Thursday, September 9, 2010

Task Force Enigma: Rovi Yuno 4

By: Dalisay
E-mail: angelpaulhilary28@yahoo.com
Blog: http://dalisaynapusoatkaluluwa.blogspot.com
Other details: I was taken by the most amazing man in the world. Kenneth Nicdao.





Allow me to thank everyone who had taken their precious time to read the first installment of GWAPITO'S BY NIGHT and commented wholeheartedly. Mula sa aming anim nila BX (na susunod sa akin at siya ang magpo-post ng Chapter 2), JaiJai, Alex, Dhenxo and Rovi (na di raw magaling, pressured and everything, pa-humble ka talagan hijo.), ay gusto naming magpasalamat. You GUYS na regular na nagbabasa at nagko-comment sa mga isinusulat namin dito ay ang naging dahilan para maging mas inspired kaming magsulat pa. I think kayo rin ang dahilan kung bakit na-conceive ang Gwapito's. That and more, ay ipinagpapasalamat namin sa inyo. Hindi namin inaasahan ang magandang reception for Gwapito's. Nakaka-inspire na nakaka-pressure din.

Sa panibagong serye na ito. More of crossovers pa with your favorite characters. Pinag-aaralan ko kung paano maisisingit ang mga characters ng mga co-writers ko sa TFE. Para masaya. Gusto ko lang pahirapan pa ang sarili ko. Joke! Kidding aside. Nagustuhan niyo kasi ang reunion na ginawa ko. Bakit hindi ko ituloy hindi ba? Joke ulit!

Walang bati mode! Salamat na lang ulit kay Lorenso. Sa lahat ng babasa, please take time to comment. Hahaha... Constructive or not. Welcome iyan. Special mention kay adik-ngarag, dear, I hope malinawan ka na this time. Pasensiya na if you had trouble reading Chapter 3 but, this has been my writing style for the past years. I hope you take that into consideration. I know also that you meant good about that comment. I love it.

Love lots everyone. Enjoy reading!



CHAPTER 4


"DITO muna tayo tutuloy."

Nakita niyang inilibot nila Bobby at Mandarin ang paningin sa buong paligid ng safe house na iyon sa Calatagan. Iyon ang pangatlong beses na nakarating siya doon. Mahirap na iyong matunton dahil deserted na ang bahaging iyon at talaga namang tago dahil napapagitnaan iyon ng mga naglalakihang beach resorts.

Panglito rin ang mga nakapalibot na resort dito at parang sinadya na ang pagkakapuwesto noon ay nasa likran ng bahagi ng dambuhalang STILTS Calatagan Beach Resort bagaman may sariling daan ang papunta sa safe house at natatabingan iyon ng nagtatayugang puno ng niyog.

"Ang ganda rito. Kahit masakit pa ang mata ko sa pagkakaputol ng tulog ko eh, parang ang sarap mag-dive sa dagat na naririnig ko. White sand ba?" namamanghang sabi ni Mandarin na pupungas-pungas pa ng lumabas ng kotse.

Si Bobby rin ay kagigising lang. Tinulugan siya ng dalawa pagkatapos nilang kumain sa isang fastfood chain sa may SLEX. Nakita niya na nag-inat ng katawan si Bobby. Gumana ang malawak niyang imahinasyon dahil sa naging pagkakahapit ng t-shirt nito sa maskuladong katawan.

Iniwas niya ang mata at ibinalik iyon kay Mandarin na ngayon naman ay nakakunot ang noong naghihintay ng sagot sa kanya. Inalis niya ang bara sa lalamunan at nagsalita.

"Oo. Karugtong lang ito ng STILTS. White sand lahat iyan." sabi ni Rovi sabay akyat sa hagdanan ng kahoy na bahay. Lumang bahay iyon na dating pag-aari ng isang pamilya ng mangingisda. Wala ngayon ang caretaker dahil tuwing linggo lamang iyon nililinis at Martes pa lang ngayon. Isinuot niya ang susi sa susian at saka ibinukas iyon.

