Salamat kay Kuya Jayson, para sa'yo, tatapusin ko po itong See Lau..
Russel, salamat sa lagi at laging pagtatanong mo sa pag-uupdate ko..
Jaceph, libre ko, huwag mong kalimutan!!
EMRAY08, wala lang, mention lang kita..
Daglat Series presents
See Lau
Ikalawang Bahagi: /ee-ka-la-wa-ang/ - /ba-ha-gee/
A – B – C – D
“Ikaw na naman?” naibulalas ni Martin ng makilala kung sino ang kundoktor sa bus na sinasakyan niya.
“Co-incidence.” makahulugan at nakangiting sagot ni Cris kay Martin.
“Co-incidence?!” ayaw maniwala sa sagot ni Cris na tugon ni Martin. “Baka naman sinasadya mo na lang? Palipat-lipat ka ng bus.” dugtong pa nito.
“Hindi kaya!” tanggi naman ni Cris. “Hindi daw kasi masakay ng ganitong oras kaya mas madali daw matuto.” sagot pa nito.
“Sabi mo eh.” pilit pa ding pinapaniwala ni Martin ang sarili sa sagot ni Cris.
“Huwag kang magpapatabi ah!” bilin ni Cris kay Martin. “Tatabi ulit ako sa’yo.” nakangiti pa nitong paalala.
“Sabi mo eh!” napangiting sagot ni Martin. Hindi maipaliwanag ni Martin kung bakit gusto niya ang ideyang makatabi si Cris sa upuan. Hindi niya maipaliwanag kung bakit ba nagiging malaking bagay sa kanya na matabihan nito at makausap.
“Asan na ticket ko?” tanong ni Martin kay Cris pagkaupo nito sa tabi niya.
“Titicketan pa! Huwag na!” nakangising wika ni Cris.
“Baka masisante ka niyan! Bago ka pa lang nagloloko ka na.” nag-aalalang sabi naman ni Martin.
“Hindi yan!” kontra ni Cris.
“Sige na! Asan na ticket ko!” pilit ni Martin kay Cris.
“Huwag na sinabi! Kay kulit naman!” pagtutol pa din ni Cris.
“Akin na yang ticket at ako magtiticket sa sarili ko!” sabi ni Martin saka kinuha kay Cris ang ticket.
“Pasaway!” sagot ni Cris saka taas ng kamay niyang may hawak ng ticket.
“Akin na yan sabi!” pamimilit ni Martin saka tumayo para abutin ang nasa kamay ni Cris.
“Bawal nga!” biglang baba naman ni Cris sa kamay ngunit nahabol agad ito ni Martin at nakuha ang ticket.
Biglang niyakap ni Cris si Martin na tipong pinipigilan niya ang binata sa ginagawa nito.
“Pakawalan mo nga ako.” natatawang turan ni Martin.
“Balik mo muna iyan sa akin!” sagot naman ni Cris saka idiniin ang baba niya sa balikat ni Martin.
Malutong na tawa ang naging tugon ni Martin sa ginawang iyon ni Cris.
“Akin na yan!” saad ulit ni Cris habang patuloy pa din niyang kinikiliti si Martin.
“Ayoko nga! Ticketan mo muna ako!” tanggi pa din ni Martin.
“Hay! Ang ‘ulit!” nakayakap pa din si Cris kay Martin.
“Tigil na!” sabi ni Martin. “Hinihingal na ako.” sabi pa ng binata saka bigay kay Cris ng ticket ng bus.
“Bibigay ka din pala!” nakangiting saad ni Cris. “Pinahirapan mo pa sarili mo.” dugtong pa nito.
“Saka nakakahiya! Pinagtitinginan na tayo ng mga tao.” katwiran pa ni Martin.
“So what?” sagot naman ni Cris na pinapungay ang mga mata at tiningnan si Martin sa mga mata. “Who cares about them?” tanong pa ng binata.
“Sosyaling ingleserong kundoktor talaga ‘to.” sa isip-isip ni Martin. “Baka isipin nila bakla tayo.” paliwanag pa nito.
“Bakit binigyan mo bang malisya iyong ginawa ko sa’yo kanina?” tanong naman ni Cris kay Martin.
Biglang natigilan si Martin sa tanong na iyon ni Cris. Hindei niya alam kung ano ang isasagot. Sa katotohanan lang ay nagulo ang mundo niya sa tanong na iyon ni Cris. May kung ano sa kanya at nagbubulong na oo, binigyan niya ng malisya ngunit may bahagi niya ang tumututol. Dahil sa tanong na iyon ni Cris bigla siyang nakaramdam na may malisya ba talaga sa kanya ang nangyari kanina.
“Hoy Emartinio!” bati ni Cris sa natigilang si Martin.
“Hindi!” mariing sagot naman ni Martin.
“Hindi naman pala eh!” sang-ayon ni Cris. “Sa gwapo kong ito magiging bakla ako.” pagyayabang pa nito.
“Gwapo? Sino?” kontra ni Martin sa sinabi ni Cris.
Tama! Gwapo si Cris, mapungay ang mga mata, moreno, matangkad, may tangos ang ilong, maganda ang mapupulang mga labi na tila nag-aanyaya sa isang halik at may tindig at maganda ang tikas at bikas. Kung tutuusin, isang hunk din si Cris bukod pa sa pagiging tall, dark and handsome nito.
“Oo! Ako! Maloloko ba sa akin ang asawa ko kung hindi ako gwapo.” pagyayabang pa nito.
“May asawa ka na?” tila may kirot na naramdaman si Martin sa sinabing iyon ni Cris subalit pinilit niyang itago sa pamamagitan ng mga ngiti.
“Sa gwapo kong ito!” maikling tugon ni Cris.
“Ayos ah.” maikling sagot naman ni Martin at matapon nuon ay bumalot ang nakakabinging katahimikan sa pagitan ng dalawa.
“Sige, malapit na akong bumaba.” sabi ni Martin saka tumayo sa upuan.
“Ingat ka!” nakangiting paalala ni Cris.
“Kayo din.” sabi naman ni Martin.
Hindi maipaliwanag ni Martin ang nararamdaman sa nalamang may asawa na pala si Cris. Pakiramdam niya ay isa siyang batang niliparan ng lobo.
“Smile Martin!” pangungumbinsi niya sa sarili para maging ngumiti. “Mali ka lang nang akala kaya ka nagkakaganyan Emartinio!” kasunod niyon ay isang malalim na buntong-hininga.
Pagdataning sa may sakayan ng jeep ay nakita niya ang signboard ng Robinson at muli niyang naalala ang kuya Perry niya.
“Kamusta na kaya siya?” tanong ni Martin sa sarili saka humakbang papunta sa naturang mall. “Hay hindi Emartinio! Hayaan mo siya! Gaganti ka pa!” muling nabuhay ang inis at asar ni Martin sa sarili sa naalalang hindi pagsipot nito sa usapan.
Kinagabihan –
“Mano nga po.” bati ni Martin sa bagong dating na nanay saka abot sa kamay nito.
“Dumaan ulit ako sa Robinson nakita ko ulit si Fierro.” simula ng matanda sa kwento. “Bakit daw hindi ka dumaan kanina?” tanong pa nito.
“Ah, eh, nakalimutan ko po.” pangangatwiran ni Martin.
“Sabi niya bukas daw daanan mo siya sa mall.” paalala pa nito sa anak.
“Pag po hindi ko nakalimutan.” sagot naman ni Martin na walang intensyong puntahan ang kuya-kuyahan sa mall. Buo ang desisyon ni Martin, hindi siya pupunta sa Robinson nang isang lingo.
Kinabukasan –
“Martin, puntahan mo muna ang kuya Fierro mo bago ka pumasok.” paalala ng ina ni Martin sa kanya sa isang sulat na iniwan nito sa side table niya.
“Asa!” sabi sa isip ni Martin saka naghanda sa pagpasok.
Habang nasa bus at malapit nang bumaba –
“Mart! Nkausp ko si papa F, hnngi # mo, bngy ko wah!” text ni Danielle kay Martin
“Ska hnd mo daw ba siya pupntahn today?” habol na text ni Danielle.
“Fren, bkt d k muna ngtanong qng ayos lng na ibigy ang no. ko.” tila pagrereklamo ni Martin kay Danielle.
“Sori nmn frend! Akla ko ayos lng sau.” paumanhin ni Danielle sa kaibigan.
“Aus lang fren! J” reply ni Martin.
“Hoi! Pupnthn mo dw ba xa?” tanong ni Danielle kay Martin.
“Sabhn mo nasa byahe na ako.” reply naman ni Martin kay Danielle.
“Cnv ko n un, sav nya tanungn daw kita qng dadaan ka pag-uwi mo.” reply ni Danielle.
“Hayaan mo nlng xa fren.” sagot ni Martin.
