Thursday, September 23, 2010

GWAPITO'S BY NIGHT 4

Photobucket



Maraming-marami pong salamat sa mga sumubaybay sa aking Inihaw na Pag-ibig!
Lubos po akong nagpapasalamat sa inyong lahat!
I thank you from the depths of my soul!
Muchas gracias!
Hehehe.
And I so love you all!

Isang nagbabagang CONGRATULATIONS kay unbroken para sa kaniyang “Unbroken” na humataw ng todo-todo!
Isang namang naglalagablab na HAPPY MONTHSARY kay jai-jai at sa kaniyang irog!!!

Special mention kay ENSO. Bagama’t di kita nabati sa INP, binabati kita ngayon! ;) You made me smile!
Kay ALLEN din! Salamat sa pag-quote ng lines mula sa INP! You made my day!

Nawa’y tangkilikin at subaybayan ninyo po itong ang aming collaboration!
Papugay din kay Kuya Zach, at sa mga moderators at naggagalingang mga manunulat ng BOL. CHEERS! ;)

I LOVE YOU BIHON KO!!! Hugs and kisses and ... Hehehe.


Enjoy everyone. This is Gwapito’s By Night 4. (Idol dhenxo, you're NEXT. Apir!)

* * * * * * *

Pabalik na ko sa terrace namin nang mag-ring ang phone ko. Isang text message ang natanggap ko mula sa isang di-kilalang number.

Text Message: "LALO LANG MALALAMAN NG LAHAT KUNG PAGTATAGUAN MO AKO."

Napabuntong-hininga na lang ako ...

PAGLALAHAD NI DYNE ...

“If only you could hear me shout your name.

If only you could feel my heart again.

The stars in the sky will never be the same.

If only you were here.

If only you were here ...” LSS na naman ako. Stars. Callalily.

Haaay ...

Pag-ibig nga naman ... parang isaw lang. Buset.

Nami-miss ko siya.

“Nami-miss kita, Zen ...” pagbulong ko sa hangin.

Nasa kasalukuyan akong pagmumuni-muni nang maramdaman kong may mga nagmamasid sa akin.

Malakas pa naman ang pansalat ... este pandama ko. Hehehe.

Ah. Kayo pala!

Allow me to introduce myself ...

The name’s Dyne. I’m 21 years old. Height’s 5’11” and weight’s 160lbs. Waistline’s 33” and body’s buff, hard, and toned.

Hair’s black. Eyes’re deep black. Fair-skinned. Balbon. Nose and jawlines’re well defined. Lips’re blood-red and damn kissable.

Ahm ... safe to say na ako’y gwapo. At sexy, siyempre. Hahaha.

Occupation: Masahista ng Touch-Me-Not spa. Pero may isa pa akong trabaho ... dati.

Callboy.

Yeah. You heard it right. Naging callboy ako. Lalakeng-bayaran. Lalakeng puta. At walang may alam ng nakaraan kong ‘to—kahit sila Aerel, E.A., Franco, at Jethro—maliban lang kay Goji. Sa kanilang lima, kay Goji ako pinaka-close. Hindi ko alam, kahit magkakapatid ang turingan naming anim ay nagaalangan akong sabihin sa apat ang nakaraan ko. Baka pandirihan nila ako eh. Oo, anim na taon na kaming magkakaibigan. Subalit may mga bagay na sadyang hindi ko masabi nang basta-basta. Hindi dahil wala akong tiwala sa kanila kundi natatakot akong mawala sila kasama ng pinagsamahan namin. Masakit kaya mawalan ng kaibigan. Lalo na kapag nagmahalan kayo. Lalo na ... pag nagmahalan kayo.

Wala rin naman akong balak sabihin kay Goji na naging callboy ako eh. Pero sa kaniya lang kasi ako kampante mag-open tungkol sa parte ng buhay kong ‘to. Bagatma’t safe sex naman ang policy ko, natakot pa rin ako dahil baka nakakuha ako ng viral disease o HIV sa pakikipag-sex sa mga gumamit sa katawan ko noon. At dahil nurse din si Goji eh sa kaniya ko na sinabi ang past ko.

Awa ng Diyos ay HIV negative pa rin ako hanggang ngayon.

Marahil ay nagtataka kayo kung bakit ako pumasok at tumigil sa pagiging callboy.

Kaya ako tinutukso ni E.A. na pinakamisteryoso eh—na siyang sinasangayunan naman nila Jethro, Goji, Franco, at Aerel.

Hindi na bago kay Goji ang dahilan kung bakit ako nag-callboy.

Lumaki kasi ako ng ulila na sa ina at ama. Wala rin akong mga kapatid. Ang mga kamag-anak ko naman eh hindi nagmalasakit sa akin kahit kaunti, kaya natuto akong tumayo sa sariling mga paa.

Nakapagtapos ako sa elementarya at hayskul buhat ng scholarship at awa ng Diyos. Teka, hindi ako relihiyoso ha. Sa katunayan nga eh wala akong relihiyon. Agnostic sabi ng iba. Whatever.

I’m only faithful.

Hindi pa sapat para sa akin ang makapagtapos ng elementarya at hayskul lang. Sinikap kong magkaroon ng trabaho. Pero hindi talaga kaya eh. Siguro kung hindi ko iintindihin ang mga gastusin sa renta, koryente, tubig, at pagkain eh malamang kasya na ang kikitahin ng isang service crew sa fastfood. Pero kulang talaga. Mahirap mabuhay on your own.

Sinubukan kong kumuha ng scholarship sa University of the Philippines Manila. Doon kasi ako nagre-rent. Pinalad naman ako. Pero toxic ang buhay scholar. At ayoko non. Simple lang ang prinsipyo ko: di lahat ng bagay ay kailangang ipasok sa kukote. Masyadong mabangis ang mga tao sa UP. Grade conscious at mga halimaw magaral. Pero ayoko ng ganon. Nagaaral ako para matuto hindi para mag-memorize ng mga impormasyon. Kaya talo talaga ako pagdating sa mga memorization ek ek. Nahirapan akong i-maintain ang scholarship.

Noong isang beses na pauwi ako, may lalakeng nagabot sa akin ng isang maliit na papel. Job offer. Pinuntahan ko agad.

Malapit ang UP Manila sa Malate. Madaming bar don.

Noong nakarating na ako sa “HR” office ng nasabing bar, pinag exam nila ako. Wag niyo nang tanungin.

Ang masasabi ko lang ay pwede na palang sabihin na exam ang paghuhubad.

Natanggap ako bilang macho dancer.

Pinatos ko na. Gusto ko kasing makatapos.

Sayang naman. Ganda pa naman ng course ko eh.

Physical Therapy.

Ayos naman ang kinikita ng macho dancer.

Laki kasi ng mga tips eh. Pero may iba pa palang paraan para kumita nang mas malaki, nang mas mabilis.

And the rest was history.

Callboy for girls. Callboy for boys.

I screwed girls. I screwed boys.

All in the name of education.

Tangina kung sino man ang magsabing nasasarapan din naman ako sa trabaho ko.

Tangina talaga.

Hindi niya lang alam kung ano ang pakiramdam ng pagpuputa.

Once a prosti, always a prosti.

Hindi ko na mabubura yon.

Kaya kung ganon man kasaklap ang tinahak ko, sinigurado kong ginawa ko yon para sa isang matinong bagay.

Nakapagtapos ako. Sa awa ng Diyos.

Pero hindi pa rin ako tumigil sa pagko-callboy. Mailap sa akin ang trabaho.

Di rin porket UP grad ka eh sure win na agad sa work.

Nagpatuloy pa rin ako sa pagpuputa, lingid sa kaalaman ng aking mga kaibigan.

Nagbago ang lahat ng makilala ko si Zen.

At walang nakakaalam sa kanilang lima tungkol dito ...

2 YEARS AGO...

“Magkano pag nilabas ko siya,” tanong ng isang lalake sa manager ko.

“Tatlong libo. Iba pa ang service charge niya,” sagot ng manager ko.

“Magkano service charge mo,” tanong sakin ng lalake.

“Dalawa’t kalahating libo. Tatlong oras,” matipid kong sagot.

