"Alam ko kung bakit sa akin mo siya pinapunta Emil. You don't think I'd find his wife." mas sa deklarasyon kaysa tanong na sabi niya.
"Isang kaso ng nag-alsa balutan na asawa, iniwan ang anak at may posibilidad na hindi na magbabalik pa. Iyan ang mga kasong gusto ninyong mga private investigators di ba? Ang kasong ito ay gusto mo. At alam kong susubukan mong lutasin ito." halata ang sarkasmo sa boses nito.
"Sinabi mo pa."
Pagkasabi noon ay binabaan niya na ito ng telepono. Ang pagpapapunta kay Louie sa kanya ay ang paraan ni Emil para asarin siya. Isang disimuladong paraan para sabihin sa kanya kung ano ang tingin nito sa mga private investigators lalo na sa kanya. Ang masama pa nito, parehas ang mga conclusions nila sa kasong ito.
Naiinis nagpatuloy siya sa pagmamaneho at tinungo ang opisina ng unang detective na kinausap ng mga Delos Reyes. Habang nasa daan ay ipinadala na niya ang file ni Cathy Delos Reyes sa kakilala niyang si Jerick na magaling sa pagre-retrieve ng data at pagha-hack ng iba't-ibang system. Nasa may bandang Sta. Mesa lang ito. Malapit sa SM. Natagpuan niya ang sariling nakatingala sa isang lumang gusali sa parteng iyon ng Sta. Mesa. Nasa ikatlong palapag ang opisina ni Nagpala at kailangan niya itong makausap. Duda niya na itinigil na nito ang pag-iimbestiga.
Kumatok siya sa pintuan ng opisina ng pakay niya. Walang sumasagot pero ng ilapat niya ang tainga sa pinto ay narinig niya ang mahinang tunog ng TV. May mahinang yabag din na palapit sa mismong pintuan. Agad siyang umayos at akmang kakatok ng bumukas iyon ng bahagya.
"Michael Nagpala?" tanong niya.
Nagtaas ng kilay ang naka-bonet na lalaki. Dumampi sa kanya ang malamig na temperatura sa loob ng kwarto.
"Anong kailangan mo sa kanya?" skeptical na tanong nito.
"Ako si Glenn Martin ng Martin Detective Agency. Narito ako para kumpirmahin ang ilang bagay tungkol sa kaso na hinawakan mo kamakailan lang. Yung kaso ni Cathy Delos Reyes. The missing wife."
Nanlaki ang mata nito at isinara ang pinto. Akala niya ay pinagsarhan na siya nito iyon pala ay tinanggal lang nito ang chain lock para makapasok siya ng tuluyan.
Maayos ang opisina. Bagamat ang amoy ng paligid ay parang sa isang gubat. Malinis naman ang paligid. Inanyayahan siya nito na umupo. Pinagmasdan niya ang lalaki. Hindi mukhang detective. Mas bagay na office boy ito. Ang suot nitong damit ay katulad ng sa mga yuppies na gumagala sa Makati. Moreno at may malaki-laking pangangatawan.
"Ikaw pala ang bagong may hawak ng kaso. So far ano ng nalaman mo?" tanong nito.
"Ipinadala ko na sa mga kakilala ko ang file para i-check ang kapanganakan ng biktima. Sa mga oras na ito, maaaring may resulta na. Pero simula pa lang iyon. Sabihin mo nga, ano pa ang nalaman mo sa kasong ito? Hindi ako naniniwalang itinigil mo na ang paghahanap kay Mrs. Delos Reyes ng ganun-ganun na lang."
Naningkit ang mata ni Michael pero hindi sa galit kung hindi sa pagkaaliw. Bigla itong tumayo at tumabi sa kanya sa sofa. Napa-usog siya dahil bigla na lamang nitong nilapit ang mukha sa kanya.
"Sabi na nga ba. Parehas tayo." nakangiting sabi nito.
Napamaang siya sa sinabi nito. Katulad? Ibig sabihin?
"Tama ang iniisip mo." sabi nito waring nabasa ang isip niya. Napailing na lang si Glenn. "Nang alisin sa akin ang kaso, nagtaka ako kasi maganda ang resulta ng una kong imbestigasyon. Papunta na sana ako sa munisipyo ng San Jose Del Monte ng harangin ito ng nakatatandang Delos Reyes." wika ni Michael habang inaayos ang upo at nagdekwatro pa.
Nag-alis siya ng bara sa lalamunan at umayos ng upo. Umisod siya ng konti palayo rito. Mukhang magagamit niya nga ang impormasyon mula rito pero ayaw niya ng komplikasyon sa pamamagitan ng pagpatol sa subtle na paglalandi nito.
"Ang nakatatandang Delos Reyes na ito ay ang tatay ni Louie, tama ba?" sambit niya.
Tumango ito. Patay-malisya naman itong umusog na kaunti palapit sa kanya. "Mukhang ayaw ng tatay niya na makita pa si Cathy. Kaya kung ako sa'yo, try your best para huwag malaman ng matanda na hinahanap mo ang asawa ng anak niya."
Nailing na lang siya sa nalaman. Sa sinabi nito, mukhang mayroon na siyang suspek sa pagkawala ng asawa ni Louie. Maaaring ang babae ay tinakot para makuhang umalis ng walang paalam. Pero napakababaw ng dahilan na iyon.
Nagitla siya ng maramdaman ang kamay ni Michael sa hita niya. Marahang pumipisil. Aminado siya na ang tipo ni Michael ang gusto niya. Matangkad, maganda ang pangangatawan, moreno at may pagka-singkit. The same features of his bastard ex. Sa naisip ay agad siyang tumayo at parang nanghihinang napahilot siya ng batok.
"Why?" Michael asked.
"No. Nothing."
"Huwag mo na akong lokohin. Alam ko namang naaasiwa ka sa ginawa ko. Tell me, don't you want me too?" nanghahamong sabi nito.
"All right, maybe I'm attracted to you too, but I just can't go here and have sex with you. Nasa gitna ako ng pagtatanong sa'yo."
"Geez, and here I thought you want me just the same. Yun pala something's been holding you back. If its the case of the missing wife, I'll tell you everything I know and I've found out. Pero sa isang kondisyon..." pabitin nitong sabi.
"What condition?"
"That I'll be with you every step of the case." nakangiti nitong sabi.
Pwede siyang umalis na lang at iwan ito pero his mind is telling him not to let go of the opportunity of having a very hot guy to help with his investigation. Isa pa, mukhang malaking tulong si Michael sa kanya. Sabi nga nila, two-heads are better than one.
Tinitigan niya ito. Alam niyang wala siyang panalo dito. Mukha kasing makulit ang isang ito at talagang hindi siya tatantanan. Wala rin siya sa mood makipagkulitan. Umupo ulit siya. "Sige. Payag ako. Ngayon, sabihin mo kung ano ang mga nalaman mo pagkatapos kang tanggalin ng matandang Delos Reyes."
"Hmm... Kiss muna." nakakaloko pa itong kumindat.
Inumang niya ang kamao dito na ikinatawa lang nito. "Sige na Michael. Sabihin mo na ang lahat ng alam mo. Mamaya ka na mangulit."
"Promise yan ha?" sambit itong tila na-excite bigla magkwento. Napatirik na lang ang mata niya sa kunsumisyon.
"Okay. Nang mag-report ako kay Louie noong Miyerkules ay nandoon ang tatay niya. Si Don Facundo Delos Reyes. Napakatapang ng mukha at mukhang di gagawa ng maganda. Inilahad ko yung nalaman ko at yung mga ebidensiya na totoo ang sinasabi ko kay Louie. Mukha namang nagustuhan niya, pero ng sinabi ko ng pupunta ako sa munisipyo ng San Jose Del Monte ay sinabihan niya akong tapos na raw ang trabaho ko at hindi na nila ipapahanap si Cathy." tumayo muna ito at kinuha ang burger na nasa center table nito at kinagatan iyon.
"Nagtaka man ako eh wala naman akong magawa kasi ayaw na nga nila. Pero siyempre, call it instinct. May nakakaduda sa biglaang pagpapatanggal sa akin diba? So ginawa ko pa rin ang gusto ko. Nang i-tsek ko ang records ng munisipyo about sa isang Cathy Garcia na maiden name nito ay wala akong nakita. Pinalawak ko na ang paghahanap ko pati sa ibang year kasi baka nagkamali lang ang records pêro wala talaga. Ngayon, dalawang bagay lang ang napagtuunan ko ng pansin."
"Ano yun?" puno ng antisipasyon na tanong ni Glenn kay Michael.
"Una, hindi totoong Cathy Garcia ang pangalan niya. Pangalawa, maaaring hindi siya doon sa San Jose Del Monte ipinanganak."
Iyon din ang naisip niya pagkarinig ng sinabi nito. Pero and duda niya kung nagpalit man ito ng pangalan ay maaaring hindi rin ito lumayo sa tunay nitong pangalan. Tinawagan niya si Jerick at tinanong kung may nakuha na mula sa archives ng SJDM, Bulacan.
"Pare, malabo ang pinapahanap mo." bungad nito. "Pero huwag kang mag-alala, naisip kong maaaring hindi niya tunay na pangalan ang hinahanap natin. Kaya naman, sinabihan ko na ang mga nasa records na hanapin ang mga may pangalang Cathy, Catherine, Catharina at ang mga may apelyidong Garcillas, Garci, Gracia na tutugma sa date of birth ng hinahanap natin."
Napailing na lang siya bago sumagot. "Ibang klase talaga kayong mga taga Task Force Enigma. Wala talaga ako sa level niyo."
"Hindi naman. Simple lang namana ng pinagagawa mo. Saka walang kaso iyon, wala naman di akong ginagawa." pahumble na sagot ni Jerick.
"Sige pare, tawagan ulit kita kapag may resulta na."
"Ako na tatawag sa'yo. Update kita every fifteen minutes."
"Salamat. teka pare, isa pang pabor."
"Ano yun?"
"Paki-check sa Fictitious Business Names ang "Paws and Tails" na nasa lugar na ding iyan. Nasa billing statement iyan ng biktima. Baka may makuha tayong lead sa may-ari."
"Okay. Sa San Jose rin ito?"
"Oo pare."
"Sige. Tawag ulit ako."
Nang mawala sa linya si Jerick ay nabungaran naman niya ang kunot-noong si Michael. "Bakit?" ngtatakang tanong niya.
"Wala!" pabalang na sagot nito.
"Wala eh nakasinghal ka diyan. Anong problema mo?"
"Ako ang kasama mo kung sino-sino nilalandi mo sa telepono."
Literal na napanganga siya sa narinig mula rito. Anong kabaliwan ang pinagsasasabi nito? Mag-boyfriend ba sila?
"Alam mo. Ikain mo na lang iyan. Kung anu-ano kasi sinasabi mo." naiinis na rin n iyang sabi.
Napabuntong-hininga ito ng malakas. Nagulat pa siya ng hilahin nito ang braso niya at yakapin siya ng mahigpit. Kakalas sana siya ng magsalita ito.
"Sorry na. Hindi ko alam kung bakit pero ng makita kita kanina alam ko, nahulog na ang loob ko sa'yo. Call it crazy but that's how I felt. Kung hindi mo mamasamain, pwede bang subukan natin na maging tayo?" wika ni Michael sa gilid ng kanyang batok.
Nanayo ang mga balahibo niya sa rebelasyon nito. Hindi niya akalaing may ganitong klaseng lalaki na magsasabi agad sa kanya na gusto siya nito.
"Michael..."
"Misef na lang. Pinaikling Michael Joseph na pangalan ko. "F" yung dulo ha." sabi pa rin nitong nakayakap sa kanya.
He chuckled sa parang batang akto nito. "Okay Misef with an "F". Pwedeng bitiwan mo muna ako?"
"So-sorry." nahihiyang sabi nito.
"All right. Uulitin ko. Attracted din ako sa'yo. Pero pwede bang huwag muna tayong mag-commit sa isa't-isa? Pwede naman nating tingnan muna kung saan tayo dadalhin ng nararamdaman natin. Can't we just get to know each other more than jumping into a relationship na walang basehan at walang pundasyon?"
"Sounds fair." sagot lang nito sa mahabang sinabi niya.
"Now. Let's plan kung saan tayo pwedeng magsimula kapag tumawag na ulit si Jerick."
Parang bata lang itong lumabi saka ngumiti ng matamis. His chinky eyes held captive of his breath for a while. Nang-eengganyo rina ng mapupulang labi ni Misef. Kapag hindi siya nakapagpigil ay baka mahalikan na lang niya itong bigla.
"Pero I get to kiss you sana every time I wanted to." waring nabasa pa nito ang iniisip niya.
Hindi na siya hinintay nito na sumagot. Tinawid na lang nitong bigla ang distansiya sa pagitan ng mga mukha nila. Parang bumaligtad ang mundo niya sa paglalapat ng kanilang mga labi. Hindi siya makapaniwalang may kakayahan siyang makadama ng ganoong pakiramdam ng dahil lang sa pakikipaghalikan niya kay Misef.
His tongue delved deeper. Urging him to respond. Misef's evasive lips sucked and his teeth teased the softness of his lips. He was afraid it would swell after that earth-shattering kiss. Finally, their tongues intertwined. He felt as if he was blown by a strong wind. He clung to his broad shoulders as Misef rammed him to his hard body. Ignited by the fire that Misef started, Glenn's hands reached for the pleasure points. He wanted him like hell. He would want to savor every minute of his lovemakings. The sensation was slowly killing him he felt he needed a respirator just so he could breath without taking his mouth off Misef's.
What seemed like an eternity of kissing was abruptly ended by the ringing of his phone. He groaned in frustration. Misef's bonnet was now on the floor revealing a not so long-hair cut in a very stylish way. Tipong pang-koreanovela. Bumagay sa chinito features nito.
Tiningnan niya ang cellphone. It was Jerick. Mas maaga sa inaasahan niyang oras ng tawag nito. Ewan niya kung ipagpapasalamat ba niya o ikaiinis ang ginawa nito. Tinapunan niya ng tingin ang humihingal pa rin na si Misef. Namumula ang bahagi ng labi nito. Duda niya ay siya rin. Para kasing mauubusan sila pareho kung makasibasib sa labi ng isa't-isa.
Kinalma niya ang sarili at sinagot ang aparato.
"Pare." sabi niya.
"Guess what. I have run into some names na pwedeng magkaroon ng connection or malapit sa Cathy Garcia. Nakakuha ako ng tatlong malalapit dito. Isang Cathy Gracia, Catarina Garci at Catherine Garcillas. Pare-parehong naging estudyante ng BSU at kasing-edad ng hinahanap natin. Wala lang akong pictures na nakuha pero I have their addresses." mahabang paliwanag ni Jerick.
"Napakagaling mo talaga pare. Sige, ipaki-padala na lang yung file sa PDA ko para mabasa ko na at mapuntahan. How about yung tungkol sa Paws and Tails.?"
"Iyon na nga pare. Hindi mo na marahil kailangang maghula sa tatlo."
"Anong ibig mong sabihin?"
"Ang Paws and Tails ay pag-aari ng isang Romulo Garci. Mukhang kamag-anak ito ni Catarina Garci. At siya ang hinahanap mo kung hindi ako nagkakamali."
Para siyang nabunutan ng tinik sa narinig. May lead na sila sa kaso ng nawawalang misis. "Salamat 'tol. Anytime na kailngan mo ng tulong nandito lang ako." sabi niya kay Jerick.
"Walang anuman pare. Sige na. Kayang-kaya mo na yan. Kung kailangan mo ng back-up naririto lang kaming mga taga TFE."
"Sige. Hindi ko tatanggihan iyan. Pero kapag napa-trobol na."
"Shoot!" paalam ni Jerick sa kanya.
Kasabay ng pagkaputol ng linya ay ang pagilaw ng PDA niya tanda ng may isang mensahe siyang natanggap. Nang sipatin niya iyon ay ang file ng tatlong babae pero naka-specify ang isang nagngangalang Catarina Garci. The name sounds familiar. May kung anong imahe ang nabuo sa kanyang isip habang inaalala kung saan niya narinig ang pangalan ng babae.
Hindi niya namalayan sa sobrang pag-iisip ang paglapit ni Misef sa kanya. Muling lumapat ang kamay nito sa hita niya.
"So saan tayo magsisimula? Mukhang magaling yang Jerick na yan sa pagkalap ng impormasyon ah?" halata ang selos sa sinabi nito.
Napangiti siya. "Huwag kang mag-alala. Marami lang gadget iyon at galamay. Iyon kasi talaga ang gawain niya. Pero kung sa galing din naman, alama kong hindi tayo pahuhuli sa kanya."
"Oo naman. Henyo yata ito." ani Misef na nag-flex pa ng muscle sa harap niya.
"Tukmol! Ang utak ba nasa mga muscle na?" natatawang sabi niya.
"Sira! Nagpapa-cute lang ako ayaw mo pa akong pagbigyan!" nakasimangot na sabi nito. Pinanggigilan na lang niya ang pisngi nito at saka ito niyayang lumabas na ng opisina. Kailangan nilang magmadali. Sa kutob niya, mukhang ang kasong ito ay higit pa sa inaasahan niya.
Nasa tapat sila ng Paws and Tails ng gabing iyon. Pero tulad ng inaasahan ay nakasarado ang shop. Naroroon sila ngayon sa Dela Costa Homes. Nagkunwari siyang papunta doon at pasimpleng sinilip ang loob ng shop mula sa bintanang salamin. Busy siya sa pagsipat ng may magtanong sa kanyang isang babae sa katabing establishment.
"I'm looking fo Romulo Garci. Is this his shop?" pagpapanggap pa niya.
"The shop was closed for quite some time. I don't know where he is. Why are you looking for him anyway?" nagdududang tanong nito.
"Oh, I'm his friend. I happened to be near this area that's why I thought I would pay him a visit. I didn't know that his shop was closed."
Mukha namang nakumbinsi ito at hindi na nagtanong pa. Ngayon ang kailangan niyang malaman ay ang address sa bahay ni Romulo Garci. Ang sabi ay malapit lang pinagpanganakan kay Cathy Garcia Delos Reyes o mas tamang sabihing Catarina Garci. Nagmamadaling bumalik siya sa kotse kung saan si Misef ang nagmamaneho.
"Anong balita?" tanong nito.
"Sarado eh. Hindi rin alam ng katabing store kung nasaan siya ngayon. I guess I have to ask Jerick again kung saan ang address ni Romulo, pati na rin yung place of Birth ni Catarina Garci."
Tumango lang ito sa sinabi niya. Sumama na naman ang timpla ng banggitin niya si Jerick. Sa tuwa niya ng makitang nagseselos na naman ito ay niyuko niya ito mula sa labas ng kotse ang ninakawan ng halik sa pisngi. Nagulat man ito ay iglap namang napalitan iyon ng malaking ngiti.
"Nagnanakaw ka ng halik ha. Sige." malanding banta nito.
Kumindat lang siya at itinuloy ang pagtawag niya kay Jerick. Sumagot naman agad ito at natuwa pa ng sabihin niya ang pakay.
"I thought you'd never ask. Actually, inalam ko na rin ang mga iyan. At ayon sa records, nandiyan lang din sa loob ng Dela Costa ang bahay ng mga magulang ni Catarina. Pero wala na itong parents. Ang tanging kasama lang nito sa bahay ay ang kanyang kapatid na babae. Si Romulo naman ay nasa phase five ang bahay. Si Catarina ay nasa phase one. Blk. 25 Lot 29. Puntahan niyo na rin habang nandiyan pa kayo."
"Ang laking tulong mo talaga pare. Sige. Tatawag ulit ako kung meron akong kakailanganin pa. Sasamantalahin ko na ang kabaitan mo." natutuwang sabi niya.
"Ulol. Basta ba paiinumin mo ako. Walang problema." tumatawa ring saad nito sa kabilang linya.
"Yun lang pala eh. Sige. Mangha-hunting na ako pare."
Pinatay na niya ang telepono at sinabi kay Misef ang pupuntahan nilang lugar. Madali naman silang nakapagtanong ng direksiyon kaya nakita nila agad ang pakay nila. Isang semi-bungalow house iyon na napapaligiran ng makakapal na halaman.
Nakapatay ang ilaw sa buong kabahayan senyales na walang tao. Nagmasid lang sila at pinatay ang makina ng kotse. Kung totoong doon nakatira ang kapatid ni Cathy or Catarina ay malamang na galing iyon sa trabaho kaya wala pa.
Ilang saglit pa at may humintong taxi sa harap ng bahay na minamanmanan nila. Mabuti at tinted ang sasakyan niya kaya hindi sila kita ni Misef. Nakilala niya agad ang babaeng bumaba ng taxi. Napaka-sexy nito sa suot na tube top. Parang sapat lang para takpan ang dibdib nito sa suot na damit. Ang pang-ibaba ay isang maiksing-maiksing shorts na hapit dito at talaga namang halos wala na ring tinakpan. Mga nasa tatlong pulgada lang din marahil iyon. Napalunok siya sa magandang tanawin. Narinig naman niya ang pagtikhim ni Misef.
"Baka matunaw yang magandang si Miss." sarkastikong sabi nito.
"Ito naman. May mata ako. Nag-aapreciate lang ng view." nakakaloko niyang sagot.
"Ewan. Bababa na ba tayo o feel mo pang titigan iyan hanggang makapasok na."
"Bakit ba ang sungit mo?" tanong niya rito.
"Bakit ba ang sungit mo?" Misef said mimicking his words.
"Ay di bagay."
"Ay di bagay."
"Iki-kiss ko yan."
"Iki-ki..." hindi na nito natuloy pa ang panggagaya pa sana dahil hinalikan na niya ito ng isang mamasa-masang halik. Pinutol niya iyon kaagad kaya nakita pa niya ang reaksiyon nito na tila nabigla. Kinurot niya ang pisngi nito at pinaggigilan.
"Aray!" tapik nito sa talipandas niyang kamay.
"Ang cute mo kasi eh."
"Ang cute mo kasi eh." panggagaya ulit nito.
"Uy guto ulit maka-isa." tudyo niya.
Namula naman ito at hindi na nagsalita. Sa halip bumaba na ng sasakyan kaya napilitan na rin siyang lumabas. Hinahanda niya ang sarili sa pagpasok ng magsalita si Misef.
"Ano kaya ang malalaman natin dito?"
"Ewan ko."
"Pero sigurado akong magiging mas interesante ang kasong ito."
"Sinabi mo pa."
Nagpasya silang kumatok. Ilang sandali pa at lumabas ulit ang babaeng kinulang sa tela ang damit. Bakas man ang pagtataka sa mukha ay hindi itinago ang interes sa kanilang dalawa. Lalong lumagkit ang tingin nito sa kanila partikular na kay Misef ng makalapit na.
"Anong kailangan nila?" malanding sabi pa nito.
Muntik na siyang matawa sa hitsura nitong parang naglalanding pusa. Panay ang liyad para i-emphasis ang mayamang dibdib. Panis si Betty Boop dito pag nagkataon.
"Ah miss. Ako si Misef at ito naman si Glenn. Mga imbestigadot kami. May itatanong lang kami sayo tungkol sa pagkawala ng kapatid mong si Catarina Garci." ani Misef ng mahalatang ito ang kursunada ng babae.
Iglap na tumalim ang mata ng babaeng kausap ng marinig ang pangalang binanggit nila pero agad ding nawala. Nagduda pa nga siya kung talagang nakita niya iyon. Napalitan naman ng matamis na ngiti ang mukha ng babae at pinatuloy na silang dalawa.
Nang makapasok sa loob ay agad niyang nakita ang isang malaking bagay na mukhang nakahambalang lang sa isang sulok. May malansa rin siyang naaamoy mula sa isang panig ng bahay. Inihanda niya ang wire ng secret micro-camcorder niya.
"Maupo kayo." alok nito.
Naupo sila ng magkatabi. Sa isang mabilis na kilos naman ay agad na nakatabi na ang babae kay Misef. Nakita niya ang pagkabigla nito at ang halos pagkaduling dahil na rin sa halos isubsob na ng babae ang mukha ng mokong sa dibdib nito.
Nakadama man ng pagkainis ay mas lumamang ang pagkaaliw niya. Eksaheradong tumikhim siya para makuha ang atensiyon nito. "Ano nga pala ang pangalan mo Miss?"
"Ako si Cassandra Garci." sabi nitong ang atensiyon ay mabilis na ibinalik kay Misef.
Natawa siya ng kaunti ng makita na nanginig ang loko ng padaanan ng daliri ni Cassandra ang batok nito. Parang timang lang ang loko.
"Ah Miss Cassandra. Nagpunta ba dito ang kapatid mo? Nawawala kasi siya ayon sa mister nito. Napag-alaman din namin na nagpalit siya ng pangalan. Kaya kami nandito ay na-trace namin na dito kayo nakatirang magkapatid dati. " pagpapaliwanag pa niya.
"Hindi eh. Ang huling pagkikita namin ay noong dalawin ko siya sa ospital ng manganak siya."
Pumormal ito ng upo ng disimuladong lumayo si Misef dito. Waring na-gets na nitong hindi ito makaka-iskor sa kasama niya.
Sorry ka na lang! Nangingiting sabi niya sa isip.
"Kung ganoon, that was three years ago." pagkukumpirma niya.
Tumango ito. "Ano bang problema ng kapatid kong ito at naglaho na namang bigla." anito na mukhang nabigla rin sa sinabi.
"Anong ibig mong sabihin na naglaho na namang bigla? Hindi ba ito ang unang pagkakataon na bigla itong nawala?" tanong ni Glenn sa babaeng biglang namutla.
"Ahm, what I mean is, anong problema niya at bigla itong nawala?" halatang nagsisinungaling na sabi nito.
"Don't lie Miss Garci. Kapag napatunayan namin na may kinalaman ka sa pagkawala ng kapatid mo ay kasama ka sa kakasuhan ng batas."
Pinagpawisan ito ng buo-buo. Halata ang biglang pagiging uneasy. Kumibot-kibot ang labi na sa wari niya ay may gustong sabihin.
Naisip niyang i-bluff ito. Nag-isip siya ng maaaring itanong na pwede itong isali. Naalala niya ang pagpapanggap ng kapatid nito bilang isang ulila.
"Sinabi ng kapatid mo sa asawa niya na wala na siyang pamilya. Sa loob ng panahon na iyon ay ipinagpalagay kong wala siyang komunikasyon sa inyo. Pero sa sinabi mo kanina na dinalaw mo siya ay isang malaking kontradiksiyon sa mga napag-aralan kong ideya na posibleng dahilan kung bakit siya biglang nawala. Kung bakit siya nag-iba ng pangalan ay alam kong alam mo. Katulad ng alam kong dito siya nagtungo ng mawala siya. At alam ko na ang dahilan kung bakit siya nagtago. May annakot sa kanya." dire-diretso niyang sabi.
Walang masabi si Cassandra. Nanlalaki ang mata na nakatitig sa kanya. "Wa-wala kang ebidensiya na totoo ang mga sinasabi mo. Paanong pupunta si Cathy dito eh galit nga siya sa akin." natataranta pang saad nito.
"Sinungaling. Nagpunta dito si Cathy. Maaaring iniwan niya lang ang gamit niya at lumayo na. Saka kilala na kita, ikaw ang napabalitang model na nalululong sa sugal ayon sa isang magazine. Hula ko, patay na ang kapatid mo. At ang ebidensiya ko na nagpunta siya rito ay ang suitcase na iyan."
Saka niya itinuro ang unang bagay na napansin niya pagpasok ng bahay nito. "At ang malansang naaamoy ko ay ang katawan ng kapatid mo na nakatago lang sa isang panig ng bahay na ito!"
Lalong nawalan ito ng kulay. Tumayo naman siya at binuksan ang suitcase na nakita. Naroroon nga ang mga gamit na pambabae. Wala ang mga ID pero nakita niya ang isang pamilyar na damit na naroroon. Ang suot-suot nitong blouse sa picture na ipinakita sa kanya.
"Posasan mo na iyan Misef bago pa makatakas. Pasensiya na Cassandra kung kailangan naming gawin ito pero may mga karapatan ka pa rin naman sa batas. Huwag kang mag-alala. Tatawag na kami ng pulis." wika niya sa babaeng humahagulgol na.
Umayos ito ng upo at saka kinalma ang sarili. "Hindi pa patay si Cathy. Totoo, iniwan lang niya ang gamit niya rito. Pero ang patayin siya ay hindi ko magagawa. Halos parehas lang kami ng pirma. Kaunting strokes lang ang diperensiya kaya pwede ko itong gayahin. But as you see, intact ang gamit niya diyan pati na ang bankbook niya sa tunay na pangalan. Umalis siya dahil... dahil... napatay niya si Tiyo Romulo. Ang hayop na matandang iyon. Ng mabalitaan na nakauwi na si Cathy dito ay muli siyang pinagtangkaang halayin. Nagawa na niya iyon dati sa kapatid ko kaya napilitan itong magtago sa takot niya sa tiyuhin namin. Iyon din ang nagtulak sa kanyang magpalit ng pangalan. Pero from time to time ay kinokontak ko siya. Na naging sanhi ng pagkakagalit namin dahil nabuking ng matandang Delos Reyes ang pagpapanggap niyang ulila. He resented her sa simula pa lang. Wala kaming magawa kung hindi ang sumunod sa gusto nito. Pinlano na talaga namin ang pag-iiwan kay Louie pero dahil gipit ako, napilitan si Cathy na kunin ang pera nilang mag-asawa para makabayad ako sa mga utang ko sa sugal."
Nalula siya sa rebelasyon ni Cassandra. Maging si Misef ay hindi makapagsalita. Kung ganoon ay tama siya na hindi ito simpleng pagkawala lang ng isang maybahay. Mas kumplikado pa ito sa iniisip niya. Ang dami palang involved.
"Nasaan ang katawan ng tiyuhin mo?" aniya ng makabawi sa pagkabigla.
"Nasa itaas. Hindi ko alam ang gagawin ko sa kanya. Pumunta lang ako para kunin ang gamit ni ate at ihatid iyon sa asawa nito. Nako-konsensiya na rin ako sa ginagawa namin. Pati na rin ang pera nila ni Louie ay isosoli ko. Kaso ay dumating kayo. Pinatuloy ko kayo kasi tingin ko matutulungan niyo ako. Dama kong matutulungan niyo kami ng ate ko."
Tumango siya kay Misef. Tumawag na ito ng pulis. Ginagap naman nito ang kamay ni Cassandra. "Kaming bahala sa'yo. Salamat sa tiwala Cassandra."
"Ako ang dapat magpasalamat. Hindi niyo alam kung gaano ako nabunutan ng tinik. Kailangan na lang na makita natin si Ate Cathy." umiiyak pa rin nitong sabi.
Pagdating ng mga pulis at SOCO ay kaagad na inasikaso ang bangkay ni Romulo Garci. Si Cassandra naman ay inimbitahan sa presinto para sa iba pang detalye. Ipinaalam din niya ang pagkaka-record niya ng mga pag-uusap. Ipinangako niyang magpapadala ng kopya sa mga ito. Hindi pa tapos ang kaso. Kailangan pa nilang makita si Catarina.
Inakbayan siya ni Misef pagkalabas nila ng bahay na iyon. Kapwa sila pagod na pagod at nagpasyang humanap ng matutuluyan. Habang nasa kwarto ng isang motel ay tumawag sa kanila si Jerick.
"Pare!" Bati niya.
"Ano ng nangyari? May ibabalita sana ako pero balitaan mo muna ako ng pangyayari diyan."
"Hanep ka talaga pare. Para ka lang bugging device." natatawa niyang sabi.
"Sige na. Kwento na." pagiignora nito sa sinabi niya.
Naikwento niya ang mga pangyayari. Hindi ito makapaniwala pagkatapos. Pero parang hindi na rin nagulat ang tinig. In fact mas nagulat siya sa sinabi nito. Nang makasigurong hindi ito nagbibiro ay tinapos na niya ang tawag.
Napapantastikuhan naman si Misef na tumingin sa kanya na ngayon ay preskong nakahiga sa kama at naka-boxers lang. Agad na nag-init ang pakiramdam niya sa nakita.
Napalitan naman ng nanunuksong tingin ang ekspresyon nito. Pasimple pa nitong hinimas ang bukol na iyon sa pagitan ng mga hita nito. Napalunok siya sa hayagang panunukso nito. Pero siyempre, gusto rin niya iyon. Kailangan lang ng kaunting persuasion sa panig nito.
"Like what you see?" nakangising tanong nito.
"Ten minutes ago pa!" natatawang sambit niya.
Kinuyumos siya nito ng halik pagkasampa niya sa kama. Nagbabaga ang bawat dampi ng labi nila sa katawan ng isa't-isa. Nasa kalagitnaan na siya ng nakamamatay na sensasyon ng tumigil ito at magsalita.
"Ano nga pa lang sabi ni Jerick?" hinihingal na sambit nito habang tinatanggal ang pantalon niya.
"Baliw! Hayaan mo na yun!" sabi niyang hinahabol ang labi nito.
Impit na ungol ang itinugon nito sa ginawa niya. Hinaplos niya ang matigas na parteng iyon at para itong sugatang hayop sa gubat na nagpakawala ng halinghing.
"Sa-sabihin mo na." Misef in his rugged breathing while paying homage to his nipples.
He clutched the bedsheet. As if it was his lifeline. Another tingling sensation na na-experience niya ng wala pang 24 hours kasama si Misef. Glenn could not believe the novelty of it but he was damned sure he's not letting go of this feelings only Misef evoked from him.
"Ang kulit mo!" anas niya.
"Sige na." anitong itinigil ang ginagawa at akmang lalayo.
Glenn though he'd die kapag nawala ito sa tabi niya kaya sinabi na rin niya ang balita ni Jerick.
"Let's just say, tapos na ang kaso ng the missing wife. Okay?"
Misef grinned and lustfully stroked his manhood na hindi niya namalayang hawak na nito. Glenn on the other hand, well storking him playfully as well.
FIN
DISCLAIMER: Fall in Love with Dalisay blogsite does not own the picture above used as a poster. Any complaints about the ownership of the said photo will be acknowledge and the site is open to deleting it if necessary. :)
A compilation of my thoughts, dreams and fantasies. Stories that describes best my simple wishes in life. In addition to that, I asked friends to contribute their talents in this site where reality and fantasy are as one. Welcome to my site. Welcome to my heart. I am Dalisay.
11 comments:
waaaaa... galing galing talaga ni mama.
maski ako di ko nakayang bitawan kasi suspense kung ano ba tlganang nangyari sa missing wife na yan. pero parang di ko naintindihan kung asan ung cathy. teka balikan ko nga baka me namiss ako. hehehe
pero mama mas nawindang ako sa unang story u. maybe becoz me gulat factor un sa ending. maybe ako lang un ganun kasi masa ang datingan ko wala me alam sa technicalities ng mga story at kung ano-ano pa hehehe
pero pareho silang maganda kaso nga lang ung isa mas maigsi pero mas klaro, ito masyadong detalyado, sumakit ulo ko sa kaiisip din hehehe at saka ung isa ung tungkol sa pag iibigan maliwanag. pero tingin ko mama, mas mapipili to. ito ang klase ng mga kwentong nababagay ilibro kasi ndi sya ordinaryo.
kudos mama.
-Kearse
huh! ketsau ahhh... ang labo.... hehehe.. nd aq maxado nkarelate! sorry tlaga!... pero mukang maganda at scary un story ahh... is this is real ba? hahaaha
wahaha.! bitin ako diyan, pero kiver nalang.. nice one.. ganda ng story.. :D
Mom, asan na yung katuloy? Binitin mo ako.. Ahihihi... Nasa kasagsagan na ako nang biglang lumabas ang hate kong si FIN! LOL
Nice one mom! Ang galing2...
congrats Mama! I know u can also write detective story na me Action!...Suspense....
but with a little twist!!! mas gumanda...
...HoneyBun..
I can't take my eyes off the story. Nakapaloob sa kwento ang lahat ng emosyong pwede kong maramdaman. Ang galing mo talaga. :)
hehehe... nice.... as always Dalisay...what else do I expect from you but Perfect!
jayson
that was hot miss d!, it evokes romance, suspense and lust in one package, kaso binitn mo ko on the torrid scenes, hahahaha, just kidding, its really very good miss d (",)
mama d!
si cassandra si apple(mandarin)? tapos si catarina(cathy) si alex? ang galing!!!
connect connect ung mga story mo!!
IMBA!!
sayang medyo bitin ung kwento nina glenn at misef :))
congrats! mali po ung spelling ng graphics. :)
Thanks Josh, kahit medyo nabitin ka. ahihihi and silhouette, napansin mo iyon? and anonymous, anong graphics and na-misspelled nino? :)
Post a Comment