"Halina kayo." sabi niya kina Bobby na ngayon ay bitbit na ang bagpack nito at ang kargamento na dapat ay dadalhin nito sa restaurant.

"Tara na, Bobby." si Mandarin sa lalaki.

Kumapit sa braso ni Bobby si Mandarin na sa pagkakataon ay nakadama ng bahagyang ngitngit si Rovi. Bakit may hawak factor? Lumpo? Mataray na sabi niya sa isip. Nangiwi siya sa naisip. Ano bang nangyayari sa kanya? Nakakita ka siya ng gwapo, nagrebulosyon na ang hormones niya. Hay! Kulang ka lang sa sex! Nang-iinis na wika ng isang bahagi ng isip niya.

Pumasok na silang lahat sa loob. Nauna sa kanya ang dalawa kaya napagmasdan niya ang pang-upo ni Bobby. Perfect. Gumana na naman ang isip niya. Puro pang rated-x agad ang naging laman niyon. Napabungha siya ng hangin. He need to get laid.

Nag-angat si Rovi ng tingin para masumpungan lang ang nakakainsultong ngiti ni Mandarin.

"Like what you see, Sergeant?" sabi nito sa kanya with a saccharine mocking smile.

"Like what?" namamaang niyang tanong.

Lumapit ito at ibinulong sa kanya ang gustong ipahiwatig.

"I saw you staring at Bobby's ass. Can't blame you. It's perfect. I can't wait to grab them myself."

Saka ito lumayo at pasimpleng lumapit sa nakatalikod pa ring si Bobby na wala yatang kamalay-malay sa nangyayari.

"I'm not staring." sagot niya sa malanding babae. Habang sinusubukan na ibalik ang composure na bahagyang nawala ng marinig niya ang sinabi nito.

"Yes you did, Sergeant." maarteng wika nito. Blatantly taunting him.

"I did not." naiinis ng wika niya.

"O sige na nga. Di ka na tumitingin sa..." bitin nito sa sinasabi.

Tiningnan niya ito ng nagbababalang tingin. Tumawa lang tinamaan ng magaling. Noon lumingon si Bobby. "Sinong tumititig kanino?" nagtatakang tanong nito.

"Ah eh wala. Nakita ko kasi si Sarhento na nakatitig sa puwit..." pangbibitin ulit nito sa sinasabi. Binigyan naman niya ito ng matalim na tingin. "...ko" sabay humahagikgik na hinampas nito ang dibdib ni Bobby.

Hini niya alam na pinipigil niya pala ang paghinga niyaa dahil na rin sa kagagawan ng hitad. Nagngingitngit ang kalooban niya pero hindi niya pwedeng ipakita rito na naka-isa ito sa kanya. Hindi pwede. Ipapakita niya rito ang kaya niyang gawin lalo na kung pinagkakatuwaan siya.

"Sino ba naman kasi hindi tititig dyan. Eh ayan o, parang wala kang..." sabi ni Bobby kay Mandarin na para bang nahawa na pagpuputol ng sasabihin. Pero nakita niyang may ibinulong ito sa babae. Marahil iyong karugtong ng sasabihin sana nito dahil nakita niyang namula at bahagyang kinilig ang bruha. Napasimangot siya. Oras na para magpaka-pulis siya. Sumusobra na ang babaeng ito at hindi ginagalang ang propesyon niya.

"Sige na. Mamaya na yang landian niyo. Pumunta na kayo sa kanya-kanya niyong kwarto." ma-awtoridad niyang sabi sa mga ito.

"Killjoy! Palibhasa..." nakalabing sabi nito na pinutol niya ng isang nagbabantang pahayag.

"Kung may sasabihin ka pa eh dito mo na ireklamo sa bakal ko. Masyado kang madaldal. Baka nakakalimutan mong suspek pa rin kayo sa drug trafficking kahit pa inalok ko kayong maging witness." sabi niya habang himas-himas ang Glock 17 niya sa baywang. He suddenly hated the idea to show brusqueness in front of a lady. Lalo pa at lumalabas na nagpa-power trip siya. But he had to stress who is the boss with this tramp. Nakakarami na kasi ang matabil na dila nito.

