by Jeffrey Paloma
Unti-unti kong ihinarap ang aking paningin sa inakala kong kinatatayuan ng taong humalik sa aking upang malaman kung sino iyo. Lubos akong kinakabahan na ang alam ko ay ako at si Ron lang ang nasa loob ng kuwarto ng mga oras na iyon at yung binatang bantay na korean lang yung maaaring pumunta sa loob.
Naaninag ko lang ang hugis ng isang matangkad na lalaki na naka luhod malapit sa aking likuran. Hindi ko maaninag ang kanyang mukha sapagkat sa likod niya mismo ang direksyon ng ilaw na kumukutitap at sa pilit kong aninagin ang kanyang mukha ay nasisilaw na lang ako sa biglaang pagpatay at pagkislap ng liwanag. Parang tumingin ako sa araw ng diretso.
Napansing kong unti-untiang lumilinaw ang kanyang imahe habang nagaadjust na ang aking paningin sa biglaang pagkasilaw sa liwanag sa kanyang likod.
Agad akong naupo mula sa aking pagkakahiga sa bisig ni Ron sa aking gulat na makitang si Kevin ay pinapanood lang kami na akala ko noo'y nasa kanilang bahay na siguro ay tulog na dahil malamin na ang gabi.
"Kevin?!?... kala ko nasa inyo ka lang kanina sa kuwarto mo pa nagcoconcert?!..." ang aking tanong sa gulat kong makita siya habang naupo na rin si Ron mula sa kanyang pagkakahiga ngunit nanatiling magkadikit ang mga katawan.
Ngumisi lang si Kevin. Nakaramdam ako ng takot na baka nagduda na siya sa amin ni Ron kaya siya napapunta. Ngunit pano niyang nalaman ang lugar na ito at papano niya nalaman na nandirito kami?
"Kanina pa ako nandito..." pabiro niyang sinabi sa akin... "nakita kasi kita kanina habang nasa kanto ka ng bahay namin.. agad kong kinontak si Ron... sabi kong susundan kita.. Nang mapansin kong sa town proper ka tumungo naisip ko lang na magpupunta kang Tagaytay dahil wala namang ibang pwedeng mapuntahan dito sa lalawigan ng Cavite bukod sa Tagaytay... at sa mga oras na ganito alam kong takot na takot kang maglakad sa mga madilim at liblib na lugar... kahit sa atin nga diba natatakot kang maglakad sa gabi lalo na pag mag mga naggagalang mga aso?..." sabay bitiw ng pilyong ngunit matamis na mga ngiti..
"Swerte lang siguro na tama ang hinala ko kaya kinontak ko na si Ron na pumunta ng Olivarez rotonda dahil alam kong doon sa Santuaryo ka dederecho since ito lang ang gusto nating puntahan nung highschool tayo, diba?" ang paliwanag ni Kevin.
Nilingon ko si Ron na sa aming dalawa naman ay nakatinging nakangiti hanggang tenga na para bang nagwagi siya na ilihim ang lahat ng ito na sinuklian ko ng pagtaas ng aking kanang kilay.
"Sorry na... gusto ka kasi namin sorpresahin ni Kevin eh..." halata sa kanyang mukha ang pagsumamo at hinawakan niya ang isa kong kamay sa magkabila niyang palad at pinipisil-pisil ito. "kaya nga panay ang sorry ko sa iyo diba kanina diba?..."
Tumatawa naman si Kevin sa kanyang narining kay Ron.
"... kaya rin kita niyaya sa Starbucks kanina muna... para makapaghanap si Kevin ng place na malapit doon.. Nang magpunta ako sa CR kanina tinawagan ko si Kevin at sinabihan siya na nasa Starbucks na tayo at para makumpirma na rin na nakahanap na siya ng venue.... kaya rin mabagal ang pagddrive ko kanina kasi... hindi ko rin kabisado ang lugar na to lalo na't gabi na tayo bumyahe.. nagbabakasakali lang ako na mahanap natin ang lugar na ito kasi kung naligaw na tayo kanina for sure busted na plano namin ni Kev..." ang paliwanag pa ni Ron habang patuloy na bakas sa mukha niya ang pagsusumamo.
Tumingin me kay Kevin na may bakas nang pagkainis dahil alam niyang kahit gusto ko ng sorpresa ayaw ko nang nalalansi ako.
"So nung tinawagan kita kanina nandito ka na non?!?.." ang tanong ko kay Kevin na may halong pagtataray na.
"... Ummm.... opo... kanina pa ako nandito.. ako ang nagreserve ng place.." sabay ngiti naman ang pilyong si Kevin.
".. hay nako... ewan!.. ko ba kung magpapasalamat ako dahil masaya ako ngayong gabi at magaang na ang damdamin ko kay Dexter dahil nailabas ko nang lahat ng kinikimkim ko sa kanya o mabubuwisit ako sa iyo Kevin.." ang tuloy-tuloy kong sabi sa kanya sa inis.
"Sorry na po bunso..." sabay biwit ng malungkot na mukha si Kevin sa akin na parang batang napagalitan at nagpapalambing.
Nang tawagin niya akong bunso ay naalala ko ang mga sinabi sa akin ni Ron kanina habang naghuhumagulgol akong parang baliw at nagkakakanta.
"So san mo kinuha yung mga sinabi mo kanina habang panay hagulgol, sigaw, at kanta ang ginagawa ko? Totoo ba iyon..... Ron?... o ikaw ba si Dexter Chua?!?." ang galit kong tanong sa kanya.
"Hindi ah... napressure nga akong mag-isip ng sasabihin sa iyo kanina eh... eh di ko naman alam na kakalabit naman sa damdamin mo mga sasabihin ko... kasi gusto lang kitang makaramdam ng paglaya... naisipan kong gawin nati iyon dahil kung di mo ilalabas yan sa iyo... habang buhay ka na sigurong hahanapin siya.. effective kasi ang reflection na ganoon sa ganyang bagay... kaya nga diba sa mga catholic school may mga retreat?" ang paliwanag ni Ron sa akin.
"Ah... oo nga no?" tama nga naman ang sinabi ni Ron sa akin kahit scripted pala gumana naman yung ginawa niya. "Thank you Ron, ha?" ang nakangiti kong pagpapasalamat sa kanya na nagpangiti na rin sa kanya.
"Kay Kevin ka magpasalamat kasi plano niya lahat ng ito para sa iyo... nakilaro lang ako..." ang kanyang pagpapakumbaba naman sa aking pasasalamat.
Tumingin me kay Kevin habang nanatili ang aking mga ngiti.
"Wala bang "Thank you" jan para kay Kuya Vinvinpoy mo?" ang nakangiting tanong sa akin ni Kevin.
"Salamat... Kevin... maraming maraming salamat.. pakiramdam kong nakalaya na ako kay Dexter... pero.. dahil bakante ang aking puso na ngayon ko lang inintindi at tinatanggap na ..." napatigil ako sa aking sasabihin kay Kevin sa harap ni Ron. Tinignan ko si Kevin.
"Ron.. sorry ha... sana wag kang masasaktan sa sasabihin ko.. gusto ko lang sabihin to kay Kevin... iginagalang at pinahahalagahan kong mabuti ang relasyon niyo at sobrang taas ng tingin ko sa inyo... at masaya akong ikaw ang boyfriend ng matalik kong kaibigan.." ang paliwanag ko kay Ron habang namumuo na ang mga luha sa aking mga mata. Para maihanda na si Ron sa aking sasabihin. Tumango naman si Ron at halata sa kanyang mukha ang pag-unawa at tatanggapin niya ang aking mga sasabihin kay Kevin.
Nag-isip akong mabuti at tinimbang ang mga wiwikain kay Kevin nang humarap na ako sa kanya upang ipagpatuloy ang gusto kong sabihin
"... Kevin... mahal na mahal kita at ngayon masasabi kong higit na pala ang aking pagtingin sa iyo ngayong napatunayan kong napuno ng galit at pait ang aking dibdib... kasama ng takot na mag-isa... ngunit kuntento na siguro ako na kasama kita o si Ron... o kayong dalawa pa..." ang sinabi ko kay Kevin habang tumutulo nanaman ang aking luha ngunit sa pagkakataong iyon ay dulot na ito ng kaligayahan.
Agad naman akong niyakap ni Kevin ng mahigpit at niyakap na rin kami ni Ron. Ang saya ng pakiramdam ko.
Tumigil kami sa aming yakapan ng mahimasmasan na ako sa drama naming tatlo.
"Kevin... Ron... nasabi niyong nirenta niyo ang lugar... at sandamakmak na beer ang inorder mo Ron... ibig sabihin nyo ba ay dito tayo magpapalipas ng papalipasin natin?" ang aking tanong naman para maiba na ang usapan at malaman na kung ano na ang mga susunod naming gagawin.
"Oo dito tayo matutulog bunso kung gusto mo." ang sagot ni Ron.
"Sa bar?!?.." ang gulat ko namang sabi kay Ron at sabay tingin kay Kevin habang bakas sa aking mukha ang pagtataka.
"Ang buong place na ito ay pinaparentahan ng may-ari. Hindi mo ba napansin yung nakalagay na sign nila sa labas bago pumasok?" ang tanong ni Kevin na natatawa.
"Hindi ko napansin kasi mas marami akong nakitang sulat koreano kesa english o tagalog. Nagulat pa ako na marunong naman pala magtagalog yung bantay kinausap pa kasi ni Ro ng korean yung tao.kaya naman panay ang salita ko sa kanya pala ng hapon habang patuloy na bigay pugay sa kanya sa paraang hapon din bago kami pumasok." ang sagot ko naman sa kanya.
Tumawa ng malakas si Ron at nagsabing "Kung nakita mo lang siya kanina matatawa ka talaga ng todo sa pinaggagawa niya... parang timang.. " sabay belat sa akin. Nagtawanan naman ang dalawa.
Napipikon na ako. "Uminom na nga lang tayo..."
Agad akong bumangon at hinila ang isang case papunta sa amin at nagbukas ng isang bote gamit ang aking bibig.
Natulala si Ron sa aking ginawa at napakunot ang kanyang mg labi ng saglit sa kanyang nakita na aking ginawa.
"Aray... biglang nangilo ipin ko sa ginawa mo..." ang nasabi na lang ni Ron na tinawanan naman ni Kevin.
"Ako rin eh nagulat noong una kong makita niyang gawin yan... di ko pa siya nakikitang ginagawa yun dati." ang kwento naman ni Kevin kay Ron
Inabot ko ang bukas na bote ng grade sa gitna nilang pakay kong kumuha na lang sa kanilang dalawa ang kukuha non mula sa akin para masimulan na ang pagtagay.
Nagsimula na ang aming inuman at nagkakakanta kaming dalawa ni Kevin. Hindi talaga kumanta si Ron kahit pilit kong alukin ito dahil ang sabi niya sintunadong singer daw siya at baka magbago tingin ko sa kanya pag narinig ko siyang kumanta.
Nang maubos na namin ang tatlong case ng beer at pare-pareho nang masukasuka at halos di na makatayo sumunod tinawag ni Kevin yung bantay para samahan na kami patungo sa 2nd floor sa aming kuwarto. Magkaakbay kaming tatlong naglakad sumunod sa bantay na koreano. Isang malaking kuwarto na kulay puti ang aking nakita na may limang single bed na magkakalayo mula sa bawat isa. Tipikal na narerentahang tulugan sa Tagaytay. May mga simpleng kurtina na nakasabit sa malalaking bintana nito na tuluyang pinapasukan ng hangin mula sa labas kaya presko ang silid.
"Oh... my... goodness....!! ano na lang ang mangyayari sa amin dito?!?... este sa akin pala... este... sa kanila lang habang kasama nila ako?!?!?" ang biglang pasigaw kong tanong sa aking isip.
