A compilation of my thoughts, dreams and fantasies. Stories that describes best my simple wishes in life. In addition to that, I asked friends to contribute their talents in this site where reality and fantasy are as one. Welcome to my site. Welcome to my heart. I am Dalisay.
Wednesday, January 19, 2011
GWAPITO'S BY NIGHT 10
CHAPTER 10
Dali-dali akong pumasok nang bahay at dumiretso sa may kuwarto para kunin ang susi nang kotse ko. Takang-taka si mommy habang pinagmamasdan ang mga kilos ko.
“Hindi ka naman nagmamadali hijo?” Nangingiti pang kantyaw ni mommy.
Tiningnan ko lang siya. Napansin niyang mukha akong seryoso.
“Ano bang problema Aerel at mukhang balisa ka?” Nagbuga muna ako nang isang malalim na hininga bago sumagot.
“Mom, Goji has been kidnapped kanina lang sa may coffee shop sa junction. Kailangan naming magmadali baka kung mapaano na siya.” Sagot kong di man lang makuhang tingnan siya.
“Did anyone called the police?”
“Yeah mom and I bet they’re on their way para habulin sila.” Natahimik si mommy ng makita niyang sinuot ko ang leather jacket ni daddy na bigay niya nuon.
Lumapit ako sa kanya at hinagkan sa noo.
“Mom, I’ll be fine. Don’t worry too much kundi tatanda ka niyan. Remember kaka-botox treatment mo lang last month masasayang iyon.” Sabay ngiti sa kanya.
“Be safe son.”
Iyon ang huli kong narinig mula sa mommy mo bago ako tumungo sa garahe at inilabas ang sasakyan ko.
Sakay-sakay ng aking mahal na Miata, sinundo ko si Franco sa bahay nila. Di naglaon ay kapwa na kami nakasakay at binabagtas ang highway papunta sa coffee shop na pinangyarihan ng insidente.
Pagdating naming dalawa sa area ay parang eksena na sa pelikula ang nakita namin. Ang daming pulis na nasa paligid na nag-iimbestiga sa lugar. Agad akong lumapit sa isang pulis at nagtanong.
“May lead na po ba kayo kung sino ang mga dumukot sa kaibigan naming si Goji?”
“Sa ngayon patuloy pa rin ang imbestigasyon pero may hinala kami na tinangay siya nang isangg kidnap-for-ransom group.” May kinausap saglit ang pulis at nagpaalam sa amin dahil may inutos sa kanya ang superior niya.
“Teka Aerel, nasaan si EA? Di ba sila ang huling magkasama kanina bago tayo naghiwa-hiwalay?” Tanong ni Franco sa akin.
“Oo nga. Teka tawagan ko.” Tinawagan ko ang number niya ngunit out of coverage iyon. Kinabahan ako na baka kasama siya sa mga dinukot.
Eksakto namang nai-spotan ni Franco si Chadrick kaya agad namin itong nilapitan. Mula dito ay napag-alaman namin na mag-isang sinundan ni EA ang runaway van ng mga dumukot kay Goji at nagkaroon ng engkuwentro. Minalas naman na nabaril ang gulong ng sinasakyan nito at aksidenteng nabangga sa isang puno sa highway. Sa ngayon ay nasa pagamutan na ito.
Sabay kaming tumakbo ni Franco pabalik ng sasakyan at agad iyong pinasibad patungong hospital.
“Buti at gising ka na dude.” Pambungad ni Franco sa kanya.
Tanging ungol lang ang sagot niya sabay hawak sa ulo niya. “Si Goji!” Bigla nitong nabulalas na ikinagulat namin.
“Alam na namin ang nangyari sa kanya. Your kuya and the gang are still investigating. Let them do the job first habang nagpapagaling ka dito.” Sabad ko.
“Hindi ko na sana siya sinama sa coffee shop kung alam ko lang na mangyayari ito sa kanya.” May pagsisisi sa tinig nito.
“Dude, walang nakakaalam sa mga mangyayari kaya huwag mong sisihin sarili mo. Hindi naman siguro sila gagawa nang ikasasawi nang kaibigan natin.” Dire-diretsong salita ni Franco na nagpatigil samin ni EA. “What!? Remember what the officer said na KFR ang posibleng dumukot sa kanya right?” Sagot niya sa naging reaction naming dalawa.
