by Jeffrey Paloma
Nang makailang kuskos sa aking mga mata ay bumungad sa aking harapan si Kevin. Matinding inis ay bakas sa kanyang mga titig sa amin.
Bumangon ako sa kama nang biglaan na siyang nakagising kay Ron.
"Ron... Inunahan mo ko?!... Jeremy??... Siya ba ang pinili mo??... Sagutin mo
Ko Jeremy!!" ika ng galit na si Kevin.
Tumingin ako sa aming ayos ni Ron at napansing mamasa-masa ang bandang ibaba ng likod ng aking suot na t-shirt ngunit wala namang masakit sa akin. Mamasa-masa naman ang harapan ng shorts na suot ni Ron.
"Tol walang nangyari sa amin ni Jeremy!!" ang sabi ni Ron.
"Wala?!.. Eh ano yan?!.." sabay turo ni Kevin sa bakas ng mamasa-masang bahagi ng aming kasuotan.
"Ano ka ba Kevin!! tigilan mo nga yang iniisip mo!! walang nagyari sa amin ni Ron!!" ang sigaw ko kay Kevin.
"Mga tol.." sabay yuko si Ron " Wag niyo kong pagtatawanan ha?"
"Ano ba pinagsasabi mo?! Bakit kita pagtatawanan kung galit na galit ako sa iyo sa itsura ninyo ngayon?" ang sabi ni Kevin.
Pansamantalang nanahimik si Ron at nanatiling nakayuko. "Nag-wetdreams yata ako habang katabi ko si Jeremy. Matagal na kasi... Ah.. Ehh... Alam niyo na yon!!"
"Kaya naman pala... Wala akong nararamdamang kirot pero..." ang sabi ko na lang na napailing.
Tumawa ng malakas si Kevin. "Tigang na ang pinsan ko!"
Nangiti lang si Ron sa kanyang narinig at namula ang kanyang pisngi at yumuko.
"Kain na tayo ng almusal! Kami naman ni Jeremy ang magdedate ngayon." ang anyaya ni Kevin na masiglang masigla.
"Hay... Kayo talagang magpinsan.. Naguguluhan na ako sa inyo!!" ang nasabi ko na lang sa kanila at bumangon na sa kama.
Hinila ako ni Kevin at bigla akong hinalikan ng mariin. "Good morning Jemykoy! Akin ka today!"
"Letche! Magsama kayo ni Ron!" ang sagot ko sa malambing na pagbati ni Kevin.
Bumangon na si Ron at nagpalit ng shorts sa aming harapan. Hinintay na namin siya ni Kevin bago bumaba ng kusina para mag-almusal.
Sa hapagkainan ay naabutan namin ang mommy ni Ron.
"Good morning boys! ... O girls?" ang pabirong bati niya sa amin.
"Mommy naman!" ang sagot ni Ron.
"Tita si Jeremy lang ang girl!" ang gatong pa ni Kevin habang nakatingin sa akin at nakangiti. Inisnab ko lang si Kevin.
Umupo kaming tatlo at sa dulo ng mesa ang mommy ni Ron. Nasa gitna ako ng magpinsan nakaupo.
Parehong nakipagkamayan sa akin ang magpinsan sa magkabila kong mga kamay. Nanatili nilang hawak ang bawat isa at nakapatong ang aming kamay sa ibabaw ng mesa.
"Ano ba? Papano makakakain ang ating panauhin kung hawak niyo ang kamay niya? Teka.. Sino ba sa inyong dalawa?" ang nagtatakang tanong ng mommy ni Ron.
"Eh.. Mommy pareho po naming nililigawan si Jeremy... Si Kevin ang unang nakakilala sa kanya tapos nakilala ko lang siya nang pinagpanggap ako ni Kevin na makipagtextmate sa kanya. Medyo magulo mommy yung ginawa namin kaya this time maayos naming papipiliin si Jeremy." ang sabi ni Ron sa kanyang ina.
