Monday, September 13, 2010

GWAPITO'S BY NIGHT 1

Photobucket



Well, well, well...

Ito na ang Chapter 1. Ang susunod na magsusulat para dito ay si BX na author ng UNTITLED. Kung kailan, siya ang tanungin niyo. Sa wakas pahinga muna ang isip ko. Hahaha... TFE muna ang focus ko. Kaya ninyo yan mga hijo.

Para sa mga naghintay nito. Sana naabot ko ang expectation ninyo. This chapter is an introduction of my character and the gang after six years. I'm quite hesitant in posting it today. Nakapangako lang ako sa ilang tao.

Bati mode...

Wala. Si Lorenso lang. At kay Michael na nalambing ko for the new poster of Gwapito's. This is the 2nd installment guys and the 1st of the Chapters. Enjoy ang have fun reading and... leave a comment please. That's not asking too much. :)



CHAPTER 1



"TWENTY, twenty, twenty four hours to go I wanna be sedated. Nothin' to do, no where to go, oh, I wanna be sedated..."


I'm banging my head with gusto. Sinigurado ko na ang mga kantang tutugtugin namin ng aking banda ay iyong makukulili ang tainga ng mga hindi gusto ang ganoong klase ng genre.

Maingay ang crowd na ngayon sa ReZ Dente Bar and Concert House. Isa iyong sikat na nighspot sa buong Laguna, located at the famous Calle Gwapito. Halos lahat ng mga parukyano nila ay ang mga residente ng lugar na iyon noong una. Ngayon, pati ang karatig lugar na Taguig, Alabang at iba pang bayan sa Laguan ay kuha na rin namin. At isa ako sa dalawang may-ari nito.

"Just get me to the airport put me on a plane
Hurry, hurry, hurry before I go insane
I can't control my fingers, I can't control my brain
Oh no, oh, oh, oh, oh"


Muli ay banat ko ng sikat na rock song ng Ramones. May tumitiling mga groupies sa iba't-ibang panig. Sinisigaw ang pangalan ko. Somehow, laging masaya ang pakiramdam ko kapag naririnig ko ang pangalan ko mula sa crowd. Pero hindi ngayon.

"Twenty, twenty, twenty four hours to go I wanna be sedated. Nothin' to do, no where to go, oh, I wanna be sedated."

Totoo, I wanna be sedated. Ngayon kasi ang ika-anim na taon ng kamatayan ng nag-iisang pag-ibig ko. At kapag iyon na ang topic. Sigurado, sira ang mood ko. Pero kailangan kong may gawin kung hindi masisira ang ulo ko kakaisip kay Elton.

He died on that fateful afternoon. Nakaka-inis isipin na sa lahat ng nakasakay sa bus na iyon ay ang kasama ko pang si Elton ang nadale. Not that I blamed Franco for it. Ang kaibigan kong teacher na ngayon paagkaraan ng anim na taon.

Ang sabi nga ng mga magulang ko, Elton left me with so many friends in replacement of him. Nakakatuwa ba iyon? Kaibigan kapalit ng minamahal? But my parents didn't have a clue that I feel something for my assistant. Basta ang alam lang nila, namatayan ako. Tapos. Ang lupit!

Pagkatapos ng aksidente ay nakilala ko ang ilan sa mga sakay nun. Sila Kuya Pancho at Kuya Gboi niya ay ang siyang tumawag ng mga pulis. Sila na rin ang nagbigay ng statement in-behalf of all the passengers.

Ang nag-try na lapatan ng paunang lunas, CPR, lahat-lahat na ay si Kuya Jairus. Isa palang nurse ito. Nagpakilala sa akin ang babaeng kasama niya bilang si Ate Noime pati na ang binatilyong kasama nila na si Goji.

Ate Pixel and Kuya FR was there too. Hindi sila humiwalay sa tabi ko habang hinihintay ko ang parents ko ng malaman nila na anak ako isang Duke at ng dating Miss Universe na si Mayumi Diaz. Para tuloy dumami ang bodyguards ko. Kahit pa nagpapatutsadahan ang instant magkaribal na sina Ate Cha at Ate Pixel habang napapa-iling na lang sila Kuya Migs at Kuya FR.

Ang kaedad kong si Franco ay lumapit sa akin at sa nahihiyang boses ay nag-sorry sa akin. He felt responsible daw na tinawanan ko lang ng pagak. I said, I was the one dragged him to his death. Kung di ko siya isinama e di sana ay buhay pa ngayon si Elton.

