Sunday, February 27, 2011

SONGS WE USED TO SING

akda ni Jubal Leon Saltshaker

One


“Oh – once in your life you find someone.
Who will turn your world around.
Bring you up when you’re feeling down.”
-Bryan Adams



"May naadmit pala tayo kaninang madaling araw...lalake'."


"Nasaan na po mam'?"


"Nasa RM203. Sayo ko na lang in-endorse para lahat kayo tatlo ang hawak...madami ang na-discharge kaninang umaga..."


"Sige po mam'...salamat. Mamaya po pupuntahan ko agad pagkabasa ko sa chart nya..."


MALIBAN pa sa dalawang hawak ko', pangatlo ang naadmit kanina.
Ayon sa chart nang bago kong kliyente, Construction Worker daw ito at dalawampu’t anim na taong gulang. Wala pa ring dumadalaw dito kwento rin nang mga kasamahan kong Nurse. Base din sa Interview na ginawa sa kanya, ay magsolo lamang daw itong naninirahan dito sa Manila. Isinugod sya nang mga kasamahan sa trabaho matapos na mabagsakan nang pader ang kanang binti nito habang natutulog.


Hindi naman nabali ang kanyang buto ngunit dahil sa pressure, namaga ito at nagtamo nang ilang mabababaw na sugat. Nang sapitin ko ang kanyang kwarto ay dahan-dahan ko itong binuksan na tahimik naman akong sinalubong nang kapaligiran. Dalawa ang kama sa silid at sapat lamang sa sampung katao ang buong lugar kaya’t may kaliitan. Agad kong namataang natutulog ang pasyente sa kaliwang kama katabi ang bintana samantalang bakante naman ang higaang katabi nito. Lumapit ako nang bahagya upang masiguro kung natutulog nga ito. Pinagmasdan ko ang army-cut na style nang kanyang buhok at agad ko ding napansin ang nunal nito sa mukha na nasa pagitan nang kanyang ilong
at labi. Na kung hindi mo titingnang mabuti ay hindi mo talaga mapapansin.
Bago pa man ako magtagal sa kwarto ay pinasya ko na ding agad na umalis at bumalik na lamang mamaya upang hindi ko rin ito maistorbo. Nang akma naman akong tumalikod ay bigla naman itong nagsalita upang kunin ang aking atensyon.


"Dok'.."


Mahina nitong sinambit na bago pa lamang iminumulat ang mga mata.


"Magandang umaga."


Bigla pa akong kinabahan dahil sa hindi ko talaga sigurado kung nahuli nya akong nakatingin sa kanya kanina. Pumasok din sa aking isipan kung bakit ko ba ginawa iyon.


"Hindi po ako Doktor. Nars po ako Sir’."


Tugon ko sa kanyang nang nakangiti.
At dito ay muli na akong lumapit.


"Pasensya na po Dok-..."


Bigla itong natigilan at matapos ay bahagyang natawa.


Kinamusta kong agad ang kanyang paa. Bagay na araw-araw kong ginagawa sa aming mga kliyente. Kliyente, dahil bilang isang Nurse ay obligasyon naming sila ay pagsilbihan at ang pagtawag sa kanila nang salitang pasyente ay hindi magandang pakinggan.


Iniangat nitong bigla ang kanyang katawan at hindi ko sya dito natulungan. Matapos nito ay patuloy na syang nagsalita. Namamaga pa daw ang kanyang paa at sa tuwing madadampian ito nang kahit na tela, ay agad na sumasakit. Bagamat kasama sa aking trabaho ang sya ay usisain ay hindi na ako masyadong nagtanong pa dahil sya na mismo ang patuloy na nagsasalita na pabor din naman sa akin. Nabanggit din nito na lumuwas daw sya nang Maynila upang maghanap nang trabaho. Magsolo lamang daw sya at nasa probinsya ang kanyang buong pamilya. Habang patuloy sa pagsasalita ay sya namang dating nang kanyang pananghalian mula sa dietary.
Tinulungan kong ihain ang mga pagkaing dumating habang patuloy pa din ito sa pagkekwento. Sa tuwing di ko sinasadyang matingnan ang kanyang mukha ay mabuti nya naman akong tinititigan, talo din naman ako sapagkat mabilis ko ding iniiwas ang aking mga tingin. Maaliwalas ang kanyang mukha at halata ditong masayahin talaga syang tao.


"Nakakahiya naman po...kumakain ako at kayo'y hindi..."


Sambit nito habang nakangiti pa rin sa akin. Nang Makita kong muli ang kanyang mukha ay bigla ko namang napansin ang isang butil nang kanin sa taas nang kanyang mga labi.


"Okay lang yun...huwag mo na pati akong po-in. Mas matanda ka pa sa akin. Twenty-five ako..."


Ngisi ko dito.


"Ah..ganun po ba?"


Sagot nya sa akin.


Bago ko pa malimutan ay ipinainom ko na dito ang dala kong mga gamot, nakakain na din naman sya at tamang oras na din naman upang ito ay kanyang inumin. Nang kinuha nito mula sa akin ang unang gamot at akma ng iinom nang tubig ay bigla ko itong pinigilan.


"Wait lang..."


Hindi ko naman napigilan at hindi ko rin alam kung bakit ko iyon ginawa. Kinuha ko ang butil nang kanin sa kanyang bibig at mabilis na inilagay ito sa tray nang kanyang kinainan.


"Ah'..."


Sambit nya matapos ko itong gawin at…


"Salamat po.."


Dagdag pa nito.


Tumango naman ako at sinabing tutuloy na ako at babalik na lamang ulit.
Nang makatalikod na ako ay tinawag na naman ako nitong muli.


"Nars Sir...ano nga po ulit ang pangalan nyo?..."


"Ulit?...hindi ko pa sinasabi ah’...hehe’. Angelo..."


Sambit ko.


"Viktor no?..."


Pahabol ko dito.


Tumango lamang ito sa akin.


"O' nga pala...huwag mo nang inumin yang softdrinks na yan ha..."


Turo ko sa bote nang Royal sa na nasa ibaba nang kanyang kama.


"Ah'...okay po. Kasi yung nanay ko po yan ang pinaiinom sa amin kapag may lagnat kaming mag-kakapatid...at pinakakain din kami nang Skyflakes..."


Paliwanag nya sa akin.


"Haha!"
Hindi ko napigilang matawa sa kanyang mga sinabi dahil noong bata ako ay biktima din kami nang ganyang paniniwala.


"At isa pa, wala ka namang lagnat..."


Dagdag ko.


"Minsan nga po e' kung sino ang may sakit e kinaiinggitan namin. Kasi sya ang may extra pagkain...hehe...hindi pala maganda yun..."


Pinangangambahan kong patuloy syang magkukwento ngunit hindi na nito dinagdagan pa ang kanyang mga sinabi. Nagpatuloy na akong dumiretso patungo sa pintuan at hindi ko na ginawa pang lumingon dahil ayoko din namang makita nya akong naka-ngiti. Nang maisara ko na ang pinto at masimulan ko nang mag-lakad paalis sa lugar ay kasalubong ko naman ang apat na kalalakihan na sigurado akong patungo sa kwartong aking nilabasan. Tila mga kasamahan nya sa trabaho dahil sa tipo nang kanilang kasuotan.
Nang mapatingin ako sa orasan, napansin kong mahigit thirty minutes din pala
akong nagtagal sa loob nang hindi ko namamalayan.


Hindi ko alam kung ano ang kasalukuyang nangyayari sa akin, ngunit nasisiguro kong isa yung pakiramdam nang isang taong kinakabahan habang sya ay natutuwa.




ITUTULOY...

No comments: