Sunday, May 1, 2011

Tres Adonis 4

videokeman mp3
Pangako – Kindred Garden Song Lyrics








Nanlamig ang buo kong katawan dahil sa di inaasahang naganap. Isang bagay lang ang pumasok sa isip ko. Yun ay ang sugurin ang dahilan kung bakit nasa lugar na iyon ako, imbis na nasa opisina at nagttrabaho.


AKO: "Elwood, excuse me lang ah" sabay talikod at tinungo ko ang kinaroroonan ng halimaw.


BRANDON: "Oh gayboy, di mo ba matiis ang gutom mo kaya ka naparito?" sabay ngiti ng painsulto


AKO: "Hinatid ko lang mga pinamili ninyo SIR!!! saka na po ulit tayo MAGLARO!! Kasi may mahalagang bagay akong aayusin" sabay talikod palayo.


Di ko na nakita ang naging reaction ni Brandon at wala na akong pakialam kung anu pa iyon. Mahalaga sa akin ay makapagpaliwanag ako sa kuya ko.


TInungo ko si Elwood, sabay hila ng kamay niya.


AKO: "Tara, I need your help on this. Kilala mo naman siguro si kuya"


ELWOOD: "Pero....."


AKO: "Shut up! maya kana magsalita Elwood please"


Derecho kami sakay ng taxi ni Elwood. Alam ko kasi kung saan tutungo si kuya sa mga gantong sitwasyon na nasasaktan siya.


Tama nga ang naging hula ko. Nasa bahay at nagmumokmo, yakap yakap ang mahiwagang vase niya. Tahimik akong lumapit at umupo sa harap niya.


KUYA GRER: "Tarantado ka cadreck!!" sabay gawad ng sapak sa pisngi ko at kwenelyuhan ako. "Ba't Mo nagawa sakin to!! kapatid kita baka nakakalimutan mo!!!"


AKO: "Kuya.. mali ka sa nakita mo, makinig ka muna please"


KUYA GREG: "Anu? nakaisip na kayo ng pagdadahilan?, nasaktan na ko tol" napa iyak na si kuya


AKO: "Alam mong di kita pagsisinungalingan kuya, kaya makinig ka naman sakin oh"


KUYA GREG: "Magsama kayo!!!"


Mukhang di na nakatiis si Elwood sa mga nasaksihan niya.


ELWOOD: "Naririnig mo ba lahat ng mga sinsabi mo Greg ah? I don't think kailangan naming mag explain sayo kasi wala naman talaga kaming ginagawang masama. Besides, anung karapatan mong magalit?"

Tila naman parang napako sa kinatatayuan niya si Greg. Animoy may sapi na biglang natauhan.


AKO: "Kuya totoo sinasabi niya, di sinasadya pagkikita namin sa mall. Yung mga dala dala ko kanina, sa anak ng Boss ko yun, nasa loob siya ng resto kumakain kaya di mo siya nakita. paniwalaan mo naman ako kuya"


Elwood: "I think I'm just wasting my time here. See you around Cadrick. Hayaan mo siya kung ayaw niya maniwala" sabay talikod palabas



KUYA GREG: "Elwood..."


Pero di na siya nilingon nito, sa halip any derechong lumakad palabas ng bahay.


AKO: "ku..kuya, naniniwala kanaba?"


KUYA GREG: "I'm sorry, nagulat lang kasi ako sa nakita ko. patawarin moko. Nakalimutan kong ako ang totoong may kasalanan sa lahat lahat ng nangyayari" malungkot nitong pahayag


AKO: "ok na yun kuya" sabay yakap. "Siguro dapat mag isip ka ng paraan para kausapin ka ni Elwood, di ba mahal mo pa siya?"


KUYA GREG: "natatakot ako tol, natatakot akong madinig na hindi na niya ako mahal" bakas ang pag dilim ng mukha ni kuya.


AKO: "Kahit anu madinig mo mula sa kanya atleast, alam mo kung may aasahan ko o wala, stop wasting your time, that vase na lagi mong hinahawakan won't help you. No matter how you rub that thing, walang lalabas na Genie jan para tuparin ang mga wish mo" sabay ngiti at saktong nagring ang phone ko.


Nung tiningnan ko ay number ni halimaw ang nakaregister. Muli ay nanumbalik ang kilabot sa buo kong katawan.


AKO: "AHHHHHHH!!!!!!! Shhhit!!!!!!!!!!!! Shhhit!!!!!!!!!" sabay takbo sa kwarto at dun ko sinagot ang tawag niya.


BRANDON: "Tapos na ba yang mahalagang bagay na sinasabi mo?" PUNTAHAN MO NA KO DITO KUNG SAAN MO AKO INIWAN!! I'M WARNING YOU HINDI AKO AALIS DITO!!!!!!!!!!"


AKO: "ah eh ...sir"


BRANDON: "Sir your face gayboy. Napakalaki na ng kasalanan mo sakin" sabay patay ng phone.


Paglabas ko ng kwarto ay saktong papunta sa direction ko si Papa.


PAPA: "Kanina pa ko nakakadinig na sigawan nag away ba kayo ng kuya mo?" di napansin ni papa na galing dun si Elwood


AKO: "Di po papa, si kuya nalang tanbungin niyo.. " mangiyak ngiyak kong sambit sabay patakbong lumabas ng bahay para puntahan si Brandon.


Nung tiningnan ko si kuya ay mukhang malalim ang iniisip. Parang di nadidinig ang usapan namin ni papa.

Pagdating ko sa kinaroroonan ni Brandon ay nakita ko itong naka upo padin doon sa mesang pinakainan niya at animoy relax na relax lang naghihintay, pero ng maaninag ako ay biglang nagdilim ang mukha.


Pinilit kong magmukhang palaban habang papalapit sa kanya.


AKO: "Nandito na ko sir, kukunin ko lang mga pinamili niyo. Hintayin ko kayo sa labas" sabay pulot at talikod papalabas.


Kakaibang tuwa naman ang nadama ko dahil di ko siya nabigyan ng pagkakataong magsalita. Basag siya ngayon.


Pero tila nakabawi ito nung nasa parking lot na kami.


BRANDON: "Ayoko makita yang pagmumukha mo sa loob ng sasakyan ko. Find your own way kung paano mo maihahatid sa bahay yang mga dala mo." sabay pasok sa sasakyan at walang pag aalinlangan akong iniwan doon.


AKO: "(sa isip ko) Hindi na ko natutuwa sa pinag gagagawa ng gagong to."


Dali dali akong humanap ng taxi. Pagdating ko sa bahay nila ay saktong iniabot ko lang sa guard ang mga pinamili niya. Aktong lalabas na ko ay muli kong nadinig ang Boses niya.


BRANDON: "ikaw magpasok niya dito" may himig galit


AKO: "Kunin mo kung gusto mo" sabay talikod


BARNDON: "Ginagalit mo ba ako?!!!!!!!!! Don't dare me"


AKO: "Yeah I'm daring you!! Tang ina mo!!!! Kahit mawalan ako ng trabaho habangbuhay ayos lang sakin!!!! abuso ka na ah? kung susumahin wala naman akong contribution jan sa pagkapilay mo. Baka gusto mo pilayin ko yang leeg mo nang magkaroon ka ng rason na alila-in ako" sabay patakbong umalis sa lugar na iyon.


Alam kong wala na akong trabahong babalikan kinabukasan. Pero mabuti na iyon kesa sakyan ko ang laro ng taong yun. Sabi nga nila. sa aming tatlo, ako lang nagmana sa katapangan ng Daddy namin.


GUARD: "Sir! sir! hintay po! nalaglag po tong wallet niyo don" hinabol pala ako ng guard ng di ko namamalayan


AKO: "Salamat ah.. kung nagkataon, maglalakad ako pauei.." sabay ngiti


GUARD: "Galing niyo sir! Kayo ang kauna unahang taong nakapagtaas ng boses kay sir Brandon" nakangising sambit nito.


AKO: "ah ganun ba? Try mo, masarap kaya.." pabiro kong sambit


GUARD: "Di na dir, tama ng nakita ko kung panu niyo sa pinako sa kinatatayuan niya, parang naka ganti nadin ako sa masungit na yun. Cge po sir baka mawalan pa ko ng work"


AKO: "Cge ingat"


Hindi ko maipaliwanag ang nararamdaman ko ng mga panahing iyon.Alam ko at nararamdaman kong hindi natatapos doon ang problema ko kay Brandon. Mabigat ang loob kong umuwi sa bahay namin. Papasok na ko sa gate nang makita ko ang isa pang kuto sa buhay. si Allen.


AKO: "oh? ba't andito ka? para kang pulubing namamalimos jan sa pwesto mo"


ALLEN: "ah eh Cadreck, anjan kaya si Tristan?" nahihiyang pahayag nito.


AKO: "Malay ko, galing din ako sa labas. Pero one thing is sure at 100 percent sure ako. Ayaw ka makita ni Tristan"


ALLEN: "Pero mag........."


AKO: "Ooopppssss, wag mo sa akin sabihin yan. saka na pag ready na makinig sayo si Bunso, better yet umuwi kana muna. Babalitaan nalang kita about sa kapatid ko" sabay pasok sa bahay.


PAPA: "Oh napaaga ata umwi mo?"


DADDY: "Alam mo naman yang anak natin, mana sakin sa kasipagan, maaga siguro natapos ang tarabaho"


AKO: "wala na po akong trabaho.. natanggal ako"


PAPA: "Anu?!!! Mana ka nga talaga sa Daddy mo. explain this to us iho panung?"


DADDY: "calm down.. alam kong may valid reason ba't nangyari to"


AKO: "Dad, Papa, ayoko na po kasi sa trabaho ko. wala lang ayoko na" pinili kong magsinungaling kesa sugurin ni daddy si Brandon at bugbogin.



DADDY: "Hmmmmm ok.. that's good enough for me. tara meryenda muna tayo"



PAPA: "hey hey? anung klase kang ama? diyos ko naman, kaya lumalaking ganyan yan si Cadreck kasi lagi kang ganyan pag may nagagawang kalokohan yan"



DADDY: "Aysus naman itong asawa ko. hayaan mo na ang bata. Let him explore the world of grown ups. Matututo din yan sa sarili niya" sabay yakap at kiss kay Papa.



AKO: "Weh ang korney ng gestures niyo"



PAPA: "uy! Cadreck ah? mag uusap pa tayo. halika na muna at magmeryenda ka dito, nag bake ako ng cake kanina"


DADDY at AKO: "woooohhooooo CAKE!!!!!!!!!!!"


PAPA: "Magtatay nga kayo"


DADDY: "Oo naman!!!!!!"


PAPA: "Sandali lang at tatawagin ko si Tristan, sabi magbibhis lang daw siya, kanina pa yun"



AKO: "ahh kanina pa ba siya umuwi papa?" (Alam kaya niyang nanjan si Allen?")sa isip ko naman. Nkaramdam ulit ako ng habag para sa kapatid ko.



DADDY: "Oo kanina pa" si daddy na sumagot, nakaakyat na kasi si papa.



PAPA: "TRISTAAAAAAAN!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!"



Patakbo kaming tinungo ni papa.



PAPA: "Si tristan!!!!!!!!! dali tulungan niyo ako!!!!!!!!!!!!!"











Itututloy............................

8 comments:

Mars said...

san ba next chapter nito?.... tagal ko ng hinanap.... hehehehe...

jai-jai said...

salamat po sa pag hahanap, kaka sulat ko lang kc nitong chapter 4. sorry po^_^ hehehe

uupdate ko din po chapter 5 nito soon.. thank you sa pagbasa..

Nat Breean said...

Bat ganon? kinikilig ako kna brandon kahit wala pang kakilig-kilig sa kanila dahil puro sila awayan. hahahaha :)

Anonymous said...

Congrats sa pagsusulat muli Jaime. Ahihihi... nabasa ko na ito sa isinend mong message. Thanks.

Migs said...

welcome back idol Jaime. ^_^
galing galing!

mark_roxas45 said...

sana may kasunod na po sir jai
thanks
kinikilig ako sana tapusin mo tong kwento heheheh

tarcisius said...

hope sana may update lagi itong story, i super love it medyo nakakarelate jiji=p & also if possible sana magkaroon ka ng fanpage sa FACEBOOK so that madali namin makita ung updates^^ MORE POWERS! keep it up>.<

jai-jai said...

promise tataposin ko to^^...

pasee nalang sa FB ni ate dalisay.. nag aapear naman po sun kung may update ako or add me..

jameski2hard@yahoo.com

bukas po popost ko na update nito.