CHAPTER 13 (HOME)
It was a soft yet very warm kiss. At ang init na nagmumula sa labi nito ay tumutupok at gumagawa ng landas sa kaibuturan ng kanyang pagkatao. Monty found himself kissing the stranger back. The man groaned and ended the kiss abruptly. Hindi agad siya nagdilat ng mata. Ninamnam niya ang sarap na dulot ng mga labing iyon. Kahit man lang sa huling pagkakataon.
"Pet..."
Napangiti siya sa endearment na iyon. Sinasabi na nga ba niya. It was Orly. The man who dared kiss him even if it was in broad daylight. He could also smell him. Tinatalo ng amoy nito ang sariwang samyo ng hangin. Banayad ang dampi ng natural nitong halimuyak. He really smelled like the woods and of mists.
"Pet... are you okay?"
Monty hummed his answer. Still with his eyes closed he reached for the face above him. He could feel Orly's heat. He breathed to his palm. Gumapang ang init sa kanyang katawan at nagtapos iyon sa ibabang bahagi ng tiyan niya. Natakot na naman siyang magdialt ng mata.
Ayaw niyang magbukas ng mga mata sa takot na traydorin siya ng puso. Sa takot na hindi mapaglabanan ang sariling damdamin. Aminado naman siya, pagdating sa lalaking ito, He would defy heaven and earth. Not even gravity can withstand his will. Ganoon niya ito kamahal.
"Pet..." marahang yugyog nito sa kanya.
"I'm okay Orly." he whispered softly.
He could feel his ragged breathing. The intensity of their nearness was almost intolerable. Ngali-ngaling tawirin niya ang pagitan ng kanilang mga mukha para pagbigyan ulit ang sarili sa isa pang halik. One last kiss and he would face his demons. Para makawala na rin sila ng tuluyan sa larong pinasok nila. Yes, it was all but games. The games that they played really well.
"Kiss me Orly, and then we will talk." he commanded to man above him. Hindi naman siya nagdalawang-salita dahil sumunod agad ito. Kung may makakakita sa kanila ngayon, siguradong ma-i-eskandalo. Pero wala siyang pakialam. It was what he wanted at the moment and he was definitely getting it.
Orly's kisses somehow felt different than before. He could feel passion. Pain. Need. Para bang nanghihingi ng mas marubdob pang pagtugon. Gustong magwala ng kalooban niya at haklitin ito sa batok pero mas dumiin ang paghalik nito pero hindi niya ginawa. Hindi dahil sa ayaw niya. Kundi, baka hindi na siya bumitaw at ganoon na lang ang gawin nila maghapon. Subalit, ang hindi niya nakayang gawin ay siyang ginawa ni Orly. Itinigil nito ang paghalik sa kanya na nagpadilat sa mga mata niya.
"W-why?" nalilitong tanong niya. Tila nananakit ang batok nitong lumigid para magkaharap sila.
Now that Orly was in front of him. He could see clearly why he loved him so much. His heart only belonged to him. And not even a thousand of Ronnies can make him have a change of heart. Ganoon yata talaga ang pag-ibig. Pagdating sa taong mahal mo, hindi ka marunong kumilala ng rason. Kahit pa nagdesisyon na siya na lumayo dito, isang halik lang nito, wala na naman ang sama ng kanyang loob.
"Hep! Hep! Umaarte ka na naman ng di tama!" Ayan na naman si Rubi, ang kontrabidang parte ng isip niya.
Unti-unti, nagiging entity na ito. Natatakot siyang bigla na lang itong sumulpot isang araw at i-claim ang buong pagkatao niya.
Enough of Rubi. Let's go back to Orly. Please? (Aba, sumasagot sa author? Shutah ka ah!)
"Kung hindi ko pipigilan ang sarili ko ay baka kung ano ang magawa ko." His eyes were so dark with desire.
Napalunok siya. Desire? He couldn't possibly desire him. After-all he told him that.
"C-cut the bullshit Orly. You can't mean those words. Remember what you told me the day I begged to you? Na babae ang talagang gusto mo. Paanong kailangan mong magpigil ng sarili kung hindi naman ako babae." bitter niyang sabi.
Napabugha ito ng hangin. "Yeah. I remember saying that. But times have changed Pet. People change. Thing change. Wala ba akong karapatang magbago ng isip?" frustrated na sabi nito.
Nanlaki ang mata niya sa sinabi nito? Was he professing something? Anong ini-insinuate nito?
"Lalaki ka Orly. Straight for that matter. Babae lang ang may karapatang gamitin ang salitang pabago-bago ng isip. Ako, bakla ako. Entitled din ako doon kasi... kasi... well, bakla ako." muntikan na siyang pumiyok sa mga salita niya. Kinailangan niyang tumingala para pigilan pansamantala ang luha sa pagbagsak.
"Ssshh... Don't cry Pet." masuyong sabi ni Orly na akmang lalapit sa kanya.
"Huwag kang lalapit!" Aniyang tinitingnan ito pailalim.
And he stopped. His eyes showed pain. "Anong pwede kong gawin para maniwala kang gusto na rin kita?"
"What?" napatingin siya dito.
"Hindi naman siguro nakakabingi iyon Pet di ba? Gusto kita." he admitted with that maddeningly sexy grin.
Napapikit siya ng mariin saka muling dumilat. It was real. Orly was telling him he liked him. Monty almost melted and controlled his urge to cross their meter of a distance and put his arms around Orly's neck and kiss him until he ran out of breath. He wanted to kick his own ass at the thought.
"Do you think I can forgive you just like that by saying you like me? Ganoon ba ka-gullible ang tingin mo sa akin Orly? How dare you!" mas pinanaig niya ang galit sa sarili. Mas okay iyon. Para di naman siya magmukhang sobrang nakaka-awa.
Orly sighed then smiled again. Napaparalisa na ang katawan niya kakapukol nito ng mga ngiting kinabaliwan niya noon. At ogag siya kung di pa siya madadala doon.
"You have forgiven me already Pet. Sigurado ako dun."
"Huh! You're so full of yourself Mr. Diamond. Paano ka naman nakasiguro aber?" Monty's eyes wide and his arms akimbo. He can't believe Orly's cockiness. Parang siguradong-sigurado na napatawad na niya ito.
"Hindi pa nga ba?" epal ni Rubi.
"I kissed you a while ago." Orly said grinning mischievously.
"So?"
"You kissed me back. Really kissed me back."
Natameme siya. Oo nga pala. Iyon nga pala ang eksena nila kanina. At sa pagkaalalang iyon ay biglang nag-init ang pakiramdam niya.
"Inalala mo no?" tudyo pa nito as if nababasa ang nasa isip niya.
"Eh ano ngayon?" pilit na pagtataray niya.
"It was just a kiss Orly. A simple meeting of our lips and tongues. Nothing more. Nothing less. Besides hindi na kita gusto."
"Sure ka? Kasi ako, matigas pa rin ako mula sa kiss na iyon." sabi nito sabay tingin sa ibabang bahagi ng katawan. Napadako rin ang tingin niya doon at laking-gulat niya ng makitang may malaking bukol nga sa crotch area nito. Napalunok na naman siya.
"You want to have a glimpse of it Pet?" malanding sabi ni Orly na nagpabalik sa katinuan niya.
Umingos siya. "Nah. I'd rather have Ronnie's."
Nagulat siya ng inisang hakbang nito ang pagitan nila at mariin siyang hawakan sa braso na nagpatayo sa kanya. The brown of his eyes were a shade darker because of the sudden fury.
"N-nasasaktan ako Orly."
Tila natauhan naman ito saka siya binitiwan. "I'm sorry." saka ito tumalikod.
"Sorry?" nahimas niya ang medyo nasaktang braso. "What are you saying sorry for Orly? Ang tangka mong pananakit sa akin ngayon lang? Ang panloloko niyo sa aking magpinsan? Ang paggamit mo sa akin laban sa kanya? O ang pagpapaniwala mo sa aking mahal mo ako kahit hindi totoo? Ano... doon?" tuluyan ng naiyak na sabi niya.
"Pet..."
"What can your sorry do Orly?" mapait na sabi niya.
Ang lahat ng sakit na nararamdaman niya nitong mga nakaraang araw ay tila dam na nabuksan at walang patid sa pag-agos. All at once. Lahat ng mga bagay na gusto niyang sabihin na hindi niya nasabi ng makipaghiwalay siya rito ay tila newsfeed na tuloy-tuloy at walang humpay na pumapasok sa isip niya.
"I loved you Orly. To destruction. Ano pa bang pakay mo at bumabalik ka pa?"
Nilingon siya nito. Nakita niya ang pagdaan ng sakit sa mga mata nito. Parang may nagpapahirap din sa kalooban nito na hindi niya mapaniwalaan. Paano nito nakkuhang umarte na nasasaktan gayong siya ang ayaw patahimikin nito?
"I only want to be with you Pet. Iyon lang." malungkot na sabi nito.
"Tell that to the marines. You asshole!"
"I guess I'll let that slip."
"What? Ikaw pa may ganang magalit na minumura ka?"
"If only you would listen, malalaman mo kung bakit ayaw kitang patahimikin ngayon. Please Pet. Just let me explain. Kung pagkatapos nun at hindi mo matanggap ang sasabihin ko, only then I will leave you i peace."
Nabagabag naman siya sa pagsusumamo nito. Ang sinseridad ay damang-dama niya sa pakiusap na iyon.
He-sighed. "Okay, explain."
"Thanks." Lumapit ito at umupo sa bench. Biglang naging nostalgic siya at naalala ang mga pagkakataon na magkasama sila at nakaupo rin sa bench na naging saksi ng masasayang araw nila. AY hindi pala ng mga inakala niyang masasayang araw nila ni Orly.
Pinagpag nito ang katabing espasyo. "Sit down Pet. Promise, I won't touch you." nagtaas pa ng kamay ito. "But not if I can't help it." he jokingly added. Inirapan niya ito.
"Ronnie and I are cousins. Sa mother side na kaya magkaiba kami ng apelyido. Our Lolo used to spoil us kaya naman ng lumaki kami, nagkaroon kami ni Ronnie ng silent war. At iyon ay ang makuha ang undivided attention ni Lolo." panimula ni Orly.
"How childish!" hindi mapigilang komento ni Monty sa narinig.
Orly chuckled from his sarcasm. "You bet."
"So what happened?"
"Nung high school kami. I had a girlfriend. Dahil payat pa ako nun at si Ronnie ay medyo on the bulky side, na-attract sa kanya ang girlfriend ko. Nahuli kong hinahalikan siya nito na nauwi sa suntukan naming magpinsan. Nagpaliwanag siya, yung girlfriend ko raw ang humahalik at hindi siya tumutugon. He was only too gentleman para itulak ito palayo. Though he admitted that he enjoyed the thought of having my girlfriend in his arms. Since then, ginawa ko na ang lahat ng makakaya ko para sirain siya. But I always fail. Until you came in the picture."
"But Ronnie said he's Bisexual. Totoo ba yun?" curious niyang tanong.
"Yes. I caught him with a man too. Don't you think its too ironic that I always end up catching him instead of getting even with him? Ilang beses ko ng hinamon yang si Ronnie, pero hindi pumapatol. Sabagay. I could only give him a decent fight considering he's a black-belt."
Natawa siyang kaunti. "Paano akong napasok sa eksena Orly?"
"I caught him again. Watching you from afar. His eyes were shining habang tinititigan ka sa play ninyo. Iyong "The Taming of the Shrew."
"From there you assumed that Ronnie's got the hots for me? Parang ganoon ba?" napangiwi siya sa sariling kayabangan.
"Conceited aren't we?"
"Kumpara sa kayabangan mo Orlando. Magkwento ka na nga lang." he said blushing.
"Well, nalaman ko na may gusto siya sa'yo ng marinig ko siyang ipinagtatanong kung ano ang pangalan mo at kung anong kurso mo. You know, the stuff that you do kapag interesado ka sa isang tao."
"Then?"
"That's when I decided na kukunin ko ang atensiyon mo. Swerte pa na crush mo ako kaya naging madali ang lahat."
Naalala niyang bigla ang sirkumstansiya ng pagkakalapit nila. It really was too good to be true.
"But what about the frat master's order? Nakapa-conincidental naman nun sa pakay mo."
"Tama ka. I used that as a tool, para kung sakaling ibi-break na kita ay iyon ang dahilan na magagamit ko."
Para siyang sinapak uli sa tuwirang pag-amin nito.
"You're cruel Mr. Diamond." tanging nasabi niya.
"Yeah."
"What now? Do you think by admitting all of that ay mapapacify mo ang kalooban ko? And by saying na gusto mo rin ako? Ganun ba ako ka-estupido sa paningin mo?" nagiinit na naman ang matang sabi niya.
"No."
"Then why?"
"I was hoping you'll reconsider Pet. Kahit ako naman ang pahirapan mo."
Natigilan siya.
Ang ganda mo teh. Ikaw na nga.
"I don't know what to believe anymore Orly. Aaminin ko. A part of me wants to take your offer. Pero para saan? Para ma-redeem ko ang sarili ko? No effin' way Orly."
"I knew you'd say that." malungkot na sabi nito saka tumayo.
"But for the record. Ayokong-ayoko na makitang umiiyak ka Monty. Lalo pa at ako ang dahilan ng pag-iyak mo. I guess ito na ang karma ko sa pangloloko at pangbabalewala ng pagmamahal mo."
Lumakad na si Orly palayo sa kanya. Para namang ang bigat-bigat ng kalooban niya sa ginawa nito.
O ngayon may ganyan kang emote. Kaloka!
Napangiti siya sa reyalisasyon. Bakit nga ba pinahihirapan pa niya si Orly eh sinabi na nga nitong gusto na rin siya nito?
With Orly walking away from him, he felt a strong stab on his chest. Pero wala na siyang maramdamang sakit. Kasi hawak pa nito ang puso niya. Orly is walking away with his heart.
"Orlando Diamond."
He stopped on his tracks. Naghihintay ng susunod niyang sasabihin.
"Kung gusto mo rin ako, bakit ka lumalayo?"
Slowly, Orly turned to him with anticipation in his brown eyes. Hesitant ang hitsura pero mukhang punong-puno ng pag-asa. He decided to played with it a little. Aba! Hindi birong luha ang iniyak niya sa tinamaan ng magaling na ito.
"Does it mean, gusto mo pa rin ako Pet?"
Monty smiled from the endearment. Parang hinaplos ng mainit na kamay ang puso niya. Teka? Paano niya naramdaman iyon kung na kay Orly pa ang puso niya? Weird.
"I don't like you Orly. I loved you. Pero noon iyon."
Parang pinagsakluban ng langit at lupa ang hitsura nito sa narinig. Napabugha ito ng malakas. "Oo nga mahal mo ako noon."
"At hindi ba tinanong mo ako kanina kung ano ang gusto kong gawin mo para maniwala ako na gusto mo rin ako?"
Tumango ito.
"What are you willing to do Orly?"
"Anything. Just ask me to."
"Then why are you walking away?"
