By: Dalisay
E-mail: angelpaulhilary28@yahoo.com
Blog: http://dalisaynapusoatkaluluwa.blogspot.com
Other details: I was taken by the most amazing man in the world. Kenneth Nicdao.
Gusto kong magpasalamat sa mga nakakadaldalan ko sa FB chat. Sa mga hindi ko pa friends na readers dito ito na po ang pagkakataon para ma-i-add niyo ang kadalisayan ko. angelpaulhilary28@yahoo.com iyan po ang e-mail ko sa lahat ng account ko.
I've been down nitong nakalipas na araw, hindi ko lang ipinapahalata. Pero maraming nagpangyari para sumambulat ang lahat ng iyon kahapon that lead me into crying. Almost maghapon. Hindi po ako nagsusumbong. Nagkukwento lang. Ngayon ay okay na po ako. Tuloy ang buhay. Sa ibang pagkakataon ay maaaring maikwento ko rin sa inyo.
Bati mode:
Jaime: Habang ginagawa ko ito ay naka-post na ang GWAPITO'S BY NIGHT 3 na ikaw ang may akda. Salamat sa iyo at Happy Monthsarry sa inyo ni Mare. :p
James Wood: Hello Woody!
MarQymarc: Salamat sa pag-comment mo.
Jan and Lemuel: Ganoon din sa inyo.
Mr.Brickwall: Hello again.
Fences: Hello dear.
Kearse: Salamat. Alam mo na yun.
Honeybun: Salamat sa pagbabalik mo. Ang pinakamamahal na anak. Lt. Col. Rick Tolentino.
Dhenxo, Rovi, Attorney and Alex: Congrats sa atin. Sa Gwapito's at sa lahat ng iba pang writers dito.
And especially, SON-IN-LAW: Your comments somewhat appeased me. No it was an understatement, I am really flattered I could die. :p Salamat sa friendship. Salamat sa pagbabasa ng aking akda. Love you dear Son in Law.
To Echo: I love you. You are the wind beneath my wings. :))
Enjoy readong guys. :))
CHAPTER 8
"Partner, hindi na ako makahinga." biro sa kanya ni Allan.
"S-sorry, Partner." aniyang namumula.
"Hindi, okay lang. Kamusta ka na?" tanong nito sa kanya sabay haplos ng namamasa niyang pisngi.
Natigilan siya sa inasal nito. Ito rin naman. Nagkatitigan silang dalawa. Ang ang kulay-tsokolateng mata nito ay maalam ang pagkakatitig sa kanya. Parang tinutunaw ang buong pagkatao niya. Naramdaman niya ang panlalambot ng mga tuhod.
"Huwag na huwag kang iiyak sa mga ganoong pangyayari Rovi. Normal lang ang mga ganyang bagay sa trabaho natin." masuyong wika nito.
"Hindi naman ako umiiyak ah. Ikaw kaya sumuka ng wala ka namang isinusuka?" umiingos na sabi niya. Hindi makapaniwalang nagawa niyang ipakita rito ang bahagi ng pagkataong itinatago sa lahat.
"Ganun ba?" tumatawang wika nito.
"Oo. Masakit kaya sa pakiramdam." sagot niya.
"Pero alam mo Partner, bilib ako sa'yo. Hindi ka naramdaman ni Loreto sa pagpasok mo." sabi nito sabay lapit sa kaniya upang akbayan at ginulo ang buhok niya.
"Ah! Ano ba? Nananahimik ang buhok ko eh." natatawang sambit niya.
"Eh kaya nga ginugulo ko eh." sabi rin nitong humahalakhak.
Natatawang kumalas siya rito at tinungo ang sasakyan nila. Hindi nila napansin ang nagtataka at nang-uuyam na ngiti sa labi ng mga nakakakitang kasamahan nila. Nagtatawanan sila ng makarating sa nakaparadang sasakyan.
"Hey lovebirds! Ang sweet naman ninyo."
Nilingon nila ang pinanggalingan ng tinig. Natigilan siya ng makilalang ang kasamahan nilang si Captain Rico Mendoza ang nagsalita. Ito ang head ng Homicide Division sa departamento nila. Ang operation na iyon ay pinamumunuan nito.
"Sir. Kayo po pala." magalang na sabi ni Allan dito.
"Good work, Lovebirds. Mukhang kumportableng-kumportable kayong dalawa bilang magka-"partner". The man grinned maliciously while quoting his last word to give emphasis to his point.
Umalma ang kalooban niya sa ginawa nito. "Thank you Sir. But with all due respect, Sir. Are you implying something to what you just said?" pigil ang ngitngit na sagor niya rito. After all this man was his superior.
"Do I have to explain myself to you Private First Class Rovi Yuno?" maanghang na balik nito sa kanya in a very intimidating tone.
But he knew that he was mocking him and it was not necessary at this point of time. He had to stand-up for his pride and ego. Rovi retaliated to his superior, albeit nervous, He should make this man realize that he was not the type to be mocked easily.
"With all due respect again Sir. I believe that there is a hint of mockery and malice that lie between those words. You wouldn't be calling us "Lovebirds" then quote it as if to emphasize your point of disgust." matapang na wika niya.
"Why, are you denying that you are lovers? Your act a while ago gave credit to what I believe you two are doing behind our backs." maigting na sabi nito. Ayaw magpatalo.
"With all due respect Sir. That's a very strong accusation Sir. Coming from you, a respected Captain. What you said is very uncalled for. That is Class B Misdeameanor for you are practicing the offense called Conduct unbecoming an Officer and a Gentleman." si Allan na hindi nakatiis na sumabat sa kanilang mainit na usapan.
Natigilan ito sa sinabi ng partner niya. Pero agad ding tumawa sa kanila. "Seriously, do you know what you're referring to? You two, of all people is showing dishonor and disgrace to the armed forces while acting like some silly pussies madly in-love with each other. How dare you brought up that offense in me! Don't talk to me about indecency!" nangangalit ng sabi nito.
"Forgive us Sir. But our acts a while ago meant nothing. And of course, not everyone is or can be expected to meet unrealistically high moral standards like you do. But there is a limit of tolerance to what an officer or a gentleman can take. And we can only take too much." mapagpakumbabang sabi ni Allan dito.
Sa pagkakataong ito ay natigilan ng husto ang mapaghinalang Kapitan. Hindi makasagot sa sinabi ni Allan. It was a retaliation to make him come to his senses.
"Hindi po kami mga bakla Sir. At kung sakali mang totoo yun, nakita naman ninyo ang kaya naming gawin. Nagbibiruan lang po kami ni Rovi kanina. First time niyang nakakita ng patay na babaeng ginagahasa. Kahit ako ay maduwal-duwal kanina. Ipagpatawad niyo kung may nakita kayong hindi sakop ng pag-uunawa ninyo." mababang pagpapatuloy ni Allan saka tumingin sa kanya.
"Ah, aherm! Pasensiya na kayo. Hindi kasi ako sanay sa nakita ko. It was a very good job guys. Lalo ka na Rovi. And one thing more..." putol nito sa sinasabi matapos makabawi sa pagkabigla kanina.
"Its okay Sir. Ano po iyon?" nangingiti ng sabi niya.
"You're the only police officers that took a stand against me in a conversation. Nakaka-aliw kayo guys. Mukhang kabisado pa yata ninyo ang articles ng ating code of conduct. Good Work guys. Expect yourselves to be corporals, soon." nangingiting sabi na nito saka tumalikod.
"What? Is that true Sir?" nanlalaki ang matang sabi ni Allan.
"You heard it boys." hindi lumilingong sagot nito sa kanila.
"Sir Thank you, Sir!" sabay pa nilang banggit sabay saludo rito.
Parang nakikitang sumaludo rin ito. Natatawang nagyakap silang dalawa ni Allan. Unaware of the gesture. Tuwang-tuwang nahalikan nito ang pisngi niya. Ikinagulat niya ang aksiyong iyon.
"Hanep! Irerekomenda tayo ni Sir Mendoza para sa promotion. Hanep ang galing natin Partner." tuwang-tuwang sabi nito sakanya sabay yakap ulit habang hindi naman mapakali ang isip niya sa mga ginagawa nito.
Bakit ba kung makahalik ito ay ganun na lang? Napabugha siya ng hangin ng wala sa loob. Napansin iyon ni Allan.
"Bakit partner? Hindi ka ba natutuwa?" nagtatakang tanong nito.
"Huh?" Nahuhulasan niyang tanong rito. Obvious na ba siya masyado?
"Kako, hindi ka ba natutuwa? Mukhang mapo-promote tayo dahil dito." masiglang sabi nito.
"O-oo naman! Mukha ba akong di masaya?" pilit ang ngiting sagot niya.
"Para kasing ang lalim ng iniisip mo kanina eh." sabi nito.
"Hindi naman. Iniisip ko lang kung paano tayong pinaghinalaan ni Sir Mendoza." malungkot niyang sabi.
"Ewan ko sa kanya. Sweet naman talaga tayo sa isa't-isa diba? Saka ano ka ba Partner. Huwag kang paapekto sa kanya. Kita mo natauhan din siya sa sinabi ko." mayabang na sabi nito.
"Sira. Mukha ba tayong bading kanina?" tanong niya rito. Almost choking in his words. Buti na lang hini nito nahalata iyon.
"Huwag mo na sabing isipin iyon eh. Ang mahalaga, alam natin ang totoo. Hindi tayo yung iniisip niya Partner. Sigurado ako sa sekswalidad ko. Kaya kong manghalik ng babae at kapwa lalaki ng hindi tinitigasan." sabi nito sabay kindat sa kanya.
He felt like his heart skipped a beat or two. Nagwalang bigla at nagrigodon ang sutil niyang puso. Pasaway naman ito. Kailangan ba talagang kiligin ako sa kindat na iyon? And what did he meant by that? Casual lang para rito ang mga halik na iyon? Paano yung kanina? May nalalaman pa itong ganoon pa rin ang epekto. Kung alam lang nitong tumambling ang buong mundo niya sa ginawa nitong paghalik sa kanya kanina.