Nakilala ko rin ang ibang sakay noon na sina Dyne-na binendahan sa ulo ni Kuya Jai dahil sa palo ng baril. Si Jethro na malapit lang sa upuan namin noon sa bus at si ang ngumawang si Aerel. Hindi ko inakalang ang limang binatilyong iyon ay magiging malalapit kong kaibigan. Hindi na kami nawalan ng communication simula noon, bagama't after three years ay nagulat silang lahat ng makita ang pagmumukha ko na bumandera sa music scenes ng Europe.

Oo. Ginamit ko ang connection ng aking ama. Not that I don't any talent. Mas mapapabilis kasi kung gagamitan ng koneksiyon ng mga dugong bughaw. Although I recented it at first, hindi maikaka-ilang malaki ang naging tulong nun sa akin at sa banda.

I became famous. A rock star unleashed. But to top it all. I told everyone that I was gay/bisexual or whatever you may call it. That I can fall in-love with both gender, and to my surprise, the people loved it. Some ridiculed me at first, of course you can not please everybody, But I didn't give a whit to what those morons would say.

Hindi rin nakaligtas sa international media ang mga salitang binibitiwan ko. As if, the very word na ilalabas ko sa aking bibig mula sa isang komento ay malaking bagay na sa kanila. I was always quoted frank and scrupulous. Ayaw na ayaw ko sa mga taong mahina ang pick-up. Yung kailangan kong mag-ulit ng sasabihin ang pinaka-iinisan ko sa lahat.

Ang pinaka-malaking issue sa akin ay ang pagtataray ko sa isang staff ng TV show sa PBC na paulit-ulit kong tinanong kung naiintindihan ang instructions ko. Ending, mali-mali ang ginawa kaya sa inis ko sinabi ko ng live sa TV show na iyon ang mga katagang "I really can't stand dumb people. So why don't you just fire that stupid hag and get her out of here. She might do something terrible aside from ruining my guesting." Umani iyon ng batikos na hindi ko pinansin. Ang sinabi ko lang sa isang interview. "I'm not mean. I am just merely suggesting. If they keep stupid people around they might not last a day without complaining about those people's stupidity!"

Siyempre, bilang celebrity, ang daming feeling chummy sa akin. Kaya naman wala akong naging tunay na kaibigan sa industriya. It was always those five guys back in the Philippines ang pinakatatangi kong mga kaibigan. Jethro even joked about being my errand guy na pinatulan ko rin ng biro na siya ang taga-dala ng mga regalo ko sa dressing room ng mga celebrity friends ko. Agad naman umayon ang loko. Official joker ng grupo na na-miss ko ng husto.

Kung nagulat ang lahat sa pag-amin ko ng kasarian at biglaang pagsikat hindi lang Europe, America, Latin America, Asia at saan mang panig na nakaka-abot ang aking musika, ay ginulat ko ulit silang lahat ng bigla ko itong iwan at mag-declare ng final concert sa Cancun ang aking bandang The Sentinel and The Demi-God.

I was only there for a short entertainment. Ginusto ko lang makilala. At ngayong kilala na ako ng mundo and I have money to last me a lifetime. Even two lifetimes pa nga, dahil ang kinita ko lang sa nakaraang dalawang taon ay higit pa sa inaasahan ko. It was good while it last. At least hindi ako laos ng mag-retiro agad ako. Naintindihan naman iyon ng aking kabanda at ng maghanap nga sila ng bagong frontman ay inayunan ko agad at sinuportahan.

Now I'm here. Sa Brgy. Calle Gwapito. Pagkaretiro ko ay dito agad ako nag-settle. Napag-alaman ko kasing ang mga kaibigan kong na-miss ko ng husto ay nakatira sa lugar na iyon. At dapat lang naman na naririto kami dahil mga Gwapo kami. Hindi sa pagyayabang. Minsan nga kahit nagpapakalow-profile ako ay may bigla na lang hahatak na mga babae sa kalsada o di kaya ay yayakap.

Ganoon din sa mga kaibigan ko. Sabi nga ng mga tao sa Brgy. Gwapito. Kami ang mga Gwapito's ng Barangay Gwapito. Nagkaroon kaming bigla ng grupo bagama't hindi namin iyon ine-encourage eh hindi rin naman tinatanggihan. Besides, it has it perks. Kaunting lambing, kaunting ngiti, pa-cute, nakukuha na namin ang gusto namin.

