Monday, December 6, 2010

Torn Between Two Lovers?

Well, story to tungkol sa buhay ko. Actually, matagal ko ng gusto isulat to kaso parang nahihiya ako sa mga makakabasa nito dahil malalaman nila ang totoo and baka may mga taong makakilala sa akin dahil dito. Natatakot ako sa magiging reaksyon nila. Haist. Well, love story kuno ito kaya sana mapagtyagaan na lng ng magbabasa nito. Hahah.

Ako nga pala si Dhenxo, ngayon ay 22 years old na at nagtatrabaho bilang nurse sa isang public hospital sa probinsiya namin. Masasabi kong naging makulay ang buhay-college ko dahil sa kwento kong ito. Bale 3rd year college na ako nun ng tumibok ang gago kong puso. Aba, crushes lang naman ako nung mga time na yun kaso iba siya. Well, di naman ako gwapo, di din naman pangit siguro saktong tao lang. Ordinary looks lang kumbaga. Tsaka taong skul-bahay lang ako nun pwera na lang kung may lakad kami nang barkada. (FYI, Federasyon Linis Tubo o FLT ang pangalan ng grupo namin. Napagkatuwaan lang namin un, di naman obvious na may gay samin bi siguro pede pa.)

Naglalakad ako nun with my new friends (kasi iba na sked ng mga barkada ko) sa hallway ng biglang may bumunggo sakin at malamang napaaray ako, "Ouch! Ano ba naman yan!" medyo inis kong sabi. Sino ba naman kasing tanga ang tatakbo sa hallway nang ganung oras at may nagkaklase pa. Tiningnan ako nung lalaki, "sorry po, di ko sinasadya. Nagmamadali lang po kasi ako." sabay karipas ng takbo. At nalaman ko agad ang dahilan. Hinahabol siya nung teacher naming thunderbird (matanda). Galit na galit, papunta sa direksyon namin. Syempre kabado kami baka kami ang pagalitan. Nung huminto siya sa harapan namin bigla niyang sabi, "bullshit you nursing students!"

Aba, nagulat naman kami. Lahatin daw ba kami. Naguguluhan man kami di na namin nagawang itanong pa kasi baka kami pa ang mapagbuntunan ng galit niya. Bigla na lang din siyang umalis.

"Punyetang matanda un, bullshit daw tayo! Inaano ba natin siya.." sabi ng isa kong friend.. nagkibit balikat na lang kami ng kasama ko. at ayun tuloy kami ng lakad. Diretso kami ng canteen para magmerienda. Siyempre, yung paborito ko ang binili ko (gatorade na grapes flavor tsaka eaji chips na may cheese dip). Habang nakapila sa may counter, kinukulit ako nang isang friend ko.

"Hoy friend, kailan mo ba papakilala samin yang gf na sinasabi mo baka mamaya niyan magulat na lang kami at hindi gf kundi bf yan huh." tanong nang mahadera kong friend na si Xyza.
"Oo nga naman. Masyado na kaming curious and besides bakit hubby tawag mo sa kanya? Ha?" sabi naman ni Febbie.
"Sabi niya hubby daw itawag ko sa kanya eh. Ano ba ibig sabihin nun?" painosente kong tanong.
"Engot, hubby means husband." Nagulat ako na husband pala ang hubby.
"Palibhasa kasi pulos libro at notes ang inaatupag kaya pati hubby hindi alam." sabay bumirit ng halakhak ang mahaderang Xyza.
"Lakasan mo pa ang tawa hindi ko pa kita ang lalamunan eh." buwelta ko. Tumigil naman siya agad.
"Pero friend huh, kung totoo man yung hinala namin diyan sa gf mo, pasensyahan na lang." pagbabanta ni Febbie.
"Kahit kailan napaka-SUWERTE ko at naging KAIBIGAN ko kayong dalawa. Napaka-SUPPORTIVE niyo sa akin." sabay irap sa kanila. Ang mga walanghiya, nagawa pang tumawa. Dehado talaga ako pag ganito na ang topic namin eh.

