A compilation of my thoughts, dreams and fantasies. Stories that describes best my simple wishes in life. In addition to that, I asked friends to contribute their talents in this site where reality and fantasy are as one. Welcome to my site. Welcome to my heart. I am Dalisay.
Wednesday, September 22, 2010
GWAPITO'S BY NIGHT 3
ITO NA PO NEXT CHAPTER. DITO NAMAN PO AY IPAPAKILALA KO SA INYO SI GOJI. SALAMAT PO SA MGA NAGBABASA NG GWAPITOS AT MABUHAY PO KAYONG LAHAT.
SA MGA CO WRITERS KO SALAMAT SA COMPANY. KAY ATE DALISAY, SANA HAPPY LAGI^^
MAMA TAN HAPPY MONTHSARY SA ATIN MAHAL NA MAHAL PO KITA..
TOL ALEX IDOL IKAW NA SUNOD^^
__________________________________________________________________________________
DYNE: "Goji!!!!!!!!! josko!! takaw tulog ka talaga, as expected ikaw ang pinaka kunti ang nainom yet pinaka madami ang nakaing pulutan, kanina pa nagriring yang phone mo baka nanay mo na yan, inumaga kasi tayo"
AKO: "Goji? sino yun?" sabay balik sa pagkakapikit ko.
Isang malakas na batok ang dumapo sa akin at as usual galing iyon kay Jethro na ginawa nang 3 o'clock habit ang pagbatok sa akin.
JETHRO: "ikaw yun, adik ka rin eh.. nalasing sa kakainom ng juice at kakakain ng pulutan..hehehe" sabay akbay sa akin.
AKO: "ah ako ba yun? anyways wag mokong aakbayan, mas sanay ako sa batok mo." kunwaring pagtatampo ko.
EA: "Oh siya tama na yan, Goji tawagan mo kaya yung kanina pang misscol ng misscol sayo"
AKO: "I only have zero balance in my account, please reload a new call and text card to continue availing the ff services thank you" sabay balik sa pagkakatulog
EA: "Loko! here, you can use my phone. baka kasi emergency yan"
Sa loob loob ko ay nahihiya pa ko kay EA dahil nga sa katayuan niya sa buhay.
AKO: "ah eh, cge" sabay kuha ng phone niya
Tiningnan ko sa phone ko kong sino ang tawag ng tawag. Laking gulat ko ng makita ko na phone number ng hospital namin ang nakarigester.
Dali dali akong tumawag dito.
AKO: "Hello? si Nurse Goji to from Operating room department kagigising ko lang po kasi kaya di ko nasagot tawag niyo"
Natatawa naman ako sa mga kaibigan ko dahil silang lahat ay tahimik at nakikinig sa pakikipag usap ko sa phone.
AKO: "Anu?!!!!!!!!!!!!!!!!!! cge cge papunta na ko" sabay bigay ng phone kay EA at dampot ng dala dala kong back pack.
EA: "Uy! may problema ba?" nagtatakang tanong nito
AKO: "naka on call ako ngayon, may emergency surgery daw at kailangan ako as scrub, buti nalang dala dala ko palagi uniform ko.wahehehehe"
FRANCO: modelo ng makabagong kabataan, si Goji, dala dala ang trabaho kahit san pumunta.haha kaya pala kadalasan ay naka back pack ka kahit san tayo pumunta, uniform pala laman niyan."
AKO: "oo biglaan kasi minsan ang procedures sa OR.hehehe"
Napansin kong kami kami nalang ang tao doon kaya di na ako nangimi sa mga kaibigan ko.
AKO: "Guys sino may pabango jan? penge ako, di na kasi ako makakaligo"
AE: "eto, sabay hagis sakin ng pabango niya"
AKO: "uy, mamahalin, baka pati buong pagkatao ko ay bumango pag ginamit ko to..wahehehe" sa isip ko
AKO: "Pikit muna kayo at maghuhubad na ko, dito na ko magbibihis, pasensyahan tayo nagmamadali ako.hahaha. Isa pa, wag niyo ko pagpapantasyahan alam kong maganda ang katawan ko." sabay tawa ulit
Una kong hinubad ang shirt ko sunod ang pants, lantad na lantad ang katawan ko sa harap ng mga kaibigan ko na parang mga kapatid ko na rin kaya wala nalang sa amin ang maghubad sa harap ng isa't isa.
DYNE: "Goji, mamasahiin kita mamaya ah, libre pa" sabay tawa ng malakas
AKO: "Loko! si nanay nagmamasahe sa akin langis ng EL SHADDAI pa gamit nun, naghihimala daw yun sabi ni nanay" sagot ko habang nagbibihis.
Pagkatapos ko magbihis ay dali dali akong nagpaalam sa kanila at dumerecho na ng hospital.
AKO: "Oh mga pare, una na ko ah, papayaman muna ako..wahehehe" sabay takbo palabas.
(AKO SI GOJI)
Ako nga pala si Goji, isang nurse na nagtatrabaho sa isang public hospital malapit sa lugar namin. Galing ako sa mahirap na pamilya, natapos ko ang ang aking pag aaral dahil sa scholarship na iginawad ng mayor namin sa akin, kapalit ng pag eescort ko sa anak niyang dalaga sa taunang sagala.
Oo. Apat na taon akong naging escort ng anak niyang dalaga sa sagala. Ang normal sa sagala kasi, bawat taon iba iba ang reyna elena pero sa lugar namin ang anak ni mayor ang grand slam reyna elena at ako lagi ang nirerequest sa tatay niya na maging escort. Siyempre kapalit nito ang apat na taon kong pag aaral sa koleheyo. hahaha Ngayon ay malaya na ko dahil nasa amerika na ang anak ng mayor namin na nasa pangalawang termino na sa posisyon niya ngayon.
(BALIK SA KWENTO)
Pagkatapos ng surgery na iyon ay dali akong pumunta sa locker at nagbihis para makauwi agad at makaligo na.
Naglalakad ako pauwi ng may tumwag sa akin.
AEREL: "Goji!!!!!!!!!! uy hintayin moko"
Tumigil ako sa paglalakad at hinitay siya.
AKO: "oh anu ang emergency?.. nga pala ba't di ka nakasama kagabi?"
AEREL: "bakit? nakasama ka ba?"
AKO: "oo naman"
AEREL: "eh sabi umaga na kayo natapos, panung nakapagtrabaho ka pa?"
AKO: "Ako pa! kaya kong lusutan ang pagka busy ko..wahehehe" sabay tawa at pahalatang bilib na bilib sa sarili
AEREL: "Yabang!"
AKO: "totoo naman, siya nga pala bakit moko tinawag?"
AEREL: "Wala lang, bumili kasi ako ng meryenda jan sa kanto tas nakita kita, tutal along the way naman bahay niyo kaya sumabay na ko"
AKO: "ah ok..bilis bilisan mo at naiimagine ko ang nanay mo na alalang alala at maluha luhang hinihintay ka sa labas ng gate niyo..hehehe"
AEREL: "hehehe adik.. OA ng imagination mo.hahaha"
Tuloy ang paglalakad namin sa bahay. nauna akong nakarating kaya nagpaalam na ko at dumerecho na sa loob.
AKO: "nay dito na po ako.. oh yeah ang kalat ng bahay, nay asan ba mga kapatid kong magagaling?"
NANAY: "may practice daw sa sayaw anak." sabay kuha ng walis para maglinis
AKO: "nay ako na po jan, magpahinga nalang po kayo at baka atakihin kayo ng hika ninyo. Nga pala nay bumili ako ng paborito niyon pusa..Dyaraaan!!!!!!!" sabay hugot sa bag ko ng isang plastik na may lamang dalawang siopao
NANAY: "salamat anak, at makakatikim ulit kami ng tatay mo ng siopao. Nasa karatig bayan pala siya ngayon dahil may nagpapakumpuni ng sirang tubo doon"
AKO: "Yaan niyo nay, pag mayaman na mayaman na ko, isang sakong siopao na ibibili ko sa inyo..wahehehe"
NANAY: "Di mo man lang kami ikakain ng tatay mo sa pang mayamang restaurant?"