“Hal! Qnkulit ako, ang cute pa nmn nya, panu ko hahayaang hnd sagtn i2ng cute n2.” reply naman ni Danielle.
“Svhn mo hnd pa ako ngrereply!” reply ni Martin kay Danielle.
“Naku frend!” reply ni Danielle.
“Bsta, ayaw mo nun, matagl kaung mkakpg-usap.” reply ni Martin.
“TAMA! GREAT IDEA!” reply ni Danielle.
“Cgue, baba na q ng bus eh. mamya nlng ul8” saad ni Martin sa text saka niya tinago sa bulsa ang phone.
Hindi pa man nagtatagal ay nagriring na ang phone niya. May pakiramdam si Martin kung sino ang may-ari ng number na iyon kaya naman imbes na sagutin ay hinayaan na lang niya itong mag-ring at alam naman niyang mananawa din ito sa pagtawag.
Ilang ring din ang nangyari. Mula sa terminal ng bus hanggang sa paglalakad niya papuntang lrt at hanggang pagbaba niya sa lrt ay tumatawag pa din ang numerong iyon sa kanya.
“Astig ang lokong iyon! Parang walang trabaho kung makatawag at may chismisan pang nalalaman.” sa isip-isip ni Martin.
Ilang minute ding nahinto at napahinga ang cellphone ni Martin sa pagvibrate nang muli itong magvibrate sa isang text.
“Hey dude! This is your kuya Fierro/Perry. Pls visit me after your class.” pakiusap sa text ni Fierro kay Martin.
“Asa!” usal ni Martin sa sarili.
May nakita si Martin na nagtitinda ng simcard sa may gate ng pinapasukan niyang unibersidad.
“Boss, may 000 po kayong last digit?” tanong ni Martin sa tinder.
“Sandali lang boss!” sagot ng matanda saka naghagilap ng may 000 na last digits. “Eto boss!” saka abot ng sim card kay Martin.
“Ito po ang bayad.” sagot ni Martin.
Hindi pa man ay agad nang nag-gm si Martin – “Guys Pipz M8s! Martin hir nd kndly save my new digits! J” text ng binata gamit ang bagong biling simcard.
“Tingnan ko lang kung makapagtext o makatawag ka pa.” sabi ni Martin sa sarili.
Tanghaling tapat ang uwian nila Martin at kasikatan ng araw ay nasa terminal na siya para sumakay ng bus. Malapit na siya sa air-conditioned bus ng bigla niyang iniba ang liko ng paa at tinungo ang ordinary bus.
“Di bali nang tiis-tiis muna sa init basta hindi si Cris ang kundoktor.” sabi ni Martin sa sarili saka nagbitaw ng malalim na buntong hininga at iniakyat na ang isang paa sa may estribo ng bus.
“Bakit d’yan ka sasakay?” tanong ng isang pamilyar na tinig kay Martin.
Imbes na pansinin ay diretso lang sa pagsakay si Martin sa bus na wari bang wala siyang narinig.
“Naku Martin! You have to control it! Na-control mo na ‘yan dati paano pa kaya ngayon?” sabi ni Martin sa sarili. “And part ng pag-control ang iwasan si Cris.” dugtong pa niya saka nagbitaw ng isang malalim na buntong-hinga.
“Para saan ‘yang buntong-hininga mo?” tanong ng lalakinh katabi ni Martin.
“Cris?” gulat na gulat na wika ni Martin na hindi napansing nakatabi na pala sa kanya si Cris.
“Ah, eh…” hindi alam ni Martin kung ano ang isasagot kay Cris.
“Anyways, bakit dito ka sumakay?” may pag-aalala na tanong ni Cris.
“Ano kasi…” hindi pa din alam ni Martin kung ano ang isasagot. Pakiramdam niya ay nalunok niya ang dila kaya walang lumalabas na tinig mula sa kanya.
“Iniiwasan mo ba ako?” malungkot na tinig ni Cris na tanong kay Martin.
“Hindi!” agad na sagot ni Martin na biglang nag-alala.
“Bakit sa ordinary ka sumakay?” tanong pa ni Cris kay Martin.
“Ano kasi…” muling putol na sagot ni Martin saka napahawak sa bulsa niya. “Wala na kasi akong pang-aircon.” napapangiting pagsisinungaling ni Martin.
“Ganuon ba?” tila nakahinga ng maluwag na saad ni Cris. “Akala ko kasi iniiwasan mo ako.” sabi pa ng binata. “Tara na sa aircon!” aya pa nito. “Ako na ulit sagot sa pasahe mo.”
