Sunday, January 23, 2011

Forbidden Kiss - C20

Forbidden Kiss


Chapter 20

Sa Bukas kong Ikaw ang Kasama

“Micco” wika ni Adrian “mahal na mahal kita at nararamdaman kong mas lalo pa kitang minamahal.” wika ni Adrian habang nakasandal sa kanyang dibdib si Micco.

“Mahal na mahal din po kita at nararamdaman kong sa bawat araw na dumadaan ay higit pa kitang minamahal.” sagot naman ni Micco.

Nakaupo sila sa dalampasigan at ginuhitan nila ng puso ang lugar kung nasaan sila. Minamasdan ang papalubog na araw at sinasariwa ang nakraan – nakaraang puno nang hirap at saya, lungkot at ligaya, sakit at ngiti, luha at tawa. Nakasandal si Micco sa dibdib ni Adrian habang hawak naman ni Adrian ang mga kamay ni Micco na siyang iniyakap din niya sa katawan nito. Malamig ang hangin at naririnig nila ang mga alon na dumadampi din sa kanilang mga paa. Sinasabayan pa ito nang mga ibong lumilipad sa langit na tila nakikisaya sa kanila.

“Wag mo po akong iiwan.” wika ulit ni Adrian sabay halik sa noo nang mahal niyang si Micco.

“Hindi kailanman at ayokong nawala ang isang taong katulad mo sa buhay ko. Ang taong bumuo sa pagkatao ko at sa pagiging ako.” sagot ni Micco. “Ikaw din po sana hindi mo ako iiwan.

“Hinding-hindi Micco ko!” sagot ni Adrian. “Hindi ko hahayaang mawala ang taong nagbalik sa akin nang ngiti at nagbigay sa akin ang tunay na ligaya. Muling kinulayang ang mundo ko at binigyan nang buhay.”

“Salamat po sa sampung taon.” wika ni Micco.

Ngiti lang ang sinagot ni Adrian.

---------------------------------------------------

Sampung taon – sampung taon na ang nakakalipas buhat nang malaya nilang hinarap ang mundo bilang sila at hindi na nagkukubli pa sa kasinungalingan at anino nang takot sa lipunang ginagalawan. Sampung taong nakikipaglaban para sa pagmamahalang sa simula ay pangarap lamang. Sampung taon na mula nang pigtasin ang tanikalang nakapalupot sa kanilang mga leeg na nagpipigil para patuloy na itago ang laman nang puso. Sampung taon mula nang maganap ang isang Forbidden Kiss na ngayon ay pinatunayan nilang it is not forbidden but rather a deprivation of what it actually means, the privation of what it ought to be because of the standards that are so problematic.

Sa unang taon nila ay agad silang humarap sa biyaya nang Companionship. Buong angkan na nga halos nilang dalawa ang umakyat sa Baguio para lang sa seremonyang ito. Inaruga at inalagaan ang mga pamangkin ni Adrian bilang mga tunay nilang mga anak. Nag-ampon nang dalawang batang ulila galing sa Fortitude. Ang plano nila ay si Cherry ang kuhanin subalit may umampon ng nauna sa kanila. Tulad nang normal na pamilya at mag-asawa ay may tampuhan, away at hindi pagkakaunawaan, subalit salamat kay Kuya Glenn ni Micco, kay pinsang Alex ni Adrian dahil tila ito ang mga anghel na nagiging katulong nila para maayos ang gulo.

Si Glenn na minamahal din si Micco ay nahulog sa kagandahan at kabaitan ni Michelle. Silang dalawa ang nagkatuluyan at mayroon nang isang anak. Alam ni Michelle ang naging pagtingin ni Glenn para kay Micco – sino ba naman siya para hindi tanggapin ang nakaraan ni Glenn. Isa lamang siyang hamak na nagmamahal na kahit na anong nakaraan ni Glenn ay kaya niyang intindihin at unawain. Alam niyang kung ang nakaraan nito ay hindi niya kayang tanggapin, hindi siya karapat-dapat para kay Glenn sa hinaharap.

Si LJ at Jhell ay kapwa nagkaroon na din ng mga asawa. Nagkaanak at may malaking bahagi din sa pagmamahalan nila Micco at Adrian. Si Liz at Carl naman ay naging magkakilala dahil kay Micco – oo walang bahid malisya ang pagkakaibigan nila Carl at Micco. Naging sila sa bandang huli at ngayon nga ay masayang nabubuhay sa piling nang isa’t-isa at patuloy pa din si Liz sa pagtulong sa Fortitude at naimpluwensiyahan niya sa Carl na tumulong din.

Ang kanilang mga pamilya naman ay tila nagkasundo-sundo. Tinanggap ang bawat isa at naging malapit din naman. Ang ama ni Adrian at ni Micco ay kapwa kongresista na at nagtatagpo sa kongreso. Mahigpit na magkalaban sa plenary subalit matalik na magkaibigan paglabas. Walang plastikan at walang siraan. Ang nanay ni Micco ay nakapagpatayo nang sarili nitong eskwelahan, na humuhubog sa mga estudyante para huwag magpatali sa kung ano na ang nakasanayan. Samantalang ang ina ni Adrian ay naging pangunahing personalidad nang ampunan – Fortitude. Ang mga kapatid ni Micco ay lalong naging maligaya at mas naramdaman ang ligaya nang makamit at napagtanto ang gusto nila sa buhay. Naging mas matibay ang pamilya at ang pagmamahalan.

Limang taon na sila Adrian at Micco nang lumipad ang mga ito sa Canada. Ang isang batas na ayaw ipatupad sa Pilipinas na mayroon sa Canada ang pakay nila. Legal na silang mag-asawa ngayon sa ilalim nang batas. Iyon nga lang ay may kaunting problema dahil sa national differences, ngunit sapat na iyon sa kanila at least may katibayan sila na kilala nang batas ang pagmamahalan nila.

--------------------------------------------------

“Thank you for ten years of holding my heart and keeping it with care. Thank you for teaching me the essence of love – how it feels to love and how it feels to be love. Thank you for showing me the sense of my existence and that is, loving you. Thank you for the days you stood beside me – through thick and thin. Thank you for sharing tears and laughter. Thank you for the shared stories of happiness and sorrows. Thank you for showing me that the world is beautiful by staying beside me. Thank you for letting me cherish every second of my life because of your love. Thank you for the endless encouragements and inspirations. Thank you for the beautiful memories worth to adore.” wika ni Micco.

“Thank you for spending your life with me! I can’t ask anything aside from your love and from you to be mine and be my life.” sambit ni Adrian.

“If I had to choose another life, I’ll rather take the original road to your arms and let my heart to choose forbiddingly. I have no regrets to what had happened ten year ago and I must be in great despair if I pushed that chance of loving you away. I have no doubts about the love and my love is pure and passionate.” saad pa ni Micco. Unti-unting pumatak ang mga luha sa mga mata ni Micco – mga luha nang kaligayahan dahil hanggang ngayon ay mahal nila at mas lalong minamahal ang isa’t-isa. Mga luhang sanhi nang nakaraang hindi naman laging matamis ang nangyayari ay heto sila’t napagtagumpayan ang laban.

Ngiti lang ang sinagot ni Adrian sa sinabing iyon ni Micco. Natutuwa ang puso niya na marinig iyon, ang mga katagang iyon mula sa labi nang minamahal. Ang mga katagang sapat na para pawiin ang lahat nang sakit nanadarama niya sa loob nang smapung taon – ang mga sakit na ibinatong pilit sa kanila nang lipunan para hadlangan ang isang tunay na pagmamahalan. Ramdam niya kung gaano katotoo ang sinasabing iyon ni Micco at ramdam niya ang sincerity nito. Pinunasan niya ang mga luha ni Micco na unti-unting nalaglag mula sa mga nito at hindi naglaon ay maging siya ay napaluha na din.

Ngayon nga ay papalubog na ang araw at sabay nilang itong piunagmamasadan.

1 comment:

Anonymous said...

thanks.