"Ron.... Kevin.. Pagdikitin niyo na lang yung kama niyo dun na lang ako matutulog sa kama na nasa sulok dun kayo malapit sa bintana... natatakot ako baka may biglang kumuha sa akin mula sa bintana eh..." ang sabi ko na lang sa kanila upang makaiwas sa mga maaaring maganap.
Natawa naman ang dalawa sa aking sinabi at sinabi ni Kevin sa akin ay "Dito ka sa gitnang.. kama... na lang matulog sa... magkabilang gilid.. kami... ni kuya Ron mo..." na pasinok-sinok pa niyang utos sa akin.
Sobrang bigat na ng ulo ko ng mga oras na iyon at gusto ko na humiga. Tinatamad na rin ako maglakad. Hindi ko na nakotrol ang sarili ko nang biglang bumagsak na lang ako sa sahig ng tarangkahan ng aming silid. Hindi ko naramdaman ang sakit sa sobrang pagkamanhid sa aking matinding pagkalasing.
Kinaumagahan, nagising na lang akong nakahiga na nakadapa sa gitnang kama na tulad ng sabi ni Kevin at ganon din silang dalawa nang matagpuan kong nasa kanang bahagi kong kama si Kevin na nakahilatang matulog at humihilik pa at si Ron naman ay nasa aking kaliwang banda na natutulog din ng nakadapa. Naramdaman ko na lang biglang kumirot ng sobrang sakit ang aking ulo marahil sa hang-over at pagkakabagok ko sa sahid kagabi.
Nagtaka akong mukhang walang nangyari sa dalawa kagabi sa kabila ng kalasingan. Di na baleng nawalan na ako ng malay sana nakuha na nila ang pagkakataong gawin iyon.
Nakatulog na lang ulit ako ng hindi ko namamalayan.
"Jemykoy?.... Jemykoy!.. gising na Jemykoy ko" habang inuuga ako ng taong gumigising sa akin. Boses ni Kevin iyon.
Nang imulat ko ang aking mata ay bagong ligo na siya at si Ron ay nakahiga pa rin sa pusisyon na huling nakita ko sa kanya kanina bago ako ulit makatulog. Hindi na ako nagtaka sa lagay ni Kevin dahil pinlano niya ang mga ito. Kasama naman siguro yung pagdala niya ng kanyang mga damit na noon ko lang napuna na nakapatong pala sa ibabaw ng isa sa dalawang kamang di namin ginamit.
"Kevin.... anong oras na?..." habang nagpupungas ako ng aking mga mata.
"Mag-aala-una na po... baka malipasan ka na ng gutom pag di pa kita ginising para kumain muna. Gisingin na rin natin si Ron." ang seryoso nang pagkasabi ni Kevin.
Dahan-dahan na akong bumangon at tinungo naman niya si Ron para gisingin sa pagkiliti sa kanyang mga tenga.
Naalala kong bigla na parang walang nangyari sa kanila kagabi. "Kuya Vin... di kayo gumawa kagabi ni Kuya Ron ng baby kagabi?" ang malungkot kong pagtanong sa kanya na kanyang tinawanan habang patuloy siya sa pagkiliti sa paa ni Ron na noo'y sinisipa-sipa na ang mga kamay ni Kevin at ayaw pang magpagising.
"Ayaw namin ni kuya mo gumawa ng baby kagabi kasi nandiyan ka... bilang galang na rin namin sa iyo na huwag mangulila sa... kasi wala... " ang bigla na lang na putol niyang pagpapaliwanag sa akin habang biglang napaisip habang patuloy ang kamay niya sa pagkiliti sa paa ni Ron na noo'y gising na at ayaw lang bumangon.
"Tara kain na tayo..." ang sabi ni Kevin kay Ron na naupo na sa gilid ng kanyang kama.
Naligo at nagbihis muna ako sa loob ng CR at ganon din ang ginawa ni Ron. Nang makapaghanda na kami, lumabas kami upang kumain muna. Tinungo namin ang bulaluhan sa gilid ng highway ng Tagaytay tungong Nasugbu. Inihaw na tilapya at liempo ang inulam namin.
Matapos kumain ay nagpunta kaming tatlo sa Adoration Chapel of the Pink Sisters at nagdasal. Sa aming pag-alis sa lugar, napansin ko ang lungkot ng mga mata ng dalawa kong kasama.
"Mga kuya ko... bakit po ang lungkot niyong dalawa? Nag-away ba kayo kanina habang hindi ko alam o nang hindi ko napapansin?" pabiro ko pang tanong sa kanila.
Ngunit pareho lang silang nagtinginan at tumingin sa akin upang ngumiti.
"Solemn lang yung lugar, ipinagpray kasi kita na sana maging tuloy tuloy na ang ligaya mo mula sa araw na ito kasi ayaw kitang nakikitang malungkot." ang sabi ni Kevin.
"Ang akin naman ay sana mapatawad mo na ang mga taong nakasakit sa iyo... na nangloko sa iyo.. at sana kung dumating man ang araw ng pagkikita niyo ni Dexter ay kaya mong tanggapin siya upang mahalin." ang dagdag ni Ron.
".. ipinagpray ko rin na sana si Alex tantanan ka na kasi baka gumulo pa buhay mo dahil sa kanya at sabi mo naman kasi na hindi mo siya mahal kaya okay lang siguro na pagpray ko na sana marape siya" ang patawang dinugtong ni Kevin sa sinasabi ni Ron.
".. and sana..." ang pigil na sinabi sa akin ni Ron an para bang gusto niyang iwasang masaktan ako.. "..kung mahal mo talaga si Dexter hanggang ngayon tulad ng sabi mo kagabi habang nagsisisigaw ka...sana tanggapin mo kung sino siya at ang anumang dahilan niya kung bakit niya nagawang saktan ka... " ang sinabi sa akin ni Ron.
".. bilang mga kaibigan at kuya mo... gusto ka naming maging masaya..." ang dagdag pa ni Kevin sa seryoso niyang boses.
Lumambot naman ang puso ko sa kanilang sinabi sa akin. Ang saya ko ay lalong tumindi sa aking mga narinig. Yun ay dahil siguro sa wala na akong galit kay Dexter.
Inakbayan na lang ako sa aking magkabilang gilid ng aking mga mahal na kaibigan na ako'y lubos na pinahahalagahan. Sobrang saya ng aking nararamdaman sa kanilang pag-alaga sa akin. Para talagang mga kuya.
Nang matapos ang drama. Tumungo kami sa ngayo'y natutuyong Picnic Grove. Nagroller skates, sumakay sa mga ponies, nagbike, at kung anu-ano pang masasayang pwedeng gawin don. Para kaming magkakapatid talaga dahil kahit hindi ko pansin ang kanilang lambingan o nagtutukaan bilang magnobyo kitang kita ko naman na masaya din silang nagbibiruan na parang magkapatid.
Isang beses nagtambay kami sa Casino Filipino at napagtripang galawin ang mga slot machine na may credits pa na iniiwan ng mga sugarol na matatanda. kapag nakakatiyempo kaming makakuha ng pagkapanalo yung napanalunan namin ang ipinanglalaro pa namin. Kapag wala nang credits ang lahat ng machine ay umiikot kami para kumuha ng libreng pagkain ng casino.
Lubhang makukulit kami nang mga oras na iyon.
Pagbalik sa aming inuupahan na hati-hati naming binabayaran, nagpapakalasing naman kami sa alak habang kaming dalawa ni Kevin ay umaawit na madalas pa sa minsan ang mga pagkakataong ako ay kanyang parang nililigawan, hinahalikan sa harap ni Ron at si Ron naman ay isinasayaw ako habang kumakanta ako, hinahalikan sa batok, niyayakap ng mahipit mula sa aking likuran.
Nakalimutan ko na rin ang problema ko sa bahay at ipinaalam ko na kay mama na ako ay nasa Tagaytay lang at gusto kong mapag-isa.
Ilang araw din naming ginawa iyon hanggang bago dumating ang araw ng aking kaarawan nang ika 27th na hindi ko na naalala. Lubos na puno ng saya ang aming pagsasama.
2:00 PM na nang nagising ako sa aking higaan sa dati kong kama ngunit napansin kong parehong wala si Ron at Kevin sa kanilang higaan.
Masakit ang akin ulo dahil sa hang-over dahil nang gabing iyon ay naka-apat na case kami ng beer.
"Kuya gising na po ba kayo?.." ibang boses ang bumati sa akin.
Nalaman kong ang bumati pala sa akin ay ang koreanong binata na bantay ng lugar.
Humikab ako at kinausap na ang bantay. "Nasaan po yung dalawa kong kasama dito?"
Nag-aalangan niyang sinagot ang aking tanong at bakas ito sa kanyang mukha.
"Kuya.. ano ho... eh... umalis na po at may iniwan lang po sa videoke room po... para sa inyo daw." ang nasagot lang sa akin ng binata.
Nalilito ako sa mga pangyayari. "Bakit wala ang dalawa at bigla na lang akong iniwan dito?" ang natanong ko na lang sa aking sarili.
"Wala po ba silang nasabi kung san sila pupunta?" ang sunod kong tanong sa binata na sinagot na lang niya ng isang pag-iling.
Kinabahan akong bumangon at dali-daling nagpunta sa videoke room at nasorpresa sa aking nakita.
Isang maliit na papel na may kasamang mapa lang ng Tagaytay ang nandoon sa ibabaw ng lamesa. Malinis na ang lugar di tulad kagabi na naglalasing kami.
"Bunso.. sorry po... punta ka po sa lugar na nasa mapa na kasama ng sulat hihintayin ka namin doon... we love you!
• kuya Ron-kolokoy at kuyaVinvinpot "
"Buti naman naisipan nung dalawang magdate nang sila lang. Mamaya na ako susunod." ang nasabi ko na lang sa aking sarili.
Bumalik ako sa aming silid at nahiga sa aking kama nang nakatihaya. Nagmumuni-muni at binabalikan ang masasayang sandali namin ni Kevin at Ron.
"Ang saya nila kasama.... Thank you, Lord!" ang nasabi ko na lang habang nakangiting nag-iisa sa silid. Nakaidlip ako sandali at naalimpungatan na lang na tumatawag sa akin si Kevin.
"Tol.. nasaan ka na? kanina ka pa namin hinihintay ni Ron dito..." ang inip na inip na tanong ni Kevin.
"Ay sorry Kev... nakaidlip me.. hinayaan ko muna kayo magdate... hehehe" ang sagot ko naman sa kanyang pilyo at may halong kilig para sa kanilang dalawa. "..ligo lang po ako kasi amoy anghit na ako tapos punta na ako jan.."
"Okay... ingat ka bunso ha? I love you!" ang malambing naman niyang pagtugon sa akin.
Bumangon na ako sa aking kama at napansing may maraming gamot na nakapatong sa ibabaw ng kama n Ron. "Dami naman ng vitamins..." ang nasabi ko na lang sa aking nakita at madaling tinungo ang banyo.
Nang matapos maligo ay agad akong naghanda ng sarili upang sundan sila sa nakaindicate sa mapa ng Tagaytay na kasama ng sulat nila sa akin. Sa Half Way Mini Zoo.
Habang nakikinig na sa tugtog mula sa aking iPod, sumakay ako ng bus papunta doon at nakarating na ng mga halos pasado alas-tres dahil sa hirap maghintay ng masasakyang aircon na bus gawa nang ayaw kong sumakay ng ordinary kasi magugulo lang ang aking buhok at lalagkit lang dahil sa init pa rin ng katanghalian.
Sa zoo, agad kong tinawagan si Kevin upang ipaalam sa kanila na nadoon na ako. Ngunit hindi niya sinasagot at tawag ko at wala akong number ni Ron.
Matapos ang trenta minutos na pagsubok na tawagan si Kevin ay napag-isip ko na lang na ikutin ang zoo para mahanap na sila.
Inikot-ikot ko ang zoo at nakita ang mga hayop na alaga nila doon. Nalibang ako sa aking mga nakikita hanggang sa alas singko na ng hapon nang mapansin kong hindi ko na talaga makita ang dalawa doon.
Sinubukan ko uling tawagan si Kevin at matapos ang tatlong ring ay sinagot na niya ito. Natatakot na ako ng mga oras na iyon na baka iniwanan na nila ako.
"Tol.. asan ka ba? hindi ka na namin nahintay sa Half Way Mini Zoo kaya umuwi na kami agad pero wala ka naman dito." ang sabi sa akin ni Kevin.
"Kevin naman eh... sana nagtext ka diba... nandito na ako kanina pa..." ang dismayado kong sagot sa kanya.
"... kawawa naman ikaw bunso....sige na po uwi ka na dito sa resort hihintayin ka na talaga namin.. I love you!!" ang lambing naman niya sa akin para di ako makapgtampo pa. Pero naiinis ako. Pinapunta nila ako dito ngayon nasa resort na pala sila.
Sumakay na ako ng bus pabalik sa aming inuupahan.
Pagdating sa aming inuupahan ng mga madilim na ay sinalubong agad ako ng nakangiting binatang bantay na koreano at nagsabi na "Hinihintay ka na po nila sa videoke room.."
"Salamat.." ang sagot ko sa kanya habang patuloy sa paglalakad tungong videoke room.
Patay ang ilaw sa videoke room at walang tao. Mula sa labas tinawag ko silang dalawa ngunit walang sumasagot.
Naisipan kong pumasok at pinindutin ang switch ng ilaw ng biglang may tumakip ng aking mga mata sa aking likod at narinig ko na lang na napindot ang switch ng ilaw.
Sobrang bilis ng mga naganap. Nang alisin na ang kamay na tumakip sa aking mata ay agad akong niyakap nito mula sa likuran at bumungad sa akin ang isang malaking tarpaulin na may nakalagay na "Maligayang Kaarawan... Jeremy!!"
May mga makukulay na lobo at ang mga kumukutitap na iba't ibang kulay na bumbilya ay napalitan na ng hindi kumukutitap na puting bumbilya.
Naka dipa si Kevin sa aking harap at naisip kong si Ron ang nakayakap sa aking likod. Bilga ni Ron akong ihinarap sa kanya upang halikan ako sa aking mga labi. Normal na yata sa dalawang kasama ko na hinahalikan nila ako sa harap ng bawat isa.
Habang humahalik ng maigting si Ron sa akin ay dinala niya ako sa sofa at duon inupo. Si Kevin naman ay pumapalakpak habang magkadikit ang aming mga labi ni Ron. Sobrang nagtataka ako sa lagay naming iyon.
Nang matapos akong halikan ni Ron ay..
"Happy birthday Jemykoy!!!" Bilang regalo ay kakantahan kita ng espesyal na tugtugin mo... mamaya..." at sandaling nagdampi ulit ang aming mga labi ni Ron.
Si Kevin naman ay nagset-up na ng videoke. Sa oagkakataong ito, nagpatugtog ulit siya ng isang tugtuging ilang araw ko nang hindi naririnig sa kanya... ang Back To Me ng Cueshe.
Hinila niya ako sa aking pagkakaupo sa tabi ni Ron upang tumayo habang tumutugtog na ang musika. Nagkatitigan kami ni Kevin.
" Hindi muna ako kakanta.... mamaya na... gusto muna kitang kausapin.... Happy birthday Jeremy.." ika niya,
Nginitian ko lang siya sa kanyang mga sinabi.
