Author:Rovi/Unbroken
FB:Iheytmahex632@gmail.com
BLOG:http://strangersandunbrokenangels.blogspot.com/
“Raaafffff!!!!”
Napabalikwas ako sa kama. Agad kong inangat ang aking ulo at accidentally na tumama ang aking ulo sa bakal ng double deck. Ang sakit lang. Nagising ako sa paghampas ng ulo ko sa lintik na bakal na yan. Muli kong ibinagsak ang aking katawan sa malambot na foam ng double deck at naramdaman ng ulo ko ang malambot at mabango kong unan.
Nanaginip na naman ako. Ano na naman ang ibig sabihin non?
Ramdam ko ang malakas na kabog ng dibdib ko. Ang lamig din ng butil-butil na pawis sa aking noo. Napanaginipan ko na naman ang sementeryo at kung anu-ano pa. Nakita ko rin ang upuang lagi naming pinepwestuhan sa t'wing magagawi kami sa parke na yon. Hinahalukay na naman ako ng nakaraan. Bumabalik na naman si Raf sa aking mga panaginip. Pero nasaan ba talaga sya?
Buntong-hininga. Isang malalim na buntong-hininga.
Mahigit limang taon na ang nakakalipas ng huli ko syang makita. Iniisip ko pa rin talaga sya. Di ko lang alam kung if he's still the same. Iniisip nya pa din ba ako? Ganoon pa din ba ang itsura nya? Moreno pa din ba sya at toned pa rin ang katawan? Does he still wear the same old perfume? Does he still wear the same old smile? Ayoko ng ganito. Ang dami kong iniisip na mga bagay na nagpapalungkot sa akin. Sa t'wing hindi ko naman sya iniisip ay kung anu-ano ang nangyayari.
“Jared anak. Magaalmusal na tayo.” pagtawag sa akin ni Mama mula sa labas ng aking kwarto.
Hindi ako sumagot. Tumayo ako at inayos ang aking sarili. Tinignan ko ang sarili ko sa salamin. Kitang-kita ko ang aking reflection. Ako pa rin to,nagbago lang ng kaunti. Naiisip ko na naman si Raf. Dati,t'wing nasa bahay kami ay lagi kaming sabay na tumitingin sa salamin. Tapos pag nasa tapat kami ng salamin ay bigla nya kong yayakapin mula sa likod at hahalikan nya ang aking leeg.
Isang malalim na buntong-hininga.
“Anak. Paparating na si Kath. Sasama ata sa office mo para madiscuss na din ang ibang mga bagay para sa kasal nyo.”
Patuloy na pagsabi pa ni Mama mula sa labas ng kwarto.
Napakamot ako ng ulo. Ikakasal na pala kami ni Kath ilang buwan mula ngayon. Handa na ba talaga ako? Mali,ang tanong eh,gusto ko ba talagang magpakasal kay Kath? Di ko alam. Kath has been with me kahit noong mga panahon na nasa kadiliman pa ako. Mahal ko sya pero di ko alam kung bakit ako nagdadalawang isip sa pagpapakasal. Wedding jitters lang ba to o talagang naguguluhan na ako?
“Oo mama. Lalabas na ako.”
“Sige sige. Nakahanda na ang pagkain sa mesa.”
“Okay.”
Mabilis akong kumilos. Naligo agad ako at nagbihis. After ng breakfast ay dederecho agad ako sa opisina. Inayos ko ang aking sarili,nagformal attire at nagwax ng buhok. Nagpakawala ako ng isang malalim na buntong-hininga bago ako lumabas ng kwarto.
Dahan-dahan kong binuksan ang pinto at bumungad sa akin ang isang pupungas-pungas na Victor. Nagtama ang aming mga mata,agad akong umiwas.
“Good Morning Jared anak.” sabi nito.
Tumingin lang ako sa kanya at nagtaas ng kilay.
Mabilis akong tumungo ng mesa kung saan nakaupo na si mama.
“Anak ang gwapo mo ngayon.”
Ngiti lang ang isinagot ko.
“Anak bakit di mo ata pinansin ang Tito Victor mo?”
“Ha? Hindi Ma. Ngumiti ako sa kanya.”
Ilang segundo pa ay nakaupo na sa harap ko si Victor. Hindi ko alam ang nararamdaman ko. Naiinis ako na di mawari. I just really can't stand it. Ayokong nakikita sa hapag-kainan ang mga taong ayaw ko. Pinipilit kong di mairita dahil makakahalata si Mama at isa pa ay masamang magaway sa harap ng pagkain.
“Anak kailan ang kasal nyo ni Kath?”
Napaisip ako.
“Wala pang date. Tentative pa. Pero target namin eh months from now.”
“Anak parang ilang beses na naurong ng naurong ang kasal nyo. Gusto mo bang maging hands on na kami ng Tito Victor mo para mas di kayo mahirapan? Ilang taon ng napupurnada yan eh.”
Napatingin ako sa nanay ko. Ramdam ko ang concern sa kanyang mga salita. Alam kong gusto nyang mapadali ang kasal at atat na rin kasi talaga syang magkaapo. Pero di ko alam sa sarili ko. Kahit si Kath ay nagaapura na din,ako lang talaga ang may mga problema sa sarili ko.
“Baka naman di pa ready si Jared magpakasal Ma?” sabat ni Victor.
I threw him an odd stare.
“I mean,after lahat ng mga pinagdaanan nya, I think he needs more time.”
“Dad,ang tagal ng nagaantay ni Kath para sa kasalan na yan. Don't you think it's just time for them to settle? Isa pa ang tagal na nila diba?”
“It's not like that Mom. If they're going to commit sa marriage na to na halfhearted ang isa, I don't think na magwowork ang kasalan.”
Nakikinig lang ako sa mga pinaguusapan nila. Di ko alam pero pakiramdam ko ay unti-unting binubuksan ni Victor ang utak ni mama para maramdaman nitong di pa nga din ako handang magpakasal. Siguro nga ay hindi pa din talaga ako handang magpakasal. Nagpatuloy ang diskusyon nila about sa kasalan. I feel obliged. Ang punto ni Mama matagal na kami ni Kath at wala na akong makikitang ganoong babae. Ang punto naman ni Victor ay pakiramdam nya ay di pa ako handa kaya hindi rin magwowork. Tama sila pareho. Di ko alam sa sarili ko kung ano ba talagang plano ko.
Natapos ang breakfast,hindi nagpakita si Kath. Nakakapagtaka.
I instantly called her. Ang tagal sumagot.
“Hon? Bakit di ka nakapunta? I thought breakfast tayo?”
“Hon,sorry. Ang sakit talaga ng puson ko. Babawi ako next time. Love you.”
“Okay lang. Take your medicine. Punta ko dyan pag di busy, Love you too.”
Disconnected.
* * *
Maaliwalas kong narating ang opisina. Magiliw ang mga tao just like last time.
“Sir Jared. Pag may kailangan po kayo tawagan nyo lang po ako sa phone.”
“Sure Lily.”
“Sige Sir. Back to work na po ako.”
Akmang tatalikod na ito nang may naalala ako.
“Lily?”
“Ahh Yes Sir?”
“Ikaw ba ang naglagay ng kape sa mesa ko kahapon?”
“Sir?” may pagtataka sa tono nito.
“Kape. Nilagyan mo ng kape ang mesa ko kahapon?”
“Sir hindi po. Bakit?”
“May kape kasi sa mesa ko.”
“Sir. Di po ako. Alam kong ayaw nyo ng kape.”
“Oo nga Lily. Hayaan na natin.”
“Ang weird nun Sir.”
“Oo nga. O sya cge. Later ha?”
At bumalik na ako sa loob ng aking opisina. Hanggang ngayon iniisip ko kung sino pa rin talaga ang naglagay ng kape sa aking lamesa. Nakaramdam ako ng kakaiba. Raf. Nasaan ka ba?
* * *
6pm. Same overtime work. Nagpaalam na si Lily para umuwi kasama ang iba pang mga tao sa office. Naiwan na ako sa loob pero nasa labas ang aming maintenance personnel na si Ron. Patuloy ako sa pagtapos ng mga natambak na reports ng biglang nagflicker ang ilaw. Hinayaan ko lang. Patuloy ako sa pagtapos ng mga reports ko ng nagflicker muli ito. Kasabay ng pagkurap ng ilaw ay ang malamig na dampi ng hangin sa aking balat.
Bakit ang lamig? Hindi naman nakatodo ang aircon.
Binalewala ko ang mga nangyayari. Marahil nagloloko lang ang ilaw maging ang aircon. Ilang segundo pa,huminto ang ilaw sa pagflicker. Bumalik rin ang normal na temperature ng kwarto. Inaayos ko na ang mga kontrata para sa mga bagong papasok na empleyado sa kumpanya. Makalipas ang wala pang labinlimang minuto,nagsimula na naman ang pagkurap ng ilaw.
“Punyeta!” bulalas ko
Parang Christmas light ang pagkurap ng ilaw. Naiirita na ako. Di ko matatapos ang mga ginagawa ko ng ganyan. Naramdaman ko ang pagkunot ng aking noo. Pumikit ako at nagpractice ng rhythmic breathing. Magiinhale ka ng malalim for 4 seconds then ihohold mo sya ng another 4 seconds at irerelease mo sya ng ganun din. Pinaulit-ulit ko ito hanggang sa naramdaman ko ang pagkalma ng aking sistema.
Naramdaman ko na ang pagkalma ng aking mga nerves. Binuksan ko ang aking mga mata. Patuloy pa rin ang pagflicker ng ilaw. Nakaamoy na naman ako ng kakaiba- amoy na naman ng kape. Nagsisimula na naman akong kabahan dahil naamoy ko na naman ang kape na iyon. Susubukan kong di pansinin.
Tumitig ako sa ilaw ng ilang segundo. Patuloy ito sa pagflicker. Naiirita na ako.
“Ron!”
“Ron!”
Mabilis na dumating ang isa sa mga kasama namin sa opisina.
“Bakit Sir?”
“Ron. Bakit nagpapatay-sindi ang ilaw?” Sabay turo sa aking taas.
Napatulala ako sa taas nang mapansin kong walang kagalaw-galaw ang ilaw. Maliwanag ito at stable. Nakita ko rin ang pagkamot ni Ron ng kanyang ulo dala na rin ng pagkayamot. Napabuntong hininga din ito.
“Sir. Okay naman po ang ilaw ah?”
“Nagfiflicker yan kanina!”
“Sir ayan nga po walang kagalaw galaw oh!” sabi nito sabay turo sa ilaw.
Tumingala ako at nakita kong okay ang ilaw. Hindi pundido. Pero nakita ko ang nakita ko. Iginiit ko talaga ang nakita ko. Mukhang tinatamad lang kumilos si Ron.
“Nakita ko ang nakita ko Ron. Ano bang problema?”
“Sir hindi nga po pundido!” Pasigaw nitong sabi.
“Sinisigawan mo ako?” there's authority sa aking boses.
“Haaa.? Hi-hin-di po.” nagbago ang tono sa boses nito.
“Baka gusto mong ipaalala ko sayo kung sino ang kausap mo Ron at kung ano ka lang sa kumpanyang ito? Kung tinatamad kang magtrabaho,magresign ka! Hindi yung pinapakitaan mo ng incompetence ang isa sa mga amo mo!” pagsigaw ko sa kanya
Natahimik sya at nanatiling nakaupo. Sa sobrang irita ko ay agad kong naayos ang aking mga gamit at agad akong lumabas ng kwarto. Bago ako lumisan,tinignan ko sya at nagwika.
“You don't have to file your resignation Ron.”
“Sir?” nangangatal nitong sabi.
“You're fired!”
I slammed the door then hurriedly left the office.
* * *
Masaya akong sinalubong ni Mikey pagbaba ko ng office. Nagyakap kami at nagngitian. Ang laki ng pinagbago ng aking nakababatang kapatid. Kitang-kita ngayon lalo ang kanyang kakisigan. Dati ay tototoy-totoy sya pero ngayon ay napakatikas na ng kanyang pangangatawan. Mahirap na ngang sabihin na magkapatid kami dahil pakiramdam ko ay ang layo na ng mukha namin eh. Aminado akong mas gwapo si Mikey sa akin.
Sabay kaming nagyosi sa may ibaba ng building. Ako na nagpapaalis tension,sya na nagaalis ng boredom. Napagusapan namin ang kung anu-ano pang mga bagay ukol sa kanyang mga pinagkakaabalahan. Napagalaman kong aside from working out,nagenroll din sya sa isang Pole Dancing Class para mailabas nya ang kanyang lakas pati na rin sa pagdevelop ng kanyang muscles.
Sa loob ng ilang minuto naming pagyoyosi at pagkekwentuhan,naramdaman kong somehow,nabawi ang ilang taong di kami magkasama.
Inakbayan ako ni Jared habang naglalakad kami papunta sa kanyang sasakyan. Ang sarap lang ng feeling ng mayroong kapatid na magiging kakampi mo sa lahat. Sana di to matapos. Patuloy kami sa paglakad nang marinig ko ang pagbuntong-hininga ng aking kapatid.
“Oh? Anong problema?”
“Wala naman Kuya, Iniisip ko lang kung paano kung di pinakasalan ni Mommy si Victor. Siguro masaya tayong tatlo.”
“Mikey,siguro nga. Pero kahit papaano,yung ginawang pagpapakasal ni Mommy ay nakagawa ng paraan para mas mapabuti tayo in our own little ways. Tignan mo lang sayo,naging independent ka at mas okay ang finances mo ngayon. Tingin mo ba kung di nangyari ang mga nangyari magiging ganyan ka katatag?”
“May punto ka dyan Kuya. Siguro kung di nangyari ang mga iyon, I wouldn't be in this state now. Siguro mas simple ako at nakadepende pa rin kay Mommy. Siguro mas masaya tayo. At siguro,kung di nangyari ang mga nangyari, malamang walang galit sa puso ko ngayon.”
“Naiintindihan ko lahat Mikey. Alam ko ang pinagdadaanan mo.”
“Salamat Kuya.”
Sumakay kami sa kotse. He drove to the nearest coffee shop,Mikey is such a good driver. Napakasmooth nya lalo na kapag sya ay magtetake over. He assures the safety of his passengers.
We got in to the coffee shop after he parked his car.
“Kuya,kape?”
“I don't drink coffee Mikey. Kahit Green Tea nalang.”
“At bakit di ka na nagkakape? Dati naman nagkakape ka?”
“Blast from the past. I just don't want to be reminded.”
“Sino to?”
“Basta.”
“Mind me asking. Siguro ka na ba talaga sa kasalan?”
Napahinto ako sa tanong.
“Actually,hindi.”
“Then stop the wedding.”
“I know. Kaya nga inuudlot ng inuudlot. Kanina nga,pinagtanggol ako ni Victor. Ang sabi ay baka di pa ako handa sa kasal kaya wag daw ako pilitin. Ewan ko ba don kung bakit.”
“Baka naman type ka kuya?”
Napatitig ako kay Mikey. Nakaramdam ako ng guilt. Sasabihin ko ba sa kapatid ko na maging ako ay naabuso ni Victor? O itatago ko nalang? Hindi ko alam kung anong dapat kong gawin. Ang daming mga bagay ang nagsasabay sabay sa utak ko ngayon. Pakiramdam ko any moment ay sasabog ito.
“Kuya? Anything wrong?”
“Ha..? Wa-wala.”
“Okay.”
“Sorry Mikey. Preoccupied.”
“Ayos lang.”
Tahimik.
“Kuya,gaganti ako.”
“Ha? Paanong gaganti at kanino?”
“Kay Victor.”
“Paano? Anong gagawin mo?”
“Basta.”
Nakaramdam ako ng kakaiba sa mga sinabi ni Mikey. Alam kong mabait syang bata pero di ko alam kung anong pwede nyang gawin dahil sa galit nya kay Victor. Lagi naman tayong nakakagawa ng mga bagay na hindi dapat kapag galit tayo or kapag pinangungunahan tayo ng emosyon. Sana lang ay gabayan ng Diyos si Mikey sa mga bagay na pwede nyang gawin. Sana tulungan sya ng Diyos na magpatawad. Alam kong mahirap pero alam kong kinakailangan.
Bumalik na kami sa sasakyan. Tahimik si Mikey,halatang may iniisip. Hindi ko alam kung ano yun, hinayaan ko nalang sya. Nagmaneho sya at wala pang 30 minutes ay naihatid na nya ako sa subdivision. Tahimik pa rin ang aking kapatid,nakakapagtaka.
“Bakit Mikey?”
“Iniisip kita Kuya.”
“Bakit?”
“Wag ka ng magpakasal kay Kath. Please?”
Napatingin ako sa aking bunsong kapatid. Kita ang sinseridad sa mga mata nito. Alam kong iniisip nya na di ako sasaya kay Kath at alam kong concerned sya sa akin. Pero dapat ko pa rin talagang pagisipan ang magiging desisyon ko. Mahirap din masaktan at makasakit. Ngumiti ako kay Jared.
“Pagiisipan ko bunso.”
Ngumiti sya sa akin. Kinuha ang aking kamay at pinisil ito. Ginawaran ko sya ng isang halik sa noo at bumaba ako ng kotse. It really feels good to have a younger brother. Mabilis akong lumakad pabalik ng bahay at nakita ng aking peripheral vision ang pagatras ng kotse ni Mikey. Ilang segundo pa ay nawala na sya.
Malamig pa rin ang dampi ng hangin sa aking balat.
“Jared!”
Isang tawag na nakakuha ng aking atensyon.
Napalingon ako sa aking likod. Walang tao. Dumerecho ako sa paglakad.
“Jared sandali lang!”
Muli akong lumingon sa aking likod. Walang tao. Kinabahan ako. Nagmadali akong tumakbo sa gate. Nang bubuksan ko na ang pinto,nakaramdam ako ng yakap mula sa aking likuran. Mainit ang kanyang katawan.
“Jared. Bakit di mo ko pinapansin?”
Natameme ako. Pamilyar ang boses na yon. Maging ang init ng kanyang katawan. Pati na rin ang kanyang hininga. Maging ang kanyang pabango. Sya nga. Naramdaman ko ang pagtulo ng aking luha,mas naramdaman ko ang higpit ng kanyang mga yakap.
“Raf. Nagbalik ka.”
“Oo Jared. Nagbalik ako.”
“Raf.”
“Namiss kita Jared.”
At tumulo ang aking luha.
I T U T U L O Y . . .
A compilation of my thoughts, dreams and fantasies. Stories that describes best my simple wishes in life. In addition to that, I asked friends to contribute their talents in this site where reality and fantasy are as one. Welcome to my site. Welcome to my heart. I am Dalisay.
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
No comments:
Post a Comment