AKO: "ah yun ba gusto niyo nay? ay cge po ikakain ko kayo doon at oorder tayo ng madaming madaming siopoa..wahehehehe"
NANAY: "Palabiro ka talaga anak puro siopao."
AKO: "Cge na po nay at kainin niyo na po iyan. at ako na po bahala sa mga gawaing bahay"
NANAY: "Pero anak di ka pa nakakapagpahinga at ngayong pa............."
AKO: "Ayos lang ako nay, mana ako kay tatay na malakas katawan..hehehe"
Nagbihis muna ako ng pambahay at inumpisahan ko ng gawin ang paglilinis, sunod ay maglalaba at saka palang ako maliligo.
Ganito ang buhay ko bilang Goji, Dobladas ang kayod, kayod sa trabaho at kayod sa bahay. sa liit ng kinikita ng tatay ko sa pagsiside line niya ay halos ako na din ang nagpapakain sa pamilya namin at ako nagpapaaral sa dalawa kong kapatid. Mahirap, at masakit sa ulo ang ginagawa kong pagbubudget sa pera ko, sinabayan pa ng sakit ni nanay na kailangan ng gamot, madalas tuwing gabi ay tahimik akong umiiyak sa labas ng bahay namin.
Lahat ng kahirapan sa buhay ko ay dinadaan ko nalang sa biro at madalas na pag ngiti, wala naman kasing magagawa ang pagmumukmok.
Hapon na ng matapos ko ang gawaing bahay. Mga Alas sais na ng gabi ako nakapagsampay sa terrace namin ng mga nilabhan ko.
AKO: "Wag sanang umulan ng malakas para di maabot mga sinasampay ko" sa isip ko.
EA: "Di ka ba marunong mapagod?"
Laking gulat ko ng makita ko si EA sa labas ng bahay namin. bagamat mejo ilang ako ay inaya ko siyang tumuloy.
AKO: "wahehehe walang pagod pagod, maya maya naman ay tulugan na kaya babawi narin ako"
Ang bahay pala namin ay nasa likod ng tinitirahang unit ni EA at tabi namin ay bahay naman nila Dyne.
AE: "kanina pa kasi ako nakasilip sa bintana, at sa nakita ko di ka pa nagpapahinga, anu ka robot?"
AKO: "hindi? tao..hehehe"
Dyne: "Goji?.."
AKO: " tol dito ako sa terrace derecho kana dito"
DYNE: "tol malabo din ba TY niyo? nagloloko ata cable eh, uy! pareng EA dito ka pala, makatambay nga rin..hehehe"
AKO: "Ginawang tambayan ang bahay ko, hehehe"
EA: "ito kasing si Goji, kanina ko pa napansing gawa ng gawa, di pa nga siguro natutulog to mula kagabi eh"
DYNE: "Talaga? uy pahinga ka muna tol, akina nga at ako na mananampay, major major din kasi mga nilalabhan ko sa bahay kaya magaling ako manampay" sabay pinaupo ako sa gilid
GOJI: "naks! swerte ko naman, sana araw araw laging ganito..wahehehe"
EA: "Kaninong kotse yun?"
Napatingin ako sa directiong tinatanaw ni EA.
AKO: "patay, tago niyo ako mga tol please..huhuhu" sabay dumapa ako sa sahigmalapit sa kinauupuan ni EA.
LALAKI: "excuse me? dito po ba nakatira si GOji?.."
EA: "dito nga ho? pero wala po siya ngayon nasa duty pa po, actually kaaalis nga lang po eh"
LALAKI: "ah ganun ba? cge salamat nalang" sabay talikod at tuluyan ng umalis.
EA: "Uy wala na" sabay batok
AKO: "aray ko, naging pasyente ko kasi yun nung nasa ward pa ako, alam niyo namang lapitin ako diba..hehehe"
DYNE: "wow! bakit alam niya bahay niyo?"
AKO: "iyon ang di ko alam, pinagbigyan ko lang naman siya isang beses tapos di na ko tinantanan"
EA: "your fault, nakipagsex ka pala sa lalaking yun, siguro nag aassume na may something special sa inyong dalawa"
DYNE: "Oo nga, baboy mo talaga GOji..hehehe"
Naging seryoso ako at napayoko......................
