A compilation of my thoughts, dreams and fantasies. Stories that describes best my simple wishes in life. In addition to that, I asked friends to contribute their talents in this site where reality and fantasy are as one. Welcome to my site. Welcome to my heart. I am Dalisay.
Sunday, February 6, 2011
Task Force Enigma : Cody Unabia 1
Hello there! Here is the next installment of The Task Force Enigma. Ito ay alay ko sa aking anak na si Cody Unabia. Namesake lang po siya dito. Pati na rin kay Kearse Allen Concepcion, namesake lang din kaya huwag pong seryosohin. Para rin ito kay Migs at kay Jaime. Wala lang naaaliw lang ako at kayo ang napagbuntunan ko ng kaaliwang iyon.
Sa mga sumubaybay sa Task Force Enigma: Rovi Yuno, Maraming Maraming Salamat po! I love you guys! Sana ma-enjoy ninyo ang ikalawang libro ng TFE. Handog sa inyo ng nag-iisang Dalisay! Bwahahaha...
CHAPTER 1
Kakamut-kamot na lumabas ng kanyang silid si Kearse Allen Concepcion mula sa maghapong pagtulog dahil sa gabi siya nagsusulat ng kanyang mga obrang nobela. Isa siyang writer sa LadLad Publishing na nagre-release ng mga M2M romance fictions. Napatingin siya sa orasan. Alas-sais na ng gabi. Karaniwan ng nanonood ng balita ang mga tao sa Pilipinas sa ganoong oras. Pero siguro, pamilya talaga sila ng abnoy dahil sa halip na ang problema ng bansa ag pinapanood nila ay pagbi-videoke at pag-iinuman ang inaatupag ng kanyang ama at dalawang nakababatang kapatid.
Lasing na siguro ang kanyang ama dahil ayun at plastado na ito sa sofa at nag-aatungal na naman ng mga hinaing nito sa buhay.
“Wala na akong kwenta! Hindi niyo na ako iniintindi. Por que matanda na ako. Tandaan ninyo! Balang araw… Balang araw…”
Naiiling na tinungo niya ang kusina para magsepilyo at ipaghanda ang sarili ng makakain. Sabado naman ng gabi kaya okay lang na magtutungayaw ang mga kapatid at ama sa pagkanta.
“Alshado na ako! Hindi niyo na ako pinapahalagahan. Mga wala kayong kwenta! Por que nakapag-aral na kayo. Wala ng silbi ang tingin niyo sa akin.”
Huminto muna sa pagkanta si Migs na siyang bunso nila. Pansamantala rin muna nitong pinatay ang paborito nilang magic sing dahil may pagka-sensitive ang kanilang ama kapag naka-dramathon sa hapon mode ito.
“Hindi niyo na ako pinapahalagahan.”
“Itay… naiintindihan po namin kayo. Kaya please lang huwag na po kayong sumigaw. Nakakahiya sa mga kapitbahay.” Sabi ni Jaime sa ama. Ito ang sumunod sa kanya. Ito na rin ang tumatayong Kuya sa loob ng bahay kapag nagkakampo siya sa naipatayo niyang bahay mula sa ipon niya bilang manunulat sa loob ng pitong taon.
“Sinungaling! Wala tayong kapitbahay!” sagot ng kanyang ama na ikinatawa niya.
“Ay oo nga pala.” Natatawng sabi ni Jaimw na pasimpleng pumili ng kanta sa songbook na inagaw nito sa kanilang bunso.
“Kahit kailan kayong mga bata kayo. Tumanda lang ako, tingin niyo sa akin ay walang silbi. Abah! Abah! Kaya ko pa kayong balian ng malulutong ninyong mga buto. Kaya ko pang mag-ala Ep-PJ sha edad kong ito. Kaya kong pa kayong kalushin mga hinayupak kayo.” Pagpapatuloy ng lasing na nilang ama.
Lumabas siya sa sala kung saan ito nag-iinuman. Nakita niyang tumingin ng may pagsaklolo ang ang kapatid na si Jaime. Senyales iyon na kailangan na niyang awatin ang ama na walang-awat sa mga sentimyentong pururot nito.
“Itay… makinig kayo kay Jaime. Baka may dumaan at marinig kayo. Isipin pa, minamaltrato namin kayo dito.” Pagpapayapa niya sa ama.
“Hindi ko na kaya ang ginagawa niyo sa akin. Ayoko na sa trato ninyo. Nawala na nga ang nanay ninyo. Pati ba naman kayo mawawala sa akin? Ako na nagpakahirap sa pagpapalaki sa inyo.”
“Oo nga Tay.” Segunda dito ni Migs na hinablot na ang songbook kay Jaime.
“Mabuti pa itong si Gino. Hindi sumasagot sa akin. Napakabait na bata.” Tukoy nito sa bunso nila na napatigil sa ginagawang pagpili ng kanta.
“Tay, Migs po.”
“Sige na Gino. Ipagtimpla mo nga ako ng kape.”
“Tay, ako po si Migs.” Naiirita na nitong sabi.
“Ikuha mo na ako ng kape Gino.” Utos ng lango nilang ama.
“Sino ba si Gino ‘Tay?” imberna nang sabi ni Migs.
“Oo nga Tay. Sino ba si Gino? Eh tatlo lang naman kaming anak mo.” Tanong din ng tumatawang si Jaime.
“Wa-wala akong anak na Gino. Ano bang shinashabi niyong mga bata kayo?”
“Eh pilit kayo ng pilit na ito si Gino eh. Baka may anak kayo sa labas ‘tay ha.” Biro ni Jaime.
Napatayo ang kanilang ama.
“Wala akong ibang anak. Kayo lang ang anak ko at ako lang ang ama ninyo. Tatlo lang kayo. Isa. Dalawa Tatlo.” Isa-isa nitong turom sa kanila.
“At huwag mo akong pagbibintangan Jaime. Sumusobra ka na. Sumosobra ka ng bata ka. Hindi ko kilala ang Gino na sinasabi mo. Wala akong anak na Gino. Wala! Wala!” humihingal pa nitong sabi sa ikalawang anak.
Nagtatakang nagtinginan silang magkakapatid. Mukhang nasobrahan ng drama mode ang kanilang ama. Feelingyata nito ito na si Ate Vi.
“OA na ‘tay.” Sabi na lang niya.
“Huh?”
“Sabi ko po, gusto niyo pa ba ng kape?”
“Ah.. hindi na. Sige na, matutulog na ako. Kayo g bahala diyan.” Nagmamadali pa itong tumungo sa silid nito.
“’Tay?” habol niya.
“Bakit?”
“Maghilamos po kayo bago matulog.” Bilin niya rito.
“S-sige. Huwag ka na ring rarampa. Kapag lumabas ka, isama mo ang mga kapatid mo para may bodyguard ka.” Bilin nito sa kanya saka mabilis na pumasok sa silid.
“Hay nako. Huwag niyo na kasing yayayain sa tatay sa inuman. Iyan tuloy…” baling niya sa mga kapatid na nakangisi ng parang aso pagharap niya sa mga ito.
“Hep hep? Anong ngisi iyan ha?”
“Wala kaya Kuya.” Sagot ng dalawa.
“Wala? Mga echozero kayo. Kilala ko ang mga hasang ninyo.”
“Wala nga. Parang narinig lang namin na isasama mo kami sa lakad mo ngayong gabi eh.” Pambabalewala ni Migs sa sinabi niya.
“May sinabi ba si itay? Wala naman ah.” Pang-aasar niya.
“Akala mo lang wala! Pero merron! Meron! Meron!” sagot ni Jaime.
“Uy, dapat kanina mo iyan sinabi kay itay para nasikmuraan ka.” Tukso dito ni Migs.
“Wala kang galang Migs. Kakalbuhin kita diyan.” Asik dito ni Jaime.
“Walang ganyanan Kuya. Alam mo namang mas pogi ako sayo eh. Ikaw talaga.” Maktol ni Migs.
“Pogi? Hoy Michael Allen Concepcion. Huwag ako ang paandaran mo. Busy ako. Kakanta ako.” Sabay bukas nito ulit ng Magic Sing.
“Nahiya naman ako sa pangalan mo Kuya Jaime Allen Concepcion. Parang kasing-bango ng dalandan.”
“Heh! Mga abnormal. Buuin niyo pa ang mga pangalan ninyo. Isama na ang Diaz sa middle name.”
“Opo. Kuya Kearse Allen Diaz Concepcion.” Koro ng dalawa.
“Tse! Maka-alis na nga.”
“Sandali lang Kuya Kearse Allen Diaz Concepcion.” Habol sakanya ni Migs.
“Tigilan mo ako Michael at baka di kita matantiya, sukatin kita.”
“Yeboi!” Pang-aasar lang nito. “Saan ka pupunta? Bilin ni Tatay eh samahan ka namin.”
“Sa impiyerno. Join ka?”
“Weh di nga?” sagot ng talipandas nilang bunso.