"Pet..." Orly sighed helplessly. "I'm walking away kasi hindi ko kayang makita na parang ayaw mo ng hawakan kita. I'm walking away kasi ayokong marinig na hindi mo na ako gusto. Na hindi mo na ako mahal. Aaminin ko, nagkamali ako. Pero ng lumayo ka sa akin, ilang araw pa lang parang mabaliw-baliw na ako. It was only then na na-realize ko na gusto na pala kita. Itinatanggi ko lang sa sarili ko kasi, imposible naman na magustuhan din kita kasi parehas tayong lalaki."
Naantig ang puso niya sa sinabi nito. Pero konti pa. Papakilig muna siya ng husto. Babawi siya.
"Nakalimutan ko bang sabihin sa'yo? Na kapag ako ang nagustuhan mo, mahirap akong kalimutan."
Napangiti ito ng mapakla. "Maybe you're right. Kasi the moment na nakipaghiwalay ka, it was like you took my heart with you."
Napapikit siya sa narinig. So, nasa kanya ang puso nito. Habang ang kanya ay naririto. Funny how fate weave its magical thread para paglapitin ulit silang dalawa.
"So Monty, what do you want me to do?"
"Stay. And never leave my side again Orly."
"What?"
"You heard it."
Nagmamadali itong lumapit sa kanya then took him to his arms and kissed him. A wild and wet kiss. It was like coming home. He was home, finally.
"Don't ever hurt me again Orly. Baka hindi ko na kayanin ang kasunod." saka siya humilig sa dibdib nito.
"I won't. I'll try my best not to hurt you again. Hindi ko kasi kayang makitang umiiyak ka. Huwag mo na ring sasabihin na ayaw mo na sa akin, kasi gagawin ko ang lahat ng kaya kong gawin para ibalik ang damdamin mo sa akin."
Napangiti siya sa sobrang saya. Yumakap na siya dito ng tuluyan para lang biglang bumitiw ng may maalala.
"Huwag ka ng magtangkang lumayo ulit Orlando. Malilintikan ka sa akin."
Orly chuckled. "Takot ko lang na iwan mo ako. Ako nga ang natatakot kasi hindi ba madali kayong magsawa?" medyo insecure na sabi nito.
A shadow of smile crossed his eyes. "Never." "Kung iiwan mo ako ulit Orly ay aalis na ako ng tuluyan dito sa San Bartolome."
Inilayo siya nito ng bahagya at tinitigan. "Bakit?"
"Because if I can't have you I can't be reminded of you all the time dahil mababaliw ako kakaisip sa'yo. Kailangan kong lumayo para masigurong intact pa ang katinuan ko."
Bumakas ang kaligayahan sa mukha nito. Para namang inilipad siya sa alapaap ng makita iyon. He finally have Orly's heart. Only his for the taking. And for his heart-warming confession, Monty was rewarded by an equally heart-warming kiss.
isang tikhim ang nagpatigil sa kanilang halikan at ka-echosan. Nabungaran nila ang nakangiting si Jordan at ang madilim ang mukhang si Ronnie at isang mukhang anime na lalaking may hawak na camera at hawak ni Ronnie sa kwelyo.
"Guys!" masayang sabi niya sa mga ito.
"This is not a lovers lane!" his friend reflected his own happiness.
"Ngayon lang naman." natatawang sabi niya.
"I'm happy for you friend."
"Thanks."
Tumalikod si Ronnie. Hila-hila pa rina ng lalaking mukhang anime na hawak nito.
"Hey! Stop it already. Nagkaayos na sila o!" reklamo ng pobre kay Ronnie.
"Magdusa ka! Kinuhanan mo sila ng litrato ng walang paalam pati ako tapos nilagay mo sa school paper. That's invasion of privacy." kalmado ang boses ng pinsan ni Orly.
"Hey! That's my job. Saka ano bang ginagawa sa camera? Hindi ba at ginagamit para makakuha ng picture?" pamimilosopo nito.
"Yeah right." "Hey Orly." tawag nito sa pinsan kahit nakatalikod at huminto pansamantala sa paglalakad.
"Bakit?" sagot ng nobyo niya.
"Ingatan mo si Monty."
"Hindi mo na kailangang sabihin iyan."
"Ipinapaalala ko lang." Saka ito nagpatuloy sa paglalakad.
"Ronnie..." tawag niya rito.
"Yep?"
"Thanks. For whatever it's worth."
"Yeah."
"And can you take your hands off me now?" epal ng atribidang lalaking dahilan ng publicity ng break-up nila ni Orly.
"Hindi pa." saka ito kinaladkad ulit ni Ronnie.
"Who's that guy?" tanong niya kay Jordan.
"Si Jay. School photographer natin. Friend siya ni Friea."
"Ah..." ang tanging nasabi niya.
"At ngayong ayos na kayong dalawa, pwede ko bang hiramin muna itong friend ko at may scenes pa kaming tatapusin para sa Dyosabog?"
"Ay oo nga pala. Sorry friend. Pati ikaw naabala ng pagkabaliw-baliw ko."
"Okay lang. Kahit naman ako maaaning kung may dalawang hombreng hunkylicious at papalicious ang mag-aagawan sa akin. Lumevel-up na ang ganda mo friend."
Natawa silang dalawa ni Orly sa sinabi nito. Indeed it was a roller-coaster ride. Nakakahilo ang naging adventure nila. But it's worth it. Lahat ng sakit. Lahat ng pait. Lahat ng iyon wala na. At ngayon, totoo na silang dalawa ni Orly sa isa't-isa.
"Pwede bang bukas na lang Jordan?" tanong ni Orly sa kaibigan?
"At bakit Dyamante?"
"Babawian ko muna itong isang ito. Siyempre, isang linggo rin kaming hindi nagkita. Marami-rami itong naipon ko." makahulugan nitong sabi.
"Tse! Kinu-corrupt mo ang kadalisayan ng isip at pagkatao ko. Humayo na kayo at magpakahalay!"
"Mismo!" natatawang sagot ni Orly.
"Siyang tunay friend." dagdag pa niya.
"Mga imoral!"
Napuno ng tawanan ang bahaging iyon ng parke. Mahigpit siyang kumapit sa braso ni Orly at tinahak ang daan papunta sa bahay ng mga ito. Marami pa silang dadaanang pagsubok pero kapit-kamay nila iyong susuungin. Sa ngayon, gusto na rin siya ni Orly, okay na siya doon. gagawan na lang niya ng paraan ang fairytale niya na maging totoong happy-ending.
A girl can dream so can he. Walang imposible sa mundong ito kung totoo ka sa sarili mo. Lahat naman nabuhay sa pangarap. He was only lucky that his dreams came true. At sana yung piping hiling din ng ilan ay magkatotoo.
He sighed dreamily. He was the martyr, the stupid and the flirt after all. :)
FIN
4 comments:
wow mamaD ang ganda ng ending huh.. I really love it! worth talaga ang pag hintay ko sa last chapter na eto! hehehe.. take care & more power to you! c",)
Earl
Salamat Earl... :)
my gosh,,,, so brilliant and wonderful fairytale ending story....nakakabaliw talaga.... ang galing galing talaga.... i really love it.... more power sa you.... and god bless....thank you so much ...
ramy from qatar
Thanks for writing this great story Ms. D and to your friends for sharing their story. Ganda, parang hirap paniwalaan na may mga ganito talagang mga kwento pero sabi mo nga "Walang imposible sa mundong ito kung totoo ka sa sarili mo. Lahat naman nabuhay sa pangarap. He was only lucky that his dreams came true. At sana yung piping hiling din ng ilan ay magkatotoo."
Sana lang may translation mga usapan nila Jordan at Monty, dumugo utak ko sa pag decode haha. Si Ronnie nga pala, ano na nangyari?
Post a Comment