DYNE: "aw! sorry tol." nahihiyang sambit nito
AKO: "baboy na ba talaga ako tol?, hindi ko alam tumataba na pala ako" seryoso padin
AE: "adik! hindi katawan ang baboy sayo, yung ginawa mo" sabay batok
AKO: "ah ganun ba? wahehehe sorry slow ako eh... kakabatok niyo sa akin nabobobo na ko" (KUNG ALAM NIYO LANG)
DYNE: "adik, akala ko pa naman ay seryoso ka talaga kanina..hehehe"
Maya maya ay dumating na ang dalawa kong mahal na kapatid.
KAPATID 1: "kuya! dito na kami"
AKO: "Alam ko, yan ka nga oh..hehehe"
KAPATID 2: "One point para kay Kuya! wahehehe"
KAPATID 1: "kuya naman eh.. nga pala kuya, eto oh para sayo, sensya na yan lang naipon namin ni Bunso"
AKO: "wow salamat! sabay yakap sa dalawa"
Sa totoo lang, Birthday ko ngayong araw pero si Aerel lng ang may alam, ayoko lang ipaalam sa iba. Pakiramdam ko kasi dagdag gastos, problema at pasanin ang birthday ko.hehehe
Pero malas nga naman at dumating ang epal.
Aerel: "Goji?!!! tol jan kaba?!! Happy birthday inuman na!!!!!!!!! weeeehhhh!!!"
EA: "Birthday mo ngayon?!!!"
DYNE: "Birthday mo ngayon??!!"
Batok ang iginawad ko kay Dyne.
AKO: "Epal paulit ulit?, oo na birthday ko na, Big deal ba yun?"
EA: "of course it is!!!!!!!! Panung?..haay nakakapagtampo ka talaga
DYNE: "Oo nga nakakapagtampo ka"
BInatukan naman ni Aerel si Dyne.
AEREL: "ako na bumatok para sayo goji..hehehe"
EA: "Magcecelebrate tayo nagyon din, ako na bahala" sabay labas ng wallet
AKO: "hala, wag na mga tol, salamat nalang sa inyo.. sobrang nakakahiya naman"
EA: " magkakaibigan tayo kayo wag nang magkahiyaan, uy Dyne tawagan mo na yung iba, para matuloy na pagcecelebrate natin. Aerel samahan moko mamimili ng panghahanda natin"
AEREL: "Game tara!"
Dahil kay EA ay nagkatipon tipon ulit kami at sa bahay pa namin. Nagpresenta ang nanay ko na siya nalang magluluto ng mga pinamili ni EA at tumulong mga kapatid ko.
Masaya ang naging biglaang celebration. Malalim na ang gabi ng magpasyang matulog na si nanay at mga kapatid ko kaya kaming anim nalang ang nasa terrace at nag iinuman.
AKO: "Asan si Dyne?"
FRANCO: "Lumabas, pumunta ata sa likod"
AKO: "Cge check ko at baka sumuka na naman yun"
Pinuntahan ko sa likod si Dyne. Nkita ko siyang nakaupo sa Tambayang ginawa ng tatay ko.
AKO: "Uy! ba't nag iisa ka dito?" pag uusisa ko.
Magkakapatid na ang turingan naming anim pero pinaka close kami ni Dyne, dahil na din siguro sa magkadikit bahay namin.hehehe
DYNE: "wala lang, gusto ko lng tingnan ang mga stars..wahehehe"
AKO: "cge dalawa tayong magbilang ng stars...hehehe"
DYNE: "cge dito ako sa left side ikaw sa kabila..hehehe"
AKO: "hehehe adik, tara tol balik na tayo sa kanila"
DYNE: "Dito na muna ako"
AKO: "ok kaw bahala tol, pero panhik ka agad ah?"
DYNE: "Ok tol, sunod ako agad"
Pabalik na ko sa terrace namin ng mag ring ang phone ko, iksang text msg ang natanggap ko mula sa isang di kilalang number.
TEXT: "LALO LANG MALALAMAN NG LAHAT KUNG PAGTATAGUAN MO AKO"
(IKAW NA ANG NEXT DYNE!!!)
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
No comments:
Post a Comment