“Sa Palawan ang punta niyan.” Sabi ni Jaime na kunwari ay busy sa paghahanap ng kanta.
“Weh? Sa Palawan? As in province of palawan?” tanong ni Migs.
“Hindi. Bar iyon, sa Cubao.”
“Eww… So Barriotic!” sagot ni Migs.
“Hoy! Umayos nga kayong dalawa. At ikaw Jaime? Bakit alam mo ang Palawan? Eh ngayon pa nga lang ako pupunta doon.” Tanong niya sa pinagdududahang kasarian ni Jaime.
“Oy, narinig lang kitang kausap si Earl ha? Di ko alam yung lugar na yun. Ano ako? Bakla?” mariing depensa nito.
“Whatever! Ako na ang straight.” Napa-roll eyes na lang niyang tugon.”
“Hindi ko nga alam iyon Kuya.” Defensive pa ring sagot nito.
“Eh paano mong maririnig si Earl eh, text lang iyong usapan namin, Aber?”
“Ah… Eh… nasabi niya sa akin.”
“Aysus! “ bira niya rito. Umamin ka nga Jaime. Are you one of us?” pang-iinis niya.
“Kuya? Welcome to the club.” Pagbibiro ni Migs.
“Isa ka pa!” Baling niya rito.
“O bakit na naman Kuya?” reklamo ng bunso nila.
“ Magsipag-out na nga kayo! Kayo lang nahihirapan.” Patutsada niya sa mga ito.
“Tama ng ikaw na lang muna Kuya. Baka matuluyan si Tatay… Aray!” nasasaktang sabi ni Migs ng batukan ito ni Jaime.
“Ayun! Nadulas na ang mga hitad. Basta walang hiraman ng blouse ha?” tukso niya sa mga ito. Pumunta siya saglit sa kusina.
“Sorry Kuya.” Apologetic na sabi ni Migs sa Kuya Jaime nito.
“Sorry. Ayan, nabuko na tayo. Ang daldal mo kasing kumag ka.”
“Eh paano naman si Kuya kearse, parang NBI kung makapagtanong. Nagdududa na nga ako kung writer ba iyan o dating pulis eh. Ang galing manghuli. Pero infairness, kahit ganyan siya may bumibili pa rin ng mga nobela niya. Lagi pang best-seller kahit mukha siyang haggard na isda paggising.” Bulong kunwari ni Migs dito.
“Oo nga. Siyang tunay.”
“Hoy! Naririnig ko kayong mga hinayupak kayo.”
“Ay narinig tayo ni Braguda.” Tumatawang sabi ni Migs.
“Kayong mga wala kayong magawa. Kahit ano pang sabihin ninyo sa akin, ako at ang trabaho kong ito ang nakapagpatayo ng bahay na ito. Inutang ko lahat iyan sa SSS ko pati na sa PAG-IBIG! Kung walang PAG-IBIG wala tayong bahay ngayon. At ikaw…” duro niya kay Migs.
“Hindi ka makakapagtapos kung hindi dahil sa pagiging haggard kong isda paggising. Wala kang idea kung paanong tiniis kong huwag kumain ng ilang araw para lang may maipantustos ako sa mga bisyo mo! Sa mga luho mo! Tapos ganito lang. ito lang ang igaganti niyo sa akin? Wala kayong utang na loob!”
Sabay na tumayo ang dalawa at pumalakpak pa habang inabot naman sa kanya ni Migs ang flower vase pagkatapos.
“Ikaw na nga, Ikaw na ang best actress!”
“Salamat!” aniya pagkaabot ng vase. “I would like to thank my sponsors. My Pamily. Yes my Pamily who’e always been there for me through the good and the bad and the ups and the down of my life.” Sabi niya sabay kaway.
“Ang galing mo Ate Vi! Haym so froud op yow! Hep hep Hurrah!” gatong ni Jaime sa kalokohan niya.
“Tse!” Ingos niya sa mga ito.
“Sige na. Umalis ka na Kuya bago pa tayo matuluyan dito.” Si Migs.
“Oo na. O di ka ba sasama Jaime?”
“Hindi na. Nanduon si Earl eh. Baka kulitin lang ako nun.” Nakangiwing sabi nito.
“Grabe ka naman. Mabait si Earl. You just don’t get along too well.”
“Whatever Kuya. Just go.”
“Okay.”
Nagtungo na siya sa silid para magbihis. Nang makapaghanda ay saka siya lumabas sa kusina para kumain saglit ng hinanda niya kanina. Dahil sa pagdadrama ng ama ay nakalimutan na niyang kumain. Nagpaalam na rin siya sa mga kapatid na busy na sa pagbirit sa Magic Sing nila.