"Jeremy... Anong gulo ba ito? Hanggang kelan ito na ganito ang dalawa" ang tanong naman niya sa akin.
"Medyo mahirap po mamili kasi.. Kakasimula pa lang po namin at pareho silang dalawa ng trato sa akin.. Nahihirapan ako pumili kasi baka mag-away lang din sila pag sinagot ko na ang isa." ang paliwanag ko sa mommy ni Ron. Tumawa lang siya sa aking sinabi.
"Naalala ko sa iyo ang sarili ko. Naku, kung alam ko lang na wawalangyain lang kami ng ama ni Dexter ay yung best friend na niya sana ang sinagot ko." ang kuwento ng ina ni Ron.
"Kaya naman pala... Mqy pinagmanahan tong si Ron.. Gustong makipagkumpitensiya sa pag-ibig." ang nasabi ko sa aking sarili.
Kumuha si Ron ng tinapay at nagpalaman ng cocktail hotdogs habang si Kevin naman ganun din pero bacon bits ang nilalagay niya sa tinapay. Minasdan lang namin ng ina ni Ron ang ginagawa ng dalawa. Halatang nagpipigil sa pagtawa ang ina ni Ron sa kanyanh nakikita at ako naman ay litong lito dahil sa parehong nagpaparamihan sila ng mapapalamanang tinapay.
"Kayo uubos niyan..." ang nasabi ko na lang sa dalawa. Hindi na napigilan ng mommy ni Ron ang mapigilan ang kanyang halakhak.
"Nakakahiya na po. Pasensiya po" ang nasabi ko sa ina ni Ron sabay sita sa dalawang magpinsan.
"Eto.. Kasing linamnam ng pagmamahal ko sa iyo.." ang wika ni Ron habang iniiaabot sa akin ang isa sa napalamanan niyang tinapay.
"Ito naman.. Kasing tamis ng aking pag-ibig para sa iyo. Naaamoy mo? Honey cured yan." ang sabi ni Kevin habang inaabot ang kanyang pinalamanang tinapay.
"Ang korny niyo..." ang naiirita kong bulong sa dalawa.
Wala akong nagawa kundi ang kunin ang pareho at sabay itong kagatan. Madaling napuno ng pagkain anv aking bibig. Patuloy naman ang pagtawa ng mommy ni Ron sa kanyang nakikita.
"Manang mana si Ron sa tatay niya."ang natatawang sabi ng ina ni Ron. "Puro pagkain binibigay niyo sa kanya wala namang panulak.."
Napansin siguro ng mommy ni Ron na hirqp na akong ngumuya sa sabay na pagkagat ko sa tinapay.
Agad namang inabot ni Ron ang baso at si Kevin nqman ang nagbuhos ng juice.
Dali-dali kong kinuha kay Ron ang baso dahil medyo nahihirapan akong lunukin ang aking pagkain.
"Ayoko na ng sabay.. Isa isa lang..." ang hingal kong nasambit matapos uminom.
Halinhinang nag-abot ng tinapay sa akin ang dalawa habang kumakain sila.
"Mauna na ako sa inyo at may lalakarin pa ako. Kayo na ang bahala sa bahay at kay Debbie ha?" ang batid ng ina ni Ron.
Tumango lang kaming tatlo at nagpatuloy sa pagkain. Nauna akong matapos sa dalawa ngunit hindi ako agad na nakatayo dahil parehong nakakapit ang magpinsan sa magkabila kong hita.
"Ano ba kayo? Gusto kong puntahan si Debbie.." ang masungit kong sabi sa dalawa.
"Maya na pagtapos natin kumain. Hintayin mo kami. Hindi mo naman alam ang kuwarto niya kung nasaan eh." ang sabi ni Ron.
Wala akong nagawa at nagkrus na lang ako ng aking mga braso habang nanatiling nakaupo.
"Sa wakas!.. Puwede na po ba natin puntahan si Debbie?" ang sabi ko sa kanila nang mapansin kong tapos na sila kumain.
"Ron... Kaw na magligpit araw ko ngayon ako na sasama sa kanya kay liit." ang sabi ni Kevin kay Ron. Walang nagawa si Ron kundi ang sumunod.
Tinungo namin ni Kevin ang silid ni Debbie. Nakahawak siya sa magkabila kong balakang habang ako ay pinauuna niyang maglakad.
"Ano ba Ron... Alam mong malakas kiliti ko jan eh.. Baka tulog pa ang bata mapasigaw na lang ako sa kiliti mo." ang babala ko kay Kevin.
"Hindi kita kikilitiin. Dun sa kaliwang pinto ang room ni liit." ang turo naman ni Kevin.
Marahan naming binuksan ang kuwarto at nakita ko ang pink na bedroom ng bata. Ang ganda nito at puro manika ang nasa gilid ng kuwarto ang nakatambak.
Gising na si Debbie at naglalaro ng ilan niyang mga manika at halatang nakainom na siya ng kanyang gatas dahil wala nang nalaman ang natumbang bote sa kanyang gilid. Mustulang nagliwanag ang bilugang mukha ni Debbie at nawala ang mga singkit na mata niya sa kanyang pag-ngiti.
"Kuya Vin!" ang sigaw ni Debbie at nagmamadaling tinungo si Kevin upang magpakarga.
Ang gandang pagmasdan ni Kevin at ni Debbie. Parang magkuya lang tulad nila ni Debbie at Ron.
"Umalis din si kuya Dester?" ang sabi ni Debbie kay Kevin.
"Hindi umalis si kuya Dester naghuhugas lang sa kusina." ang malambing na pangungusap ni Kevin kay Ron. "Maglalaro tayo ni kuya Dester at kuya Jemimi mo buong araw dito."
Tuwang tuwa naman si Debbie sa kanyang narinig.
Naglaro kaming tatlo ni Debbie at Kevin ng kanyang mga manika habang hinihintay si Ron. Parang sundalong laruan na kunwari nagbabarilan ang ginagawa namin ni Ron sa mga teddy bears ni Debbie. Ewan ko ba.
Hindi nagtagal ay dumating na si Ron at nagpupunas ng kamay sa tagiliran ng kanyang shorts at nakisali rin sa aming tatlo sa paglalaro hanggang sa panoorin na pang kami ni Debbie sa mga nagbabarilan niyang mga teddy bear.
Maya-maya tila ba kunwaring kami ang mga teddy bear ni Debbie na nag-uusap kung sino sa kanila ang makakatuluyan ko. Tuwang tuwa naman si Debbie sa kanyang nasaksihan.
Nang mapagod na ako ay umupo ako sa tabi ni Debbie at pinanood na lang namin maglaro ang dalawang magpinsan.
"Parang eng-eng naman itong dalawang ito..." ang nasabi ko sa sarili habang natatawa sa kanilang dalawa.
"Tara Debbie read na lang kita ng fairy tales..." ang yaya ko kay Debbie habang iniaabot ko ang isang aklat sa kanyang bookshelf.
Sumunod lang sa akin si Debbie at kumandond sa akin habang ako naman ay nakasalampak sa sahig.
Habang seryoso kami ni Debbie sa story telling konay napansin ko na lang na magkatabi ang dalawang nakadapa at nakapalumbaba sa aking harapan na parang mga batang nakikinig lang din ng story.
"Ang tatanda niyo na ha matanda pa ako sa akin magtigil kayo jan." ang pagtataray kong hindi pinahalata sa bata. Tumawa lang at napatihaya ang dalawa sa aking sinabi.
Inabot kami ng tanghali at oras na para uminom si Debbie ng kanyang gatas. Si Kevin ang nagtimpla at ako naman ay tinabihan lang ni Ron sa pagsalampak sa sahig. Nakasandal ang kanyang ulo sa aking balikat.
"Ron... Wag mo sirain moment ko dapat ngayon.." ang sabi ni Kevin ng mapansin niya kami sa aming lagay habang inaalog niya ang bote ng gatas ni Debbie.
"Tulog ka na Debbie... Nood muna kami ng tv nila kuya mo..." kinuha ni Ron ang gatas mula kay Kevin at dinala ito sa nakahiga nang si Debbie sa kanyang kama.
Nang makatulog na siya ay tumungo na kami ni Kevin sa sala habang nanatili si Ron sa tabi ni Debbie upang bantayan.
Nang maisara na ni Kevin ang pinto ay niyakap niya akong ng mahigpit.
"Aray!! Masyadong masikip!! Hindi ako makahinga!!" ang sabi ko kay Kevin.
"Namiss kita... Sobra..." ang sabi ni Kevin habang nakatitig sa akin ang singkitin niyang mga mata.
Ang ganda ng kanyang ngiti at mapupulang labi. Gusto ko siyang halikan. Nanabik ako kay Kevin ngunit bigla kong naalala ang tungkol kay Ron.
"So talagang si Dexter Chua pala si Ron? Nalaman ko lang kagabi ang buong pangalan niya nang tawagin siya ng mommy niya. Kung si Ron si Dexter sino ka na ngayon bilang si Dexter?" ang tanong ko kay Kevin.
"Ako si Kevin... Ang kikiliti sa iyo habang buhay!!" sabay tinatad niya ako ng kiliti sa aking tagiliran. Hindi ko napigilang mapasigaw sa tindi ng pangingiliti niya sa akin.
"Tama na!! Natutulog na yung bata baka magising natin!" ang sabi ko kay Kevin habang pinipigilan ang kanyang mga kamay. "Seryoso.. Sagutin mo nga ang tanong ko.."
Tumigil na siya sa pangingiliti at naging seryoso ang mukha. "Gusto mo ba si Dexter o gusto mo kaming kilalanin muna ni insan? May pagkakataon pa ba ako sa puso mo? Ako ang naunang nagmahal sa iyo at ipagpapalit mo ba ang ating pinagsamahan sa ganun lang? Sino ba mas madalas mong kasama mula highschool? Siya ba o ako" ang tulirong sagot sa akin ni Kevin.
Hinalikan ko siya upang ipadama ang aking nararamdaman para sa kanya at pantay lang sila ni Kevin. Hindi ko rin maipaliwanag sa kanya kung ano ang nasa loobin ko. Lumaban si Kevin ng halik at napasandal na lang ako sa pader. Pinigil ko siya at niyayang tumungo na sa sala.
"Jeremy... Mahal na mahal kita.. Hirap lang akong sabihin sa iyo... Gusto kong ipakita sa iyo kung gaano kita kamahal.." ang seryosong sinabi sa akin nang kami ay naupong magkaharap sa sofa.
"Kevin... Please give me some time..." hindi ko na magawang kausapin pa si Kevin.
Kinuha ni Kevin ang remote at binuksan ang TV. Nang mailipat niya ito sa isang chanel ay inakbayan niya ako ng mahigpit at nagpatuloy na kami sa aming naudlot na halikan. Hindi na kami nanood ng TV.
Hindi ko na napigilan ang aking sarili sa kinagabihan pang pagtitimpi nang.
"Ahem... hindi niyo ba ako isasali diyan?" ang sabi ni Ron na kanina pa pala nagmamasid sa amin.
Natigil kami sa aming tukaan ni Kevin at gumitna siyang umupo katabi namin.
"Jeremy... tama si mommy.. kailangan mo nanag mamili sa aming dalawa.. sana ngayon na.." ang seryosong sabi sa aking ni Ron habang nakaharap lang sa TV. "Nasasaktan ako pag nakikita ko kayong magkasama at nasasaktan din sigurado si Kevin pag tayo ang magkasama. Gusto mo ba na sinasaktan kaming pareho?"