“Wag na! Nakakahiya naman sa’yo!” pagtutol ni Martin.
“Ayos lang ‘yun! Basta tabi lang ulit tayo ayos na sa akin ‘yun!” nakangiting saad ni Martin.
Ayaw namang makahalata ni Martin si Cris na iniiwasan niya ito kaya naman kahit labag sa loob niya ay sumama ito kay Cris na may pilit na pilit na ngiti.
“Bakit tahimik ka ata ngayon?” nag-aalalang tanong ni Cris kay Martin matapos makapagticket at makuha ang pasahe ng mga pasahero.
“Wala lang.” tugon ni Martin.
“Do you have something in mind that bothers you?” tanong ni Cris dito.
“Wow! English kung English!” sabi ni Martin sa sarili. “Bleeding nose!” nakangiting tugon ni Martin kay Cris.
“Sorry! I’ll speak in straight Filipino na lang.” paumanhin pa ni Cris na may simpatikong ngiti.
“Kundoktor ka ba talaga?” tila alangang tanong ni Martin kay Cris. “Sorry pero I’m just bothered, iyong ibang kundoktor hindi sila mahilig magsalita ng straight English lalo na kung may kausap silang pasahero or as medium of communication.” paliwanag pa ni Martin.
“Iyon ba? Galing kasi ako sa call center kaya nasanay ako ng ganito. Besides I know you can understand what I am saying kaya I feel comfortable speaking in English pag ikaw kausap ko.” paliwanag naman ni Cris.
“Well, I see!” tila kumbinsidong sagot naman ni Martin. “but still, it’s weird! Really weird.” may himig pa din ng pagdududa kay Martin.
May isang oras at mahigit din ang lumipas at malapit nang bumaba si Martin.
“Sige Cris! Ingat kayo! Salamat ulit!” sabi ni Martin kay Cris.
“Ingat ka din!” sagot naman ni Cris.
“Hay Cris! You are giving me confusions.” bulong ni Martin sa sarili pagkababa ng bus.
Tuloy-tuloy lang si Martin sa sakayang ng jeep at hindi talaga pupuntahan ang kuya Perry niya tulad ng habilin nito. Kinagabihan, pagkauwi ng nanay ni Martin –
“Sabi ko sa’yo daanan mo ang Kuya Fierro mo sa Robinson.” panimulang bati ng nanay ni Martin sa kanya.
“Nagmamadali na po kasi ako kaninang umaga.” pagdadahilan ni Martin.
“Kaninang pag-uwi mo? Tinatawagan ka daw hindi mo sinasagot tapos unattended na. Hindi ka din daw nagrereply sa text niya.” sabi pa ng ina niya.
“Aba! Detalyado!” sa isip-isip ni Martin. “Ah, nasa lrt po kasi ako nun, tapos nagpalit po ng sim ang buong barkada kaya nagpalit din ako. Kaninang pag-uwi naman po nakalimutan ko ng dumaan.” dahilan pa ni Martin.
“Off niya bukas kaya sa susunod na araw daanan mo daw siya.” paalala pa ng nanay ni Martin.
“Sige po.” tanging tugon ni Martin.
Kinabukasan habang nag-aabang ng bus si Martin –
“Marts, bli k ng sang ream ng bondpaper at 12na foldr. Salamt. Nid sa semnr.” text kay Martin ng president nila sa klase.
“Aysus!” tanging nasabi ni Martin saka lumakad pabalik ng Robinson. “Wala naman daw si Kuya Perry kaya ayos lang, besides mahal sa pamasahe kung sa SM pa ako bibili.” nasa isip ni Martin habang naglalakad papunta sa mall.
“Miss, kilala mo ba si Fierro? Percival Gutierrez ang real name niya?” tanong ni Martin sa security guard bago pumasok sa loob.
“Opo sir.” magiliw na tugon ng lady guard.
“Is he around?” tanong ni Martin dito.
“Off po niya ngayong araw.” sabi naman ng lady guard.
“Thanks!” tila nabunutan ng tinik si Martin saka tuluyang pumasok.
Pagkapasok ay agad na kinuha ni Martin ang pinapabili sa kanya at mabilis na pumunta sa counter.
“Lintek naman kasing seminar ‘yun! Pasabay-sabay!” bulong ni Martin.
“Two hundred fifty po sir.” nakangiting wika ng cashier kay Martin.
“Here.” sabi ni Martin saka abot sa cashier ng bayad.
“Bayad na po Sir.” saad naman ng babae.
“Huh?” nagtatakang sabi ni Martin. “Wala naman si Kuya Perry para siya magbayad nito.” sa isip ng binata.
“Okay na ba Len? Just charge it to me.” sabi ng isang tinig galing sa likuran ni Martin.
“Kuya Perry?” nahihirapang lingunin ni Martin kung sino ang may-ari ng tinig na iyon at sigurado siyang ang Kuya Perry niya ito.
“Fierro, eto na iyong card mo, just in time para pirmahan mo.” nakangiting sabi pa ng babae.
Pagkapirma ay agad na hinatak ni Fierro si Martin malayo sa mga kasamahan niya.
“Ayan, ako na ang personal na nagbigay sa’yo! Baka naman ibalik mo pa sa akin.” may pilit na ngiting saad ni Fierro na may malungkot na mga mata.
Hindi naman makatingin si Martin kay Fierro. Hindi handa ang binata na makita si Perry ng oras na iyon, higit pa duon ay nahihiya siya sa kuya-kuyahan at may guilt siyang nararamdaman lalo na nang makitang malamlam ang mata nito.
“Akala ko off mo?” tanong ni Martin kay Fierro.
“Kaya ka ba pumunta kasi off ko?” malungkot na tinig na tugon ni Fierro.
“Hindi naman kuya Perry.” maang na sagot ni Martin. “Talagang in need ako kaya ako napadaan dito.” katwiran pa ng binata.
“Bakit hindi mo ko sinisipot?” tanong pa ni Fierro sa binata.
“Ano kasi.” napakamot sa ulo si Martin na hindi masagot ang tanong ng kuya Perry niya.
“Iniiwasan mo ba ako?” tanong ni Fierro kay Martin.
“Ay hindi!” maang-maangang sagot ni Martin.
“Bakit hindi ka nga sumisipot?” madiing wika ni Fierro.
Nakaramdam ng kaba si Martin sa sitwasyon nila ngayon ni Fierro. Pakiramdam niya ay hindi niya kakayanin ang ipinipukol nitong titig sa kanya at hindi niya kayang labanan ang matigas na tinig nito.
“Sige, nagmamadali na kasi ako.” paalam ni Martin saka humakbang palayo kay Fierro.
“Sumama ka sa akin.” sabi pa ni Fierro saka madiiing inakbayan si Martin. Isang akbay na nagpapakita ng kapangyarihan kay Martin para huwag tumanggi.
“Sakay ka na.” anyaya ni Fierro matapos buksan ang pintuan ng isang kotseng nakaparada.
“Sa’yo ‘to?” hindi makapaniwalang tanong ni Martin.
“I borrow it from my cousin.” sagot ni Fierro. “Sakay na! Ihahatid kita at nang makapag-usap tayo.” sabi ni Fierro.
Isang nakakabinging katahimikan ang bumalot sa buong kotse na iyon hanggang sa sni Fierro ang usapan.
“Nag-alala ako sa’yo.” simula ni Fierro. “Nag-alala ako sa’yo, na baka galit ka sa akin, o kaya iniiwasan mo ako, o baka may masamang nangyari sa’yo kaya hindi ka sumusipot.” sabi ni Fierro na punung-puno ng kalungkutan.
“Sorry.” tanging nasambit ni Martin.
“Nag-alala ako Martin!” muling ulit ni Fierro saka tiningnan sa mga mata si Martin.
Muling nagbalik sa balintataw ni Martin ang nakaraan.
“Tulong!” umiiyak na sigaw ni Martin habang iwinawagayway ang mga kamay niya at humihingi ng saklolo.
“Tulungan ninyo ako!” patuloy pa din siya sa pag-iyak at pagwagayway ng mga kamay.
“Martin!” sigaw naman ni Perry na bagong dating sa pangpang.
“Kuya Perry!” sigaw ni Martin. “Tulong!” hiyaw pa ng bata.
“Mang Tato! Si Martin po nasa gitna ng ilog!” sigaw ni Perry sa parating na si Mang Tato.
“Ay naku! Sinabing huwag sumakay sa bangka at sira ang sagwan.” sabi naman ng matanda.
“Paano natin tutulungan si Martin?” nag-aalalang tanong ni Perry sa matanda.
“Sandali! Hihiram ako ng bangka sa kakilala kong nangingisda.” suhestiyon naman ni Mang Tato saka lumakad papunta sa kaibigan niya.
“Bilis po Mang Tato!” pagmamadali naman ni Perry sa matanda.
“Martin! Kalmado lang!” sigaw pa ulit ni Perry.
“Natatakot na ako Kuya!” sabi naman ni Martin.
May nakita si Perry na animo balsa sa may tabi ng kawayanan. Agad na may pumasok na ideya sa bata at walang pasubaling sinakyan niya ito. Hindi alintana ang panganib kung hindi mas nangibabaw ang pagnanais niyang mailigtas si Martin.
“Konti na lang!” sabi ni Perry saka pilit na inaabot ang kamay kay Martin.
“Kuya!” sagot naman ng naluluha pa ding si Martin.
“Abutin mo ako!” saad naman ni Perry na hinid magawang makatayo at makapagbalanse sa sinasahyang balsa-balsahan.
“Kuya Perry dahan-dahan lang.” paalala naman ni Martin na nag-aalala kay Perry.
Lalong nag-alala si Martin dahil unti-unti na ding lumulubog ang balsa-balsahang kinalulunanan ni Perry.
“Kuya Perry! Bilisan mong lumipat dito.” nag-aalalang sabi ni Martin sa kuya-kuyahan niya.
Bago pa man tuluyang makalubog ang balsa ay nagawa nang makalipat ni Perry sa bangkang sinasakyan ni Martin. Agad na niyakap ni Perry si Martin at duon na napaluha si Perry.
“Akala ko mawawala ka sa akin Martin!” saad ni Perry.
“Sorry kuya!” sabi ni Martin. “Muntikan ka na dahil sa akin.” sagot pa nito.
“Kasi naman! Napaka-pakielam mo.” paninisi pa ni Perry kay Martin.
Patuloy lang sa pag-iyak si Martin na sa murang edad na apat ay labis na ang trauma niyang naramdaman.
“Tahan na! Hindi kita iiwan!” sabi pa ni Perry saka gamit ang naisalbang kawayan mula sa balsa-balsahan ay sumagwan siya pabalik sa pangpang habang nakayakap pa din sa kanya ang takot na takot na si Martin.
Iyon ang unang beses na nakita niyang puno nang pag-aalala ang mga mata ni Perry at ngayon nga ay muling nabanaag ni Martin ang pag-aalalang iyon mula sa kuya-kuyahan niya.
“Akin na ang cellphone mo!” sabi ni Fierro kay Martin bago ito pababain ng kotse.
“Ha? Bakit? Nagtatakang tanong ni Martin kay Perry.
“Basta!” sabi ni Perry saka kinuha ang bag ni Martin at hinalungkat duon ang cellphone ng binata.
Pagkakuha sa cellphone ni Martin ay kinuha din niya ay sariling cellphone saka idi-nial ang number ni Martin na binigay sa kanya ni Danielle.
“Bakit ka nagpalit ng number?” agad na tanong ni Perry sa binata.
“Ah, eh, kasi trip ng barkada.” sagot ni Martin. “Saka ikinuwento ko na naman sa’yo kanina kung bakit hindi mo na ako ma-contact.” utal na tugon ni Martin.
“Tinitingnan ko lang iyong consistency ng sagot mo.” pilyong sagot ni Fierro. “Ano na ang bagong number mo?” tanong pa nito.
Wala namang nagawa si Martin kung hindi ibigay kay Fierro ang bago niyang number at saka i-dinial ni Fierro ang number na ibinigay sa kanya ni Martin.
“Sige! Ingat ka!” paalala naman ni Fierro kay Martin.
“Ingat ka din.” tugon ni Martin.
Nasa aktong bubuksan naman ni Martin ang kotse ng yakapin siya ni Perry.
“Huwag mo na akong pag-aalalahanin na susunod Martin.” pakiusap ni Perry sa binata.
Napipi at nagulat si Martin sa ginawang iyon ni Perry. Wari bang namanhid ang buo niyang katawan habang ninanamnam ang yakap ni Perry sa kanya.
“Huwag mo na akong pag-aalalahanin.” ulit ni Perry.
“Oo!” tanging sambit ni Martin na nanlalamig ang buong katawan. “Salamat ulit kuya Perry!” tugon ni Martin saka maingat na bumaba sa kotse.
“Inhale! Exhale!” sabi ni Martin sa sarili saka tuluyang pumasok sa loob ng unibersidad.
1 comment:
sana masundan na ng chapter 3 ito ...
Post a Comment