Dala niya ang sariling sasakyan na segunda-mano lang pero matibay pa. Kasama iyon sa mga na-i-loan niya ng makapagtapos na ang dalawang kapatid. Sa ngayon, Senior Editor rin siya ng LadLad Publishing. Kailangan niyang kumayod pa ng ilang taon para naman makapag-retiro siya sa pagsusulat ng maaga. Gusto niyang magsulat na lamang sa bahay na walang iniintinding kunsumisyon.
Magkikita sila ni Earl na friend niya from Dubai. Avid reader niya ito na kalaunan ay naging matalik ng kaibigan. Frustrated brother (sister?)-in-law rina ng turing nito sa kanya dahil sa pagkahaling nito sa kapatid niyang sira-ulo na si Jaime.
Nang makalabas ng SLEX ay nagtuloy siya sa Cubao. Sa Palawan sila magkikita. Ewan niya kung paano nasabi ng kanyang kapatid na si Migs na barriotic ang lugar. Siguro nakapunta na rina ng pamintang buo na mga kapatid niya doon.
Kinawayan siya ni Earl ng makita siyang pumasok ng bar. Maingay at maharot ang musika. Nagkalat din ang mga pamintang buo at durog na ay kanya-kanyang eksena. Naloka pa nga siya ng makita ang mga kaganapan sa iba’t-ibang panig ng bar.
Dumiretso na siya sa lamesa ng kaibigan.
“Kamusta na?” aniya rito.
“Eto, malungkot.”
“Bakit?” usisa niya rito.
“Eh kasi iyong kapatid mo.”
“Anong tungkol kay Jaime?”
“Hindi siya pumayag sumama rito.” Nakalabing sabi nito.
“Hay nako friend. In despair ka ba sa kumag kong kapatid na iyon? Ano bang nakita mo doon?”
“Hay, hindi mo naman sinisiraan ang kapatid mo ng lagay na iyan Charity?”
“Loka. Huwag mo nga akong tawaging ganyan. Naririmarim ako.” Kinikilabutan niyang sabi.
“O sige. Ako na ang straight.”
“Tse!”
“Order na tayo.”
“Go.” Sabi niya rito.
Matuling lumipas ang oras at pareho na silang may tama ng kaibigan kaya nagpasya na silang umuwi. Nagkandatumba-tumba pa sila pareho dahil sa kalasingan ni Earl. Nagpasya tuloy siya na i-uwi na lang ito sa bahay dahil di na makausap ng matino. Siya naman ay kaya pang mag-drive.
Nasa kahabaan na sila ng highway na medyo may kadiliman patungo sa kanilang subdivision ng biglang may maaninag siyang pigura ng tao na kumakaway sa kanya. Papasalubong ito sa sasakyan nya kaya naman nalloka siya ng tamaan ito ng ilaw.
Hubo’t-hubad ang lalaki.
At sugatan ito.
Mabilis ang pagganan ng instinct niya na baka may mga humahabol dito.
Hindi niya sana ito hihintuan ng literal nitong iharang ang sarili sasakyan at natumba.
Agad siyang nagpreno. Ilang minuto rin siyang di nakakilos. Maya-maya, mas nanaig ang damdamin niyang makatulong.
Binaba niya ang lalaking nakahandusay sa daan at kinausap ito.
“Manong!”
“Manong gising! Sinong may gawa nito sa’yo?”
Ungol lang ang isinagot nito. Marumi ang mukha nito at puro dugo at putik. Maganda ang katawan nito ayon sa pagkakaaninag niya kanina kaya naman nag-aalala siya kung paano ito bubuhatin. Medyo di kasi siya sanay magbuhat.
Lahat ng mga pag-aalinlangan niya sa pagtulong ay nawala ng makarinig ng mga putok. Mabilis niya itong binuhat at ipinasok sa backseat.
Mabilis niyang pinaharurot ang sasakyan palayo sa lugar na iyon.
Itutuloy…
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
3 comments:
wow may pag ka comedy ito ha..ehheheeh cguro si cody ung nkita nya na nakatakas sa sindikatong koreano..hehehe cont. talaga to pero ibang kwento..nice dalisay..ngayon lng ako nakapag basa busy masyado eheheh..newey tnx
Thanks Jhay L... tuloy ka lang sa pagbabasa
it's a good start. mukhang nakakaaliw ang mga characters. anonymous lang muna ako but agent knows me.
keep it up Dalisay!....thanks!
Post a Comment