“Heto ang sampung libo oh. Keep the change miss,” sabay abot ng nasabing halaga sa aking manager.

* * * * * * *

“Hindi ako nagpapatira.”

“Hindi naman kita nilabas para tirahin eh,” sagot ng lalake. May sayad yata siya. O sadyang mayaman lang para pagaksayahan ng sampung libo ang kagaya ko.

“So anong trip mo?” singhal ko sa kaniya.

“Gusto ko lang magpamasahe,” maamo niyang sagot. Napahiya ako. Siya nga pala ang nagbayad sa akin, siya pa itong sininghalan ko.

Kung tutuusin, petiks lang ang pinagagawa niya. Marunong ako magmasahe. Physical therapist ako eh.

“Ah yun lang ba. Bakit hindi ka sa massage parlor nagpunta? Alam mo namang callboy ako at hindi masahista.”

“Kasi gusto sana kitang makasama, kahit sandali lang.”

Nabingi ako sa narinig ko. Ewan. May dinulot na kung anong kiliti sa pandinig and pakiramdam ko ang sinabi niya.

“O ... okay.” Akmang huhubarin ko na ang mga damit ko nang magsalita siya.

“Hindi mo na kailangang gawin yan.”

Sa halip, siya ang naghubad.

“I hope you don’t mind kung boxers na lang ang itira ko.”

“I don’t mind. I’ve been seeing dicks and pussies for the past years anyway, so no big deal.” Bakit ba ang weird ng mga pinagsasagot ko?

Ngumiti lang siya, at humiga na sa kama.

“Be gentle ha. Ayoko ng madiin,” paalala niya sa akin.

At minasahe ko na siya.

Hinagod ang ulo niya para sa isang Indian head massage.

Tahimik lang kami ... walang imikan.

Alam kong gising siya, pero pinili na lang niya sigurong ipikit ang mga mata at damhin ang masahe ko.

Dry Thai massage naman ang ginawa ko sa kanyang katawan.

Nang matapos ako sa kaniyang likuran ay pinatihaya ko na siya.

“I’m sorry,” sabi niya, mapupungay ang mga mata.

“For what?” pagtataka ko.

“I’m kinda stiff.”

“Stressed ka lang siguro sir.”

Ngumiti siya at tumihaya. Na-gets ko na ang pinagtatanto niya.

“Sorry,” wika niya ulit.

“I don’t mind.”

Alam ko namang natural lang yon eh. Ang hindi natural ay ang reaksiyon ko sa nakita ko. Bakit ako nakaramdam ng ganon?

Ipinagpatuloy ko ang pagmamasahe sa kanya.

Nang nasa dakong hita na niya ako eh hinawakan niya ang kamay ko.

Alam ko na ang gusto niyang mangyari.

“Look, you don’t have to do this. It’s enough. I’m okay.”

Nagkamali ako. Langya ka Dyne. Pagisipan daw ba ng masama yung tao. Salbahe ka.

Inayos niya ang sarili. Tumayo na siya para magbihis.

Dumukot siya sa wallet ng pera. Iniabot niya sa akin yon.

“Thanks. You could rest if you want. Twenty-four hours naman ang rate na kinuha ko dito sa hotel. I have to go,” wika niya.

Papalabas na siya sa pintuan nang hindi ko mapigilang hindi magsalita.

“Sir.”

“Ano yon?”

“Salamat po.”

Isang matamis na ngiti ang itinugon niya sa akin.

Umalis na siya.

Ako naman ay naiwan, nagtataka, naguguluhan.

Sampung libo para sa wala pang isang oras na masahe?

Iwanan ba naman ng isang customer na tila ako ang ginawang customer.

Ilabas ba naman sa putahan at hindi man lang pinagsamantalahan.

Unang beses na nakakita ako ng taong nagparamdam sa akin ng respeto.

At tila unang beses din na nakakita ako ng taong tila napusuan ko agad.

Hindi ko alam. Hindi ko maintindihan.

Unang beses ko rin palang nagpasalamat sa isang taong umarkila sa akin.

* * * * * * *

Sa naipon ko at sa ibinigay ng taong yon ay naglakas-loob na akong magtrabaho.

Hindi na ako muling nag-callboy simula noong isang mahiwagang gabi sa buhay ko.

Pinagpala ako ng Diyos na makahanap ng trabaho sa isang massage parlor.

Ang Touch-Me-Not spa.

Madali akong natanggap dahil swak na swak ang qualifications ko.

Naka-bonus pa sila sa looks ko hehehe.

Isang gabi tinawag ako ni Ms. Rachelle, ang manager ng TMN.

“Dyne, may special call ka. Pinapatawag ka ng may-ari.”

“Po? Bakit naman ma’am. Sabihin niyong hindi ako matatanggal sa trabaho ha?” pagaalala ko.

“Ano ka ba. Hindi noh. Hala, sige at puntahan mo na si sir! Hahaha,” aliw na aliw na sagot sakin ni Ms. Rachelle.

“Kaya mo yan Dyne. Hinga ng malalim ... haaay.”

Narating ko na ang special room na tinatawag sa TMN. Reserved ito para lamang sa may-ari.

Malawak ito at napakaganda kahit na mga ilaw lamang ng kandila ang nagsisilbing ilaw.

Bilugan ang kuwarto, at may malaking-malaking kama sa gitna.

Napakabango ng aromatic oil. Hindi ko mawari pero siguradong may halo itong menthol.

Mabango sa pang-amoy, malamig sa baga.

Nakaka-relax talaga.

Mayroon ding classical na musikang umaalingawngaw.

Pakiramdam ko eh makakatulog na ako.

Natigil ako sa tuluyang pag-relax nang maalala kong ipinatawag nga pala ako ng may-ari ng TMN.

Nasa kama siya.

Nakadapa, at tanging tuwalya na lamang ang nakatakip mula baywang hanggang lagpas ng puwitan niya.

“Please lock the door,” maamo nitong pakiusap.

Nililinlang lang siguro ako ng pandinig ko. Marahil eh pati mga tainga ko eh pinasukan ng aromatic oil.

Hindi ko alam kung bakit parang nag-dry ang aking lalamunan.

“Come here.”

Napalunok ako.

Nilapitan ko siya, ang may-ari.

Tila mata ko rin yata ay nabuhusan ng langis na pang masahe.

“Nililinlang niyo lang ako,” sabi ko sa sarili ko, tila kinakausap ang mga sense organs. Adik. Hahaha.

“Istorbohin lang kita sa trabaho mo ha. Pakimasahe naman ako. Masakit kasi talaga ang katawan ko eh.”

Sa pagdampi ng mga kamay ko sa likod ng taong ‘to eh nakaramdam akong muli ng kakaibang pakiramdam. Mainit na parang hinahalukay ang tiyan. Ewan. Dragonflies and butterflies in my stomach, again.

Minasahe ko siya. Thai massage with oil. My specialty.

Habang minamasahe ko siya ay bumalik ang mga ala-ala ng huling gabi ko bilang callboy.

“Hindi naman kita nilabas para tirahin eh.”

“Gusto ko lang magpamasahe.”

“Kasi gusto sana kitang makasama, kahit sandali lang.”

“Hindi mo na kailangang gawin yan.”

“I hope you don’t mind kung boxers na lang ang itira ko.”

“Be gentle ha. Ayoko ng madiin.”

“I’m sorry.”

“I’m kinda stiff.”

“Sorry.”

“Look, you don’t have to do this. It’s enough. I’m okay.”

“Thanks. You could rest if you want. Twenty-four hours naman ang rate na kinuha ko dito sa hotel. I have to go,” wika niya.

“Ano yon?”

Matamis na ngiti.

“Anything wrong?”

Hindi ko napansin na huminto pala ako sa pagmasahe kay sir.

“N ... none sir. You just ... you just remind me of someone.” Potek uutal-utal pa ako. Nakakahiya.

“You know ... the way you massage me ...”

Ambilis nang kabog ng dibdib ko.

Ay bakit ka ba nagkakaganyan Dyne!

“You remind me of a callboy I once met. Until now ... I still think of him. I think I left my heart with him.”

Nagitla ako. Natameme. Sapul. Heart pa talaga ha? Tadhana, ikaw ba yan?