Just put me in a wheelchair, get me to the show
Hurry, hurry, hurry before I go loco
I can't control my fingers, I can't control my toes
Oh no, oh, oh, oh, oh

Bamp bamp, ba bamp, ba bamp bamp, ba bamp, I wanna be sedated
Bamp bamp, ba bamp, ba bamp bamp, ba bamp, I wanna be sedated


I ended the song with a bang. Naghiyawan ang mga tao. Groupies ng mga babae, ng mga bading, bisexual, nagpapanggap na Bi, hindi pa umaaming Bi pero malandi naman, mga magpartners, mga tomboy, at kaunting straight na naligaw sa ReZ Dente. It was a concert night, tampok ako at ang aking bagong banda. Friday night iyon at first set pa lang namin bagaman papatapos na.

"All right guys! Do you want to cry with me tonight?" tanong ko sa wild pa ring crowd.

Humiyaw ang mga ito bilang sagot na mas lumakas pa ng marinig ang intro ng susunod kong kanta. Namatay ang halos lahat ng ilaw at natira ang spotlight na nakatapat sa akin. Kahit pawisan na, okay lang. Mas maigi na iyon kaysa maisip ko ng husto si Elton. Pero para akong gago. Kaka-iwas ko ng pag-iisip sa kanya. Iyong awitin na ginawa ko para sa kanya ang huling kanta ko para sa set na iyon.

People loved it. It was a painful song. Of an untold love for somebody. Of not being able to tell someone you love him. Of an unrequited love. I sang it. The crowd became quiet. As if sharing my misery...


I am in need of something
But that something I can't find.
I thought that I was looking for something
But that something's name was undefined.

Then you came and gave your heart to me
So freely, that I was opted to refuse it.
But you insisted that I need you,
And that I just don't want to understand...

Coz if I told you that I love you
Would you really love me too?
Say if I do kiss your lips,
Would you return my kisses too?

And that I don't want to know, the answers to these questions.
I'll just keep it to myself and say goodbye to something that was never mine...

"Thank you guys for singing with me tonight. I will be back, please don't go away we still have two sets coming. In the meantime, enjoy the ReZ Dente Party Music." mabilis kong sabi sa gitna ng paghihiyawan ng mga tao. May nahagip pa akong nagpupunas pa ng mata at ang iba ay eksaheradong humahagulgol habang isinisigaw ang pangalan ko.

Pumunta ako sa backstage at natagpuan kong naghihintay na ang apat na kolokoy maliban sa isa. Nag-high five muna kaming lima saka ko itinanong kung nassan na yung nawawala.

"Si Aerel?" tanong ko kay Franco na pinaka-close sa hinahanap ko.

"Ah wala pa nga tol eh. Mukhang ayaw payagan ni Tita kasi kanina yun nung nandoon ako." sagot niya sa akin.

"Ah ganoon ba? So little mermaid is forbidden to go to the surface of the sea?" pang-gagaya ko sa boses ng chartoon character na madalas kong ikabit sa pangalan ng kaibigan namin.

Nagtawanan ang mga kumag. "Pareng E.A, ano nga pala ang meron ngayon at ipinatawag mo kami rito?" tanong sa akin ni Jethro.

"Wala naman mga pare. Doon tayo sa itaas." yaya ko sa kanila na ang tinutukoy ay ang balcony ng ReZ Dente na exclusive lamang para sa mga bisita nila ng partner niya sa negosyong iyon na si James.

"Tara." sabi ni Dyne na nagmamadaling nagpati-una sa pag-akyat.

Tinawag ko ang isang staff na nakita ko at nagpaakyat ng mga beer at pulutan para sa mga kolokoy at isang bote ng Jack Daniels para sa akin. Hindi na kasi ako umiinom ng beer. Madali akong malasing sa inuming iyon.

Hindi ko alam kung naaalala pa nila na ika-anim na taon na mula ng mangayri ang aksidenteng nagbuklod sa aming anim. I silently prayed na sana walang mag-bring up ng issue at baka lalo lang maungkat kung bakit sila nagkatipon-tipon doon ngayon.

Nagpalit lang siya ng pawisang t-shirt bago umakyat sa balcony. It was the perfect place to spot for a hot prospect. Marami ang nagpapa-reserve noon sa mga customer pero bihira ang pinagbibigyan nila. May mga balahura kasing customer na naninira at nagdudumi ng mga gamit sa parteng iyon ng bar. Iba kasi ang setting doon. It was cutomized to be comfy yet conducive for anything. Like necking and petting a little making out. Hindi pwede ang all the way doon dahil may nagtse-tsek doon from the other side of the wall. One way mirror kasi iyon na ang katabi ay opisina ko.

"Pare! Happy anniversay sa atin!" Bungad sa akin ni Goji.

Patay! Asahan mo si Goji sa pagiging inconsiderate minsan. May pagkataklesa rin ang timang na ito. Umani ng batok ang sinabi nitong iyon mula sa mga kasama.

"Aray naman! Ano na naman ang ginawa ko?" nagmamaktol kuno na sabi nito habang tinutuktok pataas ang baba para daw bumalik ang talino.

"Hindi na nga namin ipinaalala eh, talagang binati mo pa yung tao." sabi ni Dyne.

"Oo nga pare. Bagama't nagpapasalamat ako na nakaligtas tayo nun, alam mo naman ang nangyari kay EA noon di ba?" si Franco na alanganing bumaling sa akin at tinapik ako sa balikat.

"Ay oo nga pala. Pasensiya ka na EA. Nakalimutan ko." hinging-paumanhin ni Goji.

"Okay lang iyon 'tol. Nangyari na iyon. Naka-move on na ako." sagot ko sabay pilit na ngumiti.

"Asus! Kaya pala maluha-luha ka kaninang last song mo!" Tinig iyon ng makulit na si Aerel.

"Hanep ang timing mo pare. Nakatakas ka ba kay Tita?" si Franco ang sumalubong dito. Paglapit nito ay inulan ito ng kutos. Tatawa-tawa naman si Goji na tuwang-tuwa sa pagkakaganti niya.

"Shit! Ang lakas ng kutos mo Goji ha. Eh kung bote kaya ipalo ko sa ulo mo?" nagbibirong sabi ng bagong dating na tinatapik din ang baba para ibalik ang talino.

"Seriously mga pare, parang celebration din ito ng nangyari six years ago. Kung hindi naman dahil doon eh hindi tayo magkakakilala eh." sabi ko sa kanilang lima.

"Amen to that." sagot ni Franco.

Sa kanilang lahat ito ang medyo serious. Siguro dahil sa imahe nito bilang guro.

Habang si Goji naman ay isang nurse. Kahit di halata. May pagka-flirt kasi ito.

Si Dyne na isang masahista ang pinaka-misteryoso na maituturing sa amin.

Si Jethro naman ay tinagurian naming Sideline King. Maraming business on the side ang loko. Hindi nawawalan ng laman ang wallet. Utangan ng mga kapitbahay. Tinutukso ko ngang tumakbo na lang na Chairman sa eleksiyon.

Si Aerel, bagama't mas matanda ng isang taon kay Dyne, ay siyang itinuturing naming bunso. Nag-aaral pa kasi ito. Spoiled pa sa nanay pero takot din naman dito.

At ako? Wala lang. Sa harap ng mga kaibigan kong ito, ako si EA, hindi si Eljo Achilles na sikat, celebrity at kung anu-ano pa. They can say what they want lalo pa kung nagkakamali ako. Numero uno na si Jethro na may pagka-abogado pa yata kung mang-scrutinize sa akin.

But I love them all. At alam kong ganoon din sila sa akin. Walang agenda ang pagiging magkaakibigan namin. Wala kahit sino man sa kanila ang nanghingi ng pabor sa akin. Tinutulungan pa nga nila akong magpakalow-profile. Malalakas din mang-asar ang mga tinamaan ng magaling.

Pare-parehas din kami ng sexual preferences. Nakakagulat. Bagama't ipilit iyong itago minsan ni Franco ay nahuli naman siya ni Dyne kaya iyon palagi ang asaran nilang dalawa. Buti na lang din at walang tumatawid sa amin sa linya ng pagkaka-ibigan. Pero ewan ko lang. Marami pa kaming pagdadaanan. Tiyak yun. Pero ang sigurado ko na, magkakasama kami hanggang sa huli.


Itutuloy...

4 comments:

Anonymous said...

MOM :D

You rock!

Anonymous said...

Grabe talaga. This'll be one hell of a writing legend! I can feel it.

BANGISSS!!!

seniorito aguas said...

grabe!! sumasaludo ako sayo dalisay ... hindi talaga ako matutulog promice hahahahaha tatapusin ko to till sa huling naiupload XD hahahaha

DALISAY said...

Salamat aguas