Sunday, December 26, 2010

THE MARTYR, THE STUPID AND THE FLIRT (Full Version)

THE MARTYR, THE STUPID and THE FLIRT
(Full Version)




Photobucket


Author's Note:

I made this FULL VERSION for those who haven't read this yet. Thank you very much for those who have read this already. I Love you guys. Here' Monty and Orly the second time around!


CHAPTER 1 (The Accident)


Naglalakad siya sa loob ng campus ng may pagmamadali. Kung bakit kasi hindi gumana ang isi-net niyang alarm clock. Tinanghali tuloy siya ng gising. Five minutes na siyang late sa first class niya. Masungit pa naman ang adviser nilang Instructor na si Ms. Villanoy. Palibhasa matandang dalaga. Napa-ismid siya ng maisip ang malalaki nitong mata na itinatago ng malaki rin nitong salamin.

Lakad-takbo ang ginagawa niya. Kung bakit din naman kasi ang layo ng Education Department mula sa gate. Hindi na nga siya gaanong fresh ng umalis ng bahay dala ng pagmamadali. Siya nga pala si Amoranto Labrador or "Monty" sa mga kaibigan at kakilala niya. A second year Education student.

May taas na 5'11", 19 years old at medium built ang pangangatawan. Ang mukha ay wala sa ordinaryong Pinoy dahil ang kanyang ina ay may lahing Chinese. Habang ang tatay niya, bagama't mabaho ang apelyido ay isang mestizo na tubong Zamboanga. Nagkakilala ang mga ito ng minsang magdeliver ng mga silver goods ang kanyang ama sa Ongpin at presto, wala pang dalawang buwan nabuo na siya sa tiyan ni Jean. Ang kanyang ina.

Parehas sila ng kanyang ina na hate na hate ang apelyido ng kanyang ama. Paano ba naman. "Ang" ang maiden name ng mama niya. So ang siste, ito ang tunog ng pangalan niya kapag binuo. "Amoranto Ang Labrador". Ang sagwa di ba?

Anyways, balik tayo sa lakad-takbo niyang ginagawa. Nasa open field na siya ng San Bartolome University at nagmamadali papuntang College of Education. Kapag kasi sa pathway pa siya naglakad eh malamang na ma-late siyang lalo. Mabuti na doon, aabutin lang ng saktong 10 minutes ang late niya. Dasal niya lang na huwag siyang igisa masyado ng terror na instructor.

Sa sobrang pagmamadali niya sa paglalakad. Hindi na niya napansin ang nagtatakbuhang mga nilalang na patungo sa kanya. Paano, engrossed na engrossed siya sa pag-iisip ng kung anong excuse ang pwede niyang gamitin para makalusot kahit paano. May quiz pa naman sila sa Nat. Sci nila.

BLAG! Halos panawan siya ng ulirat ng tumilapon siya sa damuhan. Literal na tumilapon siya dahil nabangga siya ng kung sino na halos pader yata sa tigas. Umiikot pa ang paningin niya at nakikita pa niya ang mga estrella na nakapalibot sa ulo niya ng may magsalita sa harap niya.

"Sorry. Ayos ka lang ba?" tanong ng tinig sa kanya.

Gustong rumipeke ng bibig niya sa pagkakataong iyon? Pero nahihilo talaga siya. Sino ba ang magiging okay kung bigla na lang may babangga sa iyo na kung ano at titilapon ka ng mga isang kilometro, joke, mga limang metro lang naman ang layo. Pero kahit na. That was beyond the point! Nabundol siya kung kailan nagmamadali siya. With that in mind ay nahimasmasan siya at tumayo para harapin ang talipandas na nakabangga sa kanya.

"Ayos?" aniya na nagpapagpag ng damit. Napangiwi siya ng makitang kulay lumot na ang kulay krema niyang polo-barong. Buti at dark-brown ang pants niya. Pero still, he was a total mess. Ang gamit din niya ay naka-kalat sa field.

"Mukha ba akong ayos? Sa tingin mo? Banggain kita ng malakas na malakas tapos tanungin kita ng "Ayos ka lang ba?" sa tingin mo matutuwa ka..." naputol ang pagtatalak niya ng makilala kung sino ang kaharap. Bumilis ang pintig ng puso niya.

"I'm sorry Monty." apologetic ang boses nito at nakangiti ng alanganin sa kanya.

Kinalma at hinamig niya ang sarili. Hindi siya makapaniwala na ang kaharap niya ay ang campus heartthrob at ang Captain ng football team ng SBU. Si Orly or Orlando Diamond ayon sa registrar ng minsang ipatanong niya iyon dala ng kalandian. 3rd year
ito sa kursong Architecture. Transferee ito sa school nila noong ikalawang sem ng First year nito.

Oh he was out. Hindi niya kailanman itinago ang sekswalidad. Mula ng matutunan niyang isa siyang bading ay hindi niya na itinago iyon. Although hindi siya pa-girl, hindi rin naman siya nagpapanggap at hindi siya straight acting. "I am what I am" ang motto niya. Kiber naman niya sa nagtataas ng kilay sa kanya? Mapapagod din ang mga iyon at ibababa rin nila yun. 

Balik tayo sa pagkakabangga sa kanya ni Orly. Suddenly, bigla siyang naging uneasy. Suddenly, he felt like batting his eyelashes demurely in front of him. Suddenly, he felt like he's getting wet all over. Suddenly, naramdaman niyang hindi na iyon ilusyon. Nababasa na talaga siya. Umuulan na pala. Walanghiya, nagpapa-cute pa siya eh.

"Monty, halika doon. Sumilong muna tayo. Team, break muna tayo." Ang mga salita nitong iyon ang nagpabalik sa huwisyo niya at tinapunan ng tingin ang team-mates nito. Nawindang ang buong sistema niya ng makitang nakatingin ang lahat ng ito sa kanila at may nanunuksong ekspresyon sa mukha, bago nagpulasan para sumilong sa may stage na pinakamalapit na masisilungan.

"Ah eh, s-sige Orly. Nababasa na tayo." pa-sweet niyang sagot dito. 

Tumambling ang kaluluwa niya ng hawakan nito ang kamay niya at hinila siya patakbo sa stage. "Let's go." nakangiti nitong sabi sa kanya.

Natuturete siya and feeling Queen of the World sa pagkakahawak nila ng kamay na iyon. Haba ng hair ko. Malanding sabi niya sa isip. Si Papa Orly ang may hawak ng kamay niya at itinatakas siya sa kastilyo palayo sa dambuhalang dragon. He can't help but suppress a smile.

Nang makarating sila sa stage ay nagpalakpakan ang mga ka-team nito. "Mabuhay ang bagong kasal!" sigaw pa ng mga tinamaan ng magaling. Siyempre, pa-demure siyang bigla at bumitaw sa kamay nito. Kahit naman ganoon may kahihiyan naman siya kahit konti. Konti lang. Promise. Kasi nang mga oras na iyon feeling niya talaga ikinasal sila ni Orly at well-wishers nila ang mga ungas nitong team-mates.

"Mga baliw talaga kayo." natatawang saway ni Orly sa mga ito. Nagtawanan lang ulit ang mga ito pero huminto na sa panunukso.

"Okay ka na ba? I mean, hindi ka na ba nahihilo? Shit! Dapat sa clinic kita dinala. Paano kung may nabali sa'yo? Paano kung may concussions ka?" sunod-sunod na tanong nito bakas sa mukha ang pag-aalala.

Astounded by Orly's reaction, hindi niya halos makuhang magsalita. Nabawi naman niya ang boses ng magsigawan ulit ang mga ungas na kasama nito ng makita at marinig ang sinabi nito sa kanya.

"H-hindi Orly. O-okay lang ako." alanganin niyang tugon.

"Sure ka?" kunot-noong tanong nito.

"Oo. Wala akong broken bones, concussions or anything. Damuhan kaya iyon. Nahilo lang talaga ako kanina ng kaunti." mabilis niyang paliwanag saka ngumiti ng matipid.

Pa-demure ka 'te! sabi ng isang bahagi ng pagkatao niya, este! isip niya.

Hayaan mo na. Minsan lang naman. sabad naman ng isa pang bahagi.

"Okay. Here! Take this, punasan mo na lang iyong katawan mo. Saka hubarin mo na yang uniform mo. Shit! Its a mess! Sorry talaga." Apologetic na naman ang kumag.

He felt elated sa kabila ng nangyari. Pero siyempre, dalagang pilipina siya. Kukurutin siya sa singit ng Lola Maria Kearse este, Maria Clara niya kapag hindi siya umarteng matimtimang birhen. 

"Its okay Orly. Hindi mo kasalanan ang nangyari. It was actually my fault kasi hindi ko dapat tinawid yung field. Nakalimutan kong may practice kayo every morning ng team mo." pagre-reason out niya rito para mawala na ang guilt feelings nito. He really looked guilty and sorry that he bumped to him.

"Okay. Granting that it was your fault. But its me who bumped into you kaya ganyan ngayon ang hitsura mo. Let me buy you a new uniform please. Hindi ako matatahimik eh. Please? I insist." nagsusumamo pa nitong sabi sa kanya pagkatapos sang-ayunan ang sinabi niya.

Hindi eksaheradong sabihing gwapo talaga ang lalaking ito. Mas matangkad ito sa kanya. Sa taas niyang iyon ay nakatingala pa siya rito sa pakikipag-usap. Kaya nga type niya ito. He hate talking with nis head down. Pwera na lang kung may ibang rason ang pagyuko niya.

Orly's eyes were pleading. Nagtanong tuloy siya sa isip, nagpapa-cute ba ito? Assuming ka te. sabi ng atribidang bahagi ng isip niya. "If you insist. Sino ba ako para mag-reklamo? Saka isa pa." ayon niya rito saka itinaas ang hinubad kaninang uniform. "Hindi rin ako pwedeng lumarga rito ng amoy-lumot at mukhang taong-grasa." 

He left out a sigh of relief ahil sa pagpayag niya. Nagpaalam itong saglit at may kinausap para sa uniform niyang ipinabili nito. May bilihan ng uniform sa campus nila. Inayos niya ang sarili at tinaggal ang mga damong dumikit sa braso, sa nadumihang uniform at sa slacks.

Pinunasan niya iyon ng bimpong binigay ni Orly. Mabango iyon ng inamoy niya. Amoy pabango nito. Hindi siya partikular sa pabangong panglalaki pero gusto niya ang amoy na iyon. He smelled of woods and forest. Kinilig siya sa ideyang inaasikaso siya ng crush niya.

But what will happen after this? Tanong niya sa isip. Magkaibigan na ba sila? Bagama't magka-iskwela sila ay nagbabatian lang sila. A nodding acquaintance to be exact. Kung hindi lang sila parehong campus figure, ito bilang Captain ng Football Team, siya bilang member ng Theater Group at consistent Dean Lister. Aside from that, hindi sila close. Kaya nga nagtaka siya na feeling chummy sila nito eh.

He concluded na maaring ganoon talaga ito kapag may kasalanan ito or guilty sa isang bagay. Ginagawa ang lahat para ma-appease ang naargabyado. Siguro nga ganoon iyon. Tumingin siya sa wrist watch niya. 7:45 na! 

"Oh my god! I'm so so late! Hindi na ako makakapasok nito." nag-aalala niyang sabi.

"Orly, I have to go." tawag niya rito.

"W-wait. Wala pa yung uniform mo. Saan ka pupunta?" nagtatakang awat nito sa kanya. He caught him by his arm.

Naramdaman niya ang tila kuryenteng dumaloy sa kanyang katawan. Nanginig siyang bahagya. He only hope he didn't felt his shiver kung hindi nakakahiyang tiyak.

"Ah eh, late na ako ng husto kay Miss Villanoy." sabi niya. Unable to free his arm unnoticed. His grip was firm.

"Late ka na rin naman. Dumito ka na at hintayin mo na ang uniform. Pinatakbo ko na si Jose." pangungumbinsi nito sa kanya.

Siyempre, minsan lang naman itong mangyari na makasama niya si Orly ay pumayag na siya. Tutal, late na rin naman talaga siya at 15 minutes na lang tapos na ang first class nila. Buti na lang at Martes na iyon. Sayang nga lang yung quiz.

"Sige na nga." napipilitan niya kunwaring pagpayag then he pouted. 

"That's my girl." malapad ang ngiti nitong sabi saka pisil sa pisngi niya.

Girl?! Hala! Ano yun? Ang lambot mo teh! sigaw na naman ng isip niyang kamag-anak yata ni Rubi.

"Ouch!" sabi niya kunwari. "What was that for Orly?" tanong niya rito in a fake irritation and pouted again.

"Wala lang. Ang cute mo kasi kapag naka-nguso kang ganyan." sabi nito sa kanya.

"Weh, di nga." natatawa at kinikilig niyang sabi. Hindi niya malaman kung nakikipag-flirt ito sa kanya or sadyang malambing lang ito sa mga kaibigan.

"Oo sabi. Kaya huwag kang magpa-pout ng ganoon at baka mahalikan kitang bigla." he said without taking his eyes off him. Orly was smiling mischievously that easily caught him off-guard.

Muntik na siyang mapanganga sa sinabi nito. Dyaskeng lalaking ito. Nagpi-flirt nga yata. Well, magandang pangitain yan. Sinakyan niya ang biro nito.

"Talaga lang ha. I'm pouting kasi its good for my health po!" he then pouted again that made Orly laugh.

"Ha, gusto mong maka-isa ha." tukso nito sa kanya.

"Hindi ah. Pag-gising ko sa umaga naka-pout na talaga yang lips ko. Ewan ko ba kung bakit." He said pouting.

Orly burst again with laughter. Nakakatuwa itong pagmasdan. tumaas ang football uniform nito kaya nakita niya ang kanina pa inaasam ng mata niyang makita. Naka-tights kasi ito na talaga namang hapit dito. Medyo mahaba ang hindi nakatuck-in na pang-itaas kaya hindi niya makita ang "the bulge" na kanina pa niya ini-spot-an.

Finally, he got a clear glimpse of it. Confirmed! Mukhang kamag-anak ni Totoy Mola si Papa Orly. Pasimple alng naman ang naging tingin niya sa bahaging iyon. Nakitawa na siya rito at sa gulat niya ay inakbayan siya nito.

"You're really funny Monty. I'm glad na kaibigan na kita ngayon." sabi nito sa kanya while looking at him intently and smiling.

He felt goosebumps gawa ng pagkaka-akbay nito. Alanganin siyang ngumiti at tumingin dito.

"Sure ka? Friends na tayo?" sabi niya rito. Di ba pwedeng more than that? muntik na niyang maidugtong.

"Oo naman. Kaya kapag may nang-bully sa iyo rito, lagot sa akin." mayabang na sabi nito.

"Wow, feeling ko naman damsel-in-distress ako. I can manage Orly. But thanks for the friendship. Salamat at may kaibigan akong gwapo. Captain ball pa." malandi niyang tugon. His hope about his flirting with him awhile ago vanished immediately on thin air.

Orly was just being nice and friendly. Nothing more, nothing less. Madali lang siyang nakabuo ng ilusyon dahil sweet ito sa kanya. Hay! Buhay parang life. Dumating ang ipinabili nitong uniform niya. Tinanggal niya ang tag at nakitang 600 pesos iyon. He insited on paying the half of it but Orly told him that he'd be mad kung ipipilit niyang humati sa bayad.

Flattered siya na gumastos ito ng ganoon sa simula pa lang ng friendship nila. Iingatan niyang tiyak ang uniform na iyon. Tumila na ang ulan. And the bell rang. Kailangan na niyang makapunta sa department nila. Magpa-paalam na siya kay Orly ng sabihin nitong hintayin na niya ito at magbibihis lang ito saglit.

"Bakit?" tanong niya.

"Tutulungan kitang magpaliwanag kay Miss Villanoy." sabi nito.

"Okay. Pero bilisan mo. Huwag ka ng masyadong magpa-gwapo." sabi niya rito.

"Hindi na kailangan no. Given na yun." mayabang na sabi nito sabay takbo sa locker room ng mga ito na malapit lang sa stage.

After ten minutes ay lumabas na ito looking fresh all over. Ang sarap papakin nito in his school uniform. Napapatingin ang lahat dito. Mapababae, lalaki, bading, paminta, tomboy, kulisap, langgam, ibon, rattlesnake, monster at marami pang iba. LOLZ, he exuded such aura na talaga namang napaka-aliwalas at nakakahalinang tingnan.

Ang nakakaloka pa, sa kanya lang ito nakatingin at nakangiti. Feeling tuloy niya ay siya si Cinderella na sinusundo ni Prince Charming. Ikaw na nga! Sigaw na naman ni Rubi, este, ng isip niyang kontrabida.

"Let's go?" tanong nito paglapit sa kanya.

He snapped a finger to his face. Namula ang mukha niya ng makita ang nanunukso nitong tingin at ngiti sa kanya. Bumulong ito.

"Huwag kang masyadong halata na crush mo ko." sabi nito sa kanya.

Umakyat yata ang sa ulo niya ang dugo niya. He was beet red. Nakakahiya. Pwede bang bumuka ang lupa at kainin siya nito? Natawa ito ng makita ang pamumula niya.

"Joke lang. Huwag ka ng mag-blush. Tara na at baka mapagalitan ka na ng husto ni Miss Villanoy." sabi ni Oliver sa kanya.

He held his hands again and walked through the pathway connecting to his department. He seemed oblivious of people watching them holding hands. Kumakaway pa ito at nakakalokong tumatawa pa sa mga nanunukso.

Monty can't help but sigh. Well, he'll just savor the moment. Mukhang mapagbiro lang talaga si Orly. Walang kahulugan para dito ang ginagawa nitong iyon. Nangingiting sinabayan niya ang kalokohan nito.








CHAPTER 2 (Another Accident) 



NAGMAMADALI na naman si Monty sa pagpasok. Lunes ngayon at talaga namang mapapagalitan na siya kapag late na naman siyang papasok. Pinag-iinitan na siya ng matandang dalagang instructor nila na si Miss Villanoy. Ito kasi ang first class nila buong linggo. Physics naman nila ito kapag MWF. Ang tadhana talaga, kung makapagbiro, minsan OA.

Tinakbo na niya ang pathway. Wala naman siyang dala-dala. Wala ring football team na babangga sa kanya. Sure yun, kung hanggang doon ba naman ay mababangga pa siya ni Orly or ng kahit na sino sa team nito ay baka makutusan na niya ng bonggang-bongga.

May mangilan-ngilang estudyante na naka-istambay sa mga bench na provided talaga sa kanila ng SBU. Kipkip sa dibdib ang report niya ay lumiko siya sa corridor na papuntang Education Department. Sakto sa oras na nakarating siya ng room nila. Wala pa ang terror na instructor nila. Nakahinga siya ng maluwag.

"Hey! Bakla! Dito ka na umupo." tawag sa kanya ng friend niyang si Jordan.

"Nahiya naman ako sa'yo. Ikaw na ang lalaki. Kami na ang bakla." aniya rito habang lumalapit.

"Loka! Diyosa ako. Hindi katulad mo, isang hamak na mortal." natatawang sabi pa nito habang nakikipagbeso sa kanya.

"Parang nakakahiya tumabi sa'yo teh. Nagkape ka ba?" pang-aasar niya rito.

"Ssshh! Huwag kang maingay. Baka may makarinig sa'yo, sabihin pa number one fan kita." nakakalokong banat nito.

"Okray ka talaga! Sige na! Ikaw na! Ikaw na ang pinagpalang tunay." pagsang-ayon niya sa kalokohan nito.

"Thank you very much!" may intonation pa na sabi nito sabay halakhak. 

Jordan was his friend since elementary. Kapitbahay rin nila ito. Masasabing swak kaagad sa isa't-isa ang ugali nila dahil parehas sila ng ugali. Sabay rin halos ang lahat ng first nila. Sabay silang nadevirginize noon ng first year high school sila. Pinagtripan sila ng mga ka-eskwela nilang mga third year na. Malalandi kasi silang mga 1st year students noon. Pinupuntahan pa talaga nila sa tambayan ng mga cute na campus crushes para lang lumandi. Na sa masaya naman nauwi dahil ang mga crushes nila ay game din. Curious ding tulad nila. Umuwi sila noong may mga ngiti sa labi.

Naputol ang pagmumuni niya ng pumasok na si Jackie Chan, este si Miss Felissa Villanoy. Ito ang adviser nila sa taong iyon. Sabi nga ni Jordan, "Kung mamalasin ka nga naman, friend. Pinapahirapan tayo ng anak ng kalungkutang-buhay na ito." sabay kumpas ng maaarte nitong kamay.

"Beks, shumahimik kana. Anditeklaboom na si Jacki Chan-nelity Number 5." sabi niya sa kaibigang humahalakhak pa rin.

"Ay, oo nga teh. In fairview, witititchikolabambambini cologne summer fresh kez na-noseline ang mujer. Nagpakatchora ang lolabells mez. Noseline palachi nyatikwaboom si Jun Encarnaciones!" mahinang bulong nito sa kanya.

"Okay class! Good Morning." bati ni Miss Villanoy.

"Good Morning Miss Villanoy." bati nilang lahat pero si Jordan ay humagikgik pagkatapos. Iba kasi ang pagbati na ginawa ni friend. Nahawa siya sa nakakatawang ekspresyon nito.

"Seems to me that you're happy today Mr. Polison?" tukoy ni Ma'am sa kaibigan. Nakakunot ang noo nito.

"Oh, yes Miss Villanoy. This is quite a beautiful day. I just can't help but thank the Lord above for letting me live to witness another wonderful day. Aren't you happy yourself Miss Villanoy." maarteng wika ng kaibigan niya sa matandang instructress.

Isa sa mga talent ng kaibigan niya ang pag-arte kaya alam niyang itinatago nito ang tawa sa likod ng mga ngiting iyon. Alam niya ang kalokohan ng hitad na ito dahil siya man ay ganoon din. Mas magaling lang ito sa kanya. Ito ang presidente ng Theater Group nila.

"Of course, I am." sagot ni Miss Villanoy na bahagyang natigilan sa sinabi ni Jordan. Mukhang hindi nito na-detect na nagkukunwari lang ang estudyante.

"Glad to hear that from you Ma'am. Can I take a seat now?" anang kaibigan niya rito.

"You can take your seat now Mr. Polison."

"Thank you."

Nagtinginan silang dalawa then giggled silently. Nagpatuloy naman ang natameme nilang tigresang teacher sa pagtuturo. Lumipas ang halos isa't-kalahating oras at natapos ang first subject nila. May break silang 30 minutes bago ang susunod na klase kaya ipinasya nilang dalawa na magpunta sa canteen.

"Hoy chika, may balitang umaalingawngaw sa kweba at kabundukan ng tralala tungkol sa iyo at sa pagkasarap-sarap na si Orly Diamond. Anong katotohanan sa likod ng nakaka-iritang balitang ito?" tanong ng diyosa este ni Jordan sa kanya.

"Ano po ba ang nakaka-iritang balita na ito kamahalan?" pagsakay niya sa trip nito bilang diyosa-diyosahan. Kwentuhan lang naman eh, hahayaan na niya muna.

"Na kayo raw ay nagkakamabutihan na ng prinsipeng si Orly. Nakita raw kayo ng mga dama at mga kawal na magkahawak-kamay noong isang linggo. Umamin ka. Kung hindi ay ipapatiris ko ang mga whiteheads at blackheads mo sa dragon!" 

"Hindi po totoo iyan kamahalan." aniya pa na yumukod dito. "Ipagpatawad po ninyo ang mga kabalintunaan na nasasagap ng inyong dalisay na tainga. Subalit, wala pong katotohanan ang mga balitang iyan." he chuckled to his words.

Of course it was true. Nakakapagtaka lang na ngayon lang nito nalaman ang bagay na iyon. Although he was not telling him that bizzare incident between him and Orly, he was sure that Jordan would eventually find out about it. Hmm... Maybe his friend was not telling him something. Tiningnan niya ito habang engrossed na engrossed sa pagpapanggap na diyosa, animo'y nasa entablado.

Speaking of Orly, wala na siyang narinig rito after that incident. Hindi na rin sila nagkakasalubong or nagkikita mag-iisang linggo na. Kaya naman ang pag-asa niya na mapansin ito through their newfound friendship ay unti-unti ng gumuguho. Jordan snapped a finger to his face.

"Walang katotohanan?" Kasinungalingan. Usap-usapan nga ito sa batis, habang naglalaba ang mga hampas-lupa. Sa parlor habang nagdadaldalan ang mga bakla. At sa kusina habang nagluluto ang mga kusinera. Paanong hindi ito katotohanan?"

"At bakit po ba ngayon niyo lamang ito nalaman, aking kamahalan? Siguro kasi ay busy ka sa lalaking nakita kong kasama mo noong isang araw sa terrace ng bahay niyo." panonopla niya kay Jordan.

Nagkulay-suka ito at hindi nakakibo. It was a bluff, but since matagal na niya itong kilala, he was 100% sure that the reason behind his not being updated of his activities is because the ***** was also busy with his own affair.

"Cat got your tongue?" nang-aasar na sabi niya rito.

"Peste ka girl! Paano mo kami nakita? Wala ka naman sa bahay niyo nung nandoon si Eric ah." tuluyan na nitong pag-amin sa kanya.

Natawa siya ng tuluyan dito. Kung anong galing nitong magpalusot sa iba. Sa kanya talaga ay hindi uubra ito. Siya ang tanging kahinaan nito.

"Alam mo friend, hindi ko naman kayo nakita eh. Hinuli lang kita." sabi niya rito. Nanlalaki ang matang hinabol siya nito.

"You bitch! Naisahan mo ako doon ah!" natatawang sabi nito. Tumakbo siya papunta sa pintuan ng canteen. Nilingon niya itong saglit kung malapit na ba sa kanya ang kaibigan ng biglang bumangga siya sa pagkatigas-tigas na bagay.

"Argh! Shit!" 

That was from the man he bumped into. He was so solid. Nahihilong bumagsak siya. Pero bago pa siya bumagsak ay nahawakan na siya sa beywang ng kung sino mang sumalo sa kanya.

"Friend! Friend! Monty! Are you all right?" tinig iyon ng nag-aalala niyang kaibigan. Mas nahilo siya sa ginagawa nito sa kanya. Tama bang iyugyog siya nito? Inangat niya ang libreng kamat at binatukan ito.

"Aray!" nasaktang sabi nito.

"Looks like he's okay now." Sabi ng may hawak sa kanya.

"Ah.." sabi niya, pilit inaaninag ang mukha ng naka-alalay sa kanya.

"O-orly?" disoriented niyang tanong. Umiikot pa rin ang paningin.

"No. I"m Ronnie. Ronnie Alfonso." sabi ng baritonong boses sa kanya.

Hindi siya si Orly? But he smelled like Orly. And from his blur vision, his lips looked like Orly's. Pinilit niyang ayusin ang sarili at tumayo ng maayos.

"Monty. Girl! Ayos ka lang ba?" sabi ni Jordan sa kanya. 

"I-i guess I w-will be fine." pinilit niyang tingnan ito ng diretso. Nagtagumpay naman siya. Wala na ang kanyang hilo ng bahagya. 

"Good. Bakit ka kasi tumakbo?" naiinis na tanong nito sa kanya sabay kurot sa tagiliran niya.

"Aray! Letse ka! Eh Hinabol mo ako eh. Saka, natakot ako sa'yo. Kala ko monster ka." nakuha na niyang magbiro.

"Ayun! Kakahiya naman sa kinis mo. Pasalamat ka rito kay Kuyang Pogi at nasalo ka niya. Kung hindi malamang nabagok ang beauty mo. Nasirang Monty Labrador ka na sana." maarteng wika nito at biglang nagpapa-cute na lumingon sa lalaking hanggang ngayon ay hawak siya sa beywang. Kaya pala mainit sa pakiramdam.

Tiningnan niya ang lalaking nagpakilalang Ronnie. Muntik na siyang mapatulala sa nakita niyang kagwapuhan na nakadikit sa kanya. Hindi tuloy niya malaman kung kakalas dito sa hiya o isisiksik ang katawan sa katigasan ng katawan nito.

Pinili niya ang una. Sayang! sabi ng isip niya. Inignora na lang niya ang kahungkagang naramdaman niya ng maghiwalay ang mga katawan nila.

"Ronnie right?" tanong niya rito.

"Yup. And you are?" sabi nito.

"Oh, I'm Jordan, but you can call me Dalisay. The purest of them all! Tama nga yata ang horoscope ko. May makikilala akong Tall, Dark and Gorgeous ngayong araw na ito." pang-aagaw ng kaibigan niya sa kamay nitong nakalahad.

"Oh Hi Dalisay. I'm Ronnie Alfonso. Nice to meet you. But interesado ako rito sa kaibigan mo." magiliw na sabi nito kay Purity Princess na ikinawala naman ng ngiti ng huli.

"Huh? Ako?" nagtatakang tanong niya.

"Oo ikaw." then he smiled at him. 

Muntik na siyang atakihin ng ngumiti ito sa kanya. Parang nagbabaan ang mga anghel at nagsi-awitan ng papuri para dito. Dapat hinuhuli ang mga taong may killer-smile. Hindi kasi makatarungan iyon. Natutureta pa naman siya kapag may ganito kagandang ngiti ang kaharap niya.

"Hoy! Nawala ka na sa huwisyo diyan. Punasan mo nga yang laway mo. At ikaw Mr. Ronnie. Bakit ka naman interesado sa kanya?" mataray na tanong ni Jordan, feeling niya bad trip ito.

"Kasi siya lang ang tanging tao na nakabanga sa akin ng hindi agad nagso-sorry." sabi nito. Smiling dangerously at him. Oh! Be still my heart! Natatarantang saway niya sa sarili.

"Ah eh, naku. Pasensiya ka na ha. Hindi ko sinasadya Ronnie. Please, huwag ka ng magalit. Gagawin ko ang lahat huwag ka lang magalit. Kahit pa bugbugin mo itong friend ko, dedma lang. Gusto mo tulungan pa kita." pagmamaka-awa niya rito kunwari. He sensed that Ronnie was harmless. Mukha ngang ang pilyo nito.

Isang batok naman ang inabot niya kay Jordan. "Uhm! Ungas ka! Ako pa pagbabayarin mo sa kasalanan mo! Wala kang kwentang kaibigan. Sige Ronnie, katawan ko na lang ang kunin mo. Huwag ka nga lang masyadong marahas dahil virgin pa ako." umemote pa itong nahihiya.

"Uhm! Virgin ka diyan." ito naman ang binatukan niya.

To their amazement, Ronnie actually laughed his heart out. And he looked like a demi-god while laughing. Napagmasdan niya tuloy ito ng husto. He was wearing a fitte white collared shirt and a tight fitting jeans that hugged his thighs like a second skin. Maluha-luha itong humarap sa kanila habang pigil ang pagtawa.

"You two are really funny. Sayang naman ang ganda ni Dalisay kapag ginawa ko iyon. And hmmp! I remember you said na gagawin mo ang lahat. Tama ba?" sabi nto pagkarekober sa pagtawa.

Napatango siya ng wala sa loob.

"Good. Then have a snack with me." he offered.

"As in now?" puzzled niyang tanong.

"Yep. Break nyo rin di ba? May 20 minutes pa tayo." pangungumbinsi nito.

"Wait, you said you're Ronnie Alfonso, right?" tanong ni Jordan dito.

"Right Dalisay." anitong ngumiti at hindi inalis ang tingin sa kanya kahit pa sumagot sa tanong ng kaibigan niya. Hindi tuloy siya mapakali. Ang lakas ng trip ng lalaking ito ah. Ito yata ang hilo pa sa pagkakabanggaan nila.

"How are you related to that Alfonso na founder ng Tau Gamma Phi?" tanong ni Jordan na nagpamulagat sa kanya.

Nangunot ang noo ni Ronnie. "You know my father?" 

"Huh? So member ka rin, tama ba?" tanong ni Jordan.

"Yes." maiksing sagot nito.

"Saan tayo mag-i-snack?" tanong agad niya.

"Wait, I'm not forcing you Monty. Monty right?" tumango siya.

"I was just asking you to have snack with me. Not because I was Tau Gamma member." nagdaramdam pa nitong sabi.

"Hindi naman sa ganoon. Male-late na kasi kami sa next subject kung lalayo pa tayo." maagap niyang paliwanag.

"Nope, hindi na kita yayayain na mag-snack. Nawalan na ako ng gana." tuluyan na yata nitong pagtatampo sa kanila.

"No, pwede pa naman kami mag-snack. Di ba, Jordan?" sabi niya sa kaibigan.

"Hindi na kami pwede mag-snack Ronnie, but..." sabi ng kaibigan niya.

"But what?" sabi ni Ronnie.

"You can ask my friend to Lunch. Mamayang 12:30 na ang next break namin." malanding sabi nito na ikinalaki ng mata niya.

"What?" sabi na lang niya.

Napangiti si Ronnie at lumapit kay Jordan. Tinapik ito sa balikat saka bumaling sa kanya. His breath almost fanning his face. Mas matangkad pala ito sa kanya. Ngayon lang niya napansin. Nakatingala siyang tumingin dito.

"See you later Monty." he said, pinched his cheek then walked away.

"Someone's getting some later." nanunuksong sabi ni Jordan sa kanya.

"Tse!" then he laughed nervously and excited at the same time. 





CHAPTER 3 (Ang Mahabang Buhok ni Monty)

Hindi mapakali si Monty ng dumating ang vacant nila. Sakto iyon sa oras ng lunch break. Kanina pa niya iniisip kung ano ang mangyayari o maaaring mangyari kapag nagkita sila sa canteen ni Ronnie. For sure, wala lang magawa yun kaya napagkatuwaan siya. Sa loob ng ilang oras ay halos kilala na niya ito. Thanks to Almighty Jordan. 

Ang mga nakalap nitong impormasyon ay mabilis na naibahagi nito sa kanya. Ganun katindi ang lawak ng koneksiyon nito sa campus. Nang tanungin niya ito kung paano nito nagawa iyon, isang simpleng ngiti lang at kibit ng balikat ang ginawa nito. Napapantastikuhan man sa ginawa ng kaibigan ay nagpapasalamat pa rin siya.

Natapos ang mahabang bell na naging hudyat kanina para sa patatapos ng kanilang klase. Nakita niya na tumayo si Jordan sa kinauupuan nito na may kalayuan sa kanya.

"Halika na Claudia." yaya nito sa kanya.

"Claudia ka diyan! Luka-luka!" natatawa niyang sabi. Umagay pa siya sa paglalakad nito.

"O sige, ikaw na lang si Katrina." nakangising sabi nito.

"Halili?" tanong niya. 

"Ambisyosa!" sagot ni Jordan.

"Inggitera!" 

"Ilusyunada!"

"Eklatera!"

"Kemedora!"

"Tutchangera!" sabay tawa niya dahil hindi agad nakasagot ang kaibigan. Namula agad ito sa narinig.

Lumingon ito sa paligid. Pulang-pula ang mukha. "Walanghiya ka talaga! Buti na lang walang may knowing-galore sa hanashi mez! Wit ganun friend. Below the belt yun." arte nito sabay bulanghit ng tawa.

"Eh bakit? Totoo naman na tutchangera ka ng mga survivor philippines sa atin. Mind you, alam ko ang tsismis ng mga serbisyong totoo sa paligid tungkol sa'yo." his lips etched a devious smile.

"Hoy! Anong chismis yan? Anekwaboom?" curious na tanong nito. Tinatalunton na nila ang hagdanan pababa.

"Bet mo daw mang-tutchang ng mang-tutchang. Eh iyong isa raw na survivor philippines na wititit nagpa-keme sayotik, ang nag-information dissemination sa pandaigdigang merkado."

"Sobra!!! Witititchina-bambambini cologne summer fresh sa pagka-truli bells yan teh. Trudis na yung tutchang, pero wiz si wata nag-Pilita Corrales sa nyoyaw ng tutchang." naiinis na sabi nito sa kanya.

"Nakakadiri ka bakla!" exaggerated pa siyang sumimangot.

"Well my friend, you don't exactly smell like a rose. Hawaan mo nga ako ng linis mo ng magkasing-linis na ang mga pagkatao natin." nakangusong sabi nito.

"Alam mo Jordan, hindi ako nagmamalinis. Makinis pwede pa." sabi ni Monty na dinugtungan pa ng malakas na tawa.

Nagkakatuwaan pa rin silang magkaibigan ng makarating sila sa canteen. Dahil lunch time, jam-packed ang mga estudyante. May mga maiingay. May mga tahimik na kumakain. May nagsusulat. May nakatambay. At kung anu-ano pang eksena na maaaring makita sa isang canteen ng mga estudyante.

"Friend, mukhang marami na masyadong tao rito, ayoko namang magsigawan tayo habang nag-uusap diba?" sabi niya sa kaibigan na ini-scan ang paligid.

"Hoy!" untag niya rito ng tila hindi nito marinig ang sinabi niya.

"Ha, o bakit? Ano yun?" tila nagulat na sambit nito.

"Sabi ko, masyado ng crowded dito. Lipat na lang tayo sa Wendy's."

"Ha? How about yung lunch date nino ni Ronnie? Huwag mong sabihin na iindiyanin mo yung tao?" naka-kunot noong tanong nito.

"Haller. Malay ko ba kung totoo yun o hindi. Saka isa pa, feeling ko nangloloko lang yun eh. Or baka sabog. Di ba sabi mo na rin, hindi ganoon kaganda ang reputasyon niya?" nagtatakang tanong niya rito.

"OA ka teh. Ang sabi ko rin sa'yo kanina, ayun yun sa tsismis. Saka ano bang masama sa lunch date? Its just a date mare, its not as if you're marrying him or something!" mas OA naman nitong sagot sa kanya.

Hindi naman din nakasagot agad si Monty sa sinabi ng kaibigan. Napag-isip pa nga siya. Bakit nga ba siya nagre-react ng ganun? Di bale kung girl talaga siya. May tinatawag na "women's privilege" at kasama na roon ang pag-iinarte sa mga paanyayang dates.

"Oh, ayun na siya." kinikilig na sabi nito.

"Sino?" 

"Si Ronnie." nangingiting sabi nito. Sinundan niya ng direksiyon ang tingin nito. Mula sa kulumpon ng mga estudyante ay parang hinawi ng malakas na alon awtomatikong nagsitabihan ang mga ito. From his swagger moves at hindi maipagkaka-ilang sex appeal na halos magpatigil sa pagkain ng ilang kababaihan, kabaklaan at kapamintahan sa buong sankinabartolomehan. At sa kanya lang ito nakatingin. 

Monty felt like they were the only person in the world. Bakit? Sino bang hindi hahaba ang buhok bigla-bigla na pwedeng maging dahilan ng matinding pagkakatrapik sa kabuuan ng edsa sa pagkakatingin na iyon ni Ronnie sa kanya. Nararamdaman niya ang mabilis na pagtibok ng puso niya. Feeling niya, lalabas na iyon sa ribcage niya anumang oras.

Finally, nakalapit na ito.

"Hey. You ready?" maiksing bati nito. Tinanguan lang nito si Jordan na nakatanga naman dito with obvious admiration in his face.

"Hello din sa'yo Mister." sarcastic niyang tugon sa pagbati nito. He heard him chuckled.

"Halika na, nagugutom na ako eh." preskong sabi nito sabay hawak sa kamay niya. Natigilan na naman siya. Pagkatapos lang ng isang linggo ay heto na naman at may nakahawak na namang lalaki sa kamay niya. As devastatingly handsome as Ronnie. Hindi mapuknat ang pangigilalas at pagkagulat na nadarama niya ng mga oras na iyon.

"Ah friend. Sige kita na lang tayo mamaya." sigaw iyon ni Jordan na nagpanumbalik sa huwisyo niya.

Mabilis na bumitaw siya sa kamay nito. Nangungunot ang noong tiningnan naman siya ni Ronnie.

"Saan mo ko dadalhin?" tanong niya.

"Sa lugar kung saan pwede tayong kumain." tinatamad halos na sabi nito.

"In case you forgot, we're in a place called "canteen". This is where students of SBU eat." Monty said sarcastically.

"C'mon, don't I know that? Estudyante rin ako rito." naiinis na sabi nito.

"Weh, di nga? Akala ko kasi member ka ng sindikato sa hitsura mo." matabil na sabi niya.

Nakita niya ang pagdilim ng mukha ni Ronnie. He suddenly felt guilty. His words actually hit home. Isa sa mga sinabing impormasyon ni Jordan kanya ay muntik ng mapatalsik ito noon sa unibersidad nila for allegedly using weed and actually selling it. Natigil lang ang issue dahil isa sa founder ng eskwelahan ang ama nito. Napakagat siya ng labi sa nasabi. 

Oh my God! Me and my big mouth. 

He saw him clenched his fist in control anger.

Oh my God! He's gonna make suntok of me na!

Napapikit na lang siya sa kinatatayuan. Hinihintay na dumapo ang kamao nito sa kung saan mang bahagi ng katawan niya. Huwag naman sana sa fez! Hindi kasi siya makakilos sa hindi niya maipaliwanag na dahilan.

Ang hinihintay na pagdapo ng kamao nito ay hindi nangyari. Bagkus, nagsalita ito sa isang napakalamig na paraan.

"I'm only inviting you for lunch Monty. There's no need for your insults." His face blank. As if he was never there. Pero malinaw niyang narinig ang sinabi nito. At nakita rin niya ang bahagyang lungkot na gumuhit sa mga mata nito.

He felt remorse eating his system. Bakit ba kasi naipasok niya pa ang isyung yun. Pero teka? Kung hindi siya guilty sa kasalanang yun, bakit siya nagalit at nainsulto? Ibig sabihin totoo yun? Mga katanungan na pilit na nagrarason sa nagawa niya.

Ronnie turned his back on him. Dahil doon, mabilis niyang tinawid ang espasyo sa pagitan nila at hinawakan ito sa braso.

"R-ronnie. Wait."

"Wait for what Monty?" sabi nito.

"Ah eh. I'm sorry. I didn't mean to say those words." guilty niyang sabi.

"Its okay. Stigma ko na iyan dito. Sanay na ako." Ronnie said then turne his back again.

"Ronnie, wait."

"What?"

"I'd like to make it up to you." sabi niya saka ngumiti ng alanganin.

"How?" his face passive.

"I don't know. But I'm taking back my words earlier. I know its uncalled for." he said.

"Ten dates with me." 

"Huh?"

"I said have ten dates with me." sabi nito ulit. In a much louder voice. Natutureteng lumingon siya sa paligid and found a few students with their curious eyes on them. Some even smiled.

"What do you mean?" nagtatanga-tangahan niyang sagot. Siyempre alam niya ang ibig sabihin nun. Hindi lang siya makapaniwala.

Ronnie's eyes met his. Nakakapanlambot ng tuhod ang titig nito. Parang feeling niya ay mawawala siya sa sarili anumang sandali.

"I'm sure na alam mo iyon. Sige na Monty, I'm okay. Kumain na kayo ni Dalisay. I'll keep in touch." iyon lang at mabilis na itong tumalilis sa gitna ng mga estudyante.

"Pero Ronnie." hindi na niya ito naabutan.

"Ano ba yan mare, ano bang nangyari? Bakit mukhang nagtampo si Papa Ronnie?" sabi ni Jordan na nakalapit na pala sa kanya.

"I told him na mukha siyang sindikato or something." nakayukong sabi niya.

"Ha? Eh gaga ka pala ng isang-libo't isang beses eh. Bakla, hindi mo ba alam na ang dami palang nagkakandarapa mapansin lang ni Papa Ronnie? Kahit ganun ang reputasyon niya, kiber na ang mga babae at buong kabadingan dito sa San Bartolome sa mga ganoong bagay. Tapos ikaw, iinsultuhin mo lang yung tao. You really have some nerve my friend!" mahabang sermon nito sa kanya.

"Pwes! Hindi ako ang mga taong iyon. At ikaw, mukha namang atat ka sa kanya, e di ikaw na lang ang makipaglunch-date sa kanya." he said furiously to his friend.

"Hoy. Hindi ako ang kaaway mo. Hindi rin kita inaaway. Sinasabi ko lang kung anong ginawa mo. Kahit saang anggulo, mali ka. At alam mong hindi ako kunsintidor na kaibigan." naiinis na rin na sabi nito sa kanya.

Natigilan siya sa sinabi nito. Muling naghari ang guilt feelings sa kanya. "Pasensiya na friend. Hindi na mauulit." he smiled at him.

"Hay naku. Pasensiya, biskwit yun. Pasalamat ka at friendship talaga tayo. Kung hindi, naranasan mo na ang pakiramdam ng persona-non-grata sa pagtalak mo sa akin kanina." natatawang sabi nito.

They hugged and searched for a table to eat when they heard their stomach grumbled. Nagatatawanan silang naupo sa napiling mesa. Nagpasya si Jordan na siya na ang o-order ng pagkain nila. Nang maka-alis ito ay kinuha niya ang cellphone at nag-check ng messages. Bihira pa alng ang may cellphone ng panahon na iyon. Only the rich and able lang. At kasali siya sa bracket ng "able".

Nang matapos mag-check ay kinuha niya ang notes para sa Sociology nila. Hindi niya pa kasi napapag-aralan ulit iyon at may quiz sila mamaya. Busy with his notes, he felt a hand in his shoulder. Nagulat siya ng mapagtanto kung sino iyon.

It was Orly.

His masculine scent assaulted his nose. Bahagya siyang napapikit para samyuin iyon. Pagdilat niya, isang nakangiti pa ring Orly ang nakabungad sa kanya, with mischief in his eyes.

"O-orly." he stammered.

He bent his head closer to his. Akala niya hahalikan siya nito. Napapikit talaga siya. Then he heard him say, "Sabi ko sa'yo huwag kang masyadong halata na crush mo ko." he said whispering.

He felt all flushed with embarrassment. Kahit wala pang nakarinig sa sinabi nito, feeling niya ay lalamunin na siya ng lupa anumang sandali.

Orly chuckled then claimed the seat next to his. Hindi pa rin siya makapagsalita.

"Hoy! Joke lang yun. Huminga ka naman diyan." biro pa nito sa kanya.

"Heh!" aniya ng makabawi.

"Sorry!" he said while laughing.

"Hindi ka magpaparamdam ng isang linggo tapos kung anu-ano sasabihin mo pagkakita sa akin." nakaingos niyang sabi. Then napakagat-labi. Hindi talaga siya nag-iisip. Baka isipin nitong na-miss niya ito.

Nilingon niya ito ng unti-unti. Then he saw him smiling widely. With a glint of amusement in his beautiful eyes. Naramdaman na naman niya ang hiya kaya nagbawi siya ng tingin.

"Na-miss mo ko no?" sabi nito.

Patay!

"Hindi ah." hindi tumitingin na sabi niya.

"Na-miss mo ko eh." pangungulit nito.

"Hindi nga. Kalimutan mo na yung sinabi ko. Wala lang akong tulog." pagsisinungaling niya.

"Ako kasi na-miss kita." bulong nito sa kanya. His warm breath sent different feelings to his senses. Nalilitong nilingon niya ito na isang pagkakamali. Muntik ng magdaiti ang mga labi nila sa ginawa niya.

Oh my God for the third time around! Ilayo mo po ako sa tukso!

Nanuyo ang labi at lalamunan niya sa posisyon nila. At ang kumag, mukhang aliw na aliw sa discomfort na nakikita sa kanya. Hindi niya alam kung aatras ba siya or mag-i-stay. OR! I-smack niya kaya ito? How would he take it? I-smack down kaya siya nito? Huwag naman sana.

With a lot of things going on in his mind ng mga sandaling iyon. Laking pasalamat niya ng tumili ang isang taong kilalang-kilala niya.

"Ahhh!! Ahhh!!! Monty Labrador na rin ang pangalan ko bukas! Ahh!!! Ah!!!" nakakalokong emote pa nito ahbang dala-dala ang tray nila ng pagkain. Natatawang umayos siya ng pagkaka-upo at sinaway ito na patuloy pa rin sa pagtili.

"Bakla ka! Manahimik ka nga!" 

"Sorry naman." nakangising sabi nito na parang balewalang tumungo sa lamesa nila at inismiran ang mga naistorbong kumakain.

"Ang haba ng hair mo girl! Hi Orly." malanding bati naman nito kay sa lalaki.

"Hello Dalisay." hinawakan pa nito ang kamay ng kaibigan niya at hinalikan ang likod ng palad nito.

"Oh my god! I wanna dead na! As in now na!" nag-eemote na sabi nito. Natatawang binalingan niya ito at itinama.

"I wanna die. Baklang to." 

"Ikaw na si Webster! Emote lang yun no?" naiinis na sabi nito.

"How are you Orly? tanong niya rito.

"I'm fine. But first, let's give that kiss a try." then he pressed his lips with his. With all the students around them and with Jordan who almost fainted when the kiss happened.

As for him. He almost stopped breathing.





CHAPTER 4 (Burger Steak)


"O-orly?" 

Ang tanging nasabi niya pagkatapos ng ilang segundo ring paglalapat ng kanilang mga labi. Nanlalaki ang mga mata niya sa sobrang pagkagulat. Mabilis pa rin ang pagtahip ng kanyang dibdib. Hindi pa rin makapaniwala sa kagaganap lang. At alam niya, kahit hindi niya nakikita, namumula siya mula ulo hanggang paa! At naghihiyawan pa ang mga nakapaligid sa kanila sa pangunguna ng kaibigan niya. 

"O-orly?" naguguluhang tawag niya rito.

"Yes Pet?" amused na tanong nito. Nakisubo sa burger steak na in-order ni Jordan.

"Orly!" malakas na sabi niya sabay hampas sa braso nito. Finally, bumalik na ang boses niyang nawalan ng lakas ng dahil sa kagagawan ng lalaking ito. Tumigil na rin kasi ang hiyawan sa paligid.

"Aray! Bakit ba?" natatawang sabi nito habang umaarte ring nasaktan ang braso.

"Bakit mo ginawa iyon?"

"Ha? Did what?" maang na tanong nito.

"Yung kanina?!" frustrated na sabi niya.

"OA ka girl." si Jordan.

"Shut up, friend!" angil niya rito.

"You shut-up! Maka-emote ka diyan. Virgin?" nanlalaki ang matang sabi nito sa kanya.

Hindi siya naka-imik doon. Bakit nga ba siya umaarte ng ganoon? Hindi rin niya alam sa totoo lang. Hindi rin niya alam why is he feeling so damn... frustrated?

"Yeah, what are you fussing over with Pet?" nangingiting tanong ni Orly habang ngumunguya. Amusement all over his eyes. Parang gusto nitong tumbokin niya mismo ang tinutukoy niya.

Naiinis na nagbugha siya ng hangin at inagaw ang tinidor na hawak ni Orly saka dinampot ang kutsara para kumain. Alam niyang namumula pa rin siya. Di na yata matatanggal yun. 

Nagsimula siyang sumubo ng pagkain ng maramdaman ang mata ni Orly na nakatitig sa kanya. Nailang na naman siya. Nginuya niya ng mabilis ang pagkain saka ibinaba ang kubyertos para harapin ito.

He was welcomed by the brown of his eyes. As if mesmerizing the hell out of him. Bahagyang naumid ang kanyang dila sa ginawa nitong pagtitig sa kanya.

"S-stop it Orly." he said stammering.

"Stop what?" seryosong sabi nito. Ngayon niya lang napansing nawala na pala ang ngiti sa labi nito.

"You're staring. Stop it." naiilang na sabi niya.

Juice ko naman itong lalaking ito. Kung makapagpakilig sa kanya eh ganun-ganun na lang. Paano na kung may sakit siya sa puso?

E di namatay kang happy! May ngiti sa labi.

Damn!

"I can't Pet." 

"What?" nalilitong sabi ni Monty.

"I said, I can't. I can't help but stare. Kasalanan mo."

"Teka, teka! Bakit kasalanan ko?" umatras siyang konti dito.

"Oo. Kasalanan mo. Nakanguso ka na naman. Remember what I told you?"

Rumehistro ang mga salitang iyon at nakalkal ang isang linggo ng nakalipas na alaala na nakapagpakilig sa kanya ng husto.

"Ang cute mo kasi kapag naka-nguso kang ganyan..."

"Huwag kang magpa-pout ng ganoon at baka mahalikan kitang bigla..."

"Did I pout?" naguguluhang tanong niya.

Tmango ito. Saka inabot ang gilid ng labi niya. Umatras siyang bahagya pero nakalapat na ang daliri nito sa gilid ng lips niya at may pinahid na kung ano doon. 

"Gravy." matter-of-factly na sabi nito.

Isang impit na tili ang narinig niya mula kay Jordan saka sumunod ang mahinang tawanan sa paligid. Nahihiyang tiningnan niya ang kaibigan.

"Shit friend! Para akong nanonood ng shooting nila Dina Bonevie at Alfie Anido. Langya, wala ka na bang kapatid Orly? Bigay mo nga sa akin." namimilipit sa kilig talaga na sabi nito.

"Wala eh. Pinsan meron." sabi ni Orly na hindi tumitingin sa kaibigan niya.

"Ahhh!!! Ayoko na! Hindi ko na kaya!" Tili nito sabay tayo at kuha sa mga gamit. "Diyan na kayo! Nang-iinggit lang kayo! Ah!!!" sabi pa ni Jordan habang papalayo at kumekendeng na naglalakad. "Monty na bukas ang pangalan ko! Magpapalit na ako ng namesung!" pahabol pa nito.

Nagtawanan ang mga nasa paligid. "Dalisay, ako na lang magmamahal sa'yo para di ka maiinggit!" sigaw ng isang boses na nagpatigil sa hitad na kaibigan niya. Nilingon nito ang nagsalita saka ngumiti ng pagkatamis-tamis.

"Talaga? Ang sweet mo naman." anang kaibigan niya.

"Oo Naman. Ano tayo na ba?" mayabang na sabi ng kausap nito.

"Oo sige, tayo na. Kapag di ka na mukhang-aso, Hayup ka!" nanggigigil na sabi nito. Saka nagmamartsang lumayo.

"Shutang 'to. Aso umiibig sa diyosa? Kabahan kang animal ka!" sigaw pa ng kaibigan niya.

Bumalik ang atensiyon niya sa lalaking katabi at sa ginagawa nito sa sistema niya. Nilingon niya ito ang found him staring again. 

"I-it's impolite to s-stare Orly."

"Says who?"

"Says me."

"Then blame yourself for being so cute."

Ha? Ano raw? Ano ba itong lalaking ito? Naka-drugs? 

"Ibang klase pala ang sense of humor mo Orly." natatawang sabi niya.

"Anong ibig mong sabihin?"

"Yung sinabi mo. I'm cute?" 

"Yes. You are cute!" mariing sabi nito.

"Well, thank you." he said demurely.

"You think I'm just teasing you or I'm making fun of you?" tanong ni Orly sa kanya.

"No."

"But you don't believe me?"

"Yes."

"But its the truth." protesta nito.

"I said thank you." sabi niya. "And besides I didn't think you're just teasing me Orly, I know you're teasing me." diretsong sabi niya rito.

Natigilan ito. Nangunot ang magandang noo. Senyales na hindi nagustuhan ang sinabi niya.

"What do you mean, "you know"?" 

"There's a world of difference between know and think Orly. I'm sure you'll be able to understand it." matabang na wika niya. Ang sama pala sa pakiramdam kapag alam mong niloloko ka lang ng taong gusto mo. Nag-alsahan pa naman ang lahat ng pag-asa niya kanina sa ginawa nito kanina. Buti na lang, nagawa niyang mag-isip. Salamat sa eksena kanina ni Jordan. Mabilhan nga ng Mango Shake ang hitad.

"I know what you mean Pet, but what I don't understand is how you can think of me that way. I'm not making fun or teasing you. Ang hirap sa'yo, sobrang talino mo. Lahat ng nangyayari sa'yo ina-analyze mo na parang isang equation na dapat hanapan agad ng solusyon. Did it ever occur to you that I might like you? That I might want to be closer you?" mahaba at may kalakasang sabi nito.

Nayanig siya sa naging pagtatapat nito. Hindi lang siya, maging ang nasa paligid nila ay natahimik. Namumula ang mukha ni Orly sa pigil na inis at walang pakundangan at walang paki-alam na nakatitig pa rin sa kanya.

"O-orly..." 

"What?"

"You l-like me?"

"Yes."

"W-why?"

"Kailangan ba may reason kapag gusto mo ang isang tao?"

"W-wala."

"Buti alam mo."

"Orly..."

"What?" naiirita na sabi nito sa kanya.

"I'm not good in Math."

"Ano?"

"Hindi ako magaling sa equation."

"Anong connect?"

"Na hindi ko pinag-aaralan ang lahat ng nangyayari sa akin."

"Eh ano ngayon?"

"Na hindi lang ako makapaniwala na gusto mo rin ako."

"Yeah right...Ano ulit sinabi mo?"

"Alin?" nalilitong sabi ni Monty.

"Yung hindi ka makapaniwala-something."

"Na hindi ako makapaniwala na gusto mo rin ako?" nagtatakang tanong niya.

"That's more like it." biglang sumilay ang magandang ngiti sa labi nito.

Nagpalakpakan ang mga miron sa paligid nila. May sumipol pa habang ang ilan ay nagtaas ng kilay at bitter na nagsalita. "Yuck! Bading pala ang gusto ni Orly. Nakaka-turn off." maarteng sabi ng isang estudyanteng babae.

"Inggitera ka teh. Compare to lugaw oh. Nakakaloka ka!" sabi ng baklang nanonood na nakilala niyang kasamahan nila sa teatro. Kinindatan siya nito.

Bigla siya nitong kinabig at inakbayan. Kinuha nito ang kubyertos at kinain ang burger steak meal niya na malamig na ngayon.

"Ewe!" sabi ni Monty.

"Masarap naman kahit malamig na." natatawang sabi ni Orly.

"Masarap ka diyan. Ang sagwa ng lasa." 

"Sige, pa-order tayo." sabi ni Orly.

"Self-service dito oy!"

"Akong bahala." sumipol ito at may lumapit na estudyante. Inutusan nito na bumili ng panibagong pagkain para sa kanila. Nag-check siya ng oras. 30 minutes na lang pala ang natitira at may klase na siya.

"Orly, sabihin mo paki-bilisan. May klase pa ako." 

"Sure Pet. O narinig mo Pet ko ha? Pakibilisan bro." sabay tapik nito sa estudyante na tumango lang at umalis na para bumili.

"Anong Pet?" tanong niya.

"Ikaw. You're my pet." 

"Haha... Ano ako? Aso?" natatawang sabi niya.

"Bahala ka, basta ako, I love to cuddle my pet. Lika nga rito." bigla siya nitong hinila paupo sa kandungan nito sabay baon ng mukha sa batok niya.

He felt goosebumps all-over. Nanigas ang katawan niya sa ginawa nito. Sobrang tensiyon ang pumaloob sa kanyang sistema. Nakatuon ang buong-atensiyon niya sa mainit na hininga na dumadampi sa kanyang batok. Hindi magmaliw ang kilig niya.

"Orly. Ano ka ba?" kumalas siya rito at bumalik sa kinauupuan. 

"Bakit ka umalis? Okay lang naman yun ah?" natatawang sabi nito.

Of course, okay lang sa SBU ang ganoong bagay. Ang gay rights sa kanilang kolehiyo ay talagang napa-praktis at ipinaglalaban ng ilang estudyante kaya nagkaroon ng agreement ang kolehiyo nila sa mga grupong kinabibilangan ng ikatlong-lahi. Walang kukondena sa ginawa ni Orly.

"That's not the point." nahihiyang sabi niya.

"Then what is it?" nakakalokong sabi nito.

Huminga muna siya ng malalim. "This is not a lovers lane. Umayos ka nga."

"Sure." Umayos nga ito ng upo, pero nakatitig naman sa kanya. Napa-iling na lang siya at inayos ang gamit. Dumating din agad ang express order nila ng lunch. Habang kumakain ay kinukuhaan nito ang ulam niya, at ito naman ay tutusok sa ulam nito saka siya susubuan.

Ninamnam na lang ni Monty ang lahat ng nagaganap. Kailangan niya sigurong tanggapin na maaari ngang may gusto sa kanya si Orly, gaano man iyon ka-weird tanggapin at pakinggan. Habang kumakain ay hindi sinasadyang nahagip niya ng tingin ang isang malungkot na pigura sa may kalayuan. Nakatayo sa labas ng bintana ng canteen. Malungkot ang mukhang nakatanaw sa kanila ni Orly.

Walang iba kung hindi si Ronnie.



CHAPTER 5 (BATIBOT)




"Sorry Pet, di kita mahahatid ngayon ha. May practice pa kasi kami ng team." malambing na sabi ni Orly sa kanya habang nasa batibot sila. Isa iyong paikot na bench at may malaking puno sa gitna. Ika-limang araw na nila bilang official na mag-boyfriend. 

"Okay lang mahal ko." tinapik niya ang pisngi nito.

"Ang sarap naman nun." sabi nito sabay akbay sa kanya.

Kinikilig naman na humilig siya sa dibdib nito. Nararamdaman niya ang pagpintig niyon. Maligayang-maligaya naman ang pakiramdam niya dahil nakasandal siya sa pinakagwapong lalaki sa campus.

"Ano yung masarap?" Monty said grinning.

"Yung tawag mo sa akin. Para tuloy naluma yung "pet" na tawag ko sa'yo." nagmamaktol kuno nitong sabi.

"Asus! At nakipag-kumpetensiya raw ba ang mamang ito." kinurot niya ang pisngi nito. Gawain niya iyon dito kapag naglalambing. Siyang-siya naman ang kumag kapag hinaharot niya.

Halos isang linggo na rin sila sa kanilang relasyon. Bagama't hindi pa niya naririnig ang mga salitang "I Love You" mula rito ay ayos lang sa kanya. Ang mga salita naman ay madali lang bigkasin kahit hindi bukal sa kalooban mo.

"Pet." masuyong sabi nito sa ibabaw ng ulo niya.

"Yes Mahal ko?"

"Sarap naman. Salamat ha?" sabay yakap nito sa kanya mula sa likod.

"Para saan na naman?" natatawang sabi niya. Iginala niya ang paningin para sa mga possible ingiterang schoolmate. Wala naman siyang nakita so tuloy ang ligaya.

"Para dito. Na I finally have you." madamdaming sabi nito.

Nilingon niya ito. Di makapaniwalang nasabi iyon ni Orly. He was welcomed by his soulful brown eyes. Kitang-kita niya ang sinseridad sa mga iyon. Napababa ang mata niya sa mapupulang labi nito. They looked so inviting. His face is only an inch away to his. He could feel and smell his fresh breath. Napalunok siya temptasyong nasa harapan.

"Seryoso ka Orly?"

"Oo naman. Mukha ba akong nagbibiro?"

Napahugot siya ng hininga sa sinabi nito. Kayang-kaya talaga siya nitong pakiligin. Sabagay, kahit ano naman ang gawin nito, magsalita man o hindi, abot-langit talaga ang kilig niya para dito. At mukhang nag-level up na iyon ng husto.

"Bakit mo naman nasabing "I finally have you?" Ano yun? Ipinagdasal mo ba ako?" he teased.

"Hindi lang ipinagdasal. Ipinag-novena pa kita." natatawang sabi nito.

Sumimangot siya kunwari. "Niloloko mo lang ako eh."

"Hindi kaya. Remember nung 1st year pa lang kayo. Hindi ba lagi akong visible sa Education Department kahit Architecture ang course ko. Kasi I'm hoping na sana makasalubong kita kahit isang beses lang." nahihiyang pag-amin nito.

"Hindi nga? Walang stir?" di makapaniwalang tugon niya.

"Ayaw mo pang maniwala? Eto na nga ebidensiya o. Nakalingkis ako sa'yo ng parang walang bukas." sabay hinigpitan pang lalo ang pagkakayakap sa kanya.

Kinilig naman siya ng sobra-sobra-sobra-sobra. Walang paki-alam na inabot niya ang labi nito and gave him a quick wet kiss. Kiber lang sa paligid.

"Whoa! What is that for?" natatawang sambit nito pagkahiwalay ng kanilang mga labi.

"Nothing. Ako ang dapat mag-thank you sa'yo." namamasa ang matang sabi niya.

"Bakit?"

"Kasi the last five days of my life were the happiest. At ikaw ang rason nun. Ikaw ang pinakamagandang nangyari sa buhay ko."

"You too Pet. And you're welcome." 

They kissed again. Slowly this time. Taking their sweetest time to enjoy each other's lips. Tila wala namang paki-alam ang lahat sa ginagawa nila. Medyo kubli naman ang bahaging iyon kaya pwede na ang torrid kiss sa paligid. Hindi nga lang pwede all the way.

"Whew!" sabi ni Orly after the earth-shattering kiss.

"Nakaka-aliw ka mahal ko. Ganoon ba epekto ng halik ko?" he teased.

"Opo. Nakaka-uhaw. Nag-init ako." he matched his grin then poked his sex on his back.

Natatawang sinaway niya ito.

"Orly! Ang bastos mo." pa-demure na sabi niya rito. Nanlalaki ang mga mata kunwari sa pagkaka-eskandalo. Pero sa tagong bahagi ng pagkatao niya ay ang kilig at excitement na nag-uumapaw.

"What?" painosenteng sabi nito.

"What-what ka diyan. Ikaw ha, ang naughty mo." 

Tumawa ito. Then he grinned mischievously. May ibinulong ito sa kanya.

"Sa bahay ka matulog mamaya." nagtaas-baba pa ang kilay nito habang nakangisi ng mala-demonyo.

"Ano na naman ang binabalak mo Orly?" kinikilig na sabi niya.

"Alam mo na yun. Sige na, wala naman si Mommy eh, umalis sila kaninang umaga ng maid namin. Home alone ang drama ko." pamimilit pa nito.

"Ay ayoko. Baka kasi kung anong gawin mo sa akin." pakipot kunwari niyang sabi.

"Asus, if I know, excited ka na." tukso nito.

"Hindi kaya."

"Weh, eh bakit kinikilig ka?"

"Hindi kaya, slight lang!" tuluyan ng bumigay na sabi niya.

"O kita mo na." natatawa ring sabi nito.

"Sige, sige. Sa inyo ako matutulog. Pero tulog lang ha? Walang hanky-panky na eksena." 

"Oo. Walang hanky-panky. Kinky lang." natatawang pangako nito.

"Tse! Huwag kang atat Orly. Nag-aaral pa tayo. Baka mabuntis ako." todo-emote pa rin niya.

"Huwag kang mag-alala. Papanagutan kita." pakikisakay nito.

"Baliw!"

"Oo. Baliw na baliw ako sa'yo." 

"Alam mo Orly, nahawa ka na sa kabaliwan ko." 

"Ang lakas kasi ng pagkabaliw mo. Parang contagious na sakit. Sapol ako dito oh." sabay sapo nito sa puso.

Naantig na naman ang damdamin niya. Is this man really for real? Baka naman pinapasakay lang siya ng tadhana para ganitong klaseng kilig. Hindi kasi makatwiran eh. Pero sa isang banda, diyosa naman siya. So dapat lang talaga sa kanya si Orly.

Tumingin ito sa kanya. Matiim. Saka nagsalita. "Now how long will you hold that breath in wonder? Am I for real? Is that what you're thinking?" seryosong sabi nito.

Hala ka! Nabasa pa yata nito ang isip niya. Nahihiyaang nagyuko siya ng ulo. Habang nag-uumapaw pa rin ang kilig niya. 

"Nope Orly." nagtaas siya ng mukha at sinalubong ang mata nito. "Alam kong totoo ka. Nahahawakan kita, nararamdaman. Itong nangyayari ngayon ang hindi ko mapaniwalaan. Hindi ko alam kung parte lang ba ito ng isang napakagandang panaginip. Sana lang huwag akong gisingin agad. Kasi papatayin ko talaga sa sakal ang mangbubulabog ng tulog ko." 

"Maniwala ka pet. Maniwala kang totoo ang lahat ng ito." niyakap siya nito para marahil ipadama na totoo nga ang lahat.

"It felt surreal Orly."

"Dadagdagan ko pa ang kilig mo sa bawat araw Monty. Basta ang ipangako mo sa akin, hindi mo ko iiwan. Na ipaglalaban mo yung nararamdaman mo para sa akin. Na hindi mo ako bibitawan."

"Nangangako ako Orly. Hindi mo na kailangang ipaalala sa akin iyan. Ikaw nga ang inaalala ko. Baka kasi, diversion lang ako sa buhay mo." nag-aalinlangan na sabi niya.

"Please don't say that. Huwag mo ring isipin na ganoon ka sa buhay ko dahil hindi. Kung alam mo lang kung gaano ako kasaya na kasama kita."

"Parang hindi totoo Orly. Hindi ko maiwasang mangamba na baka mauwi lang sa wala ang lahat ng ito. This is indeed too good to be true."

"This is true Monty. Huwag ka ng mag-alinlangan, please?"

"I'll try not to Orly. Para sa'yo gagawin ko iyan. But not if I can't help it." tapat niyang sabi.

"Fair enough pet. Fair enough. Pangako, papawiin ko ang alinlangan mong iyan. Sisimulan ko mamayang gabi." nakangisi na nitong sabi.

"For the record Orly, hindi lang sex ang habol ko sa'yo."

"Alam ko. Ikaw pa, patay na patay ka sa akin."

"Kapal mo." kinurot niya ang hita nito.

"Aray! Aba'y muntik na yun sa "restricted area" ah." Natatawang sabi ni Orly. Hinuli nito ang talipandas na kamay niya at hinalikan iyon.

"Sorry. Masakit ba?" nakakalokong sabi ni Monty.

"Huh! Humanda ka sa akin mamaya." 

"Can't wait!" kinikilig na sabi niya.


NAG-AABANG si Monty ng masasakyan papauwi ng may isang malaking motorsiklo ang huminto sa harapan niya. Kinakabahan na napahakbang siya paatras.

Hinubad ng may-ari ng motor ang helmet at tumambad sa kanya ang gwapong mukha nito. Biglang kinain ng kaba ang kanyang puso. Alanganin din niya itong nginitian.

"H-hi Ronnie!"

"Hop-in!" sabi nito.

"Excuse me?" sagot niya.

"Hop-in Monty. Ihahatid na kita."

"Thanks but hindi ako sumasakay sa motor. Mahal ko pa ang buhay ko." pagtanggi niya.

"I won't take no for an answer Monty. Besides, may utang ka sa aking sampung date." sabi nito sabay flash ng ngiting nagpalambot sa kanyang tuhod.

"But I didn't agree on that." protesta niya.

"Sabi mo willing kang bumawi sa akin. Or baka naman wala kang isang salita?" taas-kilay na tanong nito.

"Huwag mong kwestiyunin ang salita ko. Sige na nga. Let's get this over and done with." naaasar na sasampa na sana siya sa motor nito ng pigilan siya nito at isuot sa kanya ang helmet nito.

"Para safe ka." sabay tapik sa pisngi niya na nakalabas sa helmet.

Naumid ang dila niyang bigla. Ang balak na tuloy-tuloy na pagtataray ay naipon na lang lahat sa bibig niya.

Sumampa na sila sa motor. Inilagay niya ang kamay sa balikat nito pero tinanggal nito iyon at ipinalibot sa beywang nito.

Nanigas ang katawan niya sa ginawa nito. Naramdaman marahil ni Ronnie iyon at nagsabing, "Relax ka lang Monty. Akong bahala sa iyo. Hindi kita ipapahamak."

His words felt re-assuring. Kumalma ang kanyang kalamnan na nagiging on-the-double parati kapag ito ang kaharap. Nagsimula itong magpatakbo. Napapahigpit ang kapit niya rito kapag binibilisan nito ang pagpapatakbo. Sa inis, ibinaon niya ang mukha sa likod nito na isang malaking pagkakamali. His scent assaulted his senses. He felt tingly all over. Teka? Bakit ako kinikilig sa lalaking ito katulad ng pagkaka-kilig ko kay Orly?

Naiiling na hinigpitan na lang niya ang pagkakayakap dito. Then, He heard him chuckled.


CHAPTER 6 (The Declaration)


Pahigpit ng pahigpit ang naging pagyakap ni Monty sa baywang ni Ronnie. Paano ba naman. Ang tuling ng pagpapatakbo nito na hindi na niya kayang tingnan ang kanilang dinadaanan. Hindi niya alam kung gaano sila kabilis pero ang sigurado siya ay they are running really fast in the freeway. Buti na lang walang gaanong sasakyan na kasalubong. 

Kakatwa naman na nagugustuhan ng husto ng kanyang ilong ang pagsinghot sa amoy ni Ronnie. Natural na lalaki ang amoy nito. Lalaking-lalaki. Ang pagkakadama rin niya sa katawan nito ay sobrang tigas. Parang bakal ang kalamnan nito at sobrang init sa pakiramdam kahit pa nakasuot ito ng jacket. Hinuha niya, batak ang muscles nito sa exercise. 

"Monty." tawag nito sa kanya.

"Hmm?" aniya habang nakasubsob pa rin sa likuran nito.

"We're here." 

"Huh?"

"Nandito na tayo."

"Saan?" sabi pa rin niyang nakasubsob sa likod nito.

Ronnie chuckled. "As much as I would like to enjoy your honest-to-goodness sniffing, I'm afraid I would have to cut it for our food is waiting Monty." 

Parang binuhusan siya ng malamig na tubig sa sinabing iyon ni Ronnie at napapasong kumalas. Kanina pa pala sila nakahinto ng hindi niya namamalayan.Paano mo malalamang nakahinto na, eh busy ka sa pagsinghot sa likuran ni Papa Ronnie? Sigaw na naman ng bahagi ng isip niyang kapatid yata ni Rubi.

"Ah-ahm. Sorry. K-kanina pa b-ba tayo dito?" mukhang ***** lang niyang tanong. He knew he was beet red. Pero di na niya maitatago iyon. Bumaba siya ng motor at inalis ang helmet na suot. Namangha siya sa nakita. Naroon sila sa isang floating restaurant along the highway. Madadaanan muna ang isang basketball court bago ang dock papunta sa restaurant na nasa malaking bangka na nakadaong sa parteng iyon ng ilog na kumukonekta naman sa dagat.

Di niya mapigilang mapa-wow!

"Did you like it?" tanong ni Ronnie.

"Of course. Who wouldn't Ronnie? Pero teka, baka mahal dito." natatarantang sabi niya pagkatapos mamangha.

"Huwag kang mag-alala. Mura lang dito and besides its my treat." nakangiting sabi ni Ronnie sa kanya sabay kuha sa kamay niya at hinila na siya patungo sa floating restaurant. 

Namamangha man ay hindi naman nakaligtas kay Monty ang tila kuryenteng dumampi sa kanya ng hawakan ni Ronnie ang kanyang kamay. Ang hirap tanggihan ng masarap na pakiramdam na dulot ng pagkakadaupang-palad nila kaya naman ninamnam na lamang niya iyon.

Nangingiti pa rin siya hanggang sa makaupo sila sa pinakadulong set ng lamesa. Medyo kubli doon. Tanaw ang malinis na ilog na payapang umaalon. Napakaganda ng ambience kaya naman hindi niya namalayan na kahit naka-upo na sila at magkaharap ang silya ay magkahugpong pa rin ang kamay nila ni Ronnie.

Naiilang at disimulado niyang hinila ang kamay mula rito. Ang kaso, hinigpitan pa ni Ronnie ang pagkakahawak sa kamay niya as if it was his lifeline. Napahugot na lang siya ng hininga ng tawagin nito ang waiter habang pilit pa rin niyang binabawi ang kamay mula rito. But all his efforts were futile. 

Hindi naman siya makatingin dito sa hiya ng dahil sa pangyayari kanina. Hindi rin siya makatalak. Ronnie won't let go of his hand. Kaya naman ng dumating ang waiter ay nagbaling siya ng tingin sa ilog. Hindi bale ng magkastiff-neck. Dedma lang. Huwag lang ako makilala ng waiter. Nahihiya siya. Ewan ba niya!

Nang maka-order ito ay saka niya ito tiningnan ng masama dahil naalala niya si Orly. Hindi porke't wala ito sa paligid at may gwapong nilalang na hahawak sa kamay niya ng basta-basta ay basta-basta rin lang siyang papayag. Hell will freeze over kapag nagkasira sila ng Papa Orly niya. With that in mind nag-ready na siyang rumipeke ng talak ng magsalita ito na talaga namang ikinawindang niya.

"Ang sarap ng feeling ng hawak-hawak mo yung kamay ng taong gusto mo no? Parang hawak mo na rin yung mundo. What do you think Monty?" nakangiting sabi nito sa kanya. His eyes tantalizing like that of a raven's feather. Ang initial reaction niyang pagtataray ng dahil sa kapangahasan nito ay naipong lahat sa kanyang lalamunan.

What do I think? I can't think! Huice ko! Hinay-hinay lang naman po! Bakit ba nagkakaganito ang lalaking ito? Litong-lito at tarantang-tanranta na parang panchinco machine ang isip niya sa pinagsasabi ni Ronnie. Naka-drugs yata ito.

But what is he implying? Did he mean those words? Yung linyang ito oh teh, "Ang sarap ng feeling ng hawak-hawak mo yung kamay ng taong gusto mo no? Parang hawak mo na rin yung mundo. What do you think Monty?" Nanginginig ang kamay na kinuha niya ang baso ng tubig sa harapan niya.

Salamat! Salamat! Salamat sa tubig! Nagbubunying sabi ng isip niya. Para kasing natuyuan siya at na-drain lahat ng enegy niya sa katawan at hindi kinaya ng katawang-lupa niya ang kakiligan na naramdaman niya. Naubos niya ang tubig sa baso. Padarag niyang naibaba iyon.

"Monty?" si Ronnie. Naka-kunot noo na.

"R-ronnie. Yung ka-kamay ko, p-please?" he said stammering.

"Bakit? Anong problema sa kamay mo?" takang tanong nito. Hinaplos-haplos pa nito ang ibabaw ng palad niya.

"Ah, baka kasi lamog na siya. Nagtext na sa akin eh. Kanina pa raw siya nasasakal sa iyo." pakwela na lang niyang sabi. Hoping that Ronnie will notice his point.

Natigilan ito. Good! Sinubukan niyang bawiin na ang kamay niya but he won't let go talaga. Kapagkuwan ay nagsalita ito. "Bakit? Ganoon ba ang pakiramdam mo sa akin ngayon Monty? Nasasakal ka na ba sa presensiya ko?" malungkot na tanong nito. Bakas na bakas sa gwapong mukha nito ang kalungkutan. 

What the... Saan galing iyon? Bakit may ganoong factor? Bakit napunta sa kanya ang tanong eh kamay niya ang tinutukoy niya? Ganoon pa man ay hindi niya maiwasan
ang sundot ng konsensiya kahit nalilito siya sa eksena ni Ronnie.

"Ah eh, Ronnie. Hindi naman sa ganoon. Bakit mo naman naisip na ganoon ang nararamdaman ko?" nangingiwing tanong niya.

"Wala lang. Baka kasi paraan mo lang iyong pagsasabi noon para iparamdam sa akin na ayaw mo sa presensiya ko eh." malungkot pa ring sabi nito habang nilalaro ang kamay niya.

Iba't-ibang feeling ang bigla na lang nag-unahan sa pagusbong sa kanyang dibdib para rito. Nangunguna na ang awa. Pero nunca niyang ipapakita iyon dito. Mukha pa namang ayaw nito na kinakaawaan ito. Ang laking mama nito at mukhang astigin pa kaya hindi rin bagay na kaawaan.

Napabugha na lang siya ng hangin sa pagsuko. Kung trip nitong lapirutn ang kamay niya, go ahead! Make my day! Masarap naman sa feeling eh. "Don't twist my words Ronnie. Wala akong sinasabing ganyan. Ang sabi ko lang, baka mapilay na yang kamay ko kakalapirot mo." 

Natawa naman ito sa sinabi niya. Ngunit kitang-kita niya na hindi iyon umabot sa mata nito. "Pasensiya na ha? Baka kasi matagalan ulit bago ko mahawakan ito kaya lulubos-lubosin ko na." sabi nito saka ibinuka ang palad niya paharap dito at tinitigan siya.

Napapantastikuhan naman siyang nakipagtitigan dito. Strange feelings surrounded his now trembling heart. Hindi sa takot kung hindi sa kakaibang kaba na napukaw ni Ronnie sa kanya. Nagsalita ulit ito habang hawak ang kamay niya at hindi pinuputol ang eye contact nila.

"Alam mo ba kung bakit may gap ang bawat daliri ng tao?" tanong nito.

"H-hindi. Indulge me, Ronnie." 

"Para mapunan iyon ng mga daliri ng iyong partner sa buhay." seryosong sagot nito.

Was he professing something? Hindi kaya pinagti-tripan siya nito? But he really looked sincere. Mas mabuti sigurong tanungin na niya ito.

"Why are you doing this Ronnie?" naguguluhang tanong niya rito.

"Ang alin Monty?" 

"This. Are you telling me that you have feelings for me?" diretso niyang tanong.

"And what if I am?" patanong na sagot naman nito.

"Don't answer me with another question Ronnie. Naguguluhan ako sa inaarte mo." nakasimangot na niyang sabi.

"Don't frown Monty. Papangit ka niyan sige ka." 

"Huwag mo akong utuin. Naiinis na ako."

"All right. Sige, aaminin ko na. Gusto kita." nakataas pa ang kamay na sabi nito.

Hindi siya nakahuma agad sa sinabi nito sapagkat dumating na ang mga inorder nito. Puro mga fresh na seafoods na talaga namang katakam-takam ang pagkaluto. Lalo na ang mga alimango na naglalaway pa ang taba mula sa katawan.

"Thank you." anito sa waiter ng ma-i-serve na ang lahat pati na ang drinks nila. Nagmistulang fiesta sa lamesa nila sa dami ng order nito. Pansamantalang nawala ang atensiyon niya sa kakatapos pa lang na rebelasyon nito.

"Ang dami nito. mauubos ba natin lahat iyan?" natatawang sabi niya. Linuha niya ang naka-tissue pang kubyertos para simulan na sana ang pagkain ng sawayin siya nito.

"Hep! Hep! Magkakamay tayo." saka ito tumayo para maghugas ng kamay sa sink na malapit sa kanilang mesa. Nahihiyang sumunod siya rito.

Matapos makapaghugas ay nagdasal muna ito. Ganoon din siya. Nang matapos ay talaga namang buong kagalakan itng nagsandok ng kanin para sa kanya. Naaaliw na pinagmasdan niya ito.

"Tama na yan. Masyadong marami. Kukuha na lang ulit ako." awat niya rito.

"Sus, ang konti pa nga niyan. Patatabain kita sa mga dates natin." masayang sabi nito sa kanya.

Natigilan si Monty sa sinabing iyon ni Ronnie. Naalala niya ang pagtatapat nito. Nag-aalangan na sumubo siya pagkatapos kumurot sa grilled hito na nakahain. 

"Ah Ronnie. Bakit mo ako gusto?" alanganing tanong niya.

"What is there not to like?" sagot nito.

"Eh kasi ano..." namimilipit halos na sabi niya.

"Eh kasi, may boyfriend ka na?" pagtatapos nito sa sinasabi niya.

"O-Oo." alanganin siyang ngumiti.

"So anong problema?" nakangiti pa ring sabi nito.

"Eh, mahal ko yung boyfriend ko." sagot niya sa tanong ni Ronnie.

"Hay naku. Hindi naman kita inaagaw sa kanya eh. Sinabi ko lang na gusto kita." magiliw pa ring sabi nito.

"O-okay lang yun sa'yo?" 

"Gusto mong malaman ang totoo?" sagot nito.

"Huwag na lang." naduduwag na sabi ni Monty. Para kasing ayaw niyang marinig yung magiging sagot nito. Baka di na niya kayanin. 

"Sure." sabay kuha nito ng alimango at binali iyon sa gitna. 

Parang may bitterness yung pagkakabali. 

"Kilala mo ba yung boyfriend ko, Ronnie?" tanong niya after ng ilang minutong pananahimik.

"Who wouldn't? Orly the Team Captain? C'mon Monty, give your guy some credit. Sikat kaya yun." natatawang sabi nito.

"Alam ko naman yun eh, natanong..."

"But I don't want you to talk about him kapag kasama mo ako. Paki-usap lang sana." awat nito sa dapat ay sasabihin niya.

"I'm sorry." napapahiyang sabi na lang niya rito. OO nga naman teh. Sampal naman sa kanya yun di ba?. 

"No. Don't be. Pasensiya na rin kung nagdedemand ako sayo. Pero masakit kasi sa tenga na ibang lalaki ang binabanggit mo samantalang ako ang kasama mo. Nakakaselos." nakangiti man ay kita niya sa mata nitong totoo nga iyong sinabi nito.

"Unless, gusto mo ng makipag-break kay Orly ngayong alam mo ng gusto kita." pagpapatuloy nito.

Muntik na siyang masamid sa diretsang pahayag nito. Grabe naman itong lalaking ito. Sa isip-isip niya. Wala man lang pasakalye.

"That is very unlikely to happen Ronnie." aniya ng makabawi.

"Alam ko naman yun eh." malungkot na sabi nito.

"Saka anong tingin mo sa akin? Kaladkarin? Hindi porke gwapo ka at gusto mo ako eh sasama agad ako sa'yo kapag niyaya mo ako. Magagalit si Lola Maria Kearse este Maria Clara ko uy!" he said in between chewing his food.

"Hindi ko naman sinabing ganoon ka." malungkot pa ring saad nito.

"Joke lang yun Ronnie. Ano ka ba? Marami diyan sa paligid. Totoong girls pa. O di kaya andyan si Dalisay. Yung friend ko. Bagay kayo nun." pag-kokonsola niya rito.

"Huwag ka ng mag-effort pa Monty. Salamat na lang." matipid itong ngumiti saka sumubo ulit ng pagkain.

"Bakit? Ayaw mo kay Dalisay?" tanong niya.

"Kung hindi rin lang ikaw, huwag na lang. Kaya nga susugal ako sa sampung dates na ito eh. Baka sakali lang, mabago ko ang isip mo. Sa akin mo naman ibaling ang pagtingin mo." 

Natigagal siya sa sinabi ni Ronnie. Ganoon ba siya kagusto nito? But why? Oh my gulay! Wikikik niyang makeribells ito. Hay!!!

Napalunok siya bago magsalita. "Wala akong masabi Ronnie."

"You don't have to say anything. Just give me a chance please."

"Ayokong paasahin ka." sabi niya.

Hinawakan nito ang kamay niyang hindi ginagamit sa pagkain gamit ang isa nitong kamay. "Don't you like me too?" tanong nito sa kanya. 

"I do." sagot niya.

"Iyon naman pala eh..."

"Pero bilang kaibigan lang." putol niya rito.

Natigilan ito. Binitiwan ang kamay niya at yumuko. Nakonsensiya naman siya pero kailangan niyang protektahan ang relasyon nila ni Orly. Bago pa lang ito. At ang mga katulad ni Ronnie ay isang malaking distraction lamang. As in capital D.

Nag-angat ito ng paningin at ngumiti ng mapait. "Okay. Sige." sabi nito kapagkuwan.

"Okay na friends na lang tayo?" tanong niya.

"Nope, I don't want to just your friend. I want you for myself Monty. Itaga mo iyan sa bato. Kapag natutunan mo akong mahalin, I will rock your world. Promise yan." sabi nito sabay kindat sa kanya. Nagbalik na rin ang ngiti nito sa labi at ang sigla nito.

"But I won't give up Orly, alam mo iyan." naguguluhang sabi niya.

"Of course I know that. Pero nangako ka na tutuparin mo iyon ten dates natin. So iyon ang gagamitin ko para..." pambibitin nito sa sinasabi.

"Para?" 

"para agawin kita sa kanya." pagtatapos nito.

"What?" napapantastikuhang sabi niya.

"Yup! You heard it right! Aagawin kita sa kanya." then he winked at him and smiled mischievously. 

As for Monty. His heart did a somersault three times over ng dahil sa kindat, ngiti at pahayag na iyon ni Ronnie.



CHAPTER 7 (The Show)



NAKASUOT si Monty ng makapal na shades pagpasok sa eskwelahan kinabukasan. Hindi kasi siya nakatulog ng maayos pagkatapos nilang maghiwalay ni Orly kagabi. Ang usapang sa bahay ng mga ito siya matutulog ay hindi natuloy dahil sa pag-aalala niya sa mga sinabi ni Ronnie. Actually, hindi siya nag-aalala. Nalilito ang buong sistema niya sa mga naging pahayag nito.

Pagkatapos nito ideklarang ‘aagawin’ siya nito kay Orly ay parang nanlaki ang ulo niya. Inihatid pa siya nito sa kanila bagama’t wala silang imikan sa daan.Ganoon ba siya kaganda para pagbalakan nitong agawin sa boyfriend niya? Sa totoo lang, hindi niya maisip ang intensiyon sa paglalahad na iyon ni Ronnie. Parang may mali. Sa pakiramdam kasi niya ay may mas malalim na dahilan ang pakikipaglapit nito sa kanya. Kung ano man iyon ay kailangang malaman niya.

Nasa malalim pa rin siyang pag-iisip ng may umakbay sa kanya na ikinapitlag niya. ‘Huh ! Ano ka ba naman Orly ! Ginulat mo ako.’’ Naiinis na sabi niya sa katipan.

Napahagikgik ito dahil sa reaksiyon niya. ‘Grabe ka naman Pet, kanina pa kita tinatawag pero dinededma mo ako. Sobrang lalim ba ng iniisip mo ?’’ nakangiting tanong nito.

‘Oo. Sobrang lalim. Hindi na ako makaahon.’’ Impit na sigaw ng isip niya. 

‘Wala naman. Hindi lang ako nakatulog ng maayos kagabi. Inatake ako ng insomia ko.’’ Pagdadahilan na lamang niya.

‘Bakit hindi ka nakatulog ? Siguro masyado mo na naman akong inisip no ?’’ panunukso ni Orly sa kanya.

Matipid siyang ngumiti. ‘You have no idea Orly.’’ Sasabihin sana niya.

‘Sino pa ba ang iisipin ko mahal ko ?’’ sa halip ay sabi niya.

‘Ang sweet naman non.’’ Sabay halik nito sa pisngi niya. Nanlambot ang tuhod niya sa gesture na iyon ni Orly. Kahit paano na-divert nito ang kanina’y magulong pag-iisip niya.

Marahan niyang tinampal palayo ang pisngi nito. ‘Mukha mo sweet ! Nambola ka pa.’’ Saka siya impit na napatawa.

‘Oy hindi ako bolero ha. Kahit itanong mo pa sa mga ka-team ko. Di ba team ?’’ sagot ni Orly na hinuli ang ipinangtampal niyang kamay pagkatapos ay hinalikan ang likuran ng palad niya.

‘Oo naman boss !’’ korong sagot ng mga ka-team mate nito. 

Noon niya lang napansin na nasa paligid lang pala ang mga ito. Kilig na kilig naman na siniko niya ito ng marahan.

‘Aray ! Nakakarami ka na Pet ha !’’ nagtatampo kunwaring sabi nito.

Ngumuso lang siya saka inirapan ito. Laking gulat niya ng bigla siya nitong kabigin at halikan ng marubdob sa harap ng mga estudyante. Nagpalakpakan ang mga miron at ang ilang nakatambay sa mga bench na naghihintay rin marahil sa pagsisimula ng klase.

It was a very hot kiss. Orly’s kissing him as if there’s no tomorrow or like they had only so much time left. There was too much passion. Too strong an edge to the way Orly’s lips crushed his. But he liked it. Monty surrendered wholeheartedly and wantonly. In fact, he didn’t mind that there are people watching them kiss. He even raised his hands to his nape. It seemed like an eternity when Orly stopped kissing him. Nanginginig pa ang tuhod niya sa pagkakatayo kaya kumapit siya ng husto sa batok nito.

Humihingal na nagsalita ito. ‘Anong sabi ko sa’yo about pouting your sweet lips?’’ his eyes teasing him.

Tinampal niya ang pisngi nito. ‘Salbahe ka !’’ natatawang wika niya. Narinig niya ang hagikgikan at ang makulit na palakpakan sa paligid. Mabuti na lang at kaunti pa lang ang estudyante sa campus. Maaga pa kasi. Kalahating-oras pa bago mag-alas siyete.

‘Ikaw ang salbahe. Nananakit ka kaya.’’ Tukso nito.

‘O sige na. Ako na.’’ Natatawang pagsuko niya. Kumalas siya rito at inayos ang bahagyang nagusot na polo.

‘Ayan tuloy.’’ Kunwaring paninisi niya rito.

‘Sorry pet. Sabi ko kasi sa’yo huwag kang ngunguso. Hindi tuloy ako nakapagpigil.’’ Nakangisi nitong sabi sabay akbay sa kanya. Naiiling na nagpatuloy na lang sila sa paglalakad sa pathway patungo sa department nila. Pagdating doon ay nakita nila na naghihintay si Jordan. 

‘Hello friend.’’ Bati niya rito sabay beso.

‘Kamusta ang love birds ?’’ sabi nito pagkatapos humalik sa kanya.

‘Okay lang.’’ Si Orly ang sumagot.

‘Ang aga-aga eh nilalanggam kayo. Nagpahatid ka pa talaga para lang ingitin ako no ?’’ nakasimangot kunwaring sabi ng kaibigan niya.

‘Hindi ah.’’ Painosente niyang tugon.

Tse ! Diyan ako nagtae !’’ pakwelang sagot ni Jordan.

Napuno ng halakhakan nilang tatlo ang hallway na iyon dahil sa sagot ni Jordan. Sinaway naman sila ng ilang estudyanteng busy sa pagre-review kunwari.
‘Ay sorry naman.’’ Di totoo sa loob na paumanhin ng kaibigan sa mga nasa paligid.

‘Ang gross naman kasi nun friend.’’ Nangingiwing sabi ni Monty.

‘Gross ka diyan.’’ Naka-irap na sabi nito pagkatapos ay tinampal sa dibdib si Orly. ‘Hoy !’’

‘Aray ! Magkaibigan talaga kayong dalawa .’’ natatawang sabi ng nobyo niya.

‘Of course, The Corrs. Parehas kaming maganda.’’ Sabi ni Jordan.

‘At parehong mabigat ang kamay.’’ Tukso ni Orly.

‘Ewan. Kayo bang dalawa eh nag-do na ?’’ eskandalosong tanong nito sa kanila.

‘Shuta ka !’’ nahihiyang saway ni Monty sa kaibigan. Natawa lang si Orly.

‘What? May mali ba sa tanong ko ?’’ pakunwaring inosente ni Jordan kahit pa punong-puno ng amusement ang mata.

‘Baliw ! Kailangan mo ba talagang itanong iyon ? Nakakahiya.’’ Pa-demure niyang sabi.

‘Virgin ‘teh? pang-aasar nito.

‘Huwag kang mag-alala D. Kapag nangyari iyon, malalaman mo rin.’’ Nakangising sagot ni Orly saka tumingin sa kanya na nagtaas-baba pa ang kilay.

Siniko niya ito ng mahina. ‘I didn’t know na kiss and tell ka pala Mr. Diamond.’’ Galit-galitan niyang sabi.

Gumibik ito ng bahagya at tumatawang tumugon. ‘Of course not Pet. I don’t do kiss and tell. Ang ibig kong sabihin ay mahahalata niya kasi iika-ika kang lalakad kinabukasan kapag may nangyari na sa atin.’’ Pabulong nitong sabi sa kanya.

Nanlaki ang mata ni Jordan sa pagkakarinig. Siya naman ay umawang ang bibig sa kilig at pagkahiya na rin. Eskandaloso namang tumili si Jordan. ‘Ay !!! Ako muna friend. Please !’’ sabay hawak sa braso ni Orly para hilahin ito sa kung saan. 

Maagap naman na hinablot niya ang buhok ng kaibigan kaya napaatras ito. Natatawang hinila rin ng nobyo ang sarili mula sa ‘ahas’ niyang kaibigan. ‘Shutanginamels ka ! Ahas !’’ natatawang sabi niya.

Hinaplos naman ni Jordan ang nasaktang buhok saka siya marahang hinampas ng bag nito. Natatawang umilag siya. ‘Aray ko ! Ito naman. Hihiramin ko lang. Siyempre, kumbaga sa pagkain dapat may food testing. Paano kung di pala masarap ?’’ naka-ingos na sabi nito sa kanila.

‘Oy masarap ako ah.’’ Depensa ni Orly.

‘I know dear. Kaya nga tetestingin ko nga muna sana yung ‘produkto’ mo para mabigyan ko ng tip si friend.’’ Ang sabi ng luka-luka.

‘Baliw ! There’s no need for that.’’ Naaaliw na sabi niya. 

‘Ang damot mo !’’ nagdaramdam na sabi ni Jordan.

‘Talaga. Pagdating sa lalaking mahal ko, madamot ako.’’ Aniya sabay yakap kay Orly.

Yumapos din ito sa kanya at hinalikan siya sa ulo.

Tse !!! Ang bababoy niyo. Parehas kayong lalaki no tapos nagmamahalan kayo.’’ Baliw-baliwan nitong sabi sa kanila.

‘Inggit ka lang.’’ Sagot ni Monty sa kaibigan.

‘Oo nga.’’ Sagot ni Jordan sabay tawa.

May sasabihin sana si Orly ng mag-ring ang bell na siyang hudyat na magsisimula na ang klase. Nagmamadaling humalik ito sa labi niya. Saka nagpaalam. ‘Kita tayo mamayang break.’’ Sabi nito sa kanya. Tango na lang ang naging sagot niya dahil nagmamadali na siyang hinila ni Jordan para pumasok sa classroom nila.



BABA muna tayo sa canteen. Hindi ako nakapag-agahan eh.’’ Yaya sa kanya ni Jordan. Hindi pa nila break. Wala lang ang instructor nila sa isang subject na pang alas-diyes kaya mahaba-haba ang break nila.

‘Sige. Pero doon na lang tayo sa Wendy’s. Treat kita. May ikukwento ako sa iyo eh.’’ Sagot niya sa kaibigan.

‘I know. Kanina ka pa tulaley sa klase. Buti na lang hindi ka nakita ng mga professors natin kung hindi, malamang na napahiya ka.’’ Sabi nito habang isinusukbit ang mga gamit at kinipkip ang mga librong dala.

‘Oo nga friend. Halika na.’’ Tumayo na siya at sumabay ng lakad dito.

‘What is it friend ?’’ tukoy ni Jordan sa problema niya.

Hindi na siya nag-alinlangan na sabihin dito ang gumugulo sa isip niya. ‘It’s Ronnie.’’

‘What about him ?’’

‘Nag-date kami kahapon.’’

‘Then?’’

‘He said something.’’

‘He said something… What?’’

‘Aagawin daw niya ako kay Orly.’’ Di makatinging sabi niya sa kaibigan.

Shit! Ikaw na. Diyosa ka pala eh!’’ 

‘Sira. Yun nga ang sinabi niya.’’ Frustrated na sabi niya.

Jordan rolled his eyes. ‘Ang simple lang ng problema mo eh. E di don’t entertain Ronnie. That is, kung hindi pa siya nakakapasok diyan sa puso mo.’’ Sabi nito.

Hindi siya agad naka-imik agad. Nakapasok na nga ba si Ronnie sa puso niya ? Wala siyang ideya. Basta ang alam niya lang ay nalilito siya.

Tinapik siya ni Jordan sa likuran. Napatingin siya rito. ‘Oh my god!’’ sabi nito sabay iling.

‘What ?’’ nalilitong tanong niya.

‘Nalilito ka lang friend.’’ 

‘Tell me something I don’t know Jordan.’’

‘Loka. I mean, nalilito ka kasi may dalawang lalaking nagpahayag sa iyo ng pagkagusto. It is something na hindi madalas mangyari sa ating mga diyosa. Now, the problem lies diyan mismo sa pagkalito mo. Napakasimple lang friend. Kung mahal mo talaga si Orly, hindi ka dapat nalilito ngayon. Ang dahilan kasi ng pagkalito mo ay parang ego-tripping na lang. Imagine, may boyfriend ka ng hunk may delicious ka pang admirer on the side. Sino bang hindi matutuwa non ? Pero dahil nga ayaw mong mawala sa’yo si Orly kaya ka nalilito ngayon. Kung papatulan mo ba ang mga sinabi ni Ronnie na hindi naman dapat kasi may boyfriend ka na ? Or paiiralin mo ang awa mo sa taong iyon kasabay ng pag-eenjoy na bukod sa main course, isinabay mo ng kainin ang side dish.’’ Mahabang paliwanang ng kaibigan. 

He thought so. Para ngang natuwa siya na bukod kay Orly ay meron pang Ronnie na nagkakagusto sa kanya. Para tuloy naging bloated ang ego niya sa pangyayari. Kasabay ng pamomroblema niya kung paanong hindi malalaman ng nobyo ang tungkol kay Ronnie. Maganda talaga na nai-share niya sa kaibigan ang gumugulo sa isip niya. Ngayon, medyo malinaw na ang dapat niyang gawin. Iiwasan na lamang niya si Ronnie.

Hinawakan niya sa braso ang kaibigan. Napatigil ito sa paglalakad at tumingin sa kanya ng may pagtataka. ‘Salamat friend.’’ Nakangiting sabi niya.

‘Your welcome loka. Akala ko kung ano na.’’ Naiiling ngunit nakangiting sabi nito. Nagpatuloy sila sa paglalakad.

‘Hay. Half-problem solved na ako.’’ Deklara niya sabay pakawala ng malakas na hininga.

‘O bakit half lang?’’ nakataas-kilay na sabi nito sa kanya.

‘Kasi I still need to talk to Ronnie na hindi na namin itutuloy yung ten dates na sinasabi niya. Kesohoda pang sabihan niya akong walang isang-salita. Kiber ko sa kanya.’’ Pahayag niya.

‘Koyek!’’ ayon ni Jordan sa sinabi niya.

‘Pero alam mo ba friend. Sayang si Ronnie.’’ Sambit ni Jordan kapagkuwan.

‘Loka. Ginugulo mo na naman ang isip ko niyan eh.’’ Natatawang tinampal niya ang ulo nito.

‘Loka ka rin. Hindi naman para sa’yo eh. Para sa akin.’’ Anito saka humalakhak.

‘Sorry girl. I tried to tell him na irereto ko siya sa iyo, pero wiz daw niyang bet ang beauty mo. Atashi lang daw ang beth-tamayo niya.’’ Pang-aasar niya rito.

‘Ikaw na diyosa.’’ Mataray na sabi nito.

‘Salamat.’’ Ganti niya rito.

‘Oy teka. Si Orly yun di ba?’’ sabi nito sabay turo sa isang lalaking papalabas din ng gate ng campus.

‘Anong ginagawa niya dito sa labas ? May klase sila ah.’’ Takang tanong niya.

‘Aba malay ko ? Bakit ako tinatanong mo ?’’ pamimilosopo ni Jordan sa kanya.

‘Baliw. Ang ibig kong sabihin eh hindi siya dapat nandito kasi may klase siya. Dala pa niya ang gamit niya oh.’’ Tukoy niya sa nobyong nagmamadali sa paglalakad.

‘Sundan natin.’’ Yaya niya sa kaibigan.

‘Teka. Pero kakain pa tayo.’’ Reklamo nito.

‘Mamaya na yun. Alamin lang natin kung saan patungo si Orly. Iba kasi ang kutob ko eh.’’ Sabi niya saka ito hinila. Wala ng nagawang sumunod ito sa kanya.


‘SHHH… Huwag kang maingay bakla.’’ Saway niya sa kaibigan.

‘Ikaw na lalaki.’’ Mahinang anas nito.

‘Loka. Magtago ka.’’

‘Oo na.’’ Asar na sabi nito.

Nakarating sila sa may bakanteng bahay na nakatirik sa isang malaking lote sa likuran ng campus. Ang alam niya, tambayan iyon ng fraternity. Agad ang pagbangon ng pagdududa sa kung ano ang pakay ni Orly doon. Sumali ba ito sa fraternity ng hindi niya alam? Maaaring kailangan nito ang makukuhang benepisyo sa pagsali sa frat pero maaari rin itong masaktan sa gagawin nitong pagsali.

Lumapit sila ng kaunti sa may bintana. Sumilip sila ni ng kaunti. Nakita niya ang nobyo na ibinababa ang gamit saka nakipag-kamay sa kakaibang paraan sa mga nasa loob. Medyo nakatalikod sa kanila ang mga ito kaya kumbinyente ang pwesto na iyon para sa kanila ni Jordan.

Matapos ang pakikipagkamay sa isa’t-isa ay nagsalita ang isang lalaking nasa harapan. Kilala niya iyon bilang leader ng frat sa SBU. Fourth-year engineering student ito. Pumalakpak na kinuha nito ang atensiyon ng lahat.

‘Gusto kong ipaalam na ang final initiation rights natin ay bukas na. I’ve given you two weeks para ayusin ang first task ninyo bilang mga bagong sali. Ngayon, kukumustahin ko ang progress ninyo para malaman kung sino ang kasali sa big night.’’ Mahabang turan nito. 

Isa-isa ang ginawang pagtatanong. Kinakabahan naman si Monty mula sa pwesto. May pakiramdam siyang hindi maganda ang maririnig niya ngunit ipinagpatuloy pa rin ang pakikinig. Napahigpit ang kapit niya sa balikat ni Jordan ng dumating ang turn ni Orly para sumagot.

‘Ikaw Orly. Anong task ang ibinigay sa’yo ?’’ tanong ng lider.

‘Ahm… Bungguin ang unang taong tatawid sa field habang may practice ang football team. Pagkatapos ay gagawan ng paraan na mapalapit dito in a very sweet manner.’’ Diretsong sabi nito.

Napasinghap siya sa narinig. Naramdaman niya ang pagkabig sa kanya ni Jordan.

‘Halika na friend. Huwag ka ng makinig.’’ Naaawang anas nito sa kanya.

He felt numb. Like he was hit by a bullet train. Ganoon pala iyon? Sinadya akong banggain ni Orly dahil sa task niya iyon sa pagsali sa frat. Pero bakit kailangan siya nitong syotain? 

‘At sino naman ang nabangga mo ?’’ tanong ng lider kay Orly.

‘The campus sweetheart Monty Labrador.’’ Tugon ng nobyo.

‘Ah… Kaya pala may kumakalat na balitang kayo na ng campus sweetheart na si Monty. Well, anong progress ?’’ anang leader ng frat.

‘Well, it’s our sixth day today.’’ Sagot ulit ni Orly.

‘Are you enjoying it ?’’ malisyosong tanong ng pinuno ng frat.

‘You can put it that way.’’ Maikling sagot ng katipan.

Para siyang tinamaan ng bala ng kanyon. O sinaksak ng ilang libong punyal sa narinig. So lahat ng nangyayari sa kanila ni Orly is just for a show. Kaya pala parang napakabilis ng lahat. Tama lang pala ang pag-aalinlangan niya sa simula pa lang. Napakawalang-hiya nito.

‘Halika na friend.’’ Anas ng kaibigan niya.

‘O-oo.’’ Sang-ayon niya saka sila mabilis na tumalilis sa lugar na iyon.

‘Huwag ka ng umiyak. Walang kwenta ang Orly na iyon.’’ Matigas na sabi ni Jordan.

‘Sinong umiiyak ?’’ takang tanong niya.

‘Ako. Ako. Ako ang umiiyak.’’ Naiinis na sabi nito.

Kinapa niya ang pisngi. Basa nga iyon ng luha. Hindi niya namalayan na kanina pa pala siya umiiyak. Sa pagka-alala ng panloloko ni Orly ay napahagulgol na naman siya. Ang lahat ng sama ng loob na natipon sa pagkarinig ng mga pahayag nito kanina ay muling nagbalik.

‘Ang sama niya friend.’’ Humahagulgol na yumakap siya sa kaibigan.

‘Alam ko. Sige lang. Umiyak ka lang. Iiyak mo ng lahat ngayon. Para pagkatapos nito hindi ka ulit luluha pa. Ubusin mo na lahat ngayon.’’ Garalgal ang boses na sabi sa kanya ni Jordan.

‘I don’t deserve this friend. I don’t deserve this.’’ Umiiyak pa rin na sabi niya.

‘No one does, sweetie.’’ Pagsang-ayon nito. Hinagod ni Jordan ang likod niya. Somehow, it felt good na may napagbubuhusan siya ng sama ng loob.

Inilayo nito ang katawan sa kanya then cupped his face. ‘Cry sweetie, if you must. I know you’re aching. So iluha mo lang lahat. Pagkatapos noon, mararamdaman mong medyo magaan na sa pakiramdam. Let’s skip class for today. Umuwi na tayo. Ihahatid na kita.’’ Umiiyak na sabi nito saka siya niyakap ulit. 

After what it seemed like an eternity of crying. Mabilis na pumara si Jordan ng taxi na nagdaan sa tabi nila. Sumakay sila doon at mabilis na nagpahatid sa bahay nila. Habang lulan ng taxi ay nakapagisip-isip siya. Two can play this game. Ipaparamdam niya kay Orlya ng feeling ng nasasaktan. Ng napapahiya. Hindi lang ito ang aktor. Siya rin. Sinabi niya kay Jordan ang napag-isipan at tumatangong sumang-ayon ito.




 Chapter 8 (Painful One)


“KAYA MO ‘YAN MONTY !” 

Paulit-ulit na sabi ni Monty sa sarili. Actually, kagabi pa siya nagiisip ng maaari niyang gawin para makaganti sa ginawa sa kanyang panloloko ni Orly. Hindi pa rin matanggap ng damdamin niyang nagmamahal dito na nagawa nitong paikutin ang ulo niya at gawing katawa-tawa sa mga ka-frat member nito. Duda niya kung ang mga ito lang ang nakaka-alam ng totoong dahilan sa likod ng pakikipaglapit sa kanya ni Orly. Baka nga pati mga ka-team nito sa football eh lihim rin siyang pinagtatawanan dahil sa pagkahaling niya rito. Pwes ! Gaganti siya. Kung paano ? Hindi pa niya alam.

Ipakain kaya niya ito sa shark ?

Masyadong di makatotohanan.

Pabanatan kaya niya ito sa mga pinsan niyang pulis ? 

Naku, baka magalit pa ang mga taga-crame sa kanya.

Yayain kaya niya ito ng sex tapos pipiringan niya at igagapos sa kama saka niya ipapagamit sa mga barkadang bakla ?

Not a very good idea. Saka baka mapatay siya ni Orly pagkatapos.

Paano kaya ? 

Isumpa niya kaya ito ?

Weh ? Ano ka ? Sanggre ?

Bakit hindi? There’s nothing worst than the wrath of a woman scorned. 

WOMAN nga teh ! Nabobo ka na ? epal na naman ng isip niya. Bakit ba lagi na lang itong epal sa kanya kahit noon pa ? Parte ba talaga ito ng katawan niya o isang malaking excuse lang ito sa buong pagkatao niya at ibang entity talaga ito.

Hay ! Tama na nga ang joke Monty. Isa lang ang naguumukilkil na dahilan sa isip niya kung bakit wala siya o hindi siya makabuo ng kongkretong plano para gumanti sa kawalanghiyaan ni Orly.

Sa kaibuturan kasi ng puso niya ay hindi niya magagawang saktan o gantihan ng kasamaan ang lalaking nagpapatibok ng puso niya ngayon. Duda siya sa sarili niya. Duda siya sa tapang niya. Kaya nga kahit panay ang tawag ni Orly sa kanya kagabi ay hindi niya ito masagot. Natatakot siyang traydurin siya ng kanyang pusong umiibig at nagtatangi pa rin dito sa kabila ng lahat.

Isang malaking shades ang suot niya kahit makulimlim. Ilang kaeskwela na nila ang bumati sa kanya na iniignora lang niya. Wala siya sa mood makipaghuntahan at baka makapaninghal pa siya ng wala sa oras. Masyadong down ang sistema niya. Kumbaga sa internet connection, limited or no connectivity ang signal niya.

Patuloy lang siyang parang zombieng naglalakad. Hinahayaan niyang dalhin siya ng paa sa kung saan siya pwdeng dalhin nito. Automatic naman na ang tinatahak ng paa niya ay sa kanilang department.

“Monty !” anang isang tinig na pinagsusumikapan niyang iwasan mula pa kagabi.

Dedma lang siya kahit pa biglang nanginig ang kalamnan niya. Halu-halo ang emosyong biglang umusbong sa kanyang dibdib. Takot, galit, kaba, pangungulila at marami pang iba. Palapit ng palapit ang tinig habang siya naman ay diretso lang sa tila sundalong paglalakad. Malalaki ang hakbang at tuwid na tuwid ang katawan niya sa paglakad.

“Monty ! Pet ! Wait up !” nagmamadaling sabi ng tinig. Ikinabigla niya ng maramdaman ang kamay nito sa kanyang balikat. Napahinto siya. O mas tamang talagang huminto siya sa paggalaw. Pati ang kanyang paghinga ay nahigit niya. Nakatingin lang siya rito. At ang mga mata niyang akala niya’y wala ng iiiyak pa ay muling pinagbukalan ng luha.

“God ! Monty. Bakit di mo ako… teka, umiiyak ka ba ?” nag-aalalang tanong ni Orly sa kanya sa halip na magalit sa pangdededma niya. Pilit nitong tinanggal ang shades na suot niya kaya tumambad dito ang namumugto niyang mata.

“Pet ? What’s wrong ? Why are you crying ?” sincere na tanong nito. Ikinulong pa nito ang mukha niya sa dalawang palad nito. Dahilan para lalo nitong mabistahan ang kanyang hapis na hitsura.

Dahil sa’yo ! sasabihin sana niya pero di niya kaya.

Tinangka niyang bumaling ng tingin sa ibang direksiyon but Orly wouldn’t let him. Nag-isang linya ang kilay nito. Seryoso ang gwapong mukha.

“Why are you crying Pet ?” matigas na ang tinig nito. Nagbabadya ng panganib.

“I’m okay, Orly.” Aniya sa pilit na pinatatag na tinig.

“You’re not okay. Damn it, Pet, tell me what’s wrong ?” naiinis na sabi nito.

“It’s personal. Besides, there’s nothing you can do to help me.” Because you’re my goddamn problem, you good-for-nothing-son-of-a-bitch ! Idudugtong niya sana sa sinabi.

“Too personal you can’t tell even you’re boyfriend ? sarcastic na sabi nito.

“I don’t have to tell you everything Orly. Kahit pa boyfriend kita.” Malamig niyang tugon saka inagaw ang shades niya dito at muling isinuot. 

Napatda ito sa itinugon niya at agad na bumalatay ang sakit sa maamong mukha. Kulang pa iyan hunghang ! Ngali-ngaling isigaw niya rito.

Nagpasya siyang magpatuloy sa paglalakad.

Nakaka-dalawang hakbang na siya ng pigilan siya nito sa braso at muling iniharap dito. Nalilito ang tumambad sa kanyang hitsura nito. Bakas din ang pag-aalala sa mga mata nito at ang bahagyang iritasyon.

“Tama ba ang narinig ko ?” tanong nito.

“Alin doon ?” ang patamad naman niyang tugon.

“You know damn well kung anong tinutukoy ko Monty.” Naiirita ng sabi ni Orly.

“Hindi ko ugaling manghula Orly kaya sana diretsahin mo ako. Ano bang tinutukoy mo ?” naiinip niyang tugon dito.

Kung tutuusin ay madali lang para sa kanya ang layasan ito ng mga oras na iyon. Pero dahil alam niyang madali itong mainis kapag hindi nagugustuhan ang naririnig ay hinayaan niyang tumagal ang paguusap na iyon. Kahit man lang sa pangiinis dito ay makaganti na muna siya ng kaunti.

“Geez ! What’s with you Pet ? You’re not making… ? 

“Making what ? I’m not making what ? Any sense ?” sansala niya sa dapat na sasabihin nito. “Ikaw ang hindi makaintindi o maka-gets sa sitwasyon ko. Anong parte ng hindi ka makakatulong sa akin ang hindi malinaw sa iyo ? O gusto mong inglesin ko pa ? YOU CAN NOT HELP ME ! There ! I hope you got the message Orly.” Gigil na gigil na sabi niya. Bahagyang lumabo ang paningin niya sa loob ng shades. Hindi niya namalayan na umiiyak na pala siya at napupuno na ang loob ng kanyang salamin. Naiinis na hinubad niya iyon at pinunasan saka nagmamadaling tumalikod para lumayo kay Orly.

Sa awa ng diyos ay hindi na siya sinundan ng nobyo. Paglingon niya ay tulala itong nakatingin sa espasyong kinatatayuan niya kanina. Tigagal at pagkamangha sa katatapos lang na eksena ang malinaw na nakarehistro sa magagandang mata nito. Mas dumoble ang sakit na naramdaman niya. Parang dinakot ng kung sino ang puso niya at piniga iyon saka inapakan. Nararamdaman niya ang pagbabago ng isip at ang piping bulong ng damdamin na la^pitan ito at sabihing okay lang ang lahat. Pero bago pa siya makahakbang palapit dito ay may isang pares na kamay ang humila sa kanya.

“Hayaan mo na muna siya. Serves him right.”

“J-jordan ?” 

“Huwag kang lalapit sa kanya. Kapag lumapit ka babalian kita ng tadyang.” Naiinis na banta nito sa kanya. Marahil ay naramdaman rin nito ang pagbabago ng isip niya.

“But…”

“Tara na. May mas maganda pang bagay na dapat ayusin kaysa ang kaawaan ang taong nanakit sa’yo.” Sabi nito sabay hila sa kamay niya paakyat sa room nila.

Nilingon niya ulit si Orly na tulala pa ring nakatayo sa pinag-iwanan niya rito. Walang pakialam sa curious na tingin ng mga nagdadaang estudyante. 

“Bilisan mo.” Jordan commanded. Walang magawang sumunod siya dito.



“I CAN’T BELIEVE I’M HEARING THIS !”

Galit na galit na sabi ni Jordan sa kanya pagkatapos niyang aminin na binalak niyang balikan at makipag-ayos kay Orly. Nagtatatalak itong hinila siya papunta sa CR ng department nila. Maaga pa para sa first class nila kaya may oras pa ito para sabunin siya ng husto.

“Hindi ko kayang magalit sa kanya, friend.” 

“Ay ! At talaga namang inulit mo pa.” Jordan friend rolled his eyes in frustration.

“Anong magagawa ko ? Eh love ko siya.” Sabi pa niya.

“Ay tanga !” panglilibak pa nito sa kanya.

“Nakakarami ka na ha.” Naiinis na sita niya rito.

Tinapunan siya nito ng matalim na tingin. “Uulitin ko pa. Tanga ! Tanga ! Tanga ! Tanga ! Tanga ! T-A-N-G-A ! Tanga !” sigaw nito sa kanya.

PAK !

Nagitla ang hitsura nito pagkatapos ng matunog na sampal na iyon. Naikuyom niya rin ang palad sa pagkabigla. Hindi niya sinasadyang masampal si Jordan pero nakakarami na ito ng pangiinsulto sa kanya.

“S-sorry.”

Sinapo nito ang nasaktang pisngi saka blangkong tumingin sa kanya. Isang napakalamig na titig na nagpanginig sa kanyang kalamnan. Hindi siya kailanman tiningnan ng ganoon ng kaibigan.

“Sorry. Hindi ko sinasadya. Ikaw naman kasi…” 

“You should be. And I hope you have other friends aside from me. Because from now on, you’re going to need one.” Malamig na tugon nito sa kanya.

“J-jordan.” Naiiyak na sabi ni Monty.

Kinuha nito ang inilapag na gamit kanina saka siya nilagpasan. Sinubukan niya itong pigilan ng hawakan niya ito sa braso pero isang malutong na sampal ang iginawad nito sa kanya. Nasapo niya ang nasaktang pisngi.

“Hindi libre ang sampal sa akin.”

Umiiyak na napadausdos siya paupo. Hindi alintana kung basa man ang sahig ng CR. Napakamalas naman ng araw niyang iyon. Pati ba naman ang kaibigan niya mawawala pa sa kanya? Hindi naman niya sinasadya na masaktan ito. Ramdam naman niya ang concern nito para sa kanya. Ayaw lang iyon tanggapin ng kanyang puso.

Sa mga nangyayari, napaisip siya ng husto. Kakayanin niya bang mawala ang lahat sa kanya kapalit ng pagmamahal ni Orly? Kaya ba niyang sugalan ang kaunting pag-asang totoo ang nararamdaman sa kanya ng nobyo kahit pa planado ang pagtatagpo ng landas nila? Anong katiyakan ang mapanghahawakan niya? Pinahid niya ang luha at tumayo saka mabilis na inayos ang sarili.

Hindi na muna siya papasok ulit. Hahanapin niya si Orly at magso-sorry dito. Susubukan niya. At least, kung sakali mang hindi nito tanggapin ay sumubok siya. Hindi na rin niya sasabihin ditong alam na niya ang naganap na ‘pagsubok’ dito ng fraternity. Makakagulo lang iyon. Lahat naman dumadaan sa ganoon kapag sumasali sa mga ganoong grupo. Nagkataon lang na siya ang napadaan sa field. Dapat niyang ituring na blessing in disguise iyon. Nang dahil kasi sa ‘pagsubok’ na iyon ay naging sila ng tanging lalaking pinangarap niya. 

Nagmamadali ang kilos niya. Kailangan niyang mahanap si Orly. Kailangan niyang ipaglaban ang kung anong meron sa kanila. Kahit pa nagsimula iyon sa pagpapanggap. Naniniwala siyang maaayos din nila ang lahat. Martir na kung martir. Nagmamahal lang siya. At hindi iyon pagpapakatanga. Ipinaglalaban lang niya ang pag-ibig niya. Nang maayos na ang hitsura niya ay mabilis niyang tinungo ang Architecture department.



“NASAAN SIYA?” 

Pang-apat na iyon na kaklase ni Orly na napagtanungan niya pero hindi pa rin maituro sa kanya kung nasaan ito.

“I-try mo sa field. Baka nandoon siya.” Sagot nito sa kanya.

“Sige. Salamat.” At nagmamadaling tinungo niya ang field. Nakarating na siya doon kanina pero hindi niya nilibot ang buong lugar. Nakahiyaan din niyang tunguhin ang locker room ng mga ito. 

Inikot niya ang paningin sa napakalawak na lupain ng matanaw niya ang isang lugar doon na naging parte din ng kanilang tagpuan ni Orly. Oo nga! Bakit hindi ko naisip iyon? Naiinis na sabi niya sa sarili.

Kailangan niyang tawirin ang field dahil nasa kabilang dulo iyon. Binilisan niya ang pagtakbo dahil nararamdaman na niya ang mabining pagpatak ng ulan sa kanyang pisngi. Habang palapit sa lugar na iyon ay lalong lumalakas ang kabog ng kanyang dibdib. Umaasang madaratnan doon ang hinahanap.

And there he was. 

Sitting on that very bench na naging saksi ng ilang lambingan at kulitan nila. He seemed oblivious to the rain that was slowly pouring. Nakatitig lamang ito sa damuhan.

“O-orly…”

Napatingin ito sa kanya. Namamasa ang mata. Puno ng sakit. Puno ng kalituhan. Walang ipinagkaiba sa batang iniwan ng magulang.

“I’m sorry…” Monty threw himself to Orly’s waiting arms. 

And he felt home. He reached for his nape and gave him a longing kiss. Nang dahil sa paglalapat na iyon ng kanilang labi, lahat ng masamang pangyayari sa buhay niya nitong nakalipas na araw ay naitapon ng lahat sa hangin. For he was now with the man he dearly loved. 





Chapter 9 (The Lowest of Low)


"Orly?" 

Ang nalilitong tanong ni Monty sa nobyo ng maramdaman niya ang hindi nito pagtugon. Akala niya guni-guni niya lang ang kawalan nito ng reaksiyon pero totoo pala. Hindi nga ito tumutugon sa paghalik niya. Sa halip isang nakakunot-noong Orly ang nakatingin sa kanya. Napapahiyang kumalas siya rito.

"Orly? What's wrong?"

Nagbago ang ekspresyon ng mukha nito mula sa pagkakakunot sa pagiging blangko. Hindi niya maiwasang mangamba sa nakita. Lumapit siya rito.

"Orly? I said I'm sorry. Please, huwag ka ng magalit."

Parang piniga ang puso niya ng tinalikuran lang siya nito at hindi pinansin. Nag-aalalang sinundan niya si Orly ng maupo ito sa bench na naging piping saksi rin ng kanilang pagmamahalan.

"Why did you come here Monty?" kapgakuwan ay tugon nito.

Di siya makaapuhap ng sasabihin. Parang may mali. Bakit parang ayaw siya nitong makita? Hindi ba kanina lang eh gustong-gusto nito na makausap siya?

Asaness teh? Ipinagtabuyan mo lang naman siya kanina. Need I remind you that? Sabi ng malditang bahagi ng isip niya.

"I wanted to talk to you Orly. And to say sorry as well. I guess I got up at the wrong side of my bed." aniya ng mabawi ang boses.

"And you expect me to believe that? Kailangan talaga ipahiya ako when you could've just tell me what's wrong? Sinabi mo pa na hindi kita kayang tulungan sa problema mo. What the hell is the matter with you?!" tuluyan ng humulagpos ang galit na pinipigilan nito.

"I-i'm sorry. I didn't mean to embarrass you Orly. Its just that..."

"Its just that ano? You were a little bit out of sorts? That you woke up at the wrong side of your bed? That's bullshit Monty! That is bullshit!" gali na putol nito sa kanya.

Maang na tinitigan niya si Orly. He was almost sure his boyfriend was palpitating. Nag-iigtingan ang ugat nito sa sentido at leeg. Pulang-pula rina ng mukha nito sa galit.

Bakit siya nagagalit? Eh siya nga ang dahilan kaya rin siya napahiya kanina. Tanong iyon mula sa bahagi ng isip niya na kamag-anak yata ni Rubi.

Tell him the real reason of your outburst Orly. Hindi iyong siya pa ang nagagalit sa iyo ngayon. Sabi pa ni Rubi, este ng isip niya.

It's now or never. Dagdag pa nito.

Pumikit siya at huminga ng malalim. Taking all the time in the world before he explain to Orly his side.

Pagdilat niya ay alanganin niya itong nginitian. Nagtataka namang tumitig ito sa kanya.

"Alam ko na Orly." sabi niya.

"What?"

"Alam ko na ang totoong dahilan sa pagkakakilala natin Orly. Yuna ng dahilan kung bakit ako ganoon sa'yo kanina." ngumiti siya ng mapakla.

Bigla ang pagbabago ng reaksiyon nito. From a bit confused but raging cow, ay nagkulay suka ang mukha nito. Parang natuklaw ng ahas sa pagkakatayo.

Inabot niya ang mukha nito at marahan iyong hinaplos. Waring sa pamamagitan nun ay makakabisado niya ang features nito. From his har jaw, to the contour of his cheekbones and his luscious lips. Pinagala niya ang kamay at mata sa gwapong mukha nito. Natigilan lang siya ng abutin nito ang kamay niya at tabigin iyon.

"Paano mong nalaman?" naniningkit ang matang sabi nito.

"Hindi na mahalaga iyon Orly. Kung utos man iyon ng master ninyo sa frat o ng kung sino mang herodes sa campus na ito, ang mahalaga eh yung nararamdaman natin. Hindi ba?"

"How can you be so sure na totoo lahat ng ipinakita ko at sinabi sa iyo?" Orly retaliated mockingly. 

Itinago niya sa ngiti ang sakit na naramdaman sa sinabing iyon ng katipan. "I can feel it. Alam kong totoo ang lahat ng iyon. Nadarama ko." sambit niyang puno ng pag-asa.

"Hindi totoo ang lahat ng iyon Monty. Huwag mo ng paasahin pa ang sarili mo."

Hindi pa rin siya nawalan ng loob. "Please don't say that. Alam kong galit ka lang kaya mo nasasabi ang lahat ng iyan."

"Makulit ka rin eh no? Ano bang hindi mo maintindihan sa sinasabi ko, ha Monty?"

"I want to give us a chance. Alam kong mali ang naging pundasyon ng pagkakakilala natin but we can work this out." pagsusumamo pa niya.

"There is no "us" Monty." Orly quoted. 

"Meron. Kahit anong gawing tanggi mo, alam kong natutunan mo na rin akong gustuhin Orly. Feel it, ikaw lang ang itinitibok niyan." kinuha niya ang kamay nito at ipinatong sa dibdib niya.

Bahagyang nagbago ang ekspresyon nito. Nakasilip siya ng bahagyang pag-asa.

"At ano ang gusto mong mangyari? Maging tayo for real? Hindi pwede iyon Monty. That was just a task para makapasok ako sa frat. And besides you are really not my type." Orly taunted.

Napapikit siya sa masasakit na salita. Kaya ko pa! "Kung ang intention mo ay pasakitan ako Orly at gantihan sa nagawa ko kanina sa'yo. But please, let's work things out. Alam ko, may nararamdaman ka rin sa akin kahit paano." aniyang pinipigilan ang pagbagsak ng luha na kanina pa namimintana sa kanyang mata.

"Hindi mo alam ang sinasabi mo Monty." 

"Sigurado ako sa mga sinasabi ko Orly. Please, tell me that you'll stick with me. Okay lang kahit magsimula ulit tayo." sabi niya ng tuluyan ng bumagsak ang kanyang luha.

"Don't cry Pet." masuyo nitong hinaplos ang pisngi niyang dinaanan ng luha.

Hinawakan niya ang kamay nito na nasa pisngi pa niya. "I don't mind crying kung ikaw rin lang naman ang rason Orly. I love you so much." 

"Lalo mo lang pinahihirap ang sitwasyon Pet. I can't love you back. Babae ang gusto ko talaga. All that there was to our so-called relationship was lie. Nothing but lies."

"Hindi totoo yan Orly." umiiyak na yumakap siya dito. "Sabihin mong nagsisinungaling ka lang at ako pa rin ang mahal mo. Please!"

Bumuntong-hininga ito. Saka pilit na inaalis ang kamay niyang nakapalupot sa katawan nito. 

"Listen Monty. Please stop this. Huwag mo ng saktan ang sarili mo ng husto. Lalo lang nagiging mahirap para sa atin ito." sabi ni Orly ng matagumpay na nailayo siya nito.

"It won't be hard if only you'll take me back. I need you Orly. I love you. Huwag mong gawin sa akin ito." umiiyak pa rin niyang sabi.

"Maawa ka nga sa sarili mo Monty. Hindi na tama ang ginagawa mo. Huwag kang magpakatanga. Hindi bagay sa'yo. Dapat nga nagagalit ka pa sa akin ngayon" napipikon na namang sabi nito.

Monty stood still. Basa ang mukha ng luha na tinitigan ng taimtim si Orly. Pilit niyang ipinararating ang kanyang damdamin para dito sa pamamagitan ng tingin.

"I-i can't l-let you go that easy Orly." he said in between sobs.

"Monty..." frustrated na sabi nito.

"I can't be mad at you too. Pero... do you want to hear the truth Orly?" aniya na pumiyok pa ang boses. Akala niya kumalma na siya ng kaunti. Hindi pa pala. Nagbabadya ang pagbuhos ng mas marami pang luha.

Tumingin lang si Orly sa kanya.

"Totoo. Nagalit ako. Pero mas mahal kita kaya balewala lang sa akin ang mga nalaman ko Orly. Sobrang mahal kita. At hindi ko kayang bumitaw sa'yo ng ganun-ganun lang. Hindi kita mabibitawan basta Orly. Dapat alam mo iyan." Umaagos ang luha niyang sabi.

"Let go Monty. Walang idudulot na maganda atin ito." 

Umiling siya. "Mas madaling maging ***** kaysa mabuhay ng wala ka Orly. Mas madaling mabuhay sa kasinungalingan kaysa harapin ang katotohanan na wala ka na. Please. Kahit di mo ako mahalin. Just let me love you. Please, let me love you Orly." madamdamin niyang sabi. Nauupos na napaluhod siya sa lupa.

"Anong ginagawa mo Monty? Tumayo ka diyan." galit na sabi nito sa kanya.

"No! Hindi ako tatayo dito hangga't di mo ako tinatanggap ulit." that was his last resort. Pagkatapos nun, kung di pa rin siya tatangapin nito ay aalis na siya.

Pilit siya nitong itinayo at niyugyog ang kanyang balikat pagkatapos nun. "What is wrong with you? Bakit mo ako pinahihirapan ng ganito Monty? Ganito ba ang klase ng pagmamahal na meron ka?"

Hinaplos niya ang mukha nito. "Kaya kong gawin ang lahat para sa'yo Orly. Sukdulang maging ***** ako, Gagawin ko."

"Fine! But don't expect me to be the same Monty. And I'll give you until the end of this semester. After that, we're through!" saka siya binitiwan nito at tumalikod.

Natigilan siya. "I'll give you until the end of this semester. After that, we're through!" Umaalingawngaw sa isip niya ang huling sinabi nito.

Natutuwang hinabol niya ito at niyakap mula sa likuran. "Oh God! Thank you Orly!" lumuluha sa kasiyahan na sabi niya.

"Whatever." sabi nito at kinalas ang braso niya saka nagpatuloy sa paglalakad. Napaupo siya sa damuhan. Tinangap siya ulit ni Orly. Hay!!!

Matuwa ba kahit may time limit ang pagbabalikan niyo? atake na naman ni Rubi.

Okay lang yun. For now. At least, sila pa rin ni Orly. Gagawin niya ang lahat para lang tuluyan nitong ibaling ang pagmamahal sa kanya. Hindi siya mawawalan ng pag-asa kahit anong mangyari. 


"Can I claim my second date?" 

Napaigtad sa pagkagulat si Monty ng marinig ang tinig na iyon ni Ronnie. Pero kaagad siyang nag-iwas ng mata dahil na rin sa pngingitim ng paligid nito.

Napasinghap siya ng hawakan ni Ronnie ang mukha niya at pilit na iniharap iyon dito. Muntikan na siyang makapag-ingay ng wala sa oras. Nasa library pa naman sila.

"Bakit namumugto at nangingitim iyang paligid ng mata mo? Have you been crying?" Ronnie asked.

Iniwas niya ang mukha at isinuot ang shades na kanina pa niya kinakapa sa bag. "No. Nagka-allergy lang ako." paiwas rin niyang tugon.

"Hindi iyan ang hitsura ng nagka-allergy sa mata. Sigurado akong dahil iyan sa pag-iyak mo." he said knowingly.

Ibinuhos niya ang atensiyon sa librong hawak at hindi na ito pinansin. Kahit pa naupo ito sa katabi niyang silya ay dedma siya.

"I heard na nag-away kayo ni Orly. Totoo ba?" tanong nito.

Di pa rin siya sumagot kahit pa nainis siya sa kaalamang may nakapag-tsismis na agad dito ng mga pangyayari.

"Monty..."

Inilapit pa niya ng husto ang libro sa mukha. Hoping that with that gesture, Ronnie will leave him at peace. At least for a while.

"Look. I'm just trying to start a conversation Monty. Please?" nangungusap pa ang matang tumingin ito sa kanya. As if kaya nitong makita ang mata niya sa likod ng makapal niyang shades.

Nagpakawala siya ng hininga. "I don't want to talk Ronnie. Please, not now." mahina niyang sabi.

"Okay. But let me know kung gusto mong pag-usapan ang problema mo. Hindi lang ako ka-date mo, pwede ka ring mag-confide sa akin." nakangiti nitong sabi.

Monty's heart almost leaped out of his ribcage when Ronnie flashed his killer smile. Hindi niya maintindihan kung bakit ganoon ang nararamdaman niya dito samantalang di naman niya mahal ito. 

"Kinikilig ka no?" nanunuksong sabi nito.

Namumulang umingos siya dito. Inilagay niya ulit ang libro sa harap niya at nagkunwaring nagbabasa. 

"Okay. Maganda pala makipag-date sa loob ng library no?" nangilabot siya ng maramdaman ang hininga nito sa gilid ng kanyang tainga. Sa sobrang concentration niya sa pag-iwas dito ay di niya namalayan ang ginawa nito.

"R-ronnie... Anong ginagawa mo?" tarantang tugon niya.

"Nakikipagdate sa'yo." He said grinning.

Susme! Nakakaloka ang hudyong ito. Please! Ilayo niyo po ako sa tukso. Natatarantang sigaw din niya sa isip.

"Anong date ang sinasabi mo?" pambabalewala niya sa kilig na nararamdaman. Hindi tama iyon. Pagtataksil ng maituturing kay Orly yun.

"Mukha kasing ayaw mo akong kausapin. So, I took the liberty of having our second date here kaysa naman hindi pa matuloy yun. Mawalan pa ako ng chance na maagaw ka sa boyfriend mong kumag." nang-iinis pa nitong turan.

"Hindi kumag si Orly. Baka masyado kang natutuwa sa paglapit-lapit mo sa akin." nakasimangot na sabi niya.

"Tuwang-tuwa talaga ako kapag kasama kita. Wala kang idea kung gaano ako kasaya Monty." Seryosong saad nito saka mabilis na kinuha ang kamay niya at hinalikan ang likuran nito.

He went still. Ano daw? Kumain na ba ito? Ano bang pinagsasabi nito?

Binawi niya ang kamay at hinubad ang shades para tingnan ito ng masama. Sinalubong naman siya ng malamlam na mata nito. Puno ng... pagmamahal? At bakit?

"I h-have to go." Inimis na niya ang mga gamit.

Hinawakan siya nito sa braso. Nilingon niya ito.

"Don't cry Monty. Sana maintindihan mo na hindi lang si Orly ang kayang magmahal sa'yo. Marami diyan. Lumingon ka lang sa tabi mo." malungkot na sabi nito.

"Ronnie..."

Tumayo na ito. "Thanks for the date. See you tomorrow." Sambit nito saka siya mabilis na kinabig and gave him a smack.

Nanlalaki ang matang sinundan niya ito ng tingin at wala sa loob na hinaplos ang labing kinintalan nito ng halik.





 CHAPTER 10 (Heartaches of Goddess)


Malungkot na tinatanaw ni Monty si Orly habang nagpapraktis ito sa field. Tatlong araw na ang lumipas ng magmakaawa siya rito para huwag siyang hiwalayan. After that fateful day, Orly was never the same. Although hindi siya nito tinataboy ay naroon ang manaka-nakang parunggit nito para sa kanya. Na kesyo ipinipilit bakit daw may ibang tao na ipinipilit ang sarili sa taong ayaw na sa kanila at iba pang masasakit na salita.

In short, napakalamig ng pakikitungo nito sa kanya. Hindi naman siya makaangal kasi mahal niya ito. Isa lang naman ang punto niya, gusto niyang ipadama rito ang pag-ibig na para dito. Na tanging siya lang ang kayang magmahal dito against all odds. Kahit ito pa mismo ang may ayaw sa kanya.

Kulang dalawang buwan na lang at matatapos na ang semester na iyon. Kaya naman todo-effort siya para iparamdam dito na mahal na mahal niya ito. Kahit minsan lang, gusto niyang ipadama kay Orly kung paano ang mahalin ng tulad niya. He was sure, it's just a matter of time. Magbabago rin ang isip at pakikitungo ni Orly sa kanya.

Sumenyas ito ng time-out at tinungo ang kinauupuan niya. Oh how his heart leaped to the very sight of him. Hinding-hindi niya ito ipagpapalit kahit sa isandaan Ronnie pa.

Weh? Banat ng atribidang bahagi ng isip niya.

"Why are you here?" bungad nito sa kanya.

Napalunok siya. Wala kasi siyang maisip na dahilan kung bakit siya naroroon gayong hindi naman siya dapat naroon. Alam kasi nitong may practice din sila sa teatro.

"I..." wala siyang maapuhap na sasabihin.

"You skipped your practice. Bakit?" putol nito sa kanya.

Napatango na lang siya. Hinubad ni Orly ang football uniform nito na agad niyang kinuha para isampay pansamantala sa bangko. Maagap niyang kinuha ang towel na pamunas nito.

"T-tumalikod ka." mahina niyang sabi.

Tumiim ang mata nito pero tumalima rin naman. He held his breath as he gently brushed the sweat off of Orly's' back. Napakaganda talaga ng katawan nito. Ang klase ng built na papangarapin ng kahit na sinong babae at bading na haplusin at pagpalain. Namuo ang luha niya sa mata ng maalala ang mga sandaling nakasandig ang kanyang pisngi sa likuran nito habang nagbabasa ito ng libro sa mismong bench na saksi ng pagiibigan nila.

"T-tapos na. Sa harap naman." aniya.

Bumugha ng hangin si Orly bago napipilitang humarap sa kanya. Napayuko siya para ikubli ang namuong luha. Marahan niyang pinunasan ang matipuno nitong dibdib. From his hard pecs down to his chiseled abdomen. Flashbacks of how he played with those perfect muscles gave him a stab on the chest. His heart constricted and his throat ached. Nanginginig na rin ang kamay niya na hindi rin naman nawala sa pansin ni Orly na mataman siyang tinititigan.

"What? Hindi mo na kaya?" tanong nito at hinawakan ang kamay niya.

He sobbed. Ang kanina pa pinipigilang luha ay naglandas na sa kanyang pisngi. itinaas niya ang mukha at buong sakit na tinitigan ito.

"Sinabi ko na iyo. W-wala akong hindi kakayanin Orly." he said almost whispering.

Marahang umiling si Orly. Hindi niya alam kung guni-guni niya lang pero may iglap na sakit din ang bahagya niyang nakitang dumaan sa mga mata nito. Napakurap siya para kumpirmahan iyon ngunit naging blangko na ang ekspresyon ng mukha nito.

"Monty..." wika ni Orly. Tunog frustrated pero walang maaninag na ganoong emosyon sa gwapong mukha.

"What? Itataboy mo na naman ba ako? Sinabi ko na sa'yo..."

"Kaya ko na. Bumalik ka na sa practice niyo nila Dalisay. Naghihintay na iyon sa iyo." masuyong sabi nito.

Biglang nanubig na naman ang mata niya at sumakit ang panga sa pagpigil ng iyak. Ilang gabi niyang pinangarap na maging masuyo man lang ito ulit sa kanya kahit sandali lang at mukhang nangyayari na nga. Parang lokang ngumiti siya sa kabila ng pag-iyak.

"I-i will." he choked on his words. Sa sobrang saya niya dahil sa biglang pagbabago ng mood ni Orly eh halos di na siya makahinga at nagkakandasamid-samid na siya.

Pinunasan ni Orly ang luhang naglandas sa pisngi niya and looked straight in his eyes. The stare held him captive and immobile for a while. Na-miss niya rin iyon. Iyong buong suyo siyang tinitingnan ni Orly.

Bumaba ang tingin nito sa labi niya. Now he's anticipating if Orly would kiss him. Bahagya niyang inangat ang mukha at sinalubong ang tingin nito at ginaya ang pagtaas baba ng tingin sa mata at labi nito.

Dahan-dahan ang naging pagbaba ng mukha ni Orly sa kanya. Anong galak niya at parang narinig niyang bumukas ang pintuan ng langit at bumaba ang mga anghel at nagsi-awitan.

He didn't want to close his eyes but the emotions he's feeling right now made sure that he would savor the moment as if it was his last kiss from Orly. Anong saya niya ng dumampi ang labi nito sa kanya na iglap ding napawi ng matantong it was just a quick kiss. A smack actually.

Naguguluhan siyang nagdilat ng mata at naiwang nakaawang pang bahagya ang labi. Nakita na lang niyang tumatakbo na si Orly palayo sa kanya at pabalik na sa field para magpractice. Hindi makapaniwalang ganoon lang ang mangyayari. Hinayang na hinayang ang pakiramdam niya pero may bahagya ring kaligayahan.

Maybe hindi pa ready si Orly ulit. Sabi niya sa isip.

Hoping? Asaness teh! Sabi naman ni Rubi, este ng isip niya.

Itinaboy niya ang masamang naisip. Tama na ang mga pangyayaring iyon. At least, kahit paano ay medyo nagkakasundo na sila ulit ni Orly. Iyon na lang ang itinanim niya sa isip niya.

Sinipat niya ang relos. May oras pa para makapunta sa practice ng play. Bagaman nag-away sila ni Jordan ay hindi naman nito pinersonal ang pagiging miyembro ng teatro niya. May pagkakataon na kakausapin siya nito ng pormal pero hanggang doon lang yun. Walang parinigan. Walang away.

Lumapit siya ng bahagya sa field at sinigawan si Orly. Tumigil naman ito saglit ng senyasan niyang lumapit.

"What?" humihingal pa nitong sabi.

"I'll be at the auditorium. Pwede mo ba akong sunduin mamaya?" sabi niyang sobra ang pag-asa.

Saglit itong nag-isip.

"I can't promise. But I'll try." sagot nito.

Nalaglag man ang balikat niya sa sagot nito ay kinalma niya ang sarili. Tama na ang sinabi nitong susubukan nito.

"O-okay?" pinilit niyang ngumiti. 

"Sige na." sabi nito. Dismissing him gently.

Nagpasya siyang puntahan ang practice nila. Nang makarating doon ay agad siyang humilera sa mga nagpapahinga pang kasamahan nila.

"Uy! Bakit ngayon ka lang?" sabi ni Freia. Ang baklang nambara sa inggiterang babae sa canteen.

"Hey! Nawala sa isip ko." tipid siyang ngumiti.

Sasagot pa sana si Freia ng putulin iyon ng talak mula kay Jordan.

"Lagi ka namang wala sa sarili. Kaya tuloy yung ibang bagay nababalewala mo." 

Masama ang tingin na ipinupukol nito sa kanya. Napayuko na lang siya at nagsalita.

"Sorry."

"You should be. Dahil wala ka, napilitan kaming gumawa ng ilang eksena. Tapos na lahat ng mga kasama mo, ikaw na lang ang kulang. Kung anu-ano kasi ang naiisip mong unahin. Hindi naman importante." dire-diretsong talak nito.

Pinili niyang pigilan ang sariling sumagot at nginitian ito. "Kung pwede pa, gawin na natin ang mga eksena ko. Para naman makahabol ako."

Naningkit ang mata nito pero di na nagsalita. Naramdaman siguro na ayaw niyang makipagtalo. Nahihirapan din siya sa sitwasyon at tama naman ito para tumalak. Late siya. Kahit pa anong anggulo tingnan, mali siya.

"Okay! Guys! Yung eksena sa gubat ang gagawin natin. Kabisado mo pa ba yung linya mo? Baka di ka na nakakapag-kabisado kakaisip mo ibang "bagay"?" maanghang na tanong nito sa kanya.

Napalinga siya sa paligid. Nakita niya ang nakikisimpatyang tingin ng mga kasama. Muli, pinilit niyang ngumiti at huwag sumagot sa patutsada nito. Alam naman niyang ang ibang "bagay" na tinutukoy nito ay si Orly.

"Let's do this D. Kapag di ko nagawa ng maayos, saka mo ako pagalitan." kimi niyang sagot.

Umingos na lang ito at di na nagsalita pa. Sumenyas ito sa control room at inihanda na ang set para sa eksena niya sa gubat.

Sa eksena, siya si Althea, ang trans-gender na Dyosa na kapatid ng trans-gender ding Dyosa na si Yasilad. Spoof nila iyon ng Encantadia. Dangan nga lamang ay pang-beki talaga ang mga characters. 

Ang kapangyarihan niya ay ang control niya sa mga halaman. Parang kay Kurama ng YuYu Hakusho. Ang kapatid niyang si Yasilad ay si Jordan ang gumaganap. Yelo at Niyebe ang kapangyarihan nito. 

Kunwari ay mag-eemote siya sa batis na tahanan ng katotohanan. Walang kinikilingan. Walang pinoprotektahan. Serbisyong totoo lamang ang tema.

Iniwan kasi siya ng mortal niyang dyowa na si Coco Marvin at ipinagpalit sa isang mukhang kabayong bading. Ipinagluluksa niya ang pag-ibig niya para dito. Tamang-tama naman na nasa kondisyon siya para mag-emote. Inilagay niya si Orly at ang sitwasyon nila sa isip para mag-internalize. 

Nang sumigaw si Jordan para sa take ay nagsimulang tumugtog ang background music na Saan Ka Na Kaya Ngayon at naging si Althea na siya. 

Limang taong na simula ng hiwalayan siya ni Coco Marvin pero ang pakiramdam niya ay parang noong isang buwan lang iyon.

Nagsimulang umawit si Ana Fegi na feeling straight ang buhok.

Hanngang ngayon sariwa pa
Sugat na sa'kiy dinala
Sa puso kong limot mo na
Hindi matanggap mahal mo'y iba.

Masaya ka na ba sa piling niya?
Sa bawat halik ba'y mas kinikilig ka?
Isa 'tong na medyo presko, 
Kahit minsan ba'y hinahanap mo ako? 

Bago mag-chorus ay nagsimula na siyang mag-monologue.

"Mahal kong Coco Marvin. Nasaan ka na kaya ngayon? Hinahanap mo kaya ako? Naaalala mo pa ba kaya ang pagmamahalan nating dalawa? Miss na miss na kita. Sana naririto ka..."

Malungkot na hinaplos ni Althea ang gawa-gawang batis habang nakaupo sa gawa-gawa ring bato. Unti-unting pumatak na ang luha niya.


Nasa isip ang sakit na pinagdadaanan. Kahit kasi nandiyan si Orly, parang ang layo pa rin nito sa kanya. Hindi na niya ito maabot ngayon. Kaya naman sisiw lang ang pag-iyak sa kanya ngayon.

"Masaya ka ba sa tinamaan ng magaling na adik na baklang yan? Ako, babae na ako. Tinanggihan mo pa. Mas gusto mo yung may libre kang singhot sa nakakasulasok na usok ng shabu kaysa ang makipaghabulan sa akin sa paraisong ito." nananangis niyang sambit.

"Paano na ako ngayong wala ka na? Hindi ko kayang mabuhay ng wala ka mahal kong Coco Marvin." saka siya nagtakip ng palad at humagulgol.

Nagtuloy ang chorus ni Ana Fegi na kanina pa nilalamok kakahintay na ituloy ang kanta.

Sino na kayang kasama mo?
Mas magaling ba siyang maglambing sa'yo?
Nais kong malaman kahit napakasakit para sa puso ko.

Hindi na ba magbabago ito?
Nagtatanong lang naman ako.

Saan ka na kaya ngayon?
Mahal pa rin kita.
Saan ka na kaya ngayon?

At muling binusalan si Ana Fegi ng mga kawal.

Nakaloop ang instrumental ng edited na kanta. Sakto sa oras para sa panibagong pag-e-emote niya. Muli siyang humikbi.

"Mahal kong Coco..."

"Ang OA ha." anang isang tinig.

"Huh? Sino ang nariyan?"

"Wala! Wala! Wala kang narinig." ang tinig ulit.

"Weh?" sabi niya.

"Kung maka-emote ka, akala mo bagong break lang kayo ng Coco Marvin na yan! Shutah ka! Limang taon na yon!"

"Sino ka ba? At nasaan ka? Magpakita ka kung hindi ay ipapakain kita sa mababangis na halamang alaga ko." galit niyang sabi.

"Echozera! I-try mo. Atashi pa ang piangbantaan nitong beking ito." anang tinig kasabay ng isang liwanag mula sa gitna ng batis.

Ang liwanag ay naging pigura ng isang tao hanggang sa maging ganap ang hitsura noon at lumitaw sa paningin niya ang Diwata ng Batis na tahanan ng katotohanan. Walang kinikilingan. Walang pinoprotektahan. Serbisyong too lamang. (Kapagod i-type ha!)Siyempre pa, effects lang iyon. Wala talagang ganoon.

"Diwatang Ivor!" gulantang niyang sabi. Ginanapan ni Freia.

"Walang iba!" nakangiti nitong sabi. Ang umiikot na tubig sa katawan nito ay talaga namang nakakamangha. At ang mga brilyante sa noo na kumikinang ng parang estrella ay tunay na kagila-gilalas.

"Ikaw ba ang nagsasalita kanina?" tanong niya.

"Oo Dyosang Althea. Paulit-ulit?" mataray na wika nito.

"Malay ko bang nandiyan ka?" umiismid niyang wika.

"Ah ganoon. Bet mong lunurin kita dito?"

"Huwag naman." 

"Ano na namang drama ito Althea? Ang tagal mo ng wala sa piling ng hinayupak na Coco Marvin na iyon eh kung makapag-emote ka eh parang kahapon lang kayo naghiwalay. Di bale sana kung ang tagal niyo ring nagsama. Hello two-weeks lang ang relationship niyo no? On and off pa! Kaloka!" mahaba at detalyadong patutsada nito sa kanya.

Nagitla siya at napahawak sa pekeng dibdib. "Paano mong nalaman ang lahat ng iyan?" 

"Hello again! For five years, iyon lang ang iniyak mo dito sa batis ko. Hindi na nagsilakihan ang mga karpa dito ng dahil sa patak ng luha mong may halong MSG."

"Paki-alamera ka Diwatang Ivor." nakalabi niyang sabi.

"Text MOVE (space) ON sa 2366. Umayos ka nga. Shutah ka!" iyon lang at nawala na ito.

Iniwan siyang hindi man lang nakaganti ng salita. Pero nagsalita pa rin siya dahil alam niyang nakikinig lang ito.

"Text INGGITERA (space) ON sa 8888. Para unlimited! Baliw!" galit niyang sabi.

Pagkatapos niyang sumigaw ay umihip ang hangin at nagsimula na uling kumanta si Ana Fegi na pumuti na dahil sa kakahintay ng turn niya.


Ooohh Oooohhh... Sino na nga ba?

Nais kong malaman, wala na bang pag-asa! Ooohh...

Saan ka na kaya ngayon? Mahal pa rin kita ah... Saan ka na kaya ngayon?... 


Nang matapos ang take ay umani iyon ng palakpakan sa nanonood na estudyante at kasamahan. Kahit si Jordan ay may satisfied na ngiti sa labi. Pero ang mas ikinaloka niya ay ang malakas na tinig at palakpak na nanggaling sa isang tao. 

Walang iba kung hindi si Ronnie na sumisipol pa at talagang tuwang-tuwa sa rehearsal nila. Pumapalakpak pa itong lumapit sa kaniya.

"Ang galing mo Monty. Ang galing!" niyakap pa siya nito sa gulat niya.

"Ah eh..." sabi niya habang nakaipit sa braso nito.

"Ronnie... di ako makahinga." ang totoo ay naguguluhan at kinikilig siya. Ewan ba niya. Hindi dapat ganoon ang nararamdaman niya di ba?

"Sorry." hinging paumanhin nito pero nakangiti pa rin.

"Bakit ka nandito?" tanong niya.

"Nanonood sa rehearsal niyo."

"Bawal kaya iyon."

"Well, may backer ako."

"Sino?"

"Si Dalisay."

Hindi siya nakaimik. Nakita niya ang nakataas-kilay na kaibigan na nakatingin sa kanila ni Ronnie.

"Ganoon ba?" sambit niya.

"Oo. Listen Monty. Date tayo mamaya. Third date na natin." sabi pa nito at sabay kindat.

Napasinghap siya ng gagapin nito ang kamay niyang biglang nilamig. May sasabihin sana siya ng marinig niya ang isang tinig.

"Sinong nagbigay sa'yo ng karapatan na hawakan ang kamay ni Monty?"

Si Orly! Mapanganib ang hitsura at talaga namang galit.

Si Ronnie naman ay tila nakakalokong ngumiti pa at itinaas ang kamay nilang magkahugpong pa. Natatarantang binawi niya iyon pero hindi ito binibitawan ng una.

"Ronnie..." nanghihinang sabi niya.

"Relax Monty. Wala namang masama sa paghahawak natin ng kamay di ba?" balewalang sabi nito.

Napapailing siyang tumingin kay Orly na palapit na.

"Nananadya ka talaga no? Bitiwan mo si Monty." mahina pero mapanganib na sabi nito.

"Kung ayoko?" si Ronnie na nagiinis pang ngumisi.

"Oh you're so getting this!" sambit ni Orly sabay bigwas kay Ronnie. 

Dahil sa nakahawak sa kanya si Ronnie ay nahila siya ng wala sa oras at talagang nawalan siya ng panimbang dahil hindi nakaiwas agad si Ronnie. Parehas silang natumba at napadagan siya sa ibabaw nito.

Dagli siyang tumayo at hinarang ang sarili kay Orly. 

"Tama na!"

Pero hindi ito nagpapigil. Nakatayo na rin si Ronnie at dahil sa siya ang nasa gitna, nang isalya siya ni Orly ay tumama siya sa kamao ni Ronnie na pabigwas kay Orly.

Next thing he knew, there were stars circling his head and then he passed out.



CHAPTER 11 (The Break-up)

"This is all your fault!"

"Ako pa ngayon ang sinisi mo? Ang kapal ng mukha mo."

"Ikaw ang sumuntok kay Monty."

"Na isang aksidente. Kung hindi ka sumugod sa akin hindi ihaharang ni Monty ang sarili niya. Ipinagtatanggol ko lang ang sarili ko."

"Self-defense my ass! Umalis ka na rito at baka kung anong magawa ko sa'yo."

"I'm not going anywhere. Besides, hindi ba at hindi mo naman talaga mahal si Monty?"

"Anong alam mo sa nararamdaman ko?"

"Alam ko ang utos ng frat sa'yo."

"Akala ko ba hindi ka makiki-alam sa mga activities ng frat?"

"Hindi ko kasalanan kung madaldal ang frat-master niyo at iginagalang niya ang posisyon ng tatay ko."

"Huh, always the daddy's boy. Grow up Ronnie."

"Tell that to yourself Orlando. Hanggang kailan ka makikipagpaligsahan sa akin? Kailan mo tatapusin ang kahibangan mong ito? Pati si Monty idinadamay mo."

"Hindi ko siya idinadamay. Kung magsalita ka parang ako lang ang nakikipagkumpitensiya dito. Hindi ba at ikaw ang nang-agaw ng girlfriend ko dati?"

"Matagal ko ng ipinaliwanag sa'yo ang tungkol diyan. Paulit-ulit ka na lang. Let Monty go. Hindi siya dapat makulong sa pag-ibig na hindi mo kayang ibalik."

"At ikaw ang makakapagbigay nun? Huwag mo akong patawanin. Akin si Monty. Ikaw ang humanap ng para sa'yo."

"Si Monty ang para sa akin. Ayaw mo lang pakawalan. Don't let him out of your sight. Kasi kapag nakalingat ka, aagawin ko siya sa'yo!"

"So inaamin mo ng mang-aagaw ka mahal kong pinsan?"

"Again, hindi sa'yo si Monty. Pakawalan mo na siya."

"Never."


Nananakit ang ulong dumilat si Monty. Iginala niya ang paningin sa paligid. Puting kisame, puting dingding, at amoy antiseptic ang buong paligid. Mukhang nasa clinic siya. Babangon sana siya ng sumigid ang kirot sa kanyang kaliwang pisngi.

"A-aray!"

Naalala niyang nasuntok nga pala siya ni Ronnie. Sa sobrang kaba niya na magpang-abot ito at si Orly ay hindi na niya naisip na pwede siyang masaktan sa gagawin. Nasapo niya ang makirot na pisngi. Siguradong nangingitim na iyon ngayon. Tiningnan niya ang relos. Alas-singko na pala. Hindi na siya nakapunta sa mga klase niya.

Hinanap niya ang gamit at nakitang nasa isang upuan iyon. Pinilit niyang tumayo at humakbang patungo sa mga gamit. Hustong pagkakipkip niya ng mga libro ay siyang pagbukas ng pintuan ng clinic at pumasok ang nurse kasunod si Orly at si Jordan.

"Gising ka na pala. Pwede ka ring lumabas dahil wala ka namang malaking pinsala. Basta next time, huwag haharang sa away ha." nakangiting paalala ng nurse sa kanya.

"Opo."

Tumingin siya sa dalawa, especially kay Orly. Nang bago siya magising ay nanaginip siya ng mga pag-uusap. Naririnig niya ang pangalan ni Ronnie, ng nobyo at sa kanya. Nagtatalo ang mga ito habang tulog siya. Ang hindi niya maintindihan ay parang totoo ang lahat ng narinig niya. Kahit anong tanggi ng puso niya ay ayaw itong sang-ayunan ng kanyang isip.

"Okay ka lang ba?" tanong ni Jordan ng makalapit sa kanya. Marahang sinipat ang kanyang nasaktang pisngi.

Tumango siya. Nanakit na naman ang sulok ng mata niya. Mukhang ang resulta ng pagkakasapak sa kanya ay mauuwi sa maganda. Okay na sila ni Jordan. Na-miss na niya ang kaibigan niya.

"I'm okay friend."

"Good. Kung bakit kasi humaharang-harang ka pa sa away nila, tingnan mo tuloy ang nangyari sa'yo."

Natawa siya sa ginawi ng kaibigan. Napakataray talaga nito at kahit siya ay hindi pinaliligtas. But that's what he love about his friend. Walang hang-ups. Walang pagpapanggap. What you see is what you get.

"Hay naku friend. Wala ka talagang kupas."

Napatigil naman ito sa pagtalak. Nangingiting tumingin sa kanya saka siya niyakap.

"Na-miss kita friend. I'm sorry for not understanding you." nahihiyang sabi nito.

"Sorry rin friend. Nasampal kita." apologetic din niyang sabi.

"Keri lang teh. Huwag na nating pag-usapan yun. Nakapag-usap na rin naman kami nito ni Dyamante." sabay turo kay Orly.

Parang nanikip ang dibdib niya sa pagkakatinging iyon ng kasintahan sa kanya. Kasintahan. Isang napakasarap sa pakiramdam na salita. Pero parang may piping bulong ang hangin sa kanya upang salungatin ang anumang masasayang bagay na nararamdaman niya. Pinili niyang gawing blangko ang mukha ng anumang emosyon.

"H-hi... Kamusta ka na Pet?" nag-aalangang bati ni Orly sa kanya.

"Hindi okay." tapat niyang sabi.

"Masakit pa ba ang pisngi mo?" Bumilis ang pintig ng puso niya pagkarinig ng mapanganib nitong tono at ang kalakip na pag-aalala doon. Hindi niya akalaing ganoon pa rin ang epekto nito sa kanya. But they have to talk.

"I'll live Orly. Pasa lang ito. But I think we have to talk."

Biglang nalito ang ekspresyon na nakaguhit sa mukha nito. Siya naman, sa isang banda, ay inihahanda na ang sarili sa maaaring kahinatnan ng gagawin.


Hindi mapakali si Orly ng mga sandaling iyon. May mali sa pakikitungo ni Monty sa kanya. Napakalamig ng tingin nito. Walang emosyon. At kinakabahan siya.

Kanina, ng makita niyang tinamaan ito ni Ronnie ay talaga namang nagwala siya. Napigilan lang siya ng mga tao at ng sigaw ni Jordan na nawalan ng malay si Monty. Agad nila itong itinakbo sa clinic. Nagtalo pa sila roon ni Ronnie. Natigil lang sila ng ipatawag na sila sa discipline room. Pinagkasundo lang sila at hindi masyadong pinagalitan. Kapwa kasi nagdo-donate sa SBU ang mga magulang nila ng pinsan.

Anong kaba niya ng makitang nakahandusay si Monty. Kahit pala anong gawin niyang kasamaan dito para lang layuan siya ay hindi niya kayang makita na nasasaktan ito. Halos liparin niya ang clinic habang buhat-buhat ito kanina. Binibulyawan niya rin ang mga nakahrang na estudyante sa daan.

Tama naman si Ronnie. Ito ang totoong may gusto kay Monty. Tagilid ang tawag niya sa sexual preference nito. Anong galit niya dito ng agawin nito ang first girlfriend niya. Hindi siya naniniwalang wala itong ginawa para agawin si Samantha sa kanya, pero ang mas ikinagalit niya ng makitang may kahalikan itong lalaki sa isang sinehan. 

Isinumbong niya ang pinsan sa parents nito pero siya ang mas nagulat dahil alam pala ng mga ito ang ginagawa ng anak. Hayaan na lang daw niya si Ronnie dahil ang mahalaga ay masaya ito sa pagiging bisexual.

Kaya naman ng makita niya ang pasimple nitong pagtingin-tingin mula sa malayo kay Monty eh naisip niya ang plano na pwedeng gamitin laban dito.

Sumakto naman, ang naging utos sa kanya sa frat ay isang malaking excuse para maisagawa niya ang planong paghihiganti kay Ronnie. Dati rin itong miyembro ng frat pero dahil nga sa pagiging bisexual nito ay hindi ito masyadong naging aktibo gawa ng palagi lang itong napapaaway na sinasalo naman ng tatay nito.

Minalas lang na nadamay si Monty sa lahat ng ito. Kaya naman, sa durasyon ng pagsasama nila ay sinigurado niyang magiging paborable para rito ang bawat araw na lilipas. He was even willing to have sex with him para lang makabawi sa pagkakadawit nito sa awayang iyon.

Besides, hirap man siyang aminin. He found out that Monty's kisses are quite enjoyable. Bahagya pa siyang naiilang noong una pero ang ikinagulat niya ay ng mga sumunod na pagkakataon ay parang normal na lang para sa kanya ang halikan ito. 

Hindi man nagtatanong ang mga ka-team niya sa football ay wala naman din siyang naririnig na pangangantiyaw sa mga ito tungkol sa pagpatol niya kay Monty. In fact, tuwang-tuwa pa nga ang mga ito sa nangyayari.

Ang hindi lang niya inasahan ay ang pagkakahulog ng loob ni Monty sa kanya. Hindi niya inasahan na ng malaman nito ang tungkol sa frat ay mas ninais pa nitong makasama siya. Na-guilty na siya doon kaya naman itinigil na niya ang paggamit dito pero ito ang mapilit. Sinusubukan niyang itanim sa isipan nitong hindi sila pwede. At least kahit doon man lang ay makabawi siya. Ang akala niya kasi noong una ay ang totoong dahilan na ng pakikipaglapit niya rito ang nalaman nito.

Nakarating na sila sa bench kung saan palagi silang nag-uusap. Katulad kanina, blangko pa rin ang mukha nito. Wala siyang maaninag na emosyon. Nakatitig lang ito sa kanya.

"Orly..."

"Monty..."

Katahimikan. Papadilim na. Parang nakikisabay pa ang hangin dahil napakalamig ng simoy nito. Mukhang nagdo-double time ang senses niya sa katahimikang iyon.

"Orly. Totoo ba ang narinig ko kaninang pag-uusap ninyo ni Ronnie?"

"Pet..."

"Stop calling me Pet. Saguti mo ang tanong ko." matigas pero salat sa emosyon nitong sabi.

Napabugha siya ng hangin. "Alin doon?"

"All of it. Are you cousins? Bakit di mo sinabi sa akin yan? At ano ang tungkol sa pagganti at kumpitensiya sa inyong dalawa?" mahina pero klarong sambit ni Monty sa bawat salita.

"Yes. Pinsan ko siya. At iyong pagganti, totoo rin. But..."

"Spare me the explanation Orly. Baka paniwalaan lang ulit kita. Alam mo kung gaano ako nagmahal sayo diba?"

"Pet..."

"Orly stop. Stop calling me Pet when all along, ako lang nagmamahal sa'yo. Wala akong ginawang masama sa'yo. Minahal kita Orly." pumiyok ang boses na sambit ni Monty.

Natataranta na naman siya pagkakita ng mga luha nito.

"Pet don't cry."

"A-akala ko. Wala akong hindi kayang gawin p-para sa'yo. P-pero, nagkamali yata ako. Kasi, kahit anong gawin ko pala. H-hindi mo ako mamahalin. At hindi mo ako kayang mahalin." tuluyan ng humagulgol na sabi ni Monty.

"Pet.." sabi niya at akmang lalapit dito ng pigilan siya nito.

"Tama na Orly. Huwag ka ng lumapit. Baka bigyan ko lang kasi ang sarili ko ng mas marami pang dahilan para hindi ka bitiwan. Maawa ka naman sa akin."

"Monty..."

"Isang tanong na lang Orly. H-hindi mo ba talaga ako nagawang mahalin kahit kailan?"

Napayuko siya. Hindi siya nakasagot. Wala siyang maisagot. Hindi naman kasi patas na magsinungaling siya rito para lang mapagaan ang kalooban nito. At matalino si Monty, hindi rin siya paniniwalaan nito.

"I'll take that as a yes." 

Marahas na napaangat siya ng tingin dito. "Monty naman... Hayaan mo naman akong magpaliwanag." apela niya.

"No Orly. Tama na. Naiintindihan ko na. Ang tanga ko. Simula't sapol, ako lang pala talaga ang nagmamahal sa ating dalawa. Sabagay, may pagdududa na ako nun, hindi ko lang pinakinggan kasi mahal kita. At ang laki kong tanga para paniwalaan ka. But you know what?" pinutol muna nito ang pagsasalita at nagpahid ng luhang walang patid sa pagtulo.

"Monty..."

"You know what Orly? That punch was an eyeopener. Imagine, kung hindi pa umabot sa pisikalan ang away ninyo ay hindi ko malalaman ang totoo. That only proves na hindi mo ako kayang mahalin kasi kaya mong makita na nasasaktan ako."

Suminga ito sa panyong dala.

"Maybe I should thank Ronnie instead. Pero hindi. Magsama kayong magpinsan. Parehas kayong manloloko."

"Pet..."

"Drop the endearment. Hindi mo na ako Pet simula ngayon. Kasi suko na ako Orly. Hindi ko na kaya, kaya suko na ako. Isinusuko na kita." sambit ni Monty kasabay ng malayang pag-agos ng luha sa mata nito na kanina ay halos wala na.

Itinulos siya sa kinatatayuan niya. Parang may mabigat na bagay na biglang dumagan sa kanya pagkarinig ng mga salitang iyon. Parang may isang malaking kamay na dumakot at pumisil sa puso niya. Hindi siya makahinga. At ang paulit-ulit na salitang umaalingawngaw sa kanyang isipan ay ang huling salita ni Monty.

"Suko na ako Orly. Isinusuko na kita..."



CHAPTER 12 (Rendezvous) 

Walang ganang nag-inat si Monty ng umagang iyon. Another boring and restless day for him. Isang linggo na siyang hindi pumapasok sa eskwela. Noong araw na sumuko na siya sa pagmamahal kay Orly ay umiiyak siyang umuwi ng bahay. Malas at naroon ang kanyang Mommy kaya tuloy nalaman nito ang kanyang problema na balak sana niyang itago sa mga magulang.

"Pumpkin... Are you awake?" ang tinig ng kanyang ina sa labas kasabay ng mabining katok.

Patamad na tumayo siya. Akmang aalis na siya ng kama ng bumukas iyon at iluwa ang kanyang inang si Jean. Patipid siyang ngumiti dito. 

"Good Morning Mom."

Ginulo nito ang buhok niya. "Good Morning pumpkin."

Sumandig siya dibdib nito habang hinahaplos ang kanyang buhok. "How about we do shopping today?" sabi nito sa kanya.

"Mom? Aren't you going to ask me to go to school instead?" amused niyang tanong.

"I've already talked to your Dean and Professors. Alam nilang may pinagdadaanan ka ngayon. Why, your break-up with Orly is quite a news. May nakaalam mula sa school publication about it at naisama nila sa blind item section. But we have done something about it already." nakangiting sabi nito.

"You did what?" he said vehemently. Bigla siyang napalayo dito. 

"Oh some damage control lang pumpkin." his mother only smiled to his sudden outburst.

Nahahapong sumandal siya sa headboard ng kama. Now he's an instant star na naman sa buong SBU. Damn those whoe belong to the publication. Siguradong kapag pumasok siya ay magiging tampulan na naman siya ng usapan.

"Why did you do that Mommy? Hindi naman na po kailangan iyon."

"Pumpkin, I'm a mother. It's my job to protect you at all cost. Don't you ever doubt that." sabi nito sabay tapik sa pisngi niya.

Napabugha siya ng hangin at eksaheradong nag-rolyo ng mata. "Whatever Mom." 

"Tumayo ka na diyan. Your father's waiting for you. Nakahanda na ang breakfast."

"Susunod na ako Mommy."

"Bilisan mo pumpkin. We'll go shopping afterwards."

Nang maiwan siya ay binuksan niya ang stereo. Hindi pa siya nakakatatlong hakbang ng marinig ang awitin na biglang pumalit sa naunang tugtog.

The first time ever I saw your face 
I thought the sun rose in your eyes 
And the moon and stars were the gifts you gave 
To the dark and the empty skies, my love, 
To the dark and the empty skies. 


He shivered. Katulad ng sa kanta, he thought that the sun sets and shines in Orly's eyes. And that he was the empty sky slowly being showered by his light. 

The first time ever I kissed your mouth 
And felt your heart beat close to mine 
Like the trembling heart of a captive bird 
That was there at my command, my love 
That was there at my command. 

Their first kiss felt like heaven. He thought he already died and was sent to a blissful eternity. He felt his tears stung his eyes. Ang realization na talagang wala na sila ni Orly ay unti-unti ng pumapasok. Siya ang nagdesisyon nun pero bakit feeling niya hindi siya masaya?

Gaga! Sabi ni Rubi. Ang bahagi ng isip niya na kontra sa pagmamahalan nila ni Orly.

Tama. Gaga siya. For the first time, sumang-ayon siya sa talipandas na isip niya. Tama lang ang ginawa niya kasi mas masasaktan lang siya kung nagpatuloy pa siya sa pakikiharap dito. Ilang araw ng walang charge ang cellphone niya dahil hindi iyon tinantanan ng tawag ni Orly. Maging si Ronnie nakikigulo pa. Kung ang ibang bakla ay matutuwa na pinag-aagawan siya ng dalawang gwapong lalaki ay hindi siya. In fact, he's willing to bargain everything just so he could turn back time.

And the first time ever I lay with you 
I felt your heart so close to mine 
And I knew our joy would fill the earth 
And last till the end of time my love 
It would last till the end of time my love 

He thought wrong. Walang happy-ending sa kanila ni Orly. Dahil hindi totoo ang sinasabi ng tibok ng puso nito sa kanya. Katulad ng mga sinasabi nito dati. Kaya nga ngayon ay naroroon siya sa estadong iyon.

Pumasok siya ng banyo at dumiretso na ng ligo. Sa daloy ng tubig sa kanyang mukha pababa sa kanyang katawan ay parang tubig din na rumagasa sa ala-ala niya ang narinig na kumprontasyon na noong una ay inakala niya lang na isang panaginip. 

Maybe he was lucid dreaming by that time. Epekto siguro ng suntok na sadya namang napakalakas. At ang lahat ng naririnig niya isang totoong kaganapan and somehow his dreams collaborated with reality to probably end his fantasy with Orly. Ang hayop naman na si Orly ay umamin agad.

Sinubukan niya lang kung totoo. Sinunod niya lang ang gut feeling niya. And he's glad that he did. Kahit masakit, dapat niyang tanggapin na naging kasangkapan lang siya para sa isang maling paghihiganti.

Nang makapagbihis ay bumaba siya at sumabay sa mga magulang na kanina pa naghihintay. Masuyo siyang binati ng ama na sa anumang kadahilanan ay mas nagalit pa kaysa sa Mommy niya ng malaman ang nangyari. Binalak pa nitong sugurin si Orly sa bahay. Napigilan lang ito ng ina. Hindi niya maiwasang mangiti sa naalala. 

Feeling floor-length naman ang buhok ng bruha! Si Rubi na naman. Ipinilig na lang niya ang ulo para mawala ito.

"Mukhang masaya ang gising ng baby ko?" ang kanyang ama.

"Daddy. Let's just say I woke up at the right side of the bed." pakwela niya.

"I'm glad you're quite okay na baby. Kasi kung hindi pa ay susugurin ko talaga ang bahay ng mga Diamond." nakangiti ito pero ang mata ay nagbabanta ng katotohanan sa sinabi.

Napailing na lang siya. "Dad, I agreed to go shopping with Mommy kaya huwag mo ng ituloy yang plano mo. Beside's he's not so worth it."

"Of course baby. Of course. So where are you planning to go shopping?"

"Anywhere Dad. As long as it can help me to stop thinking too much."

"How about we go to Manila? Matagal na rin tayong di nakakalayo dito sa San Bartolome." anang Mommy niya.

"Good idea sweetie." ang kanyang ama sabay kindat sa ina.

Lihim naman nainggit sa nakita. Naalala niya na naman ang ka-sweetan ni Orly. "Mom, Dad? Stop it please?"

Kaswal namang pumormal ang mga magulang. Naiiling naman siyang nagpatuloy sa pagkain.



Naglalakad siya sa park ng subdivision nila ng hapong iyon ng biglang may humagip sa kanyang baywang at isakay siya sa motorsiklo. Hindi agad siya makakilos dahil nagalalang baka mahulog siya kahit pa kilala na niya ang dumagit sa kanya.

Huminto naman sila sa isang ssecluded na area ng parke. Saka lang siya maayos na binitiwan nito.

"What's your problem Ronnie?" galit na galit na sabi niya.

"I'm sorry. I just want us to talk."

Napipilan naman siya ng makita ang may pasa nitong mukha. Naninilaw na ang bahaging iyon tanda ng papagaling na. Buti sa kanya ay hindi naging ganoon ang hitsura.

"What happened to your face?"

"I slipped."

"Habit mo na bang magsinungaling?" inis na tanong niya.

"Are you okay? Kamusta na ang pisngi mo?" masuyo nitong hinaplos ang pisngi niyang aksidenteng nasuntok nito.

Bigla siyang nailang sa ginawa nito. Ang sweetness ni Ronnie ay hindi nagmaliw. Kahit pa noong una, anuman ang gawin niya rito ay hindi ito naging masama sa kanya. Pero kapag naaalala niya na inilihim nito ang katotohanang magpinsan ito at si Orly ay nagagalit siya talaga.

Tinabig niya ang kamay nito at bahagyang na-guilty ng makita ang sakit na dumaan sa mga mata nito. Pero kailangan niyang magpakatatag. Kung hindi niya gagawin iyon, malamang ay lokohin na naman siya ng mga nasa paligid niya.

"Don't play sweet with me Ronnie. Anong kailangan mo sa akin?" mataray niyang sabi.

"I know I've already said I love you Monty, pero gusto kong ulitin iyon. I love you at sana, ako na lang ang mahalin mo. Promise I won't make you cry."

Monty was stunned with Ronnie's declaration. Akala niya noong una ay niloloko lang siya nito. Pinaglalaruan. But with those pleading eyes at sa karakas nito, nunca na uulit-ulitin nito ang mga salitang iyon sa kanya kung hindi totoo iyon.

"Mahal na mahal kita Monty. Hindi ko alam kung bakit? I mean, maraming iba diyan. Mas okay kaysa sa'yo. Mas nakahihigit sa'yo. Pero sa'yo lang ako nagkakaganito." desperado na nitong sabi.

"Ha? So anong ibig mong sabihin? Dapat pa akong magpasalamat na nagkagusto ka sa akin? Kung ganon naman pala na marami diyan na mas higit sa akin at mas okay bakit hindi ka sa kanila mangulit? Nang sa ganun din hindi ako nadadamay sa away niyong magpinsan!" humihingal pa siya pagkatapos ng dire-diretso niyang talak.

"That's just the point. Hindi sila ikaw!" sigaw rin nito na ikinatigil niya.

"Don't you get it? Kung sa tingin mo ay pwede kong ibaling sa iba ang pagtingin ko ay bakit ko pahihirapan ang sarili ko sa kakahabol sa'yo. At isa pa. Sorry kung nadamay ka sa galit sa akin ni Orlando. Kasalanan ko lahat ng iyon. Alam niya kasing may gusto ako sa'yo."

Lalo siyang natigilan. Alam ni Orly na may gusto sa kanya si Ronnie kaya nito ginawa iyon? Kaya siya idinamay. Ano ba si Ronnie? Bading rin? Naguguluhan ang bangs niya sa pangyayari.

"A-are you gay?"

"I don't know." sagot nito sa kanya.

"What do you mean you don't know Ronnie?"

"I don't know means I don't know. Maybe I'm gay kasi nagkakagusto ako sa kapwa lalaki kahit pa marami na rin akong nakarelasyon na babae. Some call me bisexual but I'm not really into labels Monty. Ang mahalaga, kung mahal ko, mahal ko. That simple."

Nalulula pa rin siya sa mga natutuklasan. May ganoon pala talaga. Mga AC-DC ang tawag nila ni Jordan doon. Never niyang na-imagine si Ronnie as bisexual kasi napaka-manly nito. Nalilitong tumingin siya dito.

"I don't know what to say Ronnie. The fact still remain that you deceived me. I trusted you like a friend. Even if I didn't know you at all." confused niyang sabi.

"Ang mga taong nagkakaroon ng ugnayan ay nagsisimula sa pagiging estranghero. But since you asked, I'm Ronnie Alfonso, and for starter, I am attracted to you. Can you be mine?" sabay lahad nito ng kamay.

Napamaang na naman siya dito. "Are you for real? Kakabreak ko lang sa pinsan mo!"

"Eh ano naman ngayon? Mas matagal naman na kitang minamahal at totoo kitang mahal Monty. Please say yes!"

"Ewan ko! Nililito mo ako! Tell me this is all just a joke! A big joke!" halos hysterical niyang sabi.

"I wish I was joking too. Para hindi na ako nahihirapan ng ganito. Ayoko ng nakikiusap Monty pero tinuruan mo ako nun. Hindi mo lang alam. Ang dami mong naituro sa akin ng wala kang kaalam-alam." madamdaming pahayag na naman nito.

"Bakit ba kasi pa ako ang minahal mo?" naloloka na niyang tanong.

Okray ka na teh. Maarte? Si Rubi.

"Shut up!" Hindi niya sinasadyang nasabi.

Nangunot ang noo ni Ronnie pero di nagtanong. "O bakit ka nakatahimik diyan?" puna niya.

"You told me to shut up."

"No, not you."

"Ah okay. I already told you Monty. Hindi ko kailangan ng rason para mahalin ang isang tao."

Naalala niyang iyon ng ang sagot nito sa kanya noon sa floating restaurant. Magsasalita pa sana siya ng biglang may lumabas na lalaki mula sa likuran ng motor. Naka-bike ito. At dahil nakatalikod si Ronnie ay hindi nito napansin agad iyon. May kinuhang kung ano ang lalaki at nalaman niyang camera iyon.

"Oh shit!" anang nabiglang si Ronnie.

"Diyan ka lang Monty. Babalikan kita. Kukunin ko lang iyong camera ng hayup na yun." mabilis nitong sabi saka pinaandar agad ang motor.

"Hey Ronnie wait!" usok at ugong na lang ang naiwan sa kanya.

Nayayamot na nagkamot siya ng ulo at naupo sa isang bench. Mabuti at malilim doon. Napatingala siya at pumikit ng bahagyang masilaw. Nasa ganoong posisyon siya ng maramdamang may sumakop sa kanyang labi.

Hindi niya kailangang magmulat ng mata para malaman kung sino iyon. Kilala na iyon ng puso niya. Kilalang-kilala.



CHAPTER 13 (HOME)




It was a soft yet very warm kiss. At ang init na nagmumula sa labi nito ay tumutupok at gumagawa ng landas sa kaibuturan ng kanyang pagkatao. Monty found himself kissing the stranger back. The man groaned and ended the kiss abruptly. Hindi agad siya nagdilat ng mata. Ninamnam niya ang sarap na dulot ng mga labing iyon. Kahit man lang sa huling pagkakataon.


"Pet..."


Napangiti siya sa endearment na iyon. Sinasabi na nga ba niya. It was Orly. The man who dared kiss him even if it was in broad daylight. He could also smell him. Tinatalo ng amoy nito ang sariwang samyo ng hangin. Banayad ang dampi ng natural nitong halimuyak. He really smelled like the woods and of mists.


"Pet... are you okay?"


Monty hummed his answer. Still with his eyes closed he reached for the face above him. He could feel Orly's heat. He breathed to his palm. Gumapang ang init sa kanyang katawan at nagtapos iyon sa ibabang bahagi ng tiyan niya. Natakot na naman siyang magdialt ng mata.


Ayaw niyang magbukas ng mga mata sa takot na traydorin siya ng puso. Sa takot na hindi mapaglabanan ang sariling damdamin. Aminado naman siya, pagdating sa lalaking ito, He would defy heaven and earth. Not even gravity can withstand his will. Ganoon niya ito kamahal.


"Pet..." marahang yugyog nito sa kanya.


"I'm okay Orly." he whispered softly.


He could feel his ragged breathing. The intensity of their nearness was almost intolerable. Ngali-ngaling tawirin niya ang pagitan ng kanilang mga mukha para pagbigyan ulit ang sarili sa isa pang halik. One last kiss and he would face his demons. Para makawala na rin sila ng tuluyan sa larong pinasok nila. Yes, it was all but games. The games that they played really well.


"Kiss me Orly, and then we will talk." he commanded to man above him. Hindi naman siya nagdalawang-salita dahil sumunod agad ito. Kung may makakakita sa kanila ngayon, siguradong ma-i-eskandalo. Pero wala siyang pakialam. It was what he wanted at the moment and he was definitely getting it.


Orly's kisses somehow felt different than before. He could feel passion. Pain. Need. Para bang nanghihingi ng mas marubdob pang pagtugon. Gustong magwala ng kalooban niya at haklitin ito sa batok pero mas dumiin ang paghalik nito pero hindi niya ginawa. Hindi dahil sa ayaw niya. Kundi, baka hindi na siya bumitaw at ganoon na lang ang gawin nila maghapon. Subalit, ang hindi niya nakayang gawin ay siyang ginawa ni Orly. Itinigil nito ang paghalik sa kanya na nagpadilat sa mga mata niya.


"W-why?" nalilitong tanong niya. Tila nananakit ang batok nitong lumigid para magkaharap sila. 


Now that Orly was in front of him. He could see clearly why he loved him so much. His heart only belonged to him. And not even a thousand of Ronnies can make him have a change of heart. Ganoon yata talaga ang pag-ibig. Pagdating sa taong mahal mo, hindi ka marunong kumilala ng rason. Kahit pa nagdesisyon na siya na lumayo dito, isang halik lang nito, wala na naman ang sama ng kanyang loob.


"Hep! Hep! Umaarte ka na naman ng di tama!" Ayan na naman si Rubi, ang kontrabidang parte ng isip niya.


Unti-unti, nagiging entity na ito. Natatakot siyang bigla na lang itong sumulpot isang araw at i-claim ang buong pagkatao niya.


Enough of Rubi. Let's go back to Orly. Please? (Aba, sumasagot sa author? Shutah ka ah!)


"Kung hindi ko pipigilan ang sarili ko ay baka kung ano ang magawa ko." His eyes were so dark with desire.


Napalunok siya. Desire? He couldn't possibly desire him. After-all he told him that.


"C-cut the bullshit Orly. You can't mean those words. Remember what you told me the day I begged to you? Na babae ang talagang gusto mo. Paanong kailangan mong magpigil ng sarili kung hindi naman ako babae." bitter niyang sabi.


Napabugha ito ng hangin. "Yeah. I remember saying that. But times have changed Pet. People change. Thing change. Wala ba akong karapatang magbago ng isip?" frustrated na sabi nito.


Nanlaki ang mata niya sa sinabi nito? Was he professing something? Anong ini-insinuate nito? 


"Lalaki ka Orly. Straight for that matter. Babae lang ang may karapatang gamitin ang salitang pabago-bago ng isip. Ako, bakla ako. Entitled din ako doon kasi... kasi... well, bakla ako." muntikan na siyang pumiyok sa mga salita niya. Kinailangan niyang tumingala para pigilan pansamantala ang luha sa pagbagsak. 


"Ssshh... Don't cry Pet." masuyong sabi ni Orly na akmang lalapit sa kanya.


"Huwag kang lalapit!" Aniyang tinitingnan ito pailalim. 


And he stopped. His eyes showed pain. "Anong pwede kong gawin para maniwala kang gusto na rin kita?"


"What?" napatingin siya dito.


"Hindi naman siguro nakakabingi iyon Pet di ba? Gusto kita." he admitted with that maddeningly sexy grin.


Napapikit siya ng mariin saka muling dumilat. It was real. Orly was telling him he liked him. Monty almost melted and controlled his urge to cross their meter of a distance and put his arms around Orly's neck and kiss him until he ran out of breath. He wanted to kick his own ass at the thought.


"Do you think I can forgive you just like that by saying you like me? Ganoon ba ka-gullible ang tingin mo sa akin Orly? How dare you!" mas pinanaig niya ang galit sa sarili. Mas okay iyon. Para di naman siya magmukhang sobrang nakaka-awa.


Orly sighed then smiled again. Napaparalisa na ang katawan niya kakapukol nito ng mga ngiting kinabaliwan niya noon. At ogag siya kung di pa siya madadala doon.


"You have forgiven me already Pet. Sigurado ako dun."


"Huh! You're so full of yourself Mr. Diamond. Paano ka naman nakasiguro aber?" Monty's eyes wide and his arms akimbo. He can't believe Orly's cockiness. Parang siguradong-sigurado na napatawad na niya ito.


"Hindi pa nga ba?" epal ni Rubi.


"I kissed you a while ago." Orly said grinning mischievously.


"So?"


"You kissed me back. Really kissed me back." 


Natameme siya. Oo nga pala. Iyon nga pala ang eksena nila kanina. At sa pagkaalalang iyon ay biglang nag-init ang pakiramdam niya.


"Inalala mo no?" tudyo pa nito as if nababasa ang nasa isip niya.


"Eh ano ngayon?" pilit na pagtataray niya.


"It was just a kiss Orly. A simple meeting of our lips and tongues. Nothing more. Nothing less. Besides hindi na kita gusto."


"Sure ka? Kasi ako, matigas pa rin ako mula sa kiss na iyon." sabi nito sabay tingin sa ibabang bahagi ng katawan. Napadako rin ang tingin niya doon at laking-gulat niya ng makitang may malaking bukol nga sa crotch area nito. Napalunok na naman siya.


"You want to have a glimpse of it Pet?" malanding sabi ni Orly na nagpabalik sa katinuan niya.


Umingos siya. "Nah. I'd rather have Ronnie's."


Nagulat siya ng inisang hakbang nito ang pagitan nila at mariin siyang hawakan sa braso na nagpatayo sa kanya. The brown of his eyes were a shade darker because of the sudden fury.


"N-nasasaktan ako Orly."


Tila natauhan naman ito saka siya binitiwan. "I'm sorry." saka ito tumalikod.


"Sorry?" nahimas niya ang medyo nasaktang braso. "What are you saying sorry for Orly? Ang tangka mong pananakit sa akin ngayon lang? Ang panloloko niyo sa aking magpinsan? Ang paggamit mo sa akin laban sa kanya? O ang pagpapaniwala mo sa aking mahal mo ako kahit hindi totoo? Ano... doon?" tuluyan ng naiyak na sabi niya. 


"Pet..."


"What can your sorry do Orly?" mapait na sabi niya. 


Ang lahat ng sakit na nararamdaman niya nitong mga nakaraang araw ay tila dam na nabuksan at walang patid sa pag-agos. All at once. Lahat ng mga bagay na gusto niyang sabihin na hindi niya nasabi ng makipaghiwalay siya rito ay tila newsfeed na tuloy-tuloy at walang humpay na pumapasok sa isip niya.


"I loved you Orly. To destruction. Ano pa bang pakay mo at bumabalik ka pa?"


Nilingon siya nito. Nakita niya ang pagdaan ng sakit sa mga mata nito. Parang may nagpapahirap din sa kalooban nito na hindi niya mapaniwalaan. Paano nito nakkuhang umarte na nasasaktan gayong siya ang ayaw patahimikin nito?


"I only want to be with you Pet. Iyon lang." malungkot na sabi nito.


"Tell that to the marines. You asshole!"


"I guess I'll let that slip."


"What? Ikaw pa may ganang magalit na minumura ka?"


"If only you would listen, malalaman mo kung bakit ayaw kitang patahimikin ngayon. Please Pet. Just let me explain. Kung pagkatapos nun at hindi mo matanggap ang sasabihin ko, only then I will leave you i peace."


Nabagabag naman siya sa pagsusumamo nito. Ang sinseridad ay damang-dama niya sa pakiusap na iyon.


He-sighed. "Okay, explain."


"Thanks." Lumapit ito at umupo sa bench. Biglang naging nostalgic siya at naalala ang mga pagkakataon na magkasama sila at nakaupo rin sa bench na naging saksi ng masasayang araw nila. AY hindi pala ng mga inakala niyang masasayang araw nila ni Orly.


Pinagpag nito ang katabing espasyo. "Sit down Pet. Promise, I won't touch you." nagtaas pa ng kamay ito. "But not if I can't help it." he jokingly added. Inirapan niya ito.


"Ronnie and I are cousins. Sa mother side na kaya magkaiba kami ng apelyido. Our Lolo used to spoil us kaya naman ng lumaki kami, nagkaroon kami ni Ronnie ng silent war. At iyon ay ang makuha ang unduvided attention ni Lolo." panimula ni Orly.


"How childish!" hindi mapigilang komento ni Monty sa narinig.


Orly chuckled from his sarcasm. "You bet."


"So what happened?"


"Nung high school kami. I had a girlfriend. Dahil payat pa ako nun at si Ronnie ay medyo on the bulky side, na-attract sa kanya ang girlfriend ko. Nahuli kong hinahalikan siya nito na nauwi sa suntukan naming magpinsan. Nagpaliwanag siya, yung girlfriend ko raw ang humahalik at hindi siya tumutugon. He was only too gentleman para itulak ito palayo. Though he admitted that he enjoyed the thought of having my girlfriend in his arms. Since then, ginawa ko na ang lahat ng makakaya ko para sirain siya. But I always fail. Until you came in the picture."


"But Ronnie said he's Bisexual. Totoo ba yun?" curious niyang tanong.


"Yes. I caught him with a man too. Don't you think its too ironic that I always end up catching him instead of getting even with him? Ilang beses ko ng hinamon yang si Ronnie, pero hindi pumapatol. Sabagay. I could only give him a decent fight considering he's a black-belt."


Natawa siyang kaunti. "Paano akong napasok sa eksena Orly?"


"I caught him again. Watching you from afar. His eyes were shining habang tinititigan ka sa play ninyo. Iyong "The Taming of the Shrew."


"From there you assumed that Ronnie's got the hots for me? Parang ganoon ba?" napangiwi siya sa sariling kayabangan.


"Conceited aren't we?" 


"Kumpara sa kayabangan mo Orlando. Magkwento ka na nga lang." he said blushing.


"Well, nalaman ko na may gusto siya sa'yo ng marinig ko siyang ipinagtatanong kung ano ang pangalan mo at kung anong kurso mo. You know, the stuff that you do kapag interesado ka sa isang tao."


"Then?"


"That's when I decided na kukunin ko ang atensiyon mo. Swerte pa na crush mo ako kaya naging madali ang lahat."


Naalala niyang bigla ang sirkumstansiya ng pagkakalapit nila. It really was too good to be true.


"But what about the frat master's order? Nakapa-conincidental naman nun sa pakay mo."


"Tama ka. I used that as a tool, para kung sakaling ibi-break na kita ay iyon ang dahilan na magagamit ko."


Para siyang sinapak uli sa tuwirang pag-amin nito.


"You're cruel Mr. Diamond." tanging nasabi niya.


"Yeah."


"What now? Do you think by admitting all of that ay mapapacify mo ang kalooban ko? And by saying na gusto mo rin ako? Ganun ba ako ka-estupido sa paningin mo?" nagiinit na naman ang matang sabi niya.


"No."


"Then why?"


"I was hoping you'll reconsider Pet. Kahit ako naman ang pahirapan mo." 


Natigilan siya. 


Ang ganda mo teh. Ikaw na nga. 


"I don't know what to believe anymore Orly. Aaminin ko. A part of me wants to take your offer. Pero para saan? Para ma-redeem ko ang sarili ko? No effin' way Orly."


"I knew you'd say that." malungkot na sabi nito saka tumayo.


"But for the record. Ayokong-ayoko na makitang umiiyak ka Monty. Lalo pa at ako ang dahilan ng pag-iyak mo. I guess ito na ang karma ko sa pangloloko at pangbabalewala ng pagmamahal mo."


Lumakad na si Orly palayo sa kanya. Para namang ang bigat-bigat ng kalooban niya sa ginawa nito.


O ngayon may ganyan kang emote. Kaloka!


Napangiti siya sa reyalisasyon. Bakit nga ba pinahihirapan pa niya si Orly eh sinabi na nga nitong gusto na rin siya nito? 


With Orly walking away from him, he felt a strong stab on his chest. Pero wala na siyang maramdamang sakit. Kasi hawak pa nito ang puso niya. Orly is walking away with his heart.


"Orlando Diamond."


He stopped on his tracks. Naghihintay ng susunod niyang sasabihin.


"Kung gusto mo rin ako, bakit ka lumalayo?"


Slowly, Orly turned to him with anticipation in his brown eyes. Hesitant ang hitsura pero mukhang punong-puno ng pag-asa. He decided to played with it a little. Aba! Hindi birong luha ang iniyak niya sa tinamaan ng magaling na ito.


"Does it mean, gusto mo pa rin ako Pet?"


Monty smiled from the endearment. Parang hinaplos ng mainit na kamay ang puso niya. Teka? Paano niya naramdaman iyon kung na kay Orly pa ang puso niya? Weird.


"I don't like you Orly. I loved you. Pero noon iyon."


Parang pinagsakluban ng langit at lupa ang hitsura nito sa narinig. Napabugha ito ng malakas. "Oo nga mahal mo ako noon."


"At hindi ba tinanong mo ako kanina kung ano ang gusto kong gawin mo para maniwala ako na gusto mo rin ako?"


Tumango ito.


"What are you willing to do Orly?"


"Anything. Just ask me to."


"Then why are you walking away?"


"Pet..." Orly sighed helplessly. "I'm walking away kasi hindi ko kayang makita na parang ayaw mo ng hawakan kita. I'm walking away kasi ayokong marinig na hindi mo na ako gusto. Na hindi mo na ako mahal. Aaminin ko, nagkamali ako. Pero ng lumayo ka sa akin, ilang araw pa lang parang mabaliw-baliw na ako. It was only then na na-realize ko na gusto na pala kita. Itinatanggi ko lang sa sarili ko kasi, imposible naman na magustuhan din kita kasi parehas tayong lalaki."


Naantig ang puso niya sa sinabi nito. Pero konti pa. Papakilig muna siya ng husto. Babawi siya. 


"Nakalimutan ko bang sabihin sa'yo? Na kapag ako ang nagustuhan mo, mahirap akong kalimutan."


Napangiti ito ng mapakla. "Maybe you're right. Kasi the moment na nakipaghiwalay ka, it was like you took my heart with you."


Napapikit siya sa narinig. So, nasa kanya ang puso nito. Habang ang kanya ay naririto. Funny how fate weave its magical thread para paglapitin ulit silang dalawa.


"So Monty, what do you want me to do?"


"Stay. And never leave my side again Orly."


"What?"


"You heard it."


Nagmamadali itong lumapit sa kanya then took him to his arms and kissed him. A wild and wet kiss. It was like coming home. He was home, finally.


"Don't ever hurt me again Orly. Baka hindi ko na kayanin ang kasunod." saka siya humilig sa dibdib nito.


"I won't. I'll try my best not to hurt you again. Hindi ko kasi kayang makitang umiiyak ka. Huwag mo na ring sasabihin na ayaw mo na sa akin, kasi gagawin ko ang lahat ng kaya kong gawin para ibalik ang damdamin mo sa akin."


Napangiti siya sa sobrang saya. Yumakap na siya dito ng tuluyan para lang biglang bumitiw ng may maalala.


"Huwag ka ng magtangkang lumayo ulit Orlando. Malilintikan ka sa akin."


Orly chuckled. "Takot ko lang na iwan mo ako. Ako nga ang natatakot kasi hindi ba madali kayong magsawa?" medyo insecure na sabi nito.


A shadow of smile crossed his eyes. "Never." "Kung iiwan mo ako ulit Orly ay aalis na ako ng tuluyan dito sa San Bartolome."


Inilayo siya nito ng bahagya at tinitigan. "Bakit?"


"Because if I can't have you I can't be reminded of you all the time dahil mababaliw ako kakaisip sa'yo. Kailangan kong lumayo para masigurong intact pa ang katinuan ko." 


Bumakas ang kaligayahan sa mukha nito. Para namang inilipad siya sa alapaap ng makita iyon. He finally have Orly's heart. Only his for the taking. And for his heart-warming confession, Monty was rewarded by an equally heart-warming kiss.


isang tikhim ang nagpatigil sa kanilang halikan at ka-echosan. Nabungaran nila ang nakangiting si Jordan at ang madilim ang mukhang si Ronnie at isang mukhang anime na lalaking may hawak na camera at hawak ni Ronnie sa kwelyo.


"Guys!" masayang sabi niya sa mga ito.


"This is not a lovers lane!" his friend reflected his own happiness.


"Ngayon lang naman." natatawang sabi niya.


"I'm happy for you friend." 


"Thanks."


Tumalikod si Ronnie. Hila-hila pa rina ng lalaking mukhang anime na hawak nito.


"Hey! Stop it already. Nagkaayos na sila o!" reklamo ng pobre kay Ronnie.


"Magdusa ka! Kinuhanan mo sila ng litrato ng walang paalam pati ako tapos nilagay mo sa school paper. That's invasion of privacy." kalmado ang boses ng pinsan ni Orly.


"Hey! That's my job. Saka ano bang ginagawa sa camera? Hindi ba at ginagamit para makakuha ng picture?" pamimilosopo nito.


"Yeah right." "Hey Orly." tawag nito sa pinsan kahit nakatalikod at huminto pansamantala sa paglalakad.


"Bakit?" sagot ng nobyo niya.


"Ingatan mo si Monty."


"Hindi mo na kailangang sabihin iyan."


"Ipinapaalala ko lang." Saka ito nagpatuloy sa paglalakad.


"Ronnie..." tawag niya rito.


"Yep?" 


"Thanks. For whatever it's worth."


"Yeah."


"And can you take your hands off me now?" epal ng atribidang lalaking dahilan ng publicity ng break-up nila ni Orly.


"Hindi pa." saka ito kinaladkad ulit ni Ronnie.


"Who's that guy?" tanong niya kay Jordan.


"Si Jay. School photographer natin. Friend siya ni Friea."


"Ah..." ang tanging nasabi niya.


"At ngayong ayos na kayong dalawa, pwede ko bang hiramin muna itong friend ko at may scenes pa kaming tatapusin para sa Dyosabog?"


"Ay oo nga pala. Sorry friend. Pat ikaw naabala ng pagkabaliw-baliw ko."


"Okay lang. Kahit naman ako maaaning kung may dalawang hombreng hunkylicious at papalicious ang mag-aagawan sa akin. Lumevel-up na ang ganda mo friend."


Natawa silang dalawa ni Orly sa sinabi nito. Indeed it was a roller-coaster ride. Nakakahilo ang naging adventure nila. But it's worth it. Lahat ng sakit. Lahat ng pait. Lahat ng iyon wala na. At ngayon, totoo na silang dalawa ni Orly sa isa't-isa.


"Pwede bang bukas na lang Jordan?" tanong ni Orly sa kaibigan?


"At bakit Dyamante?"


"Babawian ko muna itong isang ito. Siyempre, isang linggo rin kaming hindi nagkita. Marami-rami itong naipon ko." makahulugan nitong sabi.


"Tse! Kinu-corrupt mo ang kadalisayan ng isip at pagkatao ko. Humayo na kayo at magpakahalay!"


"Mismo!" natatawang sagot ni Orly.


"Siyang tunay friend." dagdag pa niya.


"Mga imoral!"


Napuno ng tawanan ang bahaging iyon ng parke. Mahigpit siyang kumapit sa braso ni Orly at tinahak ang daan papunta sa bahay ng mga ito. Marami pa silang dadaanang pagsubok pero kapit-kamay nila iyong susuungin. Sa ngayon, gusto na rin siya ni Orly, okay na siya doon. gagawan na lang niya ng paraan ang fairytale niya na maging totoong happy-ending. 


A girl can dream so can he. Walang imposible sa mundong ito kung totoo ka sa sarili mo. Lahat naman nabuhay sa pangarap. He was only lucky that his dreams came true. At sana yung piping hiling din ng ilan ay magkatotoo. 


He sighed dreamily. He was the martyr, the stupid and the flirt after all. 




FIN

1 comment:

vdg20 said...

wow very nice... i love it(=