Sobrang tagal na nitong story na ito bago nasundan. SORRY sa mga naghintay. Tuloy-tuloy na ito. Salamat sa inyong lahat. :-)
Chapter 05
Nang mapatingin si Popoy sa salamin ay hindi niya maunawaan kung ano ang kanyang madarama sa nakitang repleksiyon niya. He was in his sweats, his hair was all over the place, and he was eating chocolates. Ang mukha niya ay naglalangis na dahil ilang araw na siyang hindi naliligo. Amoy-chocolates na siya dahil halos isang linggo na siyang iyon lang ang kinakain. Salamat at wala siyang body odor.
He felt disgusted. He was disgusting. He felt sick in the stomach just by looking at the mirror. Tumakbo siya sa banyo at doon nagduduwal. Salamat at wala siyang kasama doon. Sa pagkaalala noon ay naalala niyang bigla ang galit niya kay Basty. Umalis na ito sa bahay na iyon. And so he was left alone. Brokenhearted.
He needed time to heal because the love of his life for ten years had left him. Napahagulgol siya ng maalala si Basty.
"How could you do this to me?" hinaing niya sa kawalan. Hinayaan niya lang ang sarili niya sa ganoong posisyon. Nakasalampak sa sahig ng banyo. In total mess, crying his heart out and almost dying. Kung may makakakita sa kanya na kakilala sa ganoong posisyon ay tiyak na manghihilakbot at maaawa. The director of The Medical City, bawling his eyes and heart out.
Tiyak na maraming matatawa at matutuwa sa sitwasyon niya dahil sa dami ng taong galit sa kanya sa hospital. Not that he was doing anything terrible, it was just he was the most hated person in the office. Strict kasi siya pagdating sa hospital policies. Lahat ng para sa pasyenteng di maka-afford ay ipinaglalaban niya. Kahit sa board members ng hospital.
Kinuha siya ng The Medical City as assistant director noon dahil sa credentials niya. Hindi pa siya nakakabalik ng Pilipinas ay ilang beses na siyang inalok ng posisyon. Nag-atubili siya noong una dahil maganda ang trabaho niya sa Presbyterian Hospital sa New York City pero nagkataong may alok din kay Basty sa isang kilalang magazine sa Pilipinas kaya hindi na siya nag-isip ng anupamang dahilan. Kung nasaan si Basty, naroroon din siya. Theirs is a love story made in heaven. Unbreakable. Or so he thought.
Now, he was all alone. Nanawa na raw ito sa kanya. Ni walang explanation. Hindi na raw ito masaya. "Basty, how the hell can you do this to me? How?" Humahagulgol pa rin siya. Parang dinudurog ang kanyang puso.
Sa miserableng pagkakataong iyon ay naunawaan niya ang siang bagay: hindi niya kayang patuloy na magpatalo kay Basty sa alaala nito at sa kawalang-puso nito. Ano siya, isang basahan na pagkatapos nitong gamitin ay basta na lamang iiwanan na ang tanging paliwanag, "You don't make me happy anymore"?
Shit! He went out of his way to make him happy! Kahit ang mga napaka-imposibleng ugali ng mga kaibigan nito ay pinakisamahan niya ng husto. Salamat na lang at kalaunan ay nagustuhan rin niya ang mga ito. Akala niya ay normal lang ang pananawang naramdaman niya rito noon na nasolusyunan naman niya -sa palagay niya- sa pamamagitan ng pagbawi rito noong nakaraang anniversary nila, pero ano? Nawala ng lahat ng iyon.
Kahit anong pag-iingat pala ang gawin niya sa kanilang relasyon ay magsasawa rin si Basty.
You should have seen that coming. Ilang ulit mo na bang tinitimbang ang taong ng pagsasama ninyo? Hindi lang ikaw ang may kakayahang magsawa. You never listened to your instinct. Matalino ka pa naman. You were probably right all along...
Hindi niya iyon matanggap. Binigyang boses ni Basty ang pag-aalinlangang naramdaman niya noon patungkol sa kanilang relasyon. Lumalabas lang tuloy na parehas lang silang nagpapakiramdaman ni Basty kung sino ang unang makikipag-break. Hindi lang tuloy puso niya ang nagasgasan ng husto kung hindi pati ang ego niya.
Just when he thought na simpleng tantrums lang ang nararamdaman nito ng kumain sila sa Brazil Brazil, ay iyon na pala ang simula ng kalbaryo niya. Pinilit niyang makipagbalikan dito. He could not afford to let go their ten year old relationship that easily. Naalala pa niya nung sinundan niya ito sa mismong condo na tinitirahan nila na siyang kinalulugmukan niya ngayon...
"I need a better explanation Basty. Hindi pwedeng kailangan mo lang ng space. Let's talk about this. Maaayos natin ito. " nagmamakaawang sigaw niya sa pinto ng kanilang kwarto.
"Basty!" sigaw niya ng hindi ito sumagot.
Sisigaw pa sana siyang muli ng bigla iyong bumukas at iluwa si Basty na may dala ng malaking maleta.
"So, you really are leaving?" mas na kumpirmasyon kaysa deklarasyon ang sinabi niya. Alam niyang hilam na siya sa luha pero parang dam pa rin na binuksan ang water gates para pakawalan ang tubig ang kanyang mga mata.
Bumuntong-hininga ito. "Yes."
"Why?" naguguluhang tanong niya.
"Poy, walang patutunguhan ang pag-uusap na ito. Kapag hindi ka na emotional ay saka natin ito pag-usapan." ani Basty sa nahihirapang anyo na tila isang matandang pilit nagpapaliwanag sa isang bata.
"Emotional? I-try mo kayang iwan kita ng walang dahilan? Hindi ka kaya magngangangawa?"
Saglit itong natigilan. He was sure he saw that glint of hesitation in Basty's eyes. Pero mukhang imahinasyon niya lang iyon. Dahil pagkurap nito ay diretso siya nitong tinitigan.
"I have something to say to you." anito.
"Cut the bullshit Basty. We've been talking for the last thirty minutes, spill it."
"Okay. You remember the time when we were in Sausalito?"
"Our first and only vacation that I had to cut short because I needed to attend an emergency. A dying child for Christ's sake!"
"Yes, that. You remember we talked and talked -"
"How we both wanted to get married to that beautiful beach? It's so ramantic, the sun setting majestically over the sea... And then you said maybe we can go to Nile because you wanted it to be special and Cleopatra was special to you, my ass." Popoy laced his voice with sarcasm enough for Basty to realize he was not reminiscent at the moment.
Tumikhim ito. His face blank. "And we talked, remember that? We made a vow that day."
Natilihan siya. Of course he remembered.
"That we'd never lie to each other." mahina niyang sabi. Tatagal sana ang bakasyong ng tatlong linggo pero napilitan silang umuwi dahil tumawag ang hospital sa kanya. Siya lang kasi ang Neurosurgeon nang mga panahong iyon. May abiso naman siya na kahit nasa bakasyon siya ay pwede siyang tawagan basta importante.
"Yes. And I don't ever want to lie to you Popoy." said Basty.
"You'd better not lie to me Basty. May iba ka na ba?"
"Wala. It's just that..."
"It's just that what?" agaw niya rito.
"This year has been very hard for us Popoy. We seldom see each other and I feel a big disconnection here. And I can no longer do this. I mean, you don't make me happy anymore."
Tila siya pinagsakluban ng langit at lupa at may malaking bomba na ibinagsak sa kanya ang mga salitang iyon ni Basty. Ang sakit. Ang sakit-sakit. Hindi na niya ito pinapasaya kaya iiwan na siya nito? Ano iyon? Wala man lang ba itong gagawing effort para maibalik nila ang dati? Ganoon na alng and paalaman na sila? It's not fair. So not fair.
"Damn you bastard." aniya sa naninikip na dibdib.
"I guess I deserve that." tila nagbibigay lang na sabi nito.
"How can you be so cool about this? You're so selfish Basty? Just because you were no longer happy you're going to leave me? How cruel of you?
"Let's end this now Popoy. Let me go."
"Fine by me."
"Bye."
Iyon lang at umalis na si Basty ng tuluyan sa condo nila. Tila siya tinutusok ng isang milyong aspili sa puso. Hindi niya makayanang sundan ito. Pero dahil na rin sa mga sinabi nito ay pinahalagahan niya ang pride niya. If he want out, then fine by him.
"Damn you Basty!" and now he was sulking and grieving for the love lost.
Maya-maya ay tumayo siya at pinagmasdan na naman ang sarili at ang buong paligid. It was a messy bathroom. Ang mga labada ay nakatambak lang. Wala siyang paki-alam kahit kailangan ng ipa-dry clean ang iba sa mga iyon.
Masasabi niyang nawala siya sa sarili sa loob ng ialng araw dahil isa siya sa pinaka-organisadong tao sa buong mundo. He was obsessed with how things worked. He was obsessed with organization and control. Pero ngayon ay hindi siya ganoon.
Bumalik siya sa kanilang silid ni Basty. It was very messy pero nakuha pa rin niyang alalahanin ang lahat alaala na meron sila doon. He must get out of this place. Kung hindi ay mababaliw siya.
Nang mapansin niya ang kalat ay napangiwi siya. Siya ba ang nagkalat doon? Paano niya nagawang magkalat ng ganoon? He started picking up everything until he decided to have a general cleaning.
Pagkatapos nun ay nag-dial siya sa telepono. Tinawagan niya si Half. Nang sumagot ito ay inunahan niya na ito sa tangkang pangungumusta.
"I need to dispose this unit. Tell me if you have a buyer. Bye."
Iyon lang at ibinaba na niya ang phone saka nagmamadaling dinala ang mga kailangan niya. Uniform at ang medical bag lang niya pati na laptop, wallet at cellphones na wala ng sim. Iiwan niya ang lahat doon. At magsisimula siya ng panibagong buhay niya.
To hell with Bastya nd his so-called happiness!
Fuck you Basty!
Itutuloy....
5 comments:
mahusay, may pinaghuhugutan ata ang author.
hehehe tagal ng update..dalisay
wala naman po akong pinaghuhugutang malaki... ahahaha
marami akong gustong isulat tungkol sa chapter na ito, pero pipiliin ko na lang manahimik, isa lang ang masasabi ko, ayaw kong mangyari sa akin iyon,,,,,
sana sinulat mo... para magkaalaman na ahahaha
Post a Comment