"Hmp! Wala na po, Sarhento. Saan po ba ang silid namin?" medyo sarcastic pa rin ito. Stressing every word with discreet infuriation. At least, nanahimik ka, talipandas! Ang sabi ng natutuwang bahagi ng isip niya.

"Doon sa dulo ang sa iyo." itinuro niya ang pasilyo na kinaroroonan ng mga silid. "Itong nasa itaas ang kay Bobby. At ako rito sa unang silid sa bago ang sa iyo." maangas pa rin niyang sabi na ang atensiyon ay nakay Mandarin. Para bang hinahamon niyang tanggihan nito ang paglalayo niya rito at kay Bobby.

"Okay. Walang problema." matabang na sbi nito bagaman at naka-irap pa rin sa kanya. Tumuloy na ito sa silid na sinabi niya.

"Sarhento, bakit naman tinakot mo si Mandarin?" nagtatakang tanong ni Bobby sa kanya. Parang wala talagang kaalam-alam na ang sikreto na nilang pinaggirian ni Mandarin ay walang iba kung hindi ito.

"Masyadong maarte eh, hindi uubra sa akin ang arte niyang iyon." depensa niya rito. Ayaw niyang magmukhang bad boy sa paningin nito. "Why, Rovi? You didn't seem to care before on what others might think and say about you. So why start now?" mahabang kastigo ng isip niya.

Yes he did not care. Pero, pagdating sa lalaking ito. Parang gusto niyang lahat dapat ay maayos. Dapat perfect ang tingin nito sa kanya. "Why, do you like him? Is he your boyfriend?" Iyon na naman ang bahagi ng isip niya na nang-aasar. Ipinilig na lang niya ang ulo.

"Ganoon talaga ang mga babae Sarge. Ito naman, parang hindi lapitin ng chicks. Malay mo, pakana niya lang iyon at may gusto siya sa iyo." nakangiting sabi ni Bobby sa kanya.

Literal na napamaang siya rito. Saglit na saglit nga lang. Grabe, mas nahahawig siya kay Rico Yan kapag nakangiti. Malanding sigaw niya sa isip. Putik, bakit kailangan nitong bigyan siya ng mala-close-up smile. Hindi siya ready. Napatikhim siya ng wala sa oras.

"Hindi ako type nun. Maarte lang talaga yun. Pumanhik ka na sa itaas. Ituloy niyo mo na ang tulog para maaliwalas ang isip mo. Kung anu-ano kasing pumapasok diyan." pagtataboy niya rito. Teka, hindi ba siya ang kailangan ng matulog? Naiiling na pumasok siya sa kwartong pinili niya at hindi na sinagot ang pamamaalam ni Bobby. Bagkus, nagtaas na lang siya ng kamay to acknowledge him.



"HINDI siya bading." iyon ang sabi ni Bobby sa isip niya kanina pa.

Narinig kasi niya nng i sinasadya ang pagtatalo ng mga ito. Pati ang pasimpleng pagbulong ni Mandarin dito kanina tungkol sa pagtitig nito sa pang-upo niya. Kung meron man siyang gift iyon ay ang napakalakas na paninig niya. Maliit lang naman ang tainga niya pero kung makasagap iyon ng tunog ay talagang namamangha rin siya.

Siguro dahil iyon sa laki siya sa lugar kung saan kapag tumataas ang ilog dahil sa ulan ay inaantabayanan na nila ang dagundong na maririnig nila. Pati ang mga di inaasahang pagguho ng lupa. Iyon din kasi ang dahilan kung bakit bhay pa siya hanggang ngayon. Naisip niya ang tiyahin. Kasama na raw ito ng mga kasamahan ni Rovi. Sana safe ito. Piping-dasal niya sa isipan.