"Buwang. Hindi nga. Bakit ka nga pala nanghalik bigla kanina?" pagpipilit niyang ibalik sa halik ang topic.
"Alin? Iyong kanina? Wala iyon." natatawang sabi nito.
"Anong wala?"
"Wala. As in wala. Di ba sabi ko pampaswerte nga."
"Paanong pampaswerte? Eh hindi naman normal na pampaswerte yun eh." maktol niya.
"Pwes ibahin mo ako partner. Ako lang ang may ganoong klaseng pampaswerte." sabay ngiti nito ng nakakaloko.
Lihim siyang kinilig sa sinabi nito. Aba eh, kung tuwing may misyon sila at iyon ang igagawad nitong "pampaswerte" sa kanya eh, sino ba siya para tumanggi sa grasya.
"Weh, di nga?" pangungulit niya.
"Oo nga? Teka Partner? Huwag mong sabihing apektado ka ng halik ko?" natatawang sabi nito sabay suntok sa balikat niya.
"Ulol! Mukha mo!" ingos niya rito sabay himas ng braso kunwari para itago ang pamumula ng mukha. Nacaught-off guard siya nito sa tanong na iyon.
"Uy si parner namumula." sabay akbay nito sa kanya.
"Pangit! Ako na naman nakita mo." namumula pa ring sabi niya. Unable to meet his eyes ng iangat nito ang baba niya para magtama ang paningin nila.
"Pero promise partner, sayo ko lang sasabihin to." sabi ni Allan sa kanya. Matiim ang pagkakatitig at nawala ang ngiti sa labi.
"A-ano yun?" he stammered.
"Yours is the sweetst lips I ever taste. Parang kendi. Ang sarap tikman. Ang sarap ulit-ulitn." Allan said with sincerity.
Nalulunod siya sa damdaming ipinapadama nito sa kanya. Nalipat ang tingin nito sa labi niya. At ganoon din siya. Hindi niya malaman ang gagawin. Nanuyo ang labi niya sa init na biglang bumalot sa kanya.
"A-allan." Rovi said almost whimpering.
"Rovi." Allan, while looking intently to him. "Amoy pawis ka na." sabi nito sa kanya sabay tawa habang nagmamadaling tumakbo sa kabilang side ng sasakyan.
Napapalatak siya. He was sure, all of the things he said before was partly true. Siguro nalilito rin itong tulad niya. But then, pagkatapos ng saglit na eksena na iyon kanina between them. Realizations flooded him. He was attracted to Allan, albeit confused, he knew that the attraction was growing fast.
Maamin niya kaya sa partner niya na he liked him. Na hindi na isang kaibigan or katrabaho ang turing niya rito. What if itakwil siya nito? What if pagtawanan siya nito? But the way he defended him a while ago contradicts his anxiety over Allan's would be reaction to this matter.
Ah! Fuck! Help me please! Nakapasok na silang pareho sa sasakyan ng magsalita ito.
"Partner, pwede makitulog sa inyo?" sabi nito sa kanya habang ini-start ang makina.
"Huh? Bakit?" napamulagat siya.
"Ikaw naman. Parang ngayon lang ako makikitulog sa inyo." kunwaring maktol nito saka pinaandar ang sasakyan.
"Heh! Sige na nga. Bakit ka nga pala di pwedeng matulog sa inyo?" takang tanong niya.
"Maraming bisita si Ermats. Dun na lang muna ako sa inyo. Mga ilang araw lang. May kwarto ka naman di ba?" tanong nito.
"Oo. Sige lang Partner. Okay lang. Sa lapag ka na lang matulog." sabi niya rito.
"Tingnan mo itong lokong ito. Itong laki kong ito, sa lapag mo ako patutulugin?" nakalabing sabi nito.
Ang cute ng loko!
"Joke lang. Bahala ka, malikot akong matulog." babala niya. Kinikilig na naman siya ng lihim. Sabik sa magiging pangyayari sa pagtulog nila. Hah! Asa ka pa!
"Hindi ka makakapaglikot sa akin. Dadaganan kita eh." nakakalokong sabi nito sabay ngisi sa kanya.
"Tatadyakan naman kita." natatawang sabi niya.
"Tingnan natin tibay mo mamaya." sabay kindat sa kanya.
He stiffened. He felt the sudden stirring of his loins. Putcha! May ibig sabihin ba ito doon? Sure it was no pun intended. Siya lang siguro ang malisyoso. Mabuti at nakaharap ito sa daan kaya hindi na napansin ang pananahimik niya.
Should I tell him later? Paano kung umiwas siya? Ah! Bahala na! Pinagmasdan na lang niya ang paligid at tahimik na sumandal sa upuan. Lahat ng stress sa nangyari kanina ang nagpangyari para maidlip siya sa kinauupuan. Maya-maya he felt butterfly kisses all over his face.
"Rovi. Andito na tayo."
Itutuloy...
A compilation of my thoughts, dreams and fantasies. Stories that describes best my simple wishes in life. In addition to that, I asked friends to contribute their talents in this site where reality and fantasy are as one. Welcome to my site. Welcome to my heart. I am Dalisay.
No comments:
Post a Comment