Tama si Ron. Hindi kami matitigil sa ganitong rigudon. Kailangan ko na magdesisyon.
Katahimikang halos ang nanaig sa sala at tanging telebisyon lang ang may ingay. Nag-isip akong ng malalim. Hindi ko napigilang umiyak sa hirap na sabihin na sa kanila ang aking magiging desisyon.
"Kevin... matagal na tayong magkaibigan at kung inamin mo sa akin noon pa ang iyong nadarama sana hindi na tayo humantong sa ganito.. Sana.. nandiyan ka pa rin bilang kaibigan kong matalik at walang magbago sa ating magandang turingan... Sana hindi masira ang pagsasama niyo ni Ron... patawad.. ngunit sa lahat ng aking nalaman at lahat ng pinatunayan sa akin ni Ron sa maikling panahon... siya ang pinipili kong makapiling.. sana habang buhay.."
Nabigla ang dalawa sa aking sinabi kay Kevin. Bumulaga ang lubos na kaligayahan sa mga mata ni Ron at si Kevin naman ay nagsimula nang lumuha.
Niyakap ako ng mahigpit ni Kevin at di ko na rin mapigilang humagulgol habang nakapatong ang aking pisngi sa kanyang balikat na nanginginig.
"Jeremy maipapangako ko sa iyong hinding hindi magbabago ang magandang pagkakaibigan natin at samahan namin ng pinsan ko. Mahal na mahal kita kaya iginagalang ko ang desisyon mo kahit parang sinasaksak mo ako sa bawat salitang sinabi mo. Nandito lang ako sa tabi mo palagi kung kailangan mo ako.... Darating din ang araw na iyon... handa pa rin kitang tanggapin sa aking mga bisig.. hindi pa rin maglalaho ang pagmamahal ko sa iyo... ikaw lang ang mamahalin ko habang buhay..." agad siyang tumayo at tinumbok ang kuwarto ni Debbie.
Tinignan ko si Ron na tulala pa rin sa matapos marinig ang aking sinabi. Hinaplos ko ang kanyang pisngi at hinalikan ang kanyang mga labi.
"I love you Dexter Chua.." sabay patuloy sa pagtuka sa kanyang mga labi.
Nahimasmasan si Ron sa kanyang narinig at isang abot tengang ngiti ang isinukli niya sa akin. Namuo ang mga luha sa kanyang mga mata.
"Hindi mo lang alam kung gaano ako kasaya ngayon.... Salamat mahal kong bunso.." sabay yakap sa akin ni Ron ng mahigpit.
"Mula sa araw na ito.... hindi na Ron ang itatawag mo sa akin... kundi... Dexter o kuya na lang.." ang natatawang sabi sa akin ni Ron na aking tinawanan din.
"Ang haba ng prusisyong pinagdaanan natin ako rin naman pala bandang huli.." ang pagmamalaki ni Ron.. ay Dexter pala.
Hindi na ako sumagot at pawang kuntento na ako sa aming sitwasyon ngayon. Wala nang bumabagabag sa aking isipan maliban sa aking mga magulang.
"Hindi ako makapaniwala pero... eto na... ito na iyon... I love you Dexter!! Mahal na mahal na mahal kita!!! Kay tagal kitang hinanap at hinintay.... nandiyan ka lang pala.." ang wika ko kay Dexter na may halong labis na panlalambing.
Isang pilyong ngiti ang pumakawala sa mga labi ni Dexter habang kami ay nagtititigang parang sinusuri ang muha ng bawat isa. "
"Ngayong akin ka na... at magkasama na tayo... di ka man lang natakot na..." sabay dakot niya sa aking harapan "angkinin ko na rin ito?!!.."
"Aray!!.. dahan dahanin mo masakit!!.. kuya naman eh.." ang pailing kong nasabi sa sakit ng kanyang pagkakapiga sa aking pututuy.
"Kuya.. pano ba ngayong tayo na... hindi ko alam gagawin ko.. baka itrato kitang babae sa relasyon natin o baka ako naman gawin mong babae?... Parang weird pero exciting.. ganito ba talaga?" ang tanong ko kay Dexter.
"Eh ikaw rin naman ang una kong boyfriend diba? Pare-parehas lang tayo ni Kevin... ay... nagkaroon na yata yun.. marami pa.." ang pabiro niyang sabi sa akin.
"Talaga?... kelan pa?.." ang pagkamangha ko naman sa aking narinig.
"Mula nang magpanggap kaming dalawa bilang katextmate mo. Nagsubok siyang manligaw at may napapasagot naman agad siya dahil sa gwapo nga siya pero puro practice lang tapos sa kama naman babae naman pinagpapraktisan niya. Ikaw sana ang una niyang lalaki na makakapiling sa kama." ang kuwento naman ni Dexter.
"So parang pinaghandaan niya talaga ang pagharap sa akin?... Eh ikaw?" ang tanong ko naman sa kanya.
"Hindi ko alam pero mas okay na akong kinakausap kita at nililigawan sa ating mga usapan. Kaya nga kita nabingwit kahit di mo pa ako nakikita diba?" ang sabi ni Dexter.
"Hmm... sabagay tama ka... eh di virgin ka rin tulad ko kahit sa mga babae?" ang dagdag kong tanong sa kanya.
"Hindi... naaalala mo si Cindy? Ang baliw kong ex-girlfriend noon highschool?" tanong niya.
"Ah... oo... yung laging may tantrums na kinukuwento mo sa akin lagi?" tanong ko.
"Oo... actually pinipilit niya akong gawin namin yoon ng madalas pero natakot akong mabuntis siya kaya iniwasan ko na siya.." ika ni Dexter.
"Buti na lang hindi nabubuntis ang lalaki.." ang nasabi ko sa aking sarili.
Itinayo ako ni Dexter at inimbitahang silipin si Kevin sa kuwarto ni Debbie. Marahang binuksan ni Dexter ang pintuan upang makasilip sa loob. Tulog na tulog pa rin si Debbie ngunit si Kevin ay tulalang lumuluha sa gilid ng kama ni Debbie. Nakatitig sa sahig.
Lubos na awa ang naramdaman namin ni Dexter para sa kanya. Wala akong magawa. Nilapitan ko siya at inakay upang tumayo sa kanyang pagkakaupo upang ilabas siya ng kuwarto.
Sa bandang pintuan kung saan si Dexter nakatayo ay tumigil kami saglit bago tuluyang lumabas.
"Ako na muna magbabantay kay Debbie... samahan mo muna si Vin doon kayo sa kuwarto ko... tulungan mo siyang ilabas lahat niyan.." ang pabulong na sabi ni Dexter sa akin kay Kevin.
Nang marating na namin ni Kevin ang kuwarto ni Dexter sa tapat mismo ng kama ni Dexter ay tumumba si Kevin patihaya sa kama habang biglang humigpit ang kapit niya sa akin. Natumba sa akong bumagsak sa kamang paharap sa kanya at biglang niyakap niya ako ng mahigpit. Humahugulgol na si Kevin. Hindi ko rin mapigilan ang aking sarili na umiyak sa tindi ng awa para sa kanya.
"Hihintayin pa rin kita.. nandito ako lagi sa tabi mo tol... mahal na mahal kita... mamahalin kita habang buhay at ikaw lang.."
(itutuloy)
A compilation of my thoughts, dreams and fantasies. Stories that describes best my simple wishes in life. In addition to that, I asked friends to contribute their talents in this site where reality and fantasy are as one. Welcome to my site. Welcome to my heart. I am Dalisay.
No comments:
Post a Comment