Nakita ko nanaman ang malalaman niyang mga titig sa akin na parang nangungusap. Habang tumutugtog ang musika ay pansin kong wala siyang hawak na mikropono. Napatingin ako sa screen ng aparato at nakarepeat mode ito dahil sa nakalagay na icon.
"Ito na ang araw ng pagsagot ko ng iyong katanungan sa akin noong ika 24 sa Festival Mall... pero mamaya na... sana mahalin mo pa rin ako sa aking sagot...sana mapatawad mo ako sa isang lihim na itinatago ko sa iyo..." ang sabi ni Kevin habang nakatitig sa aking mga mata ang kanya na nagaalab ng lubos at ako ay isinasayaw niya na parang nasa prom.
Dahil sa mas matangkad siya sa akin, isinandal niya ang ulo ko sa kanyang dibdib. Napansin kong mabilis ang tibok nito at naramdaman ko na rin na bumibilis ang sa akin. Pilit kong pinipigilan ang lubusang kilig na aking nararamdaman na siyang nagpapalambot sa akin.
Itinango niya ako upang halikan. Lubhang mapusok ngayon ang halik ni Kevin. Sadyang malikot ang kanyang mga labi at dila sa aking bibig na akin lang napansin. Napapikit ang aking mga mata sa sobrang sarap.
Hinigpitan niya ang yakap niya sa akin habang magdiin ang amin mga harapan. Dun ko na lang napansin na unti-untiang nabubuhay ang kargada ni Kevin.
Napaisip na lang ako na "Ano to?!? bakit nagcocompetition sa french kiss and dalawang magnobyo?!? Sa bibig ko pa??? At erection??? Ano to special ninja technique mo ba to Vin? Padama-ang-galit-na-junior-ko technique???"
Ilang beses umulit ang minus one ng kanta habang kami ay patuloy lang sa pagsayaw.
Masaya ako ngunit nababahiran na ng pagdududa sa mga nangyari. Nang imulat ko ang aking mga mata ay patay na ang maliliwanag na ilaw at mga kumukutitap na ilaw na lang ang nagbibigay liwanag ulit na iba't iba ang kulay.
Hininaan na ni Ron ang musika upang palitan ito. Ngunit bago niya patugtugin at lumapit siya sa amin ni Kevin at iniabot ang kamay niya sa akin na para bang nanghihiling na ako ay makasayaw.
Bumitiw na si Kevin sa pagkakayakap at binigyan ako ng mariing halik sa aking noo.
Hinawakan ko ang nakaabot na kamay ni Ron at hinila niya ako sa harapan at naghalikan naman kaming muli.
Pumunta siya sa likod ko para italikod ako sa screen.
"... wag mo ko paiiyakin kuya Ron ha?... mababaw luha ko... gusto kong masaya tayo ngayon..." ang banta ko sa kanya sa kunyari ay mataray kong tono.
"Susubukan ko.... sana pinatawad mo na ako ngayon sa mga nagawa kong dahilan ng iyong pag-iyak.... I love you so much Jeremy..." ang sagot naman ni Ron sa akin.
Hawak ng isang kamay niya ang isang remote at pinatugtog na ang kanyang tugtugin.
Nanlamig ang aking mga kamay at biglang kinabahan nang marinig ang intro ng instrumental ng kanyang kakantahin. May biglang kirot sa aking damdamin. Hindi ko malaman kung bakit.
(itutuloy)
A compilation of my thoughts, dreams and fantasies. Stories that describes best my simple wishes in life. In addition to that, I asked friends to contribute their talents in this site where reality and fantasy are as one. Welcome to my site. Welcome to my heart. I am Dalisay.
2 comments:
Nakaka-inggit naman si Jemykoy, may nagmamahal sa kanyang Vinvinpot at Ron-kolokoy. hehehe.
I love story and I hope that Jemykoy will be able to process what Vinvinpot and Ron-kolokoy are going to say to him.. hehehe...
Thanks Mr. Author sa mabilis na pag-update!
- Jay! :)
thanks Jay :)
Post a Comment