Sunday, May 19, 2013

INCORRIGIBLE VERSION 1: CHAPTER 6

 photo lunapic_13676041329098_4_zpsfd0a81b8.jpg

CHAPTER 6

            “Where are we going?”
            Tanong ni Michael kay Paul na busy sa pagmamaneho. Kanina pa niya ito tinatanong ngunit iisa lang ang isinasagot nito sa kanya.
            “Secret. Just sit there, and relax.” Anito na kinorohan na niya.
          Inaasahan na kasi niyang iyon ang isasagot nitong muli, ngunit ang hindi niya inasahan ay ang pagnakaw nito ng halik sa kanya na dahilan para bahagyang mag-swerve ang sasakyan at matakot siya ng bahagya.
            “Paul!” sigaw niya sabay suntok sa balikat nito.
            “Aray!”
            “That’s what you get for kissing me in broad daylight!”
            Natatawang hinimas-himas nito ang brasong nasaktan. “Wala naming makakakita sa atin. Tayo lang ang nasa daan. Wala tayong kasalubong. Saka anong broad daylight ka diyan? Pasikat pa lang ang umaga, O!”
            Napalinga rin siya sa paligid. Wala nga siyang nakikitang mga bahay o tao sa paligid. Wala ring mga sasakyan na kasabay ang sinsasakyan nila. Kumbinyente para sa isang magnanakaw ng halik.
            With that in mind, he retaliated by kissing Paul on his cheeks.
            “Whoa!” ani Paul na kunwa’y gulat na gulat at pabirong nilaro ang manibela upang gumiwang-gewang sila ng bahagya. Natatawang hinila niya ang manibela pakanan at inabot ang preno bago iyon madiin na inapakan.
            Nang makahinto ay hinaklit niya ito sa batok saka hinalikan ng mariin. He clung to Paul’s nape leaving him with no choice but to surrender to his advances… sweetly.
            Halos pangapusan na sila ng hininga ng tanungin niya ulit ito.
            “Saan tayo pupunta?”
            Ravished from his kisses and taking the time to return to his normal breathing, Paul smiled and stared longingly at him and said.
            “It cannot be spoiled. I searched for it in Google and it was a good place. I want it to be special for us. When we get there, we’ll throw anything and everything behind us and think about only me and you.”
            Muntik-muntikan ng mapasinghap sa napaka-sweet na deklarasyon na iyon si Michael. Hindi halata sa hitsura niya ngunit napaka-mushy niyang tao. Ang maliliit na action ng sweetness at thoughtfulness ay hindi maaaring hindi makapag-paiyak sa kanya.
            At iyon siya. Hirap na hirap magpigil kung ano ang magiging reaksiyon sa sinabing iyon ni Paul. Ayaw niyang magmukhang engot sa harapan nito.
            “Paul…”
            “Yes, babe?”
            “Is it raining? Nababasa kasi yung mata ko. Di ko alam kung bakit. Umuulan yata,” ani Michael.
            “Oh babe!” said Paul while embracing him.
            Nanamnamin sana niya ang pagkakataon nang makarinig sila ng ugong ng paparating na sasakyan. Isa iyong bus. Agad nilang inayos ang mga sarili at pinaandar ang sasakyan bago sila madaanan at mapansin ng mga lulan niyon.
         

