Tuesday, November 27, 2012

One More Chance - 12

Photobucket
For those who have patiently waited, A million thanks to you. Enjoy reading pumpkins!

-Dalisay

Chapter 12

"Not this time, Popoy."

Iyan ang nakiki-usap na sabi ni Gabe sa kabilang linya.

Tinawagan niya ito para pakiusapan na samahan siya sa isang pagtitipon na dadaluhan ng mga batikang mangagamot sa loob at labas ng bansa.

Matagal ng nakaplano ang event na iyon. And he was so damn exhausted. It has been months since he last saw Gabe. He's been his constant companion sa mga nakalipas na araw. Pilit na pinagsasabay ang dalawang bagay. Kailangan niya ito para malibang.

To cope-up with his break-up with Basty and trying to fill the emptiness he has been feeling inside by having Gabe on his side.

Which is wrong.

Ang sabi ng matinong bahagi ng kanyang isipan.

Napabuga siya.

"I just wanted to get through that boring night by having you there with me. Ano bang inaayaw mo, Gabe?" sabi niya.

Napapalatak ito.

"You know I wanted to be with you as much as I could, 'Poy, but not this time."

Napasimangot siya sa sagot nito. He tried not to sound agitated dahil sa pagtanggi nito subalit mukhang hindi siya nagtagumpay ng muli siyang magsalita.

"I thought you said you're willing to accompany me any time of the day, Gabe? Nasaan na ang pangako mong iyon?"

"Popoy..."

He knew he was being childish but he could not help it. Wala naman itong masabing dahilan kung bakit ayaw nitong samahan siya.

"I won't take no for an answer, sweetie." Naisip niyang mag-iba ng taktika sa pakikipag-usap dito.

"I can't."

"Gabe, honey..."

"Don't use that tactic on me, Popoy. It won't work."

"Darling, please?" hindi sumusukong sabi pa niya.

Napabuga ito. Dinig na dinig niya ang reluctance sa boses nito pati na ang resignation.

"Kailan ba iyon?"

Muntik na siyang mapasigaw sa sagot nito. "On Thursday. Sa SMX. Around three in the afternoon."

"Ok. Pero magkita na lang tayo doon." Iyon lang at ibinaba na nito ang linya.

Napangiti siya ng may pagbubunyi. Alam niyang nagiging unfair na siya rito subalit sinabi nitong willing itong tulungan siyang makalimot so he was just utilizing what was freely given to him.

Sa totoo lang, gusto niyang magpahinga muna sa kanyang busy schedule but he can't. Hindi sa hindi niya pwedeng iwan ang trabaho. He just simply can't. Because by doing so, mawawalan siya ng gagawin at magiging hibla iyon para muli siyang mag-isip ng mag-isip.

If there's one thing bad about him, hindi mabilis ang coping mechanism niya. Thank God na mayroong isang Gabe sa paligid niya to keep him company or else nabaliw na siya sa kalungkutan.

Pinindot niya ang intercom at kinausap ang sekretarya na aalis siya. Hindi na niya hinintay na makasagot ito at inabisuhan na ito na ang bahala sa mga nakabinbin niyang schedule para sa araw na iyon. For now, he was taking the day off.

Maglilibot siya sa mga lugar na maari niyang puntahan ng walang sasagabal sa kanya. Pagdating niya sa sasakyan ay pinatay niya ang cellphone para malayo sa mga distractions. With a satisfied smile on his face, he started the engine and headed off to some place that will surely make him forget about his busy week ahead.


WALANG ganang ipinarada ni Basty ang sasakyan sa tapat ng bahay na binili niya para kay Nikkos. Pagod na pagod ang pakiramdam niya sa mga oras na iyon kaya naisipan niyang puntahan ito para makapag-relax.

Nang masigurong naka-lock na ang sasakyan ay dahan-dahan siyang naglakad patungo sa pinto ng bahay ng maulinigan niya ang mahinang tunog na nagmumula sa loob.

It was an instrumental song that he was not familiar with. Nangunot ang noo niya dahil hindi naman mahilig sa ganoong uri ng musika si Nikkos. In fact, he liked rock music from Aerosmith and Bon Jovi so he was a bit curious of what might be happening inside.

Ipinasya niyang pumasok gamit ang sariling susi. Lalong lumakas ang tugtog ng makapasok siya. Hinagilap niya ito at napagtantong ang tunog ay nagmumula sa itaas.

It was a two-storey American-style house. Paakyat na siya ng may marinig pa siyang ibang bagay bukod sa instrumental na pumapailanlang sa buong kabahayan.

Tunog ungol ang naririnig niya subalit nagmumula iyon sa iisang tao. Inigihan niya ang pakikinig as he carefully watch his steps towards the second floor.

Tatlo ang silid sa itaas. Nasa pinakadulo ang silid nila ni Nikkos at doon nagmumula ang ungol pati na ang tugtog na kanina pa niya naririnig.

As he moved closer, the moans became more clear. It was not a moan. Instead, it was more of a chant. Nakakakilabot ang naririnig niya dahil sa hindi niya iyon naiintindihan.

Lalo siyang nagtaka na bukod sa mga ingay na naririnig niya, he was smelling something that was unfamiliar to him. It smelled like an incense or something.

Dahan-dahan pa rin siyang naglakad patungo sa silid nila at sinubukang alamin kung naka-lock iyon. It was not. Kinukutuban man na maaring may ibang nangyayari sa loob niyon ay maingat niyang inikot ang seradura at walang ingay na sumilip sa silid.

He saw Nikkos kneeling on the floor. Nakatalikod ito sa kanya. He was saying something similar to the chant that he was hearing a while ago. Lumakas din ang tugtog at ang amoy ng insenso ng buksan niya ang pinto.

Itinaas nito ang mga kamay. Parang nagdadasal ito. He remembered one time noong nag-uusap sila na mahilig itong magmeditate. Mukhang ito na iyon. Bahagyang nagmaliw ang kutob niyang may ginagawa itong kakaiba.

He was not a fan of rituals or something. Makabago siyang tao ngunit hindi niya naman pinagtatawanan ang mga taong mahilig sa ganoon. Tatawagin na sana niya ito ng marinig niyang muli itong magsalita ng kung anu-ano. Ibinaba nito ang kamay at may kinuha sa sahig. Ibinuka niya pa ng bahagya ang pintuan to see what he was holding clearly on his hands.

He got the shock of his life to see that it was his picture!

Lalo siyang kinilabutan ng marinig ang mga sumunod nitong sinabi sapagkat malinaw niyang narinig ang mga iyon.

"Sa ngalan ng mga espiritu at elementong kaibigan ko. Ibigay ninyo ang kahilingang aking hinihingi sa inyo. Bihagin ninyo ang puso ng nilalang na nasa larawang ito at gawan ng paraan na hindi siya maagaw ninoman sa akin. Sumasamo ako. Sa ngalan ninyo. Sa bawat espiritu at elemento sa apat na sulok ng mundong ito. Igawad ninyo sa akin ang kahilingang minimithi ko."

Nanlaki ang mata niya sa nasaksihan. Napaatras siyang bahagya at nagulat ng may maapakan. Sisigaw sana siya ng may magtakip ng kanyang bibig mula sa likuran.

"Sshh..." mahinang sabi ng boses sa kanya.

Kilala niya iyon. Kilalang-kilala.

"Close the door as gently as you can and follow me outside."

Iyon lang at binitiwan na siya nito saka maingat ngunit may pagmamadaling lumakad pababa at palabas ng bahay.

Naiwan siyang tulala sa may pintuan. Hindi makapaniwala sa dalawang bagay. Hindi niya alam kung paano siyang nakababa at nakapunta sa sasakyan ng hindi napapansin ni Nikkos.

Hindi na rin niya pinagkaabalahang isara ang pinto ng silid nila. He felt the need to get out of that place as fast as he could.

Bubuhayin na sana niya ang sasakyan ng katukin siya ng isang nilalang sa may bintana. Nagulat man ay hindi siya nagpahalata.

"What are you doing here?" mahina niyang sabi.

"I'll answer your questions later, Basty. For now, let's get out of here. Baka lumabas na iyon," tukoy nito kay Nikkos saka nagmamadaling tinungo ang sasakyan sa hindi kalayuan.

Naiiling na ini-start niya ang kotse saka sinundan ang sasakyan nito.


"IS that the kind of guy you're going to replace me with, Basty?"

Bungad sa kanya ni Popoy ng makalabas siya ng sasakyan. Ito ang pangahas na taong nagtakip ng bibig niya ng magulat sa nasaksihan kani-kanina lang.

Kung nataranta man siya sa pinagkakaabalahan ni Nikkos ay mas nagulat siya sa kaalamang habang sinasaksihan niya ang kalokohan ng bagong nobyo ay naroroon lang pala ang ex niya sa likod at nagmamasid din sa kababalaghan ng bago niya. Sigurado siyang pinagtatawanan siya nito ngayon.

"Akalain mo nga naman, ano nga ulit ang tawag doon sa ginagawa niya? Kulam? Gayuma? No wonder patay na patay ka sa kanya, Basty."

The statement was laced with both sarcasm and amusement. Naiinis na hinarap niya ito.

"And what are you doing inside our house? Sinusundan mo ba ako? We're through Popoy. Alam mo iyan. May bago ka na at ganoon din ako."

Hindi niya alam kung nagtunog bitter siya sa huling pangungusap na sinabi niya but he wished Popoy did not took notice of it.

"Ang kapal mo. Bakit kita susundan? I was there before you came. Nangmakita kita, mukha kang babagsak na. So I tried to approach you as you're old friend. Nakalimutan mo pang isara yung pinto kaya sinundan na kita sa loob. Sa hitsura mo kanina para kang may kakaibang natuklasan pagpasok mo. Nasa likod mo lang ako mula pa kanina. Then I heard strange noises. Akala ko kung ano na. Iyon pala kinukulam ka na ng bago mong boyfriend," mahabang paliwanag nito.

Sa haba ng sinabi nito, isa lang ang nakakuha ng atensiyon niya.

Old friend.

Ang sakit pala kapag dito nanggaling. Nung ginamit niya iyon sa party ni Sonia, it left a bitter taste on his tongue. Ganoon pala iyon. But still, hindi siya dapat magpatalo. Nakakalamang ito sa ngayon dahil sa kalokohan ni Nikkos na nasaksihan nito mismo.

"So. tuwang-tuwa ka siguro ngayon?" naiinis niyang sabi.

"Yes and no."

Nangunot ang noo niya. "Care to explain, Popoy?"

"Yes because I was right when I thought that he was not good enough for you, Basty. No, because you don't deserve to be in this situation. I am a man of medicine and I don't believe those foolish crap that Nikkos was doing to have you completely. Tell me, ano bang nararamdaman mo? May kakaiba ka bang napapansin sa sarili mo? Yung para bang may relapses ka? Yung parang wala ka sa sarili mo minsan?" sunod-sunod na sabi nito.

He was shocked to hear that Popoy still cared. Nakaramdam siya ng kagalakan sa mga narinig. After all this time, hindi pa rin pala nawawala ang pagmamahal nito sa kanya. Napangiti siya.

"So you still care, huh?"

Natawa ito.

"Don't get me wrong, Basty. I'm just asking how you are. Don't misinterpret my concern for love. I'm over you. Somebody managed to get you off my mind completely." Taas-noong sabi nito sa kanya.

He winced. Sana sinapak na lang siya nito at matatanggap pa niya iyon. How come Popoy can stand and smile in front of him as if he was nothing to him now?

Itinaas niya ang mukha then he smirked and tried to put a disgusted look on his face. "Very Popoy Mondragon. Don't get me wrong too. Akala ko lang kasi hindi ka pa nakakaget-over. Kawawa ka naman kung ganoon," sabi niya saka tumalikod.

Tinungo niya ang sasakyan para iwan na ito subalit muli niya itong nilingon para magsalita. "I'm glad that you're over me, Poy. Salamat naman. At least hindi ka na maiilang at magiging immature kapag nasa paligid tayo pareho," saka niya ito binirahan ng alis.

Naiwan si Popoy na nakatayo at nakatulala lang sa lugar na iyon. While him? He was furious that after all the rebuttals he did, he was still the sour loser between him and his ex.

Nasa ganoong estado siya ng mag-ring ang kanyang cellphone. It was Charity. He answered it.

"What?"

"Boss, nakalimutan ko lang i-remind ka about sa photoshoot mo sa SMX by Thursday. Kasabay iyon ng International Doctors Convention. Kinumisyon tayo ng TIME Magazine to cover the said event. Three o'clock yun. Doon na kita hihintayin."

Napapalatak siya.

"Ok." Iyon lang at ipinagpatuloy na niya ang pagda-drive.


Itutuloy...

5 comments:

Jace said...

more more more!!!

nakakaexcite na.. hahaha.. pareho silang nagdedeny sa mga nararamdaman!! kailan kaya sila aamin? cant wait.. :))

Lawfer said...

one question,
anu ibg sbhn ng “napapalatak”?
tgal q na nbbsa yn peo d q lam ibg sbhn at ung ntnungan q dti d n naexplain maaus :/
sory 4 d stupid question peo sna msgot para d nq stupid :))

ejo weird, tlagang gumgmit ng pagan ritual c nikkos? my effect ba tlaga o sadyang natural na na-attract c basty?

sarap lng nla pg-umpugin ni popoy, mga denial boys :))

peo d q tlaga lam kung m22wa ba aq sa pggng mtyaga ni gabe o maaawa aq sknia :(

thanx sa update ms.D ^w^

DALISAY said...

@Zach: Salamat sa pagbabasa, hijo. I don't know yet kung kailan sila aamin. Baka bukas? Next week? Or next chapter kaya? Hahaha... patuloy lang po ninyo itong abangan.

@Lawfer: "Napapalatak" yun yung ginagawa mo yung sound na "tsk, tsk" or yung popping sound that you made with your tongue inside your mouth kapag disappointed ka or something out of your expectation arises.

Wag mo namang pag-umpugin yung dalawa. Ako na lang gagawa nun para matapos na agad ito. But then, mawawalan na ako ng pagkakaabalahan di ba? hahaha Tutok lang po. :)

Anonymous said...

Ms. D, wala pa po bang kasunod ito? It's a beautiful story from a beautiful mind of the creator. It's a new year, and hopefully you will be inspired this year to continue this 'masterpiece'. Looking forward for your response Ms. D. God Bless!

_xtian

Anonymous said...

Next Chapter please.... =(