Sunday, February 6, 2011

Task Force Enigma : Cody Unabia (Soon)

Task Force Enigma Cody Unabia


Tahimik ang buhay ni Kearse nang walang kaabog-abog na lumabas mula sa kawalan ang isang hubo't-hubad na lalaki. Walang-malay itong tumambad sa kanya sa kalaliman ng gabi habang nagmamaneho pauwi sa Laguna.

Pinaghilom niya ang sugat ng katawan nito hanggang sa magkamalay at makabawi ng lakas. Hindi niya alam na ang minasang pagmamagandang loob ay mauuwi sa isang libo't isang laksang kaguluhan sa kanyang nananahimik na buhay!

Ewan niya kung konsolasyon ng matatawag na ang walang-malay na lalaki ay maraming alam na kahalayan at kalandian at ubod ng kagwapuhan na magpapaningas daw sa kanyang aandap-andap na love-life. Putek! Ginawa ba siyang ilaw?

No comments: