“Den tulog na tayo.”
“Sige.”
Nagpaalam na kami sa senior namin sa ER para umidlip dahil wala pa naman pasyente.
“Saan mo gusto pumwesto?” Tanong niya sa akin.
“Dun na lang siguro ako sa may edge nang foam.”
“Okay sige.”
Nilapat ko na ang aking pagod na katawan sa foam.
“Hala saglit naman Den. Wala pang cover yan eh.”
“Eh ano naman Jaylord. Pagod na ako, huwag ka na maarte.”
Narinig ko na lang ang paglabas niya nang treatment room kung nasaan ako. Maya-maya ay bumalik rin ito na may dalang sheet cover.
“Tayo ka na muna diyan Den. Latag ko lang ito. Saglit lang ito promise para naman masarap tulog natin.”
“May magagawa pa ba ako?” Sabay tayo.
Inayos na nga nito ang hihigaan naming dalawa.
“Teka, si Chicky hindi mo ba aayaing umidlip rin?” Tanong ko.
“No need guys, andito na ako.” Nasa likuran nap ala namin.
“Walastik ka rin eh ano. Hinintay mo pa kaming mag-ayos dito bago ka pumasok huh.”
Tawa lang ang isinukli nito.
Ako naman ay bumalik na sa pagkakahiga.
“Kuha muna ako nang tubig huh. Una ka na matulog huwag mo na akong hintayin.”
“As if!” Sagot ko.
Umalis na nga siya para pumunta sa may station. Pagbalik niya ay narinig kong sinabihan nito si Chicky na lumipat ng puwesto dahil gusto rin nito sa edge nang higaan. Pero sorry siya, ayaw ni Chicky kaya napilitan itong pumagitna sa amin.
Hindi pa rin ako dalawin ng antok pero nakapikit lang ako. Unusual lang hindi naman kami ganito ka-close ni Jaylord nung college, in fact, dito na lang rin kami nagkakilala nang maigi at nagkasama nang matagal. MAGKASAMA? Shit, katabi ko yung college crush ko sa bed.
Nagmumuni-muni pa ako nun ng maramdaman kong idinantay niya ang braso niya sa akin. Hindi ako makakilos. Gusto ko na rin siyang yakapin pero nanaig ang hiya ko sa katawan. Nagulat na lang ako nang tinanggal niya ang pagkakadantay niya sa akin dahil sa isang HOY na nanggaling mismo sa akin.
‘Tanga!’ Nasabi ko na lang sa sarili ko.
Tumalikod na ito sa akin. Natulog akong may panghihinayang.
5am na nang magising ako. Bubulyawan ko sana si Jaylord dahil sa hindi niya panggigising pero naalala ko yung nangyari kaninang madaling araw. Nabalot ako nang hiya at guilt. Wala na rin siya sa tabi ko nang mga oras na iyon.
Bumangon na ako at nagmumog.
Pagsilip ko sa labas ay masaya itong nakikipagkuwentuhan kay kuyang guard.
Ilang saglit pa ay may dumating na pasyente. Dahil sa kaming dalawa pa lang ang gising ay no choice kami kundi asikasuhin yung dumating.
Siya tagakuha nang details ng patient samantalang ako naman ang tagakuha nang vital signs (BP, pulse and respiratory rate, temperature). Hindi maiwasang magdikit ang mga balat namin at sa bawat dampi ay ramdam ko ang tensyong namamagitan sa amin.
Walang gustong umimik. Tahimik naming inasikaso ang patient.
---
Sa wakas out na rin. Inaya ko na si Chicky na umalis na.
“Si Jaylord hindi mo ba tatawagin?”
“Hindi na siya bata.”
Nagulat na lang ako na katabi ko na pala siya.
“Bakit hindi mo ako hinintay?”
Tiningnan ko lang siya.
Tahimik naming tinahak ang daan pauwi.
---
Pauwi ako nun galing Manila nang magkataextan kami.
Ako: hey musta?
Jaylord: okay naman. Ikaw?
A: im great. Pauwi na ako galing Manila.
J: abroad ka na? iiwan mo na ako?
A: adik much? Baliw! May inayos lang ako.
J:
A: ay ewan ko sayo.
J: iiwan mo na kasi ako.
A: pde ba yun?
J: bkit hindi eh hindi mo naman ako mahal.
Ano daw? Mahal? Mahal din ba niya ako?
A: huh?
J: wala
A: hoy umayos ka huh mamaya niyan maniwala ako mahalin na kita.
J: mahal mo ako?
A: ay hindi.
J:
A: bkt na naman?
J: wala.
A: fine.
J: hindi mo ba talaga ako mahal?
A: hindi. Crush lang kita.
J: seryoso?
A: ay hindi. Joke lang yun. Ewan ko sa’yo!
Dun ko lang nalaman na umamin na ako sa kanya.
J: bkt ako? marami pa naman na mas guwapo sakin dyan.
A: basta.
J: crush din kita.
A: wala namang gaguhan Jaylord.
J:
After ng nangyaring yun ay mas lalong naging madikit sa akin si Jaylord. Sa tuwing magkakasama kami nang duty ay extra care siya.
One time, nagkita kami sa Manila. Nagdate kami sa KFC along España Blvd sa tabi nang UST. Date? Oo kasi pumayag siyang lumabas kaming dalawa. Kaen, kuwentuhan, kulitan at tawanan ang pinaggagagawa naming dalawa dun.
“Crush mo ba talaga ako?”
“Oo.” Tugon ko.
“Okay.”
“Bakit?”
“Crush din kita.”
“Bakit?”
“Mabait ka kasi tsaka malambing.”
“Bf material ba ako?” Tanong ko.
“Oo.”
“So may pag-asa bang maging tayo?” Tanong ko ulit.
Ngumiti lang siya.
“Is that a yes?”
Biglang nag-iba expression mukha niya.
“Okay I understand.” Nalungkot na rin ako.
“Mahal na ata kita.”
“Ata? Dapat sigurado ka.”
Hindi siya umimik.
“Ah I see. May girlfriend ka nga pala. Sorry nakalimutan ko.”
Tahimik pa rin siya. Akma niyang hahawakan kamay ko pero iniurong ko ito.
“I have to go. Wala pa akong tulog.”
Sabay walk-out. Narinig ko ang pag-urong ng upuan niya.
Hinawakan niya braso ko.
“Usap naman tayo.”
“Wala na tayong pag-uusapan pa Jaylord.”
“Meron.”
“Ano? Yung girlfriend mo? Kung gaano mo siya kamahal? Letse, all this time pinaasa mo ako sa wala!” Mahina kong sumbat.
“Tayo. Kelangan nating pag-usapan tayo.”
“Let me remind you, walang tayo!”
“Listen Den please. Mahal na kita pero…”
“Kanina sabi mo mahal na ATA kita tapos ilang minutes lang sure ka na na mahal mo ako? Fuck you! Hindi ko kailangan ng awa mo.” Pagputol ko sa sinabi niya.
“Den naman. maniwala ka naman.”
“Maniniwala lang ako na seryoso ka dyan sa sinasabi mo pag sinabi mo sa girlfriend mo na nanglalandi ka nang lalaki behind her back.” Maanghang ko sagot rito.
“Hindi ko kailangang gawin yan. Mahal ko girlfriend ko!” Hindi na niya napigilang magtaas ng boses.
“Mahal mo siya tapos mahal mo ako? So ano ako, parausan?”
“That’s not what I meant.”
“Hindi ko sinabi sayo na mahalin mo rin ako at mas lalong hindi ko sinabing sakyan mo ang nararamdaman ko just to please me or just to boost your damn ego!”
“So hindi mo talaga ako mahal.” Malungkot na sabi nito.
Lumapit ako rito. I held his face.
“Mahal kita Jaylord pero wala akong mapapala sa katangahan ko sayo. You’ve already mastered the trick of being a paasa and I congratulate you for that. Bye.”
At tuluyan na akong tumalikod at lumayo sa kanya. Kasabay nang pagbaba ko sa overpass ay ang pagbaba rin ng mga luha ko.
Totoo. Umasa ako dahil binigyan niya ako nang assurance through his words and acts pero hindi matanggap ng pride ko na pinaasa ako.
Sumakay na ako nang jeep at kakalimutan ko na ang nangyari. Kakalimutan ko na siya.
A compilation of my thoughts, dreams and fantasies. Stories that describes best my simple wishes in life. In addition to that, I asked friends to contribute their talents in this site where reality and fantasy are as one. Welcome to my site. Welcome to my heart. I am Dalisay.
1 comment:
what a good work, pero sana may continuation.. :D kudos dehenxo
Post a Comment