Napailing na lang ako.
“Anyway, gutom ka na ba? Anong gusto mong kainin?” Tanong ko dito.
“Bahala ka na. Basta dapat may espresso.“ Si Franco.
Napatingin ako dito dahil sa pagiging spokesperson ni EA.
Lumabas ako nang kuwarto para bumili na nang makakain. Napayuko na lang ako nang makasalubong ko ang naka-chin up na mommy ni EA. Patungo ito sa direksyon ng kuwarto niya. Binati ko naman ito nang makalapit ako dito ngunit walang reaction. Expected ko na iyon dahil sa hanggang ngayon ay di pa rin kami tanggap nito bilang kaibigan ng anak niya.
Natatawa akong bigla nang maalala na nasa kuwarto pa nga pala si Franco. Nai-imagine ko tuloy ang pagka-OP niya sa mangyayari sa loob. Sumakay na ako sa sasakyan at pinaandar ito.
Sa ngayon ay banayad ang takbo ko dahil wala naman akong hinahabol. Bumalik ako sa coffee shop. Palibhasa ay palagi na kaming bumibili doon kaya kilala na kami nang mga staff.
“Hello sir!” Bati sa akin ng staff doon. Ngumiti naman ako.
Lumapit na ako sa counter para um-order.
“Two Espresso and a Mocha Frappe please.” Pag-order ko na hindi man lang tinapunan ng tingin ang cashier.
“Is that all sir?” Sagot naman nito. Natameme ako sa timbre nang boses. Sinumpa ba ito at ganun na lang ang boses niya? It sounded like an anime character.
Na-curious ako sa mukha niya. Napa-wow na lang ako nang masilayan ang mukha niya. Laglag-panga ang eksena ko. He may be an average guy for the others pero ang lakas ng dating niya sa akin. Wearing that white body fit polo shirt uniform makes him more appealing to my eyes. His lips are thin and reddish. Are those lips glossy? Tanong ko sa sarili ko. Nasagot din naman ang tanong ko when he suddenly put out his tongue and lick it. Napangiti ako.
“Excuse me sir?” Bigla niyang pagputol sa visual examination ko sa kanya.
“Uh yes?” Bahagya akong nakaramdam ng pagkapahiya.
“Is that all sir?” Naisip ko na ang tinatanong niya eh yung order ko.
“Uhm, Oh wait. I want a Hazelnut Cinnamon rolls…” Narinig kong sinabi niya sa mga kasamahan niya ang order ko. “a-and your number. T-thank you.” Sabay flash ng ngiti.
Ngumiti din siya sa akin ng ubod tamis. Suddenly all my senses are activated and my heart’s pumping hard. I can feel I am palpitating. Nakakatawa dahil I’ve never been like this before. My hand’s trembling habang inaabot yung bayad ko. Nang makuha niya ay agad akong tumalikod at naghanap ng mauupuan para naman mabalik ko ang composure ko.
Ilang sandali lang ay may nagbaba nang orders ko sa mesa ko. Nang tiningnan ko ang crew, napa-shit ako dahil sa siya pa mismo ang nag-deliver. Shiver starts to rule my being. Bakit ba ako nagkakaganito sa isang lalaki. I had had guy relationships before pero hindi kagaya nito.
Tumayo na ako agad para umalis nang hinabol niya ako.
“Sir nakalimutan niyo po iyong tissue.” Sabay abot nito sakin.
“Ah, s-salamat.” At talikod na ulit. Akmang magpupunas ako nang pawis dahil ramdam kong kanina pa nagbubutil ang noo ko nang mapansin kong may nakasulat doon.
When I looked back, he’s staring at me and gave me a phone call sign then winks. Shit! Dali-dali akong tumakbo pabalik sa sasakyan ko.
Hingal kabayo ako nang tuluyan ng makapasok.
“Why am I acting stupid with that guy? He’s just a typical guy on the street.” Parang tanga kong sabi habang nakatingin sa tissue.
Dinukot ko ang phone ko at sinave ang number niya. Hawak-hawak ko pa din ang unit ko at naka-park pa din sa tapat ng shop when it rang.
Si Franco iyon at hinahanap na niya ako. Naalala kong wala pa nga pala siyang kausap dahil sa pagbisita nang mommy ni EA. Binuhay ko na ang makina at bumalik na sa ospital.
Habang nagda-drive ay hindi ko maiwasang mangiti dahil sa ginawa ko sa shop. Lakas talaga nang tama ko sa kanya. Hindi siya maihehelera saming magkakaibigan but he has his own extinct hotness.
Biglang rumehistro sa utak ko ang kabuuan ng mukha niya: those chinito eyes and complexion, perfect smile, and his lips. Bigla akong kinilig at nahiling na sana’y mahalikan ko siya.
Takang-taka si Franco at EA nang pumasok akong may pasipol-sipol pa. Nagkatinginan pa sila.
“Anong ibig sabihin niyang tinginan nay an?” Sabay abot ng mga inumin nila.
“Ayoko nang Espresso ngayon.” Sabad ni EA.
“What? Eh dib a paborito mo to?” Tanong ko.
“Not now. Puro Espresso ba binili mo?”
“Mine’s Frappe.” At inabot na iyon sa kanya.
“Anyway, what’s with you and that whistle?” Pang-iintriga ni Franco.
“Uhm, wala naman.”
“You’re not a good liar Aerel. Come on spill it out.” Pagpipilit ni EA.
Bago ako sumagot ay kumain muna ako nang rolls. “Alright. I just met a guy at the café. Sa tingin ko bago lang siya kasi ngayon ko lang siya nakita dun eh.”
“Crew?” Eksaheradong tanong ni Franco.
“Yup. He’s not your type I’m sure of that pero he’s hot and hindi kayo maniniwala sa ginawa ko.” Pambibitin ko.
Nakatahimik lang sila at matamang naghihintay sa sasabihin ko.
“First time kong ginawa to and sobrang nanginginig pa ako.”
Tahimik pa din sila.
“Kilala niyo naman ako right? Hindi ako ganito sa mga pasts ko.”
“Bullshit Aerel! Sasabihin mo ba o hindi para hindi kami magmukhang tanga na nag-iintay sa revelation mo.” Bulyaw ni Franco. Natawa naman si EA.
“I asked for his number.”
“Really?” Sarkastiko pa nitong sabi. Pero hindi ko na iyon pinansin.
“That’s a first for you dude. Parang ang dating eh ikaw na ang naghahabol niyan sa lalaki. Call the guys and let’s celebrate.” Suhestyon ni EA na waring nakalimutan ang nangyari kay Goji.
Natahimik kaming bigla sa sinabi niyang iyon. Napatingin naman siya sa amin nang may pagtataka at mukhang naalala niya ang nangyari sa biglaang pagpapalit ng expression ng mukha niya.
Nagkakwetuhan pa kami nang ilang oras ng dumating si Chadrick para pansamantalang magbantay dito. Napagkasunduan namin ni Franco na ihahatid ko na siya pauwi dahil may gagawin pa siya kaya naman sumakay na kami sa sasakyan at tinungo na ang daan papunta sa kanila.
“Salamat sa ride Mr. Happy Face.” Seryosong biro nito habang bumaba sa kotse.
“Salamat din Franco for the company.” Sagot ko at tuluyan na itong pumasok.
Ilang minutes na din akong nakapark sa harap ng bahay namin pero wala akong balak na tumuloy dahil may gusto akong gawin. Inilabas ko ang phone ko. Nag-freeze ang daliri ko, di ko alam kung pipindutin ko ba ang call button o hindi. Walang anu-ano ay bigla na lang may nagsalita mula sa kabilang linya. Sa gulat ko ay nalaglag ko ito. Dinampot ko naman ito at humingi nang dispensa.
‘Sorry.’
‘Okay lang.’ Sagot niya. Inatake na naman ako ni haring torpe. ‘Kanina ko pa in-expect tawag mo.’
Nagulat naman ako sa sinabi niya. May kilig din akong naramdaman.
‘H-huh?’ Utal kong sabi.
Narinig ko ang tawa niya.
‘C-can I pick you up?’
‘Sure! Kakatapos ko lang din dito sa café.’
‘Sige, I’ll be there in 5 minutes.’
‘Okay, I’ll wait for you.’
