Author's Note:
Salamat sa mga nagtiyagang magbasa ng nobelang ito. Inuulit ko, THIS was my SUPPOSED ENTRY sa Book 2 ng MSOB Anthology. I happened to create ANOTHER story of the same title, different plot. Sa mga naguluhan sa kwentong ito, pasensiya na po. A friend of mine told me that this was way different from my previous works. I admit, tama po siya o sila. Ako po ay nag-e-experimento sa ibang genre. I only hoped na nabigyan ko ito ng justice. Saka napansin niyo po ba na maiksi ito compared sa mga pagkahaba-haba kong sinusulat dati? Tama ulit. Nagmamaganda lang po ako na pinagkasya ang 10,000 words sa 8 Chapters kasama na ang Prologue at Epilogue. LOL.
Sana po ay naibigan ninyo ito. Leave your comments below para po malaman ko ang nararamdaman ninyo. It will be a great help for me kung paano ko mapapaganda pa ang pagsusulat ko.
Sa mga nakabasa na nga pala ng IRREVESIBLE sa aming MSOB Anthology: 13 Stories of Love, Hunger and Paranoia (Book 1), SALAMAT!!! I love you all from the bottom of my heart.
Dalisay
EPILOGO
“And that’s all that happened,
Michael,” sabi ni Karl na nasa harapan niya at hawak ang baril na kanina’y
nakatutok dito.
“Tama siya, Michael. Hindi mo
maipagkakailang magkapatid nga tayo. Iisa ang ating ina, si Arnulfo ang iyong
ama, habang si Karl ang sa akin,” si Jon na ngayon ay bumabangon mula sa pagkakabaril
dito ni Karl.
Nagigimbal na napaatras siya.
Tiningnan niya ang buong paligid. Wala na sila sa loob ng bahay ng kanyang ama.
Nandoon na silang lahat sa campsite. Wala na ang mga tent. Tanging ang mga
cottages lang ang nakikita niya. Nagkalat ang mga sulo na nagsisilbing liwanag
sa paligid. Sa lapag ay si Rodgie na nakahandusay at tila wala ng buhay.
Ngunit ang pinaka-imposibleng
pangyayari na nakikita niya ay hindi ang kapaligiran. Kundi ang lalaking
nagngangalang Karl na nagpakilala sa kaniya noon ay kamukhang-kamukha na ni
Paul.
“P-paanong nangyari y-yun? I-ikaw at
si K-Karl ay iisa?”
Natawa si Karl/Paul na nakatayo at
nakasuot ng kakaibang damit. Nang mapansin nitong nakatingin siya sa kakatwang
damit nito ay agad itong umikot at nagpalit ng anyo. Nagbalik ang hitsura nito
sa pagiging Karl na kilala niya.
“That’s more like it,” tuwang-tuwang
sabi nito.
Napaatras na naman siyang muli.
“What’s the matter sweetie? Don’t
you like my real face?” tanong ni Karl/Paul sa kanya as he turned his face back
to Paul’s and licked his face.
“What are you?” nandidiring sambit
niya. Walang humpay ang panginginig niya sa takot. Hindi niya akalaing
mararanasan niya ang mga ganitong bagay.
“Jon, mukhang mas maganda kung
pupunta ka dito, anak ko.”
Tumalima ang tinawag at tumayo
malapit sa kaniya.
“Hold him, Jon. And show me that
special power of yours,” anito sa anak na agad nitong sinunod.
“Jon…” hinang-hinang sabi niya.
“Don’t let it fool you, Michael. My
father is a Trickster. A God. That made me a demi-god. He loves to play tricks
on people.” paliwanag nito.
“Totoo bang magkapatid tayo?”
confused pa rin niyang tanong.
“Oo.”
“And why did he want you to hold
me.”
“So you can have sex with me.”
“That’s absurd!”
“You can say that again.”
“Kailan ka pa naging inglisero?”
“Since I became God?”
“Since when?”
“Kanina lang?”
“How do you kill a trickster?”
“I don’t know. Pero pwede mong
isaksak ito sa puso niya.”
“Are you sure this will work?”
“Trust me. Now hear this.”
“Don’t let it fool you, Michael. My
father is a Trickster. A God. That made me a demi-god. Son of a trickster,”
paliwanag sa kanya nito.
Nagtatakang napatingin si Michael
kay Jon. Parang narinig na niya ang mga sinabi nito. Magsasalita sana siya ng makita niyang kumindat ito at itinuro ang sinturera niya may nakaipit na stake.
Isang matalas na kahoy.
“Jon! What is happening here?” sigaw
ni Karl/Paul na nasa di kalayuan.
“I don’t know father! Mukhang di
siya tinatablan ng kapangyarihan kong mang-akit.”
“Kalokohan! Tingnan ko nga?” anitong
galit na lumapit. “Hindi mo kasi siya hinahawakan ng maayos!”
“Please, father! Alam kong gusto
mong makita ‘iyon’ but can you spare Michael of it? He’s my brother after all,”
paki-usap ni Jon sa ama.
Napangisi ito. Mukhang hindi tinablan
sa sinabi ng anak. "Ayaw mo ba ng ganito? Yung hirap
kang tanggapin ang ginagawa mo kasi nabababuyan ka sa ginagawa mo pero di mo
matanggihan kasi nasasarapan ka. Pilitin mo mang salungatin ang tawag ng iyong
laman, mas malakas pa rin ang dikta ng kakaibang gutom mo,” ani Karl/Paul.
“Oo. Maaaring tama ka. But you see,
it’s different when it involves my brother!” saad ni Jon sabay tulak sa kanyang
ama palayo.
That caught Karl/Paul off-guard and
gave Michael the chance to leap quickly and stab him on the chest!
Hindi makapaniwala si Karl/Paul na
naisahan siya ng mga ito. Ang tagal niyang hinintay ang pagkakataon na makalaro
ang anak ni Arnulfo. Nakuha na niya ang gusto niya noon, ang magkaroon ng anak
sa isang tao. Ang mapagpapasahan niya ng kanyang kapangyarihan. But everything
was now put into waste.
Trinaydor siya ng kanyang anak!
“Ahh! H-hindi maaari ito… Jon…”
mahinang sabi niya.
“Itay… patawad.” Mahinang sabi ng
anak.
“Y-you coward! W-why did y-you
b-betrayed me…”
“I did not. I just made sure you’ll
be at rest.”
“P-para sa ta-taong yan?”
“He’s my brother. And as much as I
would like to call you my father… I hate to say this, you may have been my father
once, but now… you’re just somebody else.”
Michael saw Karl/Paul winced from
those words. He may not have expected it from the son that he harbored through
his crazy games. That’s just the difference between humans and Gods. We knew
how to correct the things that we knew was wrong. While they don’t have a
choice but to live the incorrigible truth and ways of living that they have
since time immemorial.
WAKAS