            “DITO na ba yung sinasabi mo?”
            Nababasa niya ang karatula ng Buruwisan Falls sa itaas ng isang poste na tumutumbok sa isang daan pababa na kaonektado sa mismong highway n dinaanan nila.
            “Oo. Nandito tayo sa Sinuluan.” Sagot ni Rodgie sa tanong niya.
            Inilibot niya ang tingin. Halos mag-uumaga na. Walang tao sa paligid maliban sa kanilang dalawa. Busy ang kasama niya sa paghahanap ng flash-light na dala nila. Nang madako ang tingin niya sa di kalayuan ay may dalawang lalaki na naglalakad palapit sa kanila.
            “Rodgie, tingnan mo. Mukhang may makakasabay tayo sa pag-akyat.”
            Nilingon nito ang tinutukoy niya at napangiti.
            “Mukhang maganda ang magiging pag-akyat natin dito, Jon.”
            “Mukha nga.” Sang-ayon niya.
            Nang makalapit sa kanila ang dalawang lalaki ay binati niya ang mga ito. “Kumusta mga, Sir?” aniya sabay mabilis na pinag-aralan ang mga ito. “Aakyat kayo?” tanong niya kapagkuwan.
            “Oo, Sir. Kabababa niyo lang ba?” tanong ng mas matangkad habang ang isa naman ay may katangkaran din at naka-sumbrero. Parang tinadyakan si Jon sa sikmura sa nakitang hitsura ng bibig nito. Pamilyar ang lalaking natatakpan bahagya ang mukha ng sombrero at bahagyang madilim pa sa kapaligiran.
            “Hindi. Paakyat pa lang din kami.” Ani Rodgie.
            “Tamang-tama. Pwede ba kaming makisabay?”
            “Sige ba. First time niyo ba rito?”
            “Oo eh. Kayo ba madalas dito? Teka, parang nakita na kita dati, Sir?” tanong sa kanya nito na ipinagtaka niya.
            “Ngayon lang aakyat siya aakyat dito kasama ako,” putol ni Rodgie sa sasabihin niya. “Ako, madalas ako dito noong bata pa ako.”
            Napakamot ng ulo ang matangkad na lalaki. “Climber ka pala talaga, Sir. Anyway, ako nga pala si Paul. Siya naman si Michael.”
            Nag-alis ng cap ang tinawag na Michael at nagulat siya sa pagkakahawig nila. Hindi sila magkamukhang-magkamukha ngunit may anggulo na pagkakamalan niyang nakatingin siya sa sarili. Hinamig niya ang sarili at pinilit na ngumiti.
            Nagpalitan sila ng pleasantries sa isa’t-isa. Hindi mawari ni Jon kung ano ang nararamdaman niyang kaba sa pagkikita-kita nilang iyon. Kaba na hindi naghahatid ng kilabot kundi pagkasabik. Hindi niya mahintay kung ano ang susunod na mangyayari at di na siya makapaghintay na malaman kung ano iyon.
            Lalo siyang nakaramdam ng kakaibang excitement ng makipagkamay siya kay Michael. Ang lakas ng tibok ng puso niya at ang mabilisang pakikipagkamay sana ay tumagal sa itinakda niyang limitasyon ng hindi niya namamalayan. Magtatagal pa sana ang pagkakadaop nila ng palad kundi sa boses ng dalawang lalaking kasama nila.
            “Halika na. Simulan na natin ang pag-akyat. Siguradong magiging masaya ito,” si Paul na nakangiti ngunit bahagyang madilim ang mukha.
            “Sige, mauuna na kami. Sumunod na lang kayo,” may diing sabi naman ni Rodgie.
            “Ha, eh… sige, mauna na kami.” Si Jon.
         

           TANGING ngiti lang ang isinagot ni Michael sa lahat ng iyon. Sinimulan nilang maglakad kaagad pagkatapos ng nakakailang na eksena. Hindi naman na nagtanong sa kanya si Paul kaya hindi na rin siya nagsalita.
            Pagkalipas ng isang oras ng tuloy-tuloy na paglalakad at pag-akyat ay narating nila ang summit. Halos hindi niya namalayan ang oras sa ganda ng tanawin at dali ng daang tinahak nila paakyat doon.
            “Ang ganda,” ani Michael.
            “Sinabi mo pa.” tinig ni Jon na nasa likuran na pala niya.
            Napangiti siya.
            “Alam mo, pamilyar ka sa akin. Hindi ko lang matukoy kung saan at kalian kita nakita,” pagpapatuloy ni Jon habang nakatingin sa malawak na kabundukan sa harapan nila. “Feeling ko, matagal na kitang kilala.”
            “Ang weird ‘no?” sambit niya.
            Napalingon sa kanya si Jon.
            “Bakit?”
            Tiningnan niya ito saka ngumiti.
            “Ngayon lang kita nakita. Sigurado ako doon. Pero lahat ng sianbi mo kanina, I believed it. As in. Para tayong magkapatid na hindi naman.”
            Nanlaki ang mata ni Jon sa sinabi niya. Natigilan din siya. Saka niya naalala ang isang nilalang na nagsabing mayroon siyang kapatid. Kakambal for that matter. Nagkatitigan pa silang dalawa nito.
            “Ah… eh, solong a-anak lang a-ako,” natataranta niyang sabi.
            Ganoon din si Jon.
            “A-ako din…” nauutal na sagot pa nito.
            “T-tama!” diskumpiyadong sigaw ni Michael na kumuha sa atensiyon ni Paul at Rodgie na nag-uusap sa kabilang dako ng summit.
           
         
            “BAKIT kailangang isabay mo sa amin ang pag-akyat ninyo?” pabulong na anas ni Rodgie. Patingin-tingin sila kina Michael at Jon habang nagkukunwaring nag-uusap at itinuturo ang mga tanawin kay Paul.
            “Eh, bakit ako ang sisisihin mo? Iyon ang usapan di ba? Itong araw na ito ang itinakda ni Karl na papuntahin sila rito.” Ani Paul na ipinadaan sa ngipin ang lahat ng mga sinasabi.
            Napalingon sila kay Michael na sumigaw.
            “Anong tama, Bab- Michael?” awat ni Paul sa sarili. Muntikan na siyang madulas sa totoong estado nila nito.
            “W-wala naman. Napalakas lang ang boses ko. Sorry.”

ITUTULOY...

1 comment:

Anonymous said...

Exciting na ang mga nangyayari. ^_^
Next na po!


-hardhat