At ayun, naglalakad kami ulit sa hallway habang kumakain pabalik sa classroom. Nagulat ako ng lumapit sakin ung lalaking nakabunggo sakin kanina.

"Ahm, kuya sorry po kanina." sabi niya. Teka, bakit kuya? Ganun na ba ako katanda?
"Kuya? Teka nga, anong year ka na ba?" tanong ko sa kanya..
"First year pa lang po." sagot niya.
"Ahhh, third year na ko, dapat mo lang akong galangin." sabi ko ng may yabang. Aba, hirap kaya makapasok sa third year nuh. " Hayaan mo na yun. Teka, bat ka nga ba hinahabol ng matandang yun?"
"Kasi po napadaan ako sa may harapan ng klase niya tapos biglang nagring ung phone ko eh nakaloud siya." Ahh, ang engot, nasa school loud ang ring ng phone..
"Ah, kaya pala. Next time i-silent mo na yang cellphone mo huh."
"Opo kuya."
"Sige na, papasok na kami at major namin ung susunod." sabi ko sabay paalam.

Nung papasok na kami ng classroom bigla akong siniko ni Xyza. "Hoy adik, bat di mo inalam pangalan niya." Nagtaka ako sa sinabi nang kaibigan ko at nagpapa-cute pa ito.
"Bakit pa eh nagsorry lang naman yung tao tsaka anu ba siya." sabi ko naman. Kasi that time di pa nila alam na type ko din ang guys.
"Ang cute kaya niya. Yung lips, yung eyes. Hay shit, itsura pa lang ulam na." sabi pa niya.
Biglang sumabat si Febbie nainggit sa discussion namin. "Tama ka dun friend, lalo na siguro pag wala ung mga scars ng pimples sa mukha niya." Hay ewan ko sa kanila. Basta ako di ko type ung tao (sa ngayon).

1 week after nung incident, maaga akong pumasok sa school kasi ayoko mag-stay sa bahay kasi nagbubunganga na naman si mama. Dumaan muna ako ng canteen at bumili ng gatorade at eaji bago ako dumiretso sa room ko. Nagulat ako ng makita ko siya sa harap ng room. Siguro may hinihintay siya dun kaya sinilip ko baka may nagkaklase. Wala namang tao kaya diretso ako sa loob ng room. Nagbabasa ako ng notes ko nun ng naisipan kong tingnan siya mula sa bintana. May tinetext siya. Doon napagmasdan ko siya, cute nga ang mokong. Tama ang friends ko, kissable lips, tsaka ung mata parang drooping parati. Basta cute siya. Maya-maya pa, dumating na ung kaklase ko. Siya pala ung hinihintay niya. Nag-usap sila saglit tapos nagpaalam din agad. "Kuya, alis na ko. Salamat!" Ngumiti lang ako kahit na hindi ko alam bakit siya nagpaalam and nagpasalamat. Hindi ko na masyado pang binigyang kahulugan yun at nagreview na lang ako dahil may quiz pa kami. Nag-aral na kami ulit hanggang sa natapos na naman ang isang araw.

Nasa bahay na ako at nanunuod ng mirmo de pon nun sa heroes tv ng biglang tumunog cp ko..

hi kuya, musta ka na? unknown number
ayos lang naman po ako. ahm, cnu po cla? rely ko
francis po.
sinong francis?
yung nakabangga po sayo. sori po ulet dun huh.
ah, kaw pala yun. okay lang yun. kanino mo nakuha number ko?
dun ke ate eufie.
ah magkakilala pala kau anu? heheh
heheh. kuya dhenxo, pwede ka bang maging friend?
hahah. sure why not!
tnx kuya dhenxo.
welcome. ui nuod tau mirmo de pon.
ah cge po, maya na lang ako.
pede tapusin ko na muna to saglit.. heheh..

text na lang po ako sa susunod kuya me pinapagawa si mama eh. pamamaalam niya

ah okay, ingat. tnx.
mwah!

Mwah? Bakit may ganun yung text niya? Naputol pagmomoment ko nun nang mag-start na ulit ung anime na pinapanuod ko.

Simula nung araw na un, palagi na kaming nagtetextan. Ang kulit niyang kausap. Minsan sa school, palagi niya akong sinusundo sa room ko. Ewan ko ba kung anung matatawag mo dun. Imposible naman kasing me manligaw sakin. Heheh. Nakatyempo akong makahugot nang lakas nang loob na tanungin siya kung bakit ganun siya sakin.

"Francis."
"Bakit kuya?"
"Bakit mo ba to ginagawa? I mean, hindi naman ata gawi nang isang lalaki na sunduin sa klase ang isa pang lalaki."
"Ah yun ba kuya, gusto ko lang. Masaya ka kasi kasama and masaya akong kasama ka."
"Niloloko ma ba ako? Eh parang parehas lang naman yung sinabi mo ah."
"Hahaha. Magkaiba kaya yun. Subukan mong intindihin ulit and magegets mo." Inulit ko sa isip ko pero sadyang engot lang. Napatahimik na lang ako.
"Ah kuya, may tanong ako sayo."
"Sige ano yun?" Tanong ko.
"What if ganito, someone you knew, a friend siguro, eh naglakas loob na sabihin sayo yung nararamdaman niya. Anong gagawin mo?" Bago ako sumagot ay tumawa muna ako. Nang tumingin ako sa kanya ay seryoso siya kaya nagpakaseryoso na din ako.
"Ahm, siyempre kung ako tatanungin mo, magugulat ako kasi never in my entire life na may nagsabi sakin nang ganun and di ko maisip na may gagawa nun sakin kaya magugulat ako. Di ko din sigurado kung anong gagawin ko."
"Magbabago ba yung tingin mo sa friend na iyon o hindi?"
"Hindi siguro. Wala talaga akong idea. Bakit mo naman natanong?"
"Kasi kuya, may isa akong kaibigan na gusto kong ligawan kaso takot akong ma-reject." Teka, saan nanggaling yung kirot sa dibdib ko. Bakit ako nakaramdam nang ganun nung sabihin niyang may liligawan siya.
"Hay naku, masanay ka sa rejection. Lahat nang bagay may rejections and lalo na diyan sa balak mo. Basta i-prepare mo na lang sarili mo pati na din ang ... pati na din ang bulsa mo dahil nagugutom na ako." Sabay bunghalit ng nakakagagong tawa.
"Kuya naman eh, seryoso na eh biglang nag-joke. Hay naku!" Sabay kabig sakin palapit. Napatitig ako sa mukha niya at ganun din siya. Nakaramdam ako nang uneasiness kaya humiwalay ako agad.
"Ah, francis, merienda na muna tayo. Nagugutom na ako eh." Sabi ko na nakayuko.

At ayun nga nagmerienda kami. Kumain kami nang kwek kwek sa tapat nang school. Nagkuwentuhan pa kami saglit. Wala na ang araw nang mapagpasyahan naming umuwi na. Inihatid niya muna ako sa bahay bago siya bumalik nang school para kunin kotse niya. Dumaan pa siya ulit sa bahay para siguraduhing asa bahay na ako. Parang ewan pero kinikilig ako sa sweetness na pinapakita niya sa akin.

One time may event ang student body sa school at dahil dun nalaman ko na member pala siya ng council. Sabi ko, siguro dami nagkakagusto dito. Di naman ako nagkamali kasi ang dami niyang fans. Mayroon syang banner sa bleacher. Sabi ko na lang, swerte ng mokong na to. Akala ko hindi niya ako papansinin sa gitna nang mga girls na nagpapapicture sa kanya nung mapadaan ako dun pero parang mga kalat na hinawi niya ang mga ito para puntahan ako. Nag-usap lang kami saglit at bumalik na siya sa council. Habang naglalakad siya palayo, naisip ko kung ano kaya ang feeling na maging bf ang isang kagaya ni Francis.