Nagbalik kay Rovi ang atensiyon niya habang naghuhubad ng t-shirt. Pinagmasdan niya ang katawan. Hindi siya kaputian. Pero marami ang nagsasabing magandang lalaki siya. Gwapo rin ang pulis na si Rovi. Kamukha ito ni Cesar Montano. Yung batang version. Lalaki rin ang porma. Kaya hindi siya makapaniwala sa sinasabi ni Mandarin kanina rito. Baka naman namali siya ng dinig. Baka naman puwit talaga ni Mandarin iyong tinitingnan ni Rovi.

Pero hindi eh, narinig niya iyon ng malinaw, bagaman may kahinaan. Word per word niyang narinig. Hindi siya mahusay magsalita ng english pero nakaka-unawa siya ng mga salita sa wikang iyon. Huwag lang yung tipong pang-quiz bee na ang dating at tiyak na manghihiram siya ng talino kay Pareng Webster at Kumareng Miriam.

Napapalatak siya ng maalalang wala siyang gamit na dala. Paano nga pala iyong bihisan niya? Tsk! Siguro itatanong na lang niya kay Rovi iyon mamamaya. Sa ngayon, nag-aanyaya ang kama sa tabi niya. Napagod siya sa biyahe at ang stress na dulot ng "pagkaka-dakip" sa kanila si Rovi ay ngayon na naniningil. Inaantok na talaga siya ngunit kailangan niyang magpalit para presko sa katawan.

Hinubad niya ang lahat ng suot at itinupi maliban sa brief na dala-dala niya sa loob ng banyo. Nilabhan niya iyon kasabay ng paghihilamos. Nang masigurong malinis na ang salwal at malinis na ang katawan ay lumabas siya ng banyo ng hindi itinatapis ang tuwalya na nakita niya sa loob niyon baagkus ay ipinupunas niya sa katawan.

Kinuha niya ang boxers na hinubad saka isinuot. Papasok pa lang ang isang paa niya sa salwal ng makita niya ang pigura na nasa likod niya at nasa may bandang pinto. Napatayo siyang bigla at hindi malaman kung tatakpan ang sarili mula rito o isusuot ng mabilis ang boxers. Ang huli ang pinili niya.

Nang makahuma ay isinuot niya iyon ng pagkabagal-bagal sa harap nito. Nakita niya ang pagtitig nito sa kabuuan niya na para bang isa siyang experiment at ito ay nasa laboratoryo. Hindi siya nakadama ng pagkabastos at pagkailang. Katawan lang naman iyan eh. Huwag lang siyang hahawak kung hindi, magkakabalian kami ng buto. Mayabang na sabi ng isip niya.

"Sarhento. Ikaw pala." kaswal na bati niya rito. Doon ito nag-angat ng tingin sa kanya.

"Pasensiya na. Kumatok ako, pero walang sumasagot. Kala ko tulog ka." sagot nito. Diretso ang matang nakatitig sa kanya. Wala na agad ang paghangang nakita niya sa mga mata nito kanina lang. Teka, nakita ba talaga iyon o nag-iilusyon lang siya? Nalito siyang bigla. Kung ano man, hindi madaling magpalit ng emosyon. Hindi ganoon kadali dapat iyon.

"Ah ganoon ba. Pasensiya na. Naabutan mo akong burles." panunubok pa rin niya dito. Baka sakaling bumigay ang akting nito kung sakaling magpilit siya.

"Okay lang. Parehas naman tayong lalaki." bale-walang sabi nito. Naisip niyang ibuyanyang pa ang katawan dito. Dahil wala siyang brief at boxers lang ang suot ay umaalog-alog ang pakiramdam niya. Hindi na niya isinuot ang t-shirt.

"Ganoon ba? Eh di hindi na ako magsusuot ng t-shirt. Ang init kasi eh." Umaarteng sabi niya. Nagpaypay pa siya ng kamay.

"Buksan mo ang bintana para mahangin. Saka iyon ang bentilador. Pwede mong gamitin." Napapahiyang nilingon ni Bobby ang mga sinabi ni Rovi. Lumapit siya sa mga iyon. Binuksan ang bintana at isinaksak ang electric fan.

"Bakit kayo naparito? May kailangan ba kayo Sarge?" tanong niya rito.

"Kukunin ko lang iyon bag ng epektos. Ebidensiya iyan. Sisiguraduhin ko lang na safe." magaan na sabi ni Rovi. Parang inaantok na talaga.

"Ah iyon ba? Sandali lang." Kinuha niya ang hinahanap nito saka niya iniabot rito. "Tingnan mo rin iyong trunk ng kotse. Baka naroon iyong isa pang bag. Hindi ako sigurado sa laman noon. Pero tingin ko pera iyon." pag-iimporma niya.

"Sige, salamat. Siyanga pala, parating na ang grupo na may dala sa tiyahin mo. Mga hapon andito na sila." sabi ni Rovi bago tuluyang lumabas. Hinabol niya ito sa may pinto. "Ah Sarhento." sabi niya.

"O, bakit?" takang-tanong ni Rovi sa kanya.

"Salamat." sabi niya sabay ngiti.

Nakita niya ang bahagyang pag-angat ng dibdib nito at ang pagkulimlim ng mukha. Napalunok pa itong bahagya. Nagtaka siya sa kakaibang reaksiyon nito.

"Wala kang dapat ipagpasalamat. Trabaho namin ito." malamig nitong tugon sa kanya.

"Salamat pa rin." nangingiti pa rin niyang sabi.

Iyon lang at tumalikod na ito at bumaba. Pumasok na rin siya at kinabig pasara ang pintuan. Tinuyo niya ng bahagya ang buhok at ilang saglit lang ay iginupo na siya ng antok.



"DAMN!!!" naiinis na sambit ni Rovi. Hindi pa rin humuhupa ang init ng katawan niya at ang paninigas ng ibabang bahagi ng kanyang katawan. Buti na lang at nakalaylay ang t-shirt niyang suot kaya hindi halata ang pamumukol ng kanyang alaga na halata sa kayo ng maong.

He felt terribly hot a while ago. Lalo pa at tuksong bumabalik-balik sa isipan niya ang mabagal na pagsusuot ng boxers ni Bobby. His body is perfection at its best. Walang flabs at halatang batak sa mabigat na trabaho. Well, he also had that kind of body pero siyempre, iba pa rin ang makakita ka ng sa ibang tao. Lalo pa at aware ito na pinapanood mo siya.

Naalala pa niya ang parang nanunukso nitong pagtitig sa kanya habang iniaangat ang boxers para matakpan ang dapat matakpan. He was shocked, no it was an understatement. He was devastated with the thought that by simply seeing Bobby dress-up would make his steely arousal very painful for it was under the confinement of his brief and jeans.

He certainly needed a cold shower. Itinimpla niya ang tubig sa shower ng sariling banyo at hinubad ang lahat ng damit. His member still throbbing and swelling. Naalala na naman niya how well endowed Bobby is. Hindi pa iyon naka-erect ng husto. Hindi katulad niya na kanina pa naka-attention sa loob ng pantalon.

He took the cold shower with gusto. Kailangan niya iyon. Ayaw niyang hawakan o maidaiti man lamang ang kamay sa kanyang junior. Baka kasi mauwi iyon sa pakikipagbuno niya kay Marya. Nakataas ang kamay na nakatukod sa dingding ng banyo habang nakatingala at sinasalubong niya ang malamig na tubig ay nakabuo siya ng desisyon.

He should avoid Bobby. Mas mabilis na matatapos itong kasong ito ay mas maganda para sa kanya. Hindi niya pwedeng i-involve ang sarili rito. Straigh ito. And straight guys could only mean one thing. Trouble. In capital "T".


Itutuloy....

1 comment:

wizlovezchiz said...

Nakakabaliw ang scene! Rovi & Dalisay! Kailangan mo na talaga ipakilala yang si Bobby pag nagkita tayo! Ang ganda ng chapter na ito :-)