At pinatay ko na ang line. Kinabahan na naman ako. Para akong baguhan sa ganitong set-up. Bakit ba iba siya? Hindi ako ito. Tinampal-tampal ko muna ang sarili na waring sinasabi ko sa sarili kong maging kalmado.
Binuhay ko na muli ang makina at tumungo na nga sa café. Malayo pa lang ay tanaw ko na agad siya. Nakatayo siya sa harapan ng shop. He’s now in casual at mas nagmukha siyang hunk. Kinilabutan na naman ako.
Bumaba na ako at nilapitan siya.
“Hi handsome.” At inilabas na naman ang kanyang pamatay na ngiti.
“H-hi there hottie.” Tugon ko. Natameme na naman ako. May kung ano sa akin na nagpabalik sa akin sa kasalukuyan. Medyo kalmado na ako ngayon. “Ahm, Aerel here.” Sabay lahad ng palad ko.
“Jimuel pare.” At nakipag-shake hands sa akin.
“So, where do you wanna go?” Habang kami’y naglalakad.
“Anywhere...” Huminto siya at humarap sa akin. “…with you.” Hindi pa rin niya inaalis yung ngiti niya. Shit sobrang kinikilig na talaga ako.
“Okay, come on hop in.” Aya ko sa kanya.
Sa ngayon ay binabagtas naming dalawa ang daan patungong Roxas Blvd. Mag-uumaga na kasi at gusto kong magpaka-romantic by having someone watching the sunrise with me. Sa loob ay panay ang kuwentuhan namin tungkol sa mga buhay-buhay. Nagkakapalagayan na kami nang loob and that’s a good thing.
“Musta naman ang buhay pag-ibig mo?” Tanong ko nang makapuwesto na kami paharap sa dagat.
Tumingin muna siya sa akin at gayundin ako sa kanya. Nabatid ko na may lungkot sa mga iyon. “May bf ako.” Diretso niyang sabi na di man lang nag-alangan sabay tingin muli sa dagat.
Nalungkot ako sa nalaman. Ibig sabihin wala palang happy ending sa pagitan namin.
“Ikaw? Sigurado ako na marami kang karelasyon.”
“Wala.” Simpleng tugon ko.
“Bakit naman wala?” Pilit niyang ibinabalik ang saya sa pag-uusap namin.
“Wala akong panahon sa ngayon.”
“Pero bakit may panahon ka sa akin?” Seryoso niyang tanong. Natawa ako sa sinabi niya.
“Wow pare, anong ibig mong sabihin.”
“Huwag ka nang magkaila. I knew that you liked me the day you first laid your eyes on me. Am I right or am I right?” Tumatawa niyang sabi.
“So?” Off-guarded kong sagot.
“So you like me nga. Don’t worry, gusto din kita.”
Tumingin muna ako sa kanya bago nagsalita. “Ganyan ka ba talaga ka-straight forward?”
“Yup.”
“Ah okay.”
“Okay what?”
“Wala.”
“Wala pala huh.” Sabay kabig sa batok ko at binigyan ako nang smack. Nagulat man ay nasiyahan din.
“How could you!” Pa-demure kong saway sa kanya after the short kiss. Tumawa lang siya.
Nang tumigil siya ay unti-unti niyang nilapit ang mukha niya sa akin. I’m longing for this kiss so much kaya naman nang magdikit mga labi namin ay napapikit ako at ninamnam ang mga sandali namin sa lugar na iyon. Lumalaban ako nang halikan.
Such a romantic scene. May mangilan-ngilan na ding naglalakad sa kahabaan na iyon ng baywalk pero wala kaming pakialam dahil madaling araw pa lang naman tsaka we’re a happy couple. Toinks. Couple? Kelan pa?
Maya-maya ay lumapit pa siya sa akin at isinandal ang ulo sa balikat ko. Kinuha ko naman ang kamay niya para i-lock sa kamay ko. Hindi kami mag-syota pero feeling ko kami na saksi ang pagbati ni haring araw sa bawal na relasyon namin ni Jimuel.
(itutuloy...)
Labels:
Gwapito's By Night
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
3 comments:
nasan na po yung kasunod nito?
wala ng karugtong ito? please naman.. ayokong mabitin.. ahahahaha
tagal ng kasunod, nakakabitin naman sina gwapitos! tatapusin pa ba ito?
Post a Comment