Si Jie. Si Jie na ang tanging alam ko lang ay best friend ni Francis simula pa noong first year high school sila. May hitsura rin ito, matalino, mayaman. Nakakapagtakanga ngang bakit hindi ito nagustuhan ni Francis.
Sa school, inseparable sila. Halos magsasawa ka na nga na palagi mo silang makikitang magkasama. Tipikal na magkaibigan. Harutan, kantsawan at damayan pero bakit may nararamdaman akong mali. Alam ko meron talagang mali sa kanilang dalawa.
“Kuya?” Napatingin ako sa nagsalita.
“Hmmm.” Ang guwapo talaga niya.
“May problema ba?” Tanong niya.
“Wala naman. May naisip lang.”
“Huwag mo nang isipin yun. Andito naman ako eh.” At ngumiti.
Kinurot ko ilong niya. “Ang cute mo talaga.”
“Kaya mo nga ako nagustuhan eh.”
“Nagustuhan pala huh. Ugok mo.” Sabay tawa naming pareho.
“Ugok ka dyan. Totoo naman ah.”
“Whatever.”
“Huli ka kuya.” At pinaulanan ako nang hampas ng unan.
“Aray! Nakakasakit ka na ah. Ganyan ka ba magmahal? Nananakit?”
“Hindi naman. Ganito ako magmahal.” Sabay halik sa aking noo.
Napantastikuhan ako sa ginawa niya. Natawa naman siya sa naging reaction ko.
“Kala mo hahalikan kita sa lips huh.” Sabay labas ng dila.
“Asa ka. Simula ngayon di mo na matitikman tong mga labi kong to. Manigas ka!”
Tumawa lang siya. Narinig kong nagri-ring phone niya.
“Hoy, phone mo!” Tumalima naman agad siya.
Parang tanga pa na tinanong kung ayos lang daw ba na sagutin niya. Nailing na lang ako sa ginawa niya.
“Hello?”
“O napatawag ka?”
“Ah tapos na. Daanan mo na lang sa bahay bukas.”
“Oo eh.”
“Hoy excuse me! Nagpaalam ako kay mama tsaka alam niya kung nasaan ako.”
“Bakit mo tinatanong? Susunduin mo ako ganun?”
“Yup, overnight ako dito.”
“Wala naman problema. Okay lang naman kila tita na makitulog ako ngayon eh. Welcome ako rito.”
“O siya ayaw pa maniwala eh. Heto kausapin mo si kuya.”
At iniabot nga niya sakin yung phone niya.
“Hello?”
“Kuya, dyan ba talaga matutulog ngayon yang si Francis?” Si Jie.
“Nagulat nga ako eh. Kasi ang paalam kay mama may pag-uusapan lang daw kami tapos yun pala may dala na siyang mga damit niyang pamalit.”
“Ganun po ba.” Ewan ko lang huh pero feeling ko nadismaya siya sa nalaman.
“May problema ba?”
“Ngayon niya lang kasi ginawa yan eh.”
“Alin?”
“Maki-sleep over sa ibang bahay.” Napatingin ako kay Francis na may questioning stare. Sumagot naman ito nang ANO. Umiling ako sabay bawi nang tingin.
“Anong ibig mong sabihin?”
“Never pa siya natulog dito kahit may invitation naman siya.”
“Ganun ba? Ano daw dahilan niya bakit lagi niyang tinatanggihan yung alok mo?”
“Kesyo di raw siya papayagan o kaya naman eh may tinatapos siyang project. Sakto namang wala kaming mga projects or kung ano na pwedeng maging busy siya.”
Napabuntung-hininga ako.
“Sige hayaan mo kakausapin ko siya mamaya.”
“Naku kuya, huwag na. Baka isipin pa niya na nagsusumbong ako sa’yo mag-away pa kami niyan.”
“Eh mag-best friends naman kayo kaya walang issue roon.”
Matagal bago siya muling nagsalita.
“Nga pala, kuya kunin ko nga number mo para text text na lang tayo.” Pag-iiba niya sa usapan.
Ibinigay ko naman sa kanya kahit ramdam kong umiwas siya sa huling sinabi ko. Hindi nagtagal ay nagpaalam na ako at ibabalik ko na kay Francis yung phone.
Hindi na ako nakinig pa sa pinag-uusapan nila bagkus ay natuon ang buong atensyon ko sa nagawang pag-uusap naming iyon ni Jie.
Mukhang tama ako. Jie’s secretly in loved with his bestfriend. Sabi ko sa sarili. Pero. . .
Nagulat ako nang bigla akong yakapin ni Francis.
“Kuya ano ba kasi problema?” Tapos na pala sila mag-usap.
“Huh?”
“Huh ka dyan. Kanina ka pa natutulala.”
“Wala ito. Pagod lang siguro.”
“Asus! Sabi ko naman sa’yo, huwag mong isipin yun. Mahal na mahal ka nun.” Pertaining to his self.
Natawa ako sa inasta niya.
“What’s funny? Hay naku.” Patampo niyang sabi pero lalo lang hinigpitan ang pagkakayakap sa akin.
Tahimik pa rin ako.
“Kuya?”
“Hmmmm.”
“Masaya ako kasi okay na tayo. Mas masaya ako dahil finally umamin ka na sa nararamdaman mo sa akin. Mas sasaya ako kapag . . .” Pambibitin niya.
“Kapag ano?”
“Kapag tayo.”
I am lost for words. My heart skips a beat while my mind settles in euphoria. Si Arnel. Biglang pumasok sa isip ko ang imahe niya. Naguguluhan na tuloy ako.
I like them both pero hindi ako papasok sa sitwasyong alam kong madedehado rin ako sa huli.
“Francis?”
“Kuya.”
“Masaya rin ako na okay na sa ating dalawa ang lahat but I can’t assure you of anything. I am confounded with the truth that you are around as well as si Arnel.”
Tahimik siya kaya nagpatuloy ako. Hinawakan ko ang mga kamay niyang nakayakap sa akin giving him the feeling that he has to listen sa sasabihin ko.
“Overwhelming ang presence niyong dalawa. Minsan nga natatakot na nga ako na baka dahil sa lakas ng charisma niyo eh sabay kayong mawala sa akin.”
“No kuya! Hindi iyon mangyayari. I won’t leave you at that.”
“Don’t make promises Francis. I am tired of hearing those. Just do it wala nang need pa na gumawa nang stupid guarantees.”
“I have to.”
“Why?”
“Dahil mahal kita kuya, ikaw ang buhay ko.”
“Don’t say that. Iikot pa rin ang buhay mo without me.”
“Siguro nga pero days would be lonelier kung wala ka.”
“Why?”
“You’re responsible of me.”
“Huh?” Ano daw?
Ngumiti muna siya bago nagsalita. “You’re the reason of my smiles, the reason why I am looking up to a brighter day, my only reason kung bakit ko pinagbubuti lahat ng mga ginagawa ko sa lectures, sa office, sa bahay, sa lahat.”
“I’m flattered Francis but I can’t say the same.” Pagputol ko.
“Naiintindihan ko kuya. Ang gusto ko lang eh sana maramdaman mo na you’re my other half.”
“You’re too fast. Hindi pa tayo remember.” Napatawa kami sa sinabi ko.
“That’s why I love you.”
Natawa ako ulit. Nang makabawi na ako, nanaig na naman ang katahimikan sa pagitan naming dalawa.
Siya na bumasag sa gap na iyon.
“I’ll be missing this.” Malungkot niyang sabi.
Napabitaw ako sa yakap niya at hinarap siya. Bakas sa mukha ang pagkabigla at naguluhan.
“You’re leaving me?”
“Hindi kuya. I have no guts to leave you baka ikamatay ko iyon.” Binatukan ko siya.
“What’s that for?”
“Masyado ka nang OA.” Napakamot lang siya sa ulo niya.
“Honestly, I am afraid of losing you.”
“Ako rin, I am afraid of losing . . .” Tiningnan ko siya. Nakita ko naman ang anticipation sa mga mata niya. “. . .me.” At tumawa ako na para bang wala nang bukas.
Dahil dun ay nakatanggap ako nang ilang hampas ng unan. Tawa pa rin ako nang tawa.
“Nagoyo mo ako dun kuya huh. Ang korni mo!”
“Mahal mo naman.”
Dinaganan niya ako. Napatigil siya. Nag-uusap ang mga mata namin. Unti-unti niyang nilapit mukha niya sa akin.
“Oops, no kissing. Sabi ko di ba na hindi mo na ako mahahalikan.” Patuloy pa rin niyang nilalapit mukha niya.
“Sisigaw ako nang rape sige ka.” No comment.
“Francis!”
“Beg for me to stop!” May utos sa salita niya.
“Ulol mo. Beg beg ka dyan.”
“Then you can’t stop me.”
Pinigilan kong magkadikit mga lips namin. He moaned for failing but he’s insisting. Tinanggal niya kamay ko at hinawakan palayo kasabay ng paghawak sa kabilang kamay ko. Now I am guard less. Vulnerable.
“Kuya.”
Wala na akong magawa. Pilit ko mang labanan ang sarili pero hindi ko kayang pigilan na muling malasap ang mga halik niya kaya naman pumikit na ako. Without battling an eyelash, I felt his soft, warm lips against mine. The kiss was swift, pure and addictive. Tongues were pressed against each other. Soft moans were heard. Then suddenly we stopped.
“That was intense.” Sabi ko. He smiled.
“I love you kuya.”
“I like you more.”
“Oh bakit like lang?”
“I want to know you more.” He gave me that not-convinced stare. “Basta.”
“Okay.”
“One more?”
“Yes your majesty.”
And naulit ang paghihinang ng mga labi namin.
(itutuloy...)
A compilation of my thoughts, dreams and fantasies. Stories that describes best my simple wishes in life. In addition to that, I asked friends to contribute their talents in this site where reality and fantasy are as one. Welcome to my site. Welcome to my heart. I am Dalisay.
No comments:
Post a Comment