“Sorry. I hope you didn’t mind my mumbling.”

Hindi pa rin ako nakasagot.

The next thing I knew eh hinawakan niya ang kamay ko.

And I could still remember how he first touched my hand.

Dahan-dahan siyang tumihaya, revealing the man who caught my heart and the man who’s the apple of my eyes.

“Well ... hi.”

“Ahm ... hi.”

Speechless.

That night was the night when the Earth stood still.

Ngayon ko lang napansin ang kaniyang mukha.

If people say na I’m damn fuckin sizzling sexy and smexy, what more can I say sa taong nasa harapan ko ngayon?

His brown eyes, clean-cut hair, chinito eyes and gorgeously young but masculine appeal hit me like a 30-wheeler truck.

“I’m Zen.”

“I’m ... I’m Dyne.”

Para kaming dalawang magnet.

Ako ang North pole. Siya naman ang South.

Nananabik magdikit.

Palapit nang palapit ...

At naglapat ang aming mga labi.

Nagaalab.

We were like two stars colliding.

Two hot bodies burning.

All in the name of love.

Buti na lang naka-lock ang pinto.

Pasaway na may-ari.

Unang-una pa man din sa rules and regulations ng TMN ang “NO SEXUAL FAVORS SHOULD TRANSPIRE WITHIN THE PREMISES AT ALL COSTS.”

But love is one hell of a payment. All rules are broken because love remained, remains, and will remain, “unbroken,” ika nga.

At sabi pa nga ng mga matatanda, “One moment of love ... even eternal damnation.”

“Dyne.”

“Yeah?”

“I love you.”

“I love you too, Zen.”

Heaven.

And stars. Lots of them. But he’s the only star I’ll see even when I turn blind.

PRESENT TIME...

Haaay.

See how I miss Zen?

Kaya kayo, pag nagmahal kayo ... all out dapat.

You’ll never know how long you can spend time with your loved ones.

I miss him. I miss him so much, that it hurts.

“Weh ... kausapin daw ba yung mga stars. Wahehe.” Si Goji pala.

(Pano, gotta go with my friends ha. Keep what you know about me a secret, okay? Oh, and Goji’s right. All of you. You’re the stars! Hindi kompleto araw namin pag wala kayo na mga tagasubaybay. Hehe.)

“Haha. Wala. May nami-miss lang ako.”

“Nakanang. Hala sige at umakyat na tayo. Nami-miss ka rin namin. Emotero.”

“Emotero pala ha. Kiss ko?”

“Eto oh ... mmm ...”

“Wag na baka magselos pa stalker mo. Hahaha!”

* * * * * * *

“Saang lupalop ka ba napadpad ha, Dyne?” tanong ni Franco.

“Napadpad? Napadpad lang naman po ako ... sa puso niyo. Hahaha!”

“Banatero ka talaga,” gatong ni Jethro.

“Oy Sideline King, alam ko namang mas magaling kang bumanat kaysa sa akin eh. Hehehe.”

“Di nga, san ka ba napadpad?” tanong ni Aerel.

“We’ve been having a good time and you’re missing a lot,” pangongonsensiya ni E.A..

“Huh? Tell me, ano na ba usapan niyo?”

“Guess what,” tuloy ni E.A..

“What?” Pagtataka ko pa rin.

“Si Aerel, nakaano ...” mahinang sabi ni Jethro.

“Nakaano?” Potek ayoko pa naman sa lahat ay ang binibitin.

“Nakaano ...” nagaalangang tuloy ni Franco.

“Nakaano nga kasi?! Naknampating naman oh!” Iratado ko nang tanong.

May binulong sa akin si Goji.

“Oh. My. God. AEREL?!”

(Itutuloy ...)

2 comments:

seniorito aguas said...

ok first !!!!

yung kay goji di ako nakapag comment dun hahaha
ang ganda ng belief ni goji eh na kahit may problem siya keep on smiling lang!! i love it!!!

then ito namang kay dyne may part na sinabi niya na no rules ang maaaring makapagpagitna sa salitang LOVE

DALISAY said...

Wow... salamat talaga sa pagko-comment. :)