A compilation of my thoughts, dreams and fantasies. Stories that describes best my simple wishes in life. In addition to that, I asked friends to contribute their talents in this site where reality and fantasy are as one. Welcome to my site. Welcome to my heart. I am Dalisay.
Tuesday, December 7, 2010
GWAPITO'S BY NIGHT 9
GWAPITO’S BY NIGHT 9
“Manong, para po” sigaw ni Jethro sa driver ng jeep na sinasakyan niya.
Pagkadinig sa boses ng pumara ay kaagad namang hininto ng driver ang jeep.
‘Buti na lang sakto ang paghinto ng jeep’ natutuwang sabi ni Jethro sa sarili niya.
Lakad lang ng lakad si Jethro hanggang makarating siya sa isang mataong lugar.
“Buset, paano naman natin siya hahanapin nito? Paano siya nakapunta sa lugar na ito?” sunod-sunod na tanong ng pulis sa kasama niyang pulis.
“Siguro meron siyang mga paa kaya siya nakarating dito” sarkastikong sagot ng isang pulis.
“Ayan ka na naman, pinapahiya mo na naman ako. Tama na nga iyan, hanapin na natin siya at baka makalusot na naman” sabi ng pulis.
‘Magsawa kayo sa kakahabol sa akin, ako pa magpapahuli sa inyo’ sarili pa rin niya ang kinakausap habang abala sa pakikipagsiksikan sa mga tao si Jethro.
Sa madalang na pagkakataon ay naghatid ng mga kargamento si Jethro, sa madalang na pagkakataon ay gusto siyang ipapatay ng mga sindikatong nakaharap niya, sa madalang na pagkakataon ay natiempuhan niyang merong nagsumbong sa mga pulis sa nasabing transaksyon at sa madalas na pagkakataon ay kailangan niyang iligtas ang sarili niya.
Habang abala sa pakikipag-siksikan si Jethro sa mga tao ay nakita niya ang isang education institution kaya naisip niya ang kaibigang si Franco.
“Anong magandang gawan ng research, Faultline or Fireworks?” tanong ni Jethro kay Franco.
“Gawan mo na lang ng research kung ano ang maganda sa pagpapaalam” sagot ni Franco.
“Wow, parang tinagalog mo lang ang pamagat ng isang kanta at salamat dahil sobrang lapit ng sagot mo sa choices ko” sarkastikong sabi ni Jethro.
“Bakit mo naman naisipang gumawa ng research?” tanong ni Franco.
“Alam mo naman, kailangang tuloy-tuloy ang pag-aaral ko para hindi kalawangin ang utak ko” sagot ni Jethro.
“Sinong niloko mo, ikaw pa, kilala na kita. Magkano naman ang kikitain mo sa paggawa ng research na iyan?” muling tanong ni Franco.
“Eto naman, di na mabiro, gusto ko lang na pasayahin ka. Alam mo naman na mababa lang ang kinikita ko sa paggawa ng mga research pero gusto ko pa ring gawin” seryosong sagot ni Jethro.
At kagaya ng dati, bigla na lang nanahimik sa Franco.
“Ano na naman kaya ang iniisip ng taong ito, soundtip na nga lang tayo, Leona Lewis o Taylor Swift?” pagyaya ni Jethro sa kaibigan.
“Sige gusto ko yan, Katharine Mcphee” sagot ni Franco.
Patuloy pa rin sa pakikipagsiksikan ni Jethro sa mga tao, sanay na siyang iligaw ang mga humahabol sa kanya pero siempre ayaw niya pa ring maging kampante hanggang hindi sila umaatras. Konting lakad lang nakakita siya ng tindahan ng mga Chinese herbs na nagpa-alala sa isa pang kaibigan, si Dyne.
“Kailangan pa bang tanggalin iyan?” tanong ni Jethro kay Dyne.
“Oo, para walang sagabal” sagot ni Dyne.
“Alam ko close tayo, pero nahihiya naman akong tanggalin ang kahuli-hulian saplot sa katawan ko” nahihiyang sabi ni Jethro.
“Ano ka ba, huwag makulit, alisin mo na iyan” utos ni Dyne.
“Huwag na lang kaya nating ituloy ito” sabi ni Jethro habang namumula ang pisngi niya.
“Eto naman, sa akin pa nahiya. Sa dami-dami ng mga nakakasiping mo hindi ka pa ba hiyang mag-hubad” pangungutya ni Dyne.
“Pare, wala namang personalan” sabi ni Jethro.
“Alam mo, ang arte mo. Alisin mo na nga iyan, promise hindi ako titingin” nakangising sabi ni Dyne.
“Nahihiya ako” si Jethro.
“Para kang bata, kailangang alisin mo na ang brief mo para maituloy ko na ang pagmamasahe sa’yo” naiinis na sabi ni Dyne.
Kahit abala sa pagligaw sa mga pulis na humahabol sa kanya, hindi pa rin maiwasang isipin ang mga kaibigan sa ganitong pagkakataon. Sa totoo lang sila ang nagbibigay ng lakas ng loob sa kanya para malagpasalan ang suliranin ngayon. Pagliko ni Jethro ay nakasalubong niya ang isang grupo ng mga nurse. Napagkamalan ni Jethro na isa sa kanila si Goji.
“Goji?” tanong ni Jethro sa isa sa kanila.
“Hindi Goji ang pangalan ko” masungit niyang sagot.
“Sorry” nahihiyang sabi ni Jethro.
Dahil sa nakita ay hindi niya maiwasang isipin ang kaibigan. ‘Nasaan na kaya siya?’ tanong sa sarili ni Jethro.
“Ano ang dala mo?” bungad ni Goji kay Jethro.
“Groceries” sagot ni Jethro, sabay angat ng dala-dala niyang mga plastic bags.
“Para saan?” muling tanong ni Goji.
“Para sa inyo” muling sagot ni Jethro.
“Hindi namin kailangan ang tulong mo, sa ginawa mong iyan para mo ng ininsulto ang pagkatao ko” seryosong sabi ni Goji.
“Hindi ganoon ang ibig kong sabihin, wala akong intensyong yurakan ang pagkatao mo. Dati ko naman ginagawa ito di ba?” takang sabi ni Jethro.
“Dati iyon, iba na ngayon. Sa palagay mo ba mabibili mo ang pagkatao at puri ko dahil sa mga dinadala mong groceries?” galit na sabi ni Goji.
“Pasensya na, kung galit ka sa susunod ay hindi na kita dadalhan ng groceries” tampong sabi ni Jethro.
“Kulang pa iyan, sa susunod dagdagan mo ng isang sako ng bigas” sabi ni Goji sabay tawa ng malakas.
“Anong nangyayari sa’yo, nababaliw ka na ba?” nalilitong tanong ni Jethro.
“Eto naman, nagpa-practice lang ako sa presentation namin. Magkakaroon kasi ng program para sa mga pasyente at administrator ng hospital. Ako ang napiling gaganap sa lead role sa grupo namin kaya pinaghahandaan ko ng husto iyon” sagot ni Goji.
“Wow, parang mga elementary students lang na kailangang gumawa ng programs dahil may bibisitang importanteng tao sa eskwelahan nila” natatawang tugon ni Jethro.
“Loko ka, pero salamat sa grocery. Yan tuloy, nadagdagan na naman ang utang ko sa’yo” sabi ni Goji.
“Ilang beses ko bang sabihin na hindi utang ang mga iyan, nagbabahagi lang ako ng konting tulong dahil sa mga biyayang natatanggap ko” masayang sabi ni Jethro.
“Iyon na nga, baka sa illegal na gawain mo kinuha ang pambili ng mga iyan at sa huli ay kami ang makakarma, kaya mabuti ng itrato kong utang ko sa’yo ang mga dinadala mo sa amin” natatawang sabi ni Goji.
“Eto naman, siempre sa malinis na trabaho galing ang perang pinagbili ko ng mga iyan” mayabang na sabi ni Jethro.
“Ang galing, talagang segregated pa ang mga pera, merong good money at bad money” biro ni Goji.
“Ikaw talaga, hindi mawawalan ng biro. Siyanga pala, pwede mo ba akong bigyan ng lecture tungkol sa safe sex?” tanong ni Jethro.
“Oo naman, ikaw pa” pagpayag ni Goji.
‘Sana makita na si Goji, nag-aalala na ako sa kanya at alam ko pati ang iba miss na rin siya’ bulong ni Jethro sa sarili.
Pagkalapas niya sa mga grupo ng nurse ay narinig niya ang boses ng kaibigang si EA mula sa component system sa mga nagtitinda ng mga pirated na DVD.
‘Walanghiya, isipin mo, kahit matagal na niyang tinapos ang career sa banda ay merong pa rin siyang tagahanga’ sabi ni Jethro sa isip niya. Naalala niya tuloy noong kasikatan ng kaibigan, kahit na abala sa kanyang career ay hindi siya nito nakakalimutang tulungan.
“Mag-ready ka mamaya, may kailangan kang i-escort” panimula ni EA.
“Hindi ako ready” sabi ni Jethro.
“Kaya nga kailangan mong maghanda, di ba. Kung ready ka na, palagay mo ba sasabihan pa kitang kailangan mong mag-ready” sarkastikong sabi ni EA.
“Eto naman, pinapasaya lang kita, huwag kasing masyadong stress sa mga interview mo. Parang hindi ka pa sanay” sabi ni Jethro.
“Nagsawa na kasi akong makipag-plastikan sa mga epal na host, kapag binara ko sila siguradong ako na naman ang magmumukhang masama sa mata ng mga tao” nanggigigil na sabi ni EA.
“Relax ka lang, siyanga pala, sino ang sasamahan ko mamaya?” tanong ni Jethro sa kaibigan.
“Surprise na lang, basta isa siyang matinee idol” masayang sabi ni EA.
“Matinee idol? Lalaki ang gustong maka-siping?” takang tanong ni Jethro.
“Asus, nagtaka ka pa. Sa dami mo ng nakasamang mga sikat na mga “bachelors” ngayon ka pa magtataka” sabi ni EA.
“Ngayon pa lang kasi ako makakasama sa isang matinee idol, excited na ako. Nakakakaba, baka ma-starstruck naman ako niyan” excited na sabi ni Jethro.
“Ikaw talaga, if I know kayang-kaya mong i-handle ang ganong mga sitwasyon” papuri ni EA sa kaibigan.
“Salamat” maikling tugon ni Jethro.
“Saan?” tanong ni EA.
“Sa lahat” seryosong sabi ni Jethro.
“Wala iyon, mag-kaibigan tayo kaya tutulungan kita hanggang kaya ko” sabi ni EA.
“Ikaw ha, nasasanay ka ng i-bugaw ako” biro ni Jethro.
“Sige, ito na ang huli” pagtatampo ni EA.
“Biro lang, gusto ko lang maging relax ka bago mo sagutin ang mga tanong sa’yo” si Jethro.
Biglang nakaramdam ng gutom si Jethro kaya naman sumaglit muna siya sa nadaanan niyang food kiosk para bumili ng siopao. At bigla niyang naalala ang kaibigang si Aerel.
“Anong lulutuin mo?” tanong ni Jethro sa kaibigan.
“Pasta” maikling sagot ni Aerel.
“Anong pasta? Filipino style?” sunod-sunod na tanong ni Jethro.
“Hindi” sagot ni Aerel.
“Carbonara?” muling tanong ni Jethro.
“Hindi pa rin” muling sagot ni Aerel.
“Fusilli?” sunod na tanong ni Jethro.
“Hindi” sagot ni Aerel.
“Fettuccini?” tanong ni Jethro.
“Hindi” sagot ni Aerel.
“Creamy Penne?” muling tanong ni Jethro.
“Hindi” sagot ni Aerel.
“Bolognese?” tanong ulit ni Jethro.
“Mali pa rin ang hula mo” sagot ni Aerel.
“Puttanesca?” muling tanong ni Jethro.
“Huwag mo naman akong murahin” tugon ni Aerel.
“Pesto?” tanong ni Jethro.
“Saan?” balik tanong ni Aerel.
“Ok, last na ito, seafood pasta?” huling tanong ni Jethro.
“Hindi pa rin” sagot ni Aerel.
“Ang hirap naman hulaan ng niluluto mo” malungkot na sabi ni Jethro.
“Adik ka talaga, nakita mo na ngang harina at itlog ang nasa harapan ko tapos itatanong mo kung anong luto ng pasta ang gagawin ko. Magbe-bake ako” inis na sagot ni Aerel.
“Sorry, akala ko kasi gagawin mo muna ang noodles” pa-inosenteng sabi ni Jethro sabay tapon ng harina sa mukha ni Aerel.
“Buset, huwag mong sayangin ang harina” sigaw ni Aerel, siya namang muling tapon ni Jethro ng harina kay Aerel kaya nakain niya ito.
“Sige na, tama na” sabi ni Jethro sabay basag ng isang itlog sa noo ni Aerel.
“Yan pala ang gusto mo, ha” paghahamon ni Aerel, na muling sinalubong ang harinang tinapon ni Jethro sa mukha niya.
‘Ibang trip naman, alam mo ng may humahabol na pulis sa’yo, nakuha mo pang kumain ng siopao’ bulong ni Jethro sa sarili sabay ngiti. Patuloy pa rin sa pagkikipagsiksikan si Jethro, hindi na kasi niya kailangang hawiin ang mga tao para lang makalusot sa mga humahabol sa kanya, nakita niya kasing may katabaan ang mga ito kaya natitiyak siyang hindi sila makakahabol sa kanya.
‘Matteo?’ tanong ni Jethro sa sarili.
Hinabol niya si Matteo, pero dahil sa marami ang mga tao ay nahirapan siyang sundan ito, ngayon alam na niya ang pakiramdam ng mga pulis na humahabol sa kanya.
‘Sino ka ba Matteo? Bakit nalilito ako sa nararamdaman ko sa’yo? Ayos na sana ang lahat pero iba ang kutob ko, pakiramdam ko may binabalak kang kakaiba sa aming magbabakarda? Hindi ko rin alam kung ano ang kutob na iyon, pero maaari ring may nararamdaman ako sa’yo. Sino ka ba talaga, bakit ngayon pa lang ako nalito ng ganito sa nararamdaman ko sa isang tao’ tila ba kinakausap ni Jethro sa Mateo.
Natauhan lang si Jethro ng maramdaman niyang nagkakagulo na sa likod niya, alam niyang malapit na ang mga pulis sa kanya. Kaya hindi siya nag-dalawang isip na pumasok sa pinakamalapit na banyo na nakita niya.
Pagpasok sa banyo ay kaagad siyang dumiretso sa isang cubicle, ‘swerte, may bakante’ masayang sabi ng utak ni Jethro. Kaagad niyang inalis ang suot niyang sumbredo, blonde na wig, sunglass, at polo. Kinuha niya ang t-shirt sa loob ng bag at inilagay ang mga hinubad na gamit sa bag. Pagkasuot ng t-shirt ay lumabas ng cubicle, dahil wala ng silbi ang bag sa kanya ay iniwan na lang niya ito.
Humarap sa salamin, konting hilamos at suklay sa buhok ay handa na siyang lumabas ng banyo. Sigurado siya, konting disguise lang ay matatakasan niya ang mga humahabol sa kanya.
Lumabas siya sa banyo na parang wala lang nangyari. Patuloy pa rin siya sa pakikipagsiksikan sa mga tao, sa pagkakataong ito ay para maka-alis na siya sa lugar na iyon, nang may biglang tumapik sa balikat niya. Pagkaharap niya ay nakita ang mga pulis, bigla siyang kinabahan.
“May nakita ka bang lalaki na kasing-taas mo na naka-sumbrebo at blonde ang buhok?” tanong ng isang pulis.
“Siya yan, sigurado ako pareho sila ng pangangatawan” pangungulit ng isa pang pulis.
“Paanong naging siya ang hinahabol natin, itim ang buhok nito at wala naman sumbrebo. Huwag kang mambintang at baka makasuhan pa tayo” pagtanggi ng isang pulis.
“Mga sir, nakita ko po yung tinutukoy ninyo, nagawi po siya banda doon” sabi ni Jethro sa kanila.
“Sigurado ka ba?” tanong ng mga pulis.
“Opo sir, nagmamadali pa nga po siyang naglalakad” panigurado ni Jethro sa kanila.
“Sige, salamat, at pasensya na kung pinagkamalan ka ng kasama ko” paumanhin ng isang pulis.
“Wala po iyon, sige po” paalam ni Jethro sa kanila sabay saludo.
‘Ang mga pulis talaga, ang daling linlangin’ bulong ni Jethro sa sarili.
Nasilaw sa sikat ng araw si Jethro pagkadilat ng mga mata niya, nagising siya dahil sa sigaw ng nanay niya, niyayaya siyang mag-almusal. Sa madalang na pagkakataon ay naisipan niyang sumabay na kumain sa pamilya niya, kahit madalas siyang nasa bahay ay hindi siya madalas nakiki-salo sa pagkain sa kanila. Habang nakahiga siya ay namalayang na lang niyang nakatutok ang paningin niya sa bintana sa kanyang kwarto na merong apat na partisyon. Bigla niyang naikumpara ang bintanang iyon sa Johari Window, ngayon ay nakatutok ang paningin niya sa kaliwang baba ng bintana o ang tinatawang na Hidden Spot. Sa parteng ito nilalagay ang mga bagay na alam mo sa sarili pero sadyang ayaw mong ipaalam sa iba, kahit na sa mga malapit pa sa’yo.
Isa sa mga tinatagong sikreto ni Jethro ay ang galit niya sa kanyang pamilya, oo, nakwento na niya dati na nagtatampo siya sa kanyang pamilya dahil laging pinapakialaman ng magulang niya ang lahat-lahat sa kanya noong bata pa siya, mula sa mga damit na isusuot hanggang sa mga lakad ng mga kaklase at kaibigan niya, pero hindi niya kayang aminin kahit kanino na hindi nawala ang galit na iyon. Kahit na malaya na siya ngayon ay nanatili pa rin ang galit niya sa mga magulang niya, lalo na kapag nagtatanong ang mga ito kung ano ang ginagawa niya at kung saan siya pupunta. Kahit galit siya sa kanila, hindi niya iyon kayang ipakita, mas gusto niyang kimkimim ang nararamdaman kasi alam niya mga magulang pa rin niya ang mga iyon, kailangan silang respetuhin.
Isa pa, hindi niya rin maamin sa iba na mahal na mahal niya ang kanyang pamilya. Sa tutuusin ay pwede na siyang magsolo dahil alam niyang kaya niyang mabuhay mag-isa, pero mas malakas pa rin ang kapit ng mga kadugo niya kaya hindi niya maiwanan. Hindi niya kayang iwanan ang pagtawag ng nanay niya tuwing kakain na, hindi niya kayang iwanan ang madalas na pag-inom ng tatay niya, hindi niya kayang iwanan ang pangungulit ng kapatid niya, hindi niya kayang iwanan ang pangangaral ng mga tita niya, hindi niya kayang iwanan ang pangungutya sa kanya ng mga tito niya, hindi niya kayang iwanan ang mga makukulit niyang mga pinsan.
Makalipas ang ilang minuto ay nagpasya na ring bumangon si Jethro, naghilamos at nagmumog. Pagkalabas ng kwarto ay humarap na siya sa hapag-kainan, siya na lamang ang hinihintay para mag-simula na silang kumain. Kagaya ng dati ay nanatiling tahimik si Jethro sa harap ng kanyang pamilya.
“Ma, eto ang pang-grocery at pambayad ng mga bills” sabay abot ng pera ni Jethro sa nanay niya pagkatapos nilang kumain.
“Salamat, anak” masayang sabi ng nanay niya.
“Pa, pambili ninyo ng alak” malungkot na sabi ni Jethro sa tatay.
“Anak, kulang pa ito. Wala pa akong pang-sabong” biro ng tatay niya.
“Kung gusto niyo po, itaya nyo sa sabong yan at kung nanalo kayo tsaka na lang kayo bumili ng alak. Hindi ko pa pinangarap na sustentuhan ang mga bisyo ninyo” biro ni Jethro sa ama.
“Eto, pambayad mo ng tuition mo, kung mangangailangan ka ay mag-withdraw ka na lang sa ATM mo. Nag-deposit ulit ako doon” sabay abot ng pera ni Jethro sa nakakabata niyang kapatid na babae.
“Kuya, salamat” masayang sabi ng kapatid niya.
Madalas ay naiinis si Jethro sa sarili, sa laki ng galit na kinikimkim sa pamilya niya ay mas nananaig pa rin ang pagmamahal niya sa kanila. Sa buong buhay niya, iyon ang pinakamahirap na problema niya. Di baleng mag-solve siya maghapon ng Sudoku at Crossword, huwag lang yung madalas na nalilito siya sa galit at pagmamahal.
Lumabas ng bahay si Jethro pagkatapos kumain, iyon kasi ang madalas niyang gawin bago puntahan ang mga pinsan sa kabilang bahay para samahan silang manood ng cartoons.
“Papa J” malanding sigaw ng kapitbahay nilang bading, si Beauty.
“Badong, kumusta?” masungit na pagbati ni Jethro.
“Eto naman, Beauty na lang” masuyong sabi ng bading.
“Mas gusto kitang tawaging Badong” pagpupumilit ni Jethro.
“Sa dalang mo lang akong pansinin ay papayag na ako sa gusto mo” pagpayag ni Beauty.
“Ano bang kailangan mo?” pagsusungit pa rin ni Jethro.
“Ito naman, parang hindi pa alam” malambing na sabi ni Beauty.
“Badong, hindi ako manghuhula para alamin ang gusto mo sa akin” si Jethro.
“Sige na nga, lalakasan ko na ang loob ko, gusto ko sanang mag-almusal” sabi ni Beauty.
“Sakto, meron pa kaming tirang pagkain sa loob, hotdog at itlog. Kung gusto mo paghahain kita” pag-alok ni Jethro.
“Naku, Papa J, ibang almusal ang gusto ko” pangungulit ni Beauty.
“Badong, ang kulit mong kausap, ah” kunwaring pagtatampo ni Jethro.
“Papa J, huwag ka ng magtampo, sasabihin ko na kung ano ang gusto ko. Gusto ko sanang almusal ang hotdog mo” sabay turo ni Beauty sa pagitan ng hita ni Jethro.
“Yun lang pala, saan tayo?” tanong ni Jethro.
Natulala ni Beauty.
“Badong, anong nangyari sa’yo, tinatanong lang kita kung saan mo gustong kaiinin ang hotdog ko” sabay sampal ng mahina sa pisngi ni Beauty.
“Aaaaaaaaaaaaaaaaayyyyyyyyyyyyyyyyyyyyyy!!!!!!!!!!!!!!” sigaw ni Beauty.
“Huwag ka ngang sumigaw, umagang-umaga ginagambala mo ang lugar natin” pagbawal ni Jethro.
“Masaya lang ako, tignan mo with matching teary-eye. Sa tinagal-tagal ng panahon na inaasam kita, sa wakas matitikman din kita. Ako na ang Reyna ang Umagang ito” masayang sabi ni Beauty.
“Hindi pa ako naliligo” sabi ni Jethro.
“Carry lang iyan, kahit hindi ka bagong gising ka, mabango ka pa rin. At baka magbago pa ang isip mo kapag nabasa ang ulo mo” hirit ni Beauty.
Hindi rin alam ni Jethro kung bakit siya pumayag sa gusto ni Beauty, sa tagal na nilang magkapitbahay ay madalas siyang kinukulit ng bading, sa bawat kita niya dito, mapa-umaga, tanghali, o gabi, walang sawa siyang kinukulit. At sa pagkakataong ito ay pumayag siya, siguro dahil na rin sa mga nangyari sa kanya sa mga nakaraang araw, simula sa paghabol ng mga pulis sa kanya, sa palaging pagpasok ni Matteo sa utak niya hanggang sa problema sa pamilya.
“Badong, gising” sabay pagtampal-tampal ng mahina ni Jethro sa pisngi ng naka-siping.
“Aaaaaaaaaaaaaaaawwwwwwwwwwwwwwwwww!!!!!!!!!!” sigaw ni Beauty.
“Kapag hindi ka huminto susuntukin kita” pagbawal ni Jethro.
“Papa J, sige hihinto na ako. Para akong sawa nito, kahit hindi ako makipag-sex ng ilang buwan busog pa rin ako” masayang sabi ni Beauty.
“Pang-rampa mo” sabay abot ng isang libo ni Jethro kay Beauty.
“Papa J naman, huwag na, bawing-bawi na ako sa ginawa natin” pagsoli ng pera ni Beauty kay Jethro.
“Sige, alis na ako” paalam ni Jethro kay Beauty pagkatapos niyang magbihis.
“Papa J, sandali lang” paghabol ni Beauty.
“Bakit na naman, ano pang gusto mo, binigay ko ang lahat-lahat sa’yo” inis na sabi ni Jethro.
“Eto naman, susulitin ko na, pwede pang humingi ng isa pang halik?” paki-usap ni Beauty.
“Sige, basta siguraduhin mong walang nakaka-alam ng ginawa nating ito” pagpayag ni Jethro.
“Oo, makaka-asa ka” sabi ni Beauty, sabay halik sa labi ni Jethro. “Performance level ka, to the third level, dahil naka-tatlong round tayo. Hinding-hindi ko makakalimutan ang araw na ito, I’m so happy. Paalam, Papa J” huling hirit ni Beauty.
Umuwi si Jethro para maligo. Hindi niya inaakala na masisiyahan din siya sa nangyari sa kanila ni Beauty, pero pinangako niya sa sarili niya na hindi na mauulit iyon.
Kagaya ng nakagawian, sinamahan niyang manood ng cartoons ang mga makukulit niyang pinsan at dahil wala silang pasok sa Day Care ay pinasya niyang ipasyal sila at ilibre sa paborito nilang fastfood. Sobrang tuwa din ang nararamdaman niya kapag naririnig niyang nagtatawanan ang mga pinsan niya. Nang mapagod ang mga bata ay nagpasya na siyang inuwi ang mga ito para makapag-pahinga na sila.
“Jethro, bukas na lang iyong bayad ko sa utang ko” sigaw ng isang kapitabahay nila habang naglalakad.
“Sige po, walang anuman basta alalahanin ninyo na madadagdagan ang interest” biro ni Jethro.
“Kuya, saan na pala iyong pinapa-gawa kong project sa’yo?” tanong ng high school na estudyanteng nakasalubong niya.
“Bukas kunin mo sa bahay” sagot ni Jethro.
Sanay na si Jethro sa ganito, sa tuwing naglalakad siya ay laging merong pinapaalala ang mga kapitbahay niya, mula sa mga pautang hanggang sa pag-ayos ng sirang tubo sa banyo nila. Sa ngayon ay papunta siya kina EA, may konting salo-salo sila doon.
“Surprise!!!!!” sigaw ng mga kaibigan niya pagbukas ng pinto ng apartment ni EA.
“Ayos, na-surprise ako sa inyo. Akala ko ba despedida ni Dyne ito?” tanong ni Jethro sa mga kaibigan.
“Eto naman, hindi na mabiro. Ikaw na lang kasi ang hinihintay namin kaya naiisipan ka naming i-surprise kahit hindi dapat” biro ni Franco.
“Tama na iyan, simulan na ang inuman” pagyaya ni EA.
“Tikman ninyo muna ang niluto ko” kunwaring pagtatampo ni Aerel.
“Asus, alam mo namang hindi kami gaganahang uminom kung hindi namin natitikman ang masarap na luto mo” pag-alo ni Jethro kay Aerel.
Pagkatapos kumain ng magkakaibigan ang sinimulan na ang inuman at kagaya ng dati ay hindi mawawala ang pagkanta ni EA.
“Brads, bakit nag-iisa ka dyan?” tanong ni Jethro kay Dyne na nasa likod ng sofa.
“Emo lang, mami-miss ko ito, ang mga gimik natin, ang mga inuman, at siempre kayo” malungkot na sabi ni Dyne.
“Siempre ikaw rin, mami-miss namin. Kung malungkot ka, ano pa kayang mararamdaman namin. Hindi pa nga natin nahahanap si Goji tapos iiwan mo pa kami” sabi ni Jethro.
“Ayaw ko naman sanang magtrabaho sa ibang bansa, kaya lang sayang ang offer. At dahil na rin sa paki-usap ng magulang ko na magsama-sama na kami doon kaya pumayag na rin ako. Pasensya na talaga” si Dyne.
“Walang kaso iyon, alam ko naman na darating din ang oras na magkakahiwalay tayo, pero tandaan mo na maraming paraan para ma-contact kami. Huwag mo kaming kalimutan kahit na maraming ibang lahi na nagpapamasahe sa’yo doon” biro ni Jethro.
“Oo naman, kayo pa, makakalimutan ko muna ang pangalan ko bago ko kayo makalimutan” sabi ni Jethro.
“Kumusta na pala si Matteo?” tanong ni Dyne, na biglang tumigil sa pagkanta si EA.
“Dyne, mami-miss ka namin” sigaw ni EA sa mic.
“Wala na akong kasamang magyo-yoga” sabi ni Franco.
“Dyne, mag-ingat ka doon. Kapag meron kaming gimik, sasabihan ka pa rin namin” si Aerel.
“Tama na ang drama, group hug na” sigaw ni Jethro.
Itutuloy...
Labels:
Gwapito's By Night
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
3 comments:
Incomparable writing Ben. :)
hi ive been reading a lot of stories already, yung mga bago at di pa tapos pati na ung tapos na,, but here.. sa GWAPITO'S BY NIGHT,,
i thought dyne was ulila?? bat sa pupunta ng america makasama parents nya?? tsaka nung first chapters... sabi nakapunta si aerel sa bar, tapus ng umaga nagkita sila ni gojie??? tapos ng celebration sa bahay ni aerel sabi wala si franko tapus ka-inuman pala at lasing... nakakagulo
though alam ko matagl na story na toh..: pansin ko walang maayos na setting and time plot at sequence ng mga pangyayari.. nakakalito promise... tapos may mga characters na nagsusulputan tska eksena na malabo...
It was different time frames honey.
Post a Comment