Ber months na pala, malapit na naman ang pasko at malapit na ang foundation day nun at madaming preparations na ginagawa ang mga officers sa department namin. Isa kasi ako sa mga class mayors (kumbaga eh class president), kaya natural lang na dapat tumulong ako sa mga preparations dun. Isang gabi busy kami nagpe-prepare nang mga gagamitin namin for our presentation sa streetdance nang tawagin ako nang governor nang department namin at may sasabihin daw. lumapit naman ako.

"Dhenxo, kamusta ka na?" sabi ni gov.
"Kaw gov huh para kang aning. Madalas mo naman kaya akong makita bakit tinatanong mo pa?"
"Aning talaga huh. Ang SWEET mo!" Sabi niya sabay irap.
"Aysus, gumaganun na ang gov namin. Ano gusto mo hug?" sabi ko sa kanya.
"Epal ka. Naglalambing na nga lang ako sa kanya eh." Lalaki si gov pero sweet kami sa isa't isa. Nararamdaman namin ang isa't isa pero friends lang turingan namin.
"Sige na nga hug na kita lapit ka dito." Lumapit naman siya at niyakap ko siya. Ang sarap nang feeling ko nun at nayakap ko siya. Kala ko ayaw niya eh. Pagbitaw namin sa pagkakayakap sakto namang nakita ko si Francis at medyo malungkot ang mukha. Nilapitan ko siya at kinausap.
"Oh Francis, bakit ganyan mukha mo? Parang semana santa lang ah." Hindi siya umimik at nilagpasan ako na para bang hangin. Wow hindi ako nag-eexist. Sabi ko sa isip ko.

At ayun kesa mabadtrip tinuloy ko na lang yung ginagawa ko. Minsan lumalapit sakin si gov at nangungulit. Nakikipagkulitan din ako dahil gusto ko maalis yung inis ko. Di pa ko nagdidiner nun. Nagpaparinig ako kung sino kaya magpapakain samin. tumatawa lang si gov. Hinanap nang mga mata ko si Francis pero wala siya. Maya-maya pa, dumating siya at may dalang supot. Nag-aya si gov na magbreak daw muna kami. So ayun, nagsipag-kainan na sila samantalang ako eh gusto ko munang tapusin ginagawa ko kasi malapit na eh.

"Kuya dhenxo, kain ka na muna." nagulat pa ako ng kausapin niya ako.
"Sige kain ako mamaya, lapit na tong matapos eh." sabi ko. Tatampo pa din ako sa kanya sa pangdededma niya sa akin. Walang sabi sabi ay tinulungan niya akong matapos ung ginagawa ko. Loko talaga si gov at inasar pa kami ni Francis na magdyowa.

"Kapal mo gov huh. Kupal ka, kumain ka nga lang jan." nakita ko biglang nagbago expression niya. Ewan ko, guni-guni ko lang siguro un. Nang matapos na kami sa ginagawa namin sakto namang tapos na silang kumain.

"Hala, di niyo ko tinirhan mga buraot (matakaw)!" sabi ko sabay tawa. Bibili na lang ako sa labas ng pagkain. Palabas na ako ng pinto ng tawagin ako ni Francis at sinabing kakain na daw kami. Ihiniwalay daw niya yung pagkain ko. wow, special! Tiningnan ko yung pagkain. Pancit malabon yung dala niya paborito ko din yun. "Salamat Francis sa pagkain huh." sabi ko. Nginitian niya lang ako. Sabay kaming kumain at hindi ako nakaligtas sa pang-aasar ni gov. Game namang gumanti nang asar si Francis. Matapos namin kumain ay diretso trabaho agad. Nang matapos na lahat, umuwi na kami.

"Ahm, kuya, pwede bang makitulog sa inyo? Sarado na kasi bahay namin ngaun eh." Tumango na lang ako. Pagdating sa bahay, inayos ko yung higaan ko. Sabi ko dun na siya matulog sa bed ko kasi bisita siya at ako na lang sa lapag. Ayaw niya pumayag kasi nahihiya daw siya. Walang gustong matulog sa kama kaya napagpasyahan naming matulog pareho sa lapag. Di ako agad nakatulog pero siya himbing na himbing na. Nakaharap siya sakin. Pinagmasdan ko mukha niya. Di lang pla siya cute. Gwapo din siya lalo na pag tinignan mong mabuti. Shit, ayoko. I'm not fallin'. ayoko. Sabi ko sa sarili ko kasi that time nararamdaman kong mahal ko na ata siya.

Nagising ako kinabukasan na nakayakap siya sakin. Di ako makagalaw kasi ayoko siya magising tsaka isa pa ninanamnam ko ung feeling kasi bka eto na ung huli na mayayakap niya ako. Nang magising siya ay nag-ayos agad siya at didiretso na siya ng school. Talagang prepared siya na makisleep over kasi kumpleto toiletries niya. Naligo na siya at kumain. Nauna na siyang pumasok kasi sila ang nag-organize ng event namin na yun.

So walang hanggang parada, cheerdancing at kung anu-ano pa ang nangyari sa first day ng foundation day namin. Wala namang masyadong nangyaring kakaiba sa foundation day kasi yun at yun pa din naman ang mga programs nila. After ng 3days event na yun back to normal na ang lahat. Ako duty and aral ulit. Naging busy ako kaya di ko na siya natetext tsaka busy din siya sa studies niya. Ginawa kong excuse yun sa sarili ko para burahin ang kung ano mang nararamdaman ko sa kanya tsaka para iwasan na din siya dahil ayokong masaktan. Hindi pa ako handa.

After a month, kala ko successful na kasi di ko na siya hinahanap. Sa tuwing may possibility na magkasalubong kami, agad akong iiba ng daan. Kunwari di ko siya nakita. Tapos one time, nagtawag ng miting si gov. meron daw team building workshop na gaganapin somewhere dito samin and kailangan niya lahat ng mayors and yung mga members niya. Inorganize yun ng studnet council nang university. Iniisip ko na di na lang ako sasama. Una kasi tinatamad ako and pangalawa para iwasan si Franci. Namimiss ko na siya sa totoo lang. Gusto ko na siyang itext kaso pinipigilan ko. Ayokong masaktan. Di din naman siya nagtetext sakin eh. sinabi ko kay gov na di ako sasama tinanong niya ako kung bakit kasi gusto niyang sumama ako. (Nasabi ko bang crush ko si gov.? Heheh.. Oo crush ko siya, ang cute kasi niya eh.)

Lumapit sakin si gov the following day and sinabing ayaw tanggapin ng council na me aabsent sa mga representatives.

"Gov naman, hindi talaga ako puwede eh. Please naman, maghahanap ako nang karelyebo ko."
"Hindi ka na makakahanap pa nang proxy mo dahil wala na tayong time. Within 10 minutes kailangan ko nang i-pass tong list dahil kung hindi wala tayong bugdet sa department natin. Nagmamakaawa ako sayo Dhenxo, pumayag ka na please. Tatlong araw lang naman na workshop yun eh, please." Akmang luluhod si gov nang pigilan ko.
"At may balak ka pang lumuhod para lang sumama ako huh. Oo na sasama na. Kainis ka lagi mo na lang akong ginaganito." Sabi ko na may himig pagtatampo.
"Tahan na kulet ko, okay lang yan. Makikita mo mag-eenjoy ka dun." At tuluyan na siyang umalis para mag-pass ng final list namin. Isang malalim na buntung-hiniga ang pinakawalan ko tanda na natalo ako nang pakiusap ni gov. Bahala na.

Kay bilis nang araw at dumating na yung araw ng team building. Nag-antay kami nang service sa school na maghahatid samin dun sa lugar na paggaganapan ng team building. Ala pang 10minuto nang dumating yung service at parang sa isang iglap andun na kami sa area. Busy kasi ang utak ko kaya di ko namalayan na andun na kami. Bumaba kami nang bus at dumretso sa registration area. Hinanap ko pangalan ko sa list and to my surprise, siya ang leader ng grupo namin. Pagkakataon nga naman napakasuwerte ko talaga. Haist, wala nang atrasan to.

(itutuloy)...

No comments: