Thursday, February 10, 2011

Lance na lang para Pogi 10

 Akda ni Jaime Sabado


Hindi ko malaman kong anu ang gagawin, animo'y napako ako sa kinauupuan ko habang
nakatingin sa kanila. Ngunit pilit kong nilabanan ang kalagayan kong iyon kaya habang busy si Bubble at chris sa kumustahan ay dali dali akong nag excuse.

AKO: "pare excuse me lang ah? CR lang" sai ko kay gio

GIO: "cge pare, balik agad ah"..hehehe"

Halos patakbo kong tinungo ang comfort room at doon ay nakaharap ako sa salaming nag-iiiyak.

AKO: "bakit?....bakit ganito ang nararamdaman ko?...bakit kapa bumalik" humahagulgol kong sabi sa sarili ko.

Para walang makapansin sa akin ay pumasok ako sa isang cubicle doon at nilock ko ang pinto at walang habas na nagiiiyak.

AKO: "hindi to maaari, hindi ko to dapat na maramdaman.. mahal ko si Bubble at iyon lang dapat ang isipin ko" pilit kong pagtataboy sa kasalukuyang nararamdaman ko ng makita ko si Chris

Hindi ko alam kung ilang nimuto akong nag-iiiyak sa banyo. Pero maya-maya ay nadinig ko ang isang pamilyar na boses.

BUBBLE: "Lando?... Lando andito kaba?"

Kinatok niya ang cubicle kung saan ako naroon.

BUBBLE: "Lando ikaw ba yan?...Lando?"

AKO: "Oo ako to, sorry masakit lang talaga tiyan ko" pagsisinungaling ko

BUBBLE: "Anu ba kinain mo Lando?, kaya mo pa bang bumalik doon? o magpapahinga ka nalang?"

AKO: "magpapahinga nalang siguro ako"

BUBBLE: "cge hihintayin kita dito, kuha tayo ng room sa taas, dito ka nalang magpalipas ng gabi ha?"

Natagalan pa ko sa cubicle kaya siguro nag-aalala na si Buuble na kinatok ako. Kaya binuksan ko na ang pinto at kunwari'y nakangiti akong lumabas at niyakap siya ng mahigpit.

BUBBLE: "oh nag LBM ka lang eh naging sweet kana..hehehe"

AKO: "para niyayakap lang kita eh.. wag na nga lang" sabay bitiw

BUBBLE: "uy, nagbibiro lang ako..hehehe" sabay tingin sa mukha ko.

Natahimik siya ng mapansin ang mga mata kong kagagaling lang sa iyak. Sumeryoso ang mukha niya ng mga sandaaling iyon.

BUBBLE: "may problema ka lando.. anu yun?"


AKO: "ah wala.. kung anu anu na naman yang iniisip mo"

BUBBLE: "pati ako ba naman pagsisinungalingan mo.. hay naku Lando, halika nga dito" sabay yakap sakin ng mahigpit

AKO: "ok lang ako bubble.. love you po"

BUBBLE: "i love you more lands" sabay halik sa labi ko

Inakay niya ako palabas ng banyo.

Hindi na ko nakaiwas pang muli ng makasalubong namin si Chris na patungo ata ng Cr.
Waring inaaninag ni Chris ang mukha ko.

BUBBLE: "pinsan, Cr kaba?..hehe nga pala meet Lando.. mahal ko to insan" sabay akbay sa akin

CHRIS: "Lando?..." halata na ngayon sa mata niya na nakilala niya ako

BUbble: "yup, classmate ko siya tapos yun na nga..hehehe"

CHRIS: "ah ok..nice to meet you Lando" sabay ngiti

Di ko alam pero nasaktan ako sa reaction niyang iyon. Parang wala lang sa kanya ang lahat, parang wala siyang ginawang pagkakamali sa akin noon.

Gusto kong maiyak ulit that time pero pinilit kong maging matatag at naging civil ako sa kanya. At gusto kong ipakita sa kanya na di ako apektado sa ginawa niyang pangiiwan, kahit na sa loob loob ko ay masakit pa talaga iyon.

AKO: "same here Chris, kumusta kana?, ibang iba kana kumpara nung high school ah?" pagpapakatatag ko pero umiiyak ang puso ko

Napawi ang ngiti sa labi ni Chris ng sabihin ko iyon.

CHRIS: "ah eh..ayos naman ako" sabay bitiw ng pilit na ngiti

BUBBLE: "magkakilala kayo?"

AKO: "yup. classmate ko siya from 2nd year hanggang 4th year pero matagal na iyon, HINDI NA MAHALAGA IYON" sabay ngiti

BUBBLE: "ok ah! mas nauna ka pala nakilala ng mokong na to Lando" kunwari'y nagtatampo

AKO: "PAST na yun bubble tsaka classmates LANG naman kami nun NOTHING IMPORTANT, di ko nga siya NAKILALA eh" ngiti padin kahit nasasaktan ako sa mga sinasabi ko

Nakita ko naman sa mga mata ni Chris na hindi niya inaakalang ganun ang mga sasabihin ko. Halatang nasaktan siya sa mga katagang binitiwan ko.

CHRIS: "excuse me" sabay tungo sa Cr.

BUBBLE: "Nagtampo ata.. adik ka kasing sabihan ng di mo na siya nakilala..hehehe puntahan mo nga muna at mag sorry ka..hehehe lupet naman ng mahal kong to" sabay yakap sakin at tulak papunta ng Cr.

Walang ideya si Bubble na kagaya din namin si Chris. Wala din akong nagawa kundi pumasok sa Cr dahil nakabantay sa labas si Bubble at gustong mag sorry ako kay Chris.

Pagpasok ko ng Cr ay dahan dahan kong dinungaw ang bandang lababo. Nakita ko si Chris doon at humahagulgol. Gustong gusto kong lapitan si Chris. Alam kong ako ang dahilan ng pag iyak niyang iyon.

AKO: "Sa laki ng kasalanan ng taong to sa akin bakit ba naaawa pa ko sa kanya" sa isip ko.

Bago pa man maluha na ako ulit ay lumabas na ko ng banyo.

BUBBLE: "ok na?"

AKO: "yup ok na, tara na" sabay hila kay Bubble

Bumalik muna si Bubble sa mesa namin, at ako naman ay hinanap kong nasaan ang naynay ko at magyayaya na akong umuwi.

AKO: "naynay uwi na po tayo inaantok na ko" sabay kamot sa ulo

NAYNAY: "oh wait, friends here is my son Lance. my lovable baby say Hi to my new friends"

AKO: "Hi po" nahihiyang bati ko

NAYNAY: "No, lovable baby, you get 3 rooms and we will stay in this hotel for a night"

AKO: "naynay english ng english nakaka inis" bulong ko

NAYNAY: "may sinsabi ka baby"

AKO: "wala po" sabay talikod

Sinunod ko naman si naynay at kumuha ako ng tatlong kwarto. Tig isa kami ni kuya na siguradong may matitira mamaya at isa kay naynay at taytay.

Bumalik ako sa party at tinungo ang mesa namin nila Bubble. Naroon na si Chris at mukhang ok na siya.

BUBBLE: "oh dito kana pala, san ka galing?"

AKO: "kumuha ng room sa taas, sabi kasi ni nanay na dito na daw kami magpalipas ng gabi"

BUBBLE: "yeheey dito tayo matutulog?"

AKO: "kung anu man yang nasa isip mo? hindi!.. matutulog lang tayo.." sabay tingin kay Chris.

Hindi ko alam pero concerned ako sa magiging reaction ni Chris. Hindi nga ako nagkamali, dumilim bigla ang mukha ni Chris sa nadinig.

MIMI: "Lando!!!" tili niya

AKO: "uy Mimi kumusta na?"

BUBBLE: "pati si Mimi kilala mo?" nagtatampo ulit

AKO: "hehehe oo,nobya yan ni..ni Chris mula high school" nasasamid kong pahayag

MIMI: "correction, bestfriends nalang po kami ngayon. He's with someone new ngayon" sabay ngiti kay Chris

Naging defensive naman ang reaction ni Chris.

CHRIS: "Mimi stop it!"

GIO: "Oh.......my.......Gosh... as in OMG!.. "

MIMI: "tama!!!!!!!!... bloodline niyo ata yan" tawa naman si mimi

CHRIS: " i said stop it!" sabay tingin sakin na animoy nagpapaliwanag ng kung anu

Nakuha ko ang ibig sabihin ni Mimi. Kaya mas nadoble ang sakit na umiipit sa dibdib ko. Parang ganun din ang ginawa ni Bugoy sakin.

Kaya naglakas loob akong magtanong.....

AKO: "asan naman siya ngayon?" sabay ngiti kunwari

MIMI: "nasa states pero siguro susunod yun in a week or two" sabay kurot sa tagiliran ni Chris na animoy kinikilig

Iniisip ko kung panu natanggap ni Mimi ang pagkatao ng dati niyang nobyo. Sigurado akong naging masakit iyon sa para sa kanya. Mas lalo kong pinagmasdan si Mimi. Doon ay naging malinaw sa akin na nasasaktan padin siya, kahit anung tago niya sa totoo niyang nararamdaman ay basang basa ko ang pait sa mga mata niya.

Nahuli kong pinagmamasdan ako ni Bubble at tinapik niya ako. Alam kong nakita din ni Bubble ang nakita ko kay Mimi.

Naawa ako kay mimi.

Natapos ang gabing iyon na hindi buo ang kaligayahan ko. Pagkatapos ng party ay tinungo na namin ni Bubble ang kwarto namin at doon nagpalipas ng gabi.

Bandang 2am ay bumangon ako sa kadahilanang di ako makatulog. Lumabas ako at Naglakad sa lobby ng hotel. Tinungo ko ang Terrace nito at doon ako nagpahangin muna.

CHRIS: "Lando?"

Tiningnan ko ang pinangalingan ng boses na iyon. Sa madilim na part ng terrace ay doon nakaupo si Chris.

Tumayo siya at lumapit sa akin. Nakasando siya ng puti at naka summer shorts. Lalo gumwapo si Chris mas naging define ang mga muscles sa katawan nito. Parang model ito sa itsura.

AKO: "andito ka pala" sabay talikod ulit

Ngunit bago pa man ako makalayo ay hinawakan niya ang kamay ko.

CHRIS: "Lando, mag usap tayo please"

AKO: "Anu naman pag-uusapan natin?"

CHRIS: "you're not inlove with borgy, are u?"

AKO: "kapal naman ng mukha mong itanong yan tol.. anu sa tingin mo ang rason at commited ako sa kanya ha?"

CHRIS: "hindi ko alam pero sa itsura mong yan, halatang hindi ang klase ni Borgy ang matitipuhan mo"

Nagdilim ang paningin ko sa nadinig kong iyon kaya isang malakas na sapak ang ibinigay ko kay Chris.

AKO: "Naturingan kang pinsan ng tao pero isa ka din sa mag dodown sa kanya"

Hindi sumagot si Chris. Maka yoko lang ito. hanggang sa napansin ko ang mga luha sa dumadaloy sa pisngi niya.

CHRIS: "mahal kita Lando, hanggang ngayon mahal padin kita"

AKO: "sabi nga ni mimi may karelasyon kana ngayon kaya wag kang swapang Chris" madilim ang mukha ko

CHRIS: "PerO...."

AKO: "tama na" sabay talikod palayo.

Ngunit laking gulat ko ng bigla niya akong yakapin mula sa likod ko. nadinig ko ang mga paghikbi niya tanda ng kanyang pag-iyak.

CHRIS: "landz, wala na ba talaga akong puwang jan sa puso mo?"

hindi ko malaman kung panu sasagutin ang tanong niyang iyon kasi alam ko sa sarili ko na kahit papaanu ay mahal ko pa siya.

AKO; "Bitiwan mo ako chris kung ayaw mong may magawa akong hindi mabuti sayo" maatigas kong pahayag.

Ngunit bago pa man makabitiw sa pagkakayakap sa akin si Chris ay............

BUBBLE: "Lando?... anung ibig sabihin nito?" halatang kanina pa siya lumuluha





ITUTULOY..........

1 comment:

Jadey said...

You can't have it all. Bakit may mga taong gusto ata ay angkinin ang lahat pero siguro may malalim silang dahilan. Ano pa man ang dahilan nila, para sa akin hindi tamang gumamit ka ng iba para punan ang